One Hundred Days (Completed)

By EJCenita

300K 2.1K 532

Life is a matter of choice. Monday, a 17 year old provincial girl who chose to study in Manila for a brighter... More

Foreword
Acknowledgment
Introduction
Chapter 1: New Grounds (Johan's POV)
Chapter 1.2: Crush at First Sight
Chapter 1.3: Agreements
Chapter 1.4: Crazy Little Thing called Effort
Chapter 1.5: Crazy Little Thing called Effort (part 2)
Chapter 1.6: The Ingredients of Love
Chapter 1.7: Box Full of Memories
Chapter 1.8: Unexpected - Information
Chapter 1.9: Unexpected (part 2) - Meet Up
Chapter 1.10: Unexpected (part 3) - Determination plus Effort
Chapter 1.11: Unexpected (part 4) - Lost Hope
Chapter 1.12: Unexpected (part 5) - Home Sweet Home
Chapter 1.13: Days with Shana
Chapter 1.14: First and Last (One Hundredth Day)
Chapter 2: Unang Araw ng Pagkakataon
Chapter 3: Tamang Hinala (TH)
Chapter 3.2: Ang Palasyo ni Rica
Chapter 3.3: Ang Nakaraan ni Monday - Halik
Chapter 3.4: Ang Nakaraan ni Monday (part 2) - Pagkikita
Chapter 3.5: Ang Nakaraan ni Monday (part 3) - Yakap
Chapter 3.6: Ang Nakaraan ni Monday (part 4) - Panalangin
Special Chapter: Ang Nakaraan ni Monday - Pakiramdam (Halloween Special)
Chapter 3.7: Ang Nakaraan ni Monday (part 5) - Pagtataka
Chapter 3.8: Ang Nakaraan ni Monday (part 6) - Alapaap
Chapter 3.9: Ang Nakaraan ni Monday (part 7) - Kapalit
Chapter 3.10: Ang Nakaraan ni Monday (part 8) - Paghihintay
Chapter 4: Overnight sa Palasyo
Chapter 5: Overnight sa Palasyo (part 2) - Luha't Yaman
Chapter 6: Botanical Garden
Chapter 7: Katok
Special Chapter: Pagmamahal (Valentines Special)
Chapter 8: Richards Family
Chapter 9: Kabado
Chapter 10: Flashback
Chapter 11: Hula ni Rica
Chapter 12: Finals Week
Chapter 13: Byaheng Tarlac
Chapter 14: Katotohanan
Chapter 15: Dalawang Puno, Isang Panaginip
Chapter 16: Pagbalik sa Kabataan
Chapter 17: Tiyo Tenong at si Rally
Chapter 18: Lovelock
Chapter 19: Pag-uusap
Chapter 20: Pauwi ng Maynila
Chapter 21: Panaginip at Pageselos
Chapter 22: Muling Pagkikita
Chapter 23: Alaala
Chapter 24: Ilong
Chapter 25: Unang Pagkikita
Chapter 26: First
Chapter 27: Charlotte
Chapter 28: Piano
Chapter 29: Biglang Bonding
Chapter 30: Waiting for Forever
Chapter 31: Lihim ni Lotty
Chapter 32: Kundi..
Chapter 33: Sunday
Chapter 34: He's Proud
Chapter 35: Mr. Campus
Chapter 36: Surpresa
Chapter 37: Resulta
Chapter 38: Bagong Mr. Campus
Chapter 39: Pagpunta
Special Chapter: Pagkanginig (Halloween Special)
Chapter 40: Tingin
Chapter 40.2 : Tingin (part 2) - Kanta
Special Chapter: Simbang Gabi (Christmas Special)
Chapter 40.3 Tingin (part 3) - Rebelasyon
Chapter 41: Pagkagulo
Chapter 42: Paliwanag
Chapter 43: Abot Langit
Chapter 44: Rosas (Valentines Special)
Chapter 45: Pangako
Chapter 46: Santan
Chapter 47: Kwintas
Chapter 48: Buong Akala
Chapter 49: 300th Day
Chapter 50: Pagtatagpo
Chapter 51: 'Di Inaasahang Pangyayari
Chapter 52: Pahiwatig
Chapter 53: Dahilan
Chapter 54: Dasal
Chapter 55: Kabiyak ng Lovelock
Chapter 56: Pakiusap
Chapter 57: Litrato
Chapter 58: Pagbabalik
Chapter 59: Paalam
Chapter 60: Tawag
Chapter 61: Mag-isa
Chapter 63: Bracelet
Chapter 64: Earphones
Chapter 65: Basket
Chapter 66: Kape
Chapter 67: Text
Chapter 68: Malay
Chapter 69: Sulat
Chapter 70: Dedbat
Chapter 71: Kumpleto
Chapter 72: Papel
Chapter 73: Panyo
Chapter 74: Balisong
Chapter 75: Tsinelas
Chapter 76: Plano
Chapter 77: Tiwala
Chapter 78: Kakampi
Chapter 79: Bala
Chapter 80: Isandaan (Last Chapter)

Chapter 62: Pagpatak ng Luha

829 9 0
By EJCenita

Chapter 62: Pagpatak ng Luha


Nagsimula na kaming maglakad papalayo sa park. Nagtataka pa rin ako sa nangyari, bakit parang bago pa yung ukit sa likod ng slide? Ah, siguro may mga batang umukit lang nun dahil imposibleng si.. Marion ang may kagagawan nun. Imposible.


Habang malapit na kami sa bahay namin, hindi ko maiwasang hindi maging emosyunal. Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari, ayoko kasing mawala si tatay sa buhay ko. Pinangako ko pa naman nung bata ako na makakapagtapos ako ng pag-aaral at giginhawa ang buhay namin, iaahon ko sila sa hirap, magpapatayo ako ng bahay namin na aming pinapangarap. Kahinaan ko ang pamilya ko, ayoko ng nakikita ko silang naghihirap at nasasaktan.


Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay namin at agad kumatok si Tita Nessa.


Binuksan ni Nanay ang pintuan at laking gulat nito na kami ang kumatok.


"Ne – nessa!!" agad nitong niyakap si Tita..


"Matagal-tagal din kitang hindi nakita! Ang taba mo na ah?" pabiro ni Tita..


"Sira ka talaga! Palibhasa ikaw nangangayayat!"


"Hahahahaha oh heto yung anak mo." sabay bitaw nito..


"Nay!" sabi ko sabay bitaw ng bagahe na dala ko..


"Anak!" paglapit ni nanay sabay yakap nito sa akin..


Niyakap ko rin si nanay ng mahigpit. Matagal-tagal ko ring hindi naramdaman ang ganung klaseng yakap. Nakakatuwa dahil nagkita kami ulit, kaso ayoko ng ganitong pakiramdam.


"Ka – kamusta ka na nak? Pinapakain ka ba ng tita mo sa kanila??"


"Oo naman 'nay! Inaalagaan nila ako maigi sa Maynila. Kayo po ba rito? Kamusta?"


"Ayos naman nak, nag-aalala pa rin sa tatay mo."


"Kamusta na pala siya nay? Ano na nangyari sa kanya?"


"Teka teka, pwede bang sa loob na kayo mag-usap?" singit ni Tita..


"Ikaw talaga Nessa! Amin na yang mga dala niyo, tutulungan ko na kayo."


Pumasok kami sa bahay namin. Sa totoong bahay ko. Sa bahay kung saan ako namulat at nagkaisip. Ang bahay na hindi ko malilimutan at hahanap-hanapin ko.


Umupo kami sa may maliit naming sala. Nilagay namin ang mga dala naming bagahe malapit sa may pinto. Medyo mabigat kasi siya dahil marami kaming dalang damit at gamit dahil mukhang matatagalan kami rito.


"Teka, ikukuha ko kayo ng pagkain at mukhang pagod kayo sa byahe."


"Aba, maganda pa rin ang bahay niyo Pureng eh 'noh? Parang walang pinagbago."


"Syempre! 'Eto na nga lang yung yaman namin, bakit hindi ko pa aalagaan diba."


"Sabagay."


"Teka, hindi ka na ba nag-asawa ulit?" pag-usisa ni nanay..


"Hindi na, si Obet lang minahal ko at wala na akong oras para sa mga ganyang love life."


Si Tito Obet, asawa ni Tita Nessa at kapatid naman ni nanay at Tita Lisa ay namatay sa isang car accident. Bata pa lang kami nung nangyari ang trahedya kaya hindi ko alam ang buong kwento.


"Bakit naman? Bata ka pa naman ah? Oh, heto na." sabay lapit ni nanay at lapag ng inihanda nito.


"Wow! Na-miss kong kumain ng suman!" pagkabigla ko..


Umupo si nanay malapit sa amin. Nasa harapan ko si Tita Nessa at nasa harapan ko naman ang mga suman na inihain ni nanay. Ngayon na lang ako makakakain ng suman dito sa Tarlac!! Huling kain ko pa nito ay high school pa ako! Yehey!


"Tumatanda na ako Pureng, maging ang mga anak ko. Ayoko ng maging kumplikado ang lahat. 

Masaya na ako dahil sa kanila at kay Monday."


"Ah ganun ba? Teka nga pala, bakit hindi mo sila kasama, Nessa? Tsaka bakit wala si Johan?" pagtataka ni nanay..


"Walang maiiwan sa amin Pureng, gusto mo ba manakawan kami roon? Si Johan? Tanungin mo 'yan oh, yung busy sa pagkain."


"P – po??"


"Hahahaahahaha" nagtawanan sila..


"Nak, bakit hindi mo kasama si Johan?"


"Ah, kasi nay bumalik sila ng daddy niya sa Amerika, may aasikasuhin lang daw. Yung gabing tumawag ka 'nay, 'yun din yung gabing umalis sila. Kaya wala siya ngayon."


"Ganun ba. Sana makasunod siya rito at namimiss ko na rin yung batang 'yun. Alam mo ba, Nessa, nakitulog yung batang 'yun rito sa amin noon, hindi ko pa alam na siya pala ang boyfriend ng anak ko. Sobrang bait ng batang 'yun at magalang."


"Oh talaga?? Kwento mo nga sa akin mga nangyari nun!"


Napangiti lang ako dahil sa masarap ang kinakain ko ngayon at masarap din ang naririnig ko, pinagkukwentuhan nina Tita at Nanay ang mahal kong boyfriend. Ngayon ko lang sila nagkitang magkasama dahil hindi ko na matandaan kung nadalaw si Tita dito sa amin sa probinsya dati dahil alam ko laking Maynila na talaga siya. Sayang nga lang wala si Johan ko rito ngayon.


Lumipas ang isang oras ng kwentuhan at kamustahan, napagdesisyunan namin na kumain na ng tanghalian. Medyo kakaunti lang ang kinain kong suman dahil alam ko tanghalian na at ayokong ma-miss ang luto ni nanay.


Habang nakain kami, biglang nagsalita si Tita Nessa.


"Monday, sino mas masarap sa amin magluto ng nanay mo?"


Napatingin sa akin si Nanay at natigilan ako sa pagkain.


"H – hala? Ang hirap naman po ng tanong niyo!"


"Hindi, sagutin mo dali!"


"Pa – pareho po!"


"Hindi pwedeng pareho! Dapat isa lang."


"Eh ayoko sagutin! Parehong masarap kasi eh!"


"Hahahahaha 'wag mo nga papiliin ang anak ko, Nessa!"


Nagtawanan kaming tatlo na para bang walang problemang kinakaharap at lungkot na dinadala.


Nagpahinga lang kami ng ilang minuto at inakyat na namin ang mga dala naming gamit sa taas dahil mamayang hapon, pupunta na kami kay tatay.


"Aayusin lang namin ang mga gamit sa taas Pureng ha? Tapos pahinga lang kami saglit, sobrang nakakapagod talaga ang byahe pabalik dito sa Tarlac eh."


"Sige sige, huhugasan ko lang ang pinagkainan natin at tutulungan ko kayo riyan."


Tumango lang si Tita. Inakyat na namin ang mga bagahe at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit. Nakaramdam ako ng sobrang antok at pagod dahil sa pagbibyahe kanina. Naramdaman 'yun ni Tita dahil sa malimit kong paghikab.


"Monday, matulog ka muna, gusto mo ba?"


"Hindi po, tutulungan ko po kayo dyan."


"Hindi na, kaya ko na 'to. Kailangan mo ng lakas para mamaya." pagngiti nito..


"Oh sige po. Matulog muna ako tita." pagngiti ko..


"Sige, babantayan na lang kita."


At humiga na ako sa kama ko at agad akong nakatulog dahil sa sobrang pagod, antok at pagkabusog.


"Nak, gising ka na."


"Nak, bangon na! Pupunta na tayo sa tatay mo."


Nakita kong si nanay 'yung gumigising sa akin. Agad akong bumangon at.


"Anong oras na po ba 'nay?"


"Mag-aalas singko na. Mag-ayos ka na at pupunta na tayo kina Tita Lisa mo."


"O – osige po."


Agad akong naligo, nagbihis at nag-ayos ng sarili. Nakakaramdam na ako ng kaba ngayon. Pagkatapos ko, bumaba na ako agad at lumabas na kami ng bahay.


Nagsimula na kaming maglakad papunta kina Tita Lisa, habang naglalakad ay tinanong ako ni Nanay.


"Handa ka na bang makita ang tatay mo?"


"O – opo nay. Handa na."


Mga ilang minuto rin kaming naglalakad, dumaan pa kami sa may park dahil malapit doon ang daan papunta kina Tita Lisa. Habang papalapit ng papalapit ay mas kinakabahan ako, hindi ko alam kung para saan ang kabang nararamdaman ko ngayon. Habang papalapit akoo ng papalapit ay nakakaramdam na rin ako ng takot. Dahilan para makaramdam rin ako ng pagkahina. Ayoko kasing makitang sobrang nahihirapan si nanay o maging si tata, ayoko. Hindi ko kayang makita. Nasanay kasi ako na malakas si tatay at masigla. Nagsimula lang siyang magkasakit isang taon bago ako maka-graduate ng high school.


Bigla na lang siyang natumba at nawalan ng malay sa loob ng bahay namin. Natakot ako nun at hindi ko alam ang gagawin ko. Isinugod namin siya sa hospital, ilang araw din 'yang nanatili roon at tumaas ang bayarin namin. Dahilan para mas mahirapan kami sa buhay. Inako na ni Tita Lisa ang responsibilidad at siya na ang nag-alaga at nagpatuloy ng panggamot kay tatay dahil dating doktor din siya sa hospital na 'yun. Nalaman namin na may kumplikasyon sa atay si tatay dahil sa malimit nitong pag-inom ng alak noon. Kaya nanghina siya. Ayoko sanang umalis ng Tarlac pero bilin sa akin ni tatay na magpapalakas siya para sa amin. Kaya nilakasan ko ang loob ko at ginawa siyang inspirasyon sa pag-aaral. Pero heto ako ngayon, naglalakad papunta kina Tita Lisa, madadatnan ko siyang mahina at ganyan. Hindi ko kakayanin kapag.. hay..


Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay nina Tita Lisa, hinawakan ni nanay ang kamay ko at kumatok si Tita Nessa sa pinto. Binuksan ni Tita Lisa ang nakita kong hindi masaya ang mukha nito.


"A – ano nangyari??" pag-aalala ni nanay..


"W – wala." umiling ito..


"Medyo bumuti ang kalagayan nito, pumasok muna kayo."


Pagkapasok namin, mas bumibigat ang nararamdaman ko. Ilang hakbang lang ang layo ko kay tatay.


"Maari na ba namin siyang puntahan?" tanong ni Tita Nessa..


"Sige, pumasok na kayo sa loob. Wala pa rin siyang malay pero alam ko, matutuwa 'yan kapag nakita at naramdaman niyang nandito na si Monday." pagngiti nito..


Naglakad kami papunta sa kwarto nito. Dahan-dahang binuksan ni Tita Lisa ang pintuan ng kwarto ni tatay at. Dahan-dahan ding nakita ng mga mata ko ang tatay kong nakiga at mahina. Napuno ng lungkot ang katawan ko ng papalapit kami sa kanya.


Mas mapayat siya ngayon kesa nung huli ko siyang nakita. Rumagasa ang emosyon ko dahil ayokong nakikitang nahihirapan ang tatay ko. Mas lumapit ako sa kama nito at hinawakan ko ang kamay nito. Doon, hindi ko napigilan ang emosyon ko. Pumatak na ang mga luhang naimbak sa mata ko. Ewan ko ba, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ayoko kasing nakikita siyang ganito.


"Tay..."


"Tay, 'wag kang bibitaw ha? Nandito na yung Monday mo. Nandito na po ako." sabi ko habang napatak ang mga luha sa mata ko..


Continue Reading

You'll Also Like

63.5K 1.7K 28
🖤Champion BookOfLetters Novel Writing Contest 🖤Four-round turner in Liriko One Shot Writing Contest (season 2) She was in throbbing for her fathe...
10.5K 273 49
The 48 Laws of Power by Robert Greene
53.2K 2.5K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...