Diamond University: "School o...

Von Bluedream_Pages

15.5K 258 12

Diamond University. Is one of the well-known and prestigious school in the country which allow and help the... Mehr

Prolouge
SVT HIP-HOP
SVT PERFORMANCE
SVT VOCAL
Chapter 1
~Sandy Kim~
~Jackie Hwang~
Chapter 3
~Loraine Joo~
~Ms. Lee~
Chapter 4
~Kimberly Kim~
Chapter 5
~Queen Tien~
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
~Kim Hyeri~

Chapter 2

591 17 0
Von Bluedream_Pages

~Jackie Hwang's POV~


First day of school...


Male-late na ko kaya paspasan na ang kilos ko. After kong makapag-ayos ng sarili ay sumaglit lang ako sa dining. Binati ko ang parents ko pati kapatid ko, then kumuha lang ako ng isang pirasong tinapay at dumeretso na ko sa pintuan. Kahit ang pagsusuot ko ng sapatos ay bilisan na din.

"Jackie, bakit hindi ka muna mag-breakfast? Baka magutom ka sa school!" sigaw ng mama ko mula sa dining.

"Hindi na po ma! Sa school nalang po ako kakain! Late na ko eh!" sigaw ko pabalik. Matapos kong magsapatos ay nagpaalam na ako sa kanila. "Alis na po ako!"

"Geh, ingat ha!" sagot ni mama.

Pumunta lang ako sa garahe para kunin yung bike ko. Nagbabike lang ako papasok sa school. Highschool palang ako ay ganito na ang way of transportation ko, kaya sanay na ko. Ayoko din kasing mahagaran sa pamasahe. Atsaka exercise ko na din 'to sa umaga tutal madalang naman akong makapagjogging kasi halos palaging late na din akong nagigising.

Para sa 'kin ay masmasarap pa talaga ang mag-bike kesa ang mag-commute, kasi masnapapagmasdan ko ng mabuti ang kapaligiran at naeenjoy ko rin yung preskong hangin.

Nang makarating na ko sa school ay pinark ko lang yung bike ko at nilagyan ko ng lock. Mahirap na, kasi kahit naman private school ang D.U., at mahigpit ang security nila ay hindi pa rin imposible na magkaron ng nakawan.

Madali lang kayang tangayin yung bike ko! Kaya masmabuti na yung sigurado!

Sa paglalakad ko papasok ng campus ay may nakita akong babae na nauunang naglalakad sa 'kin. Nagandahan ako sa buhok niya kasi halata mong natural ang pagka-straight nito at ang ganda din ng kulay. Sa tingin ko nga ay para siyang foreigner. Nang lumiko ang babae sa CR ay naisip ko na ding mag CR muna kaya sumunod ako sa kanya.

Pero bigla akong napatigil nang ma-realize kong parang mali ang napasukan ko. Sunod kong nakita yung babae na umihi ng nakatayo. Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi agad ma-process ng utak ko yung nakikita ko. Nang tila mapansin ng babae ang presensya ko at mapatingin siya sa gawi ko... agad nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mukha ng baba— Lalake!... Lalake pala siya!—At kahit siya ay nagulat din pagkakita sa 'kin, kaya naman...

"AAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!" sabay naming sigaw.

Bilisang nag-zipper ng pants niya yung lalaki—na mukhang babae— tsaka niya ko gulat na dinuro.

"Sino ka!? A-anong gi-ginagawa mo dito sa boy's CR!? Namboboso ka noh!?" bintang niya sa 'kin.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo ah! Hindi ako namboboso noh! Nagkamali lang ako ng CR na napasukan!" depensa ko naman sa kanya.

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa kahihiyan kaya agad akong umalis.


Ang shunga mo naman kasi Jackie eh!


Mapanlinlang na nilalang!


LESSON LEARNED: Hindi lahat ng long hair ay babae! Tandaan mo yan!


Shocks! Nakakahiya talaga yun!


~Author's POV~


"Aaaaahhhh!"

"Yes malapit na! Konti nalang!"

"Aaaahhh! Aaaahhh! Matagal pa ba yan!?"

"Teka, wait lang! Malapit ko ng maabot!"

"Pakibilisan naman oh! Ang bigat mo kaya! Aaahhh!"

"Oo na! konting-konti nalang! Eto na oh!"

"Aaaaaaaahhhhhhhhh!"

"Success! Nakuha din kitang pusa ka!" bakas ang tuwang wika ni Deekey.

"Okay na? Baba na! Aba, ang sakit na ng likod ko!" reklamong daing ni Bobby.

Matapos na ligtas na makuha ni Deekey yung pusa mula sa puno ay sunod niya itong ibinigay sa batang babae na siyang may-ari nito.

"Eto na yung pusa mo baby girl. Sa susunod kasi hawakan mo na ng mabuti yung tali niya para hindi siya nakakatakas. Pano nalang kung walang gentleman na pogi na gaya ko ang tumulong sayo, diba?" nakangiting wika ni Deekey sa bata.

"Salamat kuya. Opo, hahawakan ko na talaga ng mabuti ang tali niya para di na siya makapunta kung saan-saan." nakangiting wika ng batang babae at pagkatapos ay umalis na din ito.

"Hindi pa ba tayo aalis? Male-late na tayo!" tila iritableng sabi ni Bobby habang nakahawak pa rin sa likod niya.

"Oo na. Masyado ka naman atang highblood? Kaya ka lalong pumapanget eh." sambit ni Deekey pero pabulong nalang niyang sinabi yung huling pangungusap.

"Ano yun??" kunot noong tanong ni Bobby dahil hindi niya narinig yung huli nitong sinabi.

"Wala. Tara na. Late na tayo diba?" sagot ni Deekey tsaka niya inakbayan si Bobby at sabay na silang pumasok ng D.U.

Agad nakipag-apir sina Deekey at Bobby sa mga kaibigan nila nang makarating sila sa classroom.

"Oh? Wala pa si Eugene??" takang tanong ni Bobby nang mapansing hindi kumpleto ang barkada nila.

"Tinamaan ng kamalasan ang isang yun." sagot ni Cholo na siyang prenteng nakaupo sa pwesto nito.

"Bakit? Anong nangyari?" pag-uusisa ni Deekey.

"Kung kelan kasi first day of school tsaka pa siya nilagnat." Si Gio ang sumagot.

"Nag-chat siya kanina sa GC ah? Di niyo ba na-seen?" tanong ni Miggy sa dalwa.

"Ah hindi pa ko nag-oopen ulit ng messenger eh." sagot ni Deekey matapos maupo sa pwesto niya.

"Ang malas nga niya. Tsk! Hindi na tuloy siya perfect attendance." Tila may panghihinayang na sambit ni Bobby.

"Pero susubukan naman daw niyang pumasok bukas." dagdag pa ni Gio.

5 minutes before the time nang may dalwang babae pa ang huling pumasok ng classroom. Yung isa ay si Jackie.

Para kay Jackie ay naging napakamalas ng unang araw na 'to matapos ng mga nangyari sa kanya kanina. Una, yung paggising niya ng late. Ikalwa, yung naging insidente sa boy's CR. And lastly, ay yung malaman niyang kaklase niya din pala yung lalaking napagkamalan niyang babae na si Gio.

Nang magtama ang mga mata nilang dalwa ay agad napangisi sa kanya si Gio, samantalang agad din naman siyang nag-iwas ng tingin dito at mabilis na naghanap ng mauupuan.

Sa kabilang dako naman ay nakuha nung isang babae ang atensyon ni Uno. Simple lang naman ang ganda nung babae pero ang lakas ng naging dating niya kay Uno, kaya hindi niya napigilang palihim na sundan ito ng tingin hanggang sa makaupo ito.

Sa pagdating ng professor para sa first academic subject nila ay inakala ng lahat na hindi na sila magpapakilala sa unahan isa-isa gaya ng nakagawian during first day of class nung highschool sila. Pero pagkalapag na pagkalapag ng gamit ng professor nila sa desk nito ay agad niyang sinabihan ang buong klase na magpakilala isa-isa sa harapan na naging dahilan para mag-react ang ilang estudyante.

Unang nagpakilala si Chani. "Hi! I'm Chani Lee. You can call me Chan kung nahahabaan pa kayo sa pangalan ko. Uhm... Kaya ako pumasok sa university na 'to ay dahil sa inspirasyon ko na si MJ. Hindi si Micheal Jordan ha! Kundi si Micheal Jackson. Nang dahil sa kanya kaya gusto ko pa lalong gumaling sa pagsasayaw at pagpeperform. That's all. Thank you!"

Si Deekey ang sunod na nagpakilala.


"Hi! My name is Deekey Lee. My favorite food is Doenjang Jiggae. My mother is Yang Heekyung. My Father is Lee Jaesuk. And... The end. I like me. Yeah!"

May ilang kaklase niya ang natawa sa naging introduction niya samantalang mga nakayuko naman ang mga kaibigan niya habang napapailing nalang at nagpipigil ng tawa.

Nang si Harbi na ang magpapakilala ay bahagyang nagulat ang professor nila nang bigla siyang sumigaw. "CLASSMATES ANONG ORAS NA NGAYON!??"

Sunod na nagulat ang ilang mga kaklase nila nang sabay-sabay na sumagot ang mga kaibigan niya. "IT'S 10:10!!"

"Hi sa inyong lahat! Ako nga pala si Harbi Kwon also known as 10:10 Harbi." nakangiti at masiglang pagpapakilala ni Harbi. "Bakit kamo 10:10?... kasi isang tingin ko palang maiinlove ka na." Sabi niya sabay bahagyang binanat ang mga mata niya para lalong pang sumingkit at sinabayan din niya ng isang malapad na ngiti. At dahil sa ginawa niyang yun ay bahagyang nagtawanan ang mga kaklase niya. "Kung nahahabaan pa kayo sa pangalan ko, you can call me boss or bro kapag sa mga lalake." bumaling siya sa mga lalakeng kaklase. "At baby or babe naman kapag sa mga babae." Sunod siyang bumaling sa mga kaklase niyang babae atsaka kumindat. "Okay. Yun lang po at salamat!" nag-bow pa siya at pagkatapos ay umalis na siya habang kumakaway pa sa mga kaklase niya na parang kumakaway siya sa fans niya habang tinatahak ang pabalik sa upuan niya.

Nang si Jackie na ang sunod na magpapakilala ay saglit muna siyang pasimple na tumingin sa gawi ni Gio. Nang muling magtama ang tingin nilang dalwa ay mabilis lang din siyang nag-shift ng tingin sa mga kaklase niya tsaka siya nag-umpisang magsalita.

"Hi! I'm Jaqueline Hwang, but just call me Jackie for short. Singing is my hobby, and dancing is my passion. I also love adventures. I hope we can all be good friends. That's all. Thank you." Isang sincere na ngiti ang ipinukol niya sa lahat bago siya bumalik sa upuan niya.

Sunod na nagpakilala si Sandy. "Hi! I'm Sandy Kim at napili kong pumasok sa university na 'to, dahil sa isang tao na nagbigay sa 'kin ng inspirasyon para muli kong ipagpatuloy yung nauna kong pangarap which is performing. Hindi ko masasabi kung sino siya dahil kahit ako ay hindi ko rin alam ang pangalan niya. Hoping that we can be all good friends. Yun lang at maraming salamat."

"Hi. I'm Loraine Joo. Napili ko ang Diamond University dahil naniniwala ako na matutulungan ako ng school na 'to para mag-improve pa lalo ang talent and skills ko. And by the way, It is a pleasure to meet you all. Let's be friends, okay? That's all. Thank you!" pagpapakilala ng babaeng nakakuha ng atensyon ni Uno at pagkatapos ay agad na din siyang bumalik sa kanyang upuan.

Sandaling nagtama ang tingin nila ni Uno. Tila parang nagkaron ng sparkling effects ang mga mata ni Uno. Nginitian siya nito ng bahagya kaya naman nginitian din niya ito pabalik. 











[A/N: Mukhang may mauunang pumag-ibig sa first day ah! Hahaha!]



**FOLLOW, VOTE & COMMENT**

FB: Jei Lee (Bluedream Pages)

IG: jeilee24

Twt/X: JeiLee024 (Bluedream Pages)

Youtube: Bluedream Pages


Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
32.7K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
16.7M 722K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
1.1M 51.4K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...