An Open Letter to My Ex ✔

Autorstwa quosmelito

10.5K 505 48

Sometimes we spend our lifetime looking for love in a different place, and tend to overlook the right one in... Więcej

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five - Epilogue

Ten

320 20 1
Autorstwa quosmelito

***Markus' POV***

"Hah! Finally!" Makakapagpahinga na rin ako. I think kompleto naman na ang mga kailangang damit ni mommy. Kung may kulang man ay malamang na sa ibang araw naman siya mamili.

"Oh wait!" Pumasok si mommy sa nadaanan naming botique.

"Mum?" Napapabuntong hininga na lang akong sumunod at naupo sa maliit na couch. Ibinaba ko sa tabi ang paper bags na bitbit ko.

"Kalen, come here baby." Tawag ni mommy kay Kalen na agad namang lumapit. "You think bagay sa akin 'to?"

Ano bang meron sa mga babae? Bawat botique ay pinasok ni mommy. At sobrang tagal niyang pumili. Halos lahat ata ng nakadisplay ay naisukat niya.

And man, parang isang buwan na akong sunod nang sunod sa kanila ni Kalen. Pakiramdam ko nga ay nagwoworkout ako dahil nasa sampung bag na ata ang bitbit ko pero sa nakikita ko ngayon ay parang hindi pa nasisiyahan si mommy sa pamimili.

Sumandal ako sa couch at sinamantala ang ilang minutong pagsusukat ni mommy para makapahinga.

Mayamaya lang ay nakita ko nang nagbabayad si Mommy. Himala, usually ay halos kalahating oras siya bago makapamili.

"Let's go somewhere to eat, boys."

Ayoko nang magsabi ng "finally" dahil baka maunsyami na naman ang pag-alis namin sa nakakapagod na pagsha-shopping na ito.

Tumayo ako saka dinampot ang bags.

"Akin na yung iba." Alok ni Kalen. Napangiti ako dahil kanina pa siya tingin nang tingin sa akin at ilang beses na siyang nag-alok ng tulong.

"I can handle these. Anong gusto niyong kain, Kal, Mom?"

"I'm craving for seafoods, what about you honey?" Tanong ni Mommy kay Kalen.

"Seafood sounds good." Nakangiti niyang sagot.

"Seafood it is. Let's go."

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas kami ng mall na hindi na muling lumiko si mommy sa mga display ng damit.

Matapos kong mailagay sa back compartment ng kotse ang mga pinamili namin, o ni mommy, ay nag-drive na kami palayo para humanap ng seafood restaurant.

"So, tell me Markus. When will you settle down? You're not getting any younger."

Napatingin ako saglit sa rearview mirror na nakakunot ang noo.

"Mom. I'm only twenty eight. Bata pa ako."

"Twenty eight is not that young. Saka gusto ko nang may maipakilala ka sa akin."

Tinapunan ko ng maikling sulyap si Kalen. And I saw something in his eyes na hindi ko maipaliwanag dahil agad din iyong nawala.

Muli kong tiningnan si mommy sa salamin na parang sinasabi ng mga mata kong "really?"

Alam naman niya na si Kalen ang gusto ko. Why is she asking these things? Settle down? May ipakilala ako sa kanya? What is she trying to do?

"Bakit hindi si Kuya ang kausapin mo, mom? Mas matanda siya sa akin. Siya ang dapat mas maunang magpakasal."

"I already did. At kilala mo ang kuya mo. He's not the type na gusto ng commitment. Chelsea has already settled down. Kaya ikaw na lang ang iniintay ko."

Tahimik lang si Kalen and for the first in a long time ay ngayon ko lang hindi mabasa ang iniisip niya.

He smiles here and there pero hindi iyon genuine. And I hate it.

-------------------------------------------

"Are you sure, mom, na ayaw mo talaga sa condo ko mag-stay?"

Ibinaba ko sa couch ang shopping bags saka naupo sa tabi niyon. Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng suite. Maganda naman ang hotel. Well, it's a five-star hotel anyway.

Naupo si Mommy sa pang isahan ng couch habang si Kalen ay pumwesto sa bean bag. Sumandal si Mommy na tila pagod na pagod. Parang mas pagod pa siya kaysa sa akin na ilang oras may bitbit ng napakaraming bags.

I'm not complaining though. Minsan lang sa isang taon siya bumisita and I'm more than willing na pagsilbihan siya.

"Of course. Ayaw king makaistorbo sa iyo if ever if you bring someone in your place."

"Mom." Makahulugan kong tawag sa kanya. "I don't bring anyone in my place. Anyway, pwede naman akong mag-stay sa unit ni Kal kung ayaw mo nang may kasama sa condo ko."

"Really?" Bumaling siya kay Kalen at matamis na ngumiti. My mom is weird. "Are you okay with that honey?"

"Okay lang, Mommy. Maluwang naman po ang place ko. Kasya kami ni Markus doon."

"Alright. It's settled then. Bukas ay lilipat na ako  ro'n." May kinang sa mga matang sabi ni Mommy.

Of course, kailan ba tumanggi si Kalen kay Mommy? Never. At isa iyon sa mga gusto ko kay Kalen. He never wants to disappoint or offend my mother in any possible way. Actually, he never offends anybody. Nature na niya na i-please ang ibang tao specially my family, and it makes want to treasure him dahil sa ugali niyang iyon.

"Ahm, mom, can you show me your room? Gusto ko lang malaman kung komportable ka." Lame. Of course, komportable siya. Living room pa lang ng suite na ito ay nangungusap na ng salapi. Paano pa ang kwarto, right?

Pero iyon lang ang naisip kong nang mga oras na ito para masolo ko si Mommy. Mukhang nakuha naman ni mommy ang gusto kong ipahiwatig.

"Ahm, Kalen honey, pwede ka bang magprepare ng maiinom natin? Feeling ata ng baby ko ay maliligaw siya sa maliit na suite na ito." Sinamahan pa iyon ng tawa ni Mommy.

"Sure."

Tinungo ni Kalen ang kitchen habang kami ni Mommy ay pumasok sa kwarto niya.

"I know what you're doing, mom." Bungad ko nang maisara ko ang pinto.

"What? I'm not doing anything." Pabalewala niyang sagot saka naupo sa gilid ng kama. Kumuha siya ng isang pilas ng facial wipes saka sinumulang alisin ang make up.

"Don't play innocent mom. Bakit pinipilit mo akong makipagdate, alam mo namang si Kalen ang gusto ko. At sinabi mo pa iyon sa harap niya."

Tinirik niya ang mga mata saka nagpatuloy sa paglilinis ng mukha.

"Exactly. Gusto mo si Kalen and you're not stepping up your game. Someone has to do something about it."

"What? You mean..?"

"Yes. I'm playing cupid. Exciting right?"

"But he has a boyfriend, mom."

Muling niyang itinirik ang mga mata saka ibinaba ang hawak na salamin sa kandungan niya bago tumingin sa akin.

"Kung sino man ang boyfriend niya ay hindi ako boto. Beatrice entrusted his only son to you. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi ako kasali sa mga dapat pumrotekta kay Kalen. He's like my youngest son,  and I want and know what's best for him." Ngumiti siya. This time ay hindi iyon playful. Ngiti iyon ng isang mapagmahal na ina sa kanyang anak. "At ikaw ang the best para sa baby boy ko. So let me do my thing okay?"

Ipinagpatuloy niya ang pag aalis ng make up hanggang sa tuluyan na iyong mabura.

"Kalen seems unhappy dahil sa mga sinabi mo mom."

"Well, that's good."

"How?"

"Hay, Markus. You're really clueless when it comes to love. Kung malungkot si Kalen dahil gusto kong makipag-"date" ka sa iba. Then that's a good sign. It only means that he feels something about you. But as of now he's confused."

"What do you mean mom?"

Sa ikatlong pagkakataon ay muli niyang itinirik ang mga mata. I wonder kung hindi ba siya nahihilo sa ginagawa niya?

"Just let me handle this okay? Sa sobrang katorpehan mo walang mangyayari diyan sa nararamdaman mo. So leave it me, honey."

Magtatanong pa sana ako pero naantala iyon nang kumatok si Kalen sa pinto.

-------------------------------------------

***Kalen's POV***

Madilim na nang makauwi kami sa apartment ko. Pagpasok na pagpasok ay dumiretso ako sa kwarto at padapang ibinagsak ang katawan ko sa kama.

Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako. At hindi ito iyong klase ng pagod na pangpisikal. I don't know. I don't understand.

"Tired?"

Naramdaman ko ang paglundo ng kama at pagpulupot ng braso niya sa beywang ko.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Umayos ako ng higa saka gumanti ng yakap sa kanya.

Hmm. He still smells good kahit maghapon kami sa lakaran.

"Gusto mo ba akong umalis?" Bulong niya sa buhok ko.

Awtomatiko akong umiling saka hinigpitan ang pagkakayakap sa katawan niya.

"Then I'm staying."

Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Masay iyon sa pakiramdam. At ngayon ko lang na-realize na kaya pala parang pagod ako ay dahil sa lungkot.

Kung para saan ang kalungkutang iyon ay hindi ko alam at wala akong ideya.

"Magbihis muna tayo bago matulog." Suhestyon niya pero hindi ako kumilos.

I want to stay like this. Being wrapped around his comforting warmth and soothing scent. Para iyong lullaby na nagduduyan sa akin papahulog sa mahimbing na pagtulog.

"Kal?"

"Mmm."

"Magbihis muna  tayo."

"Mmm-hmm."

-------------------------------------------

***Markus' POV***

Ako na ang nagbihis kay Kalen nang mapansin kong mahimbing na siyang natutulog. Syempre, ang paborito niyang Spiderman pajamas ang pinili ko.

He looks like a baby habang bahagyang nakaawang ang makikipot niyang mga labi at ang mahina at malamyos niyang paghilik.

Umayos ako sa tabi niya saka hinila pataas ang kumot. Awtomatikong yumapos sa akin ang maliit niyang braso.

Gusto ko pa sanang titigan ang mukha niya ang kaso ay sumubsob na siya sa dibdib ko. Napangiti ako nang maramdaman ko ilang niya na nakadikit doon at ang mabini niyang paghinga.

Niyakap ko siya at idinantay ang isa kong hita sa beywang niya. Kung pwede lang ipasok ko siya sa katawan ko ay ginawa ko na. Ganon ko siya kagustong mapalapit sa akin kapag ganitong magkatabi kami.

Dahil pakiramdam ko ay hindi sapat na yakap ko lang siya.

Kung minsan ay gusto ko nang tawirin ang napakinipis na linya sa pagitan namin ni Kal. Pero hindi iyon tama. Gusto kong mapasaakin siya pero hindi sa paraang ako lang ang may gusto.

I have utter respect for him. Kaya mas mahalaga sa akin ang nararamdaman niya kaysa sa sarili kong damdamin. And I want to take him when he's willing. Ayokong masira ang relasyon namin nang dahil lang naging marupok ako.

Hindi ko iyon kakayanin. He's my everything.

I can't imagine how to live my life without Kalen.

----------------

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

7.1K 645 9
Toby cannot deny the irresistible attraction he felt for Augustre. Kahit pa sobrang naiinis siya sa lalake dahil wala na itong ibang ginawa kung 'di...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
5.6K 446 22
NEVER FADE [BXB|Yaoi|BL Novel] Ang tunay na pagmamahal nga ba ay nasusukat sa kung gaano kabilis o katagal ito nabuo? Sapat ba na sabihin ang mga pan...
110K 4.2K 27
He likes playing feelings while The other doesnt want to show his true feelings He's the most popular heartbreaker while The other is most popular c...