Babysitting the CEO's Son [CO...

By SenyoritaAnji

1.9M 65.4K 8.7K

Jared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawa... More

Babysitting the CEO's Son
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Wakas
BTCS SEQUEL

Kabanata 3

42.4K 1.4K 45
By SenyoritaAnji

Kabanata 3

"Uy, Milda. 'Wag ka ngang maingay. 'Yung manika magigising."

"Gaga ka, tao 'yan, hindi manika."

"Ang ganda niya."

"Uy! Anong pinag-uusapan niyo?

"Hush!"

"Shhh!"

Kinapa ko ang gilid ng aking unan upang hanapin ang aking salamin. Nang makapa ko ito ay mabilis ko itong sinuot, tinali ko rin ng madalian ang aking buhok bago ko kinuskos ang mga mata ko sa ilalim ng aking salamin. Bumangon ako at inilibot ang paningin.

"Good morning, barbie!" Nabaling ang tingin ko sa babaeng binatukan ng isa.

"Gaga, sabing tao 'yan eh."

Hilaw akong ngumiti sakanilang tatlo. "H-hi. G-goodmorning."

Nginitian lang nila ako at inilahad sa akin ng isa ang isang pares ng uniporme. "Ngayon na ba ako magsisimula?"

Tumango naman silang tatlo. Ang cute. "Bilisan mong kumilos, Barbie. Magsisimula ang klase niyo ngayong eight-thirty," ani naman ng isa.

Tumango lang ako at nilapag ang uniporme sa kama at pumasok sa banyo dala ang tuwalya.

Tinanggal ko ang aking salamin at binaba ang tali ng aking buhok; hinahayaang malugay ang buhok kong hanggang beywang ang haba

Matapos magkuskos sa katawan ay binilisan kong magbanlaw. Baka mahuli ako. Nagkausap kami nila ma'am Sandra at sir Jace kagabi. Pina-enroll nadaw nila ako sa pinag-aaralan ni sir Jared. Pero 'wag daw akong mag buntot-buntutan kay sir Jared palagi. Mag-aaral ako na parang isang normal na estudyante. Pipigilan ko lamang daw si Sir Jared na mag-cut sa klase.

"Ang ganda mo talaga. Siguro isa kang senyorita sa inyong hacienda doon sa lugar niyo," anang babaeng panay ang tawag sa akin ng barbie. "Ako nga pala si Emma. Ikaw si Natasha, 'di ba? Ang ganda mo talaga."

Hilaw akong ngumiti. "Hello, Emma. S-salamat. Maganda ka rin."

"Labas ka na. Nandiyan na ang driver sa labas. Nauuna na si Sir Jared sa'yo dahil may pupuntahan pa raw siya."

Tumango lang ako at kinuha ang maliit na bag na nakalatag sa sofa. Tatlong notebook lang ang dala ko. Iyon lang kasi ang binili sa akin nila ma'am Sandra.

Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko. May iilang hibla ng bangs ko ang tumatabon sa mukha ko. Pero mas mabuti na iyon. Kahit papano ay hindi masyadong lantaran ang mukha ko.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Nadatnan ko naman si ma'am at sir na kumakain.

"Oh, Nat. Mag-agahan ka muna," ani ni ma'am Sandra

Ilang akong ngumiti. "Naku, huwag na po. Nakapag-kape na rin po ako." Pero gutom talaga ako.

Umiling siya at tinuro ang upuan sa harap niya. "Maupo ka. Kung walang laman ang tiyan mo, walang papasok na aral sa kokote mo."

"Don't be shy, hija. Mula ngayon, you're now a part of the family. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo."

--

Kasalukuyan akong naghahanap sa magiging klassroom ko. Masyadong malaki ang paraalan na maiisip kong imposibleng magkita kami ni sir Jared.

Nanatili ang titig ko sa mapa nang may biglang bumangga sa balikat ko.

"Oh. Sorry, Miss." Yumuko ito upang pulutin ang nalaglag na mapa. "Here. "

Agad ko itong tinanggap. "Thank you." Napaiwas ako ng tingin nang ngumiti ito.

Inilahad niya ang kanyang kamay. "I'm Aldrin, you are?"

Ilang akong ngumiti at nahihiyang tinanggap ang kanyang kamay. "Natasha. I'm Natasha."

He shook our hands. "Nice meeting you, Natasha. "

Mabilis kong hinila ang kamay ko na hawak niya at yumuko, naghulugan naman ang mga hibla ng bangs ko na tumabon sa aking mga mata. "Aalis na ako. Hahanapin ko pa ang klassroom ko." Yumuko muna ako bago siya nilampasan.

"Natasha..." Napahinto naman ako nang tawagin niya ang pangalan ko. "I can walk you to your room."

Mabilis akong humarap sakanya at umiling. "Naku, 'wag na! Kaya ko naman, e. Baka makadistorbo ako." ...at nakakahiya ang kagwapohan mo.

"No, no. It's my free time," ani nito at nilapitan ako. "Let's go?"

Tumango ako at hinayaan siyang maunang maglakad. Ramdam ko ang matatalim na tingin ng mga babaeng estudyante habang naglalakad kami. Anong meron?

"Here." Huminto si Aldrin bigla sa harap ng isang kwarto.

Tinignan ko ang label sa itaas at nabasang ito nga ang classroom ko. Tumango ako at bumaling sakanya. "Salamat sa paghatid, Aldrin."

Tumango lang ito at ginulo ang buhok ko. "Don't mention it." Tumalikod ito at nagsimulang maglakad paalis.

Huminga naman ako ng malalim bago ako kumatok sa pinto. Pinagbuksan naman ako ng isang may edad na babae na sa tingin ko ay ang professor.

"Good morning po." Kinamot ko ang aking batok at hilaw na ngumiti. "Transferee," dagdag ko.

Tumango naman ito. "Pasok." Nauna itong naglakad patungong gitna ng platform. "Everyone, you have your new classmate. Please introduce yourself."

Muli ako napakamot sa batok ko. "H-hi?" Kinagat ko ang ibabang labi ko. "I'm Natasha Venice Aurin, eighteen. From Butuan."

Nakita kong nagngitian sila. Akala ko ba masasama ang ugali ng mga taga-manila? E, bakit ang bait nila? O baka naman pakitang tao lang sila?

"Any questions towards her?" anang professor. "Okay none. I'm Jessica Mendez, your Literature professor. You may take your seat."

Tumango ako at naglakad papuntang likurang upuan. Bakante kasi at malapit sa bintana.

Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na rin ang professor. "By the way. Our intramurals will be next week. It was delayed due to the contests we joined in. So, class, ang magpapalista sa basketball ay nasa soccer field. The volleyball is on the gym, others is located inside the hall. In addition, there will be no classes for this afternoon for the listing, and the remaining two days will be the try-out. That's all, goodbye."

Nagbunyi naman ang lahat nang lumabas na ang professor. Isa-isa silang lumabas habang bukambibig kung ano ang sasalihan sa intramurals.

"Hi!" May biglang kumalabit sa akin habang nag-aayos ng gamit.

"Oh, hi?" Patanong na pagbati ko rito.

Ngumiti naman ito. She's also a nerd like me. Kaso maganda siya at halata mong mayaman.

"I'm Ella. You are?" Inextend niya ang braso niya upang makipagkamay. "Natasha..." Siya rin ang sumagot sa tanong niya at kinuha ang kamay ko. "I really wanna be your friend. Can I?"

Wala sa sarili akong tumango. Siguro mali ang mga sinusulat sa mga storyang ginawang libro na masusungit ang mga taga-manila sa mga probinsyana. Mababait naman pala sila eh.

"Sure."

Mabilis namang umikot ang braso niya sa braso ko. "Buti naman. Halos lahat kasi ng mga kaibigan ko ay mga maayos ang paningin. Parang ako lang ang malabo." Tumawa ito. "Nga pala." Humarap siya sa akin at nameywang. "Anong sports ka?" tanong niya.

Nag-isip naman ako kung anong sport ang sasalihan ko. Marunong akong mag-basketball, marunong din akong mag volleyball. Halos lahat naman 'ata ng sports, e.

"Ewan. Ikaw ba?" Isinukbit ko ang bag ko at inayos ang aking salamin. My mannerisms.

"Hmm... Volleyball. Nandoon si Queen, e. Gusto ko siya makalaban," aniya. Nagsalubong naman ang kilay ko at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto

"Sinong Queen?" Namumuo ang kuryosidad sa katawan ko.

"Di mo— ay oo nga pala, transferee ka pala." Umiling ito na parang tanga kaya palihim akong natawa. "She's the so-called girlfriend of the great Jared Montenegro. Iyong taga fourth year college? Ang gwapo niya talaga."

"Jared? You mean, Jared Lyndon Montenegro?" takang tanong ko.

Pumalakpak ito. "Yes, he is. Varsity siya sa basketball at magaling kumanta. May iilang rumors din na magaling at suwabe siyang sumayaw. Everyone wished to see him dance. Pero kadalasan ang pinapakita lang niya ay ang tumugtog ng violin, guitar, piano tapos magbasketball. Ang kaso, chickboy at basagulero."

Nakarating kami sa cafeteria ng school. Canteen tawag sa amin dito eh. Mabilis na naghanap ng mauupuan si Ella. "Doon tayo! Malapit kina Jared."

Hinila niya ako at pinaupo sa mesang napili niya. Napansin rin ng mata ko si Sir Jared na busy kakapindot sa kanyang cellphone. Naglikot ang mata ko at dumapo ito sa babaeng seksing naglakad palapit sa pwesto nila Sir.

"Hey, babe," anito.

"Uy! Eto na ang pagkain. Pasensya ka na kung iyan ang napili ko. Nakalimutan ko kasing itanong ang gusto mong kainin kanina." Nabaling kay Ella ang atensyon ko.

Nginitian ko lamang siya at binalik ang paningin sa mesa nila Sir Jared. Naka-upo na ngayon ang babae sa gilid niya habang malanding kumakain ng kanyang spaghetti. Iyong paraang dinidilaan niya ang kanyang ibabang labi habang nakatingin kay Sir Jared na kasalukuyan paring nagpipindot sa kanyang cellphone.

"Sino ba iyang tinitignan mo?" Lumingon si Ella sa pwestong tinignan ko. "Ahh, si Jared ba? Ang gwapo, 'di ba?"

Umirap ako at sumubo sa cake na dala niya. "Oo nga. Sobra pa nga eh." Labas sa ilong kong sagot.

"Iyang katabi niya, si Jennie Ocampo. Ang campus Queen, iyong sinasabi ko sayo, remember?" Tumango na lang ako at hindi siya tinapunan ng tingin. "Siya ang girlfriend ni Jared na tumagal ng limang linggo. One month and one week. Hanep."

Napabaling naman ako sakanya. "What do you mean?"

Siya na naman ang umirap sa ere. "Jared Montenegro changed his girls like how he changed his clothes. Minsan nga hindi umaabot ng dalawang araw. Kaya ayan, si Queen. Feeling niya hulog na si Jared sakanya dahil tumagal sila ng one month. "

Ngumisi ako. "Type mo si sir— I mean, si Jared?" nang-aasar kong tanong. Ang gaan ng pakiramdam ko sa.kanya.

"Hindi 'no! Si Adam kaya type ko. Yung lalaking nakasuot ng headphone." Turo niya sa lalaking katapat ni Sir Jared. "Malamig siya. Pero varsity din sa basketball, mahilig sa pagsayaw. Doon niya naakit ang katulad ko." Ngumiti ito na parang nananaginip.

Napailing nalang ako sakanya. "Kaso, hindi niya alam kung nag e-exist ba ako sa mundo," nalungkot nitong saad.

Hilaw naman akong ngumiti sakanya at itinulak ang dessert papunta sa kanya. "Oh, ikain mo nalang iyan."

Agad niyang kinuha ang tinidor at pabaldang tinusok ang dessert. "Kaawaan mo, walang kasalanan 'yan," biro ko.

Matapos naming kumain ay agad naming nilisan ang lugar.

"Oh, saan tayo niyan?" tanong nito.

"'Di ba volleyball ang gusto mo? " Tumango naman ito. "Magpalista muna tayo tapos akin naman."

Tumango ulit ito at hinila ako papuntang gym. Medyo marami-rami ang mga tao kaya nahihirapan kaming makasiksik. Halos lahat ng nagpapalista ay mga first at fourth year college. Marahil na rin siguro dahil sports daw ito ng kanilang Queen.

"Maupo ka muna diyan, Nat. Ako nalang ang sisiksik," aniya. Tumango lang ako at umupo sa isang bench.

Pinanood ko ang mga taong parang naeengganyo sa susunod na mga araw. May iilang iniirapan ang pwesto ko, meron ding mga ngumingiti, syempre 'di magpapahuli ang mga walang pake.

Hingal na hingal na lumapit sa akin si Ella. "Oh? Nakapalista ka na?"

"Oo," hingal na usal nito at hinila niya naman ako patayo. "Anong passion mo? Baka gusto mong mag-volleyball? O di kaya swimming?"

Umiling ako sa sinabi niya. "Napag-isip-isip kong hindi nalang ako sasali sa mga sports. Manonood na lamang ako."

Siya naman ang umiling. "Hindi 'yan pwede, dapat may paligsahan kang sasalihan. Dagdag points 'yun." Masamang titig ang ginagawad nito na ikinangiti ko.

"Susubukan ko," sagot ko na ikinairap na lamang ito.

Napatingin kami sa cellphone niya nang bigla itong tumunog.

"Yes, dad? Sige po, on the way na." Binaba niya ang tawag at hinawakan ang braso ko. "Nat, I really have to go. Emergency. Bukas nalang tayo magkwentuhan. I have a lots of questions to you. Bye." Niyakap niya muna ako bago nagmamadaling umalis.

As soon as she vanished from my eyesight, I shrugged. Siguro, susuyurin ko muna ang school. Para kahit papano hindi  maligaw

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 199 23
C O M P L E T E D "This ring is a symbol of my love for you, Mariah Medina so please wait for me." Ang mga kataga na iyon ay ang nakasulat sa note na...
3.8M 65.5K 70
Loving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I...
1.1M 56.6K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
10.5M 227K 62
R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story contains scenes not suitable for young rea...