The Unwanted Wife (Unwanted D...

By Aimeesshh25

1M 14.7K 1.4K

Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lah... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

THE UNWANTED WIFE

55.2K 478 38
By Aimeesshh25

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person's, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime.

According to the Merriam-Webster online dictionary, to "plagiarize" means:

•to steal and pass off (the ideas or words of another) as one's own.

•to use (another's production) without crediting the source.

•to commit literary theft.

•to present as new and original an idea or product derived from an existing source


No parts of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any forms or by any means without the prior permission of the author.


This story is not perfect, it contains of many grammatical errors and typos. My characters are not perfect so am I.


©All Rights Reserved. 2018. Aimeessh25.


Written by:
Aimeesshh25.


Photo not mine, credits to the rightful owner.

______

THE UNWANTED WIFE (DUOLOGY #1)

                               SIMULA

Sabi nila, ang kasal ang isa sa pinakamahalaga sa lahat bago kayo matatawag na isang mag-asawa. Ito ay isang banal na gawain na kailanman ay hindi na matatakasan.

Noong bata pa ako, isa ito sa mga pangarap ko. Naisip ko pa nga na kahit hindi na ako yumaman, basta maikasal lamang sa tunay na tinitibok ng puso ko. Ang korni diba? Well, iyon ang pananaw ko.

Pero bakit may mga naghihiwalay pa rin? Kung ang kasal ang siyang magsisilbing tali sa inyong dalawa, bakit tila may nakakawala pa rin?

Ano nga ba ang dahilan?

Sa kalagayan ko, maraming dahilan.

Isa na rito ang hindi namin pagkakapareho ng nararamdaman.

Bakit ba kasi hindi na lang niya ako gustuhin? Maganda naman ako--no..hindi lang maganda, diyosa ako sabi ni Mama.

Kaya ang tanong ko, bakit?

Nang sandaling buksan ang tarangkahan sa malaking simbahan ay agad na gumuhit sa mga labi ko ang isang ngiti. Hindi ito peke, kasi totoo naman talaga na masaya ako.

Sumalubong ang mukha ng photographer na nakakunot ang noo. Napairap ako ng mga mata, bakit ba siya ang una kong nakita? Nakakainis naman.

Ngunit hindi noon natinag ang maganda kong ngiti. Masaya ako. Sobra. Palagay ko nga ay maaari na akong humimlay matapos ang seremonyang ito.

Wala akong sakit ah. Sadyang masaya lang.

Hays, sino ba naman ang hindi sasaya? Ikakasal ako sa kaniya. Sa lalaking pinapangarap ko.

Bigla akong napatingin sa paligid. Lahat sila iisa laang ang pinaparating. Nahihibang na ba raw ako?

Umiwas ako ng tingin.

Ilang minuto pa ay nasa harap na niya ako. Nakangiti ito sa akin ngunit hindi niya ako maloloko. Kilalang-kilala ko na siya. Hindi talaga siya masaya.

But I don't care. I will be his wife soon, wala nang makakapigil sa amin.

Teka, bakit tunog kontrabida naman ako?

Ilang saglit pa ay natapos na ang mga sinasabi ng pari na hindi ko naman masyadong naintindihan basta sumagot lang ako ng I do at kung anu-ano pa ang mga pinasabi sa amin. Kinabahan nga ako nung siya na ang tinatanong eh, pahirapan pa bago siya sumagot, buti na lang hindi ako iniwan nito.

Ito na nga ang hinihintay ko.

"I now pronounce you..husband and wife. You may now kiss the bride." Nakangiting wika ni Father. Lumawak ang ngiti ko. Thanks Father.

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya, agad niyang hinawi ang nakatabing sa aking mukha. Napasimangot ako, ni wala man lang gentleness? Ah siguro excited lang siya.

Nagsimula na ngang lumapit ang mukha niya sa akin. Kalma, Erin. Halik lang 'yan. Wala namang malisya 'yan sa'yo? Sus, si Red lang 'yan, ano ka ba.

Pinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang paglapat ng labi niya.

I really waited for years for this damn kiss, kaya bilisan mo, ilapat mo na!

Ngunit naramdaman ko na lang ang mainit na labi niya sa aking pisngi.

Iminulat ko ang aking mga mata nang magpalakpakan ang mga tao sa paligid at agad kaming binati. Mabilis siyang lumayo sa akin na parang diring-diri.

Nasaktan ako roon ngunit hindi ko pinahalata. Alam kong simula pa lang ito ng mas malalang kuwento.

Napatingin ako sa buwan. Hinaplos ko ang mga braso nang humalik sa akin ang hangin.

Buti pa ang hangin, nahahalikan ako..eh siya kaya? When?

Akala ko magiging madali na para sa kaniya ang mahalin ako kapag nagpakasal kami pero parang hindi iyon umaayon sa gusto ko.

Mahirap talagang magsumiksik sa isang taong hindi pa tapos sa nakaraan niya.

Bumuhos ang luha sa pisngi ko.

Hindi ito luha ng kalagakan.

Isa itong luha ng kalungkutan.

Kung sana hinayaan ko na lang ang damdamin ko, hindi sana ako masasaktan ng ganito.

Pero umaasa ako, na sana dumating ang araw na makikita niya na ako bilang ako, na hahagkan niya ako, hindi dahil inutos sa kaniya, na yayakapin niya na ako, hindi dahil nagpapanggap kami, kundi dahil iyon ang tunay na nararamdaman niya.

I am still waiting for that time, Red. Sana dumating ang araw na iyon.

Pangako, hihintayin pa rin kita.

Maghihintay lang ako hanggang sa makita mo na ako.

Pero bakit ba ako umiiyak? Seriously sa labas pa ng bahay? Puwede naman pumasok sa loob, Erin diba?

Pinunasan ko ang mga luha nang marinig ang tunog ng sasakyan niya.

Muli akong tumingin sa itaas bago nginitian iyon.

The tables will turn and you will love me more than you'll know, Anderson.



____

WARNING! BASAHIN MUNA ITO, PARA SURE, OKAY? AYOKO NANG MAGPALIWANAG NG PAULIT-ULIT.

This is not your typical unwanted wife okay? 'Yong sasaktan ni boy si girl ng pisikal tapos si girl hahayaan lang? Gusto ko sana ng ganoon pero iba ang sinulat ko hahaha para maiba naman.

May pagkabaliw ang bidang babae rito at madaldal, marami siyang keme, may mga murahan tapos may pagkajeje kasi 2018 pa 'to, hindi naman ako nainform na marami na pala ang ayaw sa ganoon.. kaya please!! Ako na nakikiusap, kung hindi niyo type ang ganito. Huwag niyo nang basahin at baka mainis lang kayo sa kadaldalan niya. Nagkakaintindihan naman tayo ano? Okie.

Marami itong mga pov's kasi nga 2018 ko pa ito sinulat. Ito rin ang kauna-unahang story na ginawa ko kaya ganito talaga 'to, kaya nakikiusap ako, kung ayaw niyo ng ganitong style, h'wag niyo nang basahin.

May ch3ating 'to kaya sige na huwag mo na basahin. Para hindi ka mastress, ayaw mo non? Sige na, hanap ka na ng ibang story.

THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS!

Some chapters contains matured scenes that are not suitable for young audiences, please read at your own risk.

HUWAG MO NA BASAHIN HA? ALISIN MO NA 'TO SA LIBRARY MO HMP. 😾

Hala ang kulit niya talaga oh? Isscroll pa talaga iyan..ay talaga naman. Ay babasahin talaga oh?

Bahala ka ha, basta sinabihan kita😉

Continue Reading

You'll Also Like

45.1K 3K 9
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
64K 37 47
R18