The AIR i Breathe

By walangmagawa1210

1.1M 27.8K 1.7K

Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer sk... More

the air i breathe
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 Part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 10 part 3
Chapter 11
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13
chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20
Chapter 21
Epilogue

Chapter 8

39.1K 914 46
By walangmagawa1210

Date updated : 8-14

AN

Medyo masama ang timpla ng mood ko ngayon... kaya hindi ko alam kung ok itong chapter na ito. ire-review ko na lang kapag nasa mood na ako.

Hiast sa dami pa ng idea ko sa kwento na to.. mukhang matatanggal na naman sa short story category ito!.. But I will still try my best to compress this.

Hindi talaga ako sanay magsulat ng maikli!

Chapter 8

Air

"WHAT THE HELL WERE YOU THINKING!!!" Nanggagalaiti si Manager Leanne, labas lahat ng ugat sa leeg, pati na rin sa mukha! Siguro kung mag-audition sa horror movie ito, papasang impakta ito. Hindi ko sya masisisi. Malaking gulo nga naman ang nangyari kanina. And it's all my fault.

"Ouch! Dahan dahan nga Gaygie!" Ginagamot ni Gaygie ang mga natamo kong sugat. Ang sakit din ng buong katawan ko.

"Sorry naman bossing. Kayo naman kasi, ano ba ang nakain nyo? For the first time, nawala kayo sa kanta! Para kayong nahibang kanina at biglang nawala kayo sa sarili. Akala ko si sisa lang ang nagkakaganon--"

Tinignan ko sya ng masama.

"Manahimik ka na nga lang."

"Sabi ko nga bossing."

Nasa backstage kami, dalawang oras matapos magka-riot sa Event center ng mall. You heard me right. Nagkaroon ng riot dahil hindi ako nag-iisip and I was at the middle of it! Sobrang pinagkaguluhan ako. Halos lahat ng tao ay nagpumilit na makalapit sa akin to the point na nagkapikunan at nagkasakitan na ang lahat. It took a lot of guards to disperse the crowd at nandito pa din kami sa backstage at nag-iintay ng go signal kung pwede na kaming makaalis.

"Hindi ata nakabuti ang bakasyon mo. Mukhang mas mabuti pala na hindi ko na kayo pinagbakasyon, lumulutang tuloy yang utak nyo!"

"Si Air lang yon, matino kami manager." Sabi ni Carlo.

"At kayo naman, kapag sinabi kong 5 songs... 5 SONGS LANG!!! Bratatatatattataatatatatatattatatatata!"

Yung mga ka banda ko na ang napagbuntungan ng galit ni Manager. Alam nyang kahit na gaano ako kapalpak ay hindi nya magawang pagalitan ako ng husto.

"I saw her Gaygie." Pabulong na sinabi ko sa PA ko.

"Ano naman ang nakita nyo? Hindi kaya naka-apak kayo ng nuno sa punso kaya hindi maintindihan ang kinikilos nyo at kung ano-ano ang nakikita nyo?!"

"Tigilan mo nga ako dyan sa kalokohan mo. I'm serious, I saw her."

"Sinong her? Ang dami nyo naman kasing her... Si ana, si belle, si carla, si dana... Alphabetical order yon bossing a.. Itutuloy ko pa ba, si erin... Si fritz....? O ang nagtagal na girlfriend / current, na si Madz?"

"No... Si Kyle...."

"Si Ms. Diwata? "

"Sino pa ba?"

Tinignan ako ng nakakaloko ni Gaygie.

"Nakooo.. Bossing iba na talaga yan a.." May panunukso ang boses nya at may pataas taas pa ng kilay.

"Sa dinami-dami ng babae mo, ngayon ka lang nagreact ng ganyan. Para ka pang nababaliw! Uyyyyy... Mukhang tinamaan ka na sa wakas ni cupido a! At may pahabol habol pang nalalaman!!!! Uwaaaaa!!!! Sweet ka pala bossing!!!!!"

Tinakpan kong bigla ang bibig nya dahil napapalakas ang boses nya!

"Manahimik ka nga!"

Hindi na sya nagsalita hanggang sa pagtanggal ko ng kamay ko sa bibig nya, pero hindi naalis sa mukha nya ang panunukso. Ang sarap lang burahin ang mukha nito!

"I want you to do something for me."

"Anything for you bossing."

"Lumabas ka muna at tumingin tingin ka sa paligid, baka sakaling makita mo si Kyle. I just want to know if she's ok."

"Ahiihihihih... Weee.... Iba na talaga ito!! Concerned??? "

"Labas na!"

"Ok.. Ok... Chill.. Chill..."

Kyle

"Mabuti na lang at nag-aya ka ng umalis bago pa matapos yung kanta ni Air, kung hindi! Naku! Baka burado na sa earth ang beauty natin!! At doon pa daw mismo sa event center nangyari ang riot!" Sabi ni ate Ja. Nasa Starbucks kami ngayon at nagpapalipas ng gulo.

"Ano kaya ang nangyari? Bakit kaya biglang nagkagulo?"

Kamusta kaya si Air, I hope he's ok.

"Hoy! At bakit naman parang alalang alala ka dyan? Wala ka namang dapat ipag-alala sa akin. Maayos naman ako."

"At bakit naman ako magiging concern sa 'yo. Kahit siguro nakasama ka sa riot, hindi ako mag-aalala sa 'yo. Baka doon pa ako mag-alala sa makakasagupa mo."

"Hhhhmmmp! Salamat a.. Ang bait mo talagang pinsan! " she said sarcastically.

"You're welcome." I smiled at her sweetly.

Maya maya ay napatingin ako sa may pinto ng store ng may pumasok na napaka gandang babae.

Pamilyar sa akin itong babaeng ito e. Hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita. Nakatingin pa din ako sa kanya habang umoorder sya sa counter.

"Ate Ja, sino yon? Pamilyar sya kasi e." Tinuro ko yung babae sa counter.

Tinignan nya ng mabuti. "Oh! Si Madz Del Rosario!" Tinapik nya ang kamay ko. "Alam mo, ikaw, wala ka talagang kaalam alam sa mga celebrity. Model yan ano. Para namang hindi ka dumadaan sa EDSA. May malaking billboard yan doon. "

"Aaaaa... Kaya pala pamilyar. " pero parang hindi sa billboard o sa kahit na anong print ads at commercial ko sya nakita. Hmmm saan kaya?

Bigla akong napayuko ng may pumasok na babae na para bang may hinahanap. OMG! ANONG GINAGAWA NI GAYGIE DITO!
Madali akong kumuha ng magazine sa may katabi naming rack at itinakip ko ito sa mukha ko.

Ano ba yan! Sa lahat naman ng pupuntahan nitong babaeng ito ay dito pa sa Starbucks!

"Hindi ko alam na nagbabasa ka na pala nyan..." Sabi sa akin ni Ate Ja na may panunukso sa boses nya. "Naghahanap ka ba ng source para sa mga isinusulat mo?"

Huh? Anong sinasabi nito?

Lumapit sya sa akin at dinungaw pa yung page na nakabukas.

"At iyan pa talaga ang binabasa mo a!"

Nag-focus ako sa magazine na hawak ko at bigla ko itong naitapon!

OH MY VIRGIN EYES!

Ano bang magazine yang nadampot ko! Bakit meron ganon dito! Si Ate Ja naman ay hindi mapigilan ang kakatawa. At kung makahalakhak pa man din yon, wagas na wagas!

Haist! Sa halip na maitago ko ang sarili ko ay naka-catch pa kami ng atensyon! Me and my stupidity!

Ayan tuloy! Napansin kami ni Gaygie! Lumawak ang ngiti nya at papunta sana sya sa amin ng tawagin sya ng magandang babae.

"Gaygie!"

Ok so kilala ni gandang babae si Gaygie. Napasimangot naman ito ng makita sya. Parang mabigat sa loob nya na lumapit sa table nung babae kung saan sya naghihintay ng order nya.

"Itinawag sa akin ng manager ni Air ang nangyari and I got here as fast as I can. Kamusta na si Air? Is he alright?" Concern na tanong nito pero parang may katarayan at kung kausapin si Gaygie ay parang katulong lang ito. Kaya siguro mukhang allergic si Gaygie sa kanya.

"Ayun.... Buhay pa naman.. Pero ang daming pasa."

"Oh my! Kawawa naman ang sweetheart ko!"

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko!

Ano daw!

SWEETHEART!

Girlfriend?!

That's when I remembered where I saw that girl.. Sa cellphone ni Air!!!

Ano na nga bang pangalan non? SI MADZ!

"Ok na sya, nakakalakad pa naman, kaya pwede ka ng bumalik sa ginagawa mo. Diba may photoshoot ka ngayon? Balik ka na don."

Tinaasan ni Madz ng kilay si Gaygie.

"And who are you to tell me that?! PA ka lang nya. Girlfriend ako. Mas may karapatan akong magsabi sa yo na ikaw na lang ang umuwi, at ako na ang bahala sa boyfriend ko."

Tumayo na si Madz. Imbyerna ang beauty nya.

"Antayin mo yang inorder ko at dalhin mo sa backstage."

Napangiwi si Gaygie at hindi na itinago ang pagkairita nito.

"Paano mo nalaman na nandoon pa si Air?"

"I told you.... I'm his girlfriend and I know everything about him."

Halos hindi na maipinta ni Gaygie ang mukha nya ng umalis si madz.

"Grabeng taray naman non. Kala mo kung sinong maganda, saksakan naman ng sama ng ugali." Sabi ni ate ja na narinig din yung conversation ni Gaygie at ni Madz. E si o ba ang hindi makakarinog non, ang lakas kaya ng boses!

"Kawawa naman si Gaygie, pinagmukha syang walang alam." Sabi ko na iiling-iling.

"Kilala mo sya?"

"Ha! H-hindi ano! Narinig ko lang na nabanggit ni taray yung pangalan ng PA ni Air." Hindi ko sure kung nabanggit nga o hindi... Tinignan ako ng masama ni Ate ja na parang hindi sya sold-out sa sinabi ko. Nyiikkksss... Ano ba yan! Nadulas naman ako. Exit nga muna ako, para makaiwas sa interrogation.

"Wait, lang a, cr lang ako."

Mabilis akong tumayo ay nagpunta sa CR. Pagpasok ko dito ay humarap ako sa salamin at huminga ng malalim.
I shouldn't be feeling like this. Girlfriend nya yon. Pero bakit parang ang sakit lang sa dibdib. Ano ba naman kasi ang feeling ko. Dalawang araw lang kaming magkasama, feelingera na ako na may gusto sya sa kin. And in the first place, alam na alam ko naman na babaero si Air. I really have to get over this stipid crush! Sinasabi ko na nga ba na ayokong nakakaramdam ng something sa dibdib ko. Ang bilis tumibok, ang hirap naman kontrolin!

Biglang may pumasok sa CR. Ang pagkakataon nga naman! Si Gaygie na naman! Nanlaki ang maga mata noong nakita nya ako sabay napanganga pa!

"Aaaaaaa!!!!! Si Ms. Diwata!!!"

Dali-dali kong tinakpan ang bibig nya.

"Ano ka ba! Napaka-eskandalosa mo naman!"

"E. Kasi naman e.. Dito ka lang pala nagtatago. So, hindi pala nag-hahalucinate si bossing. Totoo palang nakita ka nya. "

"Ha? Anong sinasabi mo?"

Inilapag nya sa lababo yung dala nyang mga kape.

"E kasi, nakita ka nya sa crowd kanina. Hindi ko nga maintindihan, parang sinapian. Alam na alam naman nya na hindi sya dapat sumusugod sa madlang people ng walang nakapalibot na body guard! Kaya ayon,, dahil hinahanap ka nya... Nagkaroon lang naman ng riot.. Riot lang naman, hindi ka dapat mag-alala. Madami lang naman syang pasa, muntik lang naman mabalian.. Ayun lang. "

"Ano!"

"Ang haba ng hair mo sister... Biruin mo.. Nagawa nyang sugurin ang madlang people para sa yo! Hahahhaa!"

Kinuha nya yung cellphone nya.

"Wait lang,, magrereport lang ako kay bossing na nakita na kita."

Bigla kong kinuha sa kanya yung cellphone nya.

"Wag mo na sabihin sa aka ya na nandito ako. please!"

"At bakit hindi?! At least nga ngayon, may ipamumukha na ako sa malditang Madz na yon na hindi na sya ang type ng bossing ko. hahahaha! mukha nya! Akala nya kasi kung sinong syang maganda, e di hamak naman na tatalbugan mo ang beauty nya! "

"Gaygie... iyon na nga yon e. My point exactly. Ayoko ng gulo."

"Hindi naman tayo manggu-gulo. Away lang promise! hahahaha! Jowks lang! ito talaga, di man lang mabiro!"

Huminga ako ng malalim.

" I don't want to be involve with him."

Napatigil sya at tinitigan nya ako na para bang hindi sya makapaniwala.

"Ano? Seryoso? Ayaw mong ma-involve sa pinaka gwapong nilalang sa sangkatauhan? Tama ba ang narinig ko?"

Nanalalaki ang mga mata nya, kulang na lang lumuwa ito.

"May girlfriend na sya e. Kay Madz na lang sya. "

"E kung ikaw nga ang gusto nya e. Pero... Sabihin mo sa kin, wala ka man lang bang pagtingin sa kanya, kahit slight lang?"

Sandali akong natahimik at nag-isip.

"Wala."

"SINUNGALING!"

Aray! Ang sakit sa tenga non a!

"Ano ka ba? Natural bang hyper ka? I-tone down mo nga iyang boses mo."

"A basta.. Hindi ako naniniwala sa yo. Obvious naman kapag tinitignan mo sya. May something talaga e. Uyyyyyy... "

Am I that obvious? Mukhang hindi ako makakalusot dito.

"Ok sige, sabihin na natin na may slight crush ako sa kanya." Slight crush daw o! Kunwari lang yon, pero ang totoo, hindi lang slight crush ang nararamdaman ko kay Air. It's soo much more.

"I can't be involve with someone who's already taken. Saka isa pa, ayoko sa lalake yung walang loyalty. May girlfriend na pero tumitingin pa din sa iba. E paano kung, maging kami, tapos ako ang lumagay sa katayuan ni Madz, tapos may ibang babae si Air. Baka magmaldita na rin ako, at ayokong mangyari yon."

"Hindi mangyayari yon.."

"Hindi mangyayaring tumingin sa iba si Air? O hindi mangyayari na magmaldita ako."

"Ummmm...siguro yung hindi mangyayaring magmaldita ka. Mukhang mabait ka talaga e. "

Tumaas ang kilay ko. " haaay, you see. Mismong ikaw na pinaka-nakakakilala kay Air ay hindi masabing magiging loyal sya. Ayoko ng ganon."

"E paano kung sabihin ko sa 'yo na, iba ang pagtingin nya sa 'yo. Ngayon ko lang talaga nakitang ganon ang bossing ko. Hinahanap-hanap ka nya. Promise talaga. Parang iba ang kinikilos nya. Tanong sya ng tanong kung kamusta ka na kaya. Ngayon, pinahahanap ka pa nya, nag-aalala baka nasaktan ka sa riot kanina. Usually, walang pakialam yon. Ang babae ang tanong ng tanong, hindi sya. "

Totoo ba ang sinasabi nito? O tinutulungan lang nya ang bossing nya na mabilog ang ulo ko. Well... No matter, kahit na ano pa ang sabihin ni Gaygie, may girlfriend sya at hindi ako pumapatol sa mga taken na.

"Sa tingin ko Gaygie, mas mabuti talaga na, wag mo nang sabihin na nakita mo ako. Sabihin mo na lang na namalikmata nga talaga sya. "

"Pero... "

"Gaygie... Please."

"Kawawa naman si bossing."

Muntik na akong matawa don a. KAWAWA? Hello!

"Malabong magiging kawawa ang boss mo. He'll get over his infatuation, sooner or later. "

"Pero bagay kayo, saka gusto kita. Kahit nga si Aling Rosing gustong gusto ka din para sa alaga nya."

Mukhang hindi matitigil ito. Napahinga ako ng malalim.

"Ok sige ganito na lang. Let's make fate work. Kung talagang kami, magkikita ulit kami. Pero by that time, kailangang hindi na sya involve with anyone..."

Magpo-protesta pa sana sya pero pinigilan ko sya..

"Kailngan nagbago na sya... At wag na wag mo g sasabihin na nakita mo ako."

"Pero..."

"Period!"

Air

It's been two weeks since the mall incident, at hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na namalikmata lang ako, I saw her, I just know it! Hindi rin sya nakita ni Gaygie sa paligid.

I really don't know what is happening to me, halos mag-iisang buwan na mula noong huli kong nakita si Kyle, pero hanggang ngayon ay hindi pa din sya nawawala sa isip ko.

Si Manager Leanne medyo nagiging concern na nga. Yes, nagagawa ko naman yung mga pinagagawa nya, I've already recorded some of my songs for my new album, pero hindi satisfied si Manager, parang may kulang daw. And I know what she meant. Ako rin nakukulangan, parang there's something missing... Maagang natapos ang recording kanina kaya 9pm nandito na ako sa bahay, nakahiga at lumilipad na naman ang isip to someone that I've been missing.

Tinignan ko ulit yung cellphone ko. binuksan ko ulit ung contacts ko.

Arrrrgggg! I still can't get myself to call her!

Biglang bumukas ang pinto at nagkaroon ng commotion!

"Sinabi nang hindi sya pwedeng istorbohin e!" Sigaw ni Gaygie.

Si Madz ay dire-diretso sa loob at namumula ang mukha sa galit.

"At sino ka para pigilan ako! Katulong ka lang dito!"

"Oo, katulong nga ako dito, pero, kabilin-bilinan ni bossing na hindi sya pwedeng istorbohin! kaya kung pwede ba---"

Sinugod ni Madz si Gaygie at sinampal ito!

"SUMOSOBRA KA NA TALAGA! ISANG LINGGO MO AKO HINDI PINAPASOK DITO! AKALA MO KUNG SINO KA! ALAM KONG AYAW MO SA KIN PERO AKO PA RIN ANG GIRLFRIEND NI AIR AT WALA KANG KARA---"

"Tama na Madz!"

"Itong PA mo a! sumosobra na!"

"Tama na! Tigilan mo na yan! Hindi kasalanan ni Gay-"

"At kinakampihan mo pa! My goodness! Ako ang girlfriend mo! At sya---"

Tumingin ako kay Gaygie at nakita kong konti na lang ay mag-aamok na ito. Kilala ko si Gaygie, kung magalit yan, siguradong hindi na makikilala si Madz paglabas ng bahay na ito.

"Sige na Gaygie, ako na ang bahala dito."

"Bossing.. paliwanagan mo yan bruhang yan! At kung hindi magtino yan... bukas siguradong puro liwanag na lang ang makikita nyan!"

Padabog na lumabas ng kwarto si Gaygie.

Hinarap ko si Madz.

"Bakit mo sinaktan si Gaygie? Ako ang nag-utos sa kanya na walang pwedeng umistorbo sa akin!"

"Even me?! C'mon. I know I'm excepted to that rule and she is--- AAARGRGRGG! She is just sooo impossible! I demand that you fire her! NOW!"

Umiling-iling ako.

"You know I can't do that. She is very efficiant in what she's doing. At isa pa, matagal ko na syang kasama. Simula noong nagsimula ako, sya na ang kasama ko. Hindi ko pwedeng palayasin sya ng basta-basta."

Mas lalong nag-init ang ulo ni Madz.

"O sige.. mamili ka... Si Gaygie, o ako?!"

Has it really come to this? Baka naman blessing in disguise ito?

Napailing na lang ako.

" Sigurado kang gusto mo akong mamili? "

"Don't tell me that you're going to choose her over me?!"

Mangilid-ngilid na ang luha nya.

"I have been faithful to you!!! Kahit na alam kong kabi-kabila ang ginagawa mong pambabae, nandito pa rin ako para sumuporta sa 'yo. And you always come back to me at tinatanggap kita kahit na sa kabila ng mga flings mo ay nandito pa din ako!"

Humahagulgol na sya ngayon.

"Tapos ngayon, ng dahil lang sa PA mo makikipag-break ka sa 'kin."

"It's not just that Madz."

"Oh my gosh! Why didn't I see this coming?! So she's just an excuse?! May iba na ba?"

Yumakap sya sa akin.

"You can't do this to me! "

"I'm sorry Madz. Pero,, I don't feel it anymore."

Sinuntok suntok nya ang dibdib ko. Hinayaan ko na lang sya dahil alam ko na galit na galit sya sa kin ngayon. Pero hindi ko na talaga kayang ipagpatuloy pa ang relasyon na ito.

"I'm so sorry Madz. I hope that you can find it in you to forgive me one day."

Mas lalo syang nagalit sa sinabi ko. Tinulak nya ako.

"SINO! Sino sya na ipinalit mo sa kin?!"

"Mas mabuti ng hindi mo sya makilala. I'm sorry Madz. But this is over."

"Noooo!!!! Wag ka namang ganyan." Lumapit sya sa akin at niyakap nya ulit ako. Parang nagbago ang timpla nya at hindi ko na narinig ang galit sa boses nya, instead, ay parang nagmamakaawa na sya. " I'll do anything for you. Pakikisamahan ko na lang si Gaygie kung gusto mo. Don't end this!"

Niyakap ko na lang sya. Kahit na nasasaktan din ako para sa kanya, mas nananaig sa akin na kailangang tapusin ko na ito for our own good. Unfair din para sa kanya kung ipagpatuloy ko itong relasyong ito, pero iba na ang may hawak ng puso ko.

"I'm so sorry Madz. I hope you will find the right guy someday. Alam kong hindi ako yon. I'm so sorry."

Itinulak nya ulit ako at kitang-kita ko ang galit sa mukha nya.

"I HATE YOU AIR! Sino ba itong babaeng ito na kinababaliwan mo! Mas maganda ba sya sa kin at ganyan na lang nya napaikot ang ulo mo?"

Kinuha nya yung cellphone ko at tinignan nya ang mga pictures sa gallery ko.

"Hindi mo sya makikita dyan. Kaya 'wag mo ng hanapin kung anong itsura nya. I don't even have her picture."

"ARRRRRGGGGG!!!!"

Sa sobrang galit nya ay ibinagsak nya yung cellphone ko sa sahig at gamit ang pointed hills nya ay inapakan nya ito. Nagcrack ang cellphone at nasira ito!

"What have you done!"

Umiiyak syang tumakbo papalabas, pero wala sa kanya ang concern ko kundi sa nasirang cellphone. Kinuha ko ang halos magpira pirasong gadget. Wala ng power ito at kahit anong gawin ko ay hindi na ito mabuksa.

I sighed in frustration!

I hate this! Ang katangi -tanging way para makausap ko muli si Kyle ay nasira! Wala akong copy ng number na yon. Hindi ko din nagawang i-memorize. At wala din akong backup ng mga contacts ko!

Malaya na nga ako... pero paano ko naman sya ma-c-contact ngayon si Kyle?!!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 51.5K 44
Good side and bad side.
9K 107 38
(BOOK 2) Halos isang taon na ang nakalipas since the famous band Double J and the Music Cuties started and made its debut in the music industry. And...
2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
28.3K 1.3K 58
[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga para...