HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN...

By Sherylfee

53.9K 1.6K 217

Paano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan? More

TEASER
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
FINAL CHAPTER

CHAPTER TWENTY

1.2K 57 3
By Sherylfee

" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIENDS "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER TWENTY

As same as the old times!

When the darkness spreads, he inserted himself!

"Kailangan mo ng pagbayaran ang mga kasalanan mo Don Fred. Hindi lang sa aming mga alagad ng batas ka nagkasala pero sa taong bayan na rin at patawarin ako ng Diyos dahil ako na ang gagawa sa hakbang na ito para kahit hindi pa maubos ang mga masasamang damo mabawasan man lang  sila." Bulong  ng binata bago bumaba sa tree house nilang magkakaibigan.

Sa kanyang paglalakad sa dilim, hindi  niya napansin ang taong sumusunod sa kanya and he's  about to enter the facility where he's  about  to start the bastard ay nagulat na lamang siya ng may malamig na bakal na dumikit sa tagiliran niya't kasing-lamig pa ng boses.

"Well, well parang hindi ko na kailangan pang gumawa ng hakbang para hanapin ka pagkatapos ng gulo sa tahanan ninyo kung matatawag nga bang tahanan iyun samantalang kasing laki lang ito ng silid ko." Wika nito.

"At sino ka namang poncio pilato ka aber?" Nakatalikod man ang binata sa kausap pero nakakunot-noo naman na akala mo ba'y nakikita siya nito.

"Supposedly ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo lalaki ka. Oh I'm  wrong too hindi pala iyan ang dapat kong itanong dahil kilala kita Sandoval, anong pakay mo dito sa hide out namin? Sige nga Sandoval." Alam  man ni Jhay-R ang pakay ng mortal na kaaway dahil sa pangbubulag ng nakalakhang ama'y naitanong pa rin niya ang bagay na iyun.

Dito  napagtanto ni Phillip na ang taong  nanutok sa kanya ay walang iba kundi ang taong wala na yatang ginawa kundi ang guluhin ang buhay niya.

"Alam mo kung ano man ang pangalan mong impakto ka iwanan mo na ang ama mong walang kasing-demonyo. O baka naman wala kang kaalam-alam sa mga ginagawa niya at ikaw ang inutusang iligpit ang mga kagaya kong tumutugis sa kanya? Kawawa ka namang lalaki ka bata-batuta lang  ni  Don Fred." Pang-iinis pa lalo ni Phillip dito pero ang isipan ay busy na sa pag-iisip kung ano ang susunod niyang hakbang. Hindi naman sa takot siya sa baril pero paano niya maisasalba ang mga walang kamalay-malay na taong bayan kung mabaril siya ora  mismo ng hayop na nasa likuran niya, kaya dinaan na lamang niya ito sa pang-iinis.

Hindi nga siya nagkamali dahil mukhang kasing-init ng ulo niya ang kukute nito.

"Shut up! Alam mo bang kahit isa din akong opisyal ay nagagawa kong pumatay ng tao dahil sa'yo? At ikaw ang isusunod kong idedespatsa dahil ang buhay mo ang kapalit ng buhay ng yaya ko. Hands up and move!" Napalakas yata ang boses nito dahil may lumapit na alipores nito.

"Boss my problema ba?" Tanong nito.

"Wala Mang Damian, ihanda ang bakanteng kuwarto sa roof top at doon natin  siya ikukulong habang wala pa si daddy."  Sagot ni Jhay-R.

Sa pagkarinig ay agad nabaliktad ang sitwasyun, hindi sumunod ang binata bagkus ay naging mabilis ang kilos. Kung kanina'y siya ang natutukan ng baril siya naman ngayon ang nanutok.

But....

Agad  na nabitawan nabitawan ni Phillip ang hawak na baril. Inaamin niyang malaki ang galit niya sa mag-amang Andaya dahil sa illegal na gawain ng mga ito na siyang sumisira sa imahe ng mga kapulisan na siya namang totoo, marami ang mga alagad ng batas na nasisilaw sa kinang ng salapi kaya naman marami na rin ang napapariwang buhay lalo na ang mga kabataan.

Pero ng masilayan ang mukha ng mortal  na kaaway ay agad niyang nabitawan ang hawak na baril.

"No! This can not be!"

"Anong  ibig sabihin nito?"

Sabay pa nilang  sambit dahil pareho naman silang napatda ng magkaharap face to face.

"Ikaw  siguro ang nasa video na iyun ano? Ginagamit mo lang ang mukha ko para masiraan ako sa mga tao." Makalipas ang ilang sandali ay saad ni Phillip na dadamputin na sana ang nabitawang baril pero naging maliksi ang kaharap dahil bago pa niya magawang pulutin ang baril ay  nasipa na siya nito.

"Gago! Original ang mukha ko tarantado! At anong video ang sinasabi mo?" Mainit pa sa kalan na aigaw ni Jhay-R.

Dahil hindi napaghandaan ni Phillip  ang pagsipa sa kanya ng kaharap ay  napaaringking ito dahil sa sakit.

"Mang Damian! Lagyan ng posas ang gagong  iyan at dalhin ninyo sa taas! Make it sure  na hindi iyan makakatakas dahil kung hindi kayo ng mga kasamahan mko ang papatayin ko sa harap ni daddy! Maliwanag ba?" Mando ni Jhay-R.

"Yes sir!" Akala mo'y  nasa isang training ang mga ito dahil sabay-sabay na pagsagot.

"Good! Mauna na ako sa taas." Tugon ng binata saka ibinalik ang hawak na baril sa lagayan nito sa bewang at naglakad na palayo este patungo sa elevator paakyat sa roof top ng hide out nila.

But the truth is, kagaya lang ng ipinapatumba ng daddy niya na naguguluhan siya. Wala silang pinagkaiba ng bihag niya kung sa panglabas na kaanyuan lamang ang pinag-uusapan. Kung mayroon man siguro ay ang kilos at galaw nila. Pero paano nangyari iyun samantalang wala namang nabanggit ang ama niya na ang Sandoval na sinasabi nito ay kamukhang-kamukha niya? Napaisip tuloy siya kung tama nga bang sundin niya this time ang daddy niya na patayin ito samantalang wala naman itong nabanggit  tungkol sa pagkamukha nilang dalawa? Kung tutuusin naman kasi kahit magmawangis sila ay kailangang mailigpit niya ito total hindi naman sila magkaano-ano para mailigtas ang buhay ng kanyang yaya pero bakit  gano'n? Hindi niya maunawaan ang sarili niya sa kanilang paghaharap sa unang pagkakataon.

"Shit! What's  happening  in this world? I did my best to follow all the orders of daddy but why this time I feel so strange! Demon!" He coursed silently as he reached the place.

Then he remembered his yaya kaya naman pabagsak siyang naupo sa couch na nandoon.

"Kung bakit  pa kasi kailangang gawin ito ni daddy. Maano bang pauwiin na lamang niya ito kaysa ang idamay pa ito samantalang napakalaki ang utang na loob namin sa kanya. Pero...shit! Ano ba kasi ang narinig nito at gano'n  na lamang ang galit ni daddy? Fuck!" Hindi napigilang mura ng binata dahil sa sari-saring pumapasok sa isipan.

Sa kadahilanang napuruhan ang tiyan ni Phillip ay hindi siya agad nakabawi kaya naman kahit nanlaban siya sa dalawang naglagay ng tali mga kamay niya patalikod ay  wala siyang nagawa kundi ang nagsisigaw na pakawalan siya.

"Wala kang utak Sandoval alam mo kung bakit? Dahil sa pagpunta mo pa lang ng mag-isa dito ay para mo ng hinukay ang libingan mo kaya huwag kang magsisigaw diyan  dahil kahit ano pang gawin mo walang tutulong sa'yo dito." Mapang-asar nito.

"Siguraduhin ni'yo  lang na ako ang mapapatay ninyo dahil kapag ako ang magkaroon  ng pagkakataon ay  lahat kayong alipores ng mag-ama'y damay sa batas ko! Ang batas na magpaparusa sa inyong lahat! Dahil ang mga kagaya ninyo ng mga amo  ni'yo ay dapat sa bilibid nakatira hindi dito sa labas." Malakas  na ring sagot ni Phillip na naging  sanhi ng pagpalo ng dalawa sa kanya ng baril kaya naman halos matumba na ang binata dahil sa sakit.

"Manahimik ka  tarantado! Gusto mo yatang mapaaga ang kamatayan mo ah." Inis na wika ni Damian.

"Tama na iyan bro mamaya'y tayo pa ang malalagot kay boss kapag nagkataon." Sawata  naman ng kalbong panot.

Kaya naman sinipa na lamang nito si Phillip na tuluyang  bumagsak dahil sa sunod-sunod na dalawang palo ng baril at sipa. Pero ang mga halang ang kaluluwa ay kilaladkad lamang ito na parang nanghihila ng patay na hayop.

But in his mind, ( Phillip ) hindi naging dahilan ang sakit na nararamdaman niya ng oras  na iyun dulot pagsipa ni Jhay-R sa kanya, ang dalawang baril na tumama sa katawan niya mula sa dalawang walang puso, sipa din ni Damian, at higit sa lahat hindi biro ang sakit ng makaladkad na nakaposas pa.

"Sige lang  mga hayop kayong lahat. Make it sure  na mapapatay ni'yo  ako pero oras na ako ang magkaroon ng chance na gawin ang bagay na iyan wala akong ititira sa inyo kahit isa! Mga salot kayo sa lipunan." Lihim  na ngitngit niya.

Samantala, dahil nakaplano ang lahat naging madali lang ang pagsasagawa ni Don Fred sa balak.

Tahimik na ang buong kabahayan, oras na ng pamamahinga ng mga tao. Pero para kay Don Fred  ay wide awake pa siya.

"Sorry ka na lang nana dahil hindi kita bubuhayin para lamang  ipagkanulo ako. Pasensiyahan na rin tayo dahil hindi ang  tulad mong hampas-lupa ang magpapabagsak sa tulad  kong mayaman.  Kahit  pa sabihin nating hindi ka magsasalita who cares? Kayang-kaya kitang  palitan ng kahit sampo pang katulong dito sa bahay. Alam kong nasa  kay Jhay-R ang loyalty mo kaya hindi malayong  maipagtatapat mo din sa kanya ang narinig  mo kaya unahan na lang kitang matanda  ka. Naniwala ka pa namang  papauwiin ka ng anak ko pero hindi ko hahayaang mangyari iyun tanda." Piping sambit ng Don habang tahimik na papalapit sa mahimbing ng natutulog na si nana.

Inilabas niya ang panyong  nilagyan niya ng gamot  na kung maamoy ito ng kahit sino ay matutuluyan ito. Kinuha  muna niya ang isa pang unan na nahulog sa tabi saka idinikit ito saka itinakip sa mukha ng matanda. Hindi nga nagtangal nangisay na ito tanda lamang na wala na itong buhay.

Kung gaano nito katahimik na isinagawa ang pagpatay kay nana ay gano'n  din ito lumabas ng kuwarto without knowing  kung wala nga bang nakakita sa bagay na nagawa.

"One problem solved! Ngayon naman ang isusunod ko ay ang kambal." Nakapitik sa eri na abot-taenga ang ngiti.

Pero sa pagkakaalala sa kambal ay  muli siyang umakyat sa sariling kuwarto. Halos hindi pa siya nakapasok ay tumunog na ang cellphone.

"Oh anong balita?" Agad niyang tanong.

"Mukhang nasa atin ang panig ng mundo boss. Si Sandoval na mismo ang sumugod sa hide out natin." Tugon naman ng nasa kabilang linya.

"Good news iyan pero paano niya nalaman ang hide out natin? Si Jhay-R nasaan na?" Hindi mawala-wala ang ngiting nakapaskil sa labi ng Don.

"Sa tanong mo boss wala akong masagot dahil nandito kami sa labas nagbabantay pero marahil nandito din si señorito dahil nasa garahe naman ang sasakyan niya." Muli ay sagot ng nasa kabilang linya.

"Okey mag-ingat kayong lahat diyan at bantayang mabuti ang bihag alam ni'yo naman  kung gaano kadulas ang hayop na iyan sa bala. I'll hang up my phone now at papunta na kami diyan ng mga kasamahan mo." Wika ng Don at hindi na hinintay na makasagot ang kausap.

As he prepare himself to go outside again, he's  murmuring.

"Sabi ko naman ako ang ruler at ako ang  masusunod. Mabibili ko ang batas dahil ako ang batas." Bubulong-bulong na aniya nito saka pumanaog at tinawag ang bodyguards para lumakad na sila papuntang hide out.

Samantala, hindi mapakali ang lahat dahil gabi  na pero hindi pa nila nahihintay na muling  magpakita ang binata sa kanila.

"Guys kung mamarapatin ni'yo  sana iiwanan muna namin sa inyo si Aling Wilma at gaya ng bilin sa amin ni pareng Phillip huwag ni'yo  sana siyang pababayaan. Iba  pong magalit ni pare when it comes  kay Aling Wilma. Kami na po ang bahalang maghanap sa kanya." Hindi nakatiis na aniya ni Arnold.

"Kahit hindi mo iyan sabihin anak gagawin namin iyan and besides kilala ko naman si Aling Wilma. Pero mag-iingat kayo lalo na sa uri ng trabaho ninyo ay mapanganib." Tugon naman ni Ginang Sheryl Ann.

"Pare  ikaw din maiwan ka na muna dito baka mapaano ka pa---"

"No pare I'll come. Nakuhanan lang ako ng dugo kahapon pero  hindi ako papayag na hindi kasama sa paghahanap kay pareng Phillip." Mariing putol ni Leo kay Joe.

"Okey okey guys huwag na kayong magtalo, let's go na. Sasama kami ni Gracelyn sa lakad ninyo at gagamitin natin ang car ko. Ano guys deal?" Singit ni Princess na hindi rin mapakali.

"No--"

"Hayaan ni'yo na mga anak marunong ang mga iyan sa self defense kaya isama ni'yo na sila. Huwag kayong mag-alala dahil hindi namin pababayaan si Aling Wilma. Just take care of yourselves guys." Putol naman ni Raven II sa mga ito.

The result?

Ang isa pang Sandoval ang naiwan este si Freud. Ang tatlong magkakaibigan at sina Gracelyn ang lumarga.

They headed to the place they know where they  can find their friend!.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY! !!!

Continue Reading

You'll Also Like

85.7K 1.4K 11
Magiging Bayarang Impostora si Hazel dahil sa matinding pangangailangan ng pera para sa kanyang naghihingalo na kapatid. Ano Kaya ang kanyang magigin...
243 88 43
This is not your typical cinderella story.. Dalawang tao ang magtatagpo sa isang di inaasahang pagkakataon.. Love will rise in the air, sparks will f...
79.6K 7K 107
"Mahirap ba kong mahalin? May kulang pa ba sakin?"
1.9K 72 20
Si Samantha ay isang ordinaryong babae lang na nagtatrabaho sa isang bar bilang waitress sa New York. Ng makilala niya si Liam na isang prinsipe ng C...