The Billionaire's Obsession

By JFstories

20.7M 509K 141K

What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ] More

Prologue
Hendrick Montemayor
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Huling Kabanata
Epilogue
H
THE BILLIONAIRE'S OBSESSION
MSAGA

Kabanata 4

685K 14.8K 4.2K
By JFstories

TONIGHT IT IS.


Gustong pahintuin ni Camilla ang oras. Kinakabahan siya. Ngayon na ang gabing kung kailan magkikita na naman uli sila ng maangas na bilyonaryong si Hendrick Montemayor.


Ngayong gabi nga ay isasama siya nito sa Montemayor Cruise. Kinakabahan siya kung ano pa ba ang ibang plano ng lalaking iyon sa kanya, pero bahala na.


Bahala na, ang importante, okay ang kapatid niya. Walang ibang importante kundi ito.


"Kara, aalis muna si Ate, ha?" Nilapitan niya ang batang babae na nakaupo sa hospital bed, at hinalikan sa noo.


Ang maputlang pisngi ni Kara ay maaliwalas. Kahit may dinaramdaman ito ay pilit na lumalaban. Wala siyang karapatang sukuan ito. Ito ang pinagkukunan niya ng lakas. Ito na lang ang natitirang yaman niya sa mundo.


"Babalik din ako. Kailangan lang munang magwork ni Ate, okay?"


Ang alam nito ay may trabaho siya, never niyang ipapaalam dito ang totoong dahilan.


"Babalik ako bago ang operasyon mo," pangako niya.


Gaya nang sinabi ni Hendrick Montemayor, wala siyang dapat alalahanin tungkol sa kalagayan ni Kara. Bukod sa inilipat sa Montemayor Hospital ang kanyang kapatid ay nasa isang private room pa ito ngayon.


[ You are reading an old JFstories ]


Komportable ang  kwarto ni Kara na ni sa hinagap ay hindi niya akalaing maipaparanas sa kapatid. Mayroong sariling ref, aircon at sariling banyo ang  kwarto. May flat screen tv din at isa pang kama para sa bantay nito. Bukod sa priority si Kara sa Montemayor Hospital ay meron pa itong personal nurse na magbabantay rito habang wala siya.


"Ingat ka po, Ate."


"Paano?" Sinulyapan niya ang personal nurse ni Kara. "Ikaw na muna ang bahala sa kapatid ko," bilin niya matapos isukbit sa kanyang balikat ang dadalhing traveling bag.


Tumango ang mabait na personal nurse na ang pangalan ay Aleny. Nasa mid thirties ito. Ipagkakatiwala niya muna rito ang nakababatang kapatid.


Lumabas siya ng hospital room at lumulan sa elevator. Pagkalabas ng ospital ay pumara agad siya ng taxi at
nagpahatid sa VIP Parking ng Montemayor Hotel.


Panay ang pakawala niya ng paghinga habang bumabyahe. Nanlalamig ang kanyang mga palad. Nang pumasok na sa VIP parking ay natanaw agad niya ang mga unipormadong lalaki, in all black tux, na papalapit.


Pagbaba niya ng taxi ay sinalubong siya agad ng mga ito. Kung hindi lang kagalang-galang ang itsura dahil sa all black tux ay baka himatayin siya sa kaba. Hello? May mga baril sa tagiliran ang mga ito.


Feeling tuloy ni Camilla ay kikidnappin siya. Pero sa itsura ng mga ito, mukhang may mas pera pa kaysa sa kanya.


"This way, ma'am," narinig niyang sabi ng isa sa mga ito. Kinuha ang dala-dala niyang bagahe.


Inalalayan siya patungo sa midnight black Lamborghini na nag-iisa sa sulok ng malawak na VIP Parking lot ng hotel.


Nanginginig na nagsimula na siyang humakbang papunta sa gilid ng mamahaling sasakyan. Hindi niya malaman kung may tao ba sa loob dahil heavily tinted ang mga salamin.


Inilagay ng mga nakaunirpomadong lalaki ang travelling bag niya sa back compartment. Ang isa naman sa mga ito ay pinagbuksan siya ng pinto sa passenger's seat.


Wait? Bakit hindi si Hendrick Montemayor ang magbukas ng pinto ng sasakyan para sa kanya? Wala ba ito sa loob?


Sinipat niya ang loob ng sasakyan nang mabuksan ang pinto, wala siyang makita dahil nakapatay ang ilaw.


Pagkapasok niya sa loob ng kotse ay agad niyang naamoy ang mamahaling air freshener ng sasakyan at amoy ng isang mabangong.... lalaki?


Agad siyang napalingon sa kanyang tabi.


Unti-unti na ring nasanay ang kanyang mga mata sa dilim.


Si Hendrick Montemayor.


He was here.


Sa tabi niya.


"Hi." Kahit medyo malabo ito sa kanyang paningin ay binati niya pa rin ito. "Bakit ang dilim?"


"How noisy..." Doon na nito binuhay ang ilaw sa loob ng sasakyan.


Napanganga siya nang magliwanag ang paligid. Napasadahan niya agad ng tingin ang kabuuan nito sa mabilis na sandali lamang. Hendrick was wearing a black button-down long sleeves na nakabukas ang ilang butones sa dibdib.


Naka-side view ito sa kanya kaya lalong na-emphasize ang matangos nitong ilong at ang malantik nitong pilik-mata. Nahigit niya ang kanyang paghinga habang nakamata rito.


Pinaandar na nito ang Lambo ngunit hindi man lang nito sinagot ang pagbati niya. Dinedma siya tapos sinabihan pa siya ng maingay.


Umayos na siya ng upo nang magsimula ng umandar ang sinasakyan nila. Ngunit kahit anong gawin niyang pag-aaliw sa kanyang sarili sa tanawin mula sa labas ng katabi niyang bintana ay hindi pa rin siya mapakali.


Hindi niya magawang kumalma.


Muli siyang napasulyap kay Hendrick. Busy ito sa pagmamaneho.  Walang pakialam sa kanya.


Mabuti pa ito, kalmado. Samantalang siya, parang gusto niya nang buksan ang pinto ng passenger's seat upang tumalon palabas.


Tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito. Kahit kinakabahan ay sinikap niyang magpakatatag. May kailangan siyang klaruhin bago ang lahat.


"Excuse me..." nahihiyang papansin niya sa lalaki. "A-after two weeks, w-wala na ba akong atraso sa 'yo...?"


"Just do your job well," sagot nito na hindi man lang siya sinulyapan.


"Okay..." mahinang sagot niya. "Uhm, sandali, p-paano pala ang set-up natin sa barko?"


"We will be staying in one room."


Napalunok siya. Kahit expected niya na, nakaka-shock pa rin. In denial siya. Umaasa pa siya na baka magkaiba sila ng  kwarto since bed warmer lang naman siya. Baka naman kakailanganin lang siya kapag bored ito. Ngunit mali ang kanyang sapantaha. Mukhang iba ang trip nito, mukhang gusto siyang araw-arawin.


Kalmado pa rin ang boses nito nang muling magsalita, "I forgot to tell you that my parents are on the cruise too."


Akala niya ay puro meetings lang at ilang sosyalan ang meron doon sa loob ng 2-week Asian Cruise. Mas lalo pa pala siyang magugulat sa mga susunod pang sasabihin nito sa kanya.


"I'm going to introduce you to my family. You'll be meeting my mom and dad, as well as my older siblings. They are excited to meet the girl I'm dating, and that's you."


Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin dito. Pinagti-tripan ba siya nito?


Ipapakilala siya bilang babaeng idini-date nito? Parang wala iyon sa naunang usapan nila, ah?!


"They want to see you. That's one of the reasons why I am bringing you to the cruise with me." Habang sinasabi nito ang mga salita ay parang sinasabi lang nito kung anong oras na.


"P-pero bakit?"


Bakit siya ipapakilala ni Hendrick sa pamilya nito? May bed warmer bang ipinapakilala sa parents at siblings?


Muli siyang sinulyapan ni Hendrick. Wala itong pakialam sa reaction niya.


Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita. "Bakit mo ba ako ipapakilala? Saka bakit kailangan nila akong makilala? Akala ko ba eh gagawin mo lang akong comfort woman mo? Di ba iyon lang naman ang kailangan mo habang nasa barko ka? Bakit—"


"Shut up!" Nalukot ang guwapong mukha nito. "Ang daldal mo!"


"Pero—"


"Don't think of ridiculous things."


Napahingal siya sa frustration. Ano ba talaga ang gusto nito? Bakit biglang pabago-bago?


"You owe me."


"Hindi ko naman nakakalimutan iyon—"


"So bayaran mo ang utang mo," bale-wala at malamig nitong sabi.


Nakukuha niya na ang gusto nitong mangyari, ang additional na trabaho na gusto nitong gawin niya para sa "utang" na sinasabi nito.


"Masyado kang sinuswerte kung sa kama lang kita mapapakinabangan, kaya naisip ko na ikaw na rin ang ang kukunin kong fake girlfriend na ipapakilala ko sa pamilya ko."


Napatiim-bagang siya ngunit hindi kumibo. Wala siyang karapatang magreklamo dahil nga sa may "utang" siya rito.


"Pero bakit ako? Ang dami naman diyang ibang babae na papayag maging girlfriend mo. Pwede ka ngang kumuha kahit model o artista."


"I don't want to complicate things that's why I chose you. Bayad ka na at hindi ka maghahabol sa akin."


"Hindi talaga kita hahabulin, baka pagtaguan pa nga kita pagkatapos nito," bubulong-bulong niya.


"Matanda na ang parents ko," sabi nito sa mahinang boses. 


"Mamamatay na ba?"


"Bloody hell, no!" Tiningnan siya nito nang matalim.


Nakagat niya ang ibabang labi. "Sorry..." Malay ba kasi niya.


"Bunso ako sa aming apat na magkakapatid, okay?!" iritable ang tono nito. "Malayo ang agwat ng edad ko sa kanila. Nagwo-worry ang parents namin sa akin dahil hanggang ngayon ay wala pa akong naihaharap na girlfriend sa pamilya—"


"Iniisip nila na bakla ka?" agaw niya sa pagpapaliwanag nito.


"No!" Parang kidlat naman ang maagap na sagot nito sa kanya. "What the fuck?!"


"Sorry, sorry!" Ang iksi naman ng pasensiya nito.


"They're thinking na tatanda akong mag-isa."


"Okay lang iyan, marami ka namang pera. Hindi nga ba't bumibili ka na lang ng mga disposable na babae weekly para punan ang sex life mo?!" Inirapan niya ito.


"Hindi iyon, Camilla!"


Nanahimik siya nang sambitin nito ang pangalan niya.


Nilinis niya ang bikig sa lalamunan saka sinikap na kalmadong magsalita. "E ano, Hendrick? Ipaliwanag mo nga sa akin nang maintindihan ko." First name basis ito sa kanya so okay lang naman siguro kung ganoon din siya rito.


"Dammit," mahinang mura nito. "Why do I need to explain to you?" bulong niya na ang atensyon ay nasa pagda-drive na ulit.


Nanulis ang nguso niya. Napakasuplado ng sumpunging bilyonaryo.


Inis na itinutok ni Hendrick ang buong atensyon sa pagda-drive. Maging siya ay sa daan na lamang rin ipinukol ang paningin. Ayaw niya nang bwisitin ang lalaki at baka tadyakan na siya nito palabas ng kotse.


Medyo malayo-layo na rin ang bina-biyahe nila. Ang alam niya'y patungo sila sa port ng M. Cruise. She was excited, of course. Iyon na lang ang pinakaisip-isip niya, ang excitement. First time niyang tumungtong sa prestihiyosong barko ng mga Montemayor.


Sikat ang barkong iyon na tanging mapepera at celebrities lang ang may kakayanang maka-afford. Hindi pa rin siya makapaniwala na makakarating siya roon ngayon at libreng magku-cruise ng two weeks.


Napalis din ang kanyang saya nang maalala na hindi nga pala libre ang pagsakay niya sa barko. Hindi libre dahil bababa siya roon pagkatapos na hindi na buo.


"Hendrick... Ipangako mo lang na pagkatapos nito, tapos na tayo..."


"Do your job well. 'Wag kang magkakalat at 'wag mo ng tangkaing pumalpak dahil kung hindi ay ihahagis kita sa dagat."


Kumibot ang sentido niya sa inis. Napaka-ungentleman talaga.


"I am giving you a choice now. Kung gusto mong magpahagis sa dagat or ipakukulong na lang kita."


"Wala kang puso."


"I know."


"Hendrick, may isa pa akong tanong."


"What?"


"Iyong... ano..." Teka, paano niya nga ba sasabihin dito? Napakamot siya sa kanyang ilong. Mannerism niya iyon kapag hindi niya masabi ang dapat niyang sabihin. "Sa iisang  kwarto lang tayo matutulog na dalawa, di ba? Ibig sabihin ba no'n ay may mangyayari pa rin sa atin?"


Nagsalubong na naman ang mga kilay nito nang magsalita. "May I remind you what's your real job here?"


Sumimangot siya. 


"So, what's with that stupid question?"


Nagtimpi siya kahit gigil na gigil na. "Wala. Sorry." Akala niya lang makakaligtas na.


"It's good that you've mentioned that. This time, no more bottle of wine sa paligid."


"Grabe ka naman. Hindi ko naman iyon sinasadya e!"


Hindi siya nito pinansin. "Maybe I sould consider tying you up in bed."


That was too much. Hindi na siya nakatiis na hindi mag-violent reaction. Nanlalaki pati ang butas ng ilong niya. "Hoy! That's too much! Tapos anong kasunod? Lalatiguhin mo ako?!"


"We'll see." Nagkibit-balikat uli ito.


"Ahmp!"


"Don't worry, wala pa naman akong napatay na naikama ko."


"At baka ako pa lang?!" Napaawang ang mga labi niya.


"Why, are you afraid?"


"Hindi, no!"


Nagulat siya ng isang ngisi ang gumuhit sa mapula nitong mga labi. "You should be."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

125K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
34.1K 256 2
Xylia Ailana Hidalgo | Jaden Logan Ruiz - Start: February 2022
51.1K 440 33
Hindi ko inaasahang maging magkaklase kami sa huling taon ng highschool. He's an androgynous genius whose face is beautiful as the petals of the gold...
4.7K 249 13
La Uno Negatibo Series #2 Si Grant Damian Flammia ay isang doktor at siya na lamang ang natitirang buhay na anak ng isa sa mga Supremo ng Negative On...