Everything I Want [BOOK 1]

By barbsgalicia

3.6M 89.9K 12.9K

[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at... More

Everything I Want
PROLOGUE
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26.1
Chapter 26.2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
BOOK TWO: Everything I Need

Chapter 01

152K 3.5K 254
By barbsgalicia

AUTHOR'S NOTE: Hello, dear readers. I am currently rewriting and turning the first few chapters of this story into first-person point of view. Please bear with me. Thank you.

***

ISABELA

Four years ago

"ISABELA, TARA! SUMAYAW naman tayo," alok ulit sa 'kin ng kaibigan kong si Jewel pagkabalik niya rito sa table namin.

But I just shook my head again and said no. "Kayo na lang. I'll just stay here."

"Ano ka ba, hindi ka na tumayo diyan. Sayang naman na sinama ka namin dito sa nightclub."

"I'm fine here. Nag-eenjoy naman ako. Sige na, go back there and enjoy. It's your boyfriend's birthday, anyway."

Her shoulders drooped. "Are you sure?"

"Yes."

"Okay, ikaw bahala. Kumain ka lang diyan, babalik ulit ako." Uminom lang siya ng cocktail drink saglit, tapos bumalik na sa pagpa-party kasama 'yung iba pa niyang mga kaibigan.

I lied to her when I said I was having fun. Ang totoo kasi, sobrang bored na ako dito.

Kung hindi ko lang talaga na-miss 'yon si Jewel kasi ang tagal na naming hindi nagkikita, hindi naman ako papayag na sumama, eh. Actually, hindi ko nga alam na sa club pala ang punta namin ngayon.

Nightclubs aren't my place. I'd rather stay at the mansion together with our helpers and read some books.

Pakiramdam ko nasasayang lang ang oras ko dito. Mag-iisang oras pa nga lang yata simula no'ng makarating kami, pero parang apat na oras na akong nakaupo rito at pinanonood ang mga nagpa-party sa gitna. Hindi ako maka-relate. It felt like I entered a completely different world.

Kahit nga 'tong suot ko ngayon, hindi bagay sa lugar. All the girls around me were wearing mini sequin dresses and sexy stilettos, while me, I'm in a formal long dress. Akala ko naman kasi magdi-dinner lang kami ni Jewel sa isang restaurant. Ang palpak tuloy ng gabi ko ngayon.

Napatingin na lang ulit ako ro'n sa bar sa may gilid.

Mukhang mas okay pa na magpalipas ng oras doon. Do'n na lang siguro ako pi-pwesto para naman hindi halatang nagso-solo ako rito sa table.

Tumayo na ako dala ang purse ko.

Umupo ako sa bar stool at o-order na sana ng maiinom nang bigla ring may umupong lalaki dito sa katabi kong upuan.

"Hi, miss," he said. "Mag-isa ka?"

Hindi ako sigurado kung ako ba ang kinakausap niya kaya tumingin muna ako sa kabilang gilid ko. Pero matandang lalaki naman ang nakapwesto dito kaya mukhang sa akin nga talaga siya nakikipag-usap.

I just smiled, but I didn't answer.

Mas lumapit naman siya sa 'kin. Akala niya yata hindi ko siya narinig kasi masyadong malakas ang club music sa background. "Miss? Sorry, napansin lang kasi kita. May kasama ka ba?"

Wala sana talaga akong balak makipag-usap, pero wala rin naman kasi akong ibang ginagawa, so I figured I'll just talk to this stranger to kill time.

"Yes, may kasama ako," I answered. "They're partying."

"Ah, akala ko mag-isa ka e. Medyo bago kasi mukha mo dito. Arkhe nga pala." Nakipag-kamay siya sa 'kin

Tinanggap ko. "Isabela."

"Ang ganda mo."

"I-I'm sorry?"

"Ibig kong sabihin, ang ganda ng pangalan mo."

Napangiti na lang ako. Wow, this guy is smooth.

"Order-an kita ng maiinom?" Alok niya. "Anong gusto mo? Margarita?"

"N-no, sorry. I don't drink alcohol."

Ang bilis kumunot ng noo niya. "Hindi ka umiinom? Kahit isang beses?"

Umiling ako. "No."

"E ba't nandito ka sa club?"

"Uhm...sinama lang ako. It's actually my first time here."

"Ah, kaya pala. Hindi ka nag-eenjoy, 'no?"

Napaisip muna ako, tapos ngumiti at umiling-iling.

Natawa na lang naman siya. "Sige, bibilhan na lang kita ng hindi nakakalasing." Umorder na siya.

Pinagmasdan ko lang siya habang busy siya sa pakikipag-kwentuhan sa bartender.

This place is quite dark but somehow, I could still see how fine looking he is. Yeah, he's such a pretty boy.

Maaliwalas ang itsura, parang masayahin siyang tao. Pero kasabay no'n, mukha rin siyang loko-loko at mahilig sa babae. I'm sure marami na siyang naging girlfriends. Actually, he kind of looks familiar. I think I already saw him somewhere.

Mayamaya lang naman, binigay na niya sa 'kin ang inorder niyang drink. "Walang alak 'yan."

"Thank you." Tinanggap ko at ininuman agad. "Hmm, do you normally go here?"

"Medyo. Halos araw-araw nandito ako."

"R-really? Why?"

"Dito ako nagtatrabaho."

Nanlaki ang mga mata ko. "As what?"

"Resident DJ."

Bigla akong napaisip. Tapos napatingin ako ro'n sa stage sa harapan. "Ikaw ba 'yung nando'n kanina?" Tinuro ko 'yung DJ booth.

"Oo. Nakita mo pala ako?"

"Napansin ko lang. So that's why you look familiar."

"Ano 'yon?" Hindi niya pala ako narinig.

"Uhm, nothing." Uminom na ulit ako dito sa juice ko. "Ibig sabihin, sanay na sanay ka na pala sa gan'tong lugar?"

"Oo. Ito ang mundo ko."

Natahimik na kami pagkatapos. Hindi ko na rin kasi alam kung ano pang pwede kong itanong. I'm not really good at this.

Buti na lang, itong si Arkhe na ulit ang nagsalita. "Gusto mo labas tayo?"

Napahinto ako sa pag-inom. "Where?"

"Diyan lang sa labas. Maingay dito e. Halatang hindi ka komportable."

Napaisip ako.

Hindi naman siguro mapapansin nila Jewel na nawala ako. Besides, totoong hindi talaga ako komportable dito sa loob. Dumarami na kasi lalo ang mga tao at mas lumalakas pa ang music, parang masakit na masyado sa dibdib.

Pumayag na ako sa alok nitong si Arkhe. Dinala ko 'tong baso ko ng juice at tumayo.

Pero sakto namang pagkalakad namin, bigla na lang lumitaw at humarang sa harapan namin si Jewel.

"AHA!" Bigla nitong pinalo si Arkhe sa dibdib! "Hoy Alvarez, ang bilis mo talaga, ah! Sa dami ng babae dito, 'tong kaibigan ko pa talaga ang na-target-an mo."

I was so confused. Tinanong ko agad si Jewel. "You know each other?"

"Oo. Siya 'yung nabanggit ko sa 'yo dati na kakilala kong DJ." Sabay balik nito ng tingin kay Arkhe. "Saan mo dadalhin 'tong kaibigan ko, ha?"

Napakamot ng ulo si Arkhe pero halata ring hindi niya ine-expect na magka-kilala pala kami ni Jewel. "Dadalhin ko lang siya sa labas," sagot niya. "Hindi siya komportable dito sa lugar."

"Sus, tumigil ka nga!" Tiningnan ulit ako nitong si Jewel. "Alam mo Isabela, hindi ka dapat sumasama sa lalaking 'to. Malandi 'to eh."

Natawa si Arkhe. "Grabe ka naman. Baka maniwala 'yan sa 'yo."

"E totoo naman." She lifted her one eyebrow. "Ikaw Arkhe, sinasabi ko talaga sa 'yo, h'wag 'tong si Isabela. Good girl 'to."

"Bakit, wala naman akong ginagawa."

"Anong wala? E kung hindi ko pa nga kayo nakita, iuuwi mo na 'tong kaibigan ko."

"Iuuwi agad? Ilalabas ko lang, hindi ko iuuwi."

"Maniwala ako sa 'yo. Tsk, bumalik ka na nga sa trabaho mo, h'wag kang mangbabae." Tumalikod na si Jewel at hinila agad ako paalis. "Let's go. Restroom muna tayo."

Napasunod na lang ako.

Ni hindi na ako nakapag-paalam nang maayos do'n kay Arkhe. Inagaw pa nitong si Jewel ang dala kong baso ng juice at binalik sa bar bago kami dumiretso sa ladies' room.

**

PAGKARATING NAMIN DITO sa wash room, pumasok muna sa isang cubicle si Jewel bago niya ako tinanong. "Nilapitan ka ba ni Arkhe?"

"Uh, yes. Akala niya kasi mag-isa ako, eh."

"Sus, para-paraan talaga ng lalaking 'yon. Lumayo ka ro'n, ah."

"Why?"

"Babaero 'yon! Si Arkhe Alvarez ang pinaka-babaero sa lahat. Kung may santo ang mga babaero, siya 'yon!"

Natawa ako habang inaayos 'tong mahaba kong buhok sa tapat ng salamin. "Ano ka ba. Nakipag-kwentuhan lang naman siya, 'yun lang."

Lumabas na si Jewel galing sa cubicle tsaka ako sinagot. "Ganyan nga ang style niya, eh. Una, lalapitan niya 'yung target niya. Tatanungin niya kung mag-isa lang si girl tapos magpapa-kilala siya. After that, aalukin niya ito ng drink at kapag komportable na si girl, yayayain na niyang lumabas."

Bigla akong natakot. Parang 'yun na 'yon nga ang ginawa sa 'kin kanina ni Arkhe.

"Buti na lang nakita ko kayo bago ka pa niya madala sa labas," patuloy niya. "Tingnan mo mamaya, lalapit ulit 'yon sa 'yo tapos hihingin ang number mo. Ikaw nang bahala kung ibibigay mo, ah."

Natawa na lang ulit ako tapos napailing-iling. "Don't worry, I'm not interested in him."

"Talaga?"

"Yeah." Binuksan ko 'tong gripo para mag-hugas ng kamay.

'Tong si Jewel naman, nag-umpisang mag-retouch ng dark brown lipstick niya. "Well, that's new. Karamihan ng mga kaibigan ko, kapag nakikita si Arkhe, nagkakandarapa agad na makipag-kilala, eh. Para bang na-love at first sight sila. Tapos ikaw, hindi interisado? You're really different. I'm so proud na friend kita."

Napangiti na lang ako tapos nagpatuyo na ng mga kamay.

"So, hindi ka naga-gwapuhan sa kanya?" tanong niya.

Napaisip ako. "Well, he's striking...and really good-looking. Pero hindi talaga ako interisado."

"Buti naman. Naku, h'wag na h'wag kang magiging interisado sa kanya kung ayaw mong mabaliw kagaya ng ibang mga babaeng napaiyak no'ng malanding 'yon. He's a certified playboy."

Natawa na lang ako, tapos natahamik.

Ang tagal bago ako nakapag-salita ulit. "Uhm, Jewel?"

"Hmm?"

"Can I go home already?"

Natigilan siya sa pagme-makeup sabay bagsak ng mga balikat. "Bakit? Hindi ka talaga nag-eenjoy? Bored ka na?"

"I'm sorry. It's just that, this place is too crowded for me. Hindi talaga ako sanay. And it's getting late. Inaantok na 'ko at baka antukin na rin ang driver at mga bodyguards ko."

Hindi siya sumagot.

Nagtanong na lang ulit ako. "Can I?"

She just took a deep sigh. "Hay, sige na nga. Naalala kong hindi ka nga pala talaga pwedeng gabihin kasi VIP ka. Sorry ha, sinama pa kita kahit alam ko namang hindi mo 'to lugar."

"Hey, it's fine. Na-appreciate ko na inimbitahan niyo 'ko. I'll just greet your boyfriend again a happy birthday tapos magpapasundo na ako."

"Alright. Sasabihan ko na lang sila na uuwi ka na nang maaga."

Lumabas na kami ng C.R pagkatapos.

**

TINULOY KO ANG plano kong umuwi.

Nagpaalam lang ulit ako kay Jewel tsaka sa iba naming mga kasama, tapos lumabas na agad ako ng nightclub para hintayin na lang ang pagdating ng driver at mga bodyguards ko.

Mayamaya lang naman, napansin ko si Arkhe na lumabas din.

Nilapitan niya ako. "Hi."

Kumaway lang ako nang tipid. It felt weird and awkward now dahil sa mga sinabi ni Jewel kanina sa 'kin.

"Ba't nandito ka na sa labas?" tanong niya. "Uuwi ka na?"

Tumango ako. "Gabi na, eh. Pagod na 'ko."

"Hatid na kita. Sa'n ka ba nakatira?" Ang bilis niyang naglabas ng susi ng kotse, pero pinigilan ko agad.

"N-no, thank you. May sundo ako e."

"Sino? Boyfriend?"

Napangiti ako. "No. Driver."

"Ah, akala ko . . ."

Sakto naman no'n, dumating na rin ang sundo ko.

As usual, dalawang magkasunod na kotse ang pumarada dito sa harapan. Bumaba agad 'yung mga bodyguards ko galing sa pangalawang sasakyan para pagbuksan ako ng pinto ng kotse.

I glanced at Arkhe. Halata sa itura niya na takang-taka siya dahil sa dami ng sumundo sa 'kin.

"Uhm, alis na 'ko ah," I just said. "It was nice meeting you."

Pasakay na dapat ako sa kotse kaso bigla niya naman akong pinigilan. "Isabela."

Napatigil ako. "Yes?"

"Pwede ko makuha number mo?"

Diretsahan talaga ang paghingi niya. Natawa tuloy ako sa loob-loob ko. Jewel was right. Manghihingi nga talaga ng number 'tong si Arkhe.

I just smiled. "Sorry, ah. I don't really give out my phone number to guys. Strict parents."

Kumaway lang ulit ako, tapos tumuloy na sa pagsakay sa kotse.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
206K 12K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
103K 1K 13
[ON-GOING] Hessa Lyarie Sioson is a soft spoken and shy girl. She belongs to the last section of their batch - often called as the worst section by t...
604K 41.5K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...