Unwavering Love (Major Revisi...

Por IamYoungLady

4.4M 16.9K 1.2K

-Formerly known as "A Cruel Husband" *El Sajano Series #1 Charmaine Serenity Salanueva is not an innocent wo... M谩s

Unwavering Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16

Kabanata 12

54.8K 652 44
Por IamYoungLady

Kabanata 12

Protect

Nanginginig ang buo kong katawan kasabay ng panlalambot ng aking mga tuhod habang papaakyat. Niyakap ko ng mahigpit sa sarili ang tuwalyang binigay ni Gena.

Halos mamura ko ang hagdan sa pagkakagawa nito ng makitang ilang hakbang pa ang kakailanganin kong akyatin.

Humawak na lang ako ng railing kahit nanghihina na ang mga kamay ko. Ang mga tuhod ko ay mabagal na tinataas sa bawat akyat ko.

Napapitlag ako ng may maramdaman sa aking bewang. Tumigil ako sa sandali bago nagdesisyon na magpatuloy, hindi siya pinansin.

"Let me help you."

Nilapit niya ang sarili sa akin kaya nagkadikit kami. Lumayo ako ng kaunti. Napansin niya 'yon at natigilan.

"Kayo ko ang sarili ko."

Sa mga paa ko ang aking tingin kahit na nanghihina. Patuloy na pinatatag ang sarili.

"You're weak, Chacha. Just this time hayaan mong tulungan kita." Sinabi nito.

Umismid lamang ako. Why would he? Wala naman siyang paki sa akin! I am just a beloved adopted granddaugher of an elegant Salanueva! Saka two hours lang naman ako maghintay. Mas inuna niya pa si Celine Vergara!

Magiging fiance niya na 'yon so he should take care of her!

Lalo akong lumayo sa kanya para hindi niya ako mahawakan. I don't need his help. I can manage myself.

Binilisan ko ang aking hakbang para makaalis na doon. Nasa panghuli ako ng baitang ng magkamali ako ng tapak. Mariin akong pumikit ng inakalang malalaglag ako. Sa pagbukas ko ng aking mga mata ay mahigpit na bisig ang bumalot sa akin. Pumungay ang kanyang mata at mas lalong dumiin ang yakap niya ng gumalaw ako.

"Stay still."

Bumaba siya ng kaunti at dahan-dahan akong inangat sa ere. Sa sandali na 'yon ay napahigpit ang hawak ko sa kanya. Dumulas ang kamay ko pababa sa kanyang biceps. Nag-init ang aking pisngi ng dumapo 'yon.

"S-sorry..."

Kinagat ko ang aking labi. Maagap na naamoy ko ang kanyang pabango. Sa puntong ito ay kung ano-ano na ang aking naisip. Nariyan na para kaming bagong kasal at iginiya niya ako sa master aming bedroom.

Nababaliw ka na talaga, Chacha!

Pinilig ko ang aking ulo para mawala ang iniisip. Muli niya ako binalingan. Binasa nito ang labi pagkatapos ay umiwas. Tinikom ko ang aking bibig at marahan na humilig sa kanyang dibdib.

Ito pa lamang ay parang masarap ng matulog!

Maingat niya akong hiniga sa malambot ng kama. Tinanggal niya ang tuwalya na nakapulupot sa akin. Napagtanto ko na nabasa narin siya dahil sa ginawa. Humulma ang kanyang damit sa katawan niya.

Mas lalong nag-init ang naramdaman ko.

"You need to wash up now..."

Matagal kong tinitigan ang perpekto niyang katawan. Siguro ng umulan ng biyaya ay sinalo niya lahat ng 'yon! He's like greek god sent from above! His eyes were hazel brown. Ang matangos niyang ilong ay nakakapang-akit.

You wish for an impossible dream, Chacha!

"Chacha..."

Sandali lang! My eyes were blessed for this! Ngayon lang ito!

"You want me to wash you up then..."

"What?"

Sumilay ang mapaglaro nitong labi. He crossed his arms to his chest and stares at me intently. Parang akong mauupos na kandila sa paraan ng paninitig niya sa akin.

Galit ka, Chacha! Remember that!

Inirapan ko siya at mabilis na tinungo ang bathroom. Hinubad ko ang basang damit at nilagay 'yon sa lagayan. Binilisan ko lamang ang pagshoshower pagkatapos ay nagpalit ng mas komportableng damit. Binalot ko pa-itaas ang aking buhok gamit ang tuwalya.

Lumabas ako ng matapos sa lahat. Napaatras ako ng nadatnan ko si Silver na nakatayo at suot parin ang nabasang damit.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis?"

Tumungo ako sa side table at kinuha doon ang aking lotion. 

"Come here."

Nilapag ko ang lotion sa kama saka lumapit sa kanya.

Dumapo ang likod ng kanyang palad sa aking noo dahilan ng pagkakapikit ko. Umiling siya pagkatapos inalis ang kamay.

"Wait for me here."

Sa pagkasara ng pinto ay halos malagutan ako ng hininga. Napagtanto na kanina ko pa 'yon pinipigil Napaupo ako at rinig na rinig sa buong sulok ng kwarto kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.

Imposibleng hindi niya marinig 'yon dahil masyadong tahimik sa kwarto ko!

Naglaro ako sa aking cellphone habang hinihintay siya. Trenta minuto na ang lumipas at wala parin siya.

Nababagok na ko dito!

Iba't ibang klase na ang nalaro ko sa cellphone ngunit wala parin siya. Natalo na ako lahat lahat wala parin siya! Hanggang kailan niya ako paghihintayin?!

Nagbukas ulit ako ng ibang laro. Sisiguraduhin ko ng mananalo ako dito!

Pero paglipas ay natalo na naman ako. Bwisit ayoko na!

Nilapag ko sa gilid ang cellphone at inalis ang kumot para sana lumabas nang bumukas ang pinto. Maagap kong kinuha ang cellphone at may kinalikot doon.

"Sayang! Natalo ako. Kainis!" Binato ko 'yon sa malapit. "Nandyan ka na pala. Bilis mo, ah!"

"Sorry."

Nakabihis na siya ng maayos. Nakaputi siyang t-shirt at sweatshort. Basa pa ang buhok niya. May dala dala siyang tray. Nilapag niya 'yon sa side table ko. Kaagad ko naman naamoy ang pagkain. Mainit pa 'yon. May mushroom soup, iba't ibang klase ng gulat ay isang pirasong hiniwa na karne. Sa gilid noon ay ang sauce at dalawang pirasong oranges.

Naglaway na ako kaagad. Hindi pa pala ako kumakain mula pagkadating ko.

"Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot."

Kinuha niya ang kutsara pagkatapos ay nilagay 'yon sa soup. Hinipan niya muna bago binigay sa akin.

"Ako na." Sabi ko at kinuha ang kutsara mula sa kanya.

Inayos niya ang kumot ko at nilagay doon ang tray.

Nag-focus ako sa soup at dahil guminhawa ang pakiramdam ko lalo pa't mainit 'yon, gumuguhit sa aking lalamunan. Nang maubos ko ang soup ay aking tinabi. Kinuha ni Silver at nilagay sa side table.

"Hindi ka kakain?"

Napansin ko kasing kanina niya pa ako tinitigan. Nacoconcious na ako sa paraan ko ng pagkain. Para akong hindi makabasag ng pinggan!

"Mamaya pagkatapos mo."

Tumango ako at sinimulan muling kumain. Naubos ko naman lahat at sobra akong nabusog. Ngayon na lang yata nakaramdam ang tyan ko ng ganito. I mean, masasarap naman luto ng mga kasambahay ngunit mas masarap yata luto nila ngayon.

Nilagay niya sa sidetable ang tray ng pinagkainan ko pagkatapos.

"Inumin mo 'to para bumaba na ang lagnat mo."

May inabot siya sa aking puting tablet at tubig. Kinuha ko 'yon at kaagad naman ininom.

"Salamat."

"Take a rest now." Aniya at inayos na ang kumot.

Mariin kong tinikom ang aking bibig habang pinagmamasdan siyang kinuha ang tray. Binalingan niya ako. Umiwas ako. Halos mapunit na ang kumot sa aking pagkakahawak. Geez!

"Babalik ako. Huhugasan ko muna 'to."

"Kumain ka na lang muna. Mawawala naman na siguro itong lagnat ko."

Umalis na siya pagkatapos kong sinabi 'yon. I wondered if he did what I told him.

Nawala siya ng matagal, kaya naman kinalikot ko na lang ang cellphone ko. Nang na-bore ay binuksan ko ang tv para manood ng movie. Hindi ko 'yon natapos dahil napapangitan na ako sa nangyayari, parang pinipilit na lang.

Kinuha ko ang thermometer sa gilid para tingnan kung mainit pa ako. Tinabi ko ang aking cellphone. Humiga ako at kinumutan ang sarili hanggang dibdib.

Ang daming nangyari sa araw na 'to. Naghintay ako. Nabasa ng ulan. Nilagnat. All these events had just happened today. Nakakapanibago. Back then, it was just normal days. All I could do is to follow lola's order. Mamaged the business at a young age, helping in her garden and such. I was kind of laid back but today I feel like I carried all the weight of the world.

Idagdag pa ang nakakalitong trato sa akin ni Silver. He's too bossy and matured for me. Para bang gusto niya lagi ko siyang susundin.

Hello! I have my own ways!

Tapos magkasama pa lagi sila ni Celine Vergara! Ugh! Seeing them together makes my blood boil!

Sana lang dumating na ang panahon na makagraduate na ako para makapagfocus na ako sa negosyo. I can help naman, e. I can do it without their help. Kung sana ay bigyan ako ni lola ngayon ng pagkakataon.

Bumangon ako ng tumunog ang thermomete at ch-in-eck ang aking temperatura. It says thirty six point five. Tinabi ko 'yon at muling nahiga.

Natulala ako sa ceiling at pinagmamasdan ang mga nakadikit doon na bituin. Naalala ang una kong pagtira dito. The incidents happen years ago traumatized me that I hated staying in a dark places. Pakiramdam ko kasi ay may kukuha sa akin kapag nagkataon.

"Anak..."

Umiyak ako sa bisig ng isang babaeng hindi ko makilala. Nakaharang sa mukha niya ang itim niyang buhok. Pumunta sa aking baba ang kanyang kamay. Maingat niyang iniangat ang aking mukha.

Nasilaw ako sa mukha niyang na napapalibutan ng liwanag. Muli akong umiyak sa hindi mawaring dahilan. Dahan-dahan kong pilit inaabot ang mukha ngunit lumalayo siya.

"Sandali lang!" Sigaw ko dahil unti-unti siyang lumalayo.

Hinabol ko siya pero masyado siyang mabilis. Bumibilis narin ang paghinga ko sa aking pagtakbo.

"Hintayin mo ako!"

Tumigil ang babae at hinarap ako. May luhang umagos sa mukha nito. Dumami ng dumami hanggang sa naging kulay pula 'yon. Nanginig ang buo kong katawan at napasigaw.

Napabangon ako at ginala ang paningin. Tanging liwanag ng lampara ang nagbigay ng liwanag sa buong kwarto kasabay ng malakas na tibok ng puso ko. Habang dumaloy pababa sa gilid ng mata ang aking pawis. Pinahid ko 'yon gamit ang likod ng palad.

Napatingin ako sa relo at nalamang alas dose na ng madaling araw.

Bumangon ako para makalabas dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga.

Tahimik kong tinatahak ang hagdan pababa. Madilim sa buong mansyon at ang ilaw galing lamang sa labas ang nagiging basehan ko. Maingat kong inaapak ang aking paa para hindi makagawa ng ingay.

Nasa kusina ako ng may maramdamang kakaiba sa paligid lalo ng may narinig akong parang pag-kasa.

Lumunok ako ng mariin, pinapatatag ang sarili.

Not now please. Not this time.

Binuksan ko ang ref at kukuha na sana ng tubig doon ng may mahigpit na humawak sa akin. Sa gulat ko ay muntik pa akong mapasigaw ngunit mabilis ang kamay nitong hinarang sa bibig ko.

Nangilid ang luha ko sa takot. Hindi ko makita kung sino ang gumawa sa akin nito ngunit natatakot ako.

Paano siya nakapasok ng mansyon? Anong gusto niyang gawin sa akin?

Tinago ako nito sa ilalim ng island counter, hindi parin tinatanggal ang kamay sa bibig ko. Dinikit ako nito sa kanya at kaagad na naamoy ang pamilyar nitong pabango.

Binalingan niya ako at ng tumama ang liwanag sa kanyang mukha ay doon ko nakumpirma kung sino ito.

"S-silver..." Tanging nasambit ko dahil nanghihina mula sa takot.

Muli niya akong hinila para magtago sa kwarto sa likod. Binuksan niya ang pinto at dinikit ako sa pader.

"Stay here no matter what happened."

"Saan ka pupunta?" Kabado ngunit kuryoso kong tanong sa kanya.

"I will take care of this. Promise me you will stay here, okay?"

"P-pero..."

"Promise me chacha. This time you will listen to me." May diin ngunit may halong pag-aalalang niyang sinabi.

Kinulong nito ang aking pisngi sa kanyang palad. Sinandal nito ang noo sa akin. Kumalabog ang puso ko ng mapagtanto ang itsura namin dalawa.

"Let me protect you in my ways." Sinabi nito bago ako iniwan sa kwarto.

Matagal ang ginawa kong paghihintay sa kanya sa kwartong walang masyadong ilaw at tanging liwanag sa labas ang aking nakikita.

Umupo ako sa sulok, ang baba ay nakasandal sa magkabilang tuhod.

Hindi ako pinapanatag ng damdamin ko. All I have been thinking is someone wanted to get rid of me. Ilang linggo ko ng binabaliwala 'yon ngunit sa pagtagal ay hindi na lang ako ang naaabala. Even the people around me are getting involved. This is too much. Kung sino man ang gustong manakit sa akin, ano ang pakay niya?

Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Silver na hinihingal. Naghanap ang mapanuring nitong mga mata. Nang makita ako ay kaagad itong pumungay.

"You are safe now, Chacha."

"Ano bang nangyayari? M-may gusto bang pumatay sa akin?" Sa nanginginig kong tanong.

"No! I will never let anyone touch you." May diin ngunit banayad niyang sinabi.

"Pero may nagtangka sa akin Silver? Sino 'yon? Nahuli mo ba?"

Umigting ang panga nito. Pinunasan ang pawis gamit ang siko.

"Unfortunately he ran away."

"He! Kung ganoon ay lalaki siya!"

"Matagal ka na niyang minamanman, Charity." He confessed as if he is know everything from the start.

Umawang ang bibig ko, di makapaniwala sa lantarang niyang sinabi.

"So matagal ng may gustong pumatay sa akin..." I whispered, confirming every puzzles that confuses me since then. "Tapos alam mo na pala lahat pinili mong mahahimik." Mas lalo akong kinabahan ng malaman matagal ng may nangtatangka sa akin.

"Because I don't want you be terrified. Gusto kong maging normal sa'yo ang lahat."

"Anong pagbabago kung nalaman ko noon at nalaman ko ngayon?! Wala! Bakit ba hindi na lang manahimik ang buhay ko!"

Ginulo ko ang aking buhok at hinayaan na dumaloy ang luha pababa sa aking pisngi. Frustrated and guilt filled my being.

Ang gusto ko lang ay mamuhay ng simple. Wala naman na akong hinangad. Ang pagkupkop sa akin ni lola ay ni minsan di ko rin hinangad. I even push her so she could live freely dahil pakiramdam ko panganib ang maidudulot ko sa kanya.

At ngayon unti-unti ng nangyayari 'yon. Kung sa akin ay ayos lang but what about lola? What about innocent people then?

"Chacha..."

"Don't touch me."

Ngunit di niya ako sinunod at hinawakan ang aking siko.

"I said don't touch me!"

"Huwag kang sumigaw."

"Sino ka parang diktahan ang gusto kong gawin? Sisigaw ako kung gusto ko!"

"I'm sorry."

"May lead na ba?" Sabi ko ng medyo kumalma na ako.

"Wala pa hanggang ngayon pero malakas ang kutob ko na taga dito lang din sa bayan niyo siya nakatira."

"Why would he try to kill me?"

"You're an Salanueva already, Chacha. Makapangyarihan ang pamilya niyo at may mga taong ikatutuwa kung babagsak kayo."

That's unfair! Wala naman kaming ginagawa sa kanila. We always mind our business. Lola is busy to even cared about those things as well. Napakababa sa tingin ko na ganoon ang nagagawa kapag nakakaangat isang pamilya.

"But I am adopted!" Giit ko.

Oo, magkapamilya na kami pero sa papel at kung ano man oras ay kayang ipagsawalang bahala 'yon ni lola. We don't share the same blood!

"And thats it. You're adopted but you're now Salanueva and you're too close to senyora. Kahit mga anak nito ay wala ng pakialam sa kanya dahil may sari-sarili narin silang negosyo. In the end, you're the only successor, Chacha."

Magulo pa ang pag-iisip ngunit kinilabutan ako sa huli niyang sinabi. Hindi ko mawari kung paano ko ipoproseso ang lahat ng 'yon. It was blurred moment for me.

That's why lola wanted me to take up business. Ang akala ko ay dahil lang gusto niyang matulungan ko siya because, eventually which I think ay ipapamanana niya ang ari-arian sa kanyang mga anak. I never thought that she could possibly gave it to me!

Tila nawalan ako ng kumpiyansa sa sarili. Me, as an adopted will inherit the company?

"How do you know all of these?"

"I worked with senyora's several times, Chacha. Even before you came back, even before senyora adopted you. And... I am a CEO."

May halo pang pagyayabang sa dulo.

"Kung sana pala ay hindi na lang ako pumayag na ampunin ako ni lola. It must have been safe to her. Ako ang magdadala ng gulo sa pamilya na 'to."

Hinawakan ako ni Silver sa magkabilang balikat at hinarap ako.

"No, Chacha. You're not a threat. Believe me when I say senyora cared for you. Despite of everything you've been through she have trusted you enough. And it could be worst kung hindi ka dumating sa buhay niya. It could have been a downfall of Salanueva."

Mapaglaro nga talaga ang tadhana. I have always doubted my destiny because of the uncertainties. I always thought that when my parents passed away, I could never enjoy the life I wanted. But lola never give up on me. Kaya naman lahat ay gagawin ko para protektahan siya.

"You should rest now. I will always be here for you no matter what." Aniya at saglit na pinasadahan ang aking mukha.

Hindi ako kaagad nakatulog pagkatapos ng nangyari 'yon. Pakiramdam ko kasi ay may magtatangka na naman sa akin.

Sinadya kong buksan ang ilaw kahit hindi ako sanay matulog ng maliwanag. Nagpabalik-balik ako sa kama ngunit hindi ako dinadalaw ng antok.

Binuksan ko ang tv para manood na lang mg movie. Nakatapos ko 'yon at ng nakaramdam ako ng gutom ay naisip kong bumaba ngunit inunahan ako ng takot kaya di ko na lang tinuloy. Humiga na lang ako at pinilit na matulog.

Tinanghali ako ng gising kaya nagtext ako kay Lodia na male-late ako ng pagpasok.

Lodia:

Okay. Thanks for telling me, Chacha. See you later.

I-n-off ko ang cellphone ko at nilagay na sa backpack ko at bumaba para mag-breakfast.

Nadatnan ko si Lola sa dining table na mag-isang kumakain. Hinagkan ko siya sa pisngi at umupo sa tabi niya.

"Good Morning, La."

"Good Morning, apo. Are you feeling better now?" Tanong nito sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung tungkol ito sa lagnat ko ay oo pero kung ang nangyari kagabi ay malabo pa.

Ngumiti ako bago siya sinagot. "Yes, Lola." Sab ko sbbabay tingin sa paligid.

"Nagpaalam sa akin si Marcus at Celine para tingnan ang lupang pagtatayuan ng supermarket." Sinabi ni Lola ng hindi ako binalingan.

Okay? Maybe I was obvious then.

I remember how Silver take good care of me last night. He was then very worried about me. Pagkatapos ay sinigawan ko pa siya. I should've apologize to him when he came back... or... should atleast be thankful to him.

I wondered if lola knew what happened last night. Tinitimbang ko ang itsura niya kung dapat ko bang ipagtapat 'yon. But by looking at her... this is not the right time. Maraming pang araw na masasabi ko sa kanya ang lahat dahil kung wala siyang alam ay paniguradong mag-aalala ito. She's getting weaker at ayokong dumagdag pa sa stress niya sa kumpanya.

"Aren't you getting late apo?"

I am, lola!

Minadali ko ang aking pagkain dahil late na ako. I just get loaf bread and a milk. Pagkatapos ay tumayo na para mahagkan ulit si Lola.

I get my backpack and wear it only to realized that no one will take me to college. What now?!

I look up my phone at saw Lodia's messages there.

Ako:

Sorry I'll be twenty minutes late. Ikaw na bahala mag-explain sa akin kay ma'am.

Napasapo ako ng ulo, di alam ang gagawin. Kung lalakarin ko ay tiyak na wala talaga akong subject na maabutan.

Bakit kasi di niya sinabing hindi niya ako maihahatid? No choice ako ngayon kung hindi maglakad.

"By the way apo!" Si Lola na hinahapo pa para habulin ako. Nasa labas na kasi ng gate ng mansyon.

"Ihahatid ka ni Genard. Malapit na siya hintayin mo na lang."

Kumunot ang noo ko. This isn't the Genard that I know right?

Pagkalipas lamang ng sandali ay may huminto ng itim na sasakyan sa harap ko. Bumusina ito pagkatapos ay binaba ang bintana.

"Sakay na, miss!" My eyes widen, staring at the man  I never thought I will see again.

Seguir leyendo

Tambi茅n te gustar谩n

23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
4.7M 143K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.
Obey Him Por Jamille Fumah

Ficci贸n General

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...