My Cold BoyFriend (COMPLETED)

By TheLostMemoryOfLove

3.6M 98.9K 7.3K

KaThan's Story More

Characters
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
EPILOGUE
Speacial Chapter 1
Special Chapter 2
Announcement

Chapter 21

45.2K 1.2K 87
By TheLostMemoryOfLove


Jayce

Limang araw na ako dito sa mansyon..At sa limang araw na yun , iba na ang pakikitungo ni Ethan sakin..

Gusto niya lagi kaming sabay mag lunch..Pati na rin sa pag uwi at pagpunta sa school...

At dahil din dun , halos lahat na ng babae sa school , galit sakin.

"Kathlyn , akin na yang bag mo.." si Ethan

Hindi ko siya pinansin at tahimik lang akong naglakad..

Nakatingin na naman kasi yung mga babaeng schoolmates namin sakin..

"Kathlyn , galit ka bah sakin?" bigla akong hinarap ni Ethan

Inirapan ko lang siya at lalagpasan na sana pero agad niya akong hinila pabalik sa kinaroroonan ko kanina..

"Ethan , wala ako sa mood para kausapin ka.." sambit ko at babawiin na sana ang kamay ko sa kanya pero mas hinigpitan niya lang ang hawak niya dito

"May nagawa bah akong hindi mo nagustuhan?"

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya..

"Ang sweet naman.."

Nakita ko si Eliza na nasa harapan na namin..

"Siya bah talaga ang ipagpapalit mo sakin , Ethan?.Yang basurang babaeng yan?Hindi mayaman , at walang kwenta.." si Eliza at matalim akong tiningnan

"Magsisimula ka na naman bah Eliza?.Lagi ka nalang nanggugulo.." si Ethan at itinago ako sa likod niya

Nakayuko lang ako kasi alam kong nakatingin na sa amin ang lahat..

"Hindi ako nanggugulo , Ethan..Yang babaeng yan ang nanggugulo..Hindi naman tayo magkakaganito kung hindi yan nakikisingit diba?"

"Eliza , ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi na kita gusto!" galit na sabi ni Ethan

"At yang babaeng yan na ang mahal mo?.Ganun?.Ano bang nakita mo sa kanya na wala sakin?Maganda ako , at mayaman pa.Sigurado rin naman akong sakin papanig ang mga magulang mo lalo na't tutor mo lang naman yang babaeng yan.."

Nagtiim bagang nalang ako dahil ayaw kong masabi kung sino bah talaga ako..Ayokong gumawa ng malaking gulo , kaya magtitimpi muna ako hangga't kaya ko.

"Alam mo kung anong meron siya at wala ka?.Yung pagiging totoo niya sa lahat..Hindi niya tinatago kung ano yung ayaw at gusto niya sayo..Imbis na itago sinasabi niya sayo para naman maging maayos kang tao.." si Ethan at hihilahin na sana ako palayo doon ero agad na nagsalita si Eliza

"Talaga lang Ethan ah?.Pwes , ipapakita ko rin sa babaeng yan kung sino ang kinakalaban niya..Kilala mo ako Ethan , hindi ako yung taong pinagbibigyan ang mga mangaagaw..Kaya sa oras na tuluyan ka niyang maagaw sakin , matitikman niya ang totoong galit ko.." pagbabanta ni Eliza

Agad naman siyang nilingon ni Ethan..

"Kilala mo rin ako , Eliza..Kahit babae ka pa , kaya kitang pahirapan hanggang sa ikaw na mismo ang humiling na patayin kita..Alam mo naman kung ano yung nagawa ko 2 years ago diba?.Kaya ko rin yung gawin sayo sa oras na saktan mo ang babaeng mahal ko..Tandaan mo yan.." si Ethan at tuluyan na kaming umalis doon

Kung kilala na talaga ni Eliza si Ethan...

Alam niya kaya ang tungkol doon sa bracelet?.Nasabi na rin ni Ethan sakin noon na may grupo siya.

Kaya posibleng magkakilala sila ni kuya Zed lalo na't may grupo rin siya noon..

Hindi alam ng parents namin na kasali sa isang gang si kuya..Tanginging ako lang kasi ang nasasabihan niya..Sa pagkakaalala ko pa nga , bago nangyari yung insidente nagkaroon ng banggaan sa grupo nina kuya at nung isa pang grupo..

Posible kayang magkasama si Ethan at si kuya sa iisang grupo?.At posible rin kayang alam ni Ethan ang totoong nangyari kay kuya nung araw na yun?

"Kathlyn , sorry sa mga sinabi ni Eliza.." si Ethan

Napatingin naman ako sa mata niya..

Gusto kong malaman lahat ng yun agad agad..Pero baka wala ring mangyari kasi kilala ko si Ethan..Hindi niya hahayaang may makaalam ng buong istorya maliban nalang kung may matinding koneksyon kayong dalawa..

Katulad nalang ni Eliza..

"Kathlyn , okay ka lang?" si Ethan at inalog ako 

Tumango nalang ako sa kanya.

"Kanina ka pa tulala..Ano bah talagang problema?Sabihin mo sakin , aayusin ko.." seryosong aniya at hinakawan ang dalawang kamay ko

"Hindi mo ako maiintindihan kapag sinabi ko sayo.." sambit ko at nag iwas ng tingin

"Edi ipaintindi mo!"

Hindi ko na siya sinagot pa dahil gusto kong malaman ang totoo , sa oras na mas higit pa sa kaibigan ang tingin namin sa isa't isa..

Hindi naman sa sinasabi kong magiging kami..Baka sakali lang diba na maging mas close pa kami sa inaakala ko..

Kasi kapag nangyari yun , pwede ko nang itanong sa kanya ang gusto kong itanong..At para na din malaman ko ang totoong nangyari sa kuya ko..

Kinahapunan ay nauna nang pumunta sa parking lot si Ethan..Inutusan pa kasi ako ng prof namin na ihatid sa library ang mga libro niya..

Kunti lang naman yun at kaya kong buhatin..Kaya pinauna ko nalang si Ethan..

Papasok palang ako ng library ng makasalubong ko ang isang lalaki na may dalang maraming libro..

Hindi niya atah ako napansin kaya nung medyo natamaan niya ako , at nahulog yung mga libro..

"Naku!.Sorry!." aniya at agad na ibinaba ang mga librong dala niya at tinulungan akong pulutin yung akin

"Ah , okay lang..Ako dapat yung umiwas kasi ako naman ang nakapansin sayo..Tyaka mas marami yung dala mong libro kesa sakin.." sambit ko at kinuha na yung libro ko na hawak niya

"Pasensya na talaga kasi hindi ako tumingin sa dinadaanan ko..Jayce nga pala.." aniya at nag abot ng kamay

Napangiti nalang ako kasi ito yung kauna unahang pagkakataon na may nagpakilala sakin ng ganito sa school na toh..

"Kathlyn.." tatanggapin ko na sana yung kamay niya ng bigla may humawak dun na ibang kamay

Napalingon ako sa kung sino yun at nanlaki nalang ang mata ko ng makita ko si Ethan na matalim na nakatingin doon sa lalaki..

"Wag ka ngang nakikipag kamayan sa kahit sino , Kathlyn.." sambit niya

"Ano bang ginagawa mo , Ethan?.Nakikipag kilala lang naman yung tao.." inis kong binawi ang kamay ko sa kanya

"Kahit na , pwede namang makipagkilala kahit walang kamayan ah.." pagdadahilan niya

Inirapan ko nalang siya kasi kapag nakipag talo pa ako sa kanya , baka maabutan pa kami ng bukas..

Hinarap ko nalang si Jayce ay nginitian..

"Pasensya na sa asal ng lalaking toh ah..May sira kasi toh sa utak kaya hindi marunong rumespeto sa iba..Sige Jayce , mauna na ako.." sambit ko at pumasok na sa library

Nang mabigay ko na sa prof namin yung libro ay lumabas na ako ulit at nakita ko nalang si Ethan doon na nakangusong nakatingin sakin..

"Wag ka ngang ngumuso , hindi bagay sayo.." sambit ko at iniwan na siya

Hayst!.Kailan bah magbabago ang ugali ng isip batang Ethan na yan? >.<




Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 148 47
AGE GAP SERIES #1: THE 10 YEARS GAP Waiting for the right time for us. SHIANA JANE LEDEVIONA, 14 years old from ASEA (Asian South East Academy) ARY...
63K 4.3K 38
Kapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagm...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
9.5M 298K 72
PUBLISHED "Hey, buddy! Massage mo nga ako! Faster!" Utos ko sa butler ko. Wala lang, gusto ko siyang asarin. "Gawin mo mag-isa mo. Hindi ako utus...