The AIR i Breathe

By walangmagawa1210

1.1M 27.8K 1.7K

Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer sk... More

the air i breathe
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 Part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 10 part 3
Chapter 11
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13
chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20
Chapter 21
Epilogue

Chapter 7

36K 866 70
By walangmagawa1210

Date uploaded: 08-06-14

Chapter 7

1 week later

"Gumising ka na!"

Iniangat ko sandali ang ulo ko. Pero mabigat pa ang katawan ko kaya ipinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Just a few more minutes Ate Ja. Inaantok pa ako e."

"Anong petsa na! Tignan mo nga ang relo, mag-aalas dose na!"

Itinalukbong ko yung kumot sa mukha ko, pero mapilit talaga si Ate Ja at tinanggal nya ang pagkakatalukbong ko.

"Bumangon ka na kasi!"

"Ano ba! First day ng bakasyon ko, gusto ko naman na i-enjoy pa ang kama ko! "

Tinalikuran ko sya at akmang matutulog ulit.

"Baka nakakalimutan mo... YOU.OWE.ME. B-I-G-T-I-M-E!!! At sinabi mo na gagawin mo ang lahat lahat, makabawi ka lang sa ginawa kong pagtatakip sa 'yo!"

Agggggghhh! Pinaalala na naman! Talagang every hour of everyday, hinding hindi nya talaga nakakalimutan ang pagtatakip nya sa akin!

Noong napadpad ako sa San Sebastian si Ate Ja ang nagpapanggap na ako kapag tumatawag ang mommy ko sa akin. Mabuti na lang at medyo magkahawig ang boses naming dalawa, at sinabi nyang medyo may dipresya ang mic ng cellphone ko kaya paniwalang paniwala si mommy na ako ang kausap nya.

Muntik na din silang magpunta sa pulis at sa mga TV stations kung hindi lang tumawag ako at nagpasya sila ni Manang Flor na bibigyan pa nila ako ng hanggang sa kinabukasan. At kung hindi ako sumulpot ay irereport na nila ang pagkawala ko.

Sinabi ko sa kanila ang mga pangyayari, maliban sa kung sino ang naging kasama ko. Mahirap na, baka maglupasay ang pinsan ko. Hehehe.

"Ano na!"

I rolled my eyes.

"Oo na sige na! 5 minutes na lang."

"Hindi! Bangon ka na dyan at may pupuntahan tayo!"

"EEEEEEE... naman e! Saan ba tayo pupunta at hindi makapaghintay man lang ng 5 minutes?! Urgent ba yan? May naghihingalo ba at kailngan ng presence mo ora mismo?!"

"Hindi! Alam ko na saksakan ka ng tagal sa banyo, aabutin tayo ng millenium bago makaalis!"

Exage talaga kahit kelan.

Hinila nya yung braso ko para ibangon ako, pero napatigil sya.

"Kyle, bumunggo ka ba kung saan? Bakit ang laki ng pasa mo?"

"Ha? Asan!"

Tinuro nya yung pasa sa braso ko. Bigla akong kinabahan. 
Malaki ang pasa, pero hindi naman sya sumasakit. Saan ko kaya nakuha ito? Hindi naman ako nabunggo kahapon. Aaaaa! Baka naman magkakaroon na ako. Siguro ganon na nga at hinawi ko na sa isip ko ang mga namumuong hindi magandang bagay. Hindi, this is just natural.

Bumangon na ako ng tuluyan at naghanda na sa lakad namin ni Ate Ja. Kung saan man iyon ay hindi ko alam. Nilulubos-lunos na namin ang natitira pang panahon na malaya ako. Ok lang din naman kay Nanay Flor at tiyak kong hindi nya kami isusumbong kahit na nag-ma-mall kami araw-araw pagkatapos ng exam. Ngayon lang naman ito habang wala ang mga magulang ko. Kapag bumalik na si warden, siguradong bartolina na naman ako. Mas lalo na ngyaon na wala na akong pasok.

Naalala kong bigla ang mga napag-usapan namin ni Air. What should I do beyond college? Hmmmm... Kung maghanap kaya ako ng trabaho? Sayang naman ang tinapos ko kung hindi ko ito magagamit. Hindi naman siguro display lang ang diploma. Sana lang ay payagan ako ng magulang ko. Pero, tama din yung sinabi ni Air. Na kailangang. Na ang trabaho ko ay may kinalaman sa passion ko. Ang pinaka passion ko naman ay ang magsulat. Nagagawa ko na rin naman ang dream job ko kahit na si Ate Jazzy lang ang nakakaalam nito. Kung ipagtapat ko na kaya sa magulang ko? Gusto ko na din naman na i-share sa ka ila ang success ko bilang isang kilalang manununlat. Pero.. Kapag naman nalaman nila ito, mabubuking ako na ilang taon ko ng ginagawa ito! Naku.. Saka na lang. Hindi pa ako hadang mapagalitan ng bonggang bongga!

Air

"Are you even listening to me?!"

Natauhan ako ng galit na nagsalita si Madz.

"I'm so sorry, my mind is just drifting off to somewhere."

We are having our late lunch. Pero ang isip ko ay lumilipad, at wala sa kasama ko.

"Obvious naman! Alam mo, ever since na umuwi ka galing sa San Sebastian ay palagi na lang na ang lalim ng iniisip mo. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo? Si Gaygie, tuwing tinatanong ko ay iniiwas ang sagot! What the hell is wrong with all of you! May kailangan ba akong malaman?"

"Look Madz, I'm so sorry. There are just some things na iniisip ko ngayon.. Katulad ng... " naghanap ako sandali ng rason na pwede nyang paniwalaan. "Katulad ng mga bagong kanta na dapat kong irecord. Si Gaygie naman, masyadong na-trauma dahil nga muntik na kaming mamatay noong pagkakasira ng tulay ng San Sebastian. "

Huminga ng malalim si Madz.

"I'm sorry din. Akala ko kasi nine-neglect mo na ako. You can tell naman everything to me. I'm your girlfriend."

"Yeah. I know." But I can't tell you what's on my mind right now, because defeinitely, you're not gonna like it.

Tinawag ko ang waiter para kunin ang bill namin.

"We better go. Alas tres ang calltime namin para sa mall show and it's almost 2."

"Haaay, wala ka na namang time para sa kin. Simula na naman ng hectic mong schedule."

"I'll make it up to you, I promise."

Ngumiti na sya. "Sige. Wala naman akong magagawa kindi magintay ng bakanteng oras mo. "

Naghiwalay kami ni Madz sa parking lot dahil may modeling stint din sya ngayong hapon. Inantay kong makaalis ang kotse nya bago ako sumakay sa van ko.

Maganda si Madz. Isa nga sya sa pinaka sought after na model ng bansa. Pero bakit ang hinahanap ko ay isang maamo at mala-diwatang mukha? Everybody seems to fade compared to her beauty. She also possess a smile that captivates my heart. Her lavender scent that makes me want to be near her and smell her sweet scent. Kahit ang katarayan nya ay hina hanap hanap ko din. She's the most interesting girl I've ever met. She intrigues me at first. Pero habang nakikilala ko sya, I feel like I was really drawn to her. She's like a drug that is sooo adicting at hinahanp hanap mo.

Noong naghiwalay kami noon sa bus station ay hindi ko na nagawang habulin sya dahil alam kong hindi naman ako malaya. And Kyle is a keeper. Hindi sya yung tipo ng babae na pinaglalaruan. Actually, I don't deserve someone like her.

Inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ko ang contact numbers ko. Lingid sa alam ni Kyle ay sinave ko ang number na tinawagan nya noong nasa bus kami. Ilang beses kong tinangkang tawagan sya. Pero, pinigilan ko lang ang sarili ko. Dahil ang sabi ko non, I'll leave it all to fate. Kung makita ko syang muli, that means we are destined for each other. I am willing to let go of everything para lang sa kanya. I will let go of my old ways. At katulad din ng sinabi ko sa kanya. Once na nagkita kaming muli ay hinding hindi ko na sya pakakawalan. 

Kyle

"Ate Ja naman. Halos araw-araw naman ay nandito tayo sa mall. Hindi ka na ba nagsawa?"

Ano na naman ba ang gusto nya? Magkakape na naman? E halos magkanda nginig nginig na kami sa dami ng caffein na ipinapasok namin sa katawan namin! Tambay mode palagi sa iba't ibang coffee shop. Pero ok na din yon, at least nakakapag update ako ng stories ko, habang sya, nag-aabang ng gwapong tatambay don. Hahahaha! Pasaway!

"Hindi.. Basta.. May panonoorin lang tayo."

"Ano bang magandang palabas ngayon? Aaa! Marami nga pala. Sige! Gusto kong mapanood si Kenshin Himura! Showing na ngayon yon! "

"Ano ba yan! Hanggang ngayon, hindi mo pa rin na-out -grow yang pagka anime freak mo!"

"Bakit ba.. Ang gaganda kaya ng plot ng anime. As in suuuppeeer. Kung tutuusin nga, they are the best story tellers in the whole world! Napaka wild ng imagination ng mga hapon na yon. Never silang naging cliche kaya ma-hu-hook ka talaga. "

"O sige na, sige na. Agree na ko don. Pero hindi tayo manonood. Halika na nga! Madami na sigurong tao. Ang tagal mo kasing maligo e! Ilan bang kilo ng libag ang nakukuha mo araw-araw at ganon ka katagal sa banyo?"

"Ano ka ba! Ang yabang naman nito. E na-eenjoy kong maligo e. Hindi katulad mo na para kang palaging ligong uwak! Hahahhahaa!"

Doon kami napadpad sa activity center at pansin ko na napakadaming tao. Nakipagsiksikan kami ni ate Ja para lang makalapit ng konti sa stage.

"Ano ba meron? Napakarami namang tao! Naso-soffocate ako!"

"Ang arte mo talaga kahit kelan. Magtiis ka na lang muna dyan kahit sandali. Ilang kanta lang sila--"

Hindi na natapos ni Ate Ja ang sasabihin nya nang lumabas ang emcee at nagsimulang maghiyawan ng bonggang bongga ang mga tao! Nagtatatalon, nagpapapadyak, yung iba parang hindi makahinga, yung iba parang napo possess! My gosh!!!

Kinuha ko ang atensyon ni Ate Ja pero isa pa sya sa nag hyhysterical! I tug on her sleeves just to get her attention.

"Ate ja! Hindi ko kaya energy ng mga tao dito! Antayin na lang kita----"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil napatulala na lang ako sa stage ng lumabas ang lalakeng umookupa sa isip ko nitong mga nakalipas na araw...

Oh my gosh!!!! SI AIR!

AIR

It feels so good to be on stage again. Napabuti din naman ang isang linggo kong bakasyon, pero hinahanap hanap ng katawan ko ang entablado.

Nagsimulang tumugtog ang banda and I am lost in the music. The crowd is on their feet, singing, dancing, shouting, chanting my name over and over again!

When I’ve finished my last song, sobrang wild na ng mga tao. They are desperately asking for more. But as usual kabilin bilinan ni Manager, 5 songs and that’s it.

Oh well, kilala naman nya ako na parating sumusuway sa utos nya, what’s the difference if I sang one last song?

She’ll live.

Sinenyasan ko ulit ang banda at nagkatingan na lang sila. Wala na rin silang magagawa kundi tumugtog na lang. As I was about to sing, napalingat ako sa crowd at napatulala.

Kyle?

Hindi ako nakapasok sa cue na ikinagulat ng mga kabanda ko.

“AIR! Anong nangyayari?!” Sigaw ni Dino at parang natauhan ako, then I started singing but my mind is no longer into it.

Tinignan ko ulit ang lugar na akala ko ay nakita ko si Kyle. Pero wala na sya don! Naalimpungatan ba ako, nananaghinip o ano? Baka naman nag-hahalucinate na ako dahil sya ang laman palagi ng isip ko?

“Hey man snap out of it!” sabi sa kin ni Dino at na-realize ko na napahinto pala ako ng kanta.

I did some adlib just to make it up to the crowd and they’re on their feet again.

Tinapos ko lang ang kanta at nagpaalam na ako. I ran to the backstage and out to the area where I saw Kyle na ipinagtaka ng mga kabanda ko.

Pero wala na talaga sya. At siguro ay hindi na ako nakapag-isip ng matino dahil parang ipinain ko ang sarili ko sa napakaraming aso!!!!!!!

Bigla akong dinumog at parang nagka-riot!

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 30.1K 45
| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taki...
63.7K 4.7K 40
Michelle Salvacio is a typical 'anak-mayaman'. Nag-iisa siyang tagapagmana ng pamilya niya kaya lahat ng luho ay nasusunod. Although you can see her...
761K 3.2K 5
Kris Night Dela Marcel DELA Marcel Series: Crazy in Love Story Cover by: Krunchey
3.5M 50K 15
It all started with one stupid mistake and since then Hope's life has never been the same again. Pahamak kasi ang love letter ng kanyang nakababatang...