Tumblr Love Story: Si kuya FA...

By sashimei

40.6K 698 115

Si Peige Fujimoto, isang normal na blogger sa Tumblr na may lihim na pagtingin sa isang so-called "Tumblr Fa... More

Famous One
Famous Three
Famous Four
Famous Five
Famous Six
Famous 7.1* Rain's POV
Famous 7.2 ❤ Raizen's POV
Famous Eight
Famous Nine
Famous Ten
Famous Eleven
Famous Twelve
Famous Thirteen: END

Famous Two

4K 71 22
By sashimei

"ATE AKO NAMAN DIYAN OH! PA-FACEBOOK LANG SAGLIT! KANINA KA PA DIYAN EH!" Binulyawan ako ng kapatid ko.

Tengene. Bakit kailangang manigaw? Hindi naman ako bingi, tsaka wala pa akong kalahating araw dito sa harap ng laptop.

"May ginagawa ako! Project namin! 3 hours pa please?"

"LECHE! *blag*" Sabay hampas ng pinto. Aba! Itong batang to, akala niya kung sino makapagdabog. Pati ang mga kalabog ng paa niya sa may hagdan dinig na dinig ko

Hmp. Actually, wala talaga akong projects. Wala akong assignemnts, research, or thesis na kailangang tapusin. Sadyang ayaw ko lang siyang pahiramin dahil busy ako... Busy na busy ako sa ginagawa kong pagsstalk sa Facebook, at pagtitweet. Hahaha

Hindi naman ako addict sa computer, ni hindi ko nga alam maglaro ng mga Online Games. Marunong lang akong maglaro ng Mga dress-up at cooking games sa Y8. Halos lahat na rin yata ng social networking sites, may acount ako. Mapa-friendster, facebook, myspace, plurk, twitter, beo, ustream, flickr, livejournal, wordpress, squidoo, webjay, hi5, multiply, at Tumblr... Isa mo na rin ang OkCupid at Camfrog! O(≧∇≦)O

Ako nga pala si Miyuki Peige Fujimoto.

Isang certified Social Networking Princess. Haha ~ Kung maitatanong niyo, dumaan din ako sa stage nang pagtatype sa keyboard ng mala-j3jemOnsXz. Ewan ko ba, isinilang yata ako ng aking mahal na ina na kakambal na ang CPU at Mouse sa aking buhay. Parang hindi ako mabubuhay kapag hindi ako nakapag-online.

Hindi nga ako lumalabas ng bahay eh, tutok lang ako sa monitor. Hindi dahil sa takot ako sa sinag ng araw, pero ayoko lang talagang naggagagala. Hindi kasi ako nasalinan ng Genes ni Dora the Explorer. Gusto ko lang magbasa, manood, kumaen at tumutok sa Laptop ko. Hindi ako tamad, kahit itanong niyo pa sa lola kong lagi akong sinesermonan dahil sa marumi kong kwarto. Sadyang ayaw ko lang ng napapagod ako, (┳Д┳)

*scroll scroll scroll scroll scroll scroll* 

*blink blink click click scroll *

Nasa Dashboard nanaman ako at sumasagap ng posts.. Bale, nasa Tumblr ako ngayon! Isang blogging slash social networking site kung saan pwede kang magposts ng mga nasa bagay bagay na nasa isip mo, mga litratong feel mo mala-photographer ang kuha mo, mga videos at audios, at kung ano ano pa

Narito ako palagi. Hindi pwedeng wala ang Tumblr sa mga tabs na naka-open sa aking Browser. *scroll scroll* *like like* Ugh, ang daming nagrereblog. *scroll scroll* Ugh. Nakita ko nanaman yung babaeng famewhore, nanlalandi ng mga ordinary bloggers at ginagawa siyang Diyosa. Ughhh! >_< *scroll scroll scroll *

At nakuha ng isang blogger ang atensiyon ko ..

Rainism:

Happy TTH! (Tiltating Thursday)

*INSERT PICTURE NG KATAWAN WITH MATCHING ABS AND BEATS NA NAKAHANG LANG SA LEEG. Na-crop ang pagmumukha niya :*

OMG! Ang hot eh. Ang hot talaga eh. Wala, ang hot talaga sobra eh. Iba talaga ang kamandag ni Kuya Rain! For sure, hipon ito. Hahaha. Bakit kaya ayaw niyang ipakita yung mukha niya? Eh mukha naman siyang gwapo...

Nagpunta ako sa blog niya at agad na nagpost ng TA. (Tumblr Ask) Dahil talagang may electric shock ako sa picture niya. Punyatera! Mala-Aljur Abrenica ang abs!

"Hi Kuya. Ang hot mo!!!!! Y SO YUMMY? MARRY ME."

*click ng anon button* *click ng anon button* *click click* letse! Naghang nanaman. Hmp! *click click* Ayan pwede na....WAHAHAHA!

With the power of my Anon Button, hindi niya malalaman na ako yung nag-message sa kanya! Haha :)) Makapag-backread nga muna sa blog niya. Tambay ako dito sa blog niya pero hindi ako nagsasawang balik-balikan lahat ng mga posts niya. Nakaka-curios kasi. Masyado siyang Mysterious type. Ni ayaw niyang magpost ng photo ng mukha niya para naman may idea ako sa itsura niya -,- tsk tsk.

May girlfriend na kaya siya? Imposibleng wala. Swerte lang nung babae, ang hot ng boyfriend niya! Hahaha :) Sarap agawin

Bumalik ako sa dash ko.

*scroll scroll scroll*

Ooooh! Si Kuya Rain ule! May nag-TA sa kanya..

Peiphone asked:

"Hi Kuya. Ang hot mo!!!!! Y SO YUMMY? MARRY ME."

--------> Ngek, thanks! Alam na :D :)

PUNYATERA! Gaya gaya ng post. Sino naman kaya tong malandutay na nagsend nito sa kanya?

*tadadadan!* peiphone. *blink blink*

PEIPHONE. PEIPHONE. PEIPHONE.

PEIPHONE teh, PEIPHONE!

Ulit ulit na naka-capslock para intense! PEIPHONE (O.O") KYAAAAAAAAAH ~

B-bakit????????

OMG! OMG OMG OMG! 46 notes. 46 notes! Agad-agad kong tinignan yung mga posts. Nakakatakot. Kinakabahan ako. Yung pintig ng puso ko parang makikipagkarera sa kabayo. HUHUHUHU WHY? :(((((

"Lakas ng loob!"

"for the win si ate."

"AGREE GURL!!"

"HOT MO KASI! XD"

"y so yummy? SRSLY? AHAHA"

"edi si peiphone na ang may guts!"

"nakalimutan ata niya mag-anon! HAHAHA"

"pakasalan mo na rain!!"

"wala eh, naunahan ako ni peiphone eh!"

"IKAW NA!"

"With full confidence. Appir tayo!"

"Yan ang tunay na babae, unang nanlalandi! Hahahaha =D"

At marami pang comments ... Yung iba likes lang....

HUHUHUHUHUHU. 

Nadismaya ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung natutuwa sila sa akin o naiinis o nalalandihan. HUHUHUHUHU. Hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko ngayon, nahihiya ako. Laslas na. Ayoko na. Nakakahiya!!!!! >_< Deactivate na :'(

Grabe naman tong si Rain. Sana nag-TA na lang siya sa akin in private. HUHUHU. Ayan, napahiya tuloy ako. 。・゚゚・(>д<)・゚゚・。  

Pero bakit? Nag-anon naman kasi ako kanina, pero bakit ganun yung lumabas?

・゜゜・(/。\)・゜゜・. 

Mangiyak-ngiyak na ako. Totoo naman kasi yung sinabi ko no. Huhuhu. Ang hot niya. Hayaan na nga :'( Kunwari, sinadya ko na lang na sabihin sa kanya PERSONALLY yun. Babalewalain ko na lang.

*refresh refresh ng feeds * 

・(/Д')・ HUHUHUHU ~

"Rainism started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you." 

"*inserturlhere* started following you."

{{p'Д`q}} 

LUUUH. ANG DAMING NAGFOLLOW SA AKIN :'( KAHIHIYAN. HUHUHU BAKIT :(((((

Ang daming nagfollow. As in.q Puro babae, dalawa lang ata yung lalaki. anjan na yung mga haters ko na super head-over-heels kay Rain. Ano ba kasing ginawa ko. Pinagsasampal ko ang sarili ko hanggang hindi na ako nakatiis. Bumaba ako ng walang dahilan. Kumuha ako ng malamig natubig at tsaka mabilis kong ininum.

Huh! I need air :(((

Kinakabahan ako. Hindi ko maexplain. Pero talagang kinakabahan ako. Gumawa ba ako mg eskandalo? Nappressure na ako. Kasi naman, sa famous ka ba naman mag-TA tapos ipupublish pa. Akala ko pa naman naka-Anonymous ako. HUHU. SAKLAP. Magbibigti na ba ako friend? :(

Bumalik ako sa kwarto ko, at tinignan ang Tumblr ko.

Ganun pa rin. Marami pa rin yung nagffollow sa akin. Feel ko famous na rin ako, at ganun rin sa notes ng TA ko kay Rain. HUHUHU. Mas madami pa yung followers ko at notes ng TA ko kay Rain kaysa sa binibigay ni Lola na allowance ko :(((( HUHUHU.

Bahala na. Magpapasimple na lang ako na kunwari sinadya ko talaga. Iisipin ko na lang na talagang PAPANSIN AKO at WALANG MAGAWA SA BUHAY. Huhuhu :(((

Ito na siguro ang way para maging close kami ni Rain. Ambisyosa! Haha. Kailangan kong magpasimple. Chill Peige Chill! :(

(๑・ω-)~♥ 

Dito nagsimula ang secret love na nararamdaman ko para kay Rain. Kahit pangit ang start, gagawa ako ng way para magkaroon kami ng Happy Ending! BWAHAHAHAHAHA.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56.6K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!