One Stupid Mistake

By Gelailah

4.5M 113K 7.6K

[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't kno... More

One stupid mistake
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
EPILOGUE I & II
Epilogue I
✨11.11 ✨

Kabanata 40

78.3K 2K 122
By Gelailah

Nagising ako sa malakas na tawanan sa labas ng kwarto. Tumingin ako sa paligid, oo nga pala nandito nga pala ako sa bahay namin sa probinsya. Kahapon kasi biglang naisipan ni Eros na pumunta kami dito kasama ang mga bata. I fixed myself and went out of the room.


"Goodmorning." Bati ko sa kanila. Lahat sila natigil sa pagtawa at napatingin sa akin. Ang aga naman nilang lahat nagising. Ako nalang pala yung tulog kanina.


"Anong meron?" Tanong ko sa kanila dahil mukha silang gulat na gulat nang makita ako. Yung kambal hawak ni mama at papa.


Kahapon nanibago ako dahil may malaking ngiting sinalubong kami ni mama. Lalo na kay Eros. Parang close na close na sila ni mama. Hindi ko nga alam kung kailan pa sila naging close. First time ko si mama makita na ganon dahil strikto siya pagdating sa aming magkakapatid kaya lumaki kami na takot sa kanya. Lumapit ako sa kanila at dahil sa tabi nalang ni Eros ang bakante doon ako umupo.


"Goodmorning." He greeted me. He put his arms around me and kissed the side of my head. I greeted him back.


"Ang lakas ng tawa mo Kuya Ryan, anong pinagtatawanan niyo kanina?" Tanong ko kay kuya kasi siya ang may pinakamalakas na tawa kanina na narinig ko.

Nagulat din ako pag dating namin kahapon nandito din si Kuya Ryan. Si Kuya Warren lang ang wala dahil hindi daw nakauwi galing sa Dubai.


"H-ha? Wala. Ano... ito kasing kambal nakakatawa kanina ang kukulit. Kumain ka na?" Balisang sabi ni kuya. Anong problema nito? I heard Eros chuckle while my parents pressed their lips together holding back a smile.


"Bakit? Anong ginawa nung kambal?" Kumunot ang noo ni kuya at bigla niyang siniko si Papa.


"Wala naman anak, nakikipag laro lang. Tara sa lamesa nakahain na ang agahan." Nagsipag tayuan na sila at pumunta sa hapagkinan habang naiwan naman kami ni Eros sa sala. Hindi kasi ako tumayo dahil walang gustong magsabi sa akin ng nangyari.


"Ano yung nangyari? Bakit kayo tumatawa." Inirapan naman niya ako at saka siya tumayo at hinawakan ang kamay ko papunta ng lamesa. Napasimangot ako at binawi ang kamay ko. Tinignan niya lang ako at hindi na uli pinansin. Bakit ayaw nilang sabihin kung anong nangyari sa kambal? Ganon na ba ka secret yun? Grabe ha.




Maghapon kong hindi pinansin si Eros dahil hindi niya sa akin sinabi kung anong nangyari. He tried to talk to me but I always pretend that I didn't saw him.


"'Nak ang OA mo." Napatingin ako kay mama na karga si Apollo. Lumabas kasi yung tatlong lalaki at may pinuntahan daw na importante. Tinatanong ko din sila kung saan ang lakad nila pero hindi naman sila nagsasalita.



"Eh kasi naman 'Ma si Eros nakakainis. Tapos tinanong ko siya kanina kung saan sila pupunta hindi ako sinasagot." Inis na sabi ko. Sabi ni Eros magiging honest na siya sa akin pero napaka-simpleng tanong hindi niya masagot.


"Hayaan mo na. May mga ganon talagang pangyayari na hindi na dapat sayo ipinapaalam. Usapang lalaki siguro." Saad ni mama habang nakangiti sa antok na si Apollo. "Oo nga pala anak, pwede ka bang sumama sakin mamaya? May okasyon kasi sa may city hall."

"Talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Noon kasi palagi akong ipinapakilala ni mama sa mga kaibigan niya na may anak siyang mag aabogado. Alam ko na alam ni mama na hindi na ako magiging abogado kaya natutuwa talaga ako na isasama niya ako kahit hindi natuloy ang plano niya para sa akin. She gave me a small smile and walked towards me and held my hand.


"Payche, alam kong hindi ako naging mabuting ina sayo. Alam kong marami akong naging pagkukulang. Patawarin mo ako anak." My mother started to cry at ganon na din ako. "Mahal na mahal kita anak. Patawarin mo ako."


"Ma, tapos na po iyon. Patawarin niyo rin po ako." Niyakap ko siya at sa unang pagkakataon simula nang magkaroon kami ng distansya sa isa't-isa, gumaan ang loob ko. Ang tagal ko nang hinintay na mangyari to.


"Masayang masaya ako para sayo anak." Hindi ko mapigilan ang maluha lalo na nang yakapin ako ni mama. "Masaya ako at naging mabuti kang ina sa mga anak mo."



Ngayon na naging isang ina din ako, naiintindihan ko na kung bakit sinasabi nila na a mother's love is everlasting. Walang ibang ginusto si mama para sa akin kundi ang maging maganda ang buhay ko sa hinaharap. Naiintindihan ko siya. Hindi man naging madali, hindi ko man nagustuhan ang paraan niya, alam kong ginawa niya lang iyon dahil yun ang tingin niyang tama.


Masaya lang ako ngayon dahil naunawaan niya na iba kami ng pananaw. Na kahit hindi nangyari ang kagustuhan niya para sa akin, may maganda paring kinahinatngan ang buhay ko. Hindi sa trabaho o sa kung ano mang estado sa buhay ang makapag papakita ng success, kundi sa mga taong nakapaligid at nagmamahal sayo.

Dahil kapag masaya ka at nararamdaman mo na kuntento ka, dun mo makikita kung gaano ka ka-successful sa buhay.

Nang gumabi na, wala pa rin yung tatlong lalaki kaya napagkasunduan namin ni mama na isama yung kambal. Kita ko naman na gustong gusto talaga niyang isama para daw maipakilala niya din sa mga amiga niya ang mga apo niya.



"Anak ito ang isoot mo." I looked at the white dress that my mother is holding. My brows furrowed. "Matagal ko na itong binili para sayo kaso, alam mo na... hindi ko nabigay."

Nahihiyang sabi niya kaya napangiti ako at agad na niyakap siya sabay kuha nang bestida. "Thanks, ma."

As we arrive at the place natuwa ako sa decoration ng lugar it's full of pink and white flowers. It looks simple but elegant. Lahat sila nakangiti sa amin. Alam kong alam na nila na may anak ako dahil mabilis lang kumalat ang balita lalo na sa maliit na lugar na kagaya ng sa amin. Ngayon lang kasi nila nakita na kasama ako ni mama at ang kambal.


Tumingin ako kay mama at nakita ko na nakangiti din siya at masaya. Walang ni ano mang bahid ng kahihiyan na nabuntis ang dalagang anak niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.



"Psyche!" I turned around and saw my brother and father. "May problema tayo, wala yung host biglang umuwi dahil may emergency. Nagtatae ata."


Kumunot yung noo ko. Walang sense talaga to si kuya kahit kailan. Ano naman kung wala yung host? At ano naman din ang pakealam ko? Hindi naman ako ang organizer nitong party.


"Ano naman?" Tumingin ako sa paligid ko. Hindi kaya dahil sa pagkain?! Nanlaki ang mga mata ko nang makita na pinapakain ni mama si Apollo. "Madumi ba yung pagkain?!"


"Ha? Hindi... ano... hindi nagta-tae... natatae yun! Natatae daw eh mapili yung pwet niya di makatae basta-basta gusto sa inidoro nila mismo. 20 mins. pa naman ang biyahe nun. Kaya ikaw na muna."


"Ayoko." Balewalang sabi ko at naglakad papunta kay Apollo pero hinawakan ako ni Kuya sa braso.


"Taray talaga nito ni bunso. Pinapatanong kasi nila kung pwede daw ikaw muna ang mag host ng party."



"Ha?!" I looked around and everyone's already smiling at me na para bang alam na nila na ako nga ang magiging host.


"Di ba magaling sa mga ganyan? Nagsisimula naman nang kumain kaya games nalang. Sige na." I looked around again and I saw their faces. They're already expecting me and when I looked at my mother she looks excited. I sighed.


"May magagawa pa ba ako?" Kuya beamed and he immediately pulled me towards the stage.


I greeted the people and almost all of them look familiar to me. Madalas kasi ako noon isama ni mama kapag may pupuntahan siya party or fiesta kaya naman kilala na nila ko. Masaya din ako na makita silang nakangiti sa akin.


Nang magsimula ang mga palaro ng bata kanina pa ako tuwang tuwa. Kapag lumaki sina Apollo at Artemis gusto kong maranasan nila yung ganito. Karamihan kasi ng nakikita ko sa mga bata puro gadgets ang hawak.


I want my kids to grow up the same way I did. Yung tumatakbo sa labas at naarawan. Yung dumudungis. Doon mo lang kasi malalaman na nagkaroon ka ng magandang childhood. I don't want them to waste their time growing up by just looking through a monitor.


Nung oras na para sa palayok pumila na ang mga bata, nasa sampu siguro sila at ang gugulo nila kaya napahilot ako sa sentido ko. Ang hirap pala kapag maraming bata parang ayoko na madagdagan yung kambal ko if ever. If ever lang naman.


"Meron bang marunong dito kung paano maglaro ng pukpok palayok?" Tanong ko sa mga bata pero di sila nakikinig. Lumapit na sa akin si Kuya para tulungan ako. "Kuya suko na ako. Ikaw na magbigay ng instructions."

Agad na sabi ko at ipinasa sa kanya ang mic. He called the attention of the kids and they immediately became silent.

"So ganito, para alam niyo ang gagawin si ate Psyche na muna ang maglalaro okay?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang marinig ang sinabi niya. Itinuro ko pa ang sarili ko at nakakaasar na ngumiti lang siya sa akin. Mamaya ka lang.


Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. I can only curse all the games in the world. Sino ba ang nag imbento ng salitang laro? Ilang beses na akong napahamak dahil sa mga laro na to. Kung nabubuhay pa ang nag imbento niyan lagot siya sakin.



They started to brief me before they put me on a blindfold and I was glaring at my brother through the whole process. Swear, may araw din ang taong to sakin.


I started to walk with the blindfold and the baseball bat in my hand. Naririnig ko silang nagsisigawan ng kanan at kaliwa daw sa totoo lang nakakalito sila na nakakainis pero sinusunod ko parin. At isa pang nakakairita, naririnig ko yung boses ni kuya. Ano kaya kung sundan ko kung nasaan yung boses niya tapos siya nalang hampasin ko nitong baseball bat. Sira naman na dati ang ulo niya, sisirain ko lang lalo.


Dapat kanina pa ako humampas para tapos na pero competitive akong tao. Dahil pinahirapan ako ng mga bata kanina susubukin kong hampasin ang palayok.


Nang makarinig ako nang sigaw na hampas ginawa ko na at natanggal ko agad ang takip sa mata ko nang maramdaman na natamaan ko ang palayok. Agad akong lumingon kay kuya nang makita na basag na.


"Trial palang naman to di ba?" I asked him while pointing at the broken pot. Walang namang laman dapat may mga candy at coins sa loob eh, baka nga extra lang. "May extra diyan di ba?"


Kuya shook his head in dismay kaya umamba ako na hahampasin siya kaya tinawanan niya naman ako.


"Claim your prize Psyche." Ngumuso siya sa taas ko at may nakita akong isang maliit na pulang kahon na nakasabit sa kung nasaan yung palayok kanina. I pointed it and looked again at kuya.


"Ano to?" He rolled his eyes at me and facepalmed.


Before I could even react, bigla kong naamoy ang pabango ng taong kilalang kilala ko. I looked in front and saw Eros.


He raised his arms and took the velvet box before he knelt on one knee.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
2.8M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
3.3K 115 34
Madrigal Brothers #3 Ralphmond - Perfect and simple, that's what describes Ralphmond Madrigal and Aryanah Olivas' relationship. Just the mere presenc...
50.6K 778 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...