SI ORANGE (The Pinay Cinderel...

By AmorFilia

69K 1K 386

SI ORANGE (The Pinay Cinderella) - Book 1 (chapters 1-10) SI ORANGE (The Baby Girl Turned Wife) - Book 2 (cha... More

SI ORANGE: Cast of Characters
SI ORANGE (Teaser)
SI ORANGE: PROLOGUE
SI ORANGE: Chapter 1
SI ORANGE: Chapter 2
SI ORANGE: Chapter 3
SI ORANGE: Chapter 4
SI ORANGE: Chapter 5
SI ORANGE: Chapter 6
SI ORANGE: Chapter 7
SI ORANGE: Chapter 8
SI ORANGE: Chapter 9
SI ORANGE: Chapter 10
SI ORANGE: Chapter 11
SI ORANGE: Chapter 12
SI ORANGE: Chapter 13
SI ORANGE: Chapter 14
SI ORANGE: Chapter 15
SI ORANGE: Chapter 16
SI ORANGE: Chapter 17
SI ORANGE: Chapter 18
SI ORANGE: Chapter 19
SI ORANGE (Version 2.0)-Teaser

SI ORANGE: Chapter 20

1K 25 17
By AmorFilia

"HOY, ano'ng problema mo?" tanong ni Carlo kay Orange sa ikatlong pagkakataon.

Tumalikod siya sa pagkakahiga. Hindi niya gustong kausapin si Carlo sa mga sandaling iyon. Hindi niya magagawang sabihin rito ang sinabi ni Marsha. Tumututol ang kalooban niya. Sumasakit ang puso niya isipin pa lamang na makakasama nito ang kanyang si Carlo.

'Si Carlo, sa'yo? Nababaliw ka na ba, Anastacia? Alam mo kung ano ang totoo, huwag kang mangarap.'

"Baby Girl..."

"Carlo, please. Masakit ang ulo ko!"

"Ang aga pa. Mag-usap muna tayo," anito sabay kiliti sa tagiliran niya. Hinarap niya ito at saka itinulak ang likod nito gamit ang kanyang mga paa. Itinukod ni Carlo ang kamay sa sulok ng kama para malabanan ang puwersa niya pero dahil makitid ang kinakapitan ay nakabitiw ito at diri-diretsong nakarating sa couch na nakadugtong sa kama. Tatawa-tawa itong humarap sa kanya. "Ang lakas mo, misis!" biro nito.

"Tse! Umayos ka at gabi na. Matulog ka na at maaga pa tayo bukas."

"Okay," maikli nitong tugon.

Tumayo ito at saka pinatay ang ilaw. Tanging pulang ilaw sa sulok ng silid ang natira nilang liwanag. Pero ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin siya makatulog. Wala siyang ginawa kundi ang tingnan ang glow in the dark clock na nasa bedside table. Kinse minutos at ganap nang alas-onse. Ano ba'ng gagawin niya?

"Tasha..."

Nakagat niya ang labi.

"Alam kong may gumugulo sa'yo. Care to tell me?"

"Wala. Akala mo lang iyon," aniya na hindi nililingon ang lalaki. Niyakap niya nang mahigpit ang unan niyang hawak at ibinaon ang mukha roon.

"Bakit panay tingin mo sa orasan? May date ka ba?"

"Tumigil ka nga..."

"Mabuti naman dahil hindi uubra kung meron man. Sinasabi ko sa'yo..."

"At bakit? Paano kung meron nga?" aniyang bahagyang lumingon sa gawi nito.

"Hindi kita papayagan. Mapapanot kahihintay ang boyfriend mo pero hindi kita papayagang umalis."

Sa isinagot nito ay nabuhayan siya ng loob. Bumangon siya at naupo sa kama. Sumandal sa headboard at saka ibinaluktok ang mga tuhod. Tumingin siya sa gawi ni Carlo at naramdaman niyang bumangon rin ito. Ilang saglit lang ay nakatabi na ito sa kanya.

"Sorry Tasha, pero hindi talaga kita papayagan kung may date ka—not unless you will let me come with you."

"Kung may date ako, hindi mo ako papayagan, tama?"

"Kasasabi ko lang."

"Pero bakit? Dahil sa mama mo?"

"Oo siguro. Dahil doon...at dahil...ayoko. Hindi puwede kaya huwag ka nang maraming tanong. Basta hindi puwede. Period. Exclamation point but no question mark allowed."

"I like that."

"Huh?"

"Ibig sabihin, kung ikaw naman ang may date, puwede ring hindi ako pumayag 'di ba?"

"Dahil?"

"Dahil ayoko at huwag ka nang maraming tanong. Basta hindi puwede. Period. Exclamation point but no question mark allowed."

Natawa si Carlo, tuwang-tuwa na halos ay malaglag na sa kinauupuan.

"It's not funny, Carlo. I'm serious."

"Okay. Pero wala naman akong date kaya hindi mo kailangang sabihin 'yan."

"Meron."

Natigilan ito. Inilahad niya rito ang naging pag-uusap nila kanina ni Marsha. Habang nagkukuwento ay unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa matinding kaba. Paano kung pumayag si Carlo? Paano kung lumipat ito sa silid ni Marsha at...at...paano na?

"Anong oras na?" maya-maya ay tanong nito na lalong nagdagdag ng kaba sa dibdib niya.

"Ten minutes before eleven," aniya gayong alam naman niyang kapwa sila nakatanaw ng lalaki sa orasang nasa dingding.

"Gusto mo ba 'kong pumunta?"

Hindi siya kumibo. Naramdaman niya ang unti-unti nitong pag-angat sa kanyang mukha.

"I'm asking if you'll let me be with her."

"Hindi ko alam."

"Alam mo. You just have to tell me."

"Wala akong karapatan—"

"I'm giving you all the rights to stop me, sweetheart..." Dahil magkadikit na magkadikit na halos sila sa pagkakaupo ni Carlo ay langhap niya ang masculine scent nito. Ang problema ay hindi iyon nakakatulong sa kanyang pag-iisip, bagkus ay nakakagulo pa nga.

"Nangangamba ako para sa kaligtasan ng mama mo, Carlo," aniya.

"Let's take one step at a time, okay. We'll deal about that later. Ikaw ang tinatanong ko kung papayagan mo 'ko."

"Hindi ko alam—"

"Hahalikan na kita 'pag hindi ka pa sumagot nang diretso, Anastacia!"

"Sus, pikon!" tudyo niya pero nang akmang yayakapin na siya ni Carlo ay impit siyang napatili. "Oo na, sasagot na! Stop teasing me!"

Tatawa-tawang tumigil naman si Carlo. "Ano na?"

"Nakakainis ka naman eh!"

"Ayaw mo o gusto?"

"Siyempre, sino ba ang gugusto noon?"

"E 'di ayaw mo nga?"

"Bahala ka na nga."

"Gusto mo lang ng kiss eh." Akma na naman itong yayakap sa kanya pero tinabig niya ang braso nito.

"Ang kulit mo talaga!"

"Bakit ayaw mo, Baby Girl? Nagseselos ka 'no."

"Bakit mo ba 'ko tinatanong nang ganyan e 'di ba ikaw na rin ang nagsabing may boyfriend ako?"

Hindi kumibo si Carlo.

"Hoy, ano na?"

Hindi pa rin ito kumibo. Tahimik lang na nakatingin sa orasan. Bumilis ang tibok ng puso niya.

"Carlo..."

"Eleven o'clock na, Tasha."

"Huwag mong sabihing..."

Nasagot ang tanong niya nang bigla itong tumayo at saka lumabas ng silid. Tulala siyang naiwan roon.

MAGHAPONG walang natutunan sa mga lessons si Anastacia. Magulung-magulo ang isip niya. Alas-tres na nang madaling araw nang maramdaman niya ang pagpasok ni Carlo sa kanilang silid. Hindi na niya ito kinausap dahil mag-uumaga na iyon. Nagkunwari na lang siyang natutulog pero ang kagustuhan niyang tanungin ito ay nasa isip niya maghapon. Ano ang ginawa nito sa silid ni Marsha? Ano ang napag-usapan ng dalawa? Ano ang nangyari?

"Kung ako sa'yo, Bff, um-absent na lang ako eh. Wala ka namang ginagawa rito sa school kundi tumunganga. Pati ako, nabo-bore na sa'yo."

Hindi na niya natiis at ikinuwento na rin niya kay Chikki ang buong pangyayari. Lahat-lahat mula sa paglilipat nila ng bahay hanggang sa pagsulpot ni Marsha sa buhay nila. Gulat na gulat ito at nanlalaki ang mga matang napamaang sa kanya.

"Ang dami na palang nangyari, hindi ka man lang nagkukuwento?"

"Ang gulu-gulo kasi ng isip ko, Chikki. Parang kailangan kong palaging mag-isip pero wala naman akong nabubuong solusyon sa mga nangyayari sa buhay namin ni Carlo."

"Ang hirap nga ng situwasyon mo kung ganoon. Kaya pala hindi ko nakikitang pumapasok si Marsha, nasa bahay pala ni Carlo."

"Oo. Ano ang gagawin ko ngayon? Hindi ko naman makontra ang mga kagustuhan ng babaeng iyon. Baka kung mapaano si Tatay at ang mama ni Carlo."

"Knowing the bruha, alam kong magagawa niya ang mga banta niyang iyan."

"Kaya nga. Ano ang gagawin ko?"

"Hindi mo pa ba puwedeng kausapin ang mama ni Carlo? Baka naman maunawaan niya ang lahat."

"Puwede but not in the near future, at least. Baka sa mga susunod pang linggo at marami nang panggugulong puwedeng gawin si Marsha sa buhay namin sa loob ng mga panahong iyon."

"Tama ka."

Helpless na nasalo na lang niya ang mukha. Noon tumunog ang cellphone niya. Si Marsha ang nasa kabilang linya. Sinagot niya iyon at sinenyasang tumahimik si Chikki.

"Ano pa ba'ng gusto mo?" sikmat niya agad kay Marsha.

"Aba, ang yabang ah..." nang-iinis na sagot nito. "Nanalo ka kagabi pero hindi sa susunod kong ipagagawa sa'yo, Angge."

"Ano'ng nanalo?"

"Lumipat nga si Carlo sa kuwarto ko pero daig ko pa ang nakikipag-usap sa dingding. Gawin ko raw lahat ng gusto kong gawin sa kanya pero hinding-hindi niya ako mamahalin kahit kailan. Hindi ganoon ang gusto ko, Anastacia. Wala akong planong makipag-usap o kahit ang matulog na may katabing zombie."

"Sagot ko pa ba iyon? Ginawa ko na ang gusto mo at sumunod naman kami ni Carlo sa pinagagawa mo pero hanggang doon lang kami. Bakit kasi hindi mo pa tanggaping hindi siya mapapasaiyo kahit kailan, Marsha?"

"At hindi rin mapapasaiyo kahit kailan si Carlo, Angge! Inamin niya sa akin kagabi kung sino ang babaeng minamahal niya at huwag kang mangarap dahil hindi ikaw iyon kundi si Portia. Sinasabi ko na nga ba at si Portia naman talaga ang mahal niya kahit noon pa. Kung hindi ka lang sumingit para gamitin siya sa tatay mo, hindi sana kayo nagkalapit na dalawa. Tuloy, sa halip na si Portia lang ay nagkadalawa pa kayong problema ko ngayon."

Talaga palang mahal ni Carlo si Portia at maging kay Marsha ay pinamukha nito iyon. Nakaramdam siya ng kung anong sakit sa balitang iyon pero agad niyang kinastigo ang sarili. Bakit siya masasaktan? Hindi naman sila totoong 'sila' ni Carlo? Walang sila at hindi kahit kailan magkakaroon.

"Kaya ang isusunod kong utos sa'yo ay tungkol kay Portia. Gumawa ka ng paraan na hiwalayan na niya si Carlo dahil kung hindi, alam mo na, Angge. Bahala ka na kung paano mo iyong gagawin." Iyon lang at pinutol na nito ang tawag.

Nang sabihin ni Orange kay Chikki ang naging takbo ng pag-uusap nila ay gigil na gigil ito.

"Grabe na ang kasamaan ng taong iyan, Bff! Nakakagigil! Ang sarap isalang sa gilingan at saka i-flush sa bowl ng babaeng 'yan!"

"Ang morbid mo naman."

"Iyon ang bagay sa isang napakasamang taong tulad niya. Sinasamantala niya ang situwasyon at ginigipit niya kayo ni Carlo."

Isang malalim na paghinga lang ang nagawa niyang tugon sa sinabi ng kaibigan.

"CARLO, Anastacia, kumusta naman kayo?" tanong ng mama ni Carlo. Nasa verandah ito at nagpapahangin nang lapitan nila ni Carlo. Ingat na ingat silang lahat sa kalagayan nito. Ang sabi ng doctor ay improving naman daw pero ingatan pa rin nila na huwag sumama ang loob nito.

"Maayos naman po, Mama. Kayo po, kumusta na?" balik-tanong niya rito. Inuwian niya ito ng ubas at mga dalanghita. Nakita niyang natuwa naman ito nang makita ang mga dala niya. Kay Manang Caring niya nalaman na paborito nito ang mga iyon.

"Maayos din ako," tugon nito. "Kailangan kong maging maayos dahil mula bukas ay may bago nang miyembro ang ating pamilya."

Nagkatinginan sila ni Carlo at nagkibit ito ng balikat.

"Bagong miyembro, 'Ma?"

"Yap. Darating bukas si Carmi at dito na siya titira," nakangiti nitong sabi. Ang lapad-lapad ng pangkakangiti nito na tila sinasadyang gawin iyon.

"Carmi, 'Ma? Umuwi na siya from Paris? Teka, hindi ba at—"

"Pagod na ako, hijo. Bukas na tayo mag-usap," anito at saka tinapik ang kamay ng esposong nakahawak sa balikat nito. Tila cue, inikot ni Mr. dela Peña ang wheelchair ng kabiyak at saka iyon ibinalik sa silid nito.

KUNG bakit kinakailangang naroon silang lahat sa pagdating ng Carmi na iyon ay hindi maunawaan ni Anastacia. Siniguro pa ng mama ni Carlo na kumpleto sila bago tinawagan ang kung sinong kaibigan nito sa pagdating ni Carmi. Nagpaluto pa ito ng kung anu-ano para sa mga darating daw na bisita. Siya naman ay hindi alam ang iisipin.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay nilapitan siya ni Marsha at tinanong kung sino si Carmi.

"Iyon ang babaeng gustong ipakasal ni Mama sa anak niya," tugon naman niya rito. Nakita niyang nanggalaiti ito.

"So may gusto pa palang dumagdag sa inyong dalawa ni Portia, ano. Talaga nga naman," anito.

"At wala ka nang laban doon, Marsha, dahil iyon ang gusto ni Mama para kay Carlo."

"Walang kahit sinong makakapigil sa akin, Anastacia. Tandaan mo iyan. Hintayin natin ang pagdating ng babaeng iyan at makikita mo, siya na ang magkukusang umalis dito." Ngumiti ito nang may kakaibang kahulugan. Napailing na lang siya.

"Narito na sila!" anunsiyo ni Romina. Ang bawat isa ay nakaikot sa receiving area, naghihintay sa pagdating ng mga bisita ng reyna ng tahanang iyon.

Ilang saglit pa at sa wakas ay pumasok na si Mrs. dela Peña sakay ng wheelchair na tulak ng asawa. Kasunod nito ang isang mag-asawang tila banyaga dahil sa tangos ng mga ilong at remarkable height. Tiyak na hindi maglalayo sa five eleven ang height ng dalawa.

"Everyone, meet my good friends here, Pocholo and Leila!"

Bumati ang bawat isa. Inalalayan siya ni Carlo at lumapit sila sa mga bagong dating.

"This is my unico hijo, amiga, si Carlo. At siya si Anastacia, ang kanyang maybahay."

"Oh my, you're married already, hijo? How come we didn't know?"

"Don't worry, Tita, we're still on our planning. Tiyak na maiimbitahan kayo."

"Make sure, hijo," anang lalaking tinawag na Pocholo. Bumeso ang mag-asawa kapwa sa kanila at tinapik naman ng lalaki ang braso ni Carlo.

At nang may tila maalala si Mrs. dela Peña ay napigil ang paghinga nila ni Carlo. "Nasaan nga pala si Carmi, amiga? I'm sure everyone has been waiting for her."

"Oh, really! Rolando, come inside and bring Carmi!" sigaw nito na nakatingin sa pinto. Pumasok ang isang lalaking naka-military suit na may dalang cute na puting aso.

"Oh, so cute, amiga! Thank you so much for this!" tuwang-tuwang sabi ng mama ni Carlo habang sila naman ay nagkakatinginan. Ang mga kawaksi ay nakita niyang pigil na pigil ang mapatawa.

"Bichon frise 'yan, amiga at nasisiguro ko talagang magugustuhan mo. Saan natin puwedeng pag-usapan ang mga pagkaing paborito niyang kainin?"

"Halika sa itaas, amiga. Esposo ko, bring me up there, please." Kinuha nito sa lalaki ang aso at saka nilaro-laro iyon. Nang mapatingin sa kanila ni Carlo ay ngumisi ang ina. Hello, guys, my name is Carmi, cutie-cutie Carmi!"

Nginitian niya ang aso at ang biyenan—ngiting aso din!


The story stops here. Please continue reading on Quattro Tagalog Online Stories. DL https://bit.ly/QuattroAPP. 

See you there!

Amor Filia/Yesha Lee

Continue Reading

You'll Also Like

351K 18.4K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.4M 33.8K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
168K 6.3K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...