The AIR i Breathe

By walangmagawa1210

1.1M 27.8K 1.7K

Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer sk... More

the air i breathe
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 Part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 10 part 3
Chapter 11
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13
chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20
Chapter 21
Epilogue

Chapter 9

37.2K 903 54
By walangmagawa1210

Date uploaded : 08.11.14

Chapter 9

Air

"Maybe you should try some other things for a while."

May inilapag si Manager na makapal na folder sa table.

"Why should I?"

She looked at me with concerned eyes. Medyo naiinis na rin ako sa mga nangyayari at hindi masyadong maganda ang timpla ko ngayon.

Napabuntong-hininga si Manager.

"I know you're getting frustrated. Hindi rin namin alam kung anong kulang, kaya hindi namin ito ma-pinpoint sa yo. Pero parang walang spark yung mga recording. I don't know. The songs are awesome as well as the arrangements... pero..."

"... walang dating... patay.... I know what you mean." Ako na ang nagdugtong sa sinasabi nya.

Napabuntong hinianga ako. Pauli-ulit kong pinakikinggan yung mga kantang nairecord, tama si Manager, magaganda naman ang kanta at mga areglo nito, pero may kulang. And I can't put my finger into it! I don't know what's wrong! At mas lalo lang akong na-fu-frustrate!

"Maybe you can take a break from the recording for a while, try some other things, get some inspiration or something. You know what I mean. Baka iyon ang kulang sa yo, INSPIRATION." Umupo si manager sa katabi kong upuan.

"I don't know what happened between you and Madz, but if it is affecting you this much, don't you think that you have to patch things up with her?"

Natawa na lang ako sa sinabi nya at parang medyo nainis sya.

"Did I say something wrong? Concern lang naman ako sa 'yo. Masyado ka nang naaapektohan. I mean, look at you? You're not yourself anymore, pati career mo naaapektohan na rin."

She looks like a mother concerned about her child. Kahit na strict itong si manager, she has always been like a mother to me without vested interest.

"It's not Madz." Hinarap ko si manager. " i just want to ask something. Gaano mo ka kamahal si Tito Francis?" I'm referring to his husband. Si manager at ang asawa nya ang isa sa mga couple na hinangaan ko. Nakita kong totoo ang pagmamahalan nila sa isa't-isa. Sabi ko nga dati na hindi makatotoohanan ang ganong klaseng pag-ibig. It's very rare and I envied them.

"So much that I can sacrifice everything just for him."

Natahimik ako sandali.

"What is this all about?"

"I found her."

"Who's who?"

"The girl of my dreams. Ang akala ko lokohan lang yang true love na yan. Pero.. I don't know... hindi ko ma-explain. Whenever I think about it, I always ran out of words! "

Umiling-iling si manager.

"Tsk. Tsk. Tsk. Tsk. Delikado." May halong pagbibiro ang boses nya. " mukhang tinamaan ka na.. ng HIMALA!"

Biglang nagtatatawa ito.. and I'm not amused!

"Who would ever know, that the biggest player in town would someday fall in love?!"

"Imposible ba yon?"

Napangiti na lang sya.

"Ok, so who's the lucky girl? Anyone I know."

"Hindi mo sya kilala. I barely know her either. Pero may problema e. Hindi ko alam kung nasaan sya. Wala akong contact sa kanya. The only things that I have is her contact number pero sinira ni M adz yung cellphone ko at hindi na na-retrieve ang mga data nito. Pinahanap ko na sya sa mga social networking sites. Nothing. Problema kasi, hindi ko alam ang last name nya. All I know is her name. Kyle.... Ni hindi ko nga rin alam kung nickname lang yon. "

Napailing sya.

"You got it reaaaallllyyyy bad."

"Tell me about it. I've entrusted everything to fate. " Tinignan ko si Manager. " Nagkamali ba ako? Should I have taken matters into my own hands? Should, I have followed her? "

Sandli syang nag-isip.

"Well, I think... kung kayo talaga ang itinadhana. I'm 100% sure na magkikita kayo ulit. Pero warning lang. When you already found her, don't waste it. Don't mess around."

Tumango na lang ako at tumayo na si Manager.

"Ok.. sige,, hindi naman pwedeng huminto ang mundo nang dahil sa hindi mo pa nakikita ang prinsesa ng buhay mo. Pull yourself together. Mag-concentrate ka sa trabaho mo. Maraming umaasa sa yo, yung mga kabanda mo, mga fans mo. "

"I'm doing my best..."

"Well, you have to do better. " Tinuro nya yung folder. " Gawin mo muna ito, Para maiba-iba naman. Baka sakaling mainspire ka. Maganda ang istorya nyan. Nabasa ko na at bagay na bagay sa 'yo ang role. "

"Hindi ako artista, singer ako."

"But you're a natural. Yung one time na lumabas ka sa isang TV special, kahit yung maikling role mo lang ay tumatak na sa publiko. Kaya nga ikaw ang gusto ng producer at direktor para sa role na yan. Ang tagal na ngang naka-pending nyang project na yan, dahil ikaw ang first priority nila at wala pa silang nahahanap na iba."

Sumandal ako sa upuan.

"I don't know."

"Hindi ka magsisisi sa project na yan, baka nga mas lalo ka pang sumikat! Base sa best selling novel yan. Maraming followers ang writer at lahat ng naisapelikulang nobela nya ay pumapatok palagi sa takilya."

Binuksan ko yung folder na nasa harapan ko.

'Half Crazy' yung title ng movie.

Natawa ako.

"Mukha ngang bagay sa kin itong movie na ito. Ngayon pa lang nakaka-relate na ako."

Natawa din si Manager.

"Oo nga ano. Tamang-tama nga sa 'yo yan. So ano? Payag ka na? para matawagan ko na yung producer."

Wala nama sigurong mawawala sa akin.

"Ok,, just to take my mind off Kyle. Go!"

Kyle

Naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko na nasa side table ko. Tinignan ko ang relo ko, it's only 6:00 am. You have got to be kidding me! Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ang caller id.

Anong problema ni Ate Jazzy?

Well, sorry na lang sya at wala pa ako sa mood makipag kulitan ngayon. Tinapos ko yung isang nobela ko at halos mag-aalas kwatro na ako nakatulog. Pinatay ko yung cellphone para hindi na sya makapang-istorbo. Kumuha ako ng unan para takpan ang mukha ko.

Ilang minuto lang ay biglang bumukas ang pinto ko at biglang nagulo ang mundo ko! Niyugyog-yupyog ako ni Ate Ja.

"My gosh naman Ate Ja! Ano bang problema mo! " Pero kahit na nagpo-protesta ako ay hindi pa rin sya tumitigil sa pag-yug-yog sa akin!

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabangon dyan!"

"haaaaiiiiiissssstttttt! Ang sakit naman sa ulo nyang pinag-gagagawa mo? Ano bang tinira mo at ang aga-aga ang hyper mo at dinadamay mo pa ako!"

Humiga sya sa tabi ko.

"Eh kasi naman e. Ang kulit nung producer at direktor ng imagine films. Alam mo ba na ilang araw na ako kinukulit ng mga yon para lang umatend ka ng story conference. Sabi ko nga na ako ang representative mo.. AYAW BA NAMAN PUMAYAG! Ayaw nila sa beauty ko!"

I chuckled.

"Baka kasi hindi ka pa nila nakikita kaya ayaw nila sa beauty mo. Magpakita ka na lang muna, baka ikaw pa ang gawing leading lady."

"Manigas sila! Tinatanggihan nila ang presensya ko.. Pwes! Kahit lumuhod pa sila kapag nakita nila ang kagandahan ko.. SORRY NA LANG SILA!"

Tuluyan na akong natawa sa kanya. "Ikaw talaga, ang sensitive mo naman e. Ilang producers na ba ang nalusutan mo ng ganyan? Producer din yan, kayang kaya mo yan. Saka isa pa, alam naman ng publisher ko na never akong nagpapakita sa mga ganyan. I-divert mo na lang sa kanila ang mga calls."

"Ang problema nga, iyang publisher mo, kasama ding nangungulit! Alam mo ba na pinagtutulung-tulungan nila ako! HHHHAAAAAIIIISSSTTT! "

Ilang beses din ngang nag-p-pm sila sa kin na gusto na nila akong ma-meet in person. Ini-ignore ko lang. Maliwanag naman kasi ang usapan namin na no appearing act ako, representatives ko lang ang mga pupunta sa office. Mag-susubmit lang ako via email ng mga manuscripts and other requirements. Anong meron at gusto na nila akong makita?

"Basta, sabihin mo sa kanila na hindi ako pwede."

"Nako! Lahat na ng dahilan sinabi ko, sinabi ko na nga rin na nuknukan ka ng pangit kaya ayaw mong magpakita sa kanila. Sinabi ko na rin na naghihiwagang bading ka at hindi ka pwedeng istorbohin at baka maging syokoy ka na!"

Pinalo ko sya ng unan. "Ano ba namang klaseng palusot yan! Napaka-out of this world naman ng mga pinagsasasabi mo! Ang wirdo mo!"

Bumangon sya at nag-indian sit.

"Cuz... Just this once, kahit ngayon lang. Pwede mo bang pagbigyan ang nangungulit na yan? Gusto ko namang magka-peace of mind! Gi ugulo nila ang mundo ko at hindi nila ako tinatantanan!"

"Bakit ba all of a sudden ay nire-request nila ang presence ko? Alam na alam naman ni Mr. Gonzales na hindi ako pwedeng magpakita? "

"Masyado kasi silang excited sa project. They are going to make this big, mas lalo na at napapayag nilang gumanap ang yung isa sa pinaka-sikat na celebrity para mag-lead."

"A talaga? Sino?"

"Ayaw pa i-reveal. Sa story conference daw nila ipapakilala ang isa't isa. Including you."

"Hindi naman ako cast. Writer lang ako. So why bother? Nasa kanila na yung story, bakit kailnagn ko pang pumunta don?"

"Gusto daw nila kasi na ang writer mismo ang magkwento sa cast ng story para ma-catch daw nila ang emosyon na gusto mong iparating. Something to that kind of epek. Saka isa pa, gustong gusto ka na talagang makita ng producer mo. Kahit na mukha ka pa daw impakta ay carry daw nya yon!!! Hahahah!"

"IMPAKTA MO MUKHA MO! Nag-iimbento ka na naman a! "

"Promise! Sinabi nya yon."

"Ayan! Sige! Kung ano anong pinagsasasabi mo, kaya ang pangit siguro ng napi-picture nilang itsura ko!"

"Hahahaha! Ok lang yon. Maganda nga yon e, para ma-surprise sila na kabaligtaran pala ang itusra mo sa sinasabi ko. "

Guimik talaga nitong pinsan ko, kakaiba din! Sabog lang talaga kung minsan.

"Anong oras ba yon?"

"Ayan!!! Pumapayag na!! 10am." Tumingin sya sa relo nya. "May oras ka pang magtanggal ng mga libag mo! "

Pasaway talaga to kahit kelan!

"Basta ngayon lang yan a. Hindi na pwedeng maulit yan. Pero wait lang.. Anong sasabihin natin sa mommy at daddy ko?"

"Pumasok ka na lang sa banyo. I'll think of something." Ibinangon nya ako pero napatigil sya.

"Cuz.. May pasa ka na naman?" She looks at me with concern in her eyes. Tinuro nya yung binti ko. Pati na rin yung braso ko.

"Wala yan. sige, maliligo na ako. Mag-isip ka ng magandang palusot a!"

Tumakbo ako sa banyo at ni-lock ang pinto. Tinignan ko yung tinutukoy ni Ate Ja, ang laki nga ng pasa sa may binti ko. Pero yung sa braso, maliit lang, kayang takpan ng concealer.

Actually, kinakabahan na ako sa mga pasang yan. Napapadalas na rin kasi. SHould I tell my mom? Kaso, kung malalaman nya, mapaparanoid na naman yon!

Saka na nga lang.

***

"Yes, she's with me. Paakyat na po kami. Sorry we're terribly late. Muntik na kasing hindi payagan. Masyadong strict ang parents nya. ok po... "

Nasa elevator na kami paakyat sa 21st floor kung saan nagaganap yung meeting. We're already an hour and a half late. Muntik na kasi talagang hindi kami payagang umalis ni Ate Ja. Ang pangit naman kasi ng naisip na excuse ! Sasamahan ko daw syang mag-apply! Hello! Is that the best excuse that she can think of? HIndi talaga papayag si Mother dear. Mabuti na lang at kinampihan kami ni Daddy, masyado na daw akong nabuburo sa bahay at hindi ako lumalabas ng kwarto ever since noong grumaduate ako, and it's also not healthy daw.

"Ano ba talagang gagawin natin don?"

"Mag-kukwento ka lang.. tapos! Gusto lang nilang makita yung writer's point of view."

"May libro naman kasi e... hindi ba sapat yon?"

"Gusto nga nilang ma-catch yung views mo! ANG DAMI NAMANG REKLAMO! NANDITO KA NA NGA E, ang dami pang satsat!

"Temper.. temper. Ang init ng ulo mo."

"Saka gustong-gusto ka na talaga nilang ma-meet, na kahit 3 hours kang late, ok lang! "

"Sabagay, gusto ko na ding makilala in person si Mr. Gonzales. Napakabait nya and considerate. Ngayon lang nga naman sya nagpilit na makita ako."

"Mabait talaga yon, namimigay pa ng libro kapag napadpad ako sa office nila."

"Hindi ko alam yon a! May free books ka pala?! Hindi ka man lang nag-share!"

"Ok lang yon! Hahahaha!"

Nakarating na kami sa 21st floor at paglabas namin ng elevator ay to amaan ako ng kaba.

"Ate Ja, hindi ko ata carry to a.. Back-out na ko!"

"Hoist! Ano ka!" Hinawakan nya yung tenga ko para hindi ako makatakbo.

"Ano ba!!! Hindi ako batang paslit a! Let go!"

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga empleyado dahil sa ginagawa ni ate ja.

"Pakakawalan kita, basta wag kang tatakbo."

"Oo na, behave na ako."

May lumapit sa amin na babae at nagpakilalang secretary ng imaginep films.

"They're expecting you Ms. Breathe, they're already inside the conference room and the meeting is in full swing. Pero sabi ni Mr. gonzales na gusto ka daw muna nyang makausap."

She led us inside one of the offices.

"Make yourselves comfortable, tatawagin ko lang si Mr. Gonzales."

Pagkasarado ng pinto ay pinandilatan ako ni Ate Ja.

"Umayos ka a! "

"Naman!"

Air

This is boring. Halos dalawang oras na kami nag-uusap usap. Parang paikot-ikot lang ang sinasabi nila. May iniintay pa daw? Yung writer?!

Wow! Whoever she is, she is very unprofessional. Number one rule sa showbiz is, always be on time. Sinasayang nya ang oras ng bawat isa.

"Kapag hindi pa sumulpot ang writer na yan within 5 minutes, I'm gonna walk out." Bulong ko kay manager Leanne. Marami pa akong gustong gawin. I'm gonna rearrange some of my songs and record it by the end of the day, and is stupid meeting is eating my time!

"Ok sige, kapag hindi pa din sya sumipot, aalis na tayo. Pwede mo naman basahin yung script. But for now, stay put ka lang dyan and try to acquaint yourself with your co-stars. Si Ally, parang kanina ka pa nya gustong i-engage sa conversation."

"No thanks, I'm not into it. I can get to know her better when the filming starts. "

Mahinang tumawa si Manager.

"Naninibago talaga ako sa 'yo. Parang hindi ako sanay sa bagong image mo. Parang hindi ako makapaniwalang iniignore mo lang ang isang napakagandang babae. Dati, walang pang 5 minutes mong kakilala, napapayag mo nang mag-date!"

"What can I say, I'm a changed man. And besides, she's not my type."

"Really? Parang dati, lahat type mo."

"Well, let's just say na, wala syang sinabi kay Kyle."

"Exage na yan. Hindi na ako naniniwala dyan. She's recently crowned as the most beautiful celebrity of the year. "

I shrugged. Sure, Ally's really gorgeous, pero mas magand apara sa akin ang mala diwatang mukha ni Kyle.

Kanina pa nga inaagaw ang atensyon ko ng leading lady ko. I don't know if I'm not in the mood or I'm really not interested. But I don't want to be rude. Kaya ine-entertain ko na din.

Tinignan ko ang relo ko at tumayo na ako.

"5 minutes up. I'm out of here."

"Wait!" Sabi ni manager. "Another 5 minutes. "

"Nandyan na sya. Nasa kabilang kwarto lang. " sabi ng producer.

"We've been waiting for almost 2 hours. This meeting should have been done an hour ago. Madami ng nasayang na oras ko. Sorry, my time here is up. I've got other jobs to do."

Hindi na rin ako pinigilan ni manager despite the protest of the director and producer. Kasunod ko na din syang naglakad palabas ng pinto.

Pagbukas ko ng pinto, I got the shock of my life!

"KYLE!"

"AIR!"

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 59.6K 33
Jerome Hernandez is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, in...
4.8K 486 15
My name is Simon. I am living in a life that probably everyone will say a sinful. But come on, who will judge me? You? Pathetic. I don't believe in H...
4.3M 76.9K 35
Warren experienced his most unforgettable frustration in the hands of his first love, Lena. The unbearable pain pushed him to change himself to becom...
49.4K 1.2K 37
Britany Madrigal was surprised when she discover that she'll be marrying the man she love--Landon Parker. But then, shits happen. The next thing she...