My Cold BoyFriend (COMPLETED)

By TheLostMemoryOfLove

3.6M 98.9K 7.3K

KaThan's Story More

Characters
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
EPILOGUE
Speacial Chapter 1
Special Chapter 2
Announcement

Chapter 25

43.1K 1.2K 62
By TheLostMemoryOfLove


Patago

Nandito kami ngayon sa garden ni Ethan..Magkahawak kamay..

Wala naman kasi akong magawa kasi nga mapilit siya diba?

"Kathlyn.." bigla nalang humigpit ang hawak niya sa kamay ko

Nilingon ko siya..

"Okay lang bah kung itago natin yung relasyon natin?" aniya at tiningnan ako sa mata

Napakunot naman ang noo ko..

Bakit namin itatago?.Akala ko bah mahal niya ko tapos ayaw niyang ipaalam sa iba?

"Wait..Bakit natin itatago?." binitawan ko yung kamay niya

Kitang kita ko ang pagkakataranta niya dahil sa pag bitaw ko sa kamay niya..

"Kathlyn , sandali lang naman nating itatago eh.." aniya at kukunin sana ang kamay ko pero agad akong umatras

"Anong dahilan?.Bakit gusto mong itago?" medyo tumaas na ang boses ko

Hindi ko lang talaga kasi maintindihan kung bakit gusto niyang itago namin..

Kung mahal niya ako , ipagsisigawan niya sa mundo..Hindi yung gusto niyang itago..

"Naaalala mo yung banta ni Eliza sayo?.Na kapag nalaman niyang sayo na ako , makikita mo ang kung sino ang kinakalaban mo..Ayoko lang naman na may gawin siya sayo.." aniya at hinawakan na ng mahigpit ang kamay ko

Hindi ako nagsalita..

Oo , natatakot rin ako sa banta niya sakin..Pero hindi niya naman dapat itago ang relasyon namin eh..

"Kilala ko si Eliza , sa oras na mag banta siya , talagang hindi ka niya titigilan..Gusto kong itago ang tungkol satin kasi natatakot ako sa gagawin niya sayo..Kaya ko siyang kalabanin , pero hindi sa lahat ng oras kasama kita..At baka kapag wala ako sa tabi mo , sugurin ka niya agad.." aniya at niyakap ako

Napabuntong hininga nalang ako..

May magagawa pa bah ako para pigilan ang desisyon niya?

Wala na diba?.Kasi tama rin siya..

Niyakap ko nalang siya pabalik..

Alam kong mahihirapan ako kasi kailangan namin 'tong itago..Pero kailangan eh..

Kinabukasan at hindi na kami sabay pumasok ni Ethan..Yun daw kasi ang dapat eh..

Hayst!..Feeling ko tuloy parang walang kami..

Habang naglalakad ako ay bigla nalang tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag..

Tumatawa si Ethan..

Agad ko yung sinagot..

"Hello?" nilagay ko ang phone sa tapat ng tainga ko

"Kathlyn , pumunta ka sa school garden..May surprise ako sayo.." si Ethan sa kabilang linya

Magsasalita pa sana ako pero agad na niyang binaba ang linya..

Bumuntong hininga nalang ako at naglakad ulit papuntang school garden..

Nasa field palang ako ng school ng may bigla akong makabangga..

Nahulog ang phone ng isang matandang lalaki kaya agad ko yung pinulot at iaabot na sana sa kanya ng bigla nalang..

"Kathlyn?"

Tiningnan ko ang mukha nito at nanlaki nalang ang mata ko dahil nakita ko siya ulit..

"D-Dad?" kinakabahan kong sabi

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap..

"Kathlyn , anak..Bakit ka umalis?" medyo nanginginig na ang boses ni daddy ng sabihin niya yun

Hindi ako nagsalita..

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya..

Marami akong tanong eh..

Kung hinanap niya bah ako nung lumayas ako..Kung nag alala bah siya sakin kasi ganito siya makayakap..

Hindi ko na alam..

Nahihirapan na rin akong isipin na ganun nga..

"Miss na miss ka na ng kapatid at mommy mo.." aniya at hinawakan ang balikat ko

"Bakit po kayo nandito?." malamig kong sabi

"Anak , hinanap kita.."

"Hinanap?.Dad , imposible yan..Kasi kahit kailan , hindi niyo naman pinaramdam sakin na anak niyo ako.Kami ni Jane..Tapos hahanapin niyo nalang ako bigla?Wag ka ngang magbiro dad..Mas maniniwala pa siguro ako kung si kuya yung hinanap niyo.." 

Hindi siya nagsalita pero kitang kita sa mata niya na may gusto pa siyang sabihin..

Huminga ako ng malalim at nag iwas ng tingin..

"Umalis na lang po kayo , dad..Paki sabi nalang po kina mommy na wag na silang mag alala sakin kasi okay naman ako kahit wala kayo.." sambit ko at lalagpasan na sana siya ng bigla siyang nagsalita..

"Hinanap kita kasi gusto kong malaman mo na nagsisisi akong nambabae ako at hindi ko kayo pinahalagahan..Gusto ko lang naman bumalik ang pamilya natin sa dati..At malaman kung ano talaga ang totoong dahilan ng pagkamatay ng kuya mo.."

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa huling sinabi ni daddy..

Nagtataka rin kaya siya dahil sa pagkamatay ni kuya?

"Alam kong ilang taon na rin mula nung nawala ang kuya mo..Pero bago siya mamatay ang alam ko , duguan na siya.Hindi ko na nagawang magtanong kasi kinabahan na rin ako..Kaya gusto kong malaman kung bakit nangyari ang lahat ng yun.." si dad

Nilingon ko siya dahil sa mga sinabi niya..

"Sana bumalik ka na sa bahay , Kathlyn.." ani daddy at umalis na

Huminga ako ng malalim at lalakad na sana ulit pero nagulat nalang ako ng makita ko si Ethan sa harapan ko..

"E-Ethan.."

Kitang kita ko ang pagtataka sa mata niya..

Narinig niya bah lahat?

"Daddy mo?" aniya at diretsong nakatingin sakin

Ayokong ipaalam pero mukhang huli na ang lahat..Tumango nalang ako sa kanya..

"Mayaman ka naman pala eh...Anak ka ng isang Sanchez.Akalain mo , inakala ko talagang mahirap ka kasi wala kang pera.." aniya na parang natutuwa pero ang totoo hindi talaga

"Ethan , may dahilan ako--"

"Hindi mo naman kailangang mag explain kasi alam ko namang may dahilan ka..Hindi ko na rin aalamin kasi ayoko namang ma-awkward ka pa sakin.." aniya at ngumiti

Bakit feeling ko kabaliktaran ng sinasabi niya ang nararamdaman niya?

"Nga pala , babalik na sina mommy at daddy bukas..Babalik ka na sa nirerentahan mo..Ihahatid nalang kita mamaya pagkatapos ng surprise ko sayo.." hinawakan niya ng kamay ko bago ako hinila papunta sa school garden

Nang makarating kami doon ay nakita ko nalang ang malaking teddy bear at isang boquet of flowers na nasa bench..

"Hindi na ako masyadong nag effort kasi nga diba , sekreto lang muna tayo sa ngayon.." aniya at niyakap ako sa likod

Ngumiti naman ako sa kanya..

"Okay lang naman sakin kung hindi ka masyadong nag effort..Basta alam kong mahal mo ako.." sambit ko at nilingon siya

Nakatitig lang siya sakin ng seryoso..

"Ti amo anche se non siamo destinati a esserlo."-(I love you even if we are not destined to be."

Napakunot nalang ang noo ko dahil hindi ko na naman siya naiintindihan..

"Anong ibig sabihin nun?" tanong ko sa kanya

"Basta..Malalaman mo rin." aniya at hinalikan ang noo ko

Bakit parang feeling ko may kakaibang mangyayari?

Para bang may mag iiba sa lahat ng nangyayari ngayon?


Continue Reading

You'll Also Like

53.6K 1K 52
Naranasan mo na ba ma-Heartbroken? Masakit diba? So, move on na? Eh, pano kung hindi mo siya makalimutan? Suicide na ba? Lol. Thats a big NO! Edi m...
159K 2.9K 72
Si Jia Stephanie Lee at Sky Jire Byun ay 9 taon nang mag kaibigan. Sabay silang lumaki at nakasanayan na nila ang presence ng isa't isa. Pano nalang...
19.6K 484 59
TMATFJ Completed Ranked #1 in teen clash Limang Maldita? Limang Maldita na nagrurule sa isang Academy.. Limang Maldita na Sikat sa Campus Limang Ma...
2M 35.9K 61
Most Impressive Ranking: Rank 1 in #TeenFiction! (10/14/18) They are living under the same roof. But what's the twist? They are college classmates...