Babysitting the CEO's Son [CO...

By SenyoritaAnji

1.9M 66K 8.8K

Jared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawa... More

Babysitting the CEO's Son
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Wakas
BTCS SEQUEL

Kabanata 9

36.1K 1.3K 166
By SenyoritaAnji

Kabanata 9

"Naku, hija. 'Wag ka munang pumasok," ani ni ma'am Sandra.

"Ma'am, okay naman po ako. Nagkatrangkaso lang ako kahapon ngunit okay naman na ako." Hilaw akong ngumiti sa harap niya.

Umiling lamang ito at pina-upo ako. "Magpahinga ka na lang. Sasamahan mo mamaya si Jared sa pupuntahan niyang victory party."

Wala akong nagawa kundi ang tumango. "Sige po."

Tumango ito kaya yumuko ako ng bahagya upang magbigay ng galang. Nauna itong lumisan kaya agad akong tumungo sa maid's quarter at pumasok sa kwarto namin ni Emma.

Pinulot ko ang mga nagkalat sa lapag at isa-isang inayos sa tamang lalagyan nito. Agad kong kinuha ang lalagyan ng mga lalabhan at pinasok roon ang mga lalabhan kong damit, syempre ang uniporme kong may bahid ng dugo sa dulo ng palda.

Pumunta ako sa likod-bahay at nagsimulang magkuso. Madali rin naman akong nakatapos dahil halos gabi-gabi rin naman akong naglalaba kaya walang masyadong lalabahin.

Nang mapansin ko ang oras. Alas-dose na pala ng tanghali kaya nagluto ako ng dalawang putahe at nagsalang din ng kanin sa rice cooker. Naisipan kong lutuin ang bicol express at adobong manok.

"Natasha, naman. Sabing 'wag na mag-abala sa gawaing bahay. Nalingat lang ako sa paglilinis ng mga kwarto sa underground ta's ikaw agad ang pumalit sa mga trabaho ko," ani Manang Eda.

Nginitian ko na lang siya. Matapos ay hinain ko ito at naunang kumain.

"Manang, aalis na ho ako. Kailangan ko pong magpakita sa school." I waved her goodbye at pumasok sa nakaparadang sasakyan ni Manong Manuel. "Manong, tara na po!"

Napailing na lang si Manong at nagmaneho papuntang paaralan. Napabuga naman ako ng hangin sa tuwing maaalala ko ang mga salitang binitawan ni Wenchie kagabi. Patuloy pa rin itong bumabagabag sa isipan ko.

Bakit nadadamay ang international gang group na iyon? Paano nila nakilala ang grupo namin? At higit sa lahat, bakit gusto nila akong kunin? Sa dinami-dami ng mga babaeng pwedeng pumalit bilang kanilang Queen, bakit ako ang naisipan nilang kunin? Paano ako makakapagtrabaho ng maayos kung ganong may mga taong hina-hunting ako ngayon?

Pagod akong bumuga ng hangin at huminga ng malalim. Kailangan kong mag-ingat. Isa rin kung bakit umalis ako sa grupo ay dahil ayaw nila mama at natatakot sila para sa kalagayan ko. Kahit naman ako, natatakot akong madamay ang pamilya ko kung magpapatuloy ako sa grupo ko.

"Andito na tayo, hija. Masyadong malalim ang iniisip mo at baka ako'y malunod," ani Manong na siyang nagpagising sa akin sa reyalidad.

Nginitian ko nalang siya at umiling. "Hindi naman po masyadong malalim. May mga alaalang sumagi lang sa isipan ko. Sige na po, Manong. Mauuna na ako."

Agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng gate. Inayos ko ang salamin ko at ang medyo nagusot kong uniporme. Nagsimula akong maglakad papasok ng gym. Rinig ko ang hiyawan ng mga tao. Ngayong hapon pa pala ang rematch nila.

Ang nasa loob ng bag ko ay dalawang bote ng mineral water at maliit na tuwalya. Sinadya ko ito para mamaya pagkatapos ng laro nila Sir Jared. Bilang pasasalamat na rin ito sa paggamot niya sa sugat ko na siya rin ang may gawa. Tsk.

Dumako ang paningin ko kay Ella sa pwestong medyo malapit sa bench na inuupuan ng mga substitute players. Malaki ang gatla nito sa noo habang nakatingin sa pwesto nila Jennie at ng kanyang mga kaibigan.

"Hoy!" Napaigtad naman ito sa inuupuan nang gulatin ko.

"Gaga ka ba?!" Sapo-sapo nito ang kanyang dibdib habang masamang tingin ang ginagawad sa akin.

Matamis ko siyang ngitian at tumabi sa pwesto niya. "Hindi ako gaga. Ang bait ko nga, e," puri ko sa sarili na ikinakunot ng noo niya.

Agad niyang pinalo ang braso ko na ikinadaing ko. "Ano na naman?!"

"Ikaw, ha." Nakaduro ang kanang kamay nito habang ang isa ay nasa baywang niya. "May lagnat ka kahapon at pumasok ka pa?! Aba! Ang lakas mo rin, ah?!"

Lord. I'm thankful that I travelled here in Manila to stay away from that bitch that almost wrecked my ear and now you're giving me a friend with a large megaphone on her throat. Lord is this my karma for being silent? What the hell.

Kinamot ko ang batok ko. "Manood nalang tayo ng laro, Ella. Nakay Adam na ang bola." Nginitian ko ito.

Umirap lang ito at bumaling sa laro. Na kay Adam naman talaga ang bola. Mabilis niya itong tinira at pumasok ito ng walang sabit. Sumigaw ng time out ang coach at pumito naman ang referee.

Agad kong hinila pababa si Ella at lumapit sa pwesto ng Alas. Mabilis kong binaba ang dala kong bag sa isang bench at kinuha ang isang mineral water at maliit na tuwalya at muling lumapit sa pwesto ni Sir Jared.

"Ano sa tingin mo ang gagawin mo?" ani Ella habang nakataas ang likay. "Nahuhulog ka na sa patibong ng isang Montenegro?"

Napailing nalang ako at tumawa ng mahina. "Nope." Pinakita ko ang palad kong may sugat. "Bilang pasasalamat na rin ang gagawin ko sa kanya. Ginamot niya ang sugat ko kahapon kaya gagawin ko ito ngayon. At isa pa, ito naman talaga ang trabaho ko, 'di ba?"

Umiling lang ito at tinaboy ako paalis at papunta kay Sir Jared. Ngunit nakita ko itong kasalukuyang pinapahiran ng isang dilag na sa tingin ko ay cheerleader, base narin sa suot niyang kapahera sa mga kasalukuyang sumasayaw sa gitna ng court

Biglang may humila sa braso kong hawak ang maliit na tuwalya at dumapo ito sa leeg ni Adam.

"Adam..." I whispered.

Bahagya itong ngumiti na ikinagulat ko. Ito ang unang pagkakataon na makita kong ngumiti ang taong yelo.

"Wipe me instead. May nagpupunas na sa pawis ng damulag na inaalagaan mo kaya ako nalang." Umikot ang dila nito sa kanyang labi upang basain.

Rinig ko ang impit na tili ni Ella sa likod ko. "Ahh, e.. uhm.. Si E-ella nalang—"

"Why can't you?" mahinang tanong nito.

Nilingon ko si Ella at nag-hand gesture itong magpatuloy. Adam tilted his head for me to have more access on his neck to wipe.

Mahina akong bumuga ng hangin at sinimulang punasan ang leeg ni Adam. Ramdam ko ang titig ng iilan sa mga estudyante habang pinupunasan ko ang leeg ni Adam.

Inangat ko ang kamay ko at idadapo sana ang tuwalya sa noo niya nang may humila sa isa pang braso ko at napasubsob ako sa dibdib ng isang bulto.

Kunot noo ko itong tingala habang hawak ang ilong ko. Ang sakit kaya!

"Are you trying to win her over me?" Bakas ang pagbabala sa boses nito.

"Come on, Jared. There's nothing wrong in wiping my sweat." Ramdam ko ang pang-iirita ni Adam kay sir Jared.

Impit akong napaliti nang bigla niyang niyapos ang baywang ko at mas siniksik ako sa katawan niya. Ano bang problema nito?

"I won't buy it, Walker." Mas lalong mapanganib ang boses nito.

Pilit kong nilingon ang pwesto ni Adam. "Just buy it, Montenegro. It's the fact."

Ramdam ko ang tensyon sa buong gym marahil ay nasa pwesto namin ang lahat ng atensyon. Hindi ko na kaya ito.

Pumiglas ako sa hawak ni sir Jared sa akin at hinawakan ang pulso niya. Hinila ko siya palabas ng gym at dinala sa quadrangle.

"Ano bang problema mo?!" iniinis na bulyaw ko.

"Anong problema ko? Ikaw, Venice. Ikaw ang problema ko!" Now, he's calling me by me second name.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Paano naging ako? Wala naman akong ginawang mali para ikasakit ng ulo mo kasi 'di naman ako katulad mo!" balik sigaw ko.

"Meron, Venice. Araw-araw mong pinapasakit ang ulo ko," pagod nitong saad.

Mas lumaki ang gatla ko sa noo. "Anong pinaglalaban mo?"

Malakas itong bumuga ng hangin. "I don't know what to do with you." Inis nitong ginulo ang kanyang buhok. "Get lost."

Napailing ako nang makita ko ang maraming butil ng pawis na nagmumula sa kanyang noo at umaagos papunta sa leeg niya.

Nilapitan ko ito at hinawi ang buhok na humaharang sa noo niya at sinimulang punasan ang kanyang pawis. Alam kong ito ang pinuputok ng butsi ng taong to. Pinunasan ko ang buong mukha niya. Umikot ako sa likod niya at pinunasan rin ito.

"Why did you come to school?" Hindi tulad kanina, kalmado na ang boses nito.

"Gusto ko lang. At saka, may trabaho akong dapat gampanan." Patuloy pa rin ako sa pagpupunas hanggang sa matuyo na ang likod niya. "Ayan, tapos na."

"Quit archery." Biglang lumamig ang boses nito at humarap sa akin.

Agad na umisang linya ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong sinabi mo?"

"I don't do repeat."

Bumaling ang tingin ko sa gilid ng tinatayuan niya at umismid at binalik ang tingin sakanya. "Why would I?"

"Because you're not her." Her. I think I know whom he's referring to.

Pumeke ako ng ngiti. "Hindi ko naman hiniling na maging siya. At hindi ko pinangarap na maging siya." I hissed.

Kita kong kumunot ang noo niya. "You knew her?"

Nagkibit balikat lang ako. "Tara na. Balik na tayo sa gym," pag-iiba ko ng usapan.

Pumihit ako paharap at nagsimulang maglakad pabalik sa gym. Nagsisimula na pala ang laro at lumalamang ang aming panig.

Bumalik ako sa pwesto kung saan naroroon si Ella. Habang palapit, 'di nakaligtas sa pandinig ko ang bulungan ng mga estudyante, Ewan kung bulong pa ba ang tawag du'n.

"Girl, bumalik ang malandi."

"Akala mo inosente, 'yon pala may tinatagong kulo."

"Bes, 'yung disinfectant spray ko. May dumi na dadaan baka mahawaan ako."

"Grabe. Nilandi na nga niya si Adam, sinali niya pa si Jared. Aba! Kala niya maganda siya."

Blah. Blah. Blah. Blah.

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nila at hinila si Ella palabas ng gym. Ayoko nang manood. Na bu-bwisit ako sa pagmumukha ng mga estudyante sa tuwing daraan ako. Sarap pamugutan ng ulo, e. O 'di kaya'y tirahin ng palaso.

"Oh, anyare? Ba't parang pinagsakluban ka ng langit at lupa sa mukha mong 'yan?" Natatawang tanong ni Ella.

Inirapan ko lang ito at umupo sa isang bench. Nilapag ko ang bag at inalis ang salamin ko. I rub my eyes due to its itchiness. Matapos ay binalik ko ang salamin ko at parang baliw na ginulo ang pagkatali ng buhok ko.

Ba't ba ganito ang buhay ko?

"Nga pala, Natsaha," biglang sabi ni Ella.

"Oh?" pasindak kong tanong na ikinatawa niya.

"Ayusin mo nga muna ang buhok mo. Para kang sinabunutan ng 'di mabilang-bilang na mga estudyante, e."

Umirap ulit ako at inayos ang buhok ko. Agad akong humarap sa kanya ng nakataas ng kilay.

"Oh? Iluwa mo na gusto mong sabihin, Ella."

Ngumisi ito. "The Royalties are back!" tumili ito.

Agad kong tinakpan ang tenga ko at saka lang binitawan nang tumahan na ito. "E, ano naman ngayon?"

Mabilis na dumapo ang palad nito sa braso ko na ikinangiwi ko. "Gaga ka! Hindi ba't kasapi ka ng mga gang?" Humina ang boses niya sa huling salita.

"Tapos?"

Ito naman ang umirap. "Duh! They are the most handsome and the coolest group ever! And for your information, pinsan ni Sir Jared mo ang hari ng grupo nila."

Parang nabingi ako nang sabihin niya ang salitang hari. "Hari?"

Frustrated siyang bumuga ng hangin. "Okay. Royalties is compose of six people. The first one is Carter Lincoln, the cassanova. Mahilig mambabae. Second is Stone Miller, the cold one, halos magkapareha sila ni Adam ng ugali. Third is Dixon Hutton, the charming one. Fourth Adler Navarro, siya yung mahilig sa sports. Fifth is Raiven Reyes, the music lover, second hand din ng King."

Kumunot ang noo ko. "E, sino ang King?"

Nagkibit balikat lang siya. "Ang alam ko lang sakanya ay ang pangalan niya na Axel Gel Smith."

Napaawang ang labi ko sq narinig. "P-panong hindi mo alam?"

Curiosity is striking me.

"Back when they're still studying here, they took special classes. Walang nakakakita sa mukha niya. Hindi ito masyadong lumalabas, kung lalabas man, naka mask, sunglasses at sumbrero. Oh, 'di ba? Sinong makakadiscover sa mala-Adonis niyang mukha kung tinatago niya. Pero 'di bale, magaling naman daw itong lumaban. They are also called as..."

"As?"

"Royals."

I'm doomed. Really fucking doomed.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 115K 89
Zig's new plan for Jessielie.
73.1K 2.2K 23
Bisaya | Completed Started: May 2020 Ended: May 2020
367K 24.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
4.5M 103K 34
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bit...