The Badass Babysitter Vol.2 ✓

By Nayakhicoshi

1.1M 51.6K 38.3K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... More

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 2: Party
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 10: Meet
Chapter 11: Landlord
Chapter 12: Kapitan
Chapter 13: Serpens
Chapter 14: Her Throne
Chapter 15: Cloud 9
Chapter 16: Protection
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 20: Wish granted
Chapter 21: Bruises
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 32: Ella es la muerte
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 56: Back to the old times
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 30: Junakis the sixth

15.6K 777 633
By Nayakhicoshi

CHAPTER THIRTY

SOUTHERN'S POV

Pinasadaan ko nang tingin ang buong kabahayanan na tinitirhan ni Tito Jackal. I was stunned seeing a Japanese traditional house. Kung hindi ako nagkakamali, this is a gasshō-zukuri-styled minka house. It is a vernacular house constructed in any one of several traditional Japanese building styles. I've seen a house like this in a movies.

The thatched roofs have transverse layers of straw, bamboo poles and planks of wood. Ganoon din sa haligi, pintuan at bintana. Napaka traditional ang itsura nito, kung titignang mabuti parang noong sinaunang panahon pa ang bahay na ito.

I shiver when a cold air blew my hair. Inipit ko sa tenga ang nakaharang na buhok sa mukha ko. I hugged myself as I looked at Tito Jackal carrying his sleeping son. Nakatulog si Josiah sa byahe. Inaantok na rin ako pero pinipigilan ko lang ang sarili na matulog sa sasakyan. I didn't know that Kawachi is very far from Tokyo. Tapos sa dulong bahagi pa ng probinsya nakatira si Tito. It really took us hours to get here. Mag-aalas dose na ng gabi.

"Get inside, South. Malamig dito sa labas baka magkasakit ka" sabi ni Tito. I followed him when he entered the house.

Tito Jackal removed his shoes in the entryway. Ito ang tinatawag nilang Genkan, one of the Japanese characteristics. He placed his shoes in a geta box and used a slipper before stepping to the raised floor. Ginaya ko ang ginawa niya. Tinanggal ko rin ang sapatos ko at sinuot ang isang tsinelas. Sa bahay ni Vape, walang ganitong ritual sa pagpasok sa bahay niya. We'll stepped on his house with our shoes on. Kaya ngayong gagawin ko ito ay nakakaramdam ako ng paninibago. I actually like the idea of removing the shoes before entering the house. Sa ganoong paraan kasi ay mapapanatili mo rin ang kalinisan ng bahay mo.

Pagpasok ko sa loob ay kaagad bumungad sa akin ang isang Irori. A built-in hearth where above of the ash-filled hearth hang a kettle suspended from the ceiling by an adjustable hearth hook made of wood, metal and bamboo. Alam ko ito dahil may ganito rin sa bahay ni Vape. Sa Irori kami madalas mag-usap-usap at kumain.

Tito Jackal went inside a room to place Josiah in there. Habang hinihintay ko siyang bumalik ay inabala ko ang mga mata sa pagtingin sa paligid. It's so cozy in here. Walang masyadong gamit na naka-display. May mga paintings sa dingding, dalawang samurai at mga pamaymay na mukhang matagal nang nakasabit doon. Very old-fashioned.

Malamig sa labas but I feel warm here inside. Siguro dahil na rin sa Irori. Hindi nagtagal ay bumalik na si Tito Jackal. He looked at me and smile.

"Masarap akong gumawa ng tea. Gusto mo matikman?"

Tumango ako. "Bago mo ako painumin ng tea. Pwede ba akong matulog muna? Seriously, I need to sleep. Kakarating ko lang ng Japan kaninang madaling araw" inaantok na sabi ko.

Namimigat na ang mga balikat ko. I feel so exhausted and tired. Parang ang haba ng araw na ito para sa akin. Being with a Crane is really draining me.

He chuckled. Tuwang tuwa pa ito na pagod na ako. Kung alam lang niya na nakakaubos ng energy ang pagsama sa anak niya.

"Okay, then. Matulog ka na muna, bukas nalang tayo mag-usap."

He offered me a room to stay. Dala-dala ang maleta ko na pumasok ako sa kwartong walang kama. Tanging makapal na banig at comforter lang ang nandoon. May dalawang kabinet na gawa sa kawayan at isang mababang lamesa na may nakasinding lampara. The yellowish bright of lamp illuminated the small room. Ito lang ang tanging ilaw na meron dito.

"Feel at home, South! Don't worry, walang momo rito pero may engkanto, hehe! Oyasuminasai!" Parang tyanak na tumawa si Tito Jackal bago sinara ang sliding door na kahoy.

I tsked. Tama bang takutin niya ako? Siraulo talaga ang matandang 'yon. Napailing nalang ako at tinanggal ang coat ko. Inayos ko ang higaan sa sahig at inayos ang lampara. I lay on the thin mattress. I covered myself with the thick blanket and stare at the bamboo made ceiling.

I cannot stop myself from thinking for all the things that happened on this day. I enumerated one by one in my head. Lahat, hanggang sa napagod na ako. Too much for this day. Too much to think. Too much to take. Sa pagod ko ay kaagad akong nakatulog. I woke up in the morning with heavy eyelids. Kinusot ko ang mga mata ko. I looked at my surroundings and saw an unfamiliar room. Napatingin ako sa lamparang wala ng sindi. Doon ko lang naalala na nasa bahay pala ako ni Tito Jackal.

Babangon na sana ako pero biglang bumukas ang kahoy na pintuan ng kwarto ko. I saw Tito Jackal's face peering inside.

"Ohayo gozaimasu, South-chan!" sigaw niya.

Bumangon ako at nag-inat. Napatingin ako sa kahoy na bintana. Tumatagos ang sinag ng araw sa buong kwarto.

"Umaga na?" tanong ko.

"Ay, hindi! Gabi na, South! Sinag ng buwan talaga 'yang nakikita mo, hehe!" sarkastikong sagot ni Tito. Tinignan ko siya ng masama. Napakamot naman ito sa batok niya. "Hays, bobo mo naman kasi South. Halika na nga kain na tayo! Masarap ang mga pagkain namin!" He said happily.

Natawag pa akong bobo. Siraulo talaga.

Lumabas ako ng kwarto. Tito Jackal told me to go to the veranda. A timber-floored veranda. May mababang lamesa at upuan roon. I sit on the chair and look outside. Hindi ko alam na malawak na farm pala ang nasa paligid namin. Hindi ko ito napansin kagabi dahil sa dilim at sa lamig. Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda pala rito.

Sariwa ang hangin. Dumungaw ako sa veranda at nakitang wala kaming ibang kapitbahay. Only the green farm land can be seen here. May mga bulaklak din at maliliit na burol kung saan nakikita kong nagtatakbo si Josiah habang nagpapalipad ng saranggola. He looked so happy and carefree, halatang wala siyang ibang pino-problema, katulad kung papaano ko tignan ang mga kapatid niya.

Speaking of the Crane. Napatingin ako sa phone ko. Walang tawag o message si Genesis sa akin. May text si Noah, Peter, Isaiah at Psalm at lahat sila ay good morning ang sinabi. They even message me that they're going to school now.

"Kumain ka ng marami, South! Masasarap ang mga pagkain dito!"

I placed my phone on the table and look at the foods in front of me. Isa-isang nilapag ni Tito ang mga pagkain sa harap ko. Kaagad akong natakam nang makitang umuusok pa ang mga iyon. Bagong luto, mabango at mukhang masarap.

"Inumin mo rin itong espesyal na tea na ginawa ko para sa'yo. Nakakagaan 'yan ng pakiramdam" sabi ni Tito. Napatingin ako sa tsaa na nilapag niya sa harap ko.

"Tsaa ba 'to o pinaghugasan mo ng kamay?" I asked curiously. Kulay brown kasi ang kulay at may mga parang buhangin pang kasama kaya nagtaka ako.

Lumabi ito. "Herbal Tea 'yan."

Kinuha ko ang tasa at maingat na uminom. I tasted the tea on my lips. Medyo mapait ang lasa pero sakto lang para sa akin. Tinuloy tuloy ko ang pag-inom. Tama nga ang sinabi niya, it somehow lessen my heavy feelings. Pakiramdam ko nahugasan din ang masamang ugali ko. I suddenly felt lightness and purity. I suddenly want to sing Hallelujah when I'm done drinking the tea. Grabe ang epekto nito!

I look at him with pure bliss. "Wow! Anong klaseng tsaa ito? Para nitong nilinis ang lahat ng kasalanan ko. Saan ito gawa?" interisado akong malaman iyon. Maguuwi ako sa Pilipinas ng ilang kahon ng ganito. I'll give it to my father and to my sinful friends, hoping it can wash their sins.

Namula ang pisngi ni Tito sa sobrang tuwa. Napayuko pa ito na animo'y kinikilig at nahihiya. I suddenly want to puke. Ang pangit niya.

"Gawa 'yan sa dahon ng mga bulaklak na pinitas ko sa hardin. Dinikdik ko para makuha ang tamang lasa at sarap" may pagmamalaking paliwanag niya.

Namamangha akong napatango. "Sa lahat ng nagawa mo sa buhay, ito lang ang maipapagmalaki ko sa'yo. Sa wakas, may nagawa ka nang tama!" I nodded in approvement.

"Kyaaaah! Talaga? Hihihi, may reward ba akong makukuha?" excited na tanong nito.

"Oo, gusto mo ba?"

"Kyaaaah! Oo!"

"Sige, lapit ka sa akin."

Lumapit nga siya sa akin. My brows furrowed when I noticed how old is he now. Mas tumanda pa siya. Ilang buwan ulit siyang nawala? One, two months?

"Anong reward ko, South? Hihihi!"

Pinilig ko ang ulo ko at walang emotion siyang tinignan. Sinampal ko ang noo niya dahilan kung bakit ito napaatras at napahiyaw sa sakit at gulat.

"Waaaah! Bakit mo ako sinaktan?" naiiyak na aniya habang sapo-sapo ang noo.

Naiyak na agad e ang hina lang ng hampas ko. Napaka isip-bata niya talaga.

"Ayan ang reward mo" sabi ko. Kinuha ko ang chopstick at sinimulang kainin ang mga pagkain. I hummed in delight. Masarap nga.

"Reward ba ang pananakit? Tito mo kaya ako!" singhal niya.

I raised my eyebrow. "Kahit Tatay pa kita sasaktan pa rin kita."

He gasped. Sa sobrang pagka-oa pa niya ay napatakip pa siya sa bunganga niya.

"T-tatay mo ako? I-isa ka ring Crane? Ang alam ko anim lang ang nabuntis ko. Waaah! Anong lahi mo? Huhuhu anak ko!" He was about to hug me when I pointed my chopstick at him.

"Sige, lumapit kang abnormal ka tutusukin ko 'yang ulo mo" banta ko.

Lumabi ito at malungkot na naupo ulit. Tinitigan niya ang mga pagkain sa lamesa. Para itong may malalim na iniisip. From abnormal mood, he became serious. Bipolar ba 'to?

"Mali ako, ang totoo hindi ko talaga alam kung ilan ang nabuntis ko."

Kaagad akong nabulunan nang marinig iyon. He poured a water in a glass and gave it to me. Agad-agad kong ininom iyon. Nang maayos na ang pakiramdam ko ay tinignan ko siya ng masama.

"Anong sabi mo?" Pinilig ko ang ulo ko. Sumulyap ako kay Josiah na hindi napapagod magtatakbo sa mga burol. Para siyang hayop na ngayon lang pinalabas sa kulungan niya. "Sinasabi mo ba na may kasunod pa si Josiah?" Binalik ko ang tingin ko kay Tito.

He shrugged his shoulders. Kinuha nito ang chopstick at nagsimula na ring kumain. Relax na relax siya samantalang naghaharumentado na ang ulo ko.

"Hindi ako sigurado. Basta ang alam ko lang, gusto kong makuha ang mga anak ko" seryosong aniya.

I swallowed the lump on my throat. Tinitigan ko siya. He changed. Para siyang sinto-sinto noon pero ngayon, seryoso na ito. Ano ba talaga ang nangyari sakanya?

Nahalata niya marahil ang titig ko kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. He gave me a weak smile.

"Sige na, South, magtanong ka na. Naka-ready na ang mga sagot ko sa'yo" aniya.

I sighed. "Wala akong tanong sa ngayon. Ang gusto ko lang ay ang sabihin mo sa akin ang lahat-lahat" seryosong sabi ko.

He put down his chopsticks. Ngumiti siya at tumingin sa labas ng veranda. Kay Josiah na nagpapagulong-gulong na ngayon sa mga burol.

"Isa akong mapusok ngunit marupok na binata" panimula niya. Napangiwi ako.

"Ginagago mo ba ako?" I glared at him.

Ngumuso ito at nagkamot sa batok. "Sige na nga! Isa akong pakboy na gurang. Happy ka na, South?"

Tumango ako nang walang emotion. "Better."

"Ayon nga, inaamin ko naman na pakboy ako. Marami akong naging kasintahan noon and yes, I like imported girls. Hindi naman sa pagmamayabang pero ang mga foreigners ang humahabol sa akin. Kung hindi mo naitatanong, mala greek-god ang kagwapuhan ko noong kabataan ko. Ang mga babae ang nanliligaw sa akin. They throw their selves on me while I push them away. Medyo conservative kasi ako noon atsaka strict ang parents ko. Alas sais nga ng gabi ang curfew ko e. Sobrang likas ang ganda kong lalaki, natatakot ang mga magulang ko na baka magahasa ako sa kalsada" bumuntong hininga siya na parang malaking problema iyon sakanya.

Gustong gusto ko nang masuka sa mga naririnig. Parang sasabog na rin ang tenga ko. Langya! Sana tangayin na nang hangin ang gurang na ito.

"Ows, talaga? Anong nangyari sa mukha mo ngayon?" sinakyan ko ang ka-abnoyan nito.

He sighed again. "Kinagat ng aso ang mukha ko."

I raised my eyebrow. Talaga lang ha?

"I was carefree and handsome before. I like getting wasted and getting fucked up. I bedded my girlfriends. One night stand only but I never thought that one night will give me blessings. Sa mga one night na iyon ay naipon ko ang mga junakis ko" he smiled like that's a big achievement for him. "Noah, came first into my life. His mother is a popular actress. Sa kadahilanang ayaw niyang masira ang pangalan niya, binigay niya sa akin ang anak namin. Nagbago ako nang mahawakan ko ang anak ko. I feel like, I was the happiest man in the world. That was the best moment of my life. Then, Peter came too. Anak naman siya ng isang Politika. Here comes Genesis too, his mother is a mysterious girl from Greece. Sunod si Psalm na may Inang supermodel at si Isaiah na may inang sikat na K-pop Idol. And Josiah, my precious Josiah, nakilala ko ang Ina niya nang minsan akong pumunta ng Japan para magpalamig. Ang init kasi sa Pilipinas. I met his mother at the hotel. Isa siyang sikat na Japanese singer."

Napansin ko lang, bakit puro sikat ang binibiktima niya? Ginayuma niya ba ang mga babaeng iyon? Ibang klase rin ang isang 'to. Lakas ng kamandag.

"Lahat ng Ina nila, ayaw sakanila kaya inako ko lahat ng responsibilidad sa pag-aalaga sakanila. I want my children beside me. Naging maramot ako pagdating sakanila. Gusto ko akin lang ang mga anak ko. So I made a contract with their mothers. Nakasaad doon na wala na silang karapatan sa mga anak nila. It also stated there that no matter what happens, my sons will stay beside me.." he shook his head.

"Napapirma ko sa kontrata ang mga Ina nila, maliban sa Nanay ni Josiah. Chikaku doesn't want to sign a contract. She wants to keep Josiah, not to acknowledge him as her son but to be her punching bag everytime she's mad. Chikaku is an abusive woman. Sinasaktan niya si Josiah. Sinasaktan niya ang anak ko."

Napakuyom ang kamao nitong nasa lamesa. He clenched his jaw and glared at his glass of water. Bigla akong nakaramdam ng takot. I never saw Tito Jackal like this. Akala ko hindi siya marunong magalit. Hindi pala.

"Ilang taon niyang pinagkait ang anak ko sa akin. Kung hindi pa ako nagpanggap na akyat bahay ay hindi ko pa makikita ang anak kong sinasaktan niya. She abused my son. Kaya nang tumawag sa akin ang agent ko na dadalhin ni Chikaku si Josiah sa Hawaii ay kaagad akong nagtungo rito para sundan sila. Napag-alaman ko kasing balak niyang ibenta ang anak namin sa mga pirata. She's a psychopath, South. A freaking psychopath." Hinilamos nito ang mga palad sa mukha. He looked so frustrated and mad. Ramdam ko ang pinagdadaanan niya.

"Anong nangyari sa Hawaii? Bakit naputol ang connection namin sa'yo?" Hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong.

He looked at me. He looked like a mess.

"Chikaku is a daughter of a Yakuza. She tried to kill me when I tried to get my son. Tinakas ko si Josiah sakanya kaya galit na galit ito. She tried to track me down using my phone kaya hinagis ko sa dagat ang cellphone ko bago pa niya matunton na may mga anak din ako sa Pilipinas. Natakot ako na baka saktan niya ang mga anak ko kaya nagpakalayo-layo ako, kasama si Josiah." He looked at his son again. Fear and sadness visible on his eyes.

Sinapo ko ang noo ko. "Tanga ka pala e! Nagtatago ka rito sa Japan e dito nga nakatira ang Chichaka na 'yan!" asik ko.

"Chikaku, South. Ang harsh mo naman kay Chikaku. Maganda kaya siya, sexy pa---"

"Wala akong pakialam!" I stand up and looked at him with so much frustration. Ang sarap niyang sakalin, grabe!

"Nag-iisip ka ba? Mas delikado kayo rito sa Japan! Who knows, bigla nalang kayong sugurin ng mga 'yon at biglang patayin?" I comb my hair using my fingers. Na-i-stress ako sa matandang ito. Hindi talaga nag-iisip.

Kinataka ko nang bigla siyang ngumiti. "Kaya nga pinapunta kita rito e!"

Jusme!

Hinilot ko ang biglang kumirot kong ulo. Mariin kong pinikit ang mga mata at bumuntong hininga. Nagtatagis ang bagang na minulat ko ang mga mata at tumingin sakanya. He's still grinning like a fucking idiot.

"At ano naman ang tingin mo sa akin, ha? Ipapain mo ako sa mga Yakult na 'yan?" I gritted my teeth.

"South, Yakuza! Ya-ku-za! Ikaw ang magliligtas sa amin, hehe!"

"Hindi ako superhero!"

"Pero ikaw ang superhero ng buhay ko, hehe."

I glare at him. "Marami na akong problema, Tito. Please lang, h'wag mo akong idamay d'yan sa problema mo. Umuwi na lang tayo sa Pilipinas." I sat down with a heavy shoulders. Sinasabi ko na nga ba, problema talaga ang dala ng matandang 'to.

Umiling ito nang sunod-sunod. He pouted his lips like a baby. Parang tanga.

"Hindi pwede! Madadamay mga Junakis ko. Ayaw ko silang masaktan" Naluha ito. He shook his head and wipe his tears. Umiwas ako ng tingin. "Hindi bale nang ako ang mamatay h'wag lang ang mga anak ko. Pakiusap South, h'wag mong hahayaan na may mangyaring masama sakanila" he looked at me with pleading eyes. He's far from being the abnormal father. Ngayon ay para na siyang tunay na Ama na tanging mga anak lang ang iniisip.

"We cannot stay here any longer, Tito. Kung bakit ba naman kasi anak pa ng Yakuza ang binuntis mo? Sa susunod nga mamili ka ng bubuntisin! I-background check mo muna bago mo sakupin! Pambihira ka naman hindi ka nag-iisip!" nabuhay muli ang inis ko. Ang sarap lang kaltukan ang mga tanga.

"Hehe, sorry naman po! Sabi ko nga na marupok akong lalaki. Nabighani ako sa kagandahan ni Chikaku!" His eyes sparkle in amusement. He's probably reminiscing the moments he shared with Chikokak--Chikanak? What's the name again? "Grabe! Ang ganda niya! Ang sexy! Ang kinis at sobrang eleganteng tignan! Haaay! Naaalala ko pa ang mga panahong naghahabulan kami sa ilalim ng mga Sakura Tree. Iyong batuhan namin ng Snow, iyong pagtatalik namin sa gitna ng mga niyebe---" Bago pa kung saan makarating ang mga sinasabi niya ay tinusok ko na nang chopstick ang noo niya. Nakanguso niya akong tinignan. "Aray naman, South! Panira ka talaga ng moment!"

I tsked. "Bago mo isipin ang mga nakakadiring ginawa niyo ng babae mo, isipin mo muna kung papaano mo su-solusyunan ang problema mo! Isipin mo ang mga anak mo. Nangungulila na sila sa'yo. All they think you were in Hawaii but here you are. Wala man silang kamalay-malay na may bago silang kapatid at hinahabol ng kamatayan ang Ama nila" sumimangot ako. Thinking his unaware sons makes me feel guilty. Nakokonsenya rin ako na hindi ko sinabi sakanila na nandito sa Japan ang Ama nila. Nakokonsenya ako na nagsinungaling ako.

"Kung pwede lang akong umuwi, matagal ko na sanang ginawa. Malakas ang connection ni Chikaku. She probably find out that I'm here in Japan."

"Kaya nga umalis na kayo rito."

Umiling ito. "Gustuhin ko man ngunit ito lang ang ligtas na lugar na alam ko. We're safe here in Kawachi, at isa pa, liblib ang bahay na ito kaya hindi rin nila ako kaagad na matutunton." Tipid siyang ngumiti.

I sighed. I hate Tito Jackal but I cannot stop myself thinking for his safety. Nayayamot ako sa matandang ito pero ayoko parin naman siyang mapahamak. Ama siya ng mga Crane at ng lalaking papakasalan ko balang araw.

Humalukipkip ako at seryoso siyang tinignan. "What are your plans then?" tanong ko. I don't want to involve myself with this kind of problem because honestly, I'm so sick of playing run while death chasing you. Ilang tao na rin ang nagtatangka sa buhay ko, pagod na pagod na akong isipin sila.

Yes, I like this kind of game before. Gusto ko iyong habulan at patayan dahil ito lang ang nagbibigay kasiyahan sa buhay ko. I want action and adventures. I like getting beat up and shot by my enemies. Pero nagbago lahat ng mga kagustuhan kong iyon nang mapadpad ako sa bahay ng mga Crane.

They were so innocent and pure, while I'm sinful and trouble. They smell like a heaven, and I smell like a war. They're selfless, and I'm selfish. They are an Angels, and I am the Wicked Witch. In short, I don't belong to them. And they are not belong to me...but why do I feel like we belong with each other? They're good, and I'm bad. They world should be balance. Pero ewan ko ba kung bakit unti-unti akong napapasama sa mundo nila. I often got in a fight but when I stayed with them, I seldom reach my knuckles for a punch. Nagbago ang pananaw ko sa buhay dahil sakanila. I started to care and be selfless because of them.

"Bring Josiah to the Philippines."

Tito Jackal's voice bring me back from my thoughts. Nangunot ang noo ko.

"And how about you?" tanong ko.

He shook his head. Napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao niya at ang pagtiim bagang nito.

"I'll stay here. Haharapin ko si Chikaku nang mag-isa. Kapag hindi niya makita si Josiah, mawawala ang pakialam niya rito. Hindi bale nang ako lang ang mamatay h'wag lang madamay ang anak ko..."

Ramdam ko ang matinding kalungkutan niya. Ang galit at sakit ay nararamdaman ko. I gritted my teeth.

"Sa tingin mo hahayaan kong mangyari 'yon?"

"Ha?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Kung mamamatay ka, sinong maghahatid kay Genesis sa altar?"

"Bakit ko ihahatid si Genesis sa altar?" Nagtatakang tanong niya.

"Magpapakasal kami. Ako ang maghihintay sa altar at siya ang maglalakad papunta sa akin."

He stared at me and blinked three times. Umiwas ako ng tingin at medyo nakaramdam ng kaba. Pinagsalikop ko ang mga palad ko. Walanghiya akong tao pero hindi ko lubos inakala na kakabahan ako bigla sa harap ni Tito Jackal.

"Bakit mo papakasalan ang Junakis the third ko?"

I swallowed hard. Damn, bakit ba ako kinakabahan e si Tito Jackal lang naman ito? He's Genesis' father, Southern!

"Uhm..." I lost words to say. Bakit ngayon pa ako na blanko? Naging malikot ang mga mata ko. Hindi ako makatingin sakanya ng diretso.

"Bakit mo papakasalan ang Junakis the third ko, South?" ulit na tanong niya.

"K-kasi..trip ko. Trip ko siyang pakasalan masama ba 'yon?" nauutal sa kaba na saad ko.

"Yieee! Trip mo siyang pakasalan? Hehe, ibig sabihin magiging Crane ka na rin? Gusto mo bang maging kapamilya ang  mga tokmol, South?" animo'y kinikilig na tanong nito.

Nagbuga ako ng hangin. At least aware siyang tokmol nga sila.

"Hindi. Pero sa tokmol ako nahulog kaya wala akong choice."

"Hmm, pero kung gusto mong pakasalan ang Junakis the third ko, dapat ligawan mo muna ako" aniya dahilan para mapataas ang kilay ko.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Dahil ako ang Pudrabels ni Genesis. Hindi ako papayag na magpakasal kayo hangga't hindi mo hinihingi ang kamay ko."

"Bakit ko hihingin ang kamay mo e may mga kamay naman ako?" Siraulo ba 'to? Aanhin ko ang kulubot niyang mga kamay?

He held his forehead like he's so stressed talking to me. Aba! Siya pa ang na-i-stress!

"South, hindi literal na hihingin mo ang kamay ko. Ang ibig sabihin no'n ay kailangan mong makuha ang blessing ko sa inyong dalawa. Hindi kayo maaring magpakasal hangga't wala ang blessings ng mga magulang niyo" paliwanag niya.

Tumango tango ako. Ganoon ba 'yon?

"Kung ganoon, hindi kami pwedeng magpakasal ni Genesis nang walang blessings?" tanong ko.

Tumango siya. "Yes! Kailangan niyong mamanhikan sa mga pamilya ng bawat isa. Doon ibibigay ang blessings."

May mga proseso pa ba sa pagpapakasal? Langya! Akala ko kung gusto mong pakasalan ang isang tao dalhin mo lang siya sa simbahan at magpalitan ng singsing saka maghahalikan. May mga proseso pa pala. Tss.

"Edi mag-set tayo ng schedule para sa pamamanhikan, iyon lang naman pala e."

Pumalakpak si Tito at masayang kumibot-kibot sa upuan niya. Parang may uod sa pwet nito.

"Yieee! Hehe, excited na ako!"

Ako hindi. Kinakabahan ako. My father will surely against of this. Pinilig ko ang ulo at tinanggal muna sa isipan ang tungkol sa bagay na iyan. I looked at Tito Jackal with cold eyes.

"Mabalik tayo sa usapan, Tito. Hindi ka pwedeng magpaiwan dito sa Japan. Pinangako ko sa sarili ko na iuuwi kita sa Pilipinas. Buo at walang galos" seryoso kong saad.

Ngumuso siya at sumulyap sa anak na tumatakbo na papunta sa amin. He even waived his hands at us. Para talaga siyang bata.

"Oneechan! Dada!"

"Pero paano si Josiah? Ikaw? Ayaw ko kayong mapahamak." Nanumbalik ang kalungkutan sa mga mata niya. Nandoon din ang takot.

I bit my lower lip. I told myself that I'll stay away from any trouble but trouble really loves me.

"Wala akong choice kundi ang pumasok sa problema mo. Kailangan mong makauwi sa Pilipinas. Malapit na ang kaarawan ni Isaiah at ikaw ang pinangako ko sakanya. You have to be there no matter what happen."

I don't want Isaiah to be sad. Ayaw na ayaw ko iyong nakikita na malungkot sila. Hindi bale nang maubos ako mapasaya ko lang sila.

Everyone, this is the newest Southern Miracle Benedicto. The selfless Witch.

                                         _

PSALM CRANE's POV

"Okay na ang pasyente. Let's just give him time to rest. Hintayin nating magising ito."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Doctor. Hawak-hawak ko ang kamay ni Isaiah na mahimbing na natutulog sa hospital bed. Ayaw ko siyang bitawan. Pakiramdam ko kasi ay kasalanan ko kung bakit siya na hospital. Inaway ko siya kanina. Sobrang bad kong tao!

"Salamat, Doc."

Pagkalabas ng Doctor ay sunod-sunod na bumuntong hininga ang mga kapatid ko. Tiningala ko si Noah na may nag-aalalang mukha na nakatingin sa bunso namin.

"Sana ako nalang ang nandyan at hindi si Isaiah" malungkot na sabi nito.

Ngumuso ako at tinignan si Peter na nakasandal sa pader. Nakahakukipkip ito at nakatingin din kay Isaiah. Sunod akong bumaling kay Genesis na tahimik na nakaupo sa sulok. Ang dalawang palad nito ay nasa noo, halatang nalulungkot din siya.

"I'm sorry mga Kaps. Sana hindi ko nalang inaway si Isaiah kanina. Sorry kasi nagmatigas ako...sorry talaga..." Nagtubig ang mga mata ko hanggang sa sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Nasasaktan ako at nalulungkot. Wala akong ibang sinisisi ngayon kundi ang sarili ko.

"Psalm, don't cry! It's not your fault!" Lumapit si Summer sa akin at hinaplos ang likod ko. Ngumuso ako.

"Pero inaway ko si Kaps" humihikbing sabi ko.

"No, it's not your fault, okay? Kasalanan 'to ng taga-luto! She purposely put a lot of salt in the food!" galit na aniya.

Nag-angat ng tingin si Genesis. Walang emotion ang mga mata nito na tumingin kay Summer. Umiwas kaagad ng tingin si Summer sakanya.

"Si Manang? Pero masarap siyang magluto" kunot noong sabi ni Peter. "At saka, bakit naman niya gagawin 'yon?"

Nagkibit balikat si Summer. "I don't know. Sa sobrang alat ng niluto niya ay muntikan nang magkabato si Isaiah."

Bato? Magiging bato si Kaps? Hala! Paano 'yon?

Nakanguso akong tumingin sa natutulog kong kapatid. Waaah! Magiging bato siya! Huhuhu ayokong mangyari 'yon!

Magsasalita pa sana ako pero biglang bumukas ang pintuan. Pumasok si North na hinihingal.

"What happened to my baby?" Tumingin siya kay Isaiah. Parang nanlambot ang tuhod nito na lumapit sa kapatid ko.

"North! Waaah! Nagkasakit si Kaps!" Naiyak na naman ako. Naramdaman ko muli ang paghaplos ni Summer sa likod ko.

"Ohmygosh! What happened to him?" Naiiyak na tanong ni North habang hinahaplos ang mukha ni Isaiah.

"Your cook did that to him, North. Nagkaganyan si Isaiah matapos niyang kainin ang nilutong sopas nito" si Summer ang sumagot.

Kaagad napatingin sakanya si North. Tumigil ito sa pag-iyak at kinunot ang noo.

"What? Are you sure? Bakit gagawin ni Manang iyon?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi pa man nakakasagot si Summer ay marahas na nagpakawala nang hininga si North. Sinapo niya ang noo at galit na pinindot ang cellphone. "I want Manang Risa here! Now!" Kaagad niya ring binaba ang cellphone. Sinuklay nito ang buhok at malungkot muling tumingin kay Isaiah. "Oh gosh!"

"Hilaga, okay na si Kaps kaya h'wag ka ng mag-alala" sabi ni Noah dito.

"Hindi naman 'yon ang iniisip ko e!"

"Ha? Ano?"

Mariing kinagat ni North ang ibabang labi. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang nakikita kong takot sa mga mata niya.

"South will probably kill me because of this. Please, h'wag niyo munang sabihin sakanya ang nangyari kay Isaiah. Hayaan niyong ako ang magsabi nito" pakiusap niya sa amin. Kulang nalang lumuhod pa siya sa pagmamakaawa. Isa-isa niya kaming tinignan. Takot at lungkot ang nakikita sa mga mata niya.

Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Tinitigan ko ang kamay naming magkahawak ni Isaiah. Huli na si North. Nasabi ko na kay South kanina. Hindi ko siya matawagan kaya tinext ko nalang siya. Natatakot kasi ako kaya sinabi ko kay South. Bilin niya rin kasi na sabihin namin kaagad sakanya kapag may nangyaring masama.

"Please North, do something about this. Ayokong palampasin ang nangyari kay Isaiah. It pains me seeing him on this kind of bed" nabasag ang tinig ni Summer. Nagtubig ang mga mata niya at ilang sandali lang ay sunod-sunod na ring pumatak ang mga luha niya.

Muling kinagat ni North ang ibabang labi. Halata ang lungkot at pagiging problemado niya.

"It pains me too but...I don't want to be unfair. Ipapa-imbistigahan ko ang nangyari. Dadaan sa tamang proseso ang may kasalanan nito" determinadong aniya.

Napatingin ako kay Summer nang mapansin na natulala ito. Nanlalaki ang mga mata niya at parang hindi na rin humihinga.

"Summer, okay ka lang?" tanong ko.

Mukhang doon lang siya natauhan. Tumingin siya sa akin. Tumango ito at tipid na ngumiti.

Natahamik ang buong kwarto. Lahat kami nakakaramdam ng lungkot habang tinitignan si Isaiah. Nasasaktan pa rin ako sa pangaaway ko sakanya. Kung alam ko lang na mangyayari ito sana nagpakabait nalang ako. Sana hindi ko na siya sinigawan.

Ilang sandali pa kaming tahimik hanggang sa bumukas ang pintuan. Pumasok si Manang na taga-luto namin.

"Miss North..."

Walang emotion siyang tinignan ni North. Hinarap niya si Manang na may nagtatakang mukha. Napatingin siya sa amin at kay Isaiah na nakahiga sa kama.

"Anong nangyari sakanya?" tanong nito.

"Dapat alam mo ang nangyari, Manang. Isaiah was rushed in the hospital after eating the food you cooked. Anong ginawa mo sakanya?" diretso at maring tanong ni North. Ramdam ko sa boses nito ang galit at pagpipigil.

Namutla ang mukha ni Manang. Hindi siya makapaniwalang napailing.

"H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo.."

"Hindi alam? My Gosh, Manang! Alam mo bang hindi lang ikaw ang malilintikan sa nangyari? Pati ako! Dammit!" sigaw ni North. Galit na galit na ito at halatang problemado.

Nagtubig ang mga mata ni Manang. Tumingin siya kay Summer tapos ay kay North ulit.

"M-maniwala kayo, Miss North. Wala akong ginawang masama. Nagluto lang ako ng pagkain. Wala akong intensyon na saktan ang mga Crane. Nandoon si Summer noong nagluluto ako, nakita niya ako. Sabihin mo sakanila Summer na wala akong ginawa" sabi ni Manang. Puno ng lungkot at pagmamakaawa ang mga mata nito.

Yumuko si Summer. Umiling siya at umiyak.

"I don't know! Malay ko ba na habang nakatalikod ako ay may nilalagay ka na sa niluluto mo!" umiiyak na sagot niya. Malakas ang paghikbi nito kaya nakaramdam ako ng awa. Hinawakan ko siya sa balikat.

"Summer..." Niyakap niya ako at sa dibdib ko siya umiyak.

Tuluyan nang umiyak si Manang. Umiiling siya na parang dismayado sa naging sagot ni Summer. Napayuko nalang ito at tinanggap ang mga sinasabi ni North.

"I'm sorry, Manang. I hate to do this but you're fired as the Crane's cook. Ipapalipat kita sa isang Mansyon. I cannot fire you totally dahil hindi ako ang madedesisyon sa bagay na iyan."

Tumango si Manang. Hindi na siya umapila pa.

"Naiintindihan ko pero Miss North, alam niyong hindi ko iyon kayang gawin. Mahigit dalawang dekada na akong naninilbihan sa inyo, nasa inyo ang buong tiwala ko. Buong buhay ko ang tanging ginawa ko lang ay ang ipagluto kayo ng masasarap na pagkain. Malinis ang konsensya ko. Ewan ko nalang sa taong gumawa nito para siraan ako" mahabang litanya niya. Sumulyap siya kay Summer bago napabuntong hininga at tumingin kay North. "Ako na rin ang bahalang magpaliwanag sa Presidente at kay Miss South. H'wag kayong mag-alala, Miss North."

Tumango si North at sinapo ang noo. "This is stressing me out."

Napayuko si Manang. Naawa rin ako sakanya. Ayokong magbintang ng ibang tao. Mabait si Manang. Niluluto niya lahat ng mga pagkain na gusto naming kainin. Lahat masasarap. Mas masarap pa nga ang luto niyang spaghetti kesa sa luto ni South e, pero syempre hindi ko iyon sasabihin kay South. Ayaw ko siyang malungkot.

"Aalis na ako, Miss North" paalam ni Manang. Tumingin siya sa amin at malungkot na ngumiti. Ngumuso ako. "Pasensya na sa nangyari. Aalis na ako...Summer." Sumulyap din siya kay Summer.

Inirapan siya ni Summer. Napailing nalang si Manang at muling nagpaalam kay North bago lumabas ng kwarto. Nang mawala siya ay marahas muling bumuntong hininga si North.

"Si Manang Loisa ang ipapalit ko kay Manang Risa. Masarap din siyang magluto---" Hindi natapos ang sinasabi ni North nang magsalita si Summer.

"No need, North. From now on, ako na ang magluluto ng pagkain ng mga Crane."

Sabay-sabay kaming napatingin kay Summer. Seryoso ito pero kaagad ding ngumiti nang mapatingin siya kay Genesis. Si Summer na ang magluluto? Sabagay, magaling din siyang magluto. Masarap at nakakabusog!

"Are you sure?"

Tumango siya. "Yes. I've done it before. I can guarantee you that they'll be safe and healthy with me."

"No need. We can cook for our own" biglang pagsasalita ni Genesis. Seryoso ito. Wala nang bago roon.

"Hindi ka nga marunong magbukas ng kalan, Genesis e" sabi ko.

Masama ang tingin na bumaling siya sa akin. Napalunok ako kaagad at umiwas ng tingin. Waaah! Bakit nakakatakot siya? Nagsasabi lang naman ako ng totoo e!

"Genesis, have you forgotten that I'm the best cook in the world? Hindi mo ba na miss ang mga luto ko? Ipagluluto ulit kita ng paborito mong Adobo" ngumiti ng matamis si Summer.

"Hindi Adobo ang paboritong pagkain ni Genesis" sabat ni Peter. Nakasimangot itong nakatingin kay Summer.

"Ha?"

"Tuyo."

Napangiti ako nang marinig iyon. Hehe, mali si Peter! Hindi lang kaya si Genesis ang may gusto no'n, pati kaya ako! Lalo na kapag si South ang nagluluto, kulay itim na Tuyo ang pinapakain sa amin! Hays, nagugutom na tuloy ako at nami-miss ko na rin si South. May Tuyo kaya sa Japan?

"G-ganoon ba" napayuko si Summer. Halatang nalungkot.

Napatingin kaming lahat kay Genesis nang biglang tumunog ang cellphone nito. Nangunot ang noo niya pero ilang sandali lang ang napangiti na ito.

"Si South ba 'yan, Kaps?" tanong ko. Si South lang naman kasi ang nakakapagpangiti sakanya e.

Hindi niya ako sinagot. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

"Genesis!" Nagulat ako nang biglang tumayo rin si Summer at hinabol si Genesis sa labas.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Ang gulo nila."

"Hala, lagot na! Nag-text si Timog ng isang kalbo na may sungay at kalbong umuusok ang ilong!" sabi ni Noah habang nakatingin sa cellphone. ( 😈 😤 )

Napamura nang malutong si North. Bigla siyang kinabahan at nataranta.

"That's an angry emojis!"

"Anong ibig sabihin no'n, North?" tanong ko.

Nanlulumo siyang napaupo sa kama ni Isaiah. Bagsak ang mga balikat niya at nanlulumo.

"It means, death. Patay tayong lahat."

                                        _

SUMMER's POV

"Genesis!"

I followed him. Pumunta ito sa isang corridor kung saan walang katao-tao. He was about to answer his phone when I stopped him.

"Genesis! Don't answer it!" sigaw ko. I ran ang stopped in front of him.

Kunot noo niya akong tinignan. "What the fuck?"

"Hindi mo pwedeng sagutin ang tawag ni South! Sabi ni North na h'wag munang sabihin sakanya ang nangyari 'di ba?" hinihingal kong sabi.

Instead of listening to me, he answered the call and put the phone on his ear. Nagtagis ang bagang ko.

I grabbed his neck and lean closer to him. Sa gulat niya ay hindi ito kaagad nakareact.

"I love you too, Genesis..." I said out loud and aim his lips. I kissed him. He froze but immediately gathered himself.
Nabitawan nito ang cellphone kaya nahulog sa sahig. Wala pang tatlong segundo ay marahas na niya akong tinulak. Tumama ang likod ko sa pader. Sa lakas ng impact nito ay paniguradong magkakaroon ako ng galos doon.

"What the fuck do you think you're doing?!" umalingawngaw sa buong pasilyo ang makamandag niyang boses. Madilim ang paningin nito at kulang nalang ay sugurin niya ako para saktan. I remembered what happened in the pool area of Benedicto Mansyon. Sinakal niya ako. Iyong mga mata niya ay punong-puno ng galit at pagkamuhi.

Nakaramdam ako ng matinding takot at lungkot pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. Sakit sa dibdib na ganito kung tratuhin niya ako ngayon. He really changed, a lot.

"G-genesis..." Tears started to fall from my eyes. Masakit. Sobrang sakit.

Pinunasan niya ang labi na parang nandidiri na dumikit ang labi ko roon. He picked his phone and cursed when he saw it was already broken. Matalim ang mga matang tumingin siya sa akin.

"What the fuck is your problem? You're still lucky I haven't kill you yet. Wait 'till I lost all my temper" mariin at mapanganib na aniya. Nagtatagis ang bagang nito sa galit.

Pinunasan ko ang mga luha ko.

"D-don't you love me? Mahal na mahal parin kita, Genesis! Please, maniwala ka naman!" I tried to hold his hand even if my back is sore. Pakiramdam ko, binalian din ako ng mga buto sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin.

Winakli niya ng marahas ang kamay ko. Nasaktan ako. Not just physically but emotionally and mentally.

"Don't you fucking lay your hand on me! And love? Why on earth I'll love someone like you? Just get lost!" sigaw niya sa mismong pagmumukha ko. Napapikit ako. I cannot hold this any longer.

"And just to remind you, my lips are only for my Witch. Not for you. Don't you dare kiss me again, I may not be able to hold back any longer and forget you're a woman."

Parang punyal ang mga salita niyang bumabaon sa dibdib ko. It hurts like hell. My tears fall. I cannot stop these tears from falling. Ito nalang ang nagpapatunay na sobra akong nasasaktan dahil sakanya.

He clenched his jaw and fist. Muli niya akong matalim na tinapunan ng tingin bago ako tinalikuran at naglakad paalis. I sobbed. I held my chest, hoping my heart will stop from beating. Parang mas gugustuhin ko pang mamatay nalang kesa maramdaman ang ganitong klaseng sakit.

"I have a rheumatic heart disease. I left three years ago to cure my heart but sadly, I didn't succeed. Mahina na ang katawan ko. Hindi ko na kayang mag-undergo ng kahit na anong surgery. I only have short time to live, Genesis...and I want to spend my short time with you...please..." I sobbed. I wipe the tears on my cheeks and stare at his back with so much pain. "Pahingi naman ng kaonting pagmamahal mo. Kahit kaonti lang...kahit hindi mo na ulit ako mahalin ng buo. Kontento na ako sa kaonti lang..."

Hindi siya gumalaw o umimik. He just stand there with his back facing me. He shook his head and it hurts me more when he continued to walk, leaving me in a deep sorrow. Napahawak ako sa dibdib ko. Slowly, my knees weakened making me sat on the cold floor. I sobbed hard. My cries echoed to the peaceful corridor.

Umiyak ako. Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kung karma ngang matatawag ang nangyayari sa akin sa ginawa kong pang-iiwan sakanya noon, so be it. I'll accept this karma.

                                         _

SOUTHERN's POV

"I love you too, Genesis..."

"I love you too, Genesis..."

"I love you too, Genesis..."

"I love you too, Genesis..."

"I love you too, Genesis..."

Those words keep on echoing in my head. Parang sirang plaka na paulit-ulit. Parang tambol na dumadagondong at parang kutsilyong tumatarak sa puso ko. Masakit palang pakinggan na may ibang taong bumabanggit sa mga salitang ikaw lang dapat ang nagsasabi sa taong mahal mo.

Sinapo ko ang kumikirot kong ulo. Gusto ko kaagad umuwi ng Pilipinas at angkinin ang dapat sa akin. Gusto kong ipagdamot si Genesis. Gusto ko akin lang siya. Akin lang naman siya 'di ba?

"South-chan, okay ka lang?"

Nag-angat ako ng tingin kay Josiah. Nakanguso siya habang nakatitig sa akin. He's wearing a black kimono, emphasizing his japanese features. Ngayon, mas mahahalata mo na talagang may lahi siyang Hapon.

"Hindi. Nadudurog ang puso ko..." Nagtubig ang mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin.

Ang daming tumatakbong mga tanong sa isip ko. Nabuhay ang pangamba at takot ko. Takot na baka mawala sa akin si Genesis. Takot na baka maagaw siya sa akin ng iba. I should trust him, right? He promised me that I'll be the only one. Nangako siya sa akin. Panghahawakan ko iyon.

"Hala! Bakit nadudurog and puso mo South-chan? Sino dumudurog ang puso mo?" My brows frown when he started crying. Namula ang ilong nito at humikbi. "Josiah iyak. Nasasaktan si Josiah! Durog din puso niya!" aniya at nilakasan pa ang iyak. "Waaaah! Iyak si Josiah!"

Pambihira. Ako itong nasasaktan dito pero siya ang umiiyak. Umurong na tuloy ang mga luha ko. I was the one who's broken but in the end, I am the one comforting him.

"Ssshh tama na. H'wag ka ng umiyak..." I sighed. Mas lalo talaga akong tatanda sa konsomisyon sa mga Crane.

My thoughts were occupied again by Genesis and Summer. Ang impaktang 'yon, ang galing talaga tum-i-ming. Talagang sinadya niyang lapitan ang mga Crane habang wala ako. Wait until my business here over. Ipapakita ko sakanya na mali siya nang inaagawang tao.

"Kyaaaaaaah!"

Narindi and tenga ko nang marinig ko ang matinis na boses ni Tito Jackal. Kalalaking gurang ang hilig-hilig tumili. I sighed and patted Josiah's shoulder.

"Dito ka muna, titignan ko lang ang siraulo mong ama" paalam ko.

He looked at me. His eyes were damped by his tears. Para talaga siyang bata.

"Siraulo si Dada?" inosenteng tanong niya.

"Oo, siraulo means cute."

"Kawaii?"

Tumango ako. Ginulo ko ang buhok nito. I cannot stop myself from adoring this sixth Crane.

"Yes. He's siraulo. In Japanese, kawaii."

Tumango tango siya. Mapaniwalain talaga ang isang 'to kaya gustong gusto ko e.

"Siraulo si Dada!" he beamed happily.

Cute.

Iniwan mo na ito at lumabas ng bahay para tignan si Tito Jackal. Inutusan ko kasi siyang pumitas ng mga prutas. Paglabas ko ay nakita ko itong parang teenager na nangingisay sa kilig. Nangunot ang noo ko, hindi dahil sa ginagawa niya kundi dahil sa itsura niya.

Tito Jackal is wearing a pink Kimono. A Kimono for girls. May hawak siyang basket na punong puno ng mga prutas. Ang tenga nito ay may nakaipit na mga bulaklak. Bulaklak na nilalanggam.

Marahas akong napabuntong hininga. Ngayon alam ko na kung saan din namana ni Isaiah ang hilig niyang magsuot ng mga bistida. Sa siraulo niyang Ama.

"Anong tinitili mo r'yan?" sita ko rito.

Lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti. "Kyaaaah! South-chan! Pogibels, oh!" He pointed his finger to the distance.

Pogibels?

Sinundan ko ang tinuturo niya. Nakita ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa bahay. Pero hindi iyon ang nagpanganga sa akin, kundi sa taong nagma-may-ari nito.

Kaagad uminit ang ulo ko nang makita ang singkit niyang mga mata. What the fuck is he doing here?

"Vapeeeee! Kyaaaah! Na-miss kita!" Tito Jackal run to welcome him. Niyakap niya ang talipandas at nakipag-beso pa.

Sandali nga, ano bang ganap ng matandang 'to? Is he acting like a widowed woman?

"Tito Jackal, long time no see..." Mas lalo pa akong nainis nang marinig ko ang boses niya.

"Ang gwapo mo pa rin! Kung hindi ka lang Miyashiro baka iisipin ko na isa kang Crane, hehe!"

Si Vape, isang Crane? No way! Talagang magbibigti na ako kapag nangyari 'yon!

He looked at me. His cold dark eyes stare at me. Umiwas ako ng tingin at humalukipkip.

"Naliligaw ka ata?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hala! Naliligaw ka Vape? Hays! Sabi ko naman kasi sa'yo na tawagin mo si Map kapag kailangan mo ng tulong e! Sumigaw ka lang ng, The Map! The Map!" turo ni Tito Jackal.

Hindi natanggal ang tingin niya sa akin. Parang hindi nga nito narinig ang sinabi ni Tito e. He stares at me like he didn't see me for years.

"I've been looking for you" aniya.

Napangisi ako at hindi siya makapaniwalang tinignan.

"Ah, talaga? Hinahanap mo ako? Wow, ha! May konsensya ka pala? Bakit mo ako hinanap? Tinanong ba ako ni Daddy sa'yo? Ano? At sandali nga! Paano mo pala nalaman na nandito ako?" sunod-sunod ang mga tanong ko. Naiinis talaga ako sakanya. Ang sarap niyang hampasin at gawing sushi.

"Hindi ka mahirap hanapin, Milagro" seryosong aniya.

Mas lalong nag-init ang ulo ko. I scratched my neck and looked at him with gritted teeth.

"Talaga lang, ha? Kaya pala inabot ng umaga bago mo ako mapuntahan? Bakit Vape? Why are you still looking for me? Pinaalis mo nga ako sa bahay mo 'di ba? And not to mention that our friendship is over!" I swallowed the lump on my throat. Hindi ko alam kung bakit ako nagiging emotional pagdating sa pagkakaibigan namin. "Umalis ka na! I don't want to see your face again" mariin kong sabi.

Nagtagis ang bagang nito sa galit. "Hindi kita pinaalis. Ikaw ang umalis! And I'm looking for you because I care for you!" asik niya.

"You care for me yet you let me go around the street with a thin coat? Alam mo ba kung gaano kalamig sa labas? Alam mo ba na halos manigas na ako sa kalsada? Alam mo ba na nanginginig na ako sa lamig dahil hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta!" I shouted back. Okay, the last one is a bit exaggerated. Hindi naman talaga ako nanginig and surely I know where should I go. Nasabi ko na bang kabisado ko ang Japan?

He shook his head. He probably feel guilty now. He should be. Dapat lang na makonsensya siya sa ginawa niya sa akin. Wala siyang puso!

Napansin ko ang palipat-lipat na tingin ni Tito Jackal sa amin. He looked so clueless and stupid with his outfit. Mas lalo akong nainis nang makita ko ang bulaklak niya sa ulo.

"Live drama ba 'to? Ang lupit ng mga batuhan niyo ng linya, ha? Hehe, anong teleserye 'yan, South?" tanong ni Tito sa akin.

I clenched my jaw.

"My Ex-bestfriend is a heartless dork."

Napasinghap siya. Tinakpan pa niya ang bunganga.

"Waaaw! Ang ganda ng penikulang 'yan! Susubaybayan ko 'yan! Pagkatapos ng Ang Probinsyana, isusunod ko 'yan!"

I tsked. Binalik ko ang tingin ko kay Vape. Nakayuko parin ito.

"Ano? Wala ka nang masabi?" singhal ko.

"Wait, I'm still thinking. Give me time to think."

"Tss, bilisan mo ngayong mainit pa ang ulo ko."

"Cut!"

Sabay kaming napatingin kay Tito. "Bakit?"

"Hays! Vape, bilisan mo mag-isip! Isumbat mo rin kay South ang paghihirap mo habang hinahanap siya!" he lectured him.

"Should I really do that?"

"Oo! Game na? 1 2 3, action!" He clapped his hand and watch us again.

Vape looked at me. "Sa tingin mo, ikaw lang ang nanginig sa lamig? I followed you when you left but you are no longer to be seen! I looked around the street without a coat! Sobrang lamig sa labas! I did my best to find you but I cannot find you! I was frozen in coldness! I keep on stumbling the cold floor but I didn't gave up. I looked for you even if my body gone numb and frozen because of the snow! I didn't gave up, Milagro!" sigaw niya. Punong puno nang pagdurusa ang boses nito.

Tito Jackal sobbed and wipe his invisible tear. Pumalakpak pa ang gurang.

"Bravo! I'm so proud of you, Vape!"

"Is that good?"

"Very good!"

Nagyakapan ang dalawa at pinuri ang ginawa ni Vape. Napailing ako. Bagay nga na maging Crane si Vape. Siraulo at uto-uto.

"Kyaaaah! Siraulo! Siraulo! Siraulo!"

Sabay-sabay kaming napatingin kay Josiah. He's jumping excitedly while pointing his finger to the two.

Napansin ko ang pagtiim bagang ni Vape. "Siraulo? Who? Me?"

"Opo! Kyaaaah! Siraulo ka! Siraulo ka!"

Napalunok si Tito Jackal. Lumapit ito sa anak at inawat.

"Hehe, Junakis the sixth, bakit mo tinatawag na siraulo si Vape?"

Imbes na sagutin ni Josiah ang tanong ng Ama at tinuro niya ito. Bumungisngis pa siya.

"Siraulo ka, Dada! Kyaaaah! Siraulo!"

Nangasim ang mukha ni Tito habang nagdidilim naman ang paningin ni Vape. 

"Anak, hindi siraulo si Dada" ngumuso si Tito.

"Ha? Hindi ka po cute?"

"Cute is Kawaii, 'di ba?"

Tumango ang bata. "Hai! Pero sabi ni South-chan, siraulo is Kawaii!" nagtatakang aniya.

Tito Jackal ang Vape looked at me. It's my turn to swallowed hard. Alanganin akong ngumiti sakanila.

"Kaya nga ayokong maging Guro dahil iba-iba ang naituturo ko sa mga bata" I laughed awkwardly.

Vape tsked. May pagtataka niyang tinignan si Josiah at Tito.

"Your son?" tanong niya.

Ngumiti nang malaki si Tito Jackal at may pagmamalaking hinarap si Josiah sakanya.

"Hai! This is my Junakis the sixth, Josiah Moses Crane!"

Josiah bowed at him. Pag-angat niya ng ulo ay siyang biglang pagkabasag ng isang vase na naka-display sa labas ng bahay. Napatalon kaming lahat sa gulat.

"Waaaah!"

"Dada! Gulat si Josiah!"

Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng tumama sa vase. Ganoon nalang ang pagkamutla ko nang makita ang bata-batalyong mga armadong lalaki. In the middle was a very fat woman on her red Kimono. Nakapayong ito ng Japanese umbrella at may dalawang tagapaypay pa sa magkabilang gilid niya.

"Waaah! Josiah! Tago Josiah!" Josiah panicked. He started crying wildly. I could see pain and terror on his eyes. Takot na takot siya. Maging si Tito Jackal. Mahigpit niyang niyakap ang anak at tinago sa likod.

"Who's that?" tanong ko.

A tear fell from his eyes.

"That's Chikaku and her gang. Nandito sila para kunin si Josiah at para patayin ako..."

Oh fuck! Early this morning? Come on! I haven't stretched myself!

"That's the Bendeta Gang. The notorious gang here in Japan" seryosong sabi ni Vape.

Tss. Letche, ang aga-aga sakit na naman sa katawan.

"South, hehe, ikaw na ang bahala sakanila, ha? Magtatago na kami ni Baby Josiah ko!" excited na sabi ni Tito at parang bata na bumalik sa loob ng bahay kasama si Josiah.

Sinapo ko ang batok ko. Jusme! Maha-high blood talaga ako sa problema ng matandang 'to.

"What are you still doing there?" tanong ni Vape.

"I'm not prepared" I tsked. Nagulat ako nang may bigla siyang ihagis na baril sa akin. Teka, saan galing 'to?

"Prepared or not, let's go!" Kinasa nito ang sariling baril.

Kainis naman! Gusto ko pa sanang mag-selfie at ipadala kay Genesis ang litrato ko e.

"Tss! Natatae pa naman ako" sabi ko nang biglang sumakit ang tiyan ko. Mukhang napasama sa akin ang pag-inom ng tsaa ni Tito Jackal.

"You can do that later. Let's kill them first."

May magagawa ba ako? Kinasa ko nalang ang baril ko at hinanda ang sarili. I only have one goal right now: Iyon ay ang tumae pagkatapos nito.

"Sumugod na tayo!" sabi ni Vape.

Bigla akong na-utot ng malakas. Masama niya akong tinignan. Lumabi ako.

"Ang sabi ko, sumugod tayo. Hindi ko sinabing magpakawala ka ng bomba" he tsked.

"Sorry naman. At least may extra weapon tayo, 'di ba?" Tinaas taas ko ang mga kilay ko.

Napailing nalang ito at nauna nang magpaputok ng baril niya.

~~

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
201K 7.4K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
4.7K 117 4
(ON-GOING) BAD BOY SERIES #2 Dulot ng pagkamatay ng mga magulang ni Shiyoon, namulat siya sa marahas at madilim na katotohanang nagtatago sa mundo. N...
17K 434 71
LYRICS from 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞𝗣𝗜𝗡𝗞's SONGS. 「 NEW UPDATE: PINK VENOM 」 Blackpink is a South Korean girl group formed by YG Entertainment, consisting of m...