Diamond University: "School o...

By Bluedream_Pages

15.5K 258 12

Diamond University. Is one of the well-known and prestigious school in the country which allow and help the... More

Prolouge
SVT HIP-HOP
SVT PERFORMANCE
SVT VOCAL
Chapter 1
~Sandy Kim~
Chapter 2
~Jackie Hwang~
~Loraine Joo~
~Ms. Lee~
Chapter 4
~Kimberly Kim~
Chapter 5
~Queen Tien~
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
~Kim Hyeri~

Chapter 3

482 16 1
By Bluedream_Pages


>SVT TROPS 4EBER<

Group Chat



Bobby: Eugene kumusta ka?


Eugene is typing...


Eugene: eto nilalagnat pa din.

Deekey: ano ba kasing nangyari sayo??

Eugene: diba nga naulanan tayo nung isang araw? Dun ako nadali.

Cholo: Hindi ka kasi nagpapaaraw eh. Kulang ka sa vitamins!

Miggy: kulang na nga sa vitamins, kinulang pa din sa height.

Eugene: edi wow! @Miggy Kim! Edi wow!

Miggy: joke lang bro. Bati tayo! 😁

Eugene: muka mo joke!

Gio: Miggy wag mo nga munang asarin yang si Eugene! Masama na nga pakiramdam nung tao eh. Dadagdagan mo pa ng sama ng loob.

Miggy: sorry na nga iih. 😞

Neo: hahaha!

Miggy: tinatawa-tawa mo diyan @Neo Xu?

Neo: paki mo.

Eugene: kumusta nga pala ang first day?

Harbi: ayos lang naman.

Jun: daming chics haha 😁

Chan: kaya naman abalang-abala yang mata mo kanina pa eh @Junell Moon Panay ka sight-seeing! Bago-bago!

Jun: Wala namang masama sa ginagawa ko ah? Inaappreciate ko lang naman yung mga magagandang tanawin ng school 😁

Chan: utot mo sight-seeing!

Jazz: Eugene bro, makakapasok ka ba bukas?

Eugene: try ko. Pero di ko talaga sure.

Uno: wag mong pilitin kung hindi pa talaga kaya. Baka mamaya mabinat ka lang.

Gio: tama si Uno. Magpahinga ka nalang muna. Tsaka ka na pumasok kapag kaya mo na talaga.

Eugene: lalo akong tinatamad kapag nandito lang sa bahay😞

Bobby: Okay lang yan. Chill ka lang diyan. Kami ng bahala dito.

Eugene: salamat guys.


Seen by everyone...


~Uno Jeon's POV~


Naghihintay ako sa bus stop dahil papasok na ako sa D.U. nang may mapansin akong pamilyar na babae na naghihintay din.


Kung tama ang pagkakatanda ko, Loraine ang pangalan niya.


Hindi ko napigilang mapangti pagkakita sa kanya, pero bago pa man ako makalapit sa kanya ay dumating na yung bus at nauna na siyang sumakay. Sunod na din naman agad akong sumakay ng bus. Halos mapuno na yung bus kaya parehas kaming nakatayo. Medyo may kalayuan ang pwesto ko mula sa pwesto ni Loriane, pero abot pa rin naman siya ng paningin ko kaya nasusulayapan ko pa rin siya. Halata ding hindi niya pansin ang presensya ko, or pwede ding hindi pa talaga niya ako kilala kaya hindi niya ko napapansin.

Halos sa buong biyahe ay panay lang ang sulyap ko kay Loraine, kaya agad kong napansin na parang nagiging uncomfortoble na siya sa pwesto niya. Inobserbahan ko pa siya saglit at nun ko nakita yung lalaking katabi niya habang pasimple siya nitong minamanyak. Hindi ko maatim na manood lang kaya hindi na ako nakatiis at nilapitan ko siya. Pasimple at patay-malisya akong pumwesto sa may likuran ni Loraine.

Natigil ang lalaki sa ginagawa niya paglapit ko kaya pinakiramdaman ko siya kung kelan ulit siya mag-aatempt. Ilang sandali lang ang lumipas nang mapansin kong kikilos na naman siya para pagtangkaan si Loraine. Hindi ko na pinalampas yun kaya umaksyon na ko.

Kumuha lang ako ng tamang tyempo at madiin kong inapakan yung paa ng lalaki. Agad napahiyaw sa sakit ang lalaki pero hindi ko pa rin inalis yung paa ko sa paanan niya.

"Oh Brad? Napapano ka? May masakit ba sayo? Sabi ko naman kasi sayo eh, tigilan mo na yang kamanyakan mo, kasi walang magandang maidudulot yan. Tingnan mo ngayon, nasasaktan ka pa tuloy? Bilis ng karma noh?" feeling close at puno ng sarkasmo kong sabi sa lalaki.

"Sorry na! Sorry na! Hindi na ko uulit! Sorry na!" nagmamakaawang daing nung lalaki.

Nang makontento ako sa reaksyon niya ay tinanggal ko na yung paa ko na nakaapak sa paa niya. Papilay-pilay siyang sunod na nagmadaling bumaba ng bus.

Nang mawala na yung manyakis ay sunod kong binalingan si Loraine na sakto namang nakatingin sa 'kin habang halata ang gulat at pagtataka sa ginawa ko. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang ngitian siya. Halatang tila speechless siya kaya napangiti nalang din siya sa 'kin.

Nang makababa kami ng bus ay sinabayan ko siya sa paglalakad papasok ng university. Nanatili akong tahimik dahil ayoko namang maging feeling close sa kanya.

"Uhm... Ano..."

Agad akong napaangat ng tingin kay Loraine nang magsimula siyang magsalita.

"Salamat dun sa kanina ah?" sabi niya sa medyo malumanay na boses.

Simpleng pasasalamat lang naman yung sinabi niya pero ang laki ng epekto sa 'kin. Parang gustong tumalon ng puso ko sa tuwa, kaya naman pinilit kong itago ang ngiti ko at kinalma ko din ang sarili ko bago ko siya sagutin.

"Wala yun."

Nang tila may ma-realize siya. "Uhm... Nga pala... Magkaklase ba tayo?.." Tanong niya, pero bago pa ko makasagot ay agad niyang dinugtungan yung sinabi niya. "Oops! Don't mean to offend ha? Pero hindi ko pa kasi tanda lahat ng classmates ko kaya natanong kita. And you look familiar din kasi."

"Ah.. Oo. Classmates nga tayo." sagot ko.

"Ah ganun ba? Sabi ko na eh." sabi niya sabay ngiti.

"Uhm.. Uno nga pala." Pagpapakilala ko sa kanya.

"Ah.. I'm Lo---"

"Loraine. Right?" putol ko sa kanya.

"Ah.. Oo tama." Pagkukumpirma niya.

"Hindi naman siguro weird kung sasabihin kong natadaan ko agad yung name mo nung magpakilala ka sa klase nung first day diba?" tanong ko habang hindi ako nakatingin sa kanya dahil kahit ako ay awkward din sa tanong ko.

"Uhm.. hindi naman." Mabilis niyang sagot. "Mas weird nga siguro kung wala kang natandaan ni isang pangalan... gaya ko."

"Ang ganda mo namang weird." Mahina kong sambit.

"Huh? Ano yun?" tanong niya nang hindi niya naintindihan yung sinabi ko.

"Ah wala. Sabi ko baka ma-late na tayo." Palusot ko nalang.

Agad siyang napatingin sa wrist watch niya. "Ah oo nga. Sige bilisan na natin."


~Sandy Kim's POV~


Naglalakad ako sa hallway papunta sa unang klase ko nang makita ko si Jackie na nauunang naglalakad. Mabilis lang kaming naging close ni Jackie nung first day dahil sa napaka-approachable niya at friendly din.

"Jackie!" tawag ko sa kanya na ikinalingon naman agad niya. Kinawayan ko siya at nginitian naman niya ko.

Agad siyang tumigil sa paglalakad para hintayin ako.

"Sabay na tayo?" alok ko sa kanya nang maabutan ko siya.

"Sure, sige! Pero CR muna tayo ah?" paalam niya.

"Okay." Sagot ko at sabay kaming pumunta ng CR.

Lumabas din agad kami ng CR after, pero nagtaka ako nang biglang natigilan si Jackie. Nang tingnan ko ang gawi na tinitingnan niya ay dun ko nakita yung classmate naming lalaki na long hair na saktong kalalabas lang din ng boy's CR.


~Jackie Hwang's POV~


Agad nagbago ang mood ko nang makita kong lumabas mula sa boy's CR yung mapanglinlang na nilalang. Kahit siya ay natigilan din nang makita ako. Napairap ako nang makita ko yung mapang-asar niyang ngisi. Then sunod siyang lumapit sa 'min.

"Hi classmates! Papunta na din ba kayo sa room?" nakangiti tanong niya.

Hindi ako nagsalita sa halip ay si Sandy ang sumagot. "Oo. Bakit? Gusto mo bang sumabay na sa 'min?"

"Okay lang naman. Yun ay kung OKAY lang din sa kasama mo?" wika nito at sabay muling tumingin sa 'kin.

Muli lang ulit akong umirap. Naiinis ako sa presensya ng mapanlinlang na nilalang na 'to kaya naman bigla nalang akong nag-walkout. Ramdam ko ang pagsunod sa 'kin ni Sandy. Sabihin ng rude ako, pero sa tuwing naiisip ko kasi yung nangyari nung araw na yun ay bumabalik yung pagkapahiya at inis ko.


~Miggy Kim's POV~


Wala ng mapaglagyan ang boredom ko sa katawan. 2nd academic subject palang namin ngayong araw pero gustung-gusto ng maglakad palabas ng mga paa ko para umuwi at matulog.

Wala pang isang linggo simula nung pumasok ako dito sa D.U. Kung gaano kataas yung naging excitement ko nung first day after kong makapasa nung audition ay ganun nalang din ang ikinabagsak ng mood ko nang magsimula na ang klase.


Nag-expect kasi ako eh.

Akala ko deretso training na kami. Yung wala kaming ibang gagawin kundi pag-aralan lang yung mga dapat naming matutunan para maging isang magaling na artist at performer.

Yung mag-aaral kami ng puro music at sayaw lang. Pero hindi eh.

May mga academic subjects pa rin pala kaming kailangang pag-aralan at ipasa.


Base kasi sa schedule namin... Monday to Wednesday ay puro academics lang kami, while Thursday and Friday naman naka-schedule ang Vocal at Dance class namin. May pasok pa rin kami ng Saturday dahil yun naman ang schedule for our Music class.

Block section kami sa academic class namin, samantalang pagdating ng Thursday, Friday, and Saturday ay mag-iiba-iba na ang schedule namin. Malaki ang posibility na yung mga classmates ko sa academics ngayon ay hindi ko maging kaklase sa vocal, dance, and music.

Nakahalumbaba lang ako sa upuan ko habang nagdodoodle ng kung anu-ano sa notebook ko. Gusto ko mang makipagkwentuhan sa mga kaibigan ko pero masyado akong tamad sa araw na 'to. Natigil lang ako sa ginagawa ko nang pumasok na yung Chemistry professor namin.


Tulad niyan... Hindi ko maintindihan. Bakit kaya may chemistry subject pa?? Hindi naman namin magagamit yan sa pagpeperform namin sa stage eh.


Ano yan?.. Para ba masabi lang na may pinag-aaralan kami? Kahit hindi naman talaga namin magagamit? Anlabo!


At isa pa—Woahh! Teka! ANG GANDA!!


Napaayos bigla ako ng upo ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa bagong dating at ngayon ay nakatayo na sa harapan namin.


Sh*t! Ang ganda naman niya!

Sino kaya siya?

Teka, wag mong sabihin na siya yung tunay na Chemistry prof namin??


Substitute lang kasi yung prof. na umattend sa klase namin sa nakaraan na tatlong araw, dahil naka-leave daw yung totoong Chem. Prof. namin.

"Hi class! Before we start. Let me first introduce myself." Bungad ni prof. sa 'min atsaka siya nagsimulang magsulat sa board. "My name is Ms. Jean Lee, and I am your Chemistry professor for this semester. Sorry kung ngayon lang ako naka-attend ng klase natin, becuase I just got back from my long leave. So I hope that we can all get along this whole semester?"

Biglang laki ng pagbabago sa mood ko lalo na nang makita ko yung ngiti niya. Agad akong nabuhayan at naging active ulit ang mga cells ko sa katawan.


Mukhang binabawi ko na pala yung sinabi ko kanina.

Sisikapin kong ipasa ang subject na 'to.

And from now on...

This is my favorite subject! Yeah!










**FOLLOW, VOTE & COMMENT**

FB: Jei Lee (Bluedream Pages)

IG: jeilee24

Twt/X: JeiLee024 (Bluedream Pages)

Youtube: Bluedream Pages

















Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 51.4K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
33.2K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
18.2K 631 18
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
5.5M 278K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...