School Trip X3M

By Kuya_Soju

1.2M 24.5K 3.1K

(NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIB) Sasama ka ba sa LAST trip? Muling damhin ang IMPYERNO sa huling pagkakataon... More

School Trip X3M
LESSON 01- The Real Story
LESSON 02- Daughter To Father
LESSON 03- New Girl In School
LESSON 04- Welcome To Wellington High School
LESSON 06- First Move
LESSON 07- Killer's Eyes
LESSON 08- Bullying Begins
LESSON 09- Past Versus Present
LESSON 10- Bitchy Plans
LESSON 11- Bullied
LESSON 12- Slapped
LESSON 13- On His Bed
LESSON 14- Footsteps In My Room
LESSON 15- School Trip
LESSON 16- Fire
LESSON 17- Betrayal
LESSON 18- Bully's Tears
LESSON 19- Three Is To One
LESSON 20- Audrey
LESSON 21- Escaped From Hell
LESSON 22- Get Even
LESSON 23- Way Back Home
LESSON 24- Gone
LESSON 25- Lost And Then Found
LESSON 26- Doubt
LESSON 27- The Truth
LESSON 28- Face To Face
LESSON 29- Punished
LESSON 30- Final Exam

LESSON 05- The Ex-Factor

42K 897 194
By Kuya_Soju

LESSON 05- The Ex-Factor

ISANG kulay pulang rosas ang nakita ni Olga na nakapatong sa kanyang desk pagkapasok niya sa kanilang silid-aralan. Nakakunot ang noo na dinampot niya iyon.

"Nagustuhan mo ba, Olga?" boses na nanggaling sa kanyang likuran.

"Dario..." bulalas niya nang makilala kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Malapad ang pagkakangiti ni Dario. "Sa'yo galing ito?" tanong niya na sinagot ng lalaki ng tango. "Hindi mo dapat ito ginagawa. May nobya ka---"

"Wala na kami ni Elizabeth," putol nito sa sasabihin niya. "Nakipag-break na ako sa kanya..."

"Ha? B-bakit?"

"Dahil ngayon ko lang napagtanto na hindi ko na pala siya mahal. Dahil ang mahal ko ay ang babaeng nasa harapan ko ngayon!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Olga sa tinuran na iyon ni Dario. Aaminin niya na kinilig siya sa sinabi nito. Si Dario pa lang kasi ang kauna-unahang lalaki na nagsabi sa kanya ng ganoon.

"Dario..." sambit na lamang niya dahil hindi niya talaga alam kung ano ang dapat niyang sabihin.

Humakbang ng isa si Dario palapit sa kanya at ginagap nito ang isa niyang kamay ng dalawang kamay nito. Muli ay naramdaman niya ang init ng palad nito... ang tila boltahe ng kuryente na mula dito na gumagapang ng mabilis sa kanyang kaibuturan.

"Hayaan mong patunayan ko sa iyo na mahal talaga kita, Olga. Hayaan mong... ligawan kita!" kita ni Olga ang sinseridad sa mata ni Dario.

Pakiramdam niya tuloy ay idinuduyan siya sa mga sinasabi nito. Wala naman sigurong masama kung payagan niya ito sa nais nito na ligawan siya. Hiwalay na ito sa nobya. Wala rin naman siyang nobyo.

Nahihiyang tumango si Olga at tiningnan ang mapupungay na mga mata ni Dario. "Sige, Dario. P-pumapayag akong ligawan mo ako." Sa wakas ay nasabi niya rin.

-----***-----

"WHAT? Dario is courting you? For real?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Alyson sa kanya matapos niyang ikwento sa mga ito ang panliligaw sa kanya ni Dario.

Naglalakad sila kasama sina Sabina at Lucy. Pabalik na sila sa kanilang silid-aralan mula sa canteen.

"Oo, nanliligaw sa akin si Dario. Dalawang araw na siyang nanliligaw," pagkumpirma ni Olga.

"Pero paano si Elizabeth?"

"Wala na sila ni Elizabeth..."

Tumango-tango si Alyson habang matamang nakikinig lang sina Sabina.

-----***-----

"BWISIT! Bwisit! Bwisit!!!" Gigil na sigaw ni Sabina. Nasa roof top silang tatlo nina Lucy at Alyson.

Kanina, nang sabihin ni Olga na nililigawan ito ni Dario ayaw niyang maniwala. Ngunit nang makita niya na magkasabay na umuwi ang dalawa kanina ay doon niya nakumpirma na nagsasabi ng totoo si Olga.

"Pwedeng kumalma ka lang, Sabina? Baka mamaya bigla mo na lang kaming itulak ni Alyson mula dito sa roof top!" pabirong saway ni Lucy sa pagwawala niya.

Wala namang estudyante sa eskwelahan dahil uwian na.

"Kung may ihuhulog man ako mula dito, ang malanding Olga iyon! Haliparot siya! Akala mo kung sinong mabait, iyon naman pala ay kiri. Santa-santita!"

"Hindi naman kaya imbes na magalit ka kay Olga ay kay Dario ka dapat magalit?"

"Anong ibig mong sabihin, Lucy? Na si Dario ang lumapit kay Olga? Baka si Olga ang lumandi kay Dario dahil desperada na siya na mapasakanya si Dario! Malamang ay magaling sa paglandi ang babaeng iyon!" Tumingin sa malayo si Sabina. "Magkaroon lang talaga ako ng pagkakataon, gaganti ako sa Olga na 'yan. Maghintay lang siya!" Ngingiti-ngiting turan pa niya na parang may ideyang naglalaro sa kanyang utak.

-----***-----

MAKALIPAS ang isang linggo, sa wakas ay muling naitapak ni Elizabeth ang kanyang mga paa sa Wellington High School. Tapos na kasi ang isang linggo na suspensiyon na iginawad sa kanya kaya maaari na ulit siyang bumalik sa pagpasok.

Habang naglalakad papunta sa kanilang classroom ay lalong sumisidhi ang pananabik sa kanyang dibdib dahil alam niya na ilang sandali na lamang ay makikita na niya ang kanyang nobyo na si Dario. Talagang na-miss niya ito.

Dahil okupado ni Dario ang kanyang isipan ay hindi niya napansin ang kasalubong niyang babae kaya naman nabangga niya ito. Natumba ang babae kaya naman humingi siya agad ng dispensa dito. "Sorry! Okey ka lang ba?" tanong niya dito.

"Okey lang," nakangiting sagot ng babae. Maganda ito at nakadagdag sa ganda nito ang pagiging morena.

"Sorry ulit, ha..." aniya at nilampasan na niya ang babae. Nagtuloy-tuloy siya sa classroom.

Umupo siya sa kanyang upuan na malapit sa bintana. Iginala niya ang paningin niya at wala pa roon si Dario. Mangilan-ngilan pa lamang ang mga kaklase niya na nasa silid na iyon. Sabagay, maaga pa naman. Talagang inagahan niya ang pagpasok dahil ayaw niyang naiiwan silang dalawa ng kanyang tatay sa bahay.

Hanggang sa maya-maya pa nga'y nakita na niyang papasok sa silid-aralan nila si Dario. Napawi ang kanyang ngiti nang makita niya na nakaakbay ito sa isang babae! Namumukhaan niya iyong babae. Ito 'yong nakabanggaan niya kanina! SIno naman kaya ito? Ngayon niya lang ito nakita. Bumangon ang panibugho sa puso ni Elizabeth sa nakikita, ngunit pilit niyang pinalis ang negatibong nararamdaman niya. Baka naman kaibigan o pinsan lang ni Dario iyong babaeng inaakbayan nito.

Sinundan niya si Dario ng tingin. Tila hindi siya nito napansin dahil tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok kasama iyong babae at umupo ang dalawa sa pinakahuling row. Mukhang masaya ang dalawa dahil kapwa nakangiti ang mga ito habang nag-uusap.

Ilang minuto rin ang pinalipas ni Elizabeth bago siya nagdesisyon na tumayo at lapitan si Dario.

"Hello, Dario..." may kiming ngiti na bati niya.

Napaangat ng mukha si Dario at tumingin sa kanya. Bumakas ang pagkabigla sa mukha ng nobyo. Parang nakakita ito ng multo.

"E-elizabeth!" bulalas nito.

"Kumusta ka na?" tanong niya.

"Ikaw pala si Elizabeth..." sabat n'ong babae. Nakangiti ito sa kanya.

"Ako nga. S-sino ka?"

"Ako si Olga. Ikaw ang ex-girlfriend ni Dario, 'di ba?"

May pagtataka na tiningnan ni Elizabeth si Dario. "Dario, ano bang pinagsasabi ng kasama mo? Sino ba siya?"

Tumayo si Dario at kinausapa siya. "Siya ang girlfriend ko," balewalang sagot nito. Hindi man lang itong nangiming sabihin iyon.

"P-pero ako ang girlfriend mo..."

"Noon, Elizabeth. Pero tapos na tayo."

"Tapos na? Bakit?"

"Dahil ayoko na sa'yo."

"Pero mahal kita, Dario!"

"Hindi na kita mahal, Elizabeth. Tapos na tayo!" Bumaling si Dario kay Olga at hinawakan sa kamay ang babae. "Tara na, Olga. Sa library muna tayo, tutal naman ay mamaya pa mag-uumpisa ang klase."

Wala na sina Dario at Olga ngunit nanatili pa ring nakatulala at nakatayo siya kung saan siya iniwan ni Dario. Nakakabigla ang sinabi ni Dario. Ang buong akala niya ay matutuwa siya kapag nakita niya ito ngunit nagkamali pala siya. Sa loob ng isang linggong suspension sa kanya ay nagawa siyang palitan nito. Parang nagpalit lang ito ng damit. Pagkahubad ay itatapon na. At mabilis pa sa hangin na magpapalit agad.

-----***-----

"DARIO, sa tingin mo, okey lang si Elizabeth?" tanong ni Olga habang naglalakad-lakad sila ni Dario sa school.

"Hindi siya okey, Olga, pero alam ko na sa darating na araw ay magiging ganoon siya. Teka nga, pwedeng 'wag na natin siyang pag-usapan?"

"Sige..." aniya.

Pero naaawa pa rin siya kay Elizabeth dahil babae rin siyang tulad nito. Alam niyang masakit ang mga sinabi ni Dario dito. Marahil ay nag-iilusyon pa rin kasi ito na sila pa rin ni Dario. Ngunit si Dario ay sa kanya na. Kahapon lang ay sinagot na niya ito agad matapos ang ilang araw na panliligaw nito sa kanya. Nakikita naman niya kasi ang dalisay nitong hangarin sa kanya.

Naisip na naman niya si ELizabeth. Hindi niya alam ngunit tila kinikilabutan siya sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya...

---CLASS DISMISSED!---

Continue Reading

You'll Also Like

39.9K 3K 24
Daisy is plagued by nightmares she can't understand. Little does Daisy know, she's not the only one getting them.
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
1.6M 23.7K 31
Evil students. Bullied teacher. Hell yes, this is a one of a kind school experience! Class resumes...
172K 6.2K 49
Monsta ❌ Academy New Generation: new names. new heartbeats. same academy. -jareditsme COMPLETED