It's You - My One Sided Love 2

By Xyrajuu

287 9 0

After 7 years bumalik ng pinas si Selene dahil sa opening ng bagong restaurant ng kaibigang si Blake. Sa pag... More

Part 2: Surprise Visit
Part 3: Kiel's Girlfriend?!
Part 4

Part 1: Welcome back party

108 2 0
By Xyrajuu

Selene's P.O.V

"OHHH MYYY GOSSSHHH SELENE!!" Sigaw ni Ash habang papalapit ako sa kanya

"Tangina ka namiss kita" bungad niya sakin ng makalapit ako

"Grabe gandang bungad ha,minura agad ako" natatawa kong sabi sa kanya

"Hahaha sorry na miss lang talaga kita,grabe 6 years din yun" sabi niya

Kakadating ko lang dito sa pilipinas bukas kasi ang opening ng new branch ng restaurant ni Blake, sabi niya kasi di na daw niya ako kakausapin pag this time di nanaman ako makakapunta so ayun napa uwi ako

"Bakit ikaw lang sumundo sakin?" Takang tanong ko ang sabi kasi ni Blake tatlo silang susundo sakin siya,si Ash at Kiel pero si Ash lang ang nandito

"Ahh yun, busy kasi Blake para sa opening bukas si Kiel naman sabi niya may gagawin pa siya di na siya nakasama" sabi niya

Medyo na disappoint ako lalo na kay Kiel, sa anim na tao ko dun sa Korea 4 years kaming walang contact sa isa't isa pag tatawagan ko busy daw siya, tapos pag chinachat ko biglang mag ooffline

"Ahh ganun ba?,teka tara medyo pagod na ako ee" sabi ko sa kanya, tumango naman siya,sumakay na kami sa kotse niya

Habang nasa byahe wala namang preno yung bibig ni Ash kaka kwento ng kung ano ano

"Selene matanong lang,may balak ka bang tumira na ulit dito sa pinas?" Napalingon naman ako sa tanong niya

"Di ko pa alam eh, may mga inaasikaso parin kasi ko sa Korea kaya di ako makaalis" sabi ko sa kanya napa sigh naman siya

"sana dito ka na lang,para sumaya na siya" napalingon ako sa kanya

"ha?sinong dapat sumaya?" tanong ko sa kanya 

"ah wala yun,malapit na pala tayo sa inyo" pag iiba niya ng usapan

mga ilang minuto lang nakarating na kami sa bahay,pag bukas ko ng pinto sumalubong sakin lahat ng kaibigan ko

lumapit sakin si Blake at niyakap ako

"Welcome back Selene" naka ngiti nitong sabi sakin,pero may hinahanap ako si Kiel,wala siya rito

"Syempre,takot ko ba naman na di mo na ako kausapin hahahaha" sabi ko sa kanya pero di ko maiwasan na hanapin si Kiel

"May hinahanap ka ba?" tanong nito saakin  umiling lang ako

"wala wala tinignan ko lang yung paligid na miss ko lang ang tagal ko rin nawala eh"pag dadahilan ko

"naku ako pa talaga niloko mo?,I know who you are looking for  its Kiel,right?" napa yuko lang ako

"ahhmm oo, I'm just a little disappointed that he's not here, ang tagal kong nawala eh tiyaka kaibigan ko siya eh" sabi ko sa kanya tinap niya ako sa balikat

"baka busy lang talaga, di rin ko siya ma contact eh" sabi nito sakin

"siguro nga" sabi ko na lang

nakipag kwentuhan ako sa kanya ng nag ring yung phone ko pag tingin ko sa phone ko si Kellie pala,kapatid ni Kiel

"Hello, Kellie,napatawag ka?" tanong ko sa kanya, lumabas muna ako ng bahay dahil maingay sa loob

"Balita ko kasi ate nakabalik ka na daw dito sa pinas,mangangamusta lang ako hihi" sabi niya, hanggang ngayon ang jolly niya parin

"Kamusta na?,anong year mo na ngayon?" tanong ko sa kanya

"3rd year collage na po ako ate,by the way ate tanong ko lang andiyan po ba si kuya?" tanong nito sa akin

"ah,wala dito,di nga rin siya kasama ni Ash sa pag sundo sakin sa airport eh" sabi ko sa kanya

"ahh naku siguro nandun nanaman yun sa office niya, lagi na lang yun andun kahit birthday niya,pag pinupuntahan ko lagi akong pinaalis kasi daw busy siya" kwento niya sakin 

"ah ganun ba,saan ba yung office niya? bibisitahin ko siya" tanong ko sa kanya

sinabi niya sakin kung saan ang office ni Kiel, nag kwentuhan kami mamaya nag paalam na siya dahil may klase na siya

****

after 5hrs natapos na yung party at nag uwian na sila,nilinis narin ng mga katulong yung mga kalat at ako naman umakyat sa kwarto ko para ayusin yung gamit ko

pagtapos kung ayusin yung gamit ko,nag palit ako ng pantulog dahil 8pm narin at gusto ko ng mag pahinga dahil pagod ako sa byahe

nang makahiga ako kinuha ko yung phone ko dahil may nag text

From: Blake

 uyy babae bukas ha yung opening 

babatukan kita pag wala ka dun.

                                                                                 To: Blake

                                                                                 oo alam ko wag mo akong pag bantaan hahaha.

pagtapos ko siyang replayan natulog na ako dahil maaga pa akong gigising bukas

**kinabukasan** 

6am pa lang gumising na ako dahil 9 am yung opening, ginawa ko na ang morning routine ko,pagtapos ko naligo nag make up na ako at inayos yung buhok ko at sinuot ko na yung damit ko natapos ako 8am 

at bumaba na ako,dumiretso na ako sa labas dahil pina ayos ko na yung kotse para sasakay na lang ako

[ito yung damit na suot niya]

after 20 minutes nakarating na ako sa venue, pinark ko muna yung kotse ko at lumabas ng kotse

pumasok ako sa loob at hinanap sa mga staff si Blake

"ahmm miss, where's Blake?" tanong ko isang staff

"nasa office niya po maam,sino po sila?" tanong nito sakin

"I'm Selene Lee Ferrer, kaibigan ako ni Blake" pakilala ko sa kanya 

"Samahan ko na po kayo sa office niya,Maam Ferrer" sabi nito saakin

"Ay wag mo na akong tawaging Maam, Miss Lee na lang,mas sanay ako dun" sabi ko sa kanya ngumite naman siya at tumango

"tara na po Miss Lee" tumango ako at sinundan siya 

nang makalapit kami sa pinto kumatok na siya at binuksan ito

"pasok ka na po Miss Lee" sabi niya 

"ay sige thank you" tumango siya at umalis na 

pumasok ako sa office ni Blake at tumingin sa paligid

"Selene andito ka na pala" sabi niya lumapit ako at ngumite

"In fairness ha ang laki ng office mo,at maganda,not bad for a man like you" sabi ko sa kanya

"Grabe ha,compliment ba yan o lait?,You're so pretty,di halatang galing sa byahe kahapon at mukhang di ka pagod" sabi nito sakin,umupo ako sa sofa sa office niya bago ko siya sinagot

"Syempre ako pa ba,ganda ko kaya" natatawa kong sabi sa kanya

"By the way anong oras mag iistart yung opening?" tanong ko sa kanya  

"later after 30 minutes,by the way tawagan mo nga si Ash kung nasan yung babae na yun" sabi nito saakin

"ok,wait lang" sabi ko sa kanya

kinuha ko yung phone ko sa dala kong pouch at tinawagan si Ashley, after ng dalawang ring sinagot na niya ito

"Huy bruhilda nasaan ka na ba? mag iistart na after 30 minutes" -selene

"ito na malapit na jusq wait lang"-ash

"bilisan mong babae ka,di ka parin nag babago napaka bagal mo parin"-selene

"wow ako lang ba ang mabagal?,ito nag korea lang ganyan ka na"-ash 

"baliw bilisan mo na"-selene

"oo nga ito na,sige na babay"-ash

"oh"-selene

,binaba ko na yung phone call at nakipag kwentuhan kay Blake.

after ng 10 minutes nakarating narin si Ashley. malapit ng magsimula kaya lumabas na kami ng office ni Blake at nag handa

To Be Continued.....

Author's Note

helloooooo gayssuueee welcome back hihi grabe namiss ko toh hahaha so balak ko talaga dapat october pa lang may ma i published na for book 2 kaso nag karoon ng hindi inaasahang pangyayari yung kaibigan ko ay namatay so ayun di muna ako nag start gumawa ng story.

gumawa ng story yung kaibigan ko dito sa wattpad title po "My Lucky Girl" ito po yung link ng profile niya https://www.wattpad.com/user/YnaMendoza6 ...

Thank you muah..

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 80K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
1M 35K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
80.7K 12.1K 72
නුඹ නිසා දැවුණි.....💙 නුඹෙන් මා නිවෙමි......💙
58.3K 1.5K 74
Harry Potter x female reader °。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。 Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...