Royals: Misfits

By _aubrstories

1.2K 32 6

Allison Carpio decided to lead a secret team of students in order to take down a group of rebellious teenager... More

author's note
...
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chapter fourteen
chapter fifteen
chapter sixteen
chapter seventeen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty one
chapter twenty two
chapter twenty three
chapter twenty four
chapter twenty five
chapter twenty six
chapter twenty seven
chapter twenty eight
chapter twenty nine
chapter thirty
chapter thirty one
chapter thirty two
chapter thirty three
chapter thirty four
chapter thirty five
chapter thirty six
chapter thirty seven
epilogue
final notes + trivias

chapter six

42 1 1
By _aubrstories

6: RECRUITS

LEXID

"What's with their stare-like-a-f*ckin'-psycho mood?! Nagtataka na'ko ah, mula pa iyan kay Cosine. OA na!" reklamo ko kay Alli habang parehas na kumakain ng lunch sa canteen.

And yes, kami lang dalawa magkasama since tuloy pa rin yung planong hindi pagpapahalata. At ti-nake advantage ko na ang pagkakataon dahil the last time I checked, ako lang ang naiwan sa p*nyetang canteen ng junior high school.

Nagsuggest ako kay Alli na pagkaibiganin na lang si Daryll at Cosine dahil parehas naman lalaki na 'di obvious para na rin silang dalawa ang poprotekta sa isa't isa (kahit kadiri pakinggan, eww) pero pwede daw iyon makasama since ang bilis naman daw ng pagkakaibigan nila't hindi maitatanggal ang pagkakaroon ng suspicion ng mga Gamechangers tungkol dito. Lalo na't lagi nilang trip si Cosine. Poor guy.

"The prank from last time's bugging them. It made them curious. Luckily, I feel like they didn't have much suspicion with the devices on the faucets from the prank, 'cause the three washed their hands simultaneosly." sagot naman niya.

"Hmm.. I guess... pero bakit parang alam na isa siya sa mga gumawa non, tsaka... ikaw? Sabihin mo lang kung may gusto sa'yo si Phoenix, diyos ko, ibibigay ko naman blessings ko para sa inyong dalawa!"

Umiling ng bahagya si Allison, "Phoenix is too smart to look if anyone reacts to what Dexter's doing with Cosine. It's a double trap."

Double trap? "Pano naging double trap?"

"First, Dexter's trying to see if Cosine's the real culprit by persuading him to just spill. He's sending him glares, and threats, meanwhile Phoenix is looking for people who'll react to him, even in the simplest stare or talk. That's why she tried observing me."

"Wow..." napakurap ako ng maraming beses, hindi malaman kung saan ko sisimulan. "Hindi ko alam 'pano nabuo lahat ng iyan sa utak mo pero grabe bilib ako sa'yo. Pahingi nga ng talino! Hindi ko alam na ganoon ka ka-observant sa iba."

Tiningnan niya ako mula sa pagtitipa sa phone niya. "I've been taught."

Kahit ang weirdo parin ng rason niya'y tumango na lang ako't chineck ang phone ko for messages.

11:17 am

nerd-boi

how are you?

Girls?

alli-gator

fine

sassybtch

buti hindi females hahaha

jerkface

females?

sassybtch

he once greeted me and alli

calling us females

instead of girls

there's nothing wrong except he made me cringe

ughh

jerkface

what the

f*ck

sassybtch

yourself ahihihi

nerdboi

what??

sassybtch

too innocent bruh

alli-gator

how's everything there @Cosine?

nerdboi

it's fine

nothing suspicious

looking out for freshmens

sassybtch

my god

I forgot to tell you!!

Agad ako nag-angat ng tingin kay Allison, at nakatingin na nga siya sa'kin. Pinigilan kong hindi sumigaw dahil sa naging katakot-takot na pagtitig niya sa'kin!

"Yung tumingin last time kay Cosine sa canteen, yung nakita niyong lalaki, pangalan niya, Falcon Saucedo. He's a freshmen, a watcher from Strikers. Napagtanungan namin ni Daryll yung kaibigan niya dun. Sakto namang ka-section niya lang yung lalaki."

"A watcher..."

"Yup. Napagalaman namin na may mga posisyon or roles rin pala diyan sa frat nila. May mga tinatawag na bishop, rook, pawns and watchers. Yung bishop, sila yung mga may pinakamataas na posisyon. Madalas, sila yung mga right-hand ni Dex. Yung mga rook naman, sila yung protektor, yun bang taga-tago ng group. They're the reason bakit hindi nabubunyag yung frat. Mayayaman lahat ng rooks nila. Tapos yung mga pawns, iyan yung kadalasan na mga bagong members at sumasali sa mga challenges kuno nila. Sila rin yung madalas utusan sa labas. Lastly, yung watchers, mga utusan sila, ang difference lang, sa loob sila ng school."

Mukha namang nagkaroon ng interest si Allison sa sinabi ko dahil biglang nag-iba ang mukha niya't titig. Para bang nakakuha ng sagot sa matagal ng tanong, ngunit nagtataka.

Doon ko lang natitigan ng maayos ang mukha niya, at napansing may mga iilan siyang mga peklat na mukhang hiwa sa ilong, pisngi at noo. Napansin ko na rin ang hindi gaanong halatang hiwa sa pang-ibabang labi niya.

"Where do they usually go?"

"Madalas nag-he-hangout sa likuran ng Juniors Building. You know, yung unconstructed part. Yung creepy forest."

"Let;s take a look after we finish this." sabi niya at tinuloy ang pagkain.

Tinapos nga namin ang pagkain at pinuntahan ang sinasabing 'unconstructed' part ng school sa mismong likuran lang ng Juniors building. Extension sana siya sa mismong building pero nakulangan yata sa resources para sa pundasyon ng mismong gusali kaya hindi tinuloy. Kaya ngayon, nagmukha siyang haunted city sa lagay na iyon. Napapalbutan ang lahat ng puno at iilang mga kagamitan sa construction na halos kalawangan na't halatang luma na. Swerte namin ng maabutang bukas ang gate ng mismong fence noon nanagla-lock ng access doon sa creepy forest.

Nice, but at the same time, weird.

Tinahak namin ni Alli ang daan papunta roon, at bahagyang sumisilip sa sinuman at baka nga magkaroon pa kami ng spy. Nang malapit na roon, mapapansin ang lupa na makalat na dahil sa mga tuyong dahon ng santol na hindi ko na alam kung anong edad.

Sa paglalakad namin, ay bigla kaming natigil ng may sumigaw na lalaki sa di kalayuan... kahit wala kaming nakikita kung sino man iyon. Bigla akong kinilabutan ng hard!

"A-Alli, s-sino i-iyon?!" tanong ko pa, pero palinga-linga siya at para bang hinahanap kung saan nanggaling ang sigaw.

"Let's go further." ANO DAW?!

"Oy! Oy!" agad kong hinila yung braso niya para mabalik siya sa lugar niya. "Bakit na'tin pupuntahan?!"

Allison chuckled a bit, agad akong nagulat sa maliit na pagbabago sa ekspresyon niya. "There's nothing terrifying here. If there were really ghosts, the Gamechangers would not choose to go here... and probably the school would've set a mass for this place. I'm thinking of other things from that yell."

Ano namang other things?

Tumuloy kami, mabagal ang bawat hakbang, kaya ganoon na lang kahina ang tunog ng mga natatapakan naming nga tuyong dahon, para iwas atensyon. Nakakapit ako sa braso niya at nasa tabi niya habang siya 'tong iginagala ang mata sa anumang pwedeng makita.

'Langya. Pahiram nga ng tapang, Alli.

At tama nga ang hinala niya ng may mamataan kaming tatlong hindi kilalang lalaki sa di kalayuan. Mas narinig namin ang mga ungol ng lalaki na namimilipit sa sakin. Syempre, hindi ganoong klase ng ungol ang sinasabi ko.

Napatianod ako ng bigla niya akong hilahin papailalim para mapaupo kami at magtago sa likuran ng puno kung saan nakakarinig na kami ng mga boses.

"Argh! Ah! Ayoko na!" sigaw pa ng lalaki.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa lugar na iyon at naririnig lang namin ay ang mga hininga namin ni Alli. Agad ako napakapit sa jacket niya.

Sandali, bakit naman 'to mag-ja-jacket sa maaraw na panahon?! Naka-trip ata si ate.

"Tara na! Hindi tayo pwedeng magtagal!"

"T*ng*! Dapat nga puro yung pagkakabugbog!"

"Eh sa natagalan tayo e! Tara na nga! Tinatawag na tayo ni Sir eh!"

"P*ta! Tara na nga!"

Agad naming narinig ang mabibilis na kaluskos sa lupa. Hinintay namin iyon mawala bago napagdesisyunang tumayo. Pagkatingin ko mula sa puno, may nakahandusay na lalaki sa lupa!

Wait, did they kill him?!

"...he's still breathing." bulong pa ni Alli na parang sinagot ang tanong sa utak ko.

Nilapitan namin siya at agad ko namukhaan kung sino iyon!

"Enrico?! Luh, muntikan ka na nga doon!"

Dahan-dahan niyang ibinukas ang mga mata nito at diretsong tumingin sa amin ni Allison. Agad na hinawakan ni Alli ang braso ni Enrico para alalayan itong umupo. Ako naman 'tong tinulungan rin siyang itulak ang likod niyang halos manstado na sa dugo. Umubo-ubo siya't tuluyang nakabalik sa wisyo.

"N-Na'san a-ako?"

"Nasa langit, boy." biro ko pa, pero sinamaan lang niya ako ng tingin, ngunit nagbago naman ang ekspresyon niya ng marealize na kaming dalawa ni Alli ang nandito. Konting consideration naman diyan!

"A-Alexid? A-Allison? B-Bakit k-kayo magkasama? P-pinapahanap n-pa b-ba t-tayo s-sa r-room?" tanong niya habang tinitingnan ang mga sugat sa balat at hinawakan pa ang mukha.

"Hindi pa, baliw! Halos kakatapos lang ng lunch!"

"We need to bring him to the clinic. He's beaten up bad, that's why he's disoriented." suggestion ni Alli, at dali-daling inakay si Enrico gamit ang braso nito. Syempre sumunod ako.

***

"Saan po galing ang mga bugbog niyo, Mr. Mendez?" agad na tanong ng nurse nang matapos nang magamot ang mga sugat ni Enrico sa mukha, braso't likod niya.

"Sa balat, natural..." naibulong ko out of nowhere at agad napatingin ang nurse sa'kin.

"Sh*t– Ah! Sa balat... akala ko may allergy siya eh, hehe." sagot ko with matching smile na parang na-ko-constipate.

"Nabugbog po. Sa labas naman po ito, kanina pa po bago pa'ko pumasok. Na-late na rin kasi... " agap ni Enrico. Tumalikod ang nurse at may kinuha mula sa table.

"Ayos lang po ba na pumirma kayo sa log boo–"

"Pwedeng 'wag niyo nang i-report kay Lolo?" pilit na ngumiti si Enrico. "Please... ngayon lang naman 'to naulit."

At dahil apo siya ng principal, ay hinahayaan lang siya ng staff na gawin ang lahat. Pero hindi ganoon ang sitwasyon niya. It's not because everyone's scared of him. It's very freakin' different. Isang mali lang niya, mismong pamilya niya ang bubugbog sa kanya. At ang kadalasang nangyayari, ang mga staff mismo ng school ang naaawa sa kanya.

Pa'no ko nalaman? Syempre sa mga kasamahan kong lalaking mga naging kaibigan niya!

Never ko siyang na-try. 'Di ko rin siya type tulad ni Allan (sadyang mas ayaw ko lang si Allan keysa sa kanya). Enrico may look innocent, but he's a damn playboy, and a troublemaker. Madalas, pinagsasabay-sabay ang mga karelasyon. He's good at it, you can tell. Talagang mabait naman kasi siya. Infact, he's too sweet na parang hypnotizing na lang ang epekto ng mga salita niya't kilos. At mas lamang ang appeal niya keysa sa looks. Siya yung typical na moreno guy. Short hair, rounded eyes, mapupula ang labi medyo may katangkaran at matipuno.

He's a playboy, and a heartbreaker.

Hindi ko type yung mga ganon. I don't do relationships really. I don't do those kind of sh*ts.

Like I said, things are temporary. Everything's temporary.

Nabalik naman ako sa reyalidad ng pumasok ulit si Alli sa clinic. Nag-stay kasi siya sa labas para daw tingnan kung may mga sumusunod daw.

"Lunch time's almost over. We need to get to class." sabi niya.

Lumingon naman ako kay Enrico. "Okay ka na dito?"

Napatango naman siya, kaya lumabas na kaming dalawa mula doon at pumasok na sa klase.

***

Matapos ang isang oras, ay nakita kong pumasok na sa klase si Enrico. Agad syang pinagpyestahan ng tingin habang tumutungo sa lugar niya. And yes, you wouldn't believe na nasa Section A siya. Matalino ang isang iyon, laging nasa top 5 kung hindi ako nagkakamali (ang naglalaban lang naman diyan ay si Phoenix, Cosine at si... Alli).

At dahil sa anak siya ng mismong dean, ay hindi na tinanong kung saan siya nanggaling.

Gulat ako ng mapansin ko ngang nakaguhit na ang pagka-obvious na ngisi sa labi ni Dexter at sinundan ng tingin si Enrico nang ito'y makaupo sa kanyang upuan.

Tumingin ako kay Alli at pansin kong parang hindi naman siya interesadong tingnan iyon at parang tinitingnan ang screen ng nakapatay niyang phone.

Hmm, nasiraan ba 'to ng phone?

"Uy, anong ginagawa mo diyan sa phone mo?!" bulong ko pa since katabi ko lang siya.

"Watching... I can pretty much see him smirking from here." bulong niya pabalik.

SO NAKIKITA RIN NIYANG NAKANGISI SI DEX?!

Magkabilaan kasi kaming row nina Dexter, kaya naman makikita mo ang itsura niya na parang nagtagumpay sa kung ano mang contest. Nako, if they only know.

***

"Mag-pa-pass ka na ng e-ssign alli?" tanong ko sa kanya, pertaining to our electronic assignment, na assignment lang na pina-sosyal. Dami alam ng Asplund e.

"Yes..." sabi niya sabat sukbit ng backpack niya. Bigla naman akong may naisip.

"Sabay na natin si Cosine."

Maya-maya pa, sabay sabay kaming pumunta sa sound room kung saan magpa-pass ng assignment. Kahit papano, hindi pa rin naman strict doon, at ang ginawa lang naman, ay tinaasan ang security levels ng mga computers nila doon.

Habang nasa isa nang mga pc, nakatayo kaming dalawa ni Cosine sa likuran ni Alli na nakaupo sa isang upuan sa harap ng pc niya, at siya na 'tong bahala sa mga usb namin para ma-transfer ang mga files namin, nang mamataan ko ang iilang gamechangers na nandito.

Agad tumaas ang kaba ko to the highest level. P*ta!

Agad kong hinila si Cosine papaupo sa katabing upuan at pinaupo siya roon, at agad ko siyang niyakap mula sa likuran, habang nakatayo pa rin ako. Naramdaman ko agad ang pagkanigas niya.

"A-Anong g-ginagawa m-mo, A-Alexid?" tanong naman niya.

"Magpanggap kang mag-pc, shunga. Nandito sila." banggit ko, pero mukhang hindi niya magets dahil kita ko nga ang butil ng pawis sa noo niya na tumutulo paibaba ng pisngi niya. Hindi rin siya gumagalaw sa harap ng pc. Ramdam ko na ang tingin ni Alli sa'min, pero ibinalik niya ang tingin sa desktop na kaharap niya ng mapagtanto ang punto ko.

"Huy!" bahagya kong hinampas ang dibdib niya gamit ang kamay ko ngunit para siyang nakoryente sa biglang nginig ng katawan niya. "Wala pa bang yumayakap sa'yong babae?! Chill ka lang, nandyan sila e."

"H-Hindi n-naman s-sa g-ganoon. I j-just d-dont f-find t-this c-comfortable."

"Hindi ko alam na you're into girls, Cosine." biglang nanlamig ang pawis ko sa ibang boses na narinig mula sa likuran ko. Luckily, agad na kumilos si Cosine at bahagyang tiningnan kung sino ang nasa likuran ko.

"A-Ah... D-Danielle."

"Nice to see you here, Alex."

Ngumiwi ako sa pagkakasabi niya sa pangalan ko. "Hmm... the feeling's mutual... b*tch." bulong ko sa huling sinabi ko.

"Ngayon ko lang nalaman iyan, you're into Cosine now?" puno ng sarkasmo niyang sinabi iyon sa tabi ko at nakuha pang lumapit sa'kin.

"Eh sa nakita mo ngayon eh." mapaklang sagot ko, at kita ko ang pagdilim ng ekspresyon niya.

"Kailan ka kaya titigil sa pakikipaglandian mo, Alex?" gulat akong napaharap sa kanya ng diretsuhin niya ako ng ganoon.Diretso ko siyang tiningnan. Aminado akong nawala ang ngiti sa labi ko, at ang sa kanya'y napalitan ng ngisi.

"Kailan ka kaya titigil sa pakikipag-inisan sa'kin? Wala kang pakealam sa mga ginagawa ko. That's none of your concerns."

"Pasensiya na't may pake ako sa nangyayari sa'yo, masama ba iyon, Alex?"

"Oo. Tawag don, pakikipag-chismis. Lubayan mo nga 'ko!" sabi ko pa pero aalis na ko't lahat ng harangan niya ang daan ko. Napabuntong-hininga ako.

"Oh ano? Trip mo makipagsabunutan? Sabihin mo lang nasasasayang lang ang laway ko't oras sa'yo."

Bigla namang napahalakhak si Danielle . "Ah, oo nga pala no? Sayang laway mo sa'kin. Sige na, magsayang ka na sa mga lalaki mo. Talagang nandadamay ka pa ng kaklase mo ah."

You. Just. F*cking. Crossed. The. Line. Btch!

Nilapitan ko siya, yung distansya na siguradong maririnig niya ang nginig ng boses kong naggagalaiti na. "Oo nga e, sayang na sayang yung laway ko sa'yo dahil gagamitin ko pa sa iba. Ikaw, magsayang ka na lang ng insecurities mo sa mga kaibigan mong makikitid ang utak, g*g*ng traydor na babae ka!"

"Alexid..." dinig kong tawag ni Cosine mula sa likuran ko't hinawakan pa ang balikat ko, pero I couldn't careless for I'm looking at a manipulative b*tch standing right in front of me!

Aminado akong hindi pa rin naaalis ang ngisi sa mukha niya, pero batid kong nag-iba ang tingin niya sa'kin. "'Wag mo na lang akong pansinin, kung iyon rin ang ginawa ko sa'yo dati, diba? Just f*cking act like you don't f*cking know me, Danielle... kasi kung kilala mo ko, mas kilala kita, kilala ko ang pamilya mo, alam mo iyon."

Mabibigat ang hininga ko ng makalabas ng sound room. Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko ng makahinga ng maayos sa labas, at wala na sa paningin ko ang babaeng iyon. Ngunit natampal ko ang noo ko ng malimutang naiwan ko si Alli sa loob. Pero bago ko pa man siya mabalikan, ay lumabas siya sa sound room.

Nagtitigan kami ng matagal, at ngayon ko lang naramdaman ang tingin niyang... hindi nananakot. More like... nagtatanong, na nagpapakalma. It was a look of concern. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ganoong kilos niya.

"Let's go?" aya pa niya. Sumunod naman ako sa kanya.

Tahimik naming tinahak ang daan pauwi ng bigla kaming natigil sa isang sigaw.

"SANDALI!"

Talaga bang ang mga taong 'to ay mahilig sumigaw?!

Paglingon namin, si Enrico ito na humahangos pa dahil sa pagtakbo. "S-Salamat... pala... sa... pagdala niyo sa'kin sa clinic."

Biglang nanlaki ang mata ni Cosine. "Kailan iyan?!"

"Lunchtime." sagot ni Alli at may kinuha sa bulsa at iniabot iyon kay Enrico. "Your phone. You dropped it earlier."

"Salamat." pagkakuha niya rito, agad kumunot ang noo niya. "Matanong lang... b-bakit magkakasama kayo? Alexid? Cosine? Allison?"

"Oy! Bawal na bang makipagkaibigan ang mga taong nerd, taong weirdo at mga taong malalandi?!" angal ko, pero agad naman siyang ngumiti. Kaya ang daming na-iinlove sa kanya e!

"Natanong lang. Pasensya na doon. Kung hindi lang sila mga totoy, baka pilay na sila sa'kin." sambit pa niya, na ikinatawa ko naman!

"You know how to fight." sabi naman ni Alli, napatango si Enrico.

"Hindi ko na lang pinatulan. Masyadong isip-bata si Dexter. Isa rin kasing totoy."

"Hahaha, galit much?" sabi ko pa, kaya natawa rin ito.

"Hey guys..." biglang bati ni Daryll, ngunit kumunot ang noo nito nang mapagtantong kasama namin si Enrico. "Why the f*ck are you here?"

Natigil sa pagtawa si Enrico at nagaya ang reaksyon sa mukha ni Daryll dahil hindi rin makapaniwala. "Why are you here?"

Tiningnan ko si Alli, at nakatingin lang ito kay Enrico na para bang binabasa nito ang emosyon. May naisip tuloy akong idea para sa ikabubuti ng lahat.

"Gusto mong sumali sa grupo namin, Enrico?"

"Huh? Anong grupo? Kasali na'ko sa Agila." sagot nito.

"Baliw! Hindi kami gang group. Mukha ba kaming mga gangsta?!" agad kong nasabi, ang Agila kasi ay kilalang street group sa Asplund. Kadalasan, ang mga miyembro niyan ay basagulero, which explains his attitude.

"Rico?" J. Puno? Joke lang pero...

Gulat kaming napalingon sa likuran ni Enrico sa babaeng tumawag sa kanya. Ang akala ko naman, isa sa mga babae niya, ngunit nagkamali ako ng mapansin ang suot na black and gold armband sa kanang braso niya.

Of course, she's a Supreme Student Council officer.

Medyo chubby siya at halatang hinihingal rin sa pagtakbo. Nanlaki rin ang mga mata niya ng ma-realize niyang nakatingin rin kami sa kanya. "B-Bakit nandito kayo? Anong grupo yung mga pinagsasasabi niyo?"

Mas lumapit pa siya samin at narealize kong may kasama pala siya na nasa likuran niya.

"Oh, ba't nandito si Aira?" tanong ni Enrico.

Umiling yung babaeng mapayat naman sa likuran niya. "Grabe Enrico, kaibigan yung role ko dito, grabe ka naman."

"Bakit kayo lahat nandito?" pamutol ng babaeng SSC officer. Napansin ko ngang nasa harapan kami ng mismong gate nag-uusap. Ang t*nga lang talaga.

"And nakita ko kayong..." tinuro kaming dalawa ni Alli, "nandoon kanina sa likuran. Hindi ba bawal doon?"

"Nakabukas ang fence door noong pumasok kami e. May mga naririnig kaming sigaw. We were curious." sagot ko naman.

"Oo nga. Nakita ko kayong tinulungan si Enrico na dalhin sa clinic."

Pati ba naman iyon?!

"Wait, SSC ka ba talaga o stalker namin?" tanong ko.

"SSC. Ginagawa ko lang responsibilidad ko. At ano yung sinasabi niyong group? Narinig ko na hindi kayo gang–"

"Would you three like to form an alliance with us?" biglang putol ni Alli sa kanila!

Lahat sila'y napatitig sa kanya!

"Alli, seryoso ka diyan?!" agad kong tanong sa kanya at baka naman naka-trip nanaman siya. Pero umiling lang siya.

"An alliance to take down Gamechangers... This isn't a joke of any kind, unless you want me to tell how we managed to suspend the three of them with just the three of us?"

At doon ko palang napagtantong seryoso nga siya. Mas sumeryoso ang tingin niya. Ang dalawang babae ay parang nanigas sa posisyon at hindi makapaniwala na narinig. Si Enrico itong parang may gustong sabihin ngunit walang mailabas na boses.

Looks like we have new recruits for Royals, huh?

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
286K 20K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1.1M 20.9K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...