Bad Clandestine

By Essecura

1.8K 33 0

Cruelia Valdeabella is the secret daughter and heiress of the Valdeabella but when she was saved by their riv... More

Bad Clandestine
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9

Kabanata 3

69 3 0
By Essecura

Kabanata 3
Nightmare

Nang maglaho na ang boses nila ay saka lamang ako lumabas sa pinagtataguan at tinuloy ang paglilinis.

Habang nagwawalis ay naglalakbay ang isipan ko at kung hindi pa ako sinita ni Sopia nang makita ako ay baka natagalan na ako roon. She insisted to help me, aniya ay malawak nga naman iyon at aabutin ako ng ilang oras pa kung hindi ako magpapatulong.

"Hugas na ang kinainan kanina. Iyon talagang si ma'am Kayz kung anu-anong inuutos kaya hindi siguro magustuhan ni Sir. Jackson," naagaw ang atensyon ko roon. Hindi magustuhan?

"Hindi ba sila?" she shook her head, "Hindi ko rin alam pero mukhang hindi naman."

May iilang mga nalalaman ako dahil sa kadaldalan ni Sopia kung minsan ay ituturo niya sa akin ang ilang litratong nakasabit doon na halos myembro at mga ninuno ng Elizondo.

That was how my day always works. Palagiang may utos si Kayz kapag nagkikita kami at palagian naman akong tutulungan ni Sopia. Si Dina ay hindi nagdadala sa akin ng pagkain dahil palagi ko na ring kasama ang mga kasambahay sa pagkain. Unti-unti ko na ring nalilibot ang buong masyon.

Ni hindi ko na muling nakausap pa si Elizondo pero kapag minsan ay nakikita kong umaalis sila sakay ng kotse at laging nakabuntos si Kayz sa kaniya. Habang tumatagal ay mas naiirita lamang ako sa kaniya.

"Balik na muna ako sa kuwarto ko, Sopia," pamamaalam ko matapos ibalik ang mga gamit.

"Sige, magpahinga ka na at marami kasing pinagagawa si Ma'am Kayz sa iyo." I nodded. Kahit siya ay pansin din ang sandamakmak na pinapagawa sa akin. I'm glad that she's willing to help me.

Pagdating sa kuwarto ay lagkit na lagkit ako sa sarili pero hindi ko magawang maligo dahil pasmado ako pagginawa ko iyon.

Nagpalit nalamang ako ng damit at pagod na pagod na sumalampak sa kama. I'm doing all of these for our group Dad. Gusto kong maging proud siya sa akin lalo na at pakiramdam ko minsan ay nagiging distansya siya.

Ipinikit ko ang mata at hinayaang magpahinga ang sarili.

Mayamaya lang ay isang sigaw ang bumulabog sa akin.

Shit, anong kaguluhan 'yon?
Mabilis akong nagmulat ng muli ko na namang narinig ang ingay, isang iyak at pagmamakaawa.

Sigaw ng paghihirap.

Tumayo ako at tumakbo, tinahak ko ang daan pababa at sinundan ang pinanggagalingan ng ingay. Habang papalapit ako nang papalapit ay pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko. The hell! Anong mayro'n sa kuwartong ito? Ito ang kwarto kung saan ko nakausap si Jackson.

"F-fuck you Elizondo! Mamamatay ka rin! Ahh!" nanginig ang buong katawan ko nang marinig ang pamilyar na boses. Parang umikot ang buong kalamnan ko dahil doon.

Dad!

Mabilis ang takbo ng puso ko at parang may kabayo roong nag-uunahan. Tears started to pooled my eyes as the screams grew louder.

Mabilis kong binuksan ang pintuan at nagulat sa huling nasaksihan.

"No!" sigaw ko ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ni Elizondo at muling binaril ng ilang beses si Dad.

Tangina mo Elizondo!

Mas lumakas ang hagulgol ko nang makitang hindi na humihinga ang ama ko.

"Fuck you!" paulit-ulit kong isinigaw kay Elizondo na binigyan ako ng isang ngisi.

"I know your real identity, Iya Valdez... Hmm... let me correct it, Ms. Cruelia Valdeabella."

"Fuck you—"

"Shit!" Hinihingal akong napahawak sa aking dibdib.

"Fuck," malutong kong mura ng mapabangon.

"Now, you're awake. Thanks to the water." Nabaling ang tingin ko sa nagsalita. Napipe ako at nanlaki ang mata nang makita si Elizondo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin ngunit namalayan ko nalang na nawalan ako ng kontrol at sinakal na siya.

Ramdam ko ang galit at pagkamunghi sa kaniya. Anong ginawa niya kay Dad?!

Nagtangis ang kaniyang mga bagang at sa isang iglap ay naihagis niya ako pabalik sa kama. Inayos niya ng isang kamay ang neck tie na nagulo. Bahagyang nabasa na rin ang kasuotan niya dahil sa ginawa kong paglapit.

"You can't kill me, lady. Baka ikaw ang unang mamatay. Wala pa akong ginagawa, binabangungot ka na." Unti-unting naproseso ng utak ko ang nangyari.

Holy shit! It's just a dream! Isang bangungot! At narito ngayon si Elizondo sa harap ko sa hindi ko alam na dahilan! He's really here!

"Tsk, go fix yourself," aniya bago sinarado ang pintuan ng kwarto ko.

Napatingin nalamang ako sa sarili. I continuously cursed inside my head. Natanggal ang pagkakabutones ng una at ikalawang parte ng suot kong damit at basang basa rin ako!

Natulala ako sa pag-iisip kung bakit siya pumasok sa kuwarto ko. This is the second time he talked to me. Somethings not good... May nararamdaman na akong hindi magandang mangyayari dahil sa ginawa niyang pagpunta rito. I thought he forget about my presence!

That Elizondo! Bwisit! Dahil sa ginagawa niyang panggagalit, mapapatay ko siya ng wala sa oras.

And that dream... akala ko ay totoo. It's not going to happen. Hindi niya pa dapat malalaman ang tunay kong pagkatao. It was really a nightmare, iniisip ko palang na banggitin niya ang tunay kong pangalan ko ay tinataasan na ako ng balahibo.

Tss, hindi ka dapat maduwag Lia. You're father named you Cruelia for nothing! Pagpapaalala ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang kasuotan na iniwan ni Elizondo. It was a white and yellow sunday dress. Saan niya nakuha ito at bakit niya ako dinalhan ng ganito?

Habang nagbibihis ay hindi ko parin makalimutan ang ginawa ko kanina. Hindi dapat ako kumilos ng ganoon dahil lamang sa pagkabigla. Paano kung mahalata niya na hindi pangkaraniwang ang lakas na binigay ko kanina. No, sana ay huwag niyang maisip iyon and that's normal. Sino ba namang mahinhin ang sasakal?

Humarap ako sa salamin. Ni wala manlang binigay na panapin sa paa. Ano bang plano ng lalaking 'yon? Saan niya ako balak dalhin?

Hindi na ako nag-abalang maglagay ng make-up. Mas lalo lamang namumula ang pisngi ko kung lalagyan ko pa ng blush on. I just have this pinkish cheeks simula pa noong bata. Akala nga ng iba ay palaging nilalagyan ako ng kaunting kolorete, idagdag pa na parang laging ayos ang kilay ko. Tss, maybe God gave me those dahil alam niyang mabubuhay akong tamad mag-ayos.

Ilang minuto pa ay bumaba na akong nakasimangot. Who won't be? Ang lamig ng sahig nila.

"Good evening, please come with me." Sinundan ko nalamang ang babaeng nagsalita mula sa aking likuran.

Ilang pasilyo ang nadaanan namin bago tumigil sa isang malaking pintuan. I bet they have many big doors like this. Mas nakakatakot nga lamang ang disenyo ng pinto ng kuwarto na pinasukan ko noon kasama si Elizondo.

Isang simbolismo lamang ang pumukaw sa akin. Nakaukit ito sa itaas ng pintuan. Isang hugis bilog na mayroong nakaukit na mukha sa gitna nito. Sino ang taong iyon? At bakit nakaukit ang mukha niya sa taas ng pintuan?

May pinindot na kung ano ang babae mula sa gilid ng pinto. Passcode. Kusa na itong bumukas at bumungad sa amin ang lagpas sa sampung katao. What's happening? Naagaw namin ang atensyon ng iba. Are they Elizondo's allies?

Ang iba ay masama ang titig sa amin. No guys, I'm already part of the Elizondos like what your boss said before. Kaso nga lang ay ginawa akong katulong ni Kayz.

Umupo kami sa bakanteng upuan. May mahabang lamesa at masasabi kong parang may meeting na magaganap.

Wait...

They are wearing a formal attire?! What the f! Tapos ako ay naka-dress lang. I didn't notice it earlier when I'm with this girl beside me. She's also wearing a blue fitted gown. I can't believe it! Pinagmumukha akong kawawa sa suot ko. Para lamang akong binihisan upang gawin nilang alalay. Oh come on Lia mas lalo naman iyong pang-kasambahay na ipinasusuot ni Kayz.

Ilang saglit pa ay pumasok si Elizondo at natahimik ng tuluyan ang buong silid.

Oh shit, why do I always feel this whenever he's near? His aura can make everyone weak, na parang wala ka talagang laban sa kaniya. I get it, kaya hindi ako binibigyan ni Dad ng misyon mag-isa dahil mahina ako. I'm weak without them.

He is wearing a black tuxedo. Tila may pupuntahan lamang na isang bonggang selebrasyon.

Tahimik lamang akong nakatungo. Ni hindi ko magawang tumingin sa kaniya.

Nakatayo lamang siya at hindi na nagbalak pang umupo. Though I'm not really looking at him ay hagip ng aking paningin ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Doon ko lang din napansin ang hawak nitong sigarilyo. Wow Elizondo, that's good para mamatay ka na kaagad! Sana ay dinadamihan mo ang hinihithit sa isang araw o kaya gumamit ka narin ng droga.

Nabasag ang katahimikan at pag-iisip ko nang magsalita si Elizondo.

"Are you all ready?" seryoso nitong tanong.

Kasabay ng pagtunghay ko upang tumingin sa kaniya ay ang pagsagot at pagtungo ng lahat.

"Yes!"

What the heck is happening?!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 112K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
6.4M 328K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
527K 23.4K 91
Khali Vernon took the risk and came back to Tenebrés City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled...
193K 8K 14
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.