The Badass Babysitter Vol.2 ✓

By Nayakhicoshi

1.1M 51.5K 38.2K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... More

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 2: Party
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 10: Meet
Chapter 11: Landlord
Chapter 12: Kapitan
Chapter 13: Serpens
Chapter 14: Her Throne
Chapter 15: Cloud 9
Chapter 16: Protection
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 20: Wish granted
Chapter 21: Bruises
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 30: Junakis the sixth
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 56: Back to the old times
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 32: Ella es la muerte

17.3K 852 806
By Nayakhicoshi

It's been month since I last updated. Ang bilis ng araw 'di ba? Hindi natin namamalayan. Katulad kung papaano mawala ang kanyang nararamdaman...char! 😂

This chapter is dedicated to all my readers who patiently waited me to update. I salute you guys! I hope you enjoy this chapter :)

-Naya

CHAPTER THIRTY TWO

PSALM's POV

"I'm sure you all heard na hindi matutuloy ang Abs Night natin this week but it will resume next week, Thursday. I-re-remind ko lang kayo na tuloy pa rin ang presentation ng section natin. We will be having a Snow White roleplay and that will serve as your recitation and activity. Lahat ay kailangan na may participation. Alam niyo na siguro ang mangyayari kapag hindi ko kayo nakita sa entablado" sabi ni Teacher Sunny sa aming magka-kaklase.

Inaantok akong tumango. "Yes Ma'am!" Ang totoo hindi ko talaga alam ang mangyayari kapag hindi niya kami nakita sa entablado. Mabubulag kaya si Ma'am kapag hindi kami nakita?

"I already have the final list of the characters. Snow White will be performed by Bettisha Will and the Prince will be played by Lance Sullivan---"

"Wohoooo!"

"Kyaaaah! Bagay sila!"

"Nakakainggit naman si Bettisha!"

Kanya-kanyang hiyawan ang mga kaklase ko sa nabanggit na mga pangalan ni Teacher Sunny. Lahat sila ay parang mga kitikiting kinikilig. Tuwang tuwa ang kaklase kong si Bettisha samantalang parang binagsakan naman ng langit at lupa si Lance.

"Damn, this is too much" mariing bulong niya sa tabi ko. Nakayuko ito sa lamesa at kunwaring natutulog.

Lumabi ako. Ayaw bang maging Prince ni Lance? Ang astig nga no'n e. Siguro ang gwapo lalo ni Lance kapag nakadamit prinsepe siya, hihi. Magiging kamukha niya kaya si Diego, iyong pinsan ni Dora?

"The seven dwarfs will be played by Ace, Arsen, Psalm, Noah, Peter, Chase and Travis. And the Witch will be played by Swiss Santiago."

Bumaling ako sa kaibigan ni South. Nakasimangot ito habang nagsusulat sa notebook niya. Napansin ko ang panginginig ng kamay nito habang mahigpit na nakahawak sa ballpen. Ayaw din ba niyang maging Witch?

"The rest, kayo ang magiging props men and woman. Alam niyo na ang mga magiging papel niyo. I don't need to mention it one by one. And Genesis Crane?" Hinanap ng paningin ni Teacher Sunny si Genesis. Nang makita niya ito ay kaagad siyang namula. "You are no longer going to play the role of a bat. Ililipat kita bilang isang puno. Masyado ka kasing gwapo para maging piniki. We have to cover your face to prevent turmoil from the audience. I hope you understand that, Mr. Genesis Crane" pormal na sabi nito kay Kaps.

"Tss." Hindi siya pinansin ng kapatid ko. Nangalumbaba lang ito sa lamesa niya at natulog.

"Ang unfair naman 'yon sa amin, Ma'am! Paano naman ako? Saksakan ako ng kagwapuhan paano kapag pagkaguluhan din ako kapag nakita nila ang mukha ko?" angal ni Kier. Mukha itong dismayado pero nakangisi ng nakakaloko.

Naghiyawan ang mga kaklase ko. Ngising ngisi naman ito lalo na nang makitang napa ismid si Teacher Sunny.

"Oo nga, Ma'am! Unfair kung si Genesis lang ang itatago niyo ng mukha. Paano kami? Aware naman siguro kayo na pinagpipilahan din kami ng mga babae" aroganteng dagdag naman ni Ajax.

"Oo nga!"

"Unfair!"

"Dapat ako rin!"

Kanya kanyang sigaw na ang mga ibang lalaki kong kaklase. Lahat sila umaangal na itago rin ang mukha nila. Nangunguna na sa pag angal ang mga kaibigan namin. Ang buong King Society.

"Assholes.."

Bumaling ako kay Travis na tahimik na nakahakukipkip sa upuan niya. Pareho silang tahimik ng kapatid niyang si Lance. Wala namang bago roon e.

"Ayaw mo bang itago ang mukha mo, Travis? Hindi ba may nagsabunutan din na mga babae dahil sa'yo?" sabi ko. Naalala ko kasi ang nangyari noong nakaraan. Nasa Canteen kami at kumakain nang biglang may nagaway na mga babae dahil gusto nilang makatabi si Travis sa pilahan. Nagsabunutan ang mga ito at nagmurahan pa.

Pinikit niya ang mga mata at mas nilubog and katawan sa upuan.

"Bakit ko ipagkakait sa mga tao ang biyayang pinagkaloob sa akin? Let girls fight over me. Gusto ko iyong pinagaagawan ako" saglit siyang dumilat at tumingin sa akin para ngisian nang nakakaloko.

Napakamot ako sa batok ko. Hindi ba parang ang hangin naman ni Travis?

"South Benedicto!"

Nabuhayan ako kaagad sa narinig. Umayos ako kaagad ng upo at binigay kay Teacher Sunny ang buong attention nang marinig na banggitin niya ang pangalan ni South.

"Ma'am, nasa Japan po siya!" sabi ni Peter.

"Alam ko at i-re-remind ko lang kayong lahat na si Ms. Benedicto ay exempted sa lahat ng activities sa school. Tungkol naman sa mga quizzes and assignments that she missed, she will be having a special project when she come back. Request ng Presidente ng Pilipinas na h'wag gawing madali ang lahat sakanya kahit ang mga Benedicto pa ang biggest contributor ng school. H'wag kayong mag aalala, I'll be fair when it comes to grades."

Ano na naman kaya ang grade ko ngayon sa Math? Medyo mahina kasi ako sa mga numbers. 98 lang ang grade ko noong nakaraang grading period. Mas mataas palagi ang grade ni Genesis, palaging 100. Samantalang 99 naman kay Noah at 98 din kay Peter. Si South kaya? Ano kayang grade niya ngayon sa Math? Noong nakaraan kasi ay 78.

"Ma'am! Sino po ang magiging Top 1 ulit sa klase?" Nagtaas ng kamay si Arsen.

"Sa ngayon, hindi ko pa masasabi dahil hindi pa tapos ang exam niyo. Let's see if Genesis will remain on his top rank. Sa nakikita ko kasi ay humahabol ng rangko si Psalm" sagot ni Teacher. Tumingin siya sa akin at nginitian.

Kyaaaah! Humahabol ako? Pero teka, bakit ako tumatakbo? Sino hinahabol ko?

"Naks!"

"Ang talino talaga ng mga Crane ibang klase!"

"Mukha lang silang tanga pero pagdating sa academics, walang kapantay ang husay!"

"Tabla sa Top 3 si Noah at Peter, 'di ba? Grabe!"

"Matatalino talaga ang mga Crane!"

Kanya kanyang opinion ang mga kaklase namin tungkol sa amin. Halos marindi na kami sa mga papuri nila. Todo naman ang ngiti namin. Pinasalamatan namin sila at kinamayan pa.

"Ang talino mo, Psalm!" sabi ng nasa likod kong lalaki. Humarap ako sakanya at nginitian ng matamis.

"Salamat po!" Nakipag-kamay ako rito na siyang kinatawa nila. Lumabi ako.

"Isip bata pero gwapo at matalino!"

Pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi nila. Hehe, ano ba, tumataba tuloy ang puso ko. Sana nandito si Dada. Kapag narinig niya iyon siguradong matutuwa rin siya.

"Top 4 sina Swiss Santiago at Lance Sullivan, 'di ba?"

"Oo. Tie ulit sila sa rank. Wala ng bago roon."

Bumaling ako sa kaibigan ni South na si Swiss. Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng mga kaklase namin habang abala sa sinusulat sa notebook. Bigla akong nagkainteres na tignan ang notebook niya. Sa t'wing nakikita ko kasi siya ay palagi itong nagsusulat.

"Okay, class! That's enough! May mahalaga pa akong iaanunsyo sa inyo!" pigil ni Teacher sa amin. Kaagad naman kaming umayos at nakinig sakanya.

Tumingin ito sa relo niya at bumaling sa nakasarang pinto. Naglakad siya patungo roon at binuksan iyon para sumilip sa labas. Kaagad din siyang bumalik sa gitna at nakangiting tumingin sa aming lahat.

"Ngayong araw ay may muling magbabalik! You have your new classmate. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit may bagong student kahit nasa kalagitnaan na tayo ng semester. Hindi na dapat tatanggap ng studyante ang school natin but she's an exempted."

May bago kaming kaklase? Sino naman kaya?

Nasagot ang katanungan ko nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang payat, maputi at magandang babae.

"Let's welcome back, Summer Gonzalez!"

Malaki ang ngiting tumayo sa harapan si Summer. Ang mahaba at maitim niyang buhok ay nakatali pataas. Bumagay din sakanya ang pambabaeng school uniform namin. Ang bag nito ay nakasabit sa kanang balikat habang may dala-dala siyang libro sa braso.

"Hello, classmates! Most of you are already know me, sa mga hindi let me introduce myself" Halos mapanganga ang kaklase naming mga lalaki nang matamis na ngumiti si Summer. "I'm Summer Gonzalez. Ang nagbabalik na Prinsesa ng Abs University!"

Pumalakpak ang mga kaklase ko. Pati si Noah at Peter ay napapalakpak din pero kaagad din silang tumigil at lumabi.

"Siya si Summer?"

"Siya ang Ex Girlfriend ni Genesis 'di ba?"

"Bakit siya bumalik?"

"Wow! Bumalik na si Summer!"

"Interesting ang mga mangyayari! Na e-excite ako!"

Kanya-kanyang reaction ang mga kaklase ko. Karamihan natutuwa na bumalik si Summer, meron din namang hindi. Isa na roon si Genesis at ang buong King Society. Nakabusangot silang nakatingin sa harapan namin. Ganoon din ako. Ayoko talaga sakanya. Siya ang una naming Babysitter pero mas lamang sa puso ko si South. Hindi ko kaya siya ipagpapalit.

"Okay, class! Tama na 'yan!" awat ni Teacher Sunny. "Summer, have a seat. Marami pa akong i-di-discuss sa inyo" utos niya kay Summer.

Ngumiti muli si Summer at ginala ang mga mata sa buong classroom. Mas lalong lumaki ang ngiti nito nang mapatingin siya sa amin, lalo na kay Genesis.

"Ma'am, saan po ako uupo?" tanong niya kay Teacher habang nakatingin kay Kaps.

"Seat wherever you want, Summer. Marami tayong bakanteng upuan."

Sa sinabing iyon ni Teacher ay muling ginala ni Summer ang tingin sa buong classroom. Meron kaming limang bakanteng upuan dito. Isa sa upuan ni South, sa likod ko, sa tabi ng babaeng kaklase namin, sa harap ni Lance at sa tabi ni Genesis. Bakante iyon palagi dahil walang gustong tumabi sakanya.

Naglakad si Summer sa mga row. Nang mapadaan siya sa bakanteng upuan ni South ay mabilis na pinatungan ng bag ni Swiss ang upuan para hindi doon umupo si Summer. Napairap ito. Umikot muli si Summer at sa sumunod na ginawa niya ang nagpalaki ng mga mata ko. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Genesis. Muling namutawi ang nakakabinging katahimikan sa buong kwarto. Lahat ay hindi makapaniwala sa pinili niyang pwesto.

"What's wrong? Am I not allowed to seat here?" nakangiting tanong niya sa mga nagtatakang estudyante.

"Hindi talaga" irap ni Cain. Kaagad siyang siniko ni Chase kaya natahimik muli ito.

"Hindi ba ako pwedeng umupo rito, Genesis?" baling niya kay Kaps.

Imbes na magsalita ay biglang tumayo si Kaps at dinala ang bag. Lumipat ito sa bakanteng upuan sa harap ni Lance. Napasinghap ang mga kaklase ko sa nasaksihan. Lahat sila ay hindi makapaniwala.

Halata ang lungkot, pagkadismaya at pagkapahiya ni Summer. May mga kaklase pa akong natawa kaya napayuko ito sa kahihiyan. Ngising ngisi naman ang mga King Society. Samantalang nakahinga ako nang maluwag.

"Anong akala niya? Hindi porket bumalik na siya ay may karapatan na siyang dikitan si King Genesis. She's now an ex. At isa pa, may Girlfriend na si King" sabi ng kaklase kong babae na may maraming ipit sa buhok. Halatang pinaparinggan nito si Summer.

Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Summer. Pero imbes na magalit siya ay matamis na ngiti lang ang pinakita niya sa lahat.

"That's enough! Regardless sa pagpasok na late ni Miss Gonzalez, maghahabol siya sa lessons, so I hope you help her cope up with the subjects. Kasali rin siya sa play natin and her role will be a plant. Isa lamang siyang damo sa palabas" sabi ni Teacher Sunny.

Natapos ang pang umaga naming klase na wala masyadong nagaganap. Ganoon pa rin ang routine naming magkakaibigan at magkakapatid, sabay-sabay na pupunta sa Canteen.

"Psalm! Pupunta na kayo sa Canteen? Sabay-sabay na tayo mag lunch?" Humabol sa lakad ko si Summer. Suot ang bag habang bitbit ang mga librong hinihingal na lumapit siya sa akin. Nandoon pa rin ang matamis at malaki niyang ngiti simula kaninang umaga. Medyo nagtataka na ako sakanya. Paano niya nagagawang ngumiti sa kabila nang walang pagpansin sakanya sa classroom? Napansin ko lang na hindi na siya pinapansin ng dati niyang mga naging kaibigan noon.

"Psalm, faster!" sigaw ni Genesis na nauna na sa paglalakad dahil sa paghinto ko.

Kinamot ko ang ulo ko. Binalik ko ang tingin ko kay Summer na may hilaw na ngayong ngiti.

"Pasensya na Summer pero bawal kitang isama" diretsong sabi ko. Baka mapatay kasi ako ni Genesis kapag sinama ko siya, at isa pa, baka patayin din ako ni South kapag nagkasama sila ni Genesis. Ayokong madouble kill!

Iniwan ko si Summer nang may malungkot na mukha. Inaamin ko na naaawa na ako sakanya. Ayaw siyang lapitan ng ibang kaklase namin. Wala siyang kasabay kumain at mas lalong hindi pa namin siya pwedeng pansinin.

Sana okay lang si Summer kahit sobrang bad na namin sakanya.

Tahimik ang buong King Society habang kumakain kami. Maging kaming mga magkakapatid ay wala ring imikan. Gusto kong magkwento tungkol sa adventure ni Dora kaso natatakot akong mag-ingay, baka kasi tignan na naman ako ng masama ni Genesis. Nakakatakot pa naman ang mga tingin niya.

Akala ko mapapanis na ang laway namin buti nalang naisipan nang basagin ni Cain ang katahimikan.

"This is awkward."

Marahas na nagpakawala nang hininga si Kier. "Yeah. Dumating lang si Ex napipi na ang lahat? Aba, hindi pwede 'yon! Let's all make a noise! Hep hep!"

"Hooray!" Tinaas namin ang mga kamay namin sa ere.

"Ganyan dapat! Hindi 'yong nananahimik kayo. Para namang hindi tayo masaya."

"Masaya naman talaga tayo. Ewan ko lang sa isa riyan" baling ni Arsen Kay Genesis.

"Eh ano naman ngayon kung bumalik na si Summer? Don't be so affected by her presence" sabi ni Ace na kaagad sinang-ayonan ng lahat.

"Tama. She's back so let's treat her nicely. Let's not be rude on her, yes, she maybe left without a word but let's just look at the brighter side. Kung hindi siya umalis, hindi magiging friends ang rival gangs noon. And most importantly, hindi natin makikilala si South kung hindi siya nawala" malaki ang ngiting pagkumbinsi ni Cain sa lahat.

"He's right" sang ayon rin ni Lance.

"At saka parang kawawa naman si Summer. She probably thinks now that we are cold on her, which is half true. Wala na siyang friends, h'wag naman nating ipagkait ang friendship natin sakanya. At least, kahit friends nalang" sumubo sa pagkain si Cain.

"Just friends. Let's always remember na si Genesis ay may girlfriend nang astig na babae" may paghanga sa mga matang banggit ni Chase.

Puros tango ang ginagawa ko sa pag-uusap nila. Grabe, natutuwa ako na may mga kaibigan akong mababait. Hindi ko inasahan na tatanggapin pa rin nila si Summer bilang kaibigan. Ang babait talaga ng King Society!

"Okay lang naman siguro sa'yo na maging kaibigan si Summer, Master, 'di ba?" baling nila kay Genesis na tahimik na nakayuko.

Medyo inangat nito ang tingin sa amin. Ang malamig at seryoso niyang mga mata ang siyang nagpalunok sa amin sa takot.

"It's just a friend, don't take it seriously. At isa pa, you are already committed to South Benedicto. I'm sure it's just fine with her if you will be friends with your ex again" walang emotiong sabi ni Travis.

"Nah! I highly disapprove that. Kung ako si South, I won't let him be friends with his ex. Ex na nga 'di ba? Bakit kailangan mo pa siyang papasukin sa buhay mo?" mapait na sabi ni Kier.

"Alam mo, Kier, you're being noisy. Halika nga at susubuhan kita ng pagkain" nakangiting sabi ni Cain. Inakbayan niya si Kier at sinubuhan ng hotdog sa bunganga. Magpupumiglas pa sana ito pero tinignan siya ng masama ni Lance kaya napilitan itong lunukin ang pagkain.

"Don't listen to this dork, Genesis. He's just being bitter again. Palibhasa kahit friends ayaw na sakanya ng Ex niya" sabi ni Cain na kinasimangot ni Kier.

"Tss. Maarte lang ang babaeng 'yon. Hindi naman siya kagandahan---"

"Just eat, asshole!" Sinubuhan muli siya ni Cain.

"Sino ba 'yong ex mo, Kier? Palagi ka nalang malungkot pagdating sakanya" sabi ko.

Simula noon ay napapansin ko na ang malungkot niyang mga mata kapag pinaguusapan nila ang tungkol sa mga ex. Galit at kapaitan ang lumalabas sa bibig niya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Nangungulila ito at nalulungkot. Sino kaya 'yong ex ni Kier para malungkot siya ng ganito?

Kaagad siyang natigilan sa sinabi ko. Nilunok nito ang nginunguya at uminom ng tubig. Kaagad siyang naging matamlay at umiwas ng tingin sa amin.

"Malungkot? Psh, bakit ako malulungkot pagdating sa amazonang 'yon? She's nothing but a big liar. Paasa siya at walang kwenta!" nagtagis ang bagang nito sa galit.

"Don't say that, Kier. I'm sure she has reasons" sabi ni Ace.

"Reasons niya mukha niya!"

"Tss, ikaw ang patunay na hindi pa nakakamove on sa past niya" naiiling na sabi ni Chase.

Hindi na ito nagsalita pa, bagkus ay napayuko ito at tahimik na uminom nalang sa tubig niya. Naawa ako kay Kier. Masyado siyang mabait para masaktan.

Hays! Kapag ako nagka ex hindi ako magiging malungkot dahil hindi ko naman hahayaan na maging ex ko siya. Ang hirap kayang iwasan ang nakaraan.

"What's the girl's name?" tanong ni Arsen.

"Uhm...Athena? Ataya? I'm not sure, but it sounds like that" kibit balikat ni Ace.

"Atarah."

Natigilan kami nang nagsalita si Travis. Ang akmang pagsubo ng pagkain ni Peter ay nabitin pa sa ere. Ganoon din si Noah, samantalang napakunot naman ang noo ni Genesis.

Hala! Atarah? Iyon ba 'yung kilala naming Atarah? Pero mukhang impossible naman 'yon. Wala naman sa itsura ni Ate Atarah na paasa siya e. Ang cool niya kaya katulad ni South. Pareho silang astig at maganda, hehe. Pero may pagka strikto lang si Ate Atarah minsan lalo na kapag siya ang nagbabantay sa amin ayaw na ayaw niyang nasasaktan kami dahil patay daw siya kay South. Minsan pa nga halos itali na rin niya kami para hindi kami makalayo sa tabi niya.

Miss ko na rin siya. Ang alam ko sumunod siya kay South sa Japan. Sabi kasi ni Rucc palagi nilang kailangan ang isa't isa kaya hindi sila pwedeng maghiwalay.

"May kakilala rin kaming Atarah!" sabi ni Noah. Napatingin sakanya ang mga kaibigan namin. Lalo na si Kier.

"Kaibigan siya ni South at astig din siya! Ang cool nilang tignan kapag magkasama sila, hehe. At ang ganda rin niya..." halos bulong nalang ang huling sinabi ni Peter. Namula pa ang mga pisngi nito at bumungisngis mag isa.

"I'm sure hindi siya ang ex ko. They just have the same name" matigas na sabi ni Kier.

"Siguro nga. Atsaka nasa Japan ngayon si Ate Atarah kasama si South" sabi ko.

Tumango lang si Kier at hindi na ulit umimik. Napansin ko ang kakaibang tingin sakanya ni Travis. Bakit kaya?

"Maiba ako, tumatawag pa ba sa inyo si Gab? Lately kasi ay hindi ko na siya makontak. Do you know what happened to him?" pagiiba ng usapan ni Chase.

"I'm actually curious about him too. Dati naman ay halos araw-araw siyang tumatawag o nakikipag facetime sa atin e. Nagtatampo na nga ako kasi hindi na ako tinatawagan ng best friend ko" malungkot na sabi ni Ace. Halatang namimiss na niya si Gab.

"Oo nga, nakakatampo na ang mokong na 'yon. Kumusta na kaya siya? Buhay pa ba 'yon o tuluyan nang natabunan ng snow?" sabi ni Cain.

"Baka masyado na siyang na obsessed sa mga Penguin niya kaya kinalimutan na tayo" nakasimangot na sabi rin ni Arsen.

"Maybe, he's busy" katwiran ni Lance.

"Busy? Psh! Wala naman siyang pinagkakaabalahan sa North Pole, ah?" asik ni Kier, bumalik na siya sa pagiging madaldal.

"Let's just wait him to call us again. I'm sure, hindi rin siya makakatiis na hindi tayo tawagan" sabi ni Travis.

Tumango kami at lahat sumang ayon rito. Kumusta na kaya si Gab? Ang tagal na rin niyang nawala. Sana bumalik na siya para kompleto na ang King Society. Hindi pa niya natutupad ang pangako niya sa amin na sabay-sabay kaming manonood ng Dora.

Pagkatapos ng break time namin ay kaagad kaming bumalik sa classroom para sa panghapong klase namin. Naglalakad palang kami sa corridor ay pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kumapit ako sa braso ni Noah nang makita ang isang matabang babae na dumila sa labi niya habang nakatingin sa akin na parang isa akong masarap na putahe.

Naunang pumasok sa loob ng classroom namin sina Kaps at nang akma na sana akong papasok din ay biglang may sumitsit sa akin mula sa likod. Lumingon ako at nakita ang pinsan naming si Harry Potter.

"Hey, dear cousin!"

Tinuro ko ang sarili. "Ako?"

"May iba pa ba akong pinsan na nandito?" pagsusungit niya.

Lumabi ako at lumapit sakanya nang may pagtataka. Pinasadaan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Gulong gulo ang makapal na buhok nito, nagmukha na nga itong pugad ng ibon e. Ang puting polo uniform nito ay lukot-lukot, nakabukas pa ang tatlong butones nito sa taas kaya kita ang malapad na dibdib nito. Para siyang pariwarang estudyante. Astig niyang tignan pero siya 'yung tipo ng estudyante na tutularan ko.

Harry Crane Potter. Anak siya ng kapatid ni Dada kaya pinsan namin ito. Hindi kami masyadong malapit sakanya, siguro dahil hindi naman siya pumupunta sa bahay namin at ganoon din kami sakanila. Hindi kami sabay-sabay lumaki at bihira namin sila makasama kaya siguro hindi kami ganoong kakomportable na kasama siya minsan.

"May kailangan ka ba?" tanong ko.

Sumilip muna siya sa loob ng classroom namin bago binalik ang tingin sa akin. Binasa nito ang ibabang labi. Kita ko ang pag-alangan nito pero sa huli ay nagsalita pa rin.

"Nandiyan ba si Benedicto?" tanong niya.

Benedicto?

"Hmm...wala e. Nasa Japan, bakit?"

"Japan? What is she doing there?" kumunot ang noo nito.

"Inaayos niya ang business nila."

Pinilig nito ang ulo at bahagyang kinagat ang ibabang labi. "Damn, how can I pursue her if she's too far from me?" bulong niya sa sarili, parang problemado ito. "When will she come back?" tanong niya.

Hmm...tatlong araw na lang babalik na si South.

"Matagal pa. Baka nga hindi na siya bumalik e" nababagot kong sagot. Tumingin ako sa likod baka kasi nandiyan na si Teacher. Mapapagalitan ako kapag naabutan niya akong nakatambay pa sa labas ng classroom namin.

"What?" tumaas ang tono ng boses nito pero hindi ko iyon pinansin.

"Ano palang ginagawa mo rito sa labas ng classroom namin? Mapapagalitan ka kapag naabutan ka rito ng Teacher namin. Bumalik ka na sa classroom mo" sabi ko.

Hindi sa ayaw ko siyang paalisin pero nag aalala lang ako na baka mapagalitan kami. At saka, bakit ba niya hinahanap si South? Magkakilala ba sila?

"Tss, I came here for nothing" namulsa ito bago tumalikod paalis pero bago pa siya makahakbang ay lumingon muli siya sa akin at binigyan ng seryosong tingin. "Tell your brother, Genesis to break up with her Girlfriend. Pakisabi rin na liligawan ko si South Benedicto" dire-diretsong sabi niya bago tuluyang umalis.

Naiwan akong napatulala at napanganga sa mga sinabi niya. May gusto rin siya kay South?

Kamot-kamot ko ang ulo ko nang pumasok ako sa loob ng classroom namin. Naabutan ko ang mga kaklase ko na pinagkakaisahan si Summer.

"Papansin!"

"Lumalayo na nga 'yong tao pinipilit mo pa rin ang sarili mo!"

"Get lost, Summer! Hindi na ikaw ang Prinsesa ni King!"

"Buto ako sa inyo rati pero noong iniwan mo si King nawala na ang tiwala ko sa'yo!"

"Desperada!"

Ilan lang 'yan sa mga salitang binabato nila kay Summer. Tumingin ako sakanya at nakitang nakayuko ito habang nakayukom ang mga kamao. Nasa dating upuan ito ni Genesis at mukhang sinusubukan muli itong kausapin. Sunod akong bumaling kay Kaps, nasa tabi na ito ngayon ni Ace at Chase, pinagigitnahan siya.

Hindi ko ulit maiwasang hindi maawa kay Summer. At saka bakit ba siya iniiwasan ni Genesis? Nakapag usap-usap na nga kami kanina na kakaibiganin muli namin siya.

Bumalik ako sa upuan ko. Saktong nadaanan ko ang upuan ng kaibigan ni South na si Swiss. Abala muli siya sakanyang notebook. Saglit akong sumilip doon at nakita ang isang mukhang demonyo na ginuguhit niya. Hindi ko na dapat ito papansin pero nakuryos ako.

"Ano 'yan?"

Nagulat ito sa bigla kong pagyuko Kaya kaagad niyang sinarado ang notebook at inayos ang makapal na salamin sa mata. Tumingin siya sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang nakita kong inis sa mukha niya, kaagad din kasi itong nawala at napalitan ng pagkapahiya.

"W-wala..." Umiwas ito ng tingin.

Bumagsak ang tingin ko sa notebook niya. Napansin ko ang mahigpit na hawak nito sa ballpen, labas din ang ilang ugat niya sa kamay.

"Pwedeng patingin ng drawing mo? Hehe, kaya mo bang i-drawing si Dora at Boots?" nagpacute ako pero tinignan niya lang ako ng masama.

Ngayon ay sigurado na ako na naiirita siya sa akin.

"I can only draw deaths of people..." mariin at mapanganib na sabi nito.

Napalunok ako sa takot at kaba. Waaaah! Bakit ganoon na siya bigla? Hindi naman siya nakakatakot dati e! Huhuhu! Bakit parang ibang tao na bigla si Swiss?

Sa takot ko ay kaagad akong lumayo sakanya. Dumiretso ako sa upuan ko at iniwas ang tingin dito. Gusto ko pa naman siyang maging close kasi kaibigan siya ni South pero ngayon ay nagaalanganin na ako sakanya.

"Okay ka lang, Kaps?" tanong ni Noah sa akin. Marahil ay napansin niya na hindi ako mapakali.

Tango lang ang sinagot ko rito. Pasimple akong tumingin kay Swiss at nakitang abala na naman siya sa pag drawing sakanyang notebook.

Sayang, cute pa naman siya kaso nakakatakot.

                                        _

ISAIAH CRANE's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang taong nakausap ko sa cellphone ni South kahapon. Malakas ang tibok ng dibdib ko at hindi ako mapakali. Iba ang pakiramdam ko.

Josiah Moses Crane. Crane? Hindi ko naman siguro kapatid ang maingay na 'yun. Baka pinsan ko lang dahil pareho kami ng apilyido, katulad ng pinsan naming si Harry Crane Potter. May Crane din sa pangalan niya kaya pinsan namin siya. Baka kapatid ni Dada ang Dada niya? Hmm.

"Boss, malalim ata ang iniisip mo?"

Napatingin ako kay Gags A, iyong may asul na bandana sa ulo. Gags daw ang itawag ko sakanila dahil iyon ang tawagan nila sa grupo nila. Kasama ko silang tatlo dito sa labas ng school namin. Panibagong araw na naman at nandito sila para bantayan ako.

Sumubo ako sa fishball na kinakain namin. Bente ang baon na binigay sa akin ni Summer kaya nilibre ko ang mga secret bodyguards ko ng tig-li-limang piso na fishball. Tuwang tuwa ako ngayon dahil malaki ang baon ko, ibig sabihin ay mayaman na ako. Hehe, ililibre ko sana si Gyro kaso ayaw naman niyang dumikit sa akin. Nakakadiri raw kasi ako. Hanggang ngayon ay bad pa rin siya sa akin, buti nalang kapatid siya ni South kaya hindi ko pinapatulan. Pero minsan ay ang sarap niyang tirisin sa tenga. Nagtataka nga ako kung bakit wala siya ngayon. Bakit kaya siya absent? May sakit kaya siya?

"May problema ka ba, bossing?" ngumunguyang tanong ni Gags B, iyong may dilaw na bandana sa ulo.

"Bossing? Hindi po ako si Vic Sotto" sagot ko.

Nakalimutan na ba ni Gags B ang pangalan ko? Hays, makakalimutin na ata siya.

"Hindi ba? Akala ko kasi si Bossing ka."

"Si Isaiah po ako. Isaiah Gabriel Crane" pagtatama ko.

Kumakamot sa baba na tumango ito. "Okay, pero sino si Bossing?" takang aniya.

"Ewan ko. Anong channel ka ba?"

"Bobo! Hindi mo kilala si Bossing?" asik ni Doctor Engineer. Napag alaman ko na siya ang leader ng grupo nilang Poseidon. Ang cool nila kasi parang sa dagat sila nakatira. Parang may tubig din kasi ang mga utak nila e.

"Hindi, Kapitan e. Sino ba 'yon?" takang tanong ni Gags B.

"Dating Pangulo 'yon."

Dating Pangulo pala si Vic Sotto? Hindi ko ata alam 'yon ah? Parang wala naman kasing tinuro na ganoon sa akin sa school. May nadagdag na pala sa mga dating Pangulo?

"Aah! Kaya pala."

Sabi ni Ate North na mga masasamang tao raw ang mga Gangsters. Nananakit sila ng mga tao at minsan na rin silang naging biktima ng grupo ng Poseidon. Sabi niya, mga wala silang puso. Wala silang awa at palaging gulo lang ang hanap. Pero bakit hindi ko maramdaman ang takot na nararamdaman niya sakanila?

Hindi ako natatakot, bagkus ay natutuwa pa ako kapag nandiyan sila. Para rin kasing kasama ko rin si South dahil pare-pareho silang mga Gangsters. Oo, alam ko nang Gangster si South pero hindi ako naniniwala sa mga sinabi ni Ate North. Mabait si South. Mabait ang mga Poseidon. Hindi sila nakakatakot. Kung meron mang nakakatakot ay si Swiper iyon.

"Mabalik tayo sa usapan, Boss. Bakit tahimik ka ata?" tanong ni Gags A sa akin. "Naalog ba ang utak mo?"

Umiling ako at huminga nang malalim. "Hindi naman. Iniisip ko lang si Josiah Moses Crane" sabi ko.

Hindi pa alam ng mga kapatid ko ang tungkol sa pag-uusap namin ng maingay na 'yon sa cellphone ni South. Ayokong sabihin dahil naiinis ako. Hindi ko talaga siya gusto. Pakiramdam ko kumukulo ang dugo ko sakanya.

"Sino 'yon, Boss? Kapatid mo?"

Kaagad akong napasimangot. "Kapatid? Hindi ah! Hindi ko kapatid ang pangit na 'yon!" agap na pagtanggi ko.

Iniisip ko palang na kapatid ko nga siya ay kinikilabutan na ako. Hindi naman sa ayaw kong magkaroon pa ng kapatid pero sana naman h'wag ang Josiah na 'yon.

Josiah... Isaiah...Kita mo? Gaya-gaya pa siya ng tunog ng pangalan! Pangit talaga!

"Kung ganoon, ano? Kaaway? Gusto mo bugbugin namin?" hamon ni Doctor Engineer.

Lumabi ako at tinitigan ang dalawang naiwan na fishball sa plastic cup ko.

"Masama po manakit ng kapwa. Kaaway man natin ito o hindi, hindi pa rin tamang sinasaktan sila dahil wala tayong karapatang gawin iyon. Pare-parehas lang tayong tao" pangangaral ko sakanila.

Pinagtaka ko nang makitang wala man lang silang reaksyon sa sinabi ko. Napahikab pa nga sila e.

"Pasensya na rin Boss pero hindi kami tinatablan ng mga banal na salita. Tao kami pero hindi kami santo" katwiran nila.

"Ganyan ba kayong mga Gangsters?"

Kung sabagay, si South nga may motto sa buhay na kapag sinaktan mo siya, patay ka. Ang angas niya talaga. Ano kaya ang pakiramdam na maging isang Gangster na katulad nila? Siguro sobrang cool no'n!

"Oo! Dapat cool lang!"

"Gusto ko rin maging Gangster!" sabi ko. Gusto kong maging katulad nila. Gusto ko rin maging maangas! Pagbalik ni South siguro pwede na akong pumasok sa Sigma Dynasty na pinagta-trabahuan niya. Ang sarap siguro sa pakiramdam na katrabaho ko siya, hihi!

"Naku! Walang problema 'yan, Boss! Kaming bahala sa'yo!" nakangising ani nila.

Ayiiee! Excited na ako! Gusto ko nang maging cool katulad nila. Paniguradong matutuwa si South kapag naging magkatrabaho na kami. Iniisip ko palang na Gangster na ako ay kinikilig na ako. Tapos magkasama pa kami ni South na aangkas sa motor niya. Ang cool!

"Ano ba ang unang kailangang gawin para maging Gangster?" tanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo. Sabay-sabay na ngumisi at tumingin sa akin nang nakakaloko.

"First Step..."

Dinala nila ako sa isang ukay-ukay para magtingin tingin ng mga damit. Nakanguso ako habang pinapalibot ang tingin sa mala bundok na mga tela.

"Kailangan mong magbihis astig. Sabi nga nila, first impression lasts. Nakikita kaagad kung Gangster ang isang tao sa paraan ng pananamit nito at sa uri pa lang ng pananamit ay kailangang may masindak ka na, kaya kung gusto mo maging cool, sa damit ang una mong kailangang ayusin" mahabang paliwanag ni Doctor Engineer.

Tumango tango ako habang mainam na nakikinig sa mga sinasabi niya. Kung ganoon, dapat cool ako manamit para maging Gangster ako. Wala sa oras na napatingin ako sa suot ko. Simpleng blue T-shirt na may nakasulat na Explorer sa gitna. Brown short na hanggang tuhod, puting rubber shoes at pink, blue at green stripes na high socks. May bagpack pa ako na kulay violet, katulad sa bagpack ni Dora. May baonan rin ako ng tubig sa gilid nito. Para naman sa akin ay astig akong tignan. Minsan nga napapalaway pa si Kayla kapag nakikita ako, samantalang sisimangot at parang nandidiri naman si Selendrina.

"Ano po ba ang kailangan kong isuot?" tanong ko.

Pinitik ni Doctor Engineer ang mga daliri sa ere. Sa isang iglap lang ay lumapit si Gags A at B sa akin dala ang mga damit na kulay itim. Nagtataka ko silang tinignan.

"Kaming mga Gangsters ay mahilig sa mga itim na damit. Simbolo iyon na maangas kami at misteryoso. Sa kulay palang kasi ay astig nang tignan kaya maganda kung itim palagi ang suot mo" paliwanag ni Doctor Engineer.

Ganoon ba 'yon? Pero bakit si South puti palagi ang sinusuot? Astig din ba ang puti?

"Sige na, isukat mo na ang mga 'yan."

Sa kagustuhan kong maging astig ay kaagad kong sinunod ang utos nila. Pumasok ako sa isang maliit na parang C.R at doon sinukat ang mga damit. Una kong sinuot ang isang itim na long sleeve na halos hanggang tuhod ko na sa laki. Lumabas ako at pinakita sakanila ang itsura ko.

"Hmm...astig tignan pero sigurado akong may mas astig pa na iba."

Nagpalit muli ako ng sandong itim na may tatak na bungo sa harapan. Itim na pantalon pero punit-punit na halos kita na ang betlog ko. Buti nalang naka boxer ako ng kulay pulang Dora. Sinuot ko rin ang sapatos na pinili nila sa akin. Isang kulay gintong high-cut shoes na may glitters pa na disenyo. Ganito ba talaga kapag Gangster? Hehe, hindi naman sa nanlalait pero medyo hindi ko type. At dahil gusto kong maging Gangster wala akong choice.

Lumabas ako habang nakayakap sa sarili. Sanay akong nakahubad minsan sa bahay pero ngayon nakakaramdam ako ng ilang dahil sa itim na sando na suot ko. Kapag nandito si Dada paniguradong kukurutin niya ako sa singit. Medyo conservative kasi 'yon.

"Ayos! Ang puti mo, Boss!"

"Alagang papaya 'yan, 'no?"

"Nagpapaderma ka ba? Sino Doctor mo?"

Sunod-sunod ang tanong ng mga secret bodyguards ko pagkalabas ko sa fitting room. Namula ako nang pasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Bagay pala sa'yo ang itim, mas lalong nagliliwanag ang kaputian mo. Pero sino ba talaga ang Doctor mo sa balat? Magaling siya, ha!" komento ni Doctor Engineer.

"Hehe, wala po akong Doctor" nahihiyang sagot ko.

"Talaga? Pero bakit ang puti mo? Anong sabon mo?"

"Baby soap po."

Nagkatinginan silang tatlo. Tumango tango pa sila na parang may napagtanto.

"Hmm..kaya pala. Daddy soap kasi ang gamit namin kaya mukha tuloy kaming Daddy."

Lumabi ako. Kaya pala.

Nagustuhan nila ang suot ko kaya kaagad kaming dumiretso palabas ng ukay-ukay. Ang kaso...

"Hoy, sandali! Yung bayad niyo!" sigaw ng nagtitinda.

Hala! Oo nga pala!

Binuksan ko ang bagpack ko at nilabas ang ulo ni Boots na pitaka ko. Halos manlumo ako nang makitang three pesos nalang ang natira.

"Doctor Engineer, paano 'yan? Kulang itong pera ko" baling ko sa kasama namin.

Bigla itong ngumisi na pinagtaka ko. "Ang tunay na Gangster, mabilis tumakbo. Ang tanong, mabilis ka ba tumakbo?"

Nagningning kaagad ang mga mata ko. "Syempre naman! Palagi kaya akong tumatakbo kapag inuutusan ako ni South na maghugas ng pinggan!"

"Magaling. Ngayon, tatakbo tayo. Galingan mo, ha?"

"Opo!"

"Pagbilang ko ng tatlo, takbo na. One..." Binigyan niya ng tingin sina Gangs A and B. Ngumisi naman ang dalawa.

"Two..."

Medyo inangat nila ang pantalon. Ininat ang leeg at pinosisyon sa pagtakbo ang katawan. Hinawakan ko lang ang strap ng bag ko.

"Three!"

Kumaripas kaming lahat ng takbo.

"Sandali! Yung bayad niyo! Mga magnanakaw!" sigaw ng tindera sa amin.

Hala! May magnanakaw? Sino?

Lilingonin ko na sana ito kaso hinila ako ni Doctor Engineer.

"Don't look back! Just run!"

Eh?

Sa pagkataranta ko ay tumakbo nalang ako at hinayaan ang tindera na habulin ang kung sino mang magnanakaw na tinutukoy niya.

Nagtungo kami sa isang eskinita. May isa pang daanan sa loob nito kaya tinungo namin iyon. Madilim sa parte na ito dahil sa  mga nagtataasang gusali sa paligid. Hindi na ito masinagan ng araw kaya roon kami nagtago. Habol ang hiningang sumandal ako sa pader.

"N-nakakapagod..." hirap sa paghinga kong sabi.

"Ssshh..." pinatahimik ako ni Doctor Engineer.

Nananahimik ako at muling naghabol ng hininga. Naninikip ang dibdib ko, parang may nakabara sa loob ko kaya nahihirapan akong huminga. Naalala ko ang gamot na palagi kong dala. Kinuha ko ito sa bag at kaagad itong ininom. Mabuti nalang may dala-dala rin akong tubig. Huminga ako nang malalim hanggang sa maramdaman na unti-unti nang gumiginhawa ang pakiramdam ko.

"Ano 'yan?" tanong ni Doctor Engineer habang nakatingin sa gamot sa kamay ko.

Nanghihina akong ngumiti. "Gamot po. May asthma kasi ako."

Bawal akong mapagod, iyon palagi ang bilin ng Doctor kapag na o-ospital ako. Ganoon din ang sinasabi ni Dada at South, kaya nga iyong madadali lang ang pinapatrabaho niya sa akin sa bahay para hindi ako mahirapan.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi? Hindi na dapat kita pinatakbo, sana iyong plan B nalang ang ginamit natin para takasan ang tindera" naiinis na aniya. Ramdam ko ang galit niya, hindi sa akin kundi sa sarili niya.

Ngumuso ako nang may mapagtanto.

"Ibig sabihin, tayo iyong magnanakaw? Ninakaw natin itong damit ko, 'di ba?"

Kaya pala kami tumakbo. Kaya pala kami hinahabol dahil kami iyong magnanakaw sa ukay-ukay. Parang madudurog ang puso ko sa nalaman. Magnanakaw kami. Magnanakaw na ako.

Waaaah!

Nataranta sila nang makita akong nagsimulang umiyak.

"Bakit ka umiiyak?"

"Waaaah! Magnanakaw na ako! Waaaah! Ayokong maging magnanakaw!" Iyak ko.

Napamura nang malutong si Doctor Engineer. Tinakpan niya ang bibig ko bago tumingin sa paligid.

"H'wag kang maingay! Kapag may nakarinig sa'yo pare-pareho tayong malalagot!"

Hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na ninakaw namin ang suot ko ngayon. Gusto ko maging Gangster pero ayoko namang maging magnanakaw.

Dinala nila ako sa malapit na parke at doon pinatahan. Binilhan ako ni Doctor Engineer ng Ice Cream kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko.

"Ayoko maging magnanakaw" namamaos na sabi ko.

Lagot ako kay Dada kapag nalaman niya ito at mas lalong patay ako sa mga kapatid ko kapag nalaman nilang kumuha ako ng gamit na hindi ko binabayaran.

"Akala ko ba gusto mo maging Gangster?"

Tinignan ko ng masama si Gags A.

"Syempre gusto ko! Gangster ang inaaplayan ko at hindi magnanakaw!"

"Anong pinagkaiba no'n sa pagiging Gangster? Ganito ang trabaho namin. Wala kaming pera---"

"Kaya nagnanakaw nalang kayo?" putol ko sa sinasabi ni Doctor Engineer. "Sa tingin niyo tama 'yon? Wala kayong pera, e anong gagawin niyo? Bakit hindi kayo magtrabaho? Paano kayo nabubuhay sa ganyang klase ng pamumuhay?"

"Hindi mo kami maintindihan..." napayuko siya. Pansin ko ang pagkuyom nito sa kamao at pagtiim bagang.

"Hindi niyo rin ako maintindihan! Iniisip ko lang ang kapakanan niyo. Hindi maganda ang ganyang gawain!" pagmumulat ko sakanila sa katotohanan.

"Alam namin pero wala kaming choice---" Hinawakan ko ang kamay ni Doctor Engineer kaya napatahimik ito. Tumingin siya sa akin nang may kumikinang na mga mata.

"May choice kayo" mahinahon at nangungumbinsi kong saad.

Ilang sandali siyang napatitig sa akin bago ito kumurapkurap at umiwas ng tingin.

"Umuwi ka na nga! Ayokong nababahiran ng kabaitan ang pagkatao ko."

Lumabi ako. Hinatid na nila ako sa bahay. Nakabukas na ang mga ilaw sa loob kaya paniguradong nandoon na ang mga kapatid ko. Mag gagabi na rin kasi.

"Ang ganda pala ng bahay niyo, Boss! Hindi ako makapaniwala na kasama niyo sa iisang bubong si Milagrosa" namamanghang sabi ni Gags B.

"Pumasok ka na. Dito na rin nagtatapos ang duty namin ngayong araw bilang secret bodyguards mo" walang emotiong sabi ni Doctor Engineer.

Kinagat ko ang ibabang labi. Galit ba siya sa akin? May mga nasabi ba akong masama? Pero para sa kapakanan naman nila ang mga sinabi ko e.

"Sige po, goodnight. Ingat kayo pauwi" matamlay akong kumaway sakanila.

Tumalikod na ako pero bago pa ako makahakbang ay kaagad akong natigilan nang makita si Genesis na nakatayo sa harap ng gate namin. Walang bahid ng kahit anong emotion ang mukha nito habang matamang nakatitig kay Doctor Engineer.

"Oh, Genesis! Anong ginagawa mo rito sa labas ng bahay? Kasama ko pala ang mga secret bodyguards ko, hehe" sabi ko. Lalapit na sana ako rito pero natigilan ako nang biglang magsalita si Doctor Engineer.

"Long time no see, Genesis the great..."

Napakurapkurap ako. Magkakilala sila?

Tumingin ako kay Doctor Engineer at nakitang mataman din siyang nakatingin kay Genesis. Wala ring bakas ng emotion ang mukha nito samantalang seryoso naman sina Gags A at B. Ngayon, nararamdaman ko na ang Gangster nilang aura.

"Hehe, kilala mo na pala ang kapatid ko, Doctor Engineer? Ikaw, Kaps? Kilala mo na si Doctor Engineer? Siya ang gumamot noong nalason si Baby Tiger!" masaya kong sabi.

Utang na loob ko ang buhay ni Baby Tiger kay Doctor Engineer. Kung hindi dahil sakanya baka patay na ngayon ang Baby ko.

"It's not so nice seeing your fucking face, Lucas the fucker."

Binalik ko ang tingin ko kay Genesis. Nagtatagis ang bagang nito sa galit.

Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Parang nababalutan ng maitim na aura ang paligid. Nasa pagitan nila ako kaya ramdam ko rin ang elektrisidad na komokonekta sa masama nilang tingin sa isa't isa.

"Magkakilala talaga kayo?" basag ko sa mahabang katahimikan.

"Yeah, I know him too well. And he's a very dangerous person, so stay away from him, Isaiah" seryosong sagot ni Genesis habang nakatingin pa rin kay Doctor Engineer.

Ngumisi ng nakakaloko si Doctor Engineer.

"Ang kapatid mo ata ang kailangang mag-ingat sa'yo. You're beyond a devil, Genesis..."

Ngumisi rin ng nakakatakot si Genesis. Kaagad akong kinilabutan at kinabahan nang makita na parang dumilim lalo ang itim niyang mga mata. Waaaah! Ano bang nangyayari?!

"Good thing you knew. Now, get the fucking out of my sight. It will be a shame if I slit your throat in front of your friends, right?"

Iyon ang dahilan kung bakit napalunok at napaiwas ng tingin si Doctor Engineer. Nagtatagis ang bagang nitong muling tinignan ng masama si Genesis.

"May araw ka rin sa akin, tandaan mo 'yan!" banta nito bago tumalikod at naglakad paalis. Kaagad namang sumunod sakanya ang mga kasama nito.

Nang makalayo na sila ay muli akong humarap kay Genesis. Nagtatagis pa rin ang bagang nito sa galit.

"Kaps, bakit ka naman nagsalita ng ganoon sa harap ng mga bodyguards ko? At saka hindi mo sinabi sa akin na kilala mo pala si Doctor Engineer?"

Imbes na sagutin ako ay tinignan niya lang ako ng masama.

"When did you start hanging out with those people?" mapanganib na tanong niya.

Napalunok muli ako.

"N-noong nakaraan pa. Secret bodyguards ko nga sila e! At saka katrabaho ni South ang mga 'yon!" paliwanag ko.

Mariin siyang napapikit at nagbuga nang marahas na hangin. Muli siyang tumingin sa akin nang may pagtitimpi.

"Next time, put on your fucking mind that it's not safe hanging out with strangers! It's very dangerous!" tumaas ang tono ng boses nito. Napatingin siya sa suot ko at mukhang ngayon niya lang napansin na iba na ang damit ko. Mas lalong nagdilim ang paningin niya. "And what the fuck are you wearing?!"

Niyakap ko ang sarili ko at naiiyak na tinignan ang punit-punit na pantalon ko. Kitang kita ang maputi kong binti.

"G-gangster suit kaya ito!"

"Gangster? Are you out of your fucking mind? Get inside!" mariin niyang utos. Tinuro pa niya ang bahay at binigyan ako ng nagbabantang tingin. "Get inside and change your fucking clothes!"

"Ayaw ko nga!" Umiling iling ako. Ayan na naman siya sa paguutos sa akin. Hindi porket nakakatakot na siya ay ginagawa na niya ito sa akin. At saka anong masama sa suot ko? Ang cool kaya!

"Don't test my temper, Isaiah. I know you won't like me when I'm mad. Now, get inside the house and change your clothes before I fucking kill your pet!" banta niya. Tinutukoy ba nito na papatayin niya si Baby Tiger ko?

Waaaah! Sobrang bad niya talaga!

Napahikbi na ako sa takot at inis sakanya.

"Bakit ka ba nakikialam sa buhay ko? May sarili ka namang buhay, ah!"

Kinuyom nito ang mga kamao.

"You're my fucking brother! Of course I'll meddle with your life!"

"Pero dapat bang pati susuotin ko papakialaman mo?"

"Yes! I'll meddle with everything and that includes the people around you! I don't want you seeing those guys again. Ito na ang huling beses na makikita kitang kasama ang mga taong 'yon!" banta na naman niya.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko. Kita niyo na? Napakasama niya talaga! Ang bad bad niya isusumbong ko siya kay Dada!

"Mga bodyguards ko nga sila! Mga kaibigan sila ni South kaya kaibigan ko na rin sila! Isusumbong kita sakanya inaaway mo na naman ako!" banta ko rin. Halos hindi na rin ako makahinga dahil sa pag iyak.

Mas lalo siyang nagalit sa sinabi ko. Kulang nalang saktan na niya ako sa galit.

"What's happening here?"

Napatingin ako sa likod niya. Kaagad akong tumakbo papunta kay Summer nang makita ko ito. Niyakap niya ako kaya mas lalo akong umiyak.

"Summer, huhuhu! Inaaway ako ni Genesis!" sumbong ko.

Hinaplos nito ang likod ko. May mga sinabi siya para tumahan ako pero hindi iyon effective. Naiiyak pa rin ako.

"Genesis, what's happening? Bakit mo naman pinaiyak si Isaiah?" mahinahon na sabi ni Summer kay Kaps.

Dahil yakap-yakap ako ni Summer ay hindi ko makita kung ano ang reaksyon ni Genesis pero ramdam ko ang mas lalong pagkairita niya.

"H-hindi na niya ako love, huhuhu!"

Naramdaman ko ang paglagpas ni Genesis sa amin. Akmang hahabulin pa sana siya ni Summer kaso nakayakap ako sakanya.

"Genesis!"

Nagulat ako nang bigla niyang kinalas ang yakap ko sakanya para habulin si Genesis sa loob ng bahay. Napatanga nalang ako nang maiwan akong mag isa sa labas.

"Wala na talagang may love sa akin..."

Waaaah! Nasaan na ba kasi ang pakboy kong Dada, siya nalang ang may love sa akin.
             
                              _

SOUTHERN'S POV

If I could spell awkward that would be South and Vape. Parang may malaking hangin ang nasa pagitan naming dalawa. Nagkakalapit kami pero hindi kami nag uusap. Para kaming hindi nag e-exist sa buhay ng isa't isa. Sa t'wing nagkakasalubong kami ay parang wala kaming nakikita. Sa t'wing nagkakasama kami ay parang mag isa lang ako. I could feel his presence but not his attention.

I'm not used to this kind of treatment. Not with Vape. Nasanay ako na sa kaonting kibot lang ay Milagro palagi ang binabanggit niya. Nasanay ako sakanya. And it made me feel so sad that we are treating each other like this.

Ayoko mang aminin pero nami-miss ko na si Vape. I miss our closeness. I miss him.

Kagat-kagat ko ang ibabang labi habang pinapanood si Vape at Atarah na tinuturuang lumangoy si Josiah sa pangbatang swimming pool. Nasa balkonahe ako, samantalang nakahilata naman sa sun lounge si Tito Jackal. Naka neon green trunks pa ang matanda habang nagbibilad sa ilalim ng malamig na klima. Baliktad talaga ang utak ng gurang na 'to. Sinong nasa matinong pag iisip ang magsu-sunbathing sa kasagsagan ng taglamig? At nasa Japan pa kami sa lagay na 'to ah! Imbes siguro na masunog ang balat niya ay maninigas siya sa lamig.

Napailing nalang ako nang makita na parang nanigas na si Tito. I sighed and averted my gaze on him. He's an eyesore. Binalik ko nalang ang attention ko sa tatlong parang walang lamig na nararamdaman sa katawan. They are enjoying the water while I'm here, watching them with a bit of jealousy. Gusto ko na kasama rin nila ako roon.

"South-chan!" Josiah called out my name. Kinawayan pa niya ako habang nakasakay siya sa swan niyang salbabida. Nasa magkabilang gilid naman niya sina Vape at Atarah, inaalalayan ito.

"Marunong nang lumingoy si Josiah!" pagmamalaki niya. He paddled his feet on the water pero imbes na umusog ang salbabida niya ay na out of balance lang ito. Good thing Vape immediately catch him from falling on the water.

"Careful" dinig kong sabi ni Vape rito.

Seeing Josiah makes me miss his brothers. Walang segundong lumagpas na hindi ko naaalala ang mga tokmol niyang kapatid. I miss their stupidity. I miss their noisiness. I miss their sweetness. I miss them. I miss  those Jerks. Kumusta na kaya ang mga ito?  Naalala ko ang pangako ko sakanila na tuturuan ko silang lumangoy. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon nagagawa.

"Hey, Bitch! Come here! Masarap ang tubig!" sigaw ni Atarah. She's wearing a black bikini. Hindi siya ganoong ka-daring tignan. Atarah is slim and sexy. Makinis ang maputi nitong balat. Sa kulay at tindig palang niya ay masasabi mo na kaagad na anak mayaman ito, hindi nga lang asal mayaman.

Bagot ko itong tinaasan ng kilay. "Talaga? Anong lasa?" pamimilosopo ko. I actually doesn't have any energy today. Wala naman akong ginagawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. At isa pa, I cannot really join them in the water. May dalaw ako ngayon.

Bumagsak ang mga balikat nito at masama akong tinignan. Kung katabi ko lang siguro siya ay baka kanina pa niya ako kinutusan.

"Matamis. Halika try mo! Ilulublob kita sa tubig!"

"No thanks" walang gana kong sabi.

Umirap ito. "Ano? Ganyan ka nalang kayo forever? Ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa? Care to tell me?" Tumingin siya kay Vape bago muling tumingin sa akin. Nagdududa ang mga tingin nito dahilan kung bakit ako napalunok at umiwas ng tingin.

Wala naman akong kasalanan pero bakit parang guilty ako? What's wrong with me?

Para umiwas sa nakakaintrigang tanong ni Atarah ay nagpasya na akong tumayo at bumalik sa loob ng bahay. I'm stressed, isama mo pa na masakit ang puson ko. Girls weakness, dammit!

"I confessed and kissed her but I got rejected."

Hindi pa man ako nakakahakbang paalis ay halos bumulagta na ako sa sahig dahil sa narinig. I froze as my mouth agape. Pakiramdam ko, nagsiakyatan lahat ng mga dugo ko sa mukha.

"What the fuck?!" singhap ni Atarah.

I tightly closed my eyes. Hindi na ako lumingon pa para makita ang kagimbal-gimbal na reaksyon niya. I hurriedly went inside the house, feeling so embarrassed and frustrated.

Damn him for telling her what happened! Hindi ko tuloy alam kung papaano pa ako haharap kay Atarah nito.

Buong maghapon akong nagkulong sa kwarto. Oras-oras akong pinupuntahan ni Josiah para daldalan ng mga kung ano anong mga bagay. He told me about his favorite toys, karamihan sa mga kwento niya ay tungkol kay Pikachu. Kung ang limang Crane ay addict kay Dora, ang isang ito naman ay addict kay Pikachu. Mga isip bata talaga. Wala bang matinong anak ni Tito Jackal? Lahat nalang kulang ang turnilyo sa utak.

Atarah also went in my room but I didn't feed her curious mind. In the end, she left me with smug look. Wala siyang napala sa akin.

Nahihiya pa rin ako sa pag-amin ni Vape. I know I shouldn't feel this but his confession is really bothering me. Minsan ay napapatulala nalang ako at iisipin ang paghalik niya sa akin. Alam kong mali kaya pilit kong sinisiksik sa utak ko na hindi iyon tama.

Dapat si Genesis lang ang laman ng isip ko. Dapat siya lang. Speaking of him, I tapped my phone and saw that there's still no message from him. Kahit sa mga kapatid niya ay wala pa akong natatanggap na text o tawag. It's already evening. I'm sure, nasa bahay na ang mga ito at paniguradong nanonood na ng Dora. But why are they not calling me? They supposed to call me at this hour.

Nangangati na akong kausapin sila at kumustahin kaya nang hindi na ako nakapagpigil ay ako na ang tumawag. I dialed Psalm's number. Nakatatlong ring na ngunit wala paring sumasagot. Sinubukan ko ulit itong tawagan. Nakakadalawang ring na nang may sumagot.

"Why are you not answering my call? Why didn't you---" I was cut by someone's voice.

"This is Summer. I'm sorry but no one can answer your call. Busy kaming lahat sa paggawa ng homework."

It's her.

Umayos ako nang upo sa kama at agad na sumeryoso. "I want to talk to Psalm or any of his brothers. Hangga't maari si Genesis na ang makausap ko. Give the phone to him" I said sternly.

"I told you, they are busy--we are busy! Mamaya ka nalang tumawag kapag wala na kaming ginagawa---" It's my turn to cut him off.

"Busy or not, I don't care. I want to talk to him. Sabihin mo na girlfriend niya ang tumatawag" I emphasized.

Saglit siyang natigilan. Ilang sandali lang ay nagsalita muli ito.

"South, I don't want to offend you but isn't too selfish to talk to him while he's busy doing his homeworks? You're a student too, I'm sure you know how complicated the paper works."

Nagtagis ang bagang ko sa mga sinabi niya. Selfish? Tangina, kailan pa naging selfish ang pakikipagusap sa boyfriend ko?

"Just give the phone to him and leave us alone" seryoso kong sagot.

My day is already ruined. H'wag siyang dumagdag sa stress ko.

"You're so impossible!"

"Yeah, and I'm awesome too. Now, give the phone before I fly back there to kick you out from my territory" malamig at seryoso kong banta. I'm not kidding. Kapag ako bwinisit pa niya hindi ako magdadalawang isip na bumalik kaagad sa Pilipinas.

Ilang sandali muli itong natahimik. Narinig ko ang paglunok nito, maging ang marahas na pagbuga ng hangin.

"You cannot do that to me. I thought we are already friends?"

Gago.

"I have my long list of friends but your name is not included on it" Marahas itong napasinghap. Hindi pa ako tapos. "Sorry, you're not my friend."

Hindi na ito nakapagsalita pa. The call is still on, she's probably frozen. Kinuha ko ang pagkakataon para muling makapagsalita.

"Just tell Genesis how much I love him. Pakisabi na rin na ayoko sa mga higad kaya lumayo layo siya sa ganoon. Ayokong nadadapuan siya ng germs. Alam mo na, sa panahon ngayon  99.9% lang ang kayang patayin ng mga sabon. May isa pa rin na natitira at iyon ang nakakatakot. Mag-isa pero mapanganib. Ingat ka rin sa germs, ha?" I smirked and cut the call.

Halos maibato ko ang cellphone sa pader sa sobrang inis. Nagpipigil lang ako dahil mahal ang bili ko rito. Letche talaga!

I'm so pissed right now. The first time I saw her on the parking lot, I thought she's a nice woman. Kita kasi sa mukha na Anghel siya pero demonyita pala sa loob. Langya, sinasabi ko na nga ba.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang nagwawala kong dibdib. Bumaba na rin ako ng kwarto para makainom sa kusina. I need cold water to calm myself. Nasa hagdanan palang ako ay kita ko na si Josiah na abala sa pagkulay ng coloring book niya. Nakadapa siya sa sahig habang may subo-subo pang lollipop. He's really like a child. Halatang abno kaya patunay na isa nga siyang Crane. A Jackal Crane's son.

Speaking of the old man, napatingin ako kay Tito na nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsaa. He's the first one who noticed my presence so he lift his head to smile at me.

"Hi, South! Okay na ba ang pakiramdam mo?" masiglang tanong niya.

I took the last step and headed to the kitchen. "Okay na kanina, nabwisit lang muli nang may makausap akong higad!" I said referring to Summer.

"Ows? Nakakausap mo ang higad? Anong sabi niya?" he asked curiously. Sinundan pa niya ako sa kusina para lang itanong iyon.

I opened the fridge and took out the glass pitcher of water. Nagsalin ako sa baso at agad iyong ininom.  Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko matapos kong uminom.

"Alam mo, South, I feel you! Pero imbes na mga hayop ang nakakausap ko mga halaman naman!" sabi ni Tito. "Alam mo ba, kanina lang nang pumunta ako sa Garden naririnig ko na naguusap ang mga halaman. Sinabi pa nga ng isang bulaklak na mas masarap siya kaya siya ang palaging tinitikman ng bubuyog. Sabi naman ng isa na siya ang mas masarap----"

I glare at him. "I don't have time for your abnormality" sabi ko bago ito tinalikuran at bumalik sa living room. I'm not in the right mood to tolerate his craziness.

"South! Maniwala ka! Nakakausap ko nga ang mga halaman! Ako raw ang Guardian of the Galaxy!"

Gago.

Hindi ko na ito pinansin pa. He keeps on talking and convincing me to believe him. Sinundan pa niya ako kaya mas lalo akong nairita. I gave him a one last glare. Sa huli ay lumabi nalang ito at ang anak ang inistorbo.

"Junakis the sixth, may special talent si Dada mo!"

"Talaga po?"

"Oo, anak! Nakakausap ni Dada ang mga halaman!"

"Wow! Ako rin Dada nakakausap ko ang mga gamit!"

Wala ngang duda na mag-ama nga sila.

Napailing nalang ako at akmang aakyat na muli sa hagdanan nang biglang bumukas ang pintuan sa main door. Lumingon ako at nakita na pumasok si Vape. His cold and stern look is not new to me. Sanay na ako sa kalamigan niya, medyo naninibago nalang ako ngayon dahil sa malamig niyang trato sa akin.

"Someone is looking for you" walang emotion niyang aniya. Nakatingin lang ito sa akin na parang hindi niya ako kilala.

My brows frown. Tatanungin ko sana kung sino ang tinutukoy niyang naghahanap sa akin nang biglang may pumasok sa loob ng bahay.

Kasing laki niya lang ang maliit na maleta niya. With his red scarf almost drowning him, he looked at me with his cold blue eyes.

"Hola, Hermosa!" mataas ngunit walang kabuhay buhay na aniya.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. What the hell is he doing here? Napatingin ako sa maliit niyang maleta at sa maliit niyang bagpack na suot. He looked like he travelled the world just to be here. Nasa itsura rin nito na pagod na siya.

"I saw him on the city. He's looking for you" sabi ni Vape. I'm still looking at the kid who's looking at me with worried eyes. "He said, he runaway just to be here. He wants to be with you."

Nagtagis ang bagang ko nang wala sa oras. Puno ng iritasyon ko itong tinignan.

"Sinong kasama mo?" I asked, gritting my teeth.

Umiwas siya ng tingin. He pouted his small lips and shook his head. At kailan pa siya natutong magpaawa?

"Don't tell me you travelled alone?" tumaas ang tono ko.

Nakompirma ko ang sagot nang mas lalo siyang napatungo. Kuyom ang mga kamaong lumapit ako sakanya at hinila ito sa braso. Shocked registered on his face. Ganoon din sa mga kasama ko na kanina pa pala nanonood sa amin.

Hindi maitago ang pagkayamot ko. His cold eyes softened and watered. Ngayon ko lang napagtanto na may ibabago pa pala ng emosyon niya.

"What the hell are doing here alone?" asik ko.

Tangina, ang bata pa niya!

Vape grab my hand. Tinignan ko siya ng masama.

"You're hurting your brother. He's still a kid" aniya.

"Iyon nga e! Bata pa lang siya pero papaano siya nakakapunta nang Japan nang mag-isa? How old are you again?" baling ko sa bubwit.

"I'm three..." he shook his head again.

"See? He's just three fucking years old! How did a kid travelled alone?"

"I have connections. I'm a Mafia Heir, don't you remember?" he reminded me, almost irritated.

Aba! At pinagyabang pa niya ngayon na Mafia Heir siya at maraming connection?

"Yeah, kiddo. Wala akong pakialam sa mga connection mo. Bumalik ka na sa Pilipinas!" pagtataboy ko.

"South, hehe, h'wag mo naman siya pauwiin kaagad. Kawawa naman si Baby" nakangusong sabi ni Tito Jackal.

"He travelled alone, Benedicto. Why are you treating your brother like that?" kunot noong sabi ni Vape.

Natigilan ako. I shook my head and gritted my teeth.

"Wala akong kapatid na tyanak."

"Of course you do. Aswang ka kaya paniguradong tyanak ang kapatid mo."

That made me almost hit Vape's face. Did he just called me aswang? Aba!

Nagtitimpi akong huminga nang malalim. How I wanted to punch him but no, we're still not cool.

"Hala! Aswang ka, South-chan? Hehe, magkamag-anak pala tayo! Tiktik kasi ako!" ani ni Josiah.

"Kapre naman ako!"

I took a deep sighed again. I'm so stressed with these people.

"I don't want to see that kid again" pinal kong sabi. Tinalikuran ko na sila at akmang aakyat muli sa hagdanan nang magsalita si tyanak.

"I came here to warn you. Mom wants to ruin you and your beloved boyfriend. I came here to save you..."

That made me stop. Si Mommy? Wala sa oras akong lumingon sakanya. Walang emotion akong lumapit muli rito. Yumuko ako hanggang sa magkapantay na kami.

"Tell your Mom to stop messing me. She might be my Mother but she doesn't know me yet. And to tell you kiddo, I don't need your help. I save myself alone."

Sinalubong nito ang malamig kong tingin. I could see my reflection on his eyes. Parang tinititigan ko lang din ang sarili ko sa mga mata niya, iyon nga lang, may kaonting takot akong nararamdaman. How did he made me feel like this? Sino ba talaga ang batang 'to?

"Ella será la muerte tuya, hermana. Ella es la muerte..."

Eh?

Sa bwisit ko sa biglang pag e-espanyol niya ay nagtagis bagang ako.

"Chirikong kwayla abutchiki kikiki!" Tinalikuran ko na ito at dire-diretsong umakyat sa hagdanan.

Letche!
_

Continue Reading

You'll Also Like

417K 15.1K 40
We have symbol, we have fang, we bite, we kill, we study. Welcome to Bloody Hell University. A school for Vampires. Date finished: November 20 2020 L...
117K 9.9K 47
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
11.9M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
GUNS By DEMGEL_28

Teen Fiction

6.7K 455 34
(COMPLETED) Iba't-ibang kwento ng buhay ay nagtagpo ang mga landas. Unang pagkikita ay hindi naging maganda. Puro pag-aaway at bangayan kapag nagkita...