Kwento ng Tao

By Jhairusman

15.5K 262 99

Ano ba ang mga dapat pag-daanan ng isang binatilyo upang maging matanda? Nasa edad nga ba ang katandaan? Nasa... More

Chapter 1: Nalilito Lapid
Chapter 2: Amoy kahapon
Chapter 3: Pangalawang dalawa
Chapter 4: JS like that
Chapter 5: Iniwang Ibon
Chapter 6: Tropa ko si Rizal
Chapter 7: Jasminum Sambac
Chapter 8: Patay
Chapter 9: Walis walis lang iho
Chapter 10: Paalam
Chapter 11: Tinahing Bulaklak
Chapter 13: Hindi Naintindihan
Chapter 14: Nakakatakot na Kabataan
Chapter 15: Lahat
Chapter 16: Kaarawan
Chapter 17: Pangalawang Ibon
Chapter 18: Umiwang Ibon
Chapter 19: Babae
Chapter 20: Gandang Lalake
Chapter 21: Salu-salo
Chapter 22: Kamusta ka, Kamiseta?
Chapter 23: Dalawang Pangalan
Chapter 24: Pera at Hiling

Chapter 12: Zombies & Vampires

343 6 0
By Jhairusman

Chapter 12: Zombies & Vampires

“Shet” sabi ko sa sarili ko. Napasakay ako ng bus papuntang Cubao pero sa totoo lang, wala akong alam kung san bang parte ng Cubao ako pupunta. Hindi ko ‘to pinagplanuhan. Kinakabahan ako kasi palapit na yung kundoktor sa kinauupan ko. Sa dulo ako ng bus palagi nakaupo kapag ako lang mag-isa. Hindi ko alam isasagot ko kaya ginaya ko ‘yung katabi ko. “Megamall” sabi n’ya. “Megamall” sabi ko. Tinikitan ako ng kundoktor ng 117 php. Nag-bayad ako at tumunganga sa bintana.

Inisip ko agad si Sampaguita at Kamiseta. Nilalabas ko yung dila ko sa pagitan ng labi ko, nandun parin yung init ng labi ni Sam. Syempre, hindi ko rin makalimutan yung init ng katawan ni Kamiseta. Ewan ko, siguro ganto talaga pag unang beses. Di ko alam kung ano ba talaga dapat kong maramdaman, nalilito ako. Nalilito ako, nalilito lapid. Inisip ko rin si Million na papunta na sa Amerika. Nakakatawa e, pupunta na ng ibang bansa, nakakatawa at nakakahiya yon. Nakakapagtaka talaga, hindi ko alam kung sa pagkamatay ba ni Tita to o sa dahil sa graduation o dahil nawala yung mga kaibigan ko sa paningin ko o dahil sa realidad, pero parang sakto lang ‘to sa buhay. Di ko mai-paliwanag ng ayos e, pero dahil 18 na ako at mag-isa na ako sa buhay ngayon, pwede na ba ako tawaging “adult?”. Sa totoo lang, ayoko pa pero parang panahon na, hindi ko sigurado at malamang mali lang ako ng iniisip ngayon.

Nung nasa Calamba na kami ay may mga sumakay na ibang tao na hindi pasahero, yung mga Missionaryo. Nag-babasa sila ng biblya at kung ano anong papuri sa dyos ang binabanggit. Sa totoo lang, wala akong interes. Tapos nagbigay sila ng sobra sa bawat pasahero sa bus at nahingi ng konting donasyon para sa hindi ko alam na rason. Kumuha ako ng limapiso sa bulsa ko at inilagay ko sa loob. Madami ang hindi pumansin at ako naman, hindi ko alam, tingin ko lang dapat ako mag-bigay. Nginitian ako nung babae at sinabing “Pagpalain ka ng panginoon, iho.”, nginitian ko nalang din s’ya pabalik. Bumaba ang mga missionaryo at dumating naman ang dalawang mag-pinsan daw na nakasuot ng maruming baro at salawal, isang babae at isang lalake pero mukhang tibo yung babae. Sinabi nila na namatay daw ang tita nila at wala daw silang gastusin para sa pagpapalibing nito. Ayun, naka-sad face sila. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala kasi malakas kutob ko na ipang d-droga lang nila to e. Pero ginawa ko parin ang gusto nila, nag-hulog ulit ako ng limapiso sa sobre. “Salamat po Kuya, pagpalain po kayo” sabi ng tibo. Hindi ko alam ‘kung anong meron sa utak ko at basta basta ako nag-papauto sa mga ‘to pero kung makakapagpasaya ako ng tao sa simpleng bagay na iyon, bakit hindi diba. Ewan ko ba.

Matagal tagal rin ang byahe bago ako makababa ng gamol. Nag-traffic pa ng sobra. Tingin nyo ba malulutas pa ang kaso natin sa traffic? Tingin ko hindi na. Walang may gusto sa traffic, pwera nalang kung naghahanap ka talaga ng excuse para malate ka at tuluyang tamaring pumasok. Iniisip ko parin kung ano ang gagawin ko dito sa lungsod ng polusyon. Hindi ko alam ang gusto kong course dahil wala namang course sa pag-lalaro ng Street Fighter. Di ko ‘rin alam kung makakahanap ako ng trabaho dito. Ewan ko ba. Pero kailangan ko gumawa ng bagay na productive, at least.

Pagkababa ko sa Megamall ay pumunta agad ako sa arcade center. Tatlo. Timezone, Word of Fun at Tom’s World. Nasa World of Fun ang Street Fighter IV. Grabe naman, pati ba naman Megamall Street Fighter IV parin? Diba bigating mall to? Pero sa totoo lang, medyo natagalan ako hanapin ‘tong arcade centers. Ang laki ng megamall. Nung nandun na ako sa tapat ng arcade machine ng SFIV ay may nakita akong naglalaro, isang binatilyong Ryu-user. Tinatamad ako sa mirror match ng Ryu pero naglaro parin ako. Pareho kaming Ryu at nag-simula ang laban. Mapasensya muna akong dumistansya at nag-po-poke ng low medium kick at hadouken. Nasasanga naman n’ya ito. Tapos nung nainip na s’ya ay sinugod n’ya na ako at inaabot ako ng kara-throw n’ya. Sa totoo lang, hindi ko kaya gawin ang kara-throw pero nakakadistansya parin ako ng ayos. Tapos ayun, tumagal ang laban at nakapasok rin ako ng ultra. Nakuha ko ang round 1, nakuha n’ya ang round 2 at sa mainit na laban, nakuha ko naman ang round 3 at round 4. Nag-challenge ulit s’ya at ganon ulit ang nangyari pero nakuha n’ya ang round 1. Andaming laro, minsan natatalo ako. Tapos nung umalis na s’ya ay ngumiti s’ya sakin. “Good game pre, alis nako e. Next time ulet.” Tapos ayun, nalungkot ako maglaro magisa at natalo tuloy ako sa cpu. Buti naman walang nanunuod kasi nakafocus lahat sila sa Tekken. Buti nalang.

Tumayo na ako at lumabas ng World of Fun. Di ko namalayang 11AM na pala. Ang tagal pala talaga ng byahe ko sa bus kanina. Nagugutom na ako. Sa totoo lang, gusto ko sa karinderya nalang kumain pero hindi ko alam kung san meron non dito. Kaya naglakad lakad ako at nag-hanap ako kung anong mura at sulit. Andami kong nakita na ngayon ko palang nakita. Mga nag-gagandahan na mga damit, sapatos at kahit ano. Hindi ko alam kung san ang foodcourt dito. Nakakahiya naman magtanong at nakakahiya rin gumamit ng directory. Di ko alam na nasa lower-ground floor lang din pala. Nilibot ko ‘yun at ayun nakita ko ang Paotsin. 50pesos lang ay may dumplings ka na at rice. Umorder ako na may kasamang buko pandan na 25 pesos. Kinain ko ‘yon at nahihiya ako sa mga tao sa paligid ko. Kung bakit, ay hindi ko alam. Tapos nung napansin ko ay bitin pa pala ako sa paotsin. Di pala sulit yon, pantipiran lang. Pero okay lang, binusog ko narin sarili ko sa buko pandan. Masarap naman. Lumabas na ako ng foodcourt at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nai-imagine ko na na nakamarumi akong jacket at naka-upo sa tabi ng hagdan at may plastic na baso sa harap ko. Kinakabahan ako ng onti, sa totoo lang.

Lumabas na ako ng mall at nakita ko ang mga nag-tataasang mga building. Nakakalula. Nahihilo ako ‘nung tini-tingala ko sila. “Putangina na sa taas.” Sabi ko. Pumunta ako dun sa may sakayaan ng bus dun din sa tapat ng mall. Bumili ako ng yosi. Tapos sakto pagka-sindi ko, bumuhos ang galit na galit na ulan. Napatulala ako at nasabi sa sarili ko, “Jusko, dito nako ata mamamatay”. May kumulbit sa likod ko at “Pre, pasindi naman” ang sabi nya. Inabot ko ang yosi ko habang nagtataka kung bakit hindi nalang s’ya nakisindi sa pinagbilhan n’ya. “Hindi kasi astig yung nagbebenta e.” Sabi n’ya saken na para bang binasa n’ya yung nasa utak ko.

“Zom nga pala pre.” Sabi nya. “Zombie.”  

“Tum” sabi ko. “Tum nga pala.” Syempre hindi ko yun totoong pangalan.

Kung huhusgahan mo s’ya sa itsura, makikita mong nasa dalawampu’t pito o kalapit ang edad n’ya. Tinanong n’ya ako kung san ako patungo at kung anong iniintay kong bus at sumagot ako ng “Sa totoo lang, hindi ko alam.” Tumawa s’ya ng tumawa at inimbitahan n’ya ako na pumunta sa bahay nila. Ewan ko ba kung bakit napakabait ng taong ito. Mukha naman s’yang mabait. Mahaba ang buhok, may balbasa at bigote at makapal ang kilay. Mukha talagang mabait. Isama mo pa ang pangalan n’yang “Zombie.” Pero anong magagawa ko? Eh wala naman talaga ako matutuluyan kaya pumayag na ako. Bumili pa ulit siya ng yosi at inabutan ako. Tumawid kami sa overpass at sumakay kami ng bus papuntang Ayala. Sumakay ulit kami ng jeep at  bumaba kami sa Evangelista at pumunta sa tindahan upang makisindi ng sigarilyo. Nag-lakad kami sa papunta sa bahay nila. Apartment lang daw iyon at nangungupahan sila ng kapatid n’ya.

                Nung pag-dating namin sa bahay nila na hindi naman kalakihan dahil nga apartment lang pero sakto lang naman sa dalawang tao, swerte ko lang at may isa pa silang kwarto. Dun nakita ko ang kapatid n’ya na hindi ko sigurado ang kasarian. Naka-maikli s’yang short, blonde ang buok, itim na t-shirt at may hawak na libro. Tumingin s’ya sakin at nginitian ako, sumagot ako ng ngiti.

“Vam, si Tum.” Sabi ni Zombie. “Dito muna s’ya tutuloy kasi astigin s’ya.”

“Hi Tum.” Sabi ni Vam “Vam nga pala. Vampire.”

Kinamayan ko s’ya at pinaupo n’ya ako sa sofa nila. Bakla si Vampire at base sa mga kwento n’ya, obsessed s’ya sa mga bampira pero ayaw n’ya daw ng Twilight dahil daw sinira nito ang imahe ng bampira. Sa totoo lang, masarap kakwentuhan si Vampire. Naniniwala daw s’ya sa bampira pero kinakabahan daw s’ya. Di daw s’ya sigurado kung gugustuhin n’ya maging bampira pero gusto n’ya daw matutunan kung pano ang galaw ng mga bampira. Di mo aakalaing bading si Vampire kasi makisig s’ya. Nag-kwento s’ya sakin ng madaming bagay. Natuwa naman ako at tingin ko, mae-enjoy ko kasama si Vampire at tingin ko cool dude din naman si Zombie kasi nakikinig s’ya sa The Zombies, Black Sabbath, Iron Maiden at iba’t iba pang metal. Pinakita n’ya rin sakin yung electric guitar n’ya na ang kinis kinis. Yun daw ang girlfriend n’ya at kaigi nalang ‘daw na yun ang buntisin n’ya kesa sa mga manlolokong babae. Di daw yun astigin.

Nung medyo gabi na ay nag-luto si Vampire ng hapunan. Nilagang baboy ang niluto n’ya at nagsalo-salo kami sa maliit na mesa na pabilog. May-kaya daw talaga sila pero dahil daw wala ang magulang nila dito sa Pinas at nasa ibang bansa e kelangang mag-tipid. Sagot na daw nila pag-kain namin basta magpatuloy lang daw ako sa pagiging astig sabi ni Zombie. Tapos nanuod kami ng HBO sa TV nila at nag-laro ng onting guitar hero. Napakasaya naming tatlo at para kaming matagal na magkakatabi. Napawi lahat ng lungkot ko at nakangiti talaga ako. Tapos inutusan ni Zombie si Vampire na bumili ng alak. Sinunod naman ito ni Vampire ng walang alak, este angal.

                “Iinom tayo pare.” Sabi n’ya. “Para astig.”

                “Sige lang.” Sabi ko dahil gusto ko rin naman talaga magpaka-astig at mag-inom.

Nung dumating si Vampire ay may hawak s’yang isang plastic ng chichirya at bote ng Emperador Lights. Tapos nun ay tutulog na daw si Vampire at iwanan nalang daw ang napag-inuman namin sa mesa pag-katapos at s’ya na bahala mag-imis bukas. Nginitian ko s’ya at nagpasalamat. Sinimulan na namin ang tagayan at ininterview na ako ni Zombie, sabi ko na ba’t e.

“Pre, taga san ka ba?” sabi n’ya. “Bakit ka napadpad dito?”

“Taga-Laguna talaga ko, sa Bae.” Sabi ko. “Nag-sialisan kasi mga tropa ko dun at kaya napagdesisyunan kong lumuwas at maghanap ng pwedeng gawin sa buhay.”

“Wow pare.” Sabi n’ya. “Naglayas ka?!”

“Hindi a. Wala narin naman ako gagawin don.”

“Eh pinayagan ka ng magulang mo?”

“Nasa ibang bansa ang magulang ko at sa tita ako nakitira non, kapapanaw lang n’ya nga e. Kaya nga wala na natira sa akin sa Bae.” Syempre hindi totoo yung tungkol sa magulang ko pero ayoko naman sabihin kaagad yon.

“Aaa. Ganon ba, sensya sa nangyari.” Sabay tapik n’ya sa akin sa balikat.”

“Ayos lang.”

Umikot pa ng umikot ang tagay sa aming dalawa. Nagkwento s’ya tungkol sa pamilya nya rin pero halos lahat ay nabanggit na sa akin ni Vampire. Sinabi rin n’ya sa akin na may banda s’ya ngayon pero puro cover palang ang tinutugtog nila at pangarap daw talaga n’yang maging sikat na musikero. Si Vampire daw naman ay gusto maging “historian o kung ano man yon, basta puro bampira nasa utak non e.” Ayon sa kanya. Dala ng kalasingan ay nadulas ang dila ko at natanong.

“Bakla ba talaga si Vampire?” sabi ko at nakita kong nagulat s’ya. Akala ko papalayasin n’ya na ako sa bahay.

“Oo pre.” Sabi n’ya. “May problema ba ‘don?”

“Wala naman.” Kinabahan ako kasi kaya akong pulbusin ni Zombie ngayon.

“Wag ka kabahan!” sabi n’ya ng natawa. “Halata naman diba? Na bakla s’ya, pero e ano? Wala namang masama don diba?”

“Oo.” Sabi ko. “Nagulat lang ako at pinayagan mo s’ya.”

“Pinayagan?” sabi n’ya. “Kung pinayagan mo ang sarili mong maging taong nararamdaman mo talaga. E hindi mo na kailangan ng pag-payag ng iba.”

Di na ako umimik at umalok s’ya ng cheers. Tinaas namin ang tagay namin at sumigaw kami pareho ng “ASTIIIIIG!”

“S’ya nga pala pre.” Sabi n’ya. “Mag-kokolehiyo palang din ang kapatid ko sa hindi kalayuang paaralan dito? Baka gusto mong sumabak?”

“Talaga?” sabi ko. “Hmn, sige tutal wala rin ako plano e.”

“Kaso wala kaming pampara-aral sayo pre.” Natatawa n’yang sinabi sa akin.

“Okay lang. May pera ako sakin.”

“Astig!”

At dun ko nakilala ang magkapatid na Zombie at Vampire. 

Continue Reading