Cage My Spirit

By EuropaJones

12.4K 1.2K 230

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight

Chapter Thirteen

366 40 1
By EuropaJones

TUMIGIL KAMI SA harap ng Bubble Wash Laundry Shop. Basa ang kalsada. Masangsang ang amoy. Bumper to bumper ang sitwasyon dito sa Masangkay Street ng Chinatown. Masakit sa tainga ang busina. Oras ng road rage.

Ang labahan ni Aling Puring, nasa pagitan ng Chinese drugstore at travel agency. Magkakatabi silang lahat sa building.

Lumalabas sa laundry shop ang comforting na amoy ng detergent soap, bleach, at fabric conditioner. Kita ko sa loob ang white interior, pinapakitang magaling silang magtanggal ng mantsa. Naroon sa counter ang isang matandang babae.

Humawak ako sa steel handle ng glass door, papasok na sana kung hindi lang nagsalita si Maki.

"Wait, Jaja. I can't believe you're actually entering. Baliw ang barker. I'm just not sure if we can trust him—whether the answer is inside or not."

"Wala naman tayong magagawa, Sir Maki. Parte ng katawan ko ang punseras. Masasaktan tayo kapag pwersang pinutol. Lumapit tayo sa pari, tumagos sa 'yo ang holy water. Sinubukan na din natin ang Chinese tradition niyo tungkol sa mga kaluluwa, tumagos sa 'yo ang insenso at usok. Kahit ang Google, walang alam," paliwanag ko, "May mga bagay tayong hindi maipaliwanag. Tingin ko, normal lang na matakot ka. Kasi iyan ang reaksiyon nina Jenny sa tuwing ginagambala ako ng multo. We are all afraid of things we can't explain. So sometimes, we have to do things afraid. It's gonna be okay."

Wala na siyang sinabi kaya tinulak ko ang pinto at pumasok. Tumunog ang open/close sign matapos nitong tumama sa glass door. Pagpasok, binalot ako ng flowery scent ng mga sabon at malinis na damit. Nag-angat ng tingin ang babae sa counter, at ngumiti nang malawak.

"Uhm... Hello po," sabi ko sa babae.

"Itim na Converse sneakers, kupas na pantalon, pink na blusa, wala kang dala na maruming damit, at mukha kang hindi sigurado kung bakit ka nandito," sabi ng babae, "Ikaw nga si Jaja at kasama mo si Maki."

Naglikahan ang mga mata ko.

Tumayo siya, aliw na aliw sa reaksyon ko. Matabang babae pala siya. Suot niya ang flowery dress na madalas suot ng mga lola. Malaki ang kaniyang dibdib at braso. Naka-bun ang kaniyang itim na buhok—walang tikwas. Suot niya ang reading glass. Lumalabas ang mga biloy sa mataba niyang pisngi. She was the total picture of Lola Basyang, except she wasn't that old and her hair was not white. But seeing her smile, anyone would thought of freshly baked chocolate chip cookies and a tall glass of full-fat milk from our grandmothers. One could sense the warmth from being near this old woman.

"Nah!" sabi niya, "Wag mo nang tanungin kung bakit ko alam ang pangalan mo. Nakilala niyo na si Ponyo kanina. Tinuro niya kayo sa akin. Ako si Aling Puring."

"Ponyo? Siya po ba ang barker?" tanong ko.

"Kung nandito kayo, ang ibig sabihin, may nangyayari na sa ibaba," sabi ni Aling Puring, "Hay naku. Pinaghalo na naman ni Katrina ang dekolor sa puti."

Ano daw?

"They are speaking as if they could see the future," obserbasyon ni Maki, "Alam ng barker kanina na darating tayo. Alam ni Aling Puring kung sino tayo. Higit sa lahat, nakikita nila ako kahit maliwanag. Iba talaga ang hinala ko."

Parehas kami ni Maki ng hinala. Hindi basta-basta ang mga kausap namin.

"Pwede ba kayong sumama sa akin sa basement?" lumawak ang ngiti ni Aling Puring, "Magkwentuhan tayo habang naglalakad."

Sasama ba ako? Ming hindi ko naman siya kilala. Kahit pa mukha siyang friendly... You never knew with first impressions. What if axe murderer pala itong si Aling Puring?

Tumawa si Aling Puring. "Hija, wala akong sibak. Paano ako magiging axe murderer?"

Suminghap ako.

"And I add," sabi ni Maki, "This woman could also read our thoughts!"

"Ikaw na din ang nagsabi kay Maki, hija. Takot kayong mga tao sa bagay na hindi maipaliwanag. Kaya kailangan mong pumasok dito, harapin ako na natatakot," kumindat siya sa akin, "Walang dahilan para matakot kapag kasama niyo ako."

Nilunok ko ang takot at humakbang papunta kay Aling Puring.

Pumasok kami sa masikip na hallway. Naroon ang dalawang pinto. Ang pinto sa kaliwa, pulos aparador na naglalaman ng clean laundries in plastics. Nasa loob ng plastic ang maliit na papel—kopya ng resibo. Ang pintuan sa kanan, walang pinto. Naroon ang hagdan pababa sa basement. Una munang bumaba si Aling Puring. Sumunod ako sa kaniyang likod.

Nasa gitna pa lang kami ng hagdan, tumitindi ang amoy ng sabon. Lumipad ang bubble sa harap ng mukha ko at doon ko nakita ang repleksyon ng aking mukha. Pumutok ito matapos sumayad sa kanang dede ko.

Puti ang pintura ng mga pader. Basa ang sahig. Kahit laundry shop ito, wala akong makita na washing machine. Pulos drainage sa bawat sulok ng basement, doon lumalabas ang tubig. Mataas ang celing. Higit sa lahat, napakalaki ng spasyo ng basement. Halos sakop na nito ang pwesto ng Chinese drugstore at travel agency.

Far ahead, naroon ang sampayan. Eclosed ito sa loob ng glass room. Tutok ng kakaibang bulb lights ang mga damit, na parang pinapatuyo nila. Tumatama sa mukha ko ang ilaw—medyo mainit.

Ang daming empleyado. Babae at lalaki, nandito sa basement. Pinatong nila sa isang mahabang lamesa ang palanggana na punung-puno ng bubbles, saka sila nagkuskos ng damit. Pare-parehas ang suot nila. Puting t-shirt, hair net, medical face mask, red apron, black pants, black boots, at rubber gloves.

Abala ang lahat sa paglalaba. Tutok. Lumilipad ang bubbles sa buong paligid.

"What is this?" manghang tanong ni Maki.

"I don't know, sir. Ngayong lang din ako nakapunta dito."

"Well, I'm not asking you," sabi niya.

Sumunod kaming dalawa kay Aling Puring. Tumigil siya sa isang labandera. "Katrina?" kahit mukhang inis, hindi nawala ang ngiti sa chubby face ng matandang babae.

Inalis ni Katrina ang medical face mask at tumambad sa amin ang maganda niyang mukha. "Pasensiya na po, Aling Puring! Default mode ang utak ko. Hindi ko namalayan ang pulang panyo sa grupo ng puting damit. I'm so heartbroken! He wasn't supposed to break up with me, but he did anyway! Palibhasa ordinaryong tao siya. He left me in vain as a Jinxed!"

Jinxed? Ano ang ibig sabihin ng Jinxed?

Ang mga puting damit na nasa isang palanggana, naging kulay pink. Brokenhearted kasi ang labandera.

Umiling-iling si Aling Puring. "Hayaan mo na, Katrina. Ganiyan talaga ang mga tao. Pabago-bago ang isip nila."

"Wag po kayo mag-aalala. Aayusin ko ang mantsa," sabi ni Katrina. Inangat niya ang mga kamay, at saka umangat ang tubig bula. Up, up, up and above everyone's head going left. We watched the soapy water hurl up, and down again into the drainage, then it was gone. Not one drop.

Kumurap-kurap ako. Hinawakan ko ang palanggana kung saan galing ang tubig sabon.

"It was dry as a drought," sambit ni Maki matapos pakiramdaman ang hinawakan kong palanggana.

Ngumiti sa amin si Katrina. Kinumpas niya ang kamay sa puting damit na naging pink. Humilay ang kulay at dahan-dahang naging puti ang tela. Lumutang ang kulay at saka binalik ni Katrina sa pulang panyo.

Kinurot ko ang pisngi—sobrang higpit.

"Aw!" reklamo ni Maki.

"Just a reality check. Turned out, I'm awake," binalingan ko si Aling Puring, "Ho-how is all this possible?!"

"Sakto ang dating niyong dalawa!" sabi ni Katrina, "Babalik si Aling Puring mamayang hating gabi sa ulap. Magsisimula ang isang buwang piyesta sa siyudad. Kailangan, naroon siya."

"Mukha silang nalilito sa labahan natin," ngumiti si Aling Puring, "Bakit hindi ko muna i-kwento sa kanila?"

"Shoot!" sabi ni Katrina. Binalik niya ang medical face mask sa mukha at binalikan ang ginagawa.

"Ilang dekada na ang labahan ko," simula ni Aling Puring, "Tutok ang attensiyon nilang lahat sa kani-kanilang palanggana. Hindi niyo nakikita pero sa pagitan ng bula at tubig, nakikita namin ang nangyari sa mga tao habang suot nila ang damit na nilalabhan. Naroon ang problema, lungkot, dismaya, tuwa at kung anu-ano pa. Sa buhay ng mga tao, madalas ang kanilang tadhana ay nagugulo. Kaya sa bawat kuskos sa tela, sinasabunan namin ito ng salamangka, pinapatuyo ang mga damit, at saka ibabalik sa customer. Kapag sinuot na nila ang damit," ngumiti si Aling Puring, "tutulong ito para masunod ang kanilang tadhana."

Gusto kong umiyak sa narinig ko.

"Ngayon! Ano ba ang maitutulong ko sa inyong dalawa?" pag-iiba ni Aling Puring sa usapan, "Hmmm... Oo nga pala. Tungkol ito sa gintong punseras na binigay sa inyo ng mangkukulam. Humiwalay ang kaluluwa ni Maki sa kaniyang katawan. Naku! Mahaba-habang usapan ito. Bakit hindi tayo pumasok sa canteen para kumalma ang katawan mo, Jaja? Hindi madali ang ating tatalakayin."

Sumunod kami sa pasikot-sikot ni Aling Puring, pinapanood ang palanggana, umaasa na may makikita akong eksena sa pagitan ng bula at tubig. Kaso wala.

Bumalik kami sa ilalim ng hagdan. Naroon ang entrance papunta sa canteen. Pumasok kaming lahat, pinunas ang paa sa basahan. Black ang white ang tiles. Nalanghap ko ang amoy ng brewed coffee. Naroon sa loob ang mga lamesa at upuan. Mukhang malinis. Kahit nandito ako sa Maynila, wala kang makikitang gumagapang na daga dito sa loob ng basement.

"Ay, naku! Bawal ang daga dito. Hindi kaming lahat lumaki sa lupa kaya talagang natatakot kami sa tuwing may daga. Pumili kayo ng upuan. Susunod ako. Maghahanda ako ng biscuit at maiinom para sa inyo."

Umupo ako sa pinaka malapit na lamesa. Pinagmamasdan ko ang buong lugar habang hinihintay si Aling Puring.

"All this time..." sabi ni Maki, "we are not aware of this world. They are hidden under our noses. Ang lahat ng multong nakikita mo, Jaja, totoo silang lahat. Nobody believed you but them. I mean...there's no word that will suffice about this!"

"Hindi lang ikaw, Sir Maki! Ewan ko kung saan ako magsisimula. Ano ang una kong itatanong. Baka umabot tayo ng hating gabi, tapos tungkol sa lihim nilang mundo ang pag-uusapan natin sa dami ng tanong ko."

"Well, about that. I think we have to be wise about the time. It's already quarter to eight according to your wrist watch."

"Yes, sir."

Saka lang dumating si Aling Puring, bitbit ang baso ng mga juice at biscuit. Isa para sa akin at isa para sa kaniya.

"Tama si Maki," simula niya, "Limitado ang oras natin kaya diretsa ang mga tanong at sagot. Pero gusto kong kamustahin ang katawan mo, Maki."

"Ang sabi ng doctor," sagot ko, "Heat stroke daw. Pero walang may alam kung bakit siya comatose hanggang ngayon."

"Kung anu-ano lang ang sasabihin ng doctor. Hindi nila iyon malalaman," tumango-tango si Aling Puri. "Epekto iyon ng gintong punseras—ang pagtulog ng iyong katawan."

Inubos ko sa isang lagok ang juice. Sobrang nauhaw ako sa mangha matapos makita ang lumulutang na jeep at ang labahan.

"Sino po ang mangkukulam na nagbigay sa amin ng punseras?" tanong ni Maki, "Mangkukulam ba si Lolo Pepe?"

"Pasensiya na, hijo. Hindi ko alam. Wala naman sa tadhana ko ang malaman kung ano ang pangalan ng mangkukulam na gumawa nito sa inyo. Ang alam ko lang ay kung paano ito matatanggal."

My heart suddenly became a bright burning ember.

"Hindi lang iyan basta ginto, sinalinan iyan ng salamangka. Iyan ang ginagamit ng awtoridad para parusahan ang masamang espirito. Dalawang pares iyan. Ang suot ni Jaja, madalas ikinakabit sa bakal ng kulungan. Ang sinuot ni Maki, ang siyang binibigay sa masamang espirito. Ewan ko kung paano at saan nakuha ng mangkukulam ang punseras. Binigay niya ang mga ito sa inyong dalawa. Unang sinuot ni Maki. Matapos suotin ni Jaja, humilay ang kaluluwa ni Maki sa kaniyang katawan, gumapos sa katawan ni Jaja."

Naalala ko na pwersang sinuot ni Lolo Pepe ang punseras sa akin. Doon pala mismo bumagsak si Maki at ilang sandali lang, narinig ko ang wang-wang ng ambulansiya.

"Pwede niyo na po bang tanggalin ngayon din?" tanong ni Maki.

"Hindi alam ni Ponyo ang gagawin kaya sa akin niya kayo itinuro. Lumang mahika ang nakapalibot sa gintong punseras. Mahirap buwagin. Kailangan ng isang kagamitan at matatanggal iyan agad."

"Do you have the tool?" excited na tanong ni Maki.

"Wala sa akin, hijo. Kailangan niyong lumapit sa isang sorcerer. Siya lang ang may kakayahan na gumawa ng kahit anong bagay mula sa wala. Isang kumpas lang sa hangin, mabubuo ni Vixon ang kagamitan na siyang magtatanggal sa gintong punseras. Kahit kay Jaja lang ang mabali, awtomatikong masisira ang punseras na suot ng katawan ni Maki. Lilipad ang kaluluwa mo pabalik sa iyong katawan."

So this Vixon was a sorcerer who could create things out of nothing. Just a snap of his finger, the proper tool would be brought into existence. Whoa...

"Ano pang hinihintay natin?" excited na sabi ni Maki, "Tara na, Jaja! Nasaan ba ang Vixon na 'yan?"

"Plorero si Vixon. Nandito din sa Maynila ang kaniyang tindahan. Gumagawa siya ng bulaklak para sa patay, kasal, at araw ng mga puso."

Tumayo na ako. "Saan po namin makikita ang flower shop ni Vixon?"

Nawala ang ngiti ni Aling Puring. Tumapal ang makapal na ulap sa kaniyang masiglang mukha. "Umupo ka muna, hija. Patapusin mo ako magsalita."

Umupo ako.

"Si Vixon lang ang kakilala kong sorcerer dito sa Maynila. Ang susunod na kilala ko, nagtatago sa Baler, Aurora. Ewan ko kung saan nakatira. Sorcerer/sorceress...walang mabait at masama sa kanila. Dinidikitahan sila ng kanilang personal na interest. Kukunin nila ang lahat basta nakasaad sa kanilang tadhana."

"Kukunin? Ano pong kukunin nila?"

Lumunok si Aling Puring, "Hindi ako nag-aalala kay Maki. Iniisip ko ang kaluluwa mo, Jaja. Delikado para sa 'yo ang puntahan si Vixon. Isang tingin pa lang, makikita niya agad ang dalawang bagay tungkol sa 'yo."

Kumunot ang noo ko.

"Una," sabi ni Aling Puring, "Mayroon kang dugo ng salamangka, hija."

"Ano po?" naglakihan ang mga mata ko.

"Kaya mo nakikita ang mga multo. Mahina pero mayroon kang dugo ng salamangka. Kapag nakita ka ni Vixon, makikita niya agad iyon. Lalalim ang kaniyang interes sa 'yo."

Natahimik ako.

"Pangalawa, taliwas sa paniniwala niyong mga tao, ang kaluluwa ay namamatay. Kapag ang tao ay nakaranas ng matinding trahedya, wala nang balikan pa, walang hilom—mamatay ang kaluluwa."

Silence.

Binasag ni Maki ang katahimikan. "Anong pong mangyayari kapag namatay ang kaluluwa?"

"Ano ba ang itsura ng isang tao kapag wala siyang kaluluwa?" balik-tanong ni Aling Puring.

I suddenly remembered a documentation video in National Geographic about Adolf Hitler. He lost the will to love and live. He felt a little less, he failed to give his heart in everything he did, he lost his beliefs, and he faced the world with cold blank eyes upon authorizing the holocaust which killed millions of Jews. Ganoon. Ganoon ang nilalang na walang kaluluwa.

"Tama ka, Jaja. Ang taong walang kaluluwa, walang mararamdaman kahit pa maligo siya sa dugo ng taong kaniyang pinatay. Manhind. Matinik. Sakim. Brutal."

"Sinasabi niyo po bang patay na ang kaluluwa ko?" pumiyok ako.

"Walang problema sa kaluluwa ni Maki. Buhay na buhay siya. Ikaw ang iniisip ko," nanlisik ang mata niya, "Sa tingin ko, may nangyaring masama sa 'yo noon. Bitbit mo pa rin ang sakit hanggang ngayon. Minsan, kapag ang puso ay nasaktan, matutulog ang kaluluwa. Humihilom. Nagpapalakas ulit. Hija, ang kaluluwa mo ay natutulog. Hinang-hina sa sakit."

Yumuko ako at kinuyom ang aking mga daliri.

"Sa tingin ko, alam mo ang ibig kong sabihin," sabi ni Aling Puring, "Mag-ingat ka kay Vixon. Dahil makikita niya ang kaluluwa mong tulog." 

Continue Reading

You'll Also Like

273K 16.4K 32
"Isabelle is now officially signing off." ILYBRPW BOOK 2. Plagiarism is big crime.
1.1K 103 16
Narito ang ilan sa mga pyesang nalikha ko
662 69 11
Kung ang pag-ibig ay tila isang digmaan kung saan ito'y mapanlinlang na laro ng tadhana, handa ka bang...lumaban? Si Mateo ay pinuno ng isang sikreto...
10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...