It's Complicated

By AillexSkcy

55.7K 1K 94

Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinal... More

Reminders
Prologue
Chapter 1: Weird
Chapter 2: Café Morina
Chapter 3: Safety first
Chapter 4: Goodluck
Chapter 5: With her
Chapter 6: I miss you and I love you
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)
Chapter 8: Ex
Chapter 9: Jealous
Chapter 10: Tutor
Chapter 11: Anu Tayo na?
Chapter 12: Earrings
Chapter 13: Goldy Kai
Chapter 14: Can't Wait
Chapter 16: Perfume
Chapter 17: Ela's Career
Chapter 18: Photoshoot with my EX
Chapter 19: The Kiss
Chapter 20:
Chapter 21: The Party
Chapter 22: Dalagang Pilipina
Chapter 23: The Meet Up
Chapter 24: EMERGENCY
Chapter 25: I Love You
Chapter 26: Hiccup
Chapter 27: Unforgettable Moment
Chapter 28: Charm
Chapter 29: I still love you
Chapter 30: Love Team
Chapter 31: New Concept
Chapter 32: The International Model Collide
Chapter 33: KAIBIGAN
Chapter 34: Nightmare
Chapter 35: Omelette
Chapter 36: Delicioso
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Trending
Chapter 39: Still confused
Chapter 40: Text
:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(
Chapter 42: Nonsense Deal
Chapter 43: Safe
Chapter 44: Don't make me worry
Chapter 45:
Chapter 46: Your Lips
Chapter 47: Laura and Abbie
Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend
Chapter 49: I have something to tell you <3
Chapter 50: Vanilla Lace
Extra Chapter
Epilogue
Book Announcement
Book Two of It's Complicated

Chapter 15: Late

693 15 0
By AillexSkcy

Chapter 15: Late

.
.
.
.
.
.

Kai's POV

.
.
.

Hindi ko akalain na si Ela pala ang bagong model na tinutukoy ni Ms. Hikari.

"Tara na?" Nakatingin lang ako sa nakangiting si Ela na akala mo ay walang ginawang kasalanan sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" I dropped my bag at her car, rinig kong napabuntong hininga siya sa ginawa ko.

"Hintayin mo ako dito." Iniwan ko siya sa labas at bumalik sa loob ng Plaza Hotel para magbanyo.

I was about to enter the restroom ng may mapansin akong kakaiba.

"Sorry pero hindi ikaw ang gusto ko tsaka may mahal akong iba." Isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa restroom, hindi lang malinaw dahil may echo ang boses niya, kaya hindi ko mahulaan kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon.
Narinig kong palabas na ang babaeng iyon kaya napatalikod ako at tumungo ng dumaan siya, baka kasi mapagkamalan niyang tsismosa ako sa lagay na iyon.
Hinintay kong may lumabas na isa pang babae sa loob ng restroom, pero wala kaya nagtaka ako.

So nasa cellphone pala ang kausap niya. Sino naman kaya iyon?

Teka bakit ba ako nagtatanong e hindi ko naman buhay iyon, tsaka sino ba siya sa akin para magtanong ako. Haist kung anu ano talaga ang naencounter ko ngayong araw na ito. And speaking of that, ang kaninang nagmake up sa akin ay isa palang lesbian. Ela already told me and she is her make up artist since magsimula siyang magmodel. I don't want to mention her name cause I remember the moment she's putting some make up in my face, and it flashing back again and again.

Pumasok na agad ako ng restroom ng mapagtanto na kanina pa pala ako nakatungo sa gilid ng pintuan. Mabuti at hindi ako nakasuot ng belt kaya nahubad ko kaagad ang pants ko, dahil sobrang naiihi na talaga ako kanina pa.

.
.
.

"Ang tagal mo naman, saan ka ba galing?" Inis na tanong ni Ela, hindi ko na lang sinagot ang tanong niya sa halip ay pumasok na lang ako sa kotse at umupo sa passenger seat. Ipinasok niya ang bag ko na ibinagsak ko kanina sa ibabaw ng kotse niya, hindi naman magagasgasan ang kotse niya dahil cotton naman ang bag ko. Ilang segundo ang lumipas ay pumasok na rin siya, tumingin na lang ako sa bintana dahil ayaw ko pa siyang kausapin. Habang nakatingin sa bintana nahagip ng mga mata ko ang isang babae na sasakay pa lamang ng kotse.

Teka bakit siya nandito? Sinundan niya ba ako?

Nagtataka kong tanong sa sarili. Pero nagbago bigla ang tanong ko sa isipan ng makita siyang may kasama.

Anong ginagawa nilang dalawa dito? Tsaka sino ang naiwan sa station?

"Kai! Hoy!"

"Oww bakit?!" Sigaw ko sa tumatawag sa akin, ang kulit kasi.

"Saan tayo kakain? Teka ano ba kasi ang tinitingnan mo diyan?"

"Sa bahay na lang tayo." Sabay hawi sa kurtina na nasa tabi ko. Ang malas talaga ng araw ko.

"Ano ba kasi ang tiningnan mo sa labas at kanina ka pa di makausap ng ayos."

"Wala!"

"Anong wala?"

"Umalis na tayo bago ko pa siya masampal!"

"Ahh so dapat pala ang dapat kong itanong is sino ba ang tiningnan mo?"

"Pwede ba Ela, tigilan mo ako. Dinagdagan mo pa ang kasalanan mo sa akin."

"Okay po, baka ako pa ang masampal ng bruha."

"Anong sinabi mo?!"

"Wala, ang sabi ko ang ganda mo kaya lang bingi."

"Pakiulit!"

"Wala, ito na po pauwi na tayo. Basta ipagluluto mo ako?."

"Oo na!" Inis kong sambit at napacross arm ako sa mga oras na iyon. Kinuha ko na lang ang earphone sa bag ko at cellphone para makinig na lang ng music.
Bahala na kung may gustong sabihin ang katabi ko, magsawa siya kakaimik ng walang kausap.

.
.
.
.
.

Jane's POV

Naamoy ko ang perfume ni Kai ng makalabas ako ng banyo kanina. Pabalik na kami ng station, at kailangan pa naming tapusin ang mga papel na gagamitin namin para sa DJ collide.

"Kanina ka pa tahimik, may nangyari ba sa restroom kanina?"

"Ibigay mo ito agad kina Venisse at Matt. Mas maaga mas maganda." Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon, ayaw kong pag usapan ang nangyari kanina sa banyo. Lalo pa at nagdadalawang isip pa rin ako sa kondisyon ko ngayon.

Maghapon akong nagtrabaho para sa station, isinantabi ko muna ang trabahong ginusto ko para lang ipakita kina Mommy at Daddy na kaya kong mag multi work. Nalalapit na rin pala ang board exam ko kaya medyo stress ako this month.
Nagpaalam na ako kay Ms. Hikari about my situation kaya baka next week pa ako makakasama sa photoshoot with new model. At sana naman makasundo ko ang bagong model na iyon para bawas sa stress.

Namimiss ko na si Kai, hay bakit ko ba kasi siya iniisip?

.
.
.
.

"Magpahinga ka kaya muna." Napalingon ako kay Trisha ng dahil sa sinabi niya.

"What I mean is, umuwi ka muna at matulog. Kanina ko pa kasi napapansin na tulala ka, magmula sa office hanggang sa meeting especially kanina habang pabalik tayo ng office, ang lalim naman yata ng iniisip mo."

"Okay lang ako, kailangan nating tapusin ang lahat ng papel at piece na gagamitin para sa DJ collide."

"Gusto mo ba kumain muna?" Tiningnan ko lang si Trisha sa mga sandaling iyon, hindi ako makapag isip ng ayos dahil sa mga sinasabi niya.

Teka, tulala ako kanina habang pabalik ng office. Eh saglit ko lang naman naalala si Kai dahil sa perfume na naamoy ko kanina. Then nakisabay pa ang lalaking iyon. Hay kailan niya ba ako titigilan?

Tok tok tok

Napatigil ako sa pag iisip ng mga bagay na kanina pa gumugulo sa isipan ko, napalingon ako sa kumatok mula sa pintuan ng opisina.

"Ahm Trisha may naghahanap sayo." Sambit ni Matt, hay akala ko another stress na naman. Tutya ng isip ko habang hinihilot ang magkabila kong sintido.

.
.
.
.

Kai's POV

Ano ang ginagawa niya kanina sa lugar na iyon? Sinundan niya ba ako? Pero bakit kaninang pauwi ko pa siya nakita kung sinusundan niya ako. At bakit sila magkasama?

"Kai salamat nga pala sa dinner, tama ka nga sobrang sarap magluto ng Tita mo. Parang ikaw lang."

"Nagmana yan sa akin, diba Kai?"

Emergency ba yung pakikipagkita? Iyon talaga ang excuse niya, hindi raw makakarating dahil may emergency o dahil makikipaglandian lang. Hay ewan ko sa kanya.

"Hoy Kai!"

"Po?!" Napapitlag ako ng biglang nag snap si Ela.

"Kanina ka pa namin kinakausap, anu ba ang nangyayari sayo?"

"Kanina pa po yan Tita." Pagsusumbong ni Ela kay Tita Andrea.

"Ahm wala po, wala po ito." Siniringan ko si Ela ng palihim dahil ayaw ni Tita na ginagawa ko iyon sa harap ng pagkain. Kahit kailan talaga ang babaeng ito napaka.

"Ubusin mo na yang pagkain mo, ikaw na rin ang maghugas."

"Opo." Tanging sagot ko sabay subo ng pagkain.

"Tutulungan kita, tutal wala pang 8:00 hindi pa ako hahanapin ni kuya."

"Siguraduhin mo lang na hindi ako malalagot sa kuya mo."

"Hahaha takot ka pa rin sa kanya hahaha sige po. Itetext ko na lang na malelate ako ng uwi."

Inubos ko na ang pagkain ko at agad naghugas ng plato, gaya ng sinabi ni Ela. Tinulungan niya ako, past 8:20 na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Ela.

"Huwag mong sabihin na dito ka matutulog?" Sambit ko ng makapasok sa kuwarto ko.

"Bakit bawal?"

"Aba naman Ela! Umuwi ka na!" Sigaw ko sa kanya.

"Dito muna ako matutulog, namiss kaya kita. Tsaka pagod ako sa biyahe, sa sahig na lang ako matutulog okay lang sa akin."

"Kahit na!"

"Sorry pero inaantok na ako." Biglang tumalon si Ela sa kama at nagtalukbong ng kumot. Ang kapal din ng mukha ng kaibigan kong ito, matapos akong ewan sa ere ng makagraduate tapos uuwi dito sa Pilipinas at manggugulo, hay kahit kailan talaga Ela napakakulit mo.

"Huwag mong iiwang nakabukas ang ilaw ha?" Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya, sabay talukbong muli ng kumot. Aba inutusan pa ako, haist Ela humanda ka sa akin bukas. Pasalamat ka at pagod din ako dahil sa photoshoot, bukas ka sa aking babae ka.

.
.
.
.
.
.

"Good morning!" Napakunot noo akong bumangon dahil sa ingay.

"Tumayo ka na, mag eexcercise pa tayo. Tingnan mo, late ka na! Tirik na ang araw." Napatingin ako sa hawak niyang relo, teka anong oras na ba?
Nanlaki ang mata ko ng makita ang oras, agad akong tumakbo sa banyo para maligo.

.
.

"Bakit ba hindi mo ako ginising ng mas maaga?"

"Teka may sinabi ka ba sa akin?"
Oo nga pala, bakit di ko sinabi kagabi sa kanya?

"Tsaka sobrang himbing mo kaya, may napanaginipan ka kagabi 'no?" Naparoll eyes na lang ako habang nagsususot ng rubber shoes. Nang matapos ako sa pagsuot ay agad na rin akong lumabas ng kuwarto.

"Hoy teka, hintayin mo ako." Imbes na makaganti sa babaeng kasama ko mas lalong nagugulo ang araw ko ng dahil sa kanya.

"Si Tita?"

"Nag gogrocery, babalik daw siya agad."

Hindi ko na lang pinansin si Ela, sa halip ay lumabas na ako ng bahay, pero napansin kong wala kahit isang sasakyan na dumadaan.
Teka, holiday ba ngayon?

"Sumabay ka na sa akin, pinapapunta ako ni Kuya sa Restaurant niya."

"Diba ibang ruta ang address ng Restaurant ng kuya mo sa ruta ng station."

"Pwede namang idaan muna kita sa station?"

"Oo na sige na, bilisan mo at late na ako sa trabaho ko." Sumakay na agad ako sa kotse ni Ela, mabuti at sinunod ako ng babaeng ito. Binilisan niya ang pagpapatakbo, wala pang 15 minutes, nakarating na agad kami sa station. Sa short cut lang naman kami dumaan at muntik pa kaming mapahamak dahil sa kalukuhan ng kaibigan ko. Sa susunid ko na lang ikekwento, kailangan ko ng pumasok sa trabaho ko.

"Anong oras ka pupunta sa photoshoot mamaya?"

"Hindi ko alam, basta pupunta ako." Sambit ko habang papasok ng building.

"Bye!" Napalingon ako kay Ela ng sumigaw siya, kumukuway siya sa akin habang abot tainga ang ngiti. Sira talaga ang babaeng ito.

Ano ba ang nakain ng babaeng ito at napakakulit, kahapon pa.

Continue Reading

You'll Also Like

The Hardest Thing By L

General Fiction

105K 2.8K 43
© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]
Daddy's Girl By +

Teen Fiction

77.3K 2.5K 37
A daddy's girl who fell in love with her daddy's girl. This is a work of fiction. I made this story for entertainment and all stuffs that are indicat...
23.4K 504 37
Masarap talaga mag mahal minsan nararanasan pang sumugal para sa pag ibig. Maraming klase ng pag ibig. Minsan nga tinatawag na stages of love. Puppy...
26.3K 1.2K 53
Lorraine and Tanya Alcavar, the twins of Alcavar Dynasty in the business industry was involved in a love triangle with Janice Montecarlo. Lorraine Al...