CHAPTER 39

185K 3.6K 251
                                    

CHAPTER 39

Magkahawak kamay na lumabas ng simbahan sina Liam at Lira, habang hinahagisan sila ng bigas at rose petals ng mga bisita. Bago tuluyang pumasok sa loob ng bridal car, humarap ang dalawa sa lahat at saka nag-kiss.

---

Kung sa wedding ceremony ay puro iyakan, at emosyonal ang lahat, ibahin naman natin sa wedding reception kung saan masaya ang lahat at hindi malaman kung anong uunahing gawin; ang kumain ba, o makipag-kwentuhan sa kapwa bisita. Picture dito, picture doon, kwento dito, kwento doon, walang humpay na tawanan, at kamustahan.

Mawawala ba naman sa wedding reception ang ilang pahabol na seremonyas ng kasal? Kaya naman tutok ang lahat habang pinapanood ang newlywed na hinahati ang kanilang 3 layered cake. Bite size lang naman ang isinubo nila sa isa’t isa dahil ayaw ni Lira na maging katulad noong wedding invitation picture nila ang kalabasan kapag kinuhanan sila ng picture. Yung kinuhanan ni Dee habang pilit nilang inuubos ang cake sa bibig nila. Because they want their marriage to be fun kaya yun talaga ang nilagay nila sa wedding invitations.

Then, drinking of wine kung saan magka-pulupot ang mga braso nila sa pag-inom. At ang nagpatili naman sa ilang bisita ay ang pagpapakawala ng dalawang puting kalapati sa hawla. Noong una, ayaw pa ni Lira na hilahin yung isang tali dahil natatakot sya na baka lumipad sa kanya, tinawanan naman sya ni Liam.

“Attention to all the single ladies out there, please go in front para sa pinakahihintay ng lahat ang paghahagis ng bridal bouquet. Para magkaalaman na kung sino ba ang susunod sa dalawang nilalang na nasa gitna. It’s your time to shine girls!” hyper na pag-aanounce ni Sophia na mas excited pa sa lahat. Sya kasi ang MC.

Nagkahiyaan pa noong una kung sino sino ang pupunta at makikisali sa paghahagis ng bridal bouquet, nag-yayayaan pa nga yung iba. Hanggang sa sunod sunod na ang nagpunta sa harapan. Kasama ang mga kaibigan ni Lira na sina Cams, Dee, Dori, at Nats. Napasama din si Alannah dahil pinilit ng Mommy at ni Lira. Si Kristine naman, hinila din ng pinsan nyang si Nats. Noong ready na ang lahat, nakangiti na tumalikod si Lira at saka inihagis ang bridal bouquet na nasalo ni Alannah. Nilapitan naman sya ni Lira at binati.

“Congrats Sis. Ayan ha, next ka na.” natatawa pang sabi ni Lira

“Mukang gagastos na naman sina Mommy nito.” Pagbibiro naman ni Alannah.

“Congratulations Lanah.” Bati naman ni Sophia.

“Magpapahuli ba naman ang mga lalaki? Calling all the single men out there, you know what to do. Punta na sa harapan para sa paghahagis ng garter ng pinakamamahal kong kapatid na mas matangkad pa sa akin.” masayang pagtawag ni Sophia.

Lumapit din naman ang ilan, maliban sa kaibigan ni Lira na sina Chi at Dylan na mas gusto atang makipag-agawan ng bulaklak kesa sa garter. Sumali naman si Robin, at si Christian. Tumingin muna si Liam sa mga lalaking nasa harapan at hinanap talaga si Christian, saka sya ngumiti at tumalikod, hinagis nya yung garter na saktong sakto kay Christian. Expected na nang lahat kaya naman hindi na din sila nakipag-agawan pa.

“You’re next Bro. Congratulations.” Nakangiting bati ni Liam kay Christian.

“Thank you. Congratulations too.” sagot naman ni Christian.

Pinalibutan nang mga bisita sina Alannah na nakaupo habang hawak ang nasalong bouquet at si Christian naman nakaluhod habang hawak ang garter na sinadyang itapat sa kanya ni Liam. Isusuot na kasi ni Christian ang garter sa may hita ni Alannah. Kinikilig naman ang lahat noong hinubad na ni Christian yung kanang sapatos ni Alannah at nag-umpisa nang magsigawan noong isinusuot na ni Chistian yung garter pataas hanggang sa above the knee na ang taas.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon