Thirteen

360 18 1
                                    

***Kalen's POV***

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit may mga oras na naiinis ako kay Markus. Dahil ba wala akong mapagbuntunan ng galit ko kay Drew?

Yeah. Kung may natitira pa akong damdamin para kay Drew ay galit na lang iyon. Like, minsan gusto ko nang pumayag sa gusto ni Markus na bugbugin si Drew. But then again, somehow, I think may pagkukulang din ako.

I believe sex is not a foundation of every relationship, pero hindi lahat ng tao ay naiintindihan iyon. Just like Drew, he 'needs' that kind of intimate body contact. At dun ako nagkulang.

I couldn't provide that need. Holding hands, hugs, and kisses, kaya ko iyon. But when it comes to sex, hindi ko alam kung bakit hindi ko siya mapagbigyan.

Isipin ko pa lang na gagawin namin iyon ay.. i don't know and I'm not sure, parang nagtataksil ako.

Pero hindi naman iyon sapat na dahilan para humanap siya ng iba, or at least 'yon ang pananaw ko. Dahil naniniwala ako na kapag mahal mo, mahihintay mo.

Does that mean na hindi talaga ako minahal ni Drew? O baka mahal niya ako pero naghanap lang siya ng makakapuno ng pangangailangan niya? I will never understand that principle.

Clearly, he didn't love me. Ni hindi man lang siya humingi ng tawad o second chance. Pero paano kung humingi siya? Will I accept him again?

I don't know.

"Anong ginagawa mo?"

Palabas ng kwarto si Markus na ngayon ay pipikit pikit na tila ina-adjust ang mga mata sa liwanag.

"Buti gising ka na, help me. Nagre-rearrange ako ng mga gamit dito sa salas para maiba naman."

Patamad siyang umupo sa sofa na ngayon ay wala sa ayos saka humugot ng isang mahabang hikab habang nakapikit.

"Tinatamad ako. Kagigising ko lang oh."

Sinimangutan ko siya saka ko inalis ang ilang photo albums sa ilalim ng glass table.

"Kung ganon, umalis ka na. Hindi ka naman pala tutulong."

"Okay." Tumayo siya saka tinungo ang pinto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko na nagtataka.

"Aalis. Sabi mo umalis na ko. Eto na."

"Hindi ko sinabing iwan mo ko!" Naiinis akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa carpet.

"Ang gulo mo naman." Tila naiinis na kinamot niya ang ulo saka bumalik sa sofa.

Napakagat ako sa pang ibaba kong labi. Alam kong nitong mga nakakaraang araw ay nagiging mainitin ang ulo ko at Markus ang sumasalo niyon.

But I can't help it. Hindi ko man gustong gawing excuse na nagmu-move on ako ay iyon lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

I need something, or someone, na.. let's say, pwede kong pagbuhusan ng frustrations ko kay Drew. And I know na mali iyon. Wala namang kasalanan si Markus. Actually, he's helping me at pinagtyatyagaan niya lahat.

I should be thanking him dahil hindi niya ako iniiwan. Hindi sa wala siyang ibang matutuluyan. Pwede siya café dahil may private room siya roon or he could check in a hotel. But no. He's here.

Now I feel guilty.

Sumalampak akong muli sa carpet at yumuko.

"You can leave me if you want to." Sabi ko sa mahinang boses pero sapat na para marinig niya.

"What?"

"I know I'm being such a pain in the butt. Pwede mo na 'kong iwan."

-------------------------------------------

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now