Marrying Mr. Boring (Publishe...

By simplychummy

8.9M 184K 17.8K

si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa i... More

MARRYING MR. BORING ('till boreDAMN do us part)
CHAPTER 1 (DEALING WITH SUPERMAN)
CHAPTER 2 [LIFE OF MR. BORING]
CHAPTER 3 [HER SMILE]
CHAPTER 4 [THE GANG]
CHAPTER 5 [bachelor's list]
CHAPTER 6 [CHEF'S DAUGHTER]
CHAPTER 7 [DAUGHTER'S DILEMMA]
CHAPTER 8 [THE MEETING]
CHAPTER 9 [THE PROPOSAL]
CHAPTER 10 [SISTER's ADVICE]
CHAPTER 11 [ I DO]
CHAPTER 12 [MEET THE FAMILY]
CHAPTER 13 [MY LIFE AND MY FUTURE]
CHAPTER 14 [Wedding Preparation]
CHAPTER 15 (V-DAY IN U.S)
CHAPTER 16 [MR. & MRS.]
CHAPTER 17 [you and me]
CHAPTER 18 [LIVING TOGETHER]
CHAPTER 19
CHAPTER 20 [TELL ME WHY]
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24 [FAR AWAY]
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33 (MAKE IT REAL)
CHAPTER 34 [OF ALL THE THINGS]
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38 [SAVING FOREVER]
CHAPTER 39
EPILOGUE
SIMPLYCHUMMY'S THANK YOU NOTE

CHAPTER 36

182K 3.6K 404
By simplychummy

CHAPTER 36

Ilang minutong tahimik at nagpapakiramdaman lang sina Liam, Lira, Alannah at Margareth sa sala. Magkatabi ng upuan sina ang mag-asawa at sa katapat naman nilang upuan ay ang mag-ina. Halos hindi din nagagalaw ang hinanda nina Liam na juice at sandwich. Pare-pareho silang nag-hihintayan kung sino ang unang magsasalita. Magka holding hands lang sina Liam at Lira, habang nakatingin lang kay Lira si Margareth na kanina pa gustong gustong yakapin ng mahigpit ang anak.

“Tik tock tik toc.k” pagbasag ni Alannah sa katahimikan.

“Magtitinginan na lang ba tayo? Ma, speak up” pag-eencourage ni Alannah kay Margareth. Napa-tsk naman si Lira sa narinig nyang pagtawag ni Alannah sa Mommy nya ng ‘Ma’. Kaya pinisil ni Liam ang kamay nya.

“A-Agatha” mahinang tawag ni Margareth sa anak nya. Hindi naman tumingin si Lira sa kanya, nakapako lang ang tingin nya sa magkahawak na kamay nila ni Liam.

“Go ahead Tita.” pag-eencourage naman ni Liam

“A-actually, I don’t know where to start, hindi ko din alam kung tama ba yung pagpunta ko dito, mukhang ok naman kayong dalawa. And I just want to congratulate the both of you, we heard about the engagement party…” sabi ni Margareth na halatang hindi mapakali.

“Ma” pagsaway ni Alannah sa kanya. Alam naman kasi nya na hindi naman talaga yun ang main reason nang pagpunta nila sa bahay nina Liam.

“Look, if you are here just to congratulate us, well then, thank you. Is there anything else we can do for you?” naiinip na tanong ni Lira.

“Lira” mahinang saway naman sa kanya ni Liam

“We are not here just to congratulate you. Since my Mom, -- our Mom, don’t have the courage to talk, ako na lang.” pagpriprisinta ni Alannah

“Alannah” saway naman ni Margareth sa anak.

“What?” kontra naman ni Alannah.

“Diretsyahang tanong, bakit mo ko iniwan?” matapang na tanong ni Liram, na ikinagulat naman nina Margareth.

“I-I didn’t mean to leave you back then.” Na-uutal na sagot ni Margareth na ikinataas naman ng kilay ni Lira

“Ohh, really? Kaya pala lumaki ako na wala ka sa tabi ko.” sarcastic na sagot ni Lira

“Agatha, let me expla—“ pinutol na ni Lira ang sasabihin ni Margareth

“Lumaki ako na si Daddy ang kasama ko, at si Yaya Rosie ang tumatayong nanay sakin. Do you know how hard it was for me to accept the fact that you’re not coming back? Alam mo ba kung gaano ako kainggit sa bawat pamilya na mikikita kong buo at masaya? Do you know how many unsent letters I wrote to you during Christmas, Mothers Day, and every freaking holiday asking you to please come home? Ilang taon kong hiniling na sana nasa tabi kita to share all of my secrets to you hanggang sa nakalimutan ko nang nag-eexist ka pa pala.” hindi na napigilan pa ni Lira yung emosyon nya.

“P-please listen to me first” pakiusap ni Margareth.

“Lumaki ako nang wala ka, at ngayon bigla ka nalang susulpot out of nowhere para ano? Para mag-explain sakin kung bakit ka nawala after you gave birth to me? Why now? Bakit ngayon kung kelan Ok na ako, ngayon na nasanay na akong wala ka, ngayon na masaya na akong si Daddy lang ang tinuturin kong magulang ko. Bakit? Ngayon ka lang ba nakahanap ng magandang rason sa ginawa mo? At wow lang ha, may instant kapatid na agad ako na halos kasing edad ko lang.” halata pa rin sa tono ni Lira ang pagkainis at dismaya.

“Lira, pakinggang mo muna si Tita, ok? Calm down” pagpigil sa kanya ni Liam

“Nagpunta kami dito para paliwanagan ka, hindi para guluhin ka. Do you think na madali saming pumunta dito? Atras abante kami kung dapat ba kaming pumunta o hindi na. Please lang wag mong isisi kay Mommy lahat.” Hindi na din napigilan ni Alannah ang sagutin si Lira

“Taga pagtanggol din pala ang purpose mo. Akala mo din ba madali para sakin na patuluyin kayo sa bahay namin? Wag mo akong pagsabihan, dahil wala ka naman sa posisyon ko, hindi mo naranasan lumaki na walang nanay sa tabi dahil all this time nasayo sya.” naiinis na baling ni Lira kay Alannah

“Tama na” mahinang awat ni Margareth sa dalawa.

“I may have her by my side all along but her heart and mind belongs to you. Hindi mo alam yun dahil wala ka sa posisyon ko. You should be thankful dahil kusang loob syang nagpunta sayo dito, at maswete ka dahil kaharap mo ang nanay mo.” pilit man pigilan ni Alannah ang luha nya, pumatak pa rin yun.

“At ikaw pa talaga ang lumalabas na lugi sating dalawa, samantalang buong buhay mo kasama mo sya. Nang dahil sa kanya hirap akong magtiwala dahil sa pag-iisip na baka masaktan lang ako ulit. Buong buhay ko, natakot akong ma-iwanan dahil ayoko na ulit yun maranasan. To top it all, buong buhay ko nagtatanong ako kung BAKIT nya ako iniwan.” Punong puno nang galit na sabi ni Lira.

“If you would only listen, and stop talking, edi sana nasasagot na yang tanong mo” naiinis na ding sagot ni Alannah.

“Teka nga, bakit ba ikaw ang sagot ng sagot? Hindi porket anak ka nya, ikaw na ang taga salo nya. Wala ba syang bibig para depensahan ang sarili nya?” naiinis na sabi ni Lira kay Alannah

“Sana nga, ako na lang yung naging anak nya at hindi ikaw” bitter na sagot ni Alannah

“How dare you!” galit na sagot ni Lira

“Alannah!” saway ni Margareth

“Kanina halos ipamuka mo sa kanya na wala syang kwenta at hindi mo na sya kailangan tapos ngayon hiniling ko na sana ako na lang yung anak nya, bigla kang magrereact dyan” sagot sa kanya ni Alannah

“Dahil para mo na ring sinabing sana hindi na lang ako nabuhay.” Mabilis naman na sagot ni Lira

“Whatever. Ma, tara na. Mukhang hindi handang makinig ang anak mo sayo, at wala syang balak ibaba ang pride nya. Sorry kung naistorbo namin kayo.” tumayo na si Alannah at hinihintay si Margareth na tumayo na din sa pagkakaupo.

“Go ahead, the door is widely open” sarcastic na sagot ni Lira

“No, we will stay here” matigas na sabi ni Margareth

“MA!” pagrereklamo ni Alannah kay Margareth

“Ohh, enjoying the couch?” sarcastic na namang sabat ni Lira

“Lira, enough!” sabat ni Liam na kanina pa nananahimik at nakikinig lang sa asawa at kay Alannah.

“So, kampi ka na din sa kanila? What do I expect, syempre naman kakampihan mo sila, ex mo kaya yung inaaway ko” hindi pa rin mawala ang pagiging saktastiko ni Lira

“Lira. Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa. OK? Pwede ba, wag mong ibaling sakin pati yang galit mo. it’s nonsense.” Naiinis na din si Liam sa inaakto ni Lira

“Hayaan mo sya, sarado na ang isip nya.” matabang na sagot ni Alannah

“Ohh please shut up ‘little sister’” sabat ni Lira

“I’m not your sister for Pete sake! I AM ADOPTED!!” halos pasigaw na sabi ni Alannah.

Natahimik naman si Lira sa sinabi ni Alannah. Hindi rin agad nakapagreact si Liam na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Si Margareth naman, hinawakan ang kanang kamay ni Alannah, pareho ng reaksyon nina Liam, gulat din ito dahil hindi nya inaasahan na sasabihin yun ni Alannah. Sinekreto kasi nila ito sa lahat, at hangga’t maari ayaw ni Margareth na maramdaman ni Alannah na ampon sya.

“Alannah” mahinang sabi ni Margareth, na hindi mapigilan na maiyak.

“Yo-you’re what?” nauutal na tanong ni Lira sa kanya

“I am adopted.” Walang emosyong ulit ni Alannah na nakapako lang ang tingin sa sahig.

“b-but, h-how?” shock pa rin na tanong ni Lira

“Because life is unfair.” Mahinang sabi ni Alannah.

“Is it true?” tanong ni Lira kay Margareth. Tumango lang ito, dahan-dahan nyang hinila pabalik si Alannah sa pagkakaupo. Umupo naman agad si Alannah, at tahimik lang ito.

Kung kanina ang daming gustong sabihin ni Lira, lahat yun biglang naglaho. Hindi pa rin nagproprocess sa utak nya ang sinabi ni Alannah. Bago na namang imporamasyon tungkol sa buhay nya ang nalaman nya. All this time, yung taong kinaiinggitan nya na kasama ng Mommy nya, yun pa pala yung dapat mainggit sa kanya dahil hindi nito kasama ang totoong mga magulang nito, samantalang sya, nasa harapan na nya, pinagtatabuyan pa nya.

“I met Gary – your father during our college days.” Pag-uumpisa ni Margareth.

Tahimik lang si Lira, pagkatapos ng revelation ni Alannah, parang bigla na lang naglaho lahat ng naramdaman nya kanina. Madami pa syang hindi alam. Ngayon, ready na syang makinig. Gusto nyang malaman lahat, dahil wala na din naman syang lakas ng loob para sumbatan pa si Margareth. Hindi din sya makatingin kay Alannah dahil nahihiya sya at isama mo na din yung awa na naramdaman nya para dito.

“Classmate ko sya sa halos lahat ng subjects, since pareho naman kaming culinary student. I admit, hindi ko sya nagustuhan kaagad, usual teenage guy na, mahilig magpa-good shot sa mga girls. At sya, ang palagi kong kakumpitensya, sa academics and even cooking contest. Para kaming aso’t pusa noong college.” Hindi maiwasang ngumiti ni Margareth habang nag-re-reminisce.

“Until one afternoon, busy ako sa pag-lilinis ng cold kitchen sa school—ako kasi yung huling gumamit, halos lahat ng estudyante naka-uwi na, I wasn’t informed that suspended na pala yung klase because of the typhoon, so ang ending ayun, na-stranded ako sa school, hindi pa uso cellphone noon eh, payphone pa lang. *laughs* I was about to call our family driver to pick me up. But the thing was, I don’t have any coins left bukod sa limang pisong papel sa wallet ko eh hindi naman yun tatanggapin ng coin slot. I do have an umbrella but the problem was, hindi ako marunong mag-commute. Sabi ko noon, ‘bahala na, hindi naman siguro ako ililigaw ng taxi driver’ kaya lumabas na ‘ko ng school para mag-abang ng taxi.” Patuloy ni Margareth

Naiinip na si Lira sa kwento ng Mommy nya, pero at the same time, gusto nyang pakinggan. First time nya lang kasing maririnig yung love story ng parents nya. Hindi kasi yun kinukwento ng daddy nya, of course dahil ayaw nyang makarinig ng kahit ano na may kinalaman sa Mommy nya.

“Mag-iisang oras na ako noon na naghihintay ng taxi, pero wala pa ring dumadating. Dahil sa likas na iyakin talaga ako, umiyak na lang ako habang hawak yung payong ko at nababasa na yung sapatos ko sa ulan. Tulad mo, Agatha takot din ako mag-isa at ma-iwanan, siguro yun yung namana mo sakin, pero buti na lang hindi ka iyakin.” Pagbibiro ni Margareth

For the first time, nginitian ni Lira si Margareth. Ngiting may halong hiya dahil kahit hindi nya nakasama ang Mommy nya, parang kilalang kilala sya nito.

“Hindi ko akalain na kung sino pa yung hindi ko inaasahang magpapatigil ng luha ko, yun pa yung gumawa. Si Gary. Habang busy ako sa pag-iyak at kakaisip kung paano ako uuwi, bigla na lang syang sumulpot at inabutan ako ng panyo. Sabi pa nya ‘marunong ka palang umiyak?’ kahit na humihikbi pa ako noon tinanong ko pa sya kung ‘bakit’ at ang sagot nya, ‘pag nakikita kasi kita palagi ka lang nakangiti, parang permanente na yung mga ngiti mo.’ Hindi kami close noon pero napangiti ako dahil sa sinabi nya, kaya tinukso nya ulit ako, ‘oh, nakangiti ka na naman.’ Then nag-offer sya na ihatid ako, that was the first time I rode a jeepney!” Nakangiting kento ni Margareth

“Since then, naging magkaibigan kami, niligawan nya ako, at naging kami. We were both 19 years old that time. We were so in love back then, he is my first everything at akala namin forever na. Until my Dad found out about our relationship, and unfortunately, tutol sya. Only child ako, my Mom died after she gave birth to me. Being a precious daughter sa mga mata ni Daddy, kaya naman naging overprotective sya sakin. Unlike you Agatha, I don’t go to parties and such, school – bahay ang daily routine ko. Pero nagbago lahat yun when I met your Dad.” naluluha na si Margareth habang inaalala ang nakaraan.

“Dahil sa takot na baka mawala ako sa kanya, kaya naman pinagbawalan nya akong makipagkita kay Gary. Compare sa estado ng buhay namin noon, Gary is a typical guy who belongs to an ordinary family. Ganoon kung idescribe ni Daddy si Gary, you can’t blame him, cause we came from a wealthy family. Dad was a pilot, he travels a lot kaya naman nakakatakas ako para makipagkita kay Gary.” Pagpapatuloy ni Margareth, huminga muna sya nang malalim bago ulit nagsalita.

“Graduation came, unlike any other student na masaya, kami ni Gary, problemado. That was the day I found out that I was pregnant. Hindi namin alam ang gagawin, of course masaya kami, pero mas nangibabaw yung takot sa pwedeng gawin ni Daddy kapag nalaman nya. I was crying noong umakyat sa stage para kunin ang diploma ko, dahil hindi ko alam what will happen next after that ceremony kapag kami na lang tatlo nila Gary at Daddy ang magkakaharap. As expected nagalit si Daddy, pinaghiwalay nya kami. Abortion, yun yung gustong gawin ni Daddy, pero hindi ako pumayag. Nagtanan kami ni Gary, paikot ikot lang kami sa buong Luzon dahil sa hindi naman kami pwedeng lumipad papuntang ibang bansa o sumakay ng eroplano dahil siguradong madali kaming masusundan. Pero kahit anong tago namin, nasundan pa din kami.” Unti unti nang tumutulo ang mga luha ni Margareth, walang gustong magsalita, tahimik lang silang lahat na nakikinig.

“Kinasuhan ni Daddy si Gary ng kidnapping, may binayaran pa syang witness at ako, hindi hiningan ng statement dahil na-trauma daw ako at under medication pa. Nagmakaawa ako na iurong ang kaso, at kahit ano gagawin ko wag lang ang abortion. Pumayag si Daddy at ang kondisyon nya, hiwalayan ko si Gary at iwan ang bata pagka panganak ko. Kahit masakit sakin, ginawa ko. Nakiusap ako kay Daddy na makasama ko si gary hanggang sa makapanganak ako, at pumayag naman sya.”

Tumingin si Margareth kay Lira na ngayon ay tuloy tuloy na din ang pagtulo ng luha. “After I gave birth to you, saya at lungkot ang naramdaman ko. Masaya ako kasi buhay ka, narinig ko ang una mong pag-iyak, nahawakan kita, at healthy ka. Malungkot kasi alam ko na hindi ko na makikita yung paglaki mo, hindi ko na maririnig yung unang salitang bibigkasin mo, dahil iiwan din kita.”

 Sa wakas ay narinig na rin ni Lira ang sagot sa tanong nya. Kahit na naguguluhan at madaming gustong itanong pa, dahil sa mga nalaman nya, mas pinili pa rin nyang manahimik at umiyak na lang. ayaw na nyang pangunahan pa dahil aminado syang hindi pa nya alam ang lahat.

Noong nakabawi ng lakas para balikan ulit ang sakit na dulot ng nakaraan, nagsalita ulit si Margareth

“Sinama ako ni Daddy sa Thailand, we stayed there for good, iniwan namin ang buhay namin dito sa Pilipinas. Sinubukan kong maging normal ang buhay ko, nagtrabaho ako at nagpakabusy para hindi ako masyadong mangulila sa inyo. 8 years later, I received a bad news, my Dad died in a plane crash. I mourn after hearing the news, of course, dahil kahit ganoon pa ang ginawa sakin ni daddy, tatay ko pa rin sya. Pero masama din akong anak, dahil natuwa din ako noong nawala sya, dahil finally, I’m free.”

“One week after the funeral, umuwi agad ako sa Pilipinas para hanapin kayo. Luckily, hindi naman ako nahirapan na mahanap kayo. Gary welcomed me with open arms, I told him about what happened to my Daddy. Nag-sstart na sya noon itayo ang Heavenly Food Restaurant. Noong dumating ang school bus mo, natuwa ako noong nakita kita, excited akong lumapit sayo noon para yakapin ka pero tumakbo ka agad sa likod ng Daddy mo para magtago. Noong nagpakilala na ako sayo na ako ang Mommy mo, sinabi mo sakin na……

“My mother’s dead” halos sabay na sabi ni Lira at Margareth. Umiyak si Magrareth kaya naman niyakap sya ni Alannah.

“That was the time when I started to hate you. Noong mga panahong sawang-sawa na ako sa tanong na ‘where is your mother?’ at wala akong masagot. Dahil kahit ako, hindi ko alam….that’s why I told everyone who’s asking me that stupid question that you’re dead.” Halata sa tono ng boses ni Lira ang pagsisisi.

Tandang tanda nya yung unang araw na magkita sila ng Mommy nya. Noong mga panahong nag-uumpisa na syang mainggit sa mga kalaro nyang may kasama o bantay na nanay. At sa mga kaklaseng walang ginawa kundi ibida ang mga nanay nila sa kwentuhan, kung gaano kasarap magluto, kung pano sila ayusan ng buhok, kung saan madalas mag-shopping at kung ano ano pa. Ano nga bang maikwekwento nya tungkol sa mommy nya, eh daddy lang naman ang meron sya.

“Hindi ako sumuko na kunin ang loob mo noon, pero everytime na gagawin ko, pinagtutulakan mo ako palayo at parati mo akong iniiwasan. Kaya tinanggap ko na lang sa sarili ko na hindi mo na ako kailangan sa buhay mo. sinabi ko sa Daddy mo na hayaan ka na lang, at wag nang ipilit pang ipaintindi sayo ang lahat dahil masyado ka pang bata noon. Ayaw pang pumayag ng daddy mo noon, pero sinabi ko sa kanya nay un ang mas makakabuti at ayaw ko na pati ang relasyon nyong mag-ama ay maapektuhan pa. Dahil alam ko naman na dadating ang araw na maiintindihan mo din ang lahat.”

Nakangiti pa si Margareth habang sinasabi iyon. Dahil alam nya sa sarili nya na dumating na yung panahong matagal nyang hinintay, ang maipaliwanag lahat sa anak.

“Wag ka nang magtaka kung bakit ganoon na lang ang luwag sayo ng daddy mo, ayaw nya lang na maranasan mo ang mag naranasan ko. Maswerte ka dahil napakabait nyang tatay, hindi ako nagkamali noong mahalin ko sya. At maswerte ka, Liam, dahil tanggap ka ni Gary, at syempre, boto din ako sayo” nginitian ni Margareth si Liam

“Dahil na rin sa pangungulila ko sayo Agatha, I did some charity works sa mga orphanage, I want to be surrounded by children.” Tumingin si Margareth kay Alannah

“And there I saw this beautiful girl, halos kasing edad mo lang sya noon. Naalala kita sa kanya because of her smile. I adopted her, and love her like my own. Noong una, inaamin ko na naging unfair din ako sa kanya, dahil sa ibinabaling ko lang ang pagmamahal ko na dapat sayo ko ibinigay, pero hindi nagtagal, minahal ko na sya dahil gusto ko syang mahalin at alagaan hindi dahil sa nakikita kita sa kanya.” hinaplos pa ni Margaret hang buhok ni Alannah, kaya naman hindi din mapigilan ni Alannah na maiyak sa sinabi ng Mommy nya.

“Tumira kami malapit sa bahay nila Liam, to start a new life, kaya sila nagkakilala. But that doesn’t mean na kinalimutan na kita Agatha, dahil every birthday mo, pinupuntahan kita at pinagmamasdan sa malayo. When you started in your modeling career, that was the time na umalis kami ni Alannah papuntang Thailand. Dahil nag-uumpisa na ding halungkatin ng media ang buhay mo, ayokong masira ang career mo at ayoko din madamay si Alannah at ang past nya. Pareho ko kayong iniligtas sa mga mapanghusgang mata ng tao.”

“I- I didn’t know. I-im sorry. Hindi ko alam, I was so lost and I have so many questions in my head na walang makasagot. I-im sorry, I don’t know what to say, hindi ko alam na nagagalit lang pala ako ng walang dahilan. If only I knew it from the start, im sorry, im really sorry” patuloy lang si Lira sa paghingi ng tawad at pag-iyak.

“No. hindi mo kasalanan. Walang may gusto ng lahat ng nangyari. Don’t blame yourself. At isa pa, kung hindi nangyari lahat ng yun, siguro wala ako ngayon sa harapan mo at wala din si Liam sa tabi mo.” sabi naman ni Margareth.

Habang dinadigest lahat ni Lira ang mga nalaman nya, umiyak lang sya ng umiyak. Hindi nya alam kung paano sya makakabawi sa Mommy nya. Lahat ng galit na naramdaman nya, nawala at napalitan ng hiya. All this time, nagagalit sya ng walang dahilan. Nagpalamon sya sa galit kaya wala na syang pinakinggan pa. Madaming pagkakataon ang sinayang nya. Umiwas sya ng umiwas habang palapit naman sa kanya ng palapit si Margareth. Kung alam lang sana nya ang mga dahil noon pa, hindi na sana aabot sa ganito. Pero tulad na lang sinabi ng Mommy nya, kung hindi nangyari lahat ng yun, wala si Liam sa tabi nya at wala ang Mommy nya sa harapan nya.

Ngayon nya naintindihan ang kasabihang ‘everything happens for a reason’ at ngayon, alam na nya ang reason na yun.

“C-can I hug you?” mahinang tanong ni Lira. Kahit halata ang pagkagulat sa muka ni Margareth dahil sa hindi nya inaasahang pabor na hiningi ng anak, hindi nya pa rin maitago ang tuwa.

“O-of course.” Masaya nyang sabi at agad na tumayo para lapitan ang anak. Hindi na sya hinintay pang makalapit ni Lira at agad na syang niyakap nito nang mahigpit.

Hindi naman maitago nina Liam at Alannah na maiyak din habang nakatingin sa mag-inang magkayakap.

Sabi nga nila, there is no such thing as too late. Hindi pa huli ang lahat para punan ang panahong nawala sa kanilang dalawa. Hangga’t may bukas susulitin nila. 

**********************************

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 362K 54
Aragon Series #3 : Dianneara Aragon is a goddes of beauty.. while Art is a goddes of ocean? huh? ano daw? in short sya ay mermaid.. in tagalog.. isa...
277K 9.3K 8
Am I Wrong (The Knightless Princess Book 2) By SexyKisser
208K 5.6K 55
Once upon a time, there was a Kingdom where all people lived happily. No problems. No harm. No war. The Queen gave birth to her first baby girl named...
1.1M 15.4K 53
Sa pangarap na binubuo ni Niya, lagi niyang sinasama si Jacob sa lahat ng plano niya. Pero hindi niya alam na hindi pala siya kasama sa pangarap na b...