Ivanna

Oleh JanelleRevaille

21.2K 1.1K 365

[HIGHEST RANK: #16 in Historical Fiction - April 28, 2018] Year 1941, after the spark of the second world war... Lebih Banyak

Ivanna
Janelle Revaille's Note
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11

KABANATA 8

769 57 11
Oleh JanelleRevaille

Nakatayo muli ako sa harapan ng salamin habang tinititigan ang mga pilat saking likuran. It's very unsightly. Ang pangit tignan. Siguradong kahit na sino ang makakita nito, mandidiri.

Hindi ko pa naitatanong kay Spencer ang tungkol dito. Hindi ako makakuha ng pagkakataon. Maliban kasi sa baka hindi niya alam ang tungkol sa mga pilat na 'to ni Ivanna, mukhang iniiwasan niya rin ako. Tuwing lalapit ako, nag-iiwas siya ng tingin at gagawa ng excuse para 'di kami magkausap.

Allergic ba siya sa salitang gwapo? Kasi nagsimula 'to four days ago. Tinawag ko siyang gwapo, hindi ba dapat maging masaya siya? I complimented him. Did he take it as an insult? Or kinilig siya? Kung gano'n, naiintindihan ko siya. Minsan kinikilig din ako sa sarili ko.

Umiling ako at nag-ayos. Sa apat na araw, wala man lang akong nalaman na bago tungkol kay Ivanna. Maliban sa hindi ko makausap si Spencer, abala ang mga tao sa mansyon para sa pagdating ng mga matatass na pinuno kuno ng grupo nila.

I sighed. "Isa pa 'yan," I whispered. Lumabas na ako ng silid at tinahak ang tahimik na pasilyo.

Bukas na magaganap ang pulong at hindi man lang ako handa. Wala man lang briefing sa kung anong role ang gagampanan ko dito. I am completely clueless. Sana man lang binigyan nila ako ng oras lalo na't alam naman nilang galing ako sa isang aksidente. Ganito ba ang mga rebeldeng grupo? Wala ba sa vocabulary nila ang salitang pahinga?

Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanilang nagmula ako sa hinaharap at hindi ako si Ivanna pero sino nga namang maniniwala sakin e napakaimposible nga naman ng ganitong pangyayari. Maski ako nga nahirapang paniwalaang napadpad ako sa katawan ni Ivanna.

Naikuyom ko ang kamao ko. "Naku, kasalanan talaga 'to ng Emily'ng 'yun!"

Ano ba talaga ang pumasok sa utak no'n at tinulak ako? Para lang sa isang lalaki handa siyang pumatay ng tao? Baliw nga talaga siya. Pare-pareho lang sila. I badmouthed Samuel and Amalia slapped me. Para bang hindi iniwan ang sariling pamilya para mapaligaya ang sarili. They should just rot in hell.

"Binibini!" Napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Constanza na nasa dulo ng pasilyo. Hawak-hawak nito ang dibdib at hinahabol ang hininga. "Y-yung manok..." Itinaas niya ang kamay at itinuro ang isang inahin na tumatakbo palapit sakin. "D-dakpin mo ang manok!"

"W-what?!"

"'Di siya pwedeng makatakas! H-hapunan natin siya!"

I blinked, what the fuck? Hindi na ako nagdalawang-isip. I crouched and spread my arms ready to catch the outlaw rooster.

I was sure to catch it but everything happened so fast and the next thing I know, the damn rooster escaped my grasp. Padabog akong tumayo at napakuyom ng kamao, "Ah gano'n, gusto mong makipaghabulan?" I rolled the sleeves of my dress upto my elbow. "Then habulan it is!" I said before running after the wild rooster.

"B-binibini!"

'Di ko na pinansin si Constanza at patuloy na hinabol ang manok. Sa manok ko nalang ibubunton lahat ng inis at frustration na nararamdaman ko. Umabot ako hanggang sa dulo ng pasilyo nang biglang lumiko ang manok sa nakabukas na pinto ng isang silid.

I paused. "Why is this thing so persistent in escaping its fate?" I whispered while wiping the sweat on my forehead. This thing is giving me a hard time.

I took a deep breath before barging into the room. Pero agad akong napaatras nang bumungad sakin si Spencer. Nakatayo siya malapit sa paanan ng kama hawak-hawak ang susuoting damit.

"I-Ivanna?"

I blinked. Hindi niya suot ang salamin niya sa mata at halatang kagigising lang dahil sa magulo nitong buhok. He looked tired, well that's how he usually is. He was only wearing his black pants with its button and zippers open. I could see the white sheet underneth it.  My gaze explored his exposed upper body. From his broad shoulder to his strong veiny arms down to his perfectly sculpted six-pack abs to his v-line down to his...

"A-anong ginagawa mo dito?" he asked before covering his body with his shirt. Dahil maputi siya, halos magkulay kamatis na ang buong mukha niya. Dinaig pa niya ang reaksyon ng babaeng binosohan.

I felt a little sad when he covered his body. It's a woman's instinct to stare at a guy's body especially if it's worth staring at. Mga tulad lang ni Emily ang magtatakip ng mata na parang reproductive organ na ng lalaki ang nakita.

"Sa sobrang perpekto mo, pwede na kitang pagawan ng rebulto."

His eyes widen and he took a step back. Maski ako nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ko pero hindi ko pinagsisihan. I stated a fact and I like Spencer's reaction. The first time I saw Spencer, I didn't know he had this heavenly body. Parang wala sa mukha niya ang pagwo-work out.

"Hala, pasensya na may hinahabol kasi ak—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang mahagip ng manok ang atensyon ko. The damn thing was standing on the window's frame, and I don't know if this is a withdrawal syndrome of me not being able to smoke, that the thing looked at me before jumping off the window. "Fu... Puta!"

"Ivanna..."

Mabilis akong umalis sa silid at iniwan si Spencer. I'll apologize to him later. My top priority right now is to catch that outlaw dahil sawang-sawa na akong kumain ng mga halamang-ugat.

Dali-dali akong lumabas ng bahay at pumunta sa tinalunan ng manok. Hinihingal kong inilibot ang tingin sa paligid para hanapin ang manok.

"T-there you are!" I said when I saw the thing running towards the bushes.

Our chase ended when I cornered the thing right next to a huge tree in, what seems to me, a garden. Pinulot ko ang manok at binigyan ito ng napakalawak na ngisi. "Huli ka, balbon."

The chicken just cocked its head and stared at me with its round eyes that doesn't even blink. "Grabe kang manok ka. Pinagod mo ako. Deserve mo talagang maging tinola mamaya. Lalo na't malamig na ang panahon. Naku!" Inilibot ko ang tingin sa paligid. There is a small field right in front of me. May nakatanim na iba't ibang uri ng gulay— petchay, talong, okra at lahat na siguro ng nasa bahay kubo. Napapalibutan pa rin ng mga kakahuyan ang taniman. Sa 'di kalayuan naman ay may kulungan ng baboy na gawa sa kawayan at kahoy. Kulungan nga ng baboy pero wala namang laman. "Tignan mo kung sa'n tayo inabot. 'Di ko na alam tong parte ng lugar na 'to. Kapag ako naligaw, ako mismo kakatay sa'yo."

Nilingon ko ang parteng dinaanan ko kanina. Siguro kapag sinundan ko lang 'yun makakabalik ako agad sa mansyon.

I sighed before sitting on the tree's huge roots with the chicken on my lap. "Pero siguro mamaya na ko babalik. Ang sakit ng paa ko." Tinignan ko ang sapin ko sa paa at napansin kung gaano kadaming putik ang dumikit dito. Sinamaan ko ng tingin ang manok, "Alam mo, bwisit ka sa buhay ko. Niligaw mo na ko, pinagod mo na ko, ano pa? Gugutumin?"

Alam kong hindi dapat ako naghihintay ng sagot mula sa manok, pero hindi ko alam kung bakit nagi-expect akong sasagot ito, "Alam mo para kang si Emily e. Kung 'di dahil sa kanya at sa pagiging madumi niya, 'di sana ako mamatay at mapupunta sa katawan ni Ivanna. Sana 'di ako ngayon naghihirap. Mahimbing sana akong natutulog sa malambot kong kutson. Sana 'di ako nagtitiis sa walang kuryente at boring na lugar na 'to. At isa pa, 'di ako relate dito e. Masyado silang makaluma, alam mo 'yon? For sure, 'di rin nila gets ang mga inside jokes ko, ang mga latest fashion trends, yung mga natitipuhan kong lalaki sa university. 'Di ba nakakabagot 'yon dahil wala man lang ni isang makakarelate sa mga topic na gusto ko? At pa'no ko rin maikukwento sa kanila 'yon e hindi naman nila ako kilal bilang Adeline. Tapos, nabigyan nga ko ng pangalawang pagkakataong mabuhay, mamatay din naman ako in nine months. Tapos gusto kong iwasang mangyari 'yon pero napakamisteryoso ni Ivanna kaya pa'no ko magagawa ang plano ko kung ang isang mahalagang info tungkol sa kanya ay wala ako?"

The chicken just stared back at me. I sighed once again, "Why the hell am I talking to a chicken? 'Di naman ako nito naiintindihan." It let out a sound as if it's mocking me. "Pero since nandito na tayo at kakatayin ka din naman mamaya, tatawagin na kitang Emily. 'Di mo na sana ako binangga, 'di sana naging miserable ang buhay mo. Isa pa naman sa pinakaayaw ko ay ang tinatawag akong marumi ng taong nagmamalinis. Naiintindihan mo 'yon, Emily? Kaya alam mo, bagay sa'yo ang maging hapunan mamaya."

"Matigas ang karne ng tandang kaya't hindi ito magandang gawing ulam." Napatayo ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Napaharap ako sa nilalang na biglang sumulpot at ginawang shield ang manok.

"What the f—" I was about to throw all the curses I know but stopped when I noticed that it was just a normal human. Nakahinga ako ng maluwag. Halos patayin na ako ng sarili kong puso dahil sa sobrang gulat.

Napatingin ako sa babaeng biglang sumulpot. She was preventing herself from laughing. Teka— may nakakatawa ba?

She was normal looking. Her black hair falls freely up to her waist. She was wearing a monochromatic green long-sleeved dress that reaches mid-calf. Payat siya at maputla. Mas maputi pa kay Emily kahit na nagu-gluta na 'yon. Para siyang kinulang sa dugo. There were dark circles under her tired eyes and she looked sickly.

"Paumanhin, binibini. Hindi ko nais na gulatin ka. Narinig ko kasing binigyan mo siya ng pangalan. Hindi ba't parang pambabae iyon para sa isang tandang?"

Naialis ko ang tingin sa kanya at naibaling ito sa hawak kong manok. I cleared my throat, "Ah, hindi. Bagay kasi sa kanya."

"Nais mo ba siyang alagaan?"

I dropped the chicken and gave her an are-you-nuts look. "What? No..." She tilted her head as if she didn't understand my reply. "Ibig kong sabihin, hindi. Ba't ko siya aalagaan e hindi naman siya aso?"

She chuckled and a dimple appeared on her right cheek, "Hindi lang naman aso ang inaalagaan, binibini."

I mentally rolled my eye heavenward, "I know that."

"Sino ka nga pala?" I asked. Pero ang gusto ko talagang itanong ay kung ano siya. Malay natin, 'di pala siya tao. Nakakabother 'yung sobrang putla niya.

Nawala ang ngiti sa mukha nito at napalitan ng lungkot. "Nawala nga pala ang iyong alaala."

I nodded slowly. Muli namang bumalik ang ngiti sa mukha niya pero ngayon ay parang pilit na ito.

Inilahad niya ang kanang kamay. "Ako si Regina Espiña."

Tinanggap ko ang kamay niya. She seems harmless and she seems to be one of Ivanna's friends. Ibinaba ko ang kamay at ibinaling ito sa taniman.

"K-kanina ka pa ba?" tanong ko sa pangambang baka narinig niya lahat ng pinagsasabi ko sa manok kanina. Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling narinig niya ako kanina at nalamang hindi kaluluwa ni Ivanna ang nas katawan niya ngayon.

From my peripheral vision, I saw her blinked. I gulped. Naramdaman ko ang pamamawis ng mga kamay ko habang hinihintay ang sagot niya. Naging seryoso ang mukha nito at mas lalo akong kinabahan.

"Kararating ko lamang, binibini. Sapat lamang upang marinig kong pinapangalanan mo iyong manok."

Napahawak ako ng dibdib at nakahinga ng maluwag, "Hay, salamat!"

She tilted her head, "Bakit? May problema bs, binibini?"

I shook my head while waving my hands in front of me, "Naku, wala! Baka kasi ano... ano, isipin mong nabaliw ako dahil sa aksidente dahil kinakausap ko 'yong manok pero hindi naman talaga."

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. I gave her tight smile to ensure her that I am mentally okay.

"A-ano nga palang ginagawa mo dito?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ah, iyon ba?" Naglakad siya palapit sa taniman at sinundan ko siya ng tingin. "Narito sana ako upang anihin ang mga itinanim kong gulay."  Itinuro niya ang parte ng taniman kung saan naroroon ang mga luntiang pananim.

Naglakad ako palapit sa kanya at tumabi sa kinatatayuan nito. "Ikaw mag-aani no'n?"

Tumango siya, "Ako ang nag-aalaga nitong hardin. Habang ang iba sa mansyon ay abala, naisipan kong ako na lamang ang mag-alaga nitong taniman upang kahit papano'y may naiiambag ako sa samahan."

"Sandali, hindi ba dapa't ang kalalakihan ang gagawa ng ganyang bagay?" Mahirap mag-ani ng mga tanim ng mag-isa. Sa ilang taon kong paninirahan sa sakahan ni Lola, alam ko kung gaano kahirap 'yon lalo na kung ganito kalawak ang kailangan alagaan.

Tumingin siya sakin at sumilay muli sa mukha nito ang isang ngiti. "Hindi ba't nababagay lamang para sa isang lalaki ang pamumuno ng isang samahang lalaban sa mga dayuhan? Nagawa mo iyon, binibini, kahit na isa kang babae. Kaya, nais kong maging tulad mo."

Bumilis ang tibok ng puso ko. I saw how much she looks up to her. Nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya humahanga kay Ivanna. Hindi lang siya. Halos lahat ng mga tao sa mansyon. They all treat Ivanna like she's a precious gem. Just seeing her impact on these people, she must be a good leader.

Something I will never become.

"Noong nalaman kong nagising ka na ay hindi ko nagawang dalawin ka. Mas pinaganda ko kasi itong taniman dahil alam kong ito ang iyong madalas na pinupuntahan sa tuwing gusto mong mapag-isa," dugtong niya.

"Kung gano'n, palagi akong pumupunta rito?"

Inalis niya ang tingin sakin, "Noon ay minsan lang. Ngunit nitong mga nakaraang buwan, napansin kong halos araw-araw ka nang pumupunta rito. At dahil doon, palagi na rin kitang nakakausap, binibini."

Finally, I was able to talk to someone who knows Ivanna. Halos lahat ng tao sa mansyon sa masyadong abala. Kahit papano ay may nakukuha akong mga impormasyon tungkol kay Ivanna dito kay Regina. But will this be enough for me to find her killer?

"Oo nga paka, Regina. Hindi kasi naikwento ng buo ni Spencer ang nangyari sakin bago ako... mawalan ng alaala. Alam mo ba kung anong nangyari sa araw bago ako nawalan ng alaala?" tanong ko na umaasang sasagutin niya ito. I badly need answers right now. Hindi matagal ang ang siyam na buwan. If I realky wnted to I saw her flinched. "Gusto ko lang kasing malaman. Malay mo baka bumalik ulit ang mga alaala ko."

Hinintay ko siyang sumagot. Humarap siya sakin, "Naikwento lang rin sakin ni ama ang nangyari. Nang patungo kayo sa Mapanas, nagpalipas muna kayo ng gabi sa isang baryo malapit sa San Jose. Bigla ka na lamang nawala. Hinanap ka nila at natagpuan kang nasa gilid ng ilog at walang malay."

Napakunot ang noo ko, "A-anong ginagawa ko sa ilog?"

Napayuko siya, "Hindi alam nila ama ang dahilan. Natagpuan ka na lamang na walang malay at may sugat sa ulo." Napansin ko ang panginginig ng mga daliri nito. She began to stutter, "A-akala nila mamamatay ka, binibini. Halos hindi ka na raw humihinga noon. Noong nalaman ko iyon nabalot ako ng takot dahil... binibini."

Inangat niya ang tingin at nagulat ako nang biglang tumulo ang luha sa mga mata nito.

"T-teka..." Why the hell is she crying? I didn't do anything wrong. Teka, bakit ang daming iyakin sa panahong 'to. Ipinatong ko ang dalawang kamay sa magkabilang balikat niya."B-bakit ka umimiyak?"

She sniffed at mas lalo pang tumulo ang mgs luha,"Binibini, bago kayo umalis, n-nagpaalam ka sakin. P-para bang ipinahihiwatig mo na... na ayaw mo nang mabuhay."

-

Hi! Did you like this chapter? I hope you did! Don't forget to vote and comment.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

25.6K 10.2K 40
Life Begins Series #1 Cassandra Monteclaro is an eighty years old woman. She lives her life alone, no husband, no child, and not even for once experi...
1.1M 70.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
151K 5.6K 58
Description: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at...
795K 34.8K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...