Babysitting the CEO's Son [CO...

By SenyoritaAnji

1.9M 65.4K 8.7K

Jared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawa... More

Babysitting the CEO's Son
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Wakas
BTCS SEQUEL

Kabanata 7

35.3K 1.4K 112
By SenyoritaAnji

Kabanata 7

"Anong susunod na laro?" tanong ko kay Ella.

"Basketball." Tinignan ako nito at dumapo ang paningin niya sa kamay ko. Agad niya itong kinuha at mariing tinignan. "Anong nangyari sa kamay mo? Ba't may benda?"

Ngumiti lamang ako. "Nadulas ang pinggan sa kamay ko."

"Ang lalim naman yata?" she asked. "At saka, paano na 'yan? Hindi ka makakalaro ng archery?"

Nagkibit balikat lang ako. "Ayos lang 'yan makakaya ko rin iyan," confident kong sabi.

Pero ang katotohanan ay hindi ko alam kung maisasaayos ko ba ang pagtira kung gayong hindi mabuti ang pakiramdam ko. Medyo mabigat ang katawan ko at parang gusto kong matulog.

"Halika na, magsisimula na ang laro. Baka 'di ko makita ang pag-entrance ni Baby Adam," tila kinikilig nitong sawika at kinaladkad ako papuntang gym.

Pumwesto kami sa harapan. Medyo pasiksikan pa bago ka maka-abot sa unahan. Mabilis akong hinila paupo ni Ella nang pumito ang referee.

Pumasok ang manlalaro sa kabilang panig. Napuno ng hiyawan ng mga kababaihan ang buong basketball court. Mga nagkikisigan at nagtatangkarang nga manlalaro. Hindi rin maipagkakaila na lahat sila ay may ibubuga sa hitsura.

Nang pumasok ang mga manlalaro sa aming panig ay halos mahingi ako sa sobrang tinis ng boses ng mga kababaihan. Huling pumasok ang lima. Mataman ko naman silang tinignan.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Aldrin at 'yung lalaking tumulong kay Ella ang nasa unahan. Sinundan naman ng dalawa na si Adam at isang lalaking hindi ko kilala. Nagpapahuli si Sir Jared, dala ang blankong titig at expresyong hindi mabasa-basa.

"Alas!"

Iyan ang paulit ulit na sigaw ng mga kababaihan. Alas? Iyan ba ang pangalan ng grupo nila? Ang weird naman ata?

Seryoso ang tingin ko sa lalaki mula sa kabilang grupo. Blanko ang tingin nitong pinupukol sa grupo nila sir Jared na nakatayo lang at pinapalibot ang tingin.

Nakita ko si Jennie na ikinakuyom ng palad ko. Nakagat ko rin ang labi ko dahil sumakit ang hiwa sa palad ko. Mahahawakan ko kaya ang pana? Gayong nasa kanang kamay ko ito at ito ang ihahawak ko sa pana. Sana naman makaya ko mamaya.

Nabaling ang tingin ko kay Ella nang siniko ako nito sa tiyan na ikinaungol ko. "Ano?!"

Nginuso niya ang court at sinundan ko ito ng tingin. Nakita kong nakatingin si Aldrin sa akin dala ang kanyang pamatay na ngiti habang kumakaway.

Ngumiti ako pabalik at tinaas ang aking kanang kamay nang maalala kong may sugat pala ako dito kaya ang kaliwa na lamang ang ginamit ko. Nakuha rin ng pagkaway ko ang atensyon ni Adam at nung lalaking tumulong sa akin dalhin si Ella sa clinic.

"Kilala mo sila?" takang tanong ni Ella nang mapansin niyang kumakaway ang dalawang lalaki sa akin. Tipid na ngiti lamang ang binigay ni Adam sa akin na ikinatili ng mga kababaihang nasa mas harapan pa namin at nasa likuran namin.

"See that girl? He smiled at me!"

"Wag ka ngang assuming, ako yung nginitian, hindi ikaw."

Pinilig ko nalang ang ulo ko. Girls were head over heels with those five men. Hindi rin naman iyan maitatanggi. Who would resist those five Greek gods? Siguro wala. Konting ngiti ay agad na matutunaw ang puso mo at feeling mo ay malalaglag ang panty mo.

Hanggang sa nagsimula ang laro, panay ang hiwayan nila. Banggit-banggit ang pangalan ng grupo nila sir Jared. Alas.

Kasalukuyang hawak ni Adam ang bola. Kita kong tumingin siya sa pwesto ng kalmadong si sir Jared kaya agad niya itong pinatalbog papunta dito dahil wala namang nakabantay. Kita ko ang pagharang ng paa sa kabilang panig kaya nadapa ang isa sa aming manlalaro. Agad rin itong tumayo na parang walang nangyari.

Nagtaka kaming lahat nang hindi gumalaw si Sir Jared sa mismong gitna ng court; kasalukuyang pinapatalbog ang bola. Habang ang lahat ay nasa shooting ring namin, nakaharang sa aming mga manlalaro.

"Go Jared!" pumailanlang ang boses ni Jennie.

May iilang atensyon ang napunta sa kanya ngunit mas marami sa baliw na babaeng katabi ko.

"Go Adam! Ipanalo mo ang laro para sa akin!" sigaw ni Ella.

Napailing na lamang ako sa inasta niya. Agad niya akong siniko kaya muntik na akong matumba. "Ikaw, sinong iche-cheer mo?"

Gusto kong sagutin na si sir Jared ngunit hindi ko na lang ginawa. Alam ko naman kasing magtataka siya kung si sir Jared ang isasagot ko dahil hindi niya naman kami nakitang nagkausap o nag pansinan man lang.

Lumingon sa pwesto ko si sir Jared dala ang blankong tingin. Tumingin ako sa likod at nakita ang pagpapantasya sa kanilang mga mata. Binalik ko ang tingin ko kay sir at wala sa sariling nag thumbs-up.

Umiling lang ito at pinatalbog ang bola sa huling pagkakataon bago tinira. Sa mismong kinatatayuan niya. Sa gitna ng court.

Tumahimik ang lahat habang hinihintay na pumasok ang bola sa ring.

Malakas ang naging tilian nang pumasok ang bola na walang sabit. Tumingin ito sa pwesto ko at tinaasan ako ng kilay na para bang sinasabi niya na sobrang galing niya.

Inirapan ko na lang ito. Sumigaw ang coach ng aming panig ng time out. Kanya-kanyang upo naman ang mga manlalaro sa bench.

"Baba tayo!" Hinila ako ni Ella pababa mula sa bench na inuupuan namin.

Dala niya ang mineral water na ibibigay niya daw kay Adam. Agad niya akong hinila palapit sa pwesto ng Alas.

"H-hi, Adam," tawag ni Ella sa atensyon ni Adam.

Agad na napatingin sa pwesto namin si Adam at iba pang miyembro ng Alas. Pati rin si sir Jared na kasalukuyang pinupunasan ni Jennie ang pawis. Hindi ba siya nandidiri? 'Di ba nagbreak na sila? Wow! Ex with benefits. Kadirdir.

"Yes?" sagot ni Adam.

Nahihiyang inabot ni Ella ang mineral water kay Adam. "P-para sa'yo s-sana. Sana t-tanggapin mo." Kita kong kinagat ni Ella ang kanyang ibabang labi.

Naaaliw akong pinapanuod siyang namamawis ang kamay at kasalukuyang nakahawak sa akin. Nagulat ako nang may nagtapon sa akin ng maliit na tuwalya.

"Wipe my sweat," utos nito.

Nagsalubong naman ang kilay ko. "Excuse me? Ako ba? Sir--"

"No more bluff, Ms. Aurin. Wipe me."

Kagat labi akong nilibot ang paningin sa buong basketball court. Lahat ng atensyon lalo na ang mga babaeng galing sa aming paaralan ay matalim ang tingin sa pwesto ko.

"Now."

Wala akong nagawa kundi pahiran ang pawis niya sa noo at malapit sa may tenga. "Wait."

Hinubad niya ang kanyang Jersey sando at binalandra ang katawan nito. Iniwas ko ang paningin ko sa katawan niya at nagpatuloy sa pagpunas ng kanyang pisngi. My cheeks are burning red!

"Diyan lang ba ang pawis ko?" malamig nitong tanong. Pero kita ko ang paglalaro ng kanyang mata.

"Hindi," I replied.

"Then wipe where my sweat flows," he said.

Pinunasan ko ang leeg niya at sa batok. Kita kong naaaliw siya sa mga pinapagawa niya kaya bumulong ako.

"Sir, as what your mother and I have talked, pipigilan lang kitang mag-cut at umuwi ng gabi. Wala po siyang sinabi na babantayan ko kayo at gagawin lahat ng desisyon niyo," naiinis kong sambit.

I heared him chuckled. "But this is your job. Hindi ba't sinabi mong ito ang trabahong pinasukan mo? Kaya panindigan mo."

Matapos niyang magsalita ay pumitong muli ang referee.

--

"Anong ibig sabihin ng nangyari kanina?" takang tanong ni Ella habang papunta kami sa quadrangle. "Magkakilala ba kayo ni Jared?"

Doon ang venue ng archery. At hindi ko alam kung kaya ko bang tumira o kahit humawak man lang sa pana. Dumugo ito kanina nang kinuyom ko ngunit konti lang, ano pa kaya kung pana na ang hahawakan ko na kailangang higpitan ang pagkakahawak?

"Ahh, 'yun ba? Uhm, ano kasi..." I was hesistant.

"Alam mo, ilang araw na rin tayong nagkasama ngunit pangalan mo lang ang alam ko," putol nito. "Palagi na lang kasing may emergency kapag nasa mood ako magtanong tungkol sa 'yo, e."

Napakamot ako sa aking batok. "I'm working for Mr. Montenegro." I bit my lip.

Napahinto si Ella sa paglalakad dahil sa narinig at humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"You mean, kay Jared Lyndon Montenegro?" she clarified.

Nahihiya akong tumango. "Oo."

"Ayyy!" tumili ito at niyakap ako. "You have a lots of explanation to me. Pero bago 'yan, halika na. Magsisimula na ang contest."

Pagdating namin doon ay nakapwesto na ang mga manlalaro kaya dali-dali akong lumapit dito. Bago pa ako makaalis, hinawakan ni Ella ang braso ko.

"Kaya mo ba?" nag-aalala nitong tanong. "You can back out naman. Your wound is too deep. It might bleed."

Nginitian ko siya. "Hindi ko ipapahiya ang school, Ella. I swear ayos lang ako. Sige na, I have to go."

Mabilis akong pumwesto sa likod ng babaeng blonde ang buhok. Siguro galing ito sa kabilang paaralan.

Nauunang tumira ang manlalarong mula rin sa paaralan ng kalaban nila Sir Jared kanina sa basketball.

"9.4," anunsiyo ng lalaking nasa tabi ng judges.

Tumira ulit ang babae ngunit hanggang 9.4 lamang ang kinaya niya.

Tatlo lamang kaming kasali sa larong ito kaya ang mas nauna sa akin ang susunod, panghuli ako. Nilibot ko ang aking paningin sa lugar at dumapo ito sa grupo ng mga kalalakihang nakatayo malapit sa mesa ng judges.

Sir Jared gaze at the player holding the bow and arrow sternly. Parang malaki ang galit niya sa babaeng naglalaro.

Iminuwestra ng manlalaro ang kanyang arrow at pinakawalan.

"7.8."

"9."

"8.4."

Katulad nung una. Nakabusangot ang babae na bumaba ng platform.

Ako naman ang susunod. Humugot ako ng malalim na hininga at maingat itong pinakawalan. I need to relax. Focus, Natasha. Don't be a shame to the academy's name.

"Hala! Ba't siya ang maglalaro?"

"Marunong ba siya?"

"Plano niya bang ipahiya ang school?"

"Mukhang ganoon na nga."

"Before you start, siss. Are you okay with your eyeglasses on?" tanong ng lalaki.

Tumango lang ako at nguniti. Inabot niya sa akin ang pana at palaso na tinanggap ko. Tinignan kong muli ang pwesto ng Alas at ako na naman ang kinukunutan ng noo ni sir Jared.

Nginitian ko na lang siya at pinuwesto ang pana sa palaso. I pulled the tail of the arrow and point it on the board. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang humapdi ang sugat ko.

Please don't bleed.

Agad kong pinakawalan ang string ng pana at agad namang lumipad ang palaso kaya't muli akong huminga ng malalim. Two more shots.

"10.4! Wow!"

Kumuha ulit ako ng palaso at naramdaman ko ang panlalagkit ng palad ko. Binuka ko ito at nanlaki ang aking mata nang makitang nagdurugo ito.

Parang walang sakit kong hinawakan ng mahigpit ang pana at tinutok ang palaso sa board. Agad ko rin itong binitawan.

"10.9!" Ramdam ko na ang gulat ng lahat

Palihim kong pinahid ang dugo sa dulo ng aking palda. Lalabhan ko rin ito mamaya.

Kinuha ko ang huling palaso. Medyo nangingig na ang mga kamay ko.

Tinuon kong muli ang pana sa target. I bit my lip and inhaled deeply. Naramdaman kong tumulo ang dugo sa palad ko kaya agad kong binitawan ang palaso ng wala sa kontrol.

"9.9!" ani ng lalaki. "Wait, is that a blood?" takang tanong nito sa butil na tumutulo sa kamay ko.

Agad kong binitawan ang pana at naglakad pababa. Nahihilo ako. Lahat ng nadaraanan ko ay tumatabi para makadaan ako. Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko nang may brasong sumalo.

"Hey, your hand is bleeding," puna nito sa kamay ko.

"Adam," I muttered.

Nagulat ako nang may humila sa akin paalis sa bisig ni Adam.

"I'll handle my babysitter. This is none of your business, Walker," he said coldly that made everyone gasped.

"Sir Jared."

Continue Reading

You'll Also Like

215K 6.6K 36
Albanian Mafia V.S Mexican Cartel These two criminal organizations were always aiming hard to be the most powerful and influential mafia groups arou...
2.5M 41.2K 46
Zachary Martinez I'm a English Professor and at the same time I handle our family business at night so I have no time for serious relationships like...
39.5K 1.2K 21
Who says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.
5K 86 5
I choose to love you in silence, because in silence I feel no rejection "Kung ako lang ang masusunod, ngayon na okay na ako? Ayaw na kitang makita...