Diamond University: "School o...

By Bluedream_Pages

15.5K 258 12

Diamond University. Is one of the well-known and prestigious school in the country which allow and help the... More

Prolouge
SVT HIP-HOP
SVT PERFORMANCE
SVT VOCAL
Chapter 1
~Sandy Kim~
Chapter 2
~Jackie Hwang~
Chapter 3
~Loraine Joo~
~Ms. Lee~
Chapter 4
~Kimberly Kim~
Chapter 5
~Queen Tien~
Chapter 6
Chapter 7
~Kim Hyeri~

Chapter 8

221 6 0
By Bluedream_Pages


~Author's POV~


Election of class Officers...


Nag-decide na magpa-election ni Mr. Soon sa kanyang klase para sa magiging class officers ng Block C Section. Apat na posisyon lang ang pagbobotohan which is Class Representative/President, Vice-President, Secretary, and Treasurer.

Nang i-open na ang nomination para sa Class Representative ay agad na nagtaas ng kamay si Jackie at ninominate niya si Loraine. Nagulat si Loraine pero wala na rin siyang nagawa nang mailista na ang pangalan niya. Sunod kay Loraine ay may dalawa pang nanominate.

After ma-close ng first nomination...

"Who's in favor of Ms. Bae Juhyeon?" tanong ni Mr. Soon.

May ilang estudyante ang nagtaas.

"Okay. Next. Who's in favor of Ms. Kim Hyeri?" tanong ulit ni Mr. Soon.

Masmarami ang nagtaas ng kamay kumpara dun sa naunang nominee. Magtataas din sana ng kamay sina Chan, Deekey, at Hans nang senyasan sila ni Uno na si Loraine ang iboto nila kaya agad din nilang ibinaba ang mga kamay nila.

"Okay. And lastly, who's in favor for Ms. Loraine Joo?"

Nakangiting nagtaasan ng kamay sina Sandy at Jackie, at sabay-sabay ding nagtaasan ng mga kamay nila ang buong grupo ng SVT, especially Uno na dalwang kamay pa ang itinaas niya. As the result of the votes ay obvious na nanalo si Loraine bilang Class representative.

Sinunod agad na inopen ang nomination for Vice Pres. Nagtaas ng kamay si Bobby at ninominate niya si Cholo. Dalwa silang pinagbotohan para sa posisyon, at halos dikit lang din ang naging boto ng buong klase, pero si Cholo ang nanalo bilang VP.

Next is for the position of Secretary. Tatlo ang nanominate sa klase and at the end of the votation ay si Kim Hyeri ang nanalo.

Ang huling botohan ay para sa Treasurer. Nagtaas ng kamay si Gio at ninominate niya si Jackie. Sinamaan ng tingin ni Jackie si Gio pero nginisian lang naman siya nito. Dalwa lang din silang pinagbotohan at ang nanalo ay si Jackie.

After ng naging botohan ay nagkaron lang ng short introduction and speech yung mga nanalo at na-appoint na officers, then after ay sunod na din silang nagpatuloy sa discussion nila.

Pagkatapos ng klase ay kanya-kanya na ng labasan ang mga estudyante sa room para mag-break.

Palabas na sana sina Sandy at Jackie i-approach ni Jackie si Loraine.

"Ms. President. Sabay ka na sa 'min?" nakangiting pag-aya ni Jackie.

Pinaglipat-lipat ni Loraine ang tingin niya dun sa dalwa. "Uhm.. Sure kayo?" medyo nahihiya pa niyang tanong.

"Oo naman!" sagot ni Sandy. "Dalwa lang kasi kami ni Jackie eh. Kung sasama ka sa 'min, edi masaya, diba?" binalingan ni Sandy si Jackie para sa pag-sang-ayon nito. At nang tumango si Jackie ay muli na siyang bumaling ulit kay Loraine. "Tsaka gusto din talaga naming makipagkaibigan sayo. Kung okay lang sayo?" dagdag pa niya.

Agad nakaramdam ng saya si Loraine sa sinabi ni Sandy kaya hindi na siya nagdalwang-isip na pumayag sa gusto nila. "Uhm.. Sige. Sure! Okay na okay sa 'kin yun! Wala pa rin naman kasi akong ka-close dito sa room eh." nakangiting sagot ni Loraine.

"Kung ganun. Edi ayos! Friends na tayo ah!" may galak din namang sabi ni Jackie.

Na-interrupt lang ang pag-uusap nilang tatlo nang bigla silang lapitan ng elected class secretary nila. Tila malamig ang ekspresyon nito na nakatingin sa kanila, especially kay Loraine.

"Congrats Ms. President." bati ni Hyeri kay Loraine pero bakas ang pagkasarkastiko at pait sa tono nito.

"Ahh.. Thank you." Sagot ni Loraine at tipid naman niya itong nginitian.

Hindi napigilan ni Loraine ang pagkunot ng noo niya nang mapansin niya kung paano siya pasimpleng tiningnan ni Hyeri mula ulo hanggang paa na parang bang iniiscan nito ang buong pagkatao niya.

"Sana lang talaga ay mapanindigan mo ang pagiging Class Representative." Makahulugang pahayag ni Hyeri.

"Huh?" hindi napigilang tanong ni Loraine. Ramdam na kasi niya ang tila tension na gustong panimulan ni Hyeri sa pagitan nilang dalwa, pero sinusubukan pa din niyang maging mahinahon.

"Ako naman kasi talaga dapat yung mananalo eh, kundi lang nalihis ng boto sayo yung iba nating kaklase."

Tila hindi nagustuhan ni Jackie ang dating ng sinabi ni Hyeri kaya hindi na rin niya natiis ang magsalita.

"Sinasabi mo bang hindi deserve ng kaibigan namin na maging Class Representative??" tanong ni Jackie kay Hyeri habang pinaniningkitan niya ito ng mata.

Sa kabilang dako...

Paalis na rin sana ang SVT nang mapansin nina Cholo ang tila tensyon na namumuo sa pagitan ng grupo nina Loraine at ni Hyeri.

"Sorry ah? If rude yung dating sa inyo ng sinabi ko. Pero base kasi sa nakikita ko... I don't think na magagampanan ng maayos ng kaibigan niyo yung posisyon niya. Sa itsura palang kasi.." Muling pinasadahan ni Hyeri si Loraine ng tingin. "Mas okay pa siguro kung siya yung magiging sunud-sunuran?"

Napaawang ang labi ni Jackie dahil hindi siya makapaniwala sa mga binitawang salita ni Hyeri. At kahit sina Sandy at Loraine ay bahagyang nagbago din ang ekspresyon dahil kahit hindi man nila ipahalata ay ramdam nilang na-off din sila sa sinabi ni Hyeri.

"Bawiin mo yung sinabi mo." Seryoso at may diing wika ni Jackie.

Hindi napigilan ni Sandy ang magpanic dahil halatang ano mang oras ay parang bulkan na sasabog si Jackie. Kaya hindi na niya ito hinayaang makalapit pa kay Hyeri at hinawakan na niya sa braso si Jackie para pigilan ito sa kung ano mang balak nitong gawin kay Hyeri at para pakalmahin na din ito.

"Jackie tama na. Wag ka masyado magpaapekto sa kanya." Bulong ni Sandy kay Jackie. At ilang saglit lang ay agad na ding kumalma si Jackie.

"Well, wala akong kailangang bawiin sa mga sinabi ko dahil nagsasabi lang naman ako ng totoo. And besides, nangyari na ang nangyari, kaya goodluck nalang sayo girl." Sarkastikong wika ni Hyeri at nagpahabol pa siya ng irap kina Loraine bago siya tuluyang lumabas ng classroom.

Hindi napigilan ni Jackie na ilabas ang frustration at sama ng loob niya sa nangyaring komprontasyon nila ni Hyeri.

"Eh grabe naman pala ang ugali ng isang yun! Ang yabang-yabang! Akala mo kung sinong magaling? Eh wala pa naman siyang napapatunayan! Ugh! Ang bata ko pa pero ang bilis kong ma-highblood sa ganung klase ng tao, bwiset!" inis na litanya ni Jackie.

"Jackie, Pabayaan mo na. Hindi dapat pinapatulan yung mga ganun. Baka hindi lang kasi niya tanggap na hindi siya yung naging Class Representative kaya ganun yung inasal niya." pagpapakalma ni Sandy kay Jackie.

"Tama si Sandy."

Hindi napansin nung tatlo na nasa room pa pala sina Cholo, kaya ganun nalang ang gulat nila nang lumapit ito sa kanila habang kasunod lang niya ang ilan sa mga kaibigan niya.

Tumigil si Cholo sa harapan ni Loraine. "Look, hindi ka mahina. Wag mong pansinin yung mga sinabi ni Hyeri. Naniniwala ako na hindi ka iboboto ng mga kaklase natin kung hindi nila nakita sayo ang potential ng pagiging isang magaling na representative ng buong klase natin." Bakas sa mga mata ni Cholo ang pagiging seryoso at sincere sa sinabi niya.

Napangiti nalang si Loraine matapos makaramdam ng comfort sa sinabi ni Cholo.

Ngumiti lang din ng bahagya si Cholo at walang imik na siyang lumabas ng classroom kasunod pa din ang mga kaibigan niya.


[A/N: Follow the leader lang, ganun.]


Pasimple at tahimik lang namang sinundan ng tingin ni Sandy si Eugene nang dumaan ito sa harapan nila. Samantalang inirapan agad ni Jackie si Gio nang magtagpo ang mga mata nilang dalwa.

Sa saglit na pagtigil ni Uno sa harapan ni Loraine...

"Wag kang mag-alala suportado ka namin—lalo na ako." nakangiting sambit ni Uno sabay taas niya ng isang braso niya bilang pag-chicheer niya kay Loraine.

Napangiti din naman si Loraine. "Salamat."

Nang makalabas na ang SVT ay hindi napigilan ni Jackie na pabirong tuksuhin si Loraine. "Ayun naman pala eh! Tingnan mo na? Ang dami mong supporters! At dahil diyan... Manlilibre ka ngayon!"

"Huh? Teka—" naputol ang sasabihin ni Loraine nang itaas ni Jackie ang palad niya para pigilan siyang magsalita.

"Oops! Bawal tumanggi! Tsaka celebration na din natin 'to ng NEW FRIENDSHIP natin! Kaya tara let's!" masiglang sambit ni Jackie tsaka niya hinatak papunta ng canteen yung dalwa nina Loraine at Sandy.


(Practice room)


Palihim na namang nakatayo sa labas ng practice room si Neo habang pinapanood ang nagprapractice ng ballet na si Queen. Parang nananaginip siya ng gising at lutang kaya hindi niya namalayan ang biglang paglapit ni Queen sa pintuan.

Nagulat nalang si Neo at tila nanigas sa kinatatayuan niya nang makita niya si Queen na nakatayo na sa harapan niya at matamang nakatingin sa kanya.

"Sinasabi ko na eh. Kaya pala pakiramdam ko parang laging may nakamasid sa 'kin kasi madalas kang TUMAMBAY dito sa labas ng practice room. Are you a stalker??" deretsong pangongompronta ni Queen kay Neo.

"Huh? Ako? Stalker?? Hi-hindi ah!" tila kabadong tanggi ni Neo.

"Kung hindi ka stalker, bakit lagi kang tumatambay dito sa labas ng practice room ko?" taas kilay na tanong ni Queen sabay halukipkip ng mga braso niya.

"Tumambay lang, stalker agad? Hindi ba pwedeng madalas lang talaga akong mapadaan dito? Atsaka isa pa. Hindi naman kasi totally nakasara palagi yung pintuan eh, kaya kahit sino naman sigurong mapadaan dito at marinig yung music ay mapapasilip din." todo depensa ni Neo.

Halatang unconvinced pa din si Queen sa dahilan ni Neo kaya pinaningkitan niya ito ng mata. "Akala mo ba na hindi ko nakikita sa CCTV na madalas ka ditong tumambay during break time??"

Tila dumoble pa ang kaba ni Neo at sunod siyang pasimple na tumingin sa pinakamalapit na CCTV camera. Marahan siyang napakagat sa ibabang labi niya nang makitang tila wala na siyang lulusutan kahit na mag-alibi pa siya. Kaya no choice na siya kundi ang magsabi na ng totoo.

Dahil sa hiya ay napahawak nalang siya sa batok niya. "Ah... eh... kasi... Ang totoo niyan... humanga lang talaga ako sayo eh."

Blangko lang ang ekspresyon ng mukha ni Queen habang hinihintay niya ang sunod na sasabihin ni Neo.

"Marami na kong nakita na magagaling na dancers at performers. At masasabi kong isa ka na sa kanila. Mabilis lang akong na-impress nung una kitang nakita na nagsasayaw, then nasabi ko sa sarili ko na hindi malayong maging successful performer ka. Ang galing mo kasi eh. Tapos..." napatigil siya saglit. "Tapos.. ang ganda mo pa." Pagpatuloy niya habang hindi siya makatingin ng maayos kay Queen. "Bagay na bagay nga sayo yung pangalan mo eh." Saglit sumulyap si Neo kay Queen at nang magtama ang mata nila ay agad din siyang nag-iwas ng tingin. "Wala naman akong ibang masamang intensyon eh, kaya sana maniwala ka." paliwanag niya habang mahahalata mo sa kanya yung sincerity.

Hindi inasahan ni Neo nang muli siyang mapatingin kay Queen ay nasilayan niya ang magandang ngiti nito.

"Maniniwala na sana ako eh. Pero may kasama pa yatang BOLA? Hmp?" nawala saglit ang ngiti ni Queen nang mapalitan yun ng pagdududa.

"Huh? Hindi yun bola ah! Totoo yun!" depensa ni Neo habang nanlalaki ang mata niya at halatang pursigido siya na makumbinse si Queen.

Hindi na din napigilan ni Queen ang matawa dahil sa naging reaksyon ni Neo. "Oo na! Naniniwala na ko!"

Tila nakahinga na ng maluwag si Neo at sunod siyang napangiti matapos niyang makumbinse si Queen. Nagkaron pa sila ng small talks ni Queen bago niya naisipang magpaalam na dito at umalis.

Dismissal time... Nagliligpit ng gamit niya si Sandy nang lapitan siya ni Jackie.

"Sandy, pauwi ka na ba?"

"Oo eh. Bakit?"

"Samahan mo naman ako oh?"

"Huh? Saan?"

"May bibilhin lang sana akong libro sa bookstore. Uhm.. nabobored kasi akong mag-solo flight eh."

"Ganun ba? Uhm.. Kasi Jackie—" naputol ang sasabihin ni Sandy nang agad na yumakap si Jackie sa braso niya.

"Samahan mo na ko Sandy! Sige naaa? Pleeaassee?" pangungumbinsi pa ni Jackie kay Sandy na sinamahan pa niya ng pagpapacute.

Napabuntong hininga nalang si Sandy dahil hindi na din siya nakatanggi pa kay Jackie. "Sige na nga."

Sunod na binalingan ni Jackie si Loraine na nag-aayos din ng gamit niya. "Loraine! Sama ka?"

"Huh? Saan?"

"Sa bookstore. Then pasyal pasyal na din after, ganun. Sama ka? Sama ka na!" parang batang pag-aakit ni Jackie habang hindi pa din siya bumibitaw sa braso ni Sandy.

"Ah ganun ba? Sorry ah? Hindi kasi ako pwede ngayon eh. Next time nalang siguro?"

"Ah ganun ba? Sayang naman? Pero sige. Next time nalang!"

Muli ng binalingan ni Jackie si Sandy. "Edi tayo nalang. Let's gooo!" aniya at hinila na niya si Sandy palabas nang saktong maayos na nito ang gamit nito.

Nagpunta silang dalwa sa bookstore, then matapos makabili ni Jackie ng libro ay sunod silang nagawi sa may parang plaza. Past 6pm na din kaya naman medyo madilim na. Naglalakad lang silang dalwa nang may makita silang nagpeperform sa di kalayuan.

"Uy! May street performer oh! Tara, nood tayo!" wika ni Jackie at hinila niya si Sandy papunta dun sa may mga nagpeperform. Hindi na din nakapag-react pa si Sandy kaya naman nagpahila nalang din siya sa kaibigan.

Nang makarating sila sa kumpulan. Sa dami na ng mga nanonood ay medyo nahirapan silang makita ng maayos yung mga nagpeperform. At sa kagustuhan ni Jackie na makita ng malapitan yung mga performers ay hindi na niya ininda ang dami ng mga tao at sinubukan niyang makipagsiksikan para lang makakuha ng magandang pwesto habang hila-hila pa din niya si Sandy.


(Now Playing >> Shining Diamond by SEVENTEEN)


Nang makakuha si Jackie at Sandy ng magandang spot at nakita na nila yung mga nagpeperform ay nagulat nalang sila nang makilala nila agad ang mga nasa stage.

"Teka, diba mga kaklase natin yan??" magkahalong taka at gulat na tanong ni Jackie habang nakaturo siya sa harapan.

"Sina Eugene?" Mahinang usal naman ni Sandy.

"Tingnan mo nga naman? Sikat pala sila sa labas ng school!" bakas ang pagkamangha at tuwang saad ni Jackie habang pinagmamasdan niya ng mabuti ang mga nagpeperform nilang mga kaklase.

Napatango nalang si Sandy bilang pagsang-ayon kay Jackie. Wala silang ginawa kundi ang i-enjoy nalang din ang performance ng SVT.

Sa kalagitnaan ng performance ng SVT ay hindi inasahan ni Sandy na mapapansin siya ni Eugene, kaya naman muli siyang nakaramdam ng pagkabog ng mabilis ng puso niya nang magtama ang mga tingin nilang dalwa, pero mabilis din siyang nag-iwas ng tingin dito.

Pagkatapos ng performance ng SVT ay naisipan na ding umalis nina Sandy. Balak pa sanang lumapit ni Jackie sa mga kaklase nila pero si Sandy na rin mismo ang pumigil sa kanya.

Sa paglalakad nina Sandy at Jackie papunta sa sakayan pauwi ay hindi nila inaasahang makakasalubong nila sa daan yung mga schoolmates nilang lalake na nakasagutan din nila nung isang araw sa canteen nang dahil na din sa pagtatanggol ni Jackie kay Loraine.

Agad napatigil sina Jackie at Sandy nang tumigil din sa tapat nila yung mga lalake, but this time ay napansin nilang tila nadagdagan pa ng ilang hindi pamilyar na mukha ang mga kasamahan nung lalakeng binalian ng daliri ni Jackie.

Agad napangisi yung lalake na halatang umaaktong lider at siya ding binalian ng daliri ni Jackie pagkakita nito sa kanya. "Oh? Tingnan mo nga naman kung sineswerte ka? Pinag-uusapan ka lang namin kanina... yung "Tomboy na pakialamerang bumali ng daliri ko" Tapos ngayon, heto ka at nasa harapan na namin?"

Matapang na nakipag salubungan ng titig si Jackie dun sa lalake, samantalang bakas naman kay Sandy ang pangamba at takot niya sa posibleng mangyari ngayong natyempohan sila ng mga ito sa labas ng school.











**FOLLOW, VOTE & COMMENT**

FB: Jei Lee (Bluedream Pages)

IG: jeilee24

Twt/X: JeiLee024

Youtube: Bluedream Pages

Continue Reading

You'll Also Like

2M 80.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.1M 98.9K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
564K 6.4K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024