Man and Wife (Wifely Duties 2...

Por FGirlWriter

2.3M 76.9K 18.4K

A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️... Más

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Epilogue

Chapter Twenty-Three

81.5K 2.7K 534
Por FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-THREE

*To forgive, never an easy task.

To forgive, in anger, never possible.

To forgive, with love, hardest but truest of all. *

***

One year ago...

MADALING ARAW na nakauwi si Reeve. Sinadya ni Agatha na hintayin ang asawa dahil nag-aalala din siya para dito.

When Reeve stormed out of the car, tila ito pinagsakluban ng langit at lupa. His shoulders down. His face stoic but his eyes sold his deeply worried soul.

"Reeve..." she softly called him as she opened the door.

He threw his coat and pulled her for tight embrace. "Oh, sweetheart..."

Pinaghalong pagod, galit, at pagkasawi ang tinig nito.

She hugged him back, lightly stroking his back.

"I love you..." she whispered. Sa mga oras na ito, alam niyang iyon ang natatanging mga salitang magpapakalma sa asawa.

Mas humigpit ang pagyakap nito sa kanya. Huminga ito nang malalim. "Sorry for keeping you waiting. Hindi naapula ang apoy hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang buong h-hotel," he choked.

The main and very first branch of Monteverde Hotel in Manila caught a fire earlier this evening. Nabalita iyon sa news at ang abala niya nang asawa ay mas naging aligaga pa. And for sure, after this night, lalong hindi niya na makikita ang asawa dahil sa bagong problemang kinahaharap nito.

"Reeve, you should take a rest. Please..."

Tagus-tagusan ang tingin nito nang humarap sa kanya. Wala na ito sa sarili dahil sa pinaghalo-halong pagod at negatibong emosyon. Agatha can feel the tremendous gloom that dispels inside him, it made her down, too.

Pero hindi niya hahayaang malunod din siya doon. Kailangan ni Reeve nang mas matibay na suporta ngayon.

Halos hilahin niya ito paakyat sa kuwarto nila. Mabuti at malalim na ang tulog nina Rainiel, Riana, at Adam. Even their newly born baby, Rade, remained asleep in his crib when they entered inside the room.

Pinaupo niya si Reeve sa gilid ng kama. At saka lang niya napansin ang nadungisan nitong long-sleeved polo at pants. May ilan din itong dumi braso at kamay. Even his used to be shiny black shoes were all covered with dirt.

Lumuhod siya sa harap nito. Inabot niya ang mukha nito. "Reeve, tumulong ka pa ba sa rescue operation kanina?"

"Twelve of my employees got trapped inside. Seven foreign guests. Two Filipinos..." Nasapo ng mga palad nito ang buong mukha. "They all died, Agatha. Hindi sila nailabas bago bumagsak nang tuluyan ang hotel..."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Agatha. "It's not your fault, Reeve."

"Properly maintained ang hotel branch na iyon. Hindi malaman kung saan nagsimula ang sunog at paanong lumaki iyon nang ganoon. Bakit hindi gumana ang fire alarm?" tulala na ito habang nagsasalita.

Unang beses sa history ng mga Monteverde Hotels ang nangyari. Ang hotel na bumagsak ay kinokonsidera na ring historical site sa Pilipinas dahil itinayo iyon during the Spanish colonization. At kahit pa naging malago ang hotels ng pamilyang Monteverde, hindi kahit kailan napabayaan iyon.

"This could be an inside job. A sabotage for me," tiim-bagang na wika nito. "But who would do this?"

Ang Monteverde Hotels at Anderson Auberge lang naman noon ang mahigpit na magkalaban Pero ang mga hotels ng pamila nila ay matagal nang naging isa simula nang magpakasal sila.

"You're too tired, Reeve. Magpahinga ka muna." Siya na ang naghubad ng damit nito. It smelled of charcoal and ashes. Her heart ached for her husband. Alam niya kung gaano nito inaalagaan ang mga hotel. He was so devoted to his work. Hindi ba't hindi na nga niya ito makita palagi? Pati ng mga bata?

Kahit anong tampo niya at pagkausap rito, Reeve would always go back to working real hard.

May mga taong pumasok sa isip ni Agatha habang inaasikaso niya si Reeve. Gustuhin man niyang magalit sa mga taong iyon, kailangan niya munang hintayin matapos ang pinaiimbestigahan niya.

"Hold on there, Reeve..." bulong niya rito nang sa wakas ay napilit niya na itong humiga at matulog.

Pumikit ito. "Maybe they're right, sweetheart. I'm never a good leader. I was only driven with my selfish goals. Maybe the board of members are right, hindi ako mapupunta dito kundi lang kita pinakasalan..."

"No, that's not true..." Humiga na rin siya. Yumakap ito sa baywang niya at binaon ang mukha sa dibdib niya. Oras na nasa mga kamay niya na ang resulta ng imbestigasyon, Agatha will use her power over the hotels. She still owns a big part of it since she's an Anderson.

"People died..."

And then he broke down in tears.

Niyakap niya ito nang mas mahigpit. "I will pray for you, Reeve. I love you. Please, huwag mo munang isipin lahat 'to ngayon. Pagod na pagod ka na. We'll figure these all out tomorrow."

Nagpatuloy ito sa mahinang pagtangis. Agatha's heart will always go out to Reeve. Kahit ano pang tampo at inis ang madalas niyang nararamdaman dahil sa kawalan na nito ng oras sa pamilya nila, nawawala ang lahat ng iyon sa tuwing hindi ito natatakot ipakita ang vulnerable side nito.

At the end of the day, her love for his husband would always prevail because Reeve will always trust Agatha with his darkest, softest, and weakest side. It's a subtle confession that he needs her, because it's only her who can understand him—even beyond all irrationalities.

Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

Nakatulog na lang si Reeve sa pag-iyak. At saka lang pumikit at nagdasal si Agatha nang masigurong mahimbing na ito. Oh, her poor Reeve...

The next morning, Agatha felt Reeve stirred up. He planted a soft kiss in her lips before he got up. Pagdilat niya ay nakapasok na ito sa loob ng banyo. Napahikab siya bago bumangon. She checked on Rade first. He's such a good baby. Hindi ito nag-tantrums at mahimbing pa rin ang pagtulog. Dumiretso na siya sa loob ng banyo.

"Are you going to work today?" tanong ni Agatha sa asawa nang maabutan niya itong nagbabad sa tub.

Reeve is not a really bubble-bath-type-of-guy. It's just clear warm water for him when he goes in the tub. Kapag ganoon ay gusto lang nitong mag-relax.

"I'll follow the investigation about the fire incident. I'll also visit the families of the fire victims."

Hindi na katulad kagabi ang tinig nito. Now, he's calm and strong. His voice although in a low tone is already full of conviction. Kapag ganito na ito, sigurado si Agatha na nakaisip na si Reeve ng paraan kung paano iha-handle ang nangyari.

From the very beginning, she just knew that he's an intelligent man. When his emotions calmed down, his precocious ways shoot up. When he fails, he'd let himself loose it for a while. The next thing, Reeve would not just rise but soar back at his game.

"The accident could be an inside job, you mentioned..." Lumapit siya rito at umupo sa dulo ng tub. There's a little space that separates a glass panel from the end of the tub. Umupo siya doon at ibinabad ang mga paa sa tub.

From her position, nakatalikod si Reeve habang nakaupo sa tub. Hinawakan niya ito sa balikat at mas pinausod malapit sa kanya. Napaungol ito nang simulan niyang imasahe ang balikat nito.

The tension in his shoulders were relieved. Sumandal ito sa pagitan ng mga binti niya. Pumikit.

"Every month, we check the emergency fire escapes and sprinklers of the hotel. Advanced technology din ang ginamit namin sa smoke detectors. Usok pa lang mula sa nagsisimulang apoy, the sprinklers would be easily activated. Alam ko namang puwede ring system failure kung bakit hindi gumanaw ang mga iyon pero..." Napailing-iling ito. "Sa buong history ng hotels namin, ngayon pa hindi gumana ang mga iyon?"

"Do you have any suspects in mind?"

Nagbuga ito ng hangin. Umakyat sa batok nito ang kamay niya para hilutin.

"I know the board members disapprove of me, but they wouldn't go that low, would they? Maaapektuhan din sila dahil sa nangyaring sunog. I know they wanted to replace me. Alam kong maraming ibang naghahangad ng posisyon ko. Maraming gustong masira ako. Pero ang mismong magpasunog na ng hotel, and... innocent deaths?"

Sabay pa silang napabuntong-hininga na lang.

Pinili ni Agatha ang hindi na magkomento.

"Pero kung malalaman kong may kinalaman sila dito... Damn." Bumalik ang frustration sa tono nito. Fear reflected in his eyes. "This world's insanely vicious."

The side of his eyes glistened with tears.

"Alam kong hindi magiging madali ang pagharap mo sa mga pamilya ng mga nadamay sa sunog. Pati na ang pagharap sa kaso ng hotel. But I hope, you don't forget to pause for a while, Reeve. Remember the charity mission in the Mountain Province I was talking about months ago? Let's take a break together there..."

"I don't know..."

"Please? You really need a long break." And they needed to talk. About their marriage. A really serious and heart-to-heart talk.

Sa pagdating din siguro ng charity mission ay nasa kanya na ang resulta ng pinaiimbestigahan niya. Puwede niya nang aminin kay Reeve iyon at habang nasa malayo sila ay alam niyang makakaisip ito ng paraan kung paanong haharapin ang mga taong gusto ito sirain sa trabaho... at maging sa sariling pamilya nila.

Agatha could only pray now. If Reeve didn't become too much busy, she could have told him about her private investigation. Alam niyang hindi dapat siya maglihim dito pero tila sasabog na ito kapag pinaalam niya pa ang ginawa niya. Ayaw naman niyang mangyari iyon sa asawa.

"Gusto mo bang samahan kitang makipag-usap sa mga families and police ngayon?"

"It'll just stress you out, sweetheart, believe me. Ayoko nang ma-expose ka pa sa ganoon. I'll take my team with me. We can handle this."

May mga taong puwedeng utusan si Reeve para harapin iyon, pero ito mismo ang kakausap, because that's just how sincere he is.

She kissed the top of his head. "Ipinagdadasal kita palagi."

"Sweetheart..." Hinawakan ni Reeve ang kamay niya. "I know this world could be darker than what we know. Pero hanggang sa nandito ka..." He kissed her hand. Nilingon at tiningala siya nito. "Hanggang sa nasa tabi kita, I'll believe that this life could be brighter than we know, too. Your faith and optimism made me hope of the things I can't even trust before. I love you so much. You keep me sane."

She kindly smiled at him. "You are so sweet, aren't you?" she teased.

He crooked a smile. "I'll go with you on that charity mission. It's been a while since we went on a vacation, just the two of us."

"If that charity mission-slash-vacation turned out well for the both of us, we'll take a vacation with the kids, too, alright? They missed you."

"I know." Hinilig nito ang ulo sa isang binti niya. "Screw the board members. After this case, I won't go crazy proving myself to them, anymore. Kung hindi mo lang sinabi sa'kin na huwag papatol sa mga matatanda ay matagal ko na silang napaalis doon."

Kapag may napatunayan na si Agatha, siya pa mismo ang magpapaalis sa mga taong iyon.

Na-miss ni Agatha kausap ng ganito ang asawa kaya naman matagal yata itong nakababad lang sa tub habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa high-profile senior members ng Monteverde Hotels at Anderson Auberge.

Apat ang senior members ng AA—Mr. Prial, Sen. Lustre, Dr. Jereza, and Mr. Tezoro. Mga kaibigan iyon ng Daddy niya. Ninong pa nila sa kasal si Mr. Tezoro.

Lima naman ang senior members sa Monteverde Hotels—Mr. Sanchez, Hon. Fortuito, Engr. Alcaide, Dr. Gimena, and Dr. Regio.

Those nine men all came from prominent, either political or old rich families.

"So, who hates you the most?" mapagbiro niyang tanong—with a hint of half-truth, of course.

"Senator Lustre and Dr. Jereza from the Anderson Auberge. Engr. Alcaide joins them. Sa tuwing may meeting, sila ang higit na tutol sa mga plano ko para sa hotels. Fortuito and Regio always discourage me from all of my visions, though. Lalo na para sa bago kong ipinapatayong—" Tumigil ito sa pagsasalita.

"May bago kang ipinapatayong hotel?"

He shrugged. "More on travel inns para sa mga bagong sumisikat na tourist destinations. I've mentioned that to you, haven't I? Anyway, matanda na sila. Lagi nilang inirarason na mas marami na silang experience sa ganito at ganyan... That's why they won't support my plans, but I push it anyway and they start being pain in the ass."

She threw her arms around his still wet shoulders. "Ayaw pa ba nila mag-retire?"

Umiling ito. "I will gladly give them their million worth of retirement fee. But those old men won't rest until they kicked me out of my position." He sighed. "I miss talking to you, sweetheart, but I have to get going."

"Basta sasama ka na sa charity mission? Ilalagay ko na ang pangalan nating dalawa."

Tumango ito. Umahon ito mula sa tub, at hindi man lang nag-abalang abutin ang roba at tuwalya. Naglakad ito papunta sa shower panel.

At katulad nga ng inaasahan ni Agatha, hindi na niya halos makita si Reeve dahil sa kaso nang nasunog na hotel. She helped with the victims, though. Nakikiramay siya sa burol kapag hindi kayang pumunta ni Reeve.

After a week, hindi pa rin naresolba ang kaso kung saan talaga nagmula ang apoy, kung bakit kumalat at lumaki iyon nang sobra para tupukin ang buong hotel, at kung bakit hindi gumana ang advanced fire alarm system.

Dahil doon ay lalo sigurong nanggigil ang asawa niyang malaman ang katotohanan at hindi na halos ito makauwi.

Rainiel was even upset because Reeve didn't make it to his soccer competition. Riana started to ask about Reeve too. Araw-araw ay hinahanap sa kanya ng mga anak si Reeve. Nagpapaliwanag naman siya ng maayos sa dalawang anak na nakakaintindi na.

Pero may mga oras din pa lang kahit gusto naman niyang intindihin na malaking problema talaga ang inaasikaso ngayon ng asawa niya, nakakatampo pa rin.

"I can't what?" Kung hindi lang napigilan ni Agatha ang sarili ay napasigaw siguro siya sa phone habang kausap ang sekretaryo ni Reeve.

"I'm sorry, Ma'am Agatha, but Sir Reeve is still not available. Ka-meeting niya po ang ilan sa senior members ng board."

Pati sa telepono, hindi niya na makausap ang asawa? Kinagat ni Agatha ang dila dahil sa tingin niya'y masasabi niya iyon sa paraan na baka matakot ang kausap. Ayaw pa naman niyang nakakahawa ng bad vibes. Isa pa ay hindi na iyon kasalanan ng secretary ng asawa niya.

"Alright. Can you give me a call kapag puwede na siyang kausapin?"

"Yes, Ma'am! Sasabihan ko po agad si Sir to call you back right after the meeting."

Pagkababa ng tawag ay nagbilang si Agatha nang hanggang sampu sa isip. She held her breath and slowly released it.

"Mommy, is Daddy coming home na?" Riana asked. "He must be really, really, really, really tired from work, Mommy. Does Daddy go to sleep?"

Kahit papaano ay natawa naman siya doon. "Umuuwi naman si Daddy. Pero tulog na tayo kapag umuuwi siya. Tulog pa tayo kapag umaalis siya."

"Ohhhh." Riana nodded. "Daddy likes working, Mommy?"

"Yes..."

"I wanna be like Daddy once I grow up, Mommy," Rainiel said. "I want to be the boss, too. Pero uuwi ako lagi, Mommy. And I won't make you cry."

"Rainiel..." Kailan siya umiyak? Umiyak ba siya? Nakita ba iyon ng anak niya? Oh! The forgotten anniversary last May...

Napailing na lang siya. Naka-move on na si Agatha doon. If she'll dwell on that negative emotion, he will hold it against her own husband. Pero kasama iyon sa mga pag-uusapan nila ni Reeve kapag nasolo niya na ang asawa. Siguro hindi na siya nasasaktan ngayon pero may kaunting tampo pa rin siguro.

Mula naman pagkabata, natutunan na ni Agatha na huwag magpapakain sa mga negatibong emosyon. At dapat marunong siyang tumiyempo ng tamang oras para pag-usapan ang mga hinaing o problema niya.

Ngunit siguro, ang mga paraan niya noong dalaga pa siya ay hindi laging epektibo ngayong asawa at ina na siya.

Her emotions pent up. Kaya sumabog na lang siya bigla sa harap ng kapatid at ilang pinsan niya. Kuya Johann, Dylan, Ramses, and Charlie were shocked when she cried in front of them.

Hindi naman niya gustong maiyak pa sa harap ng mga ito. Pero, naiyak na lang talaga siya.

"Buntis ka na naman ba?" nababahalang tanong ni Kuya Johann.

Umiling siya. She just went to her OB, hindi naman daw. "I'm sorry, mga kuya. Baka kailangan ko lang talagang ilabas na. It's just that... I felt neglected."

"How about your past issues? Iyong mga hindi niyo na napag-usapan dahil sa sobrang pagkaabala niya?" naiinis na tanong ni Kuya Charlie. "Naging abala din ako sa maraming bagay at kapag sumusobra na 'ko pinagsasabihan naman ako ni Erica."

"Agatha, you shouldn't have kept all these with you," Kuya Ramses said. He lightly rubbed her back. "Napuno ka na dahil hindi ka lang umiintindi. But you also make your own justifications behind your husband's actions."

Kuya Dylan pulled her for a hug. "You don't deserve to be treated like this."

"Kapatid, thumbs up kay Lord ang mabait," sabi ng Kuya Johann niya. "Pero ang mabait na masyado para hindi mag-open up sa asawa kasi ikaw na lang iintindi, it's a 'no' kay Lord. Kahit pa maganda ang intensyon mo, kapag hindi mo nagawang kausapin ang tao para sa ika-i-improve niya, ligwak din tayo."

"Huwag mo nang sermunan si Agatha," pagtatanggol ni Kuya Charlie.

"Hindi ko siya sinesermunan. Kapatid ko siya, mahal ko iyan kaya dapat maitama din natin siya."

"Dapat si Reeve ang pagsabihan mo!" naiinis na sabi ng Kuya Dylan niya.

"Ikaw, ang biased mo." Hinila siya ng kapatid. Niyakap din siya. "Alam ni Agatha ang tama. Mare-realized niya rin 'to kapag mababa na ang emosyon niya. Pero tama na ring may nasabihan siya."

"Pero mali din si Reeve!" Kuya Charlie whined. "Dapat pagsabihan din siya."

"At si Agatha na ang gagawa niyon. Issue nilang mag-asawa 'to. Hindi tayo dapat nakikisawsaw," sabi naman ni Kuya Ramses.

"Biased din kayo," akusa ni Kuya Dylan kina Kuya Ramses at Kuya Johann. "Asawa niyo ang mga pinsan ni Reeve, of course, you'll side with him. Well, I would just like to remind you, Agatha is our own family here."

"Please, huwag na kayong mag-away-away," saway niya sa mga ito. "I'm sorry. Hindi ko dapat sa inyo 'to sinasabi. I'm just tired. Napagod ako sa pag-aalaga sa mga anak ko and I haven't spoken to Reeve for a week now."

Malapit na nga ang alis nila ng asawa para sa charity mission pero hindi niya pa alam kung matutuloy sila...

"Makakaasa kang walang makakaalam nito at hindi kami mangingialam," pinal na sabi ng kapatid niya. "Tama lang siguro na mailabas mo na ngayon para kapag nag-usap kayo ni Reeve mas masabi mo ng tama ang mga problema na dapat niyong solusyunan." Nginitian pa siya nito.

Tinignan niya sina Kuya Dylan at Kuya Charlie na nakasimangot pa rin pero hindi na umimik.

She smiled at them. "Thank you so much for visiting me and the kids..." Pinunasan niya na ang sariling mga luha.

"Halika, pray tayo?" Nakangiting aya ng Kuya Johann niya. "Para naman mawalis 'yung mga agiw sa heart natin."

Napakayap siya nang mahigpit dito. "Kuya..." Agatha was thankful to have a faithful brother like her Kuya Johann.

When he started whispering a prayer, naramdaman ni Agatha na kasama nang yumakap sa kanya ang tatlo niya pang pinsan na mahal na mahal rin niya.

After that, she felt lighter. Although her issues are still lurking, she can think clearly now.

May nag-doorbell sa labas.

"I'll get it," Kuya Ramses volunteered. Lumabas ito saglit at pagkapasok ay may envelope na itong dala. "Confidential? Agatha, what's this?"

Napakurap siya at kinuha ang sealed envelope. "Just a little investigation..."

"About what?"

Napayuko siya. "The board members of the hotel."

Sabay-sabay na nalaglag ang panga ng apat na lalaki sa harap niya.

"Bakit mo sila pina-imbestigahan?"

"L-Lagi kasi nilang inaapi si Reeve..." Napalabi siya. "I just want to know if why are they like that. At saka may alam ba sila kung bakit laging nasasabotahe si Reeve sa trabaho... He works real hard because of these men. Reeve's trying to impress and earn their trust for years now. Pero ayaw na ayaw pa rin nila kay Reeve. Kaya nagpaimbestiga na 'ko dahil kapag may patunay na tinatraydor nila mismo si Reeve, I can... fire them."

"Wow, fierce!" Kuya Johann reacted.

Napangiwi si Kuya Charlie. "You're like Kuya Bari! Nagpapa-imbestiga ng sarili!"

"No. Not just 'like'," sabi ni Kuya Dylan. "She's the girl version of him!"

"I miss Kuya Bari..." nasambit niya dahil nawawala pa rin hanggang sa ngayon ang panganay na pinsan nila. Nag-aalala na rin sila para kay Auntie Bella dahil magkasamang nawala ang mag-ina.

But going back... napatingin siya sa envelope.

When her brother and cousins went home, Agatha read the reports.

And those were enough evidences to support and love her husband more through thick and thin... through friends and enemies.

Kailangan niya ring ipaalam ang mga nalaman kay Reeve ngayong may mga ebidensya na siyang hawak.

But Agatha never got the chance to tell Reeve because of the accident she got into.

***

Present time...

PAPA ROMAN was rushed to the hospital immediately. Thank God he was revived in the emergency room. However he's still unconscious, in stroke, and needed to stay inside the intensive care unit.

Hindi mabilang na tubo ang nakakabit sa katawan nito. May abnormality sa blood pressure ng father-in-law niya. What happened was his blood shoot up without any cause. May pumutok na ugat rito. And that triggered his stroke. Walang nakakaalam kung kailan ito magigising o kung magigising pa rin ito.

Mama Leona and Reeve stayed in the hospital. Naintindihan naman ni Agatha kung ayaw iwan ni Reeve ang Papa nito.

"Mommy, is Grandpa going to be okay?" Riana asked, worried.

Hinaplos niya ang buhok nito. Hindi niya alam paano sasagutin pero... "We'll continue praying, baby. Lahat tayo gustong gumaling ang Grandpa niyo."

Yumakap ito sa baywang niya. "Grandpa is a sweet grandpa, Mommy. Is Daddy taking care of him? Hindi pa umuuwi si Daddy..."

"Love na love kasi ni Daddy si Grandpa kaya gusto niya laging magbantay. But don't worry. Uuwi din si Daddy."

Tumango si Riana at mas yumakap sa kanya. From the playmat, Adam walked towards them and wanted to be held. Binuhat niya ito at kinandong. Rade is sleeping in his crib.

Bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Rainiel. Kagagaling lang nito sa soccer practice. Ayaw nitong magpasama kanina. Kaya naman hinatid sundo lang ito ng Mommy niya.

"Mommy, can we visit Grandpa?" bungad na tanong agad nito. Ang mga mata nitong namana kay Reeve ay puno ng pag-aalala.

"Come here..." She extended her free hand. Inabot nito iyon at lumapit sa harap niya. Pinunasan niya ang pawis sa noo nito. "We wait for Daddy's call kung puwede na bisitahin si Grandpa, alright? Ngayon kasi, hindi pa puwede."

Nakakaintinding tumango ito. Ngunit halata ang pagkalaglag ng mga balikat. Malapit ang mga ito kay Papa Roman at sa lahat ng grandparents ng mga ito. Kaya ang nangyari kay Papa Roman ay higit na nagpalungkot sa mga bata.

"I'll just take a shower..." Lumayo na si Rainiel at lumabas ng kuwarto para pumunta sa kuwarto nito.

Tumayo na rin si Riana. Nagugutom daw ito. Binuhat niya si Adam at sinimulan na niyang asikasuhin ang mga anak.

Kahit ayaw ni Agatha ay hindi niya magawang itago ang kalungkutan rin. Gusto niyang pasiglahin ang mga anak pero siguro may inilaang oras para sa kalungkutan at ngayon 'yon. Pero mamaya, iisip siya nang paraan para bumalik ang sigla ng mga bata.

The next day, umuwi si Reeve pero hindi sila nakapag-usap. Naligo at nag-ayos lang ito, kinausap ang mga bata. Pagkatapos ay umalis na rin.

Nang sumunod na araw ay ganoon ulit. Umuwi ito para maligo at mag-ayos.

Pero hindi niya alam na nasa banyo na pala ito pagkagising niya. Nagtuloy-tuloy si Agatha sa pagpasok ng banyo para maghilamos. Napasinghap siya sa gulat nang makita si Reeve na nakababad na pala sa bathtub.

Napatuwid ito ng upo nang makita rin siya.

"I'm sorry!" Nilayo niya ang tingin. The tub has no bubbles in it. It was just filled with clear warm water. Kaya naman nakikita pa rin ang buong kahubdan nito.

"No. I'm sorry I forgot to lock the door," tila pagod nang wika nito. "Riana's bath tub isn't working. Kaya dito ko na lang naisip magbabad..."

"It's actually okay. Sa'yo din naman ang banyo. Ahm, just relax in there."

Palabas na sana siya ng banyo pero hindi niya magawang maihakbang ang mga papa. A tiny voice was forcing Agatha to stay.

Pero bakit naman kailangan niyang manatili doon? It's her husband's private time and... Ayaw niya talagang umalis.

"Maghihilamos lang ako..." aniya. Nasa likod naman ng tub ang sink kaya ayos lang na sabay silang gumamit.

"Sure..." dahil sa kapaguran ay halos pabulong na lang ang boses nito. Paos.

Mukhang hindi natutulog si Reeve sa ospital. Hinihintay nitong magising ang ama.

Agatha did her normal morning routine. "Kumusta ka na?" she carefully asked him.

"Nag-stable na ang kondisyon ni Papa. I guess I'm feeling better than the other day," narinig niyang sagot nito.

"Malaki ba ang chances na magising na siya?"

"We're praying. Nag-usap na rin kami ni Mama kung sakaling hindi na magising si Papa..." his voice faded, almost broke. "Sabi ng mga doktor, kung magigising din si Papa, he won't be able to move or speak."

Napabuntong hininga siya. Her chest tightened. "I'm sorry, Reeve. This is hard for you." Ang alam niya ay sobrang lapit ng mag-ama sa isa't isa.

"Life can get worst. At least I'm ready." He dryly chuckled.

Nanatili siyang nakatalikod sa tub. Sumandal si Agatha sa glass panel na naghihiwalay sa sink at bath tub.

Gusto niya itong damayan. Gusto niyang iparamdam sa asawa na sa kabila ng sitwasyon nila, kakampi pa rin siya nito.

"Nasa ospital ba si Mama?" naisip niyang itanong. She wanted to make a conversation. Reeve might need someone to talk to.

"Yes. Bumisita ang mga board of members ngayon at si Mama na ang nag-asikaso sa kanila. Kaya din ako umuwi. I'm not in perfect shape to face them. Baka may masabi na naman sila sa buong kompanya kapag nakita nila ako sa ganitong estado."

Napapikit si Agatha nang sumakit ang sentido. Tanda daw iyon na may memoryang bumabalik sa kanya. But she wasn't able to catch it. She took a deep breath.

"Iyan na ba ang problema mo sa trabaho mula pa sa umpisa? Ang mga board members?"

"Siguro. Hindi ko na alam..." he lazily said.

"Hold on there, Reeve..." pagbibigay lakas loob niya rito. There's a certain urge inside her to hold him... Lumingon siya sa tub at nakitang tahimik lang na nakahiga ito doon.

"I will..." pabulong na sagot nito.

Lumabas na si Agatha ng banyo at nagpalit ng damit sa walk-in closet. Nagising na si Rade at kumatok na sa pinto si Riana. All the kids are now awake. Bumaba na siya para makapaghanda ng breakfast.

While the children started eating, bumaba na mula sa taas si Reeve.

"Daddy!" Riana jumped out of her chair and ran towards Reeve. "Daddy, how are you? I missed you! How's Grandpa? Is he awake na?"

Yumuko si Reeve sa harap ng anak. Niyakap nito si Riana nang mahigpit.

"Daddy!" Adam called and tried to extend his arms from his baby chair. "Daddy, miss you!"

Lumapit din si Reeve kina Adam at Rade at binigyan ng tigisang halik sa bumbunan ang dalawa. Binuhat din nito si Adam at hinaplos si Rade. "Sorry, li'l boys. You missed your Daddy time..."

"Kumain ka na," aya niya rito. She smiled at him. "I prepared your favorite breakfast."

"Thanks..." Umupo ito sa kabisera. Nakaayos na ito at mukhang handa nang pumasok sa trabaho. But his eyes were tired and gloomy.

She wanted to console him. But she doesn't know how. She can't remember how, perhaps.

Kahit papaano ay nakatawid naman sila sa agahan habang kinakausap nila ang mga anak.

"Daddy..." she heard Rainiel called.

Nilingon ito ni Reeve na nagliligpit na ng mga pinagkainan nila.

"Daddy..." Yumuko si Rainiel. "I... I'm praying for you and Grandpa, Daddy... Everything's going to be okay."

Reeve smiled and looked away. Tears forming in the corner of his eyes. "T-Thanks, son... Daddy needs that."

Tumayo si Rainiel at yumakap sa baywang ni Reeve. Suddenly, Rainiel cried.

Nagkatinginan sila ni Reeve. Kahit malaki na ay nagawa nitong buhatin si Rainiel at inakyat ni Reeve ang anak sa kuwarto.

"Why is Kuya Rain crying, Mommy?" Riana innocently asked.

Kinandong niya ito at niyakap. "Baby, thank you for being a sweetheart to your Daddy. He needs that right now. Kapag nakikita mong malungkot si Daddy, you kiss and hug him, alright?"

Tiningala siya nito. "Okay, Mommy. Bakit hindi na kayo nagha-hug and kiss ni Daddy? Hindi ko na nakikita, eh..."

Hinaplos niya ang buhok nito. "Let's get you ready for school," pagliko niya sa usapan.

Nang matapos niya asikasuhin ang anak ay nakahanda na rin para sa school si Rainiel. Nagmamadali na si Reeve para hindi mahuli ang mga bata. Kaya hindi na sila nakapag-usap pa nito.

The days continued with Papa Roman still in coma. Inaasahan na ni Agatha na hindi niya na masyado makikita si Reeve dahil sa marami nitong inaasikaso.

But surprisingly, he goes home for dinner. Nakakasabay nila itong kumain. Mostly, he'll spend the time with their children.

Reeve would help Rainiel with his home works. Nakikinig ito sa mga kuwento ni Riana. Nakikipaglaro ito kay Adam. At sa pagdating ng pagtulog ay hinehele nito si Rade.

At kapag tulog na ang lahat ng mga bata, aalis na si Reeve para bumalik sa ospital. Uuwi na lang ito ng umaga, bago magising ang mga bata.

Pagkagising ni Agatha isang araw, may mga sariwang bulaklak na sa bedside table. Bumangon siya at inabot ang maliit na card sa tabi niyon.

I never forgot about you, even in the busiest days of my life, Agatha. I'm sorry I can't join you in your therapies and we need to miss some counselling sessions. And even if I'm not worth it, thank you for staying. - Reeve

Inamoy niya ang mga bulaklak at napapikit sa matamis na bango niyon. Tumayo siya at pumunta sa kabilang kuwarto. Reeve was sleeping. Riana and Adam are hugging him side by side.

Despite all the bad memories she remembered with Reeve, she saw his best effort to be a good father. Sa kabila nang pinagdadaanan nito, he pushed himself to be stronger in front of their children.

Siguro parehas na lang nila napagtanto sa mga sarili nila na hindi na muna siguro mahalaga ngayon kung anong nararamdaman nila sa isa't isa. Ang mahalaga, parehas nilang mahal ang mga anak. At mananatil sila para sa mga ito.

Bumalik si Agatha sa kuwarto. At sa pagkakataong iyon, naaalala niya na kung paano magdasal nang taimtim. It is indeed in the toughest times of life, we got to realize that we only got Him.

***

ANOTHER two weeks had passed. Hindi pa rin nagigising si Papa Roman but there were signs that he can get conscious any time now. Doon pa lang ay masayang-masaya na sina Mama Leona at Reeve.

Agatha felt excited and happy about the news, too. So far, she's doing good in her therapies. Wala pa rin siyang memorya kay Reeve. But at least, wala naman nang nadagdag kahit bad memories. She got to understand herself more. Although, some days, she's still confuse by her feelings.

Nakabalik na rin siya sa Dgroup kahit papaano. She's slowly getting interested again in her spiritual life. Not that giddy but she's interested, again.

Para siyang isang sanggol na nagsisimula ulit sa pinaka-umpisa. And people around her were supportive enough to help and guide her.

Lalong-lalo na si Reeve.

Sinamahan siya nito ngayon para sa panghuling audition na pinuntahan niya. Kapag hindi pa natanggap si Agatha dito, tatanggapin niya na ang alok ni Trisha.

"Puwede mo naman akong hindi samahan," aniya kay Reeve. "Mas kailangan ka sa work o kaya sa ospital."

"I got people to do work on my behalf. Mama's taking care of Papa."

She sighed and hugged herself. "I'm going to play the piece that I've composed." She fixed and refined some notes.

"That's a great piece," he complimented. "Do you have a title for it, already?"

Tumango siya. 

"What is it?"

Nginitian niya ito. "Aphiami."

Napakunot-noo ito. "Which means?"

Nginitian niya lang ito. Nang tinawag ang pangalan niya ay humarap siya kay Reeve. She tiptoed and kissed him on the cheek.

Napakurap ito at nakamata lang sa kanya. Tumalikod siya at lumapit na sa piano.

"You're going to play your own composition?" the panel asked her.

"Yes, Sir."

"Aphiami? What does it mean?"

Sumulyap siya kay Reeve na nakaupo sa likod. Tila iniisip pa rin nito ang iniwan niyang halik sa pisngi nito.

"To forgive," sagot niya sa panel. "To forgive a person like he never sinned before."

She saw Reeve straightened in his seat. Umupo naman siya sa harap ng piano at nagsimula nang tumugtog. Agatha played like she always does...

To be able to do something real, you have to do things with your heart in it. To produce some thing that others soul can connect to, you must put love in it.

Love is a universal language that every people can understand. And what is love if we can't forgive? Tama ang Mommy niya, hindi siguro talaga nawala ang pag-ibig niya para sa asawa.

At ngayon, handa na siyang patawarin—

Nasa gitna nang pagtugtog si Agatha nang bigla siyang napahinto. Kusang tumigil ang mga kamay niya at napapikit siya nang mariin.

Nasapo niya ang ulo at nawalan ng balanse.

"Agatha!" Reeve ran towards her.

"Alam mo, dapat 'yong katulad mo, mamatay na lang. Sobrang bait mo kasi, nakakainis. Wala kang puwang sa mundong 'to na... oh, reality check, puro makasarili. Sa heaven ka na lang siguro. Talon!"

"Agatha, talon!" Celina commanded. "Kapag tumalon ka, itatapon namin 'tong mga baril para sure na wala kaming mapapatay dito. At maliligtas 'tong mga kasama mong hindi ka man lang mapagtanggol?"

"C-Celina, please... I have children w-waiting for me..." hagulgol niya. "N-Nangako akong babalikan sila..."

"Wala akong pake. Talon!"

Napasigaw si Agatha nang itulak siya nito palabas ng bintana.

Agatha screamed and cried. May mga bisig na pumulupot sa kanya.

"Sweetheart..."

"Celina! She tried to kill me!" she screamed. Hilam ng luha ang mga mata ni Agatha. Kumapit siya sa bisig n Reeve. "Ang inaalagaan ko sa Iddu noon, she almost killed me! Reeve, she pushed me out of the window!"

"W-What?"

"It's not an accident! She almost killed me! Gusto niya 'kong patayin, Reeve! Siya ang may kasalanan kung bakit ako nahulog sa bus at bangin!" she cried, hysterically. "Tumakas siya! Tumakas siya sa Iddu!"

"Agatha, I know where she is," sabi nito, tila nag-aalalangan pa.

Napasinghap siya. Anger shaped fully inside her. "She got to pay for what he had done! She should rot in jail! She should die there!"

Niyakap siya ng asawa. Agatha kept on crying and screaming. Magbabayad ang babaeng iyon! Magbabayad si Celina! Ipapakulong niya ito at doon na ito mamamatay!

Hindi na niya alam kung anong mga sumunod na nangyari. Agatha woke up the next day. Sabi ni Reeve ay may kailangan silang puntahan.

She felt so... empty. Dead with anger.

"What are we doing here?" nagtataka niyang tanong kay Reeve nang nasa harap sila ng main headquarters ng NBI.

Hinawakan nito ang kamay niya. "I know it's not a perfect time, but you already remembered what happened. Gusto kang makausap ni Celina."

"She's in there?!" nanggagalaiti niyang tanong. Her anger was too intense her heart ached. Naiiyak siya sa sobrang galit nanararamdaman sa buo niyang pagkatao.

"The NBI kept her in a safe house in Iddu for almost four months now. Parte siya ng isang robbing syndicate. And she'll only talk if she'll be able to speak with you—Agatha!"

Agad siyang bumaba ng pinto ng sasakyan. Sumunod sa kanya si Reeve at nakapasok agad sila sa loob ng headquarters. Tila inaabangan sila dahil may apat na lalaking agad na nagdala sa kanila kung saan muli niyang nakaharap ang babaeng inaalagaan niya ng ilang buwan... ngunit ito rin pala ang babaeng sinubukan siyang patayin.

"Agatha..." Napatayo si Celina nang makita siya.

She slapped her hard, two times. Celina whimpered in pain.

"Agatha, no!" pigil sa kanya ni Reeve.

Nagpumiglas siya nang malakas at hinila ang mahabang buhok ni Celina. Napasigaw ito sa sakit at napahagulgol.

"Patawarin mo 'ko. Patawaring mo 'ko!" iyak nito.

Agatha cried and kept on slapping and pulling her hair. Ilang beses siyang pinigilan ni Reeve. Pinulupot nito ang braso sa baywang niya at malakas siyang binuhat palayo kay Celina.

"Agatha, stop it!"

"Celina!"

Napahinto siya nang makita si Niel na pumasok sa loob ng kuwarto at dinaluhan si Celina.

"N-Niel?" Napatingin siya kay Reeve. "What's happening?"

Napakunot-noo rin ito at napatingin kay Niel. "Bakit kasama ka dito?"

But Niel ignored them. Inalalayan nito si Celina na namumula na magkabilng pisngi dahil sa pagsampal niya at gulo-gulo na ang buhok dahil sa pagsabunot niya.

Kahit naguguluhan pa rin kung bakit nandoon si Niel ay sumabog pa rin ang galit ni Agatha.

"Ipapakulong kita! You tried to kill me! Nagmamakaawa ako sa'yo noon para sa mga anak ko pero gusto mo pa rin akong mahulog sa bus, sa bangin! You took me away from my children! You're going to hell, Celina!" umiiyak niyang sigaw. Nasasaktan, napopoot nang labis.

"You'll rot in jail! Doon ka mamamatay! Sisiguraduhin kong maghihirap ka doon!" Agatha can't control the words coming out from her mouth.

"Hindi puwede," biglang singit ni Niel, nakatingin nang diretso sa mga mata niya. Nagsusumamo. "Buntis siya!"

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Seguir leyendo

También te gustarán

705K 10.9K 33
Almost Perfect Series I Perfect ang family. Perfect ang set of friends. Perfect ang lovelife.What more can I ask for? Just when I thought na perfect...
2.7K 192 18
Unedited Kristine Mikhaela Abel is a woman who believes in true love, one day she thinks of the man in her dream she does not know who it is and wh...
3.4K 378 7
Eugene Scott 07/08/2023 - 07/25/2023
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...