EPILOGUE

223K 4.7K 831
                                    

EPILOGUE

 

Apat na taon na ang nakakalipas magmula noong second wedding nina Liam at Lira. Patuloy pa rin si Liam sa pagmamanage ng hotel nila at magkatulong na sila ni Lira sa pag-mamanage naman ng Restaurant. Noong una, nangangapa pa si Lira kung paano mag-mamanage ng isang business, matyaga naman ang asawa nya na turuan sya.

-

Nagmamadaling lumabas si Lira galing sa laundry area ng bahay nila at pumunta sa kusina kung nasan ang asawa.

“Love, why did you put my dress in the washing machine!?” naiinis na tanong nya sa asawa habang hawak hawak ang may damage na dress.

Agad naman syang napakagat labi noong maalala nyang hindi nga lang pala silang dalawa ang nandoon kaya naman itinago na lang nya ang inis nya.

Natigil naman sa pag-susubo ng cereal si Liam sa cute at malusog na batang babae at hinarap ang asawa.

“Why? Nakalagay kasi sa laundry basket so I thought it’s ok to put it in the washing machine” sagot ni Liam at hinarap ulit ang tatlong taon na anak.

Napabuntong hininga na lang si Lira sa sagot ng asawa nya.

“Love, hand wash lang ‘to. Diba sinabi ko na kahapon?” sabi ni Lira at lumapit sa mag-ama nya. Hinalikan pareho sa pisngi.

“Sorry Love, I forgot.” Sincere na sabi ni Liam. Totoo naman kasing nakalimutan nya dahil sa sunod sunod na naging event sa hotel at restaurant.

“I will just ask JC Buendia to fix it later.” Sabi ni Lira sa asawa at saka kinausap ang anak.

“Hi baby, very good, my princess Serene is eating her breakfast.” Nakangiting sabi ni Lira sa anak at inayos ang buhok nito.

Serene Fernandez Villas, 3 years old. Mana sa Daddy nya na tahimik. Noong nagbubuntis pa lang si Lira ang daming pangalan ang naisip nya, may Therese, Mira, at Ashana pero noong lumabas ang baby nila hindi agad ito umiyak, kaya naman kinabahan sila pareho. Pero noong pinalo na ng doctor saka ito umiyak, iyak na hindi masakit sa tenga dahil medyo mahina.

Isa lang ang nasabi noong doctor, ‘your baby is so serene’, kaya naman lahat ng naisip ni Lira na pangalan, binalewala nya at nag-stick sya sa pangalang Serene.

“Rene eats koko.” Sabi ni Serene at itinuro pa yung box ng koko krunch at saka ngumiti.

“Where’s Thor? He hasn’t eaten his breakfast.” Sabi ni Liam. Napatingin naman sa kanya ang asawa nya.

“His with Yaya Rosie.” Sabi ni Lira, nag-nod naman sa kanya si Liam.

 

*crashhhh* 

Pare pareho naman silang nagulat sa narinig nilang parang nabasag sa may sala nila. Nagkatinginan ang mag-asawa.

“Thor” sabay nilang sabi at tumayo. Kinarga ni Lira si Serene at pumunta sa sala para malaman kung ano na naman ang nabasag.

Naabutan nila ang isang basag na vase sa sahig, si Yaya Rosie na may dalang walis at dustpan at si Thor na nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan ang basag na vase.

“What happened?” tanong ni Liam, nilapitan naman ni Lira si Thor at inilayo sa basag na vase.

“It’s not me.” sabi ni Thor na umiiling-iling pa.

Tumingin na lang si Liam sa asawa na nagkibit balikat lang. Alam naman nilang dalawa na ang anak nilang lalaki ang nakabasag ng vase, kahit hindi umamin sa kanila.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now