Si Amethyst Ang Purple Witch

By purplemist_DheEnz21

678 157 4

I know I'm a bit different . . . I know I'm a bit . . . off sometimes. I Maybe Weird . . . And a loner . . . ... More

Prologue:
Chapter 2 - Malikmata
Chapter 3 - Rebelasyon
Chapter 4 - Pagpupulong
Chapter 5 - Engkwentro
Chapter 6 - Pagkalito
Chapter 7 - Gabay
Chapter 8 - Bahaghari
Chapter 9 - Kakaiba
Chapter 10 - Musikalya Bahaghari Academy
Chapter 11 - Dhean
Chapter 12 - Panaginip
Chapter 13 - Kaarawan
Chapter 14 - Nakaraan
Chapter 15 - Elemento
Chapter 16 - Lawa
Chapter 17 - Top 1
Chapter 18 - Misyon
Chapter 19 - Lila
Chapter 20 - Nakalipas
Chapter 21 - Vocalist
Chapter 22 - Suspects
Chapter 23 - Show
Chapter 24 - May Kakaiba
Chapter 25 - Biktima
Chapter 26 - Hinala
Chapter 27 - Reyna
Chapter 28 - Bihag
Chapter 29 - Dibersyon
Chapter 30 - Pagsasanay
Chapter 31 - Frat

Chapter 1- 'Paligsahan'

73 13 0
By purplemist_DheEnz21

TOK TOK TOK TOK!!!
Gising man bago pa kumatok ang kanyang ina, nagulat padin ang dalaginding na si Amethyst o mas kilala sa tawag na Yse (Ice). Naka balot pa sha ng comforter ng paborito nyang cartoon character ng sikat na mga princesses. Nakabaluktot at yakap ang mga tuhod na naka tanaw sha sa bintana, sa bedside ng oversized bed na overlooking sa ekta ektaryang taniman nila ng mga fruits and veggies na siyang main source of income ng family nila.

"Yes mom? I'm awake," sagot niya sa mga nagmamadaling katok nito, "G'morning mom," pababa na siya sa stairs ng bunkerbed para buksan ang door.

"Well you better be. Good morning Lavendre," silip bukas ng mom niya sa door na nakasalubong pa niya, at ikinagulat nya, "naka lock ang door how did she do it?" Sa isip isip nya.

"Gisingin mo na kuya Skye mo. Alam nyo namang di pa kayo tapos mag linis. Their flight came as early as possible, instead of 3 p.m. naging 11 a.m. so I pressume they'd be arriving at about lunch time. Get ready now honey," Yun lang at sinarado na nito ang door.

May mga ngiti sa labi, patakbo niyang pinuntahan ang bed ng kapatid sabay dampot sa malaking throw pillow nito. Excited sa pagdating ng isa sa dalawang bestfriends at pinsan.

Malalakas na mga hampas ng unan sa braso, tagiliran at hita ang pilit na gumigising sa tulog mantikang si Lhouiggy.

"Ouch! Aw! Aw! Hey stop it!" Sininghalan niya ang bunso.
"Wake up you sleepy head! Kanina pa kaya kita ginigising kuya, pagkagising ko palang," naka pamewang si Amethyst, at nang makitang dumilat ang kapatid at inakalang gising na ay agad na tumalikod na sha at nagpunta sa sariling bed para magtiklop.

"Ughhh," umungol lang si Lhouiggy, padabog na nagtalukbong ng comforter, sabay talikod at baluktot ng makitang umalis na ang bunsong kapatid.

"Kuyaaa!!" Ng mapansing humihilik nanaman si Lhouiggy ay inikot nya uli ang bedside nito sabay alog, " Oh, reeeally, ayaw bumangon?" Ngumiwi si Amethyst sabay pamewang at pilyong ngumiti ng ayaw gumalaw ang kuya, " ok sige dear brotha, matulog ka lang," sabay lapit at bulong nya sa tenga nito, "hala ka, sige ka, pagdating nila Crysthal at Charlemaign, matutuwa sila sa design ng kwarto. Gagawin kong violet, papalitan ang curtains ng violet, pink at ---," di natuloy ang pag sasalita, pagka sabing pag kasabi ni Amethyst sa tonong may pang aasar ay agad na bangon talon ni Lhouiggy sabay dampot ng towel sa side at patakbo nyang tinalon ang railings ng mini second floor na nilampasan ang stairs para makalamang sa kapatid.

"Hehehe, you could never EVER, do that," ng malampasan niya nga 'to ay tumawa at nang asar sabay sarado ng bathroom door.

Napa iling-iling lang si Amethyst sabay ngiti sa kalokohan ng kapatid. Nakasanayan na niya ang kapilyuhan nito gaya ng mga kuya nila na wala yatang ibang napapansin pag nag ti-trip kundi sha😂.

Walo silang magkakapatid with Lhouiggy Skye @14 and sha, Lavendre Amethyst na 13. Ang kuya Blue nila ay nasa London at doon nagtatrabaho, professor sa isang tanyag na school.

Ang mga kuya Onyx at Rhuzzle nila ay parehong nasa Manila naman, nagtatrabaho din daw. Si Peri, 18, ang pang apat na nasa senior H.S. na sa isang tanyag na paaralan sa Baguio City, ganoon din ang dalawa na sina Primrose 17 na nasa grade 10 at grade 8 naman si Cole, 15, na sinundan ni Lhouiggy.

Yun ang kwento ng mama at papa nila. In short, sila lang talaga dalawa ang kasa-kasama ng parents nila dahil buhat ng mag grade 4 ay nag dodorm na ang mga ate at kuya nila sa nasabing school.

Si Amethyst o Yse (Ice) ang mas masunurin sa kanilang dalawa. Parang sha nga ang mas nakaka tanda sakanila. Madalas xa taga ligpit ng kalat ng kuya gaya ngayon.

Inumpisahan na nyang ligpitin ang hinigan sumunod ay inikot ang mini second floor at tiniklop ang sa kuya Lhouiggy nya.

Si Lhouiggy madalas ay pasaway, mapilyo at makulit na parang bata. Close sila, oo. Pero halos lahat ng bagay ay magkaiba sila.

Two months ago ng umuwi ang ate Primrose at Drake nila ng mag sem break para ibalitang magkaka roon ulit ng Paligsahan sa pinapasukang academy, para sa taong ito. Ito ay magsisilbing entrance exam sa mga gustong pumasok sa so called 'very famous' school nila.

Napaka dami ang gustong pumasok sa school na 'to pero may standards silang sinusunod. Hindi daw basta basta ang mga nakaka pasok dito at sadyang ang mga pinaka magagaling at matatalino lang ang nakaka pasa sa 'paligsahan'.

Every 2 years kung minsan ay 3 years kung magkaron ng Paligsahan kaya madalas, pag kumalat na ang balita ay maraming buwan ng pag eensayo ang pinag hahandaan ng sino mang gustong makapasok dito.

Matapos ay brinief sila ng parents nila na doon nila ipagpapa tuloy ang naudlot na pag aaral kung sakaling maka pasa sila gaya ng mga kuya at ate nila na doon lahat nanggaling.

Although malungkot siya na iwan ang parents ay alam niya sa sariling mas malaki ang parte sa puso niya na masaya at excited. Masaya dahil sa mga ala alang ito na muling nagbabalik :

"Yse(Ice), diba magaling ka kumanta?" Mula sa pagkaka yuko ay napa angat ang ulo ni Amethyst sa kaklaseng biglang dikit saknya.

"H-huh?" Nagulat at nag aalangan si Amethyst.

"Oh c'mon! Narinig kaya kita sa locker room?," Hindi panga nakaka sagot si Amethyst ng biglang itinaas ng kaklase ang kaliwang kamay nya, dahilan para mapansin siya ng buong klase at ng teacher na kasalukuyang nag hahanap ng representative ng buong section.

"Oh yes, ofcours Ms. Castro. Now class, may pang bato na tayo!" Pinatayo siya sa harapan sabay hiyawan at palakpan ng buong klase.

Gulat na gulat sa bilis ng pangyayari, kitang kita niya kung pano matuwa at mag sigawan ang mga classmates niya. Ang iba pa ay tinapik siya sa balikat at nag wish ng goodluck pag lakad balik nya sa upuan.

Maliban sa isa.

Si Dhean.

Sa dulong sulok ng kwartong 'yon nahagip ng mga mata niya ang pinaka wierdo sa buong skwelahan nila.



Madalas.



Napaka dalas nyang mahuli si Dhean na naka titig saknya.

Kundi naman ay sa kawalan.

Gaya ngayon.

Naka dungaw sa labas ng bintana.

Sa kawalan.

Walang pake sa kaguluhan.

At dahil nga sa ginawa ng kaibigan ay agad ng napasama ang pangalan niya sa listahan ng singing contest.

Ano mang gawin niyang pagpapaka low profile sa pang anim na skwelahan nyang ito na pinasukan sa loob ng dalawang taon lang ay di talaga maiwasang umangat siya sa karamihan at sumikat dahil sa pagiging talented nya sa halos lahat ng bagay.

Pwera pa doon ang katotohanang napaka ganda nya kahit na chubby. Yun tipong kinaiinggitan siya ng karamihan sa mga kasing edadan niya.

Isang linggo lang ang alloted time para sa practice at paligsahan na. Ginawa na yata niya ang halos lahat ng paraan na alam nya para mai alis ang pangalan sa listahan pero bale wala. Actually kung tutuusin, ay gusto naman talaga niyang sumali sa mga singing contests. Gusto nya talagang kumanta. GUSTONG GUSTONG GUSTONG GUSTONG GUSTO. . . Sana. . .











* * *
Araw ng paligsahan.




Sa backstage kita niyang pusturang pustura ang lahat. Lahat nagmamadali, yung iba nag eensayo. Bongga ang mga dress at suits ng mga kalaban nya. Tinignan at hinipo niya ang dress mula sa left hip niya pababa. "Di naman kasi ako dapat nandito eh. This'll never do," naisip niya.

Galing si Amethyst sa very wealthy family at di problema sakanya ang dress o masusuot sa mga ganitong occasions. Wala naman talaga siyang balak sumali ngayon sa contest kaya pang everyday na casual dress lang ang suot nya.

Pumasok lang naman siya para sabhin sa teacher nila na di sha prepared at na masama pakiramdam niya.

Dun sya nagka mali.

Agad siyang hinila ng adviser nila sa school clinic na malapit lang sa auditorium. Matapos check-apin ng nurse ay wala ng nagawa si Amethyst ng painumin lang siya ng gamot nito at wala naman daw sya lagnat.

At yun nga, konting make up lang, blower ng hair and ayun na nga.. nasa backstage na siya. . . Kumakabog ang dibdib at di mapalagay sa kinatatayuan habang naghihintay sa tawag ng pangalan nila.

*

"Amethyst!" Kalabit bulong ni Lhouiggy sakaniya.

"H-ha? Ano kuya?" Gulat kunot noo niya.

"Ok ka lang ba?" Sabay hawak nito at comfort sakaniya. Madalas maloko si Lhouiggy pero sa mga ganitong sitwasyon lumalabas ang pagka kuya niya. Siya ang guitarist at si Amethyst naman ang vocalist.

Di pa man nakaka sagot si Amethyst ay inannounce na ang pangalan nilang mag kapatid. Pero bago sila lumabas ng stage, hinawakan ni Lhouiggy ang kamay niya.

"Chill baby girl. Kaya natin toh, control lang," ngumiti siya kahit alam niya sa sarili niya na di siya sigurado sa mangyayari at siya mismo ay kabado.




Ng husto.






Gusto lang niya mapagaan ang tensyon. Bumukas na ang malaki at pulang kurtina ng stage ng auditorium at naririnig na nila ang hiyawan at palakpakan na super lalakas.

Hawak ang isang hand sized goodluck charm keychain na violet doll ang lagi nyang kasama, at sa isang kamay hawak ang micropono sabay hinalikan nya ang keychain at nag umpisang mag lakad patungo sa sentro ng stage.

Hanggang sa unti unting mag fade ang hiyawan, palakpakan at ngiti ng mga audience ng tuluyang lumabas sila ng kurtina at mag umpisang tumugtog ang kanta nila.

Nag umpisa narin ang mga bulong bulongan. Mga matang nagtatanungan. Isang malumanay na kanta ang napili nilang kantahin. Isang kantang hindi pang contest.

Pilit man di pansinin ni Amethyst at Lhouiggy ang mga nakikita at naririnig ay di talaga makaligtas ang mga lantarang panlalait sakanila.

"Bat ganyan suot nya?"
"Di pang contest yung kanta niya,"
"Sayang ang boses,"
"Wala bang ibang pambato sa section nila?"
"For sure talo na yan,"

Pati mga judges nakikita nilang disappointed at nagbubulongan. Sa kagustuhang di na makita at marinig ang mga comments and reactions ng lahat ay nawala sa isip nyang ipinikit ang mga mata at mag bingi- bingihan sa mga nasa paligid.

Wala siyang ibang naririnig kundi ang pag gitara ng kapatid at sariling boses.

Dinamdam bawat lyric ng feel good love song ng napiling kanta. Dinamdam ng husto ang pag kanta . . .









Hanggang sa umabot sa mataas na nota.








Itinaas niya ang tono ng higit sa orihinal na tono nito.










Sabay ng mahaba at mataas na nota ang dahan dahang pag taas kumpay ng kamay niya . . .









Dahan dahan. . .










Pataas ng pataas . . .









Lumalakas ang hangin . . .












Palakas ng palakas . . .

Hanggang sa. . .























"AAAAAAAAAHHHH!" Isang napaka tinis at naka bibinging tili ng isang babae ang umalingawngaw sa buong auditorium na bumasag sa pagkanta at nagpadilat kay Amethyst.

💖💜💖End of Chapt. 1💖💜💖

Continue Reading

You'll Also Like

233K 24.5K 31
الرواية بقلمي أنا إنتصار لخضاري (غيمة) سأقاضي كل من ينقلها بدون إذني . 🍂تنتقل فتاة المدينة للعيش في بيت جدتها في الريف بعد ذلك الحادث الذي تسبب في م...
137K 5.9K 31
Inspired by Arsenic Blues by 11QueenSupreme11 and Young Gods by phoenix1770, but with my own plot. This is a mix of reactions and story. What happens...
54.8K 1.8K 27
Sky 💙
87.9K 198 29
မူရင့းနှင့်သက်ဆိုင်သူများ credit