Chapter 4: I won’t go chasing
Nagsisi akong nagpa-surprise quiz ako kanina dahil lahat yata sila ay bagsak. When I was a student, hindi naman ako ganito kalala. Almost three weeks na ako dito and as usual hindi naman kami masyadong nag-uusap ni Damian.
At sa inaraw-araw ng pagpasok ko dito para magtrabaho ay gustong-gusto ko na talaga sabunutan si Leonna. Hindi ko talaga siya feel! Like my god lang talaga! Hindi talaga siya maganda! I saw her bare face nung minsan na napaaga ako ng pasok and swear! Hindi talaga siya maganda. Yung mukha niya ay kasing kapal ng makeup na inilalagay niya araw-araw. Lagi rin niya akong tinitignan na para bang may ginawa akong masama. Siguro kung ipagpapatuloy niya pa iyong habit niyang pagtingin saakin baka nga may magawa na akong masama sakanya. The nerve.
Pero huwag nalang pala. Mag-aaksaya lang ako ng oras ko sakanya.
“Ms. JL” Tawag ni Mr. Garcia. Yung mabait na nagtuturo ng values. “May naghahanap sayo sa lobby. Kaibigan mo raw.” Napaisip ako kung may kaibigan ba ako sa lugar na ito. Wala naman akong kaibigan dito.
“Pero wala naman akong kaibigan na kilala dito.” Sagot ko nalang at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
“Talaga? Wala ka pa ring kaibigan dito?” Naiirita talaga ako sa boses niya. Mariin ko lamang na ipinikit ang mga mata ko. Compose yourself JL. She’s not worth your time.
Pero hindi kasi talaga makapagpigil. Nginitian ko nalang siya at sumagot ng maayos. “Kung katulad mo lang din naman kasi huwag nalang.” Tumayo na ako at sakto naman na paharang-harang si Damian sa dadaanan ko. Para kaming tanga na parang naglalaro ng patintero kaya naman inis akong tumingin sakanya. Agad naman siyang nagpunta nalang sa gilid para padaanin ako.
Good Lord! What’s wrong with them? Ang weird na nga ng atmosphere dito sa faculty room, dumadagdag pa yung kulay ng damit nanaman ni Damian! Para naman siyang walking flag ngayon.
“Ang init ng ulo.” Narinig kong sabi pa niya pero hindi ko na pinansin. Kaysa naman maasar pa ako sa damit niya ngayon.
“Sino raw po yung kaibigan ko na naghihintay?” Tanong ko nalang kay Mr. Garcia.
“Hindi ko matandaan basta may dala siyang gitara.”
“Ah. Okay.” Bumalik nalang ako ulit sa table ko.
“Hindi mo kikitain ang bisita mo?” Sa likuran ko galing ang tanong kaya naman alam ko na kaagad na si Damian ang nagtanong. Humarap ako sakanya just to find out na nakatalikod lang din pala siya. This is not so him talaga. He won’t even look at me now. What’s wrong with him?
“I will but maybe later.”
“Hindi ba yun maiinis sa kahihintay?” How amusing. Hindi siya nauutal ngayon.
“Nah. He’ll wait for me.”
“He.” Diin niya.
“Yup, he.” Ulit ko pa at napansin kong napatingin saamin si Leo na nagawa pang umirap. Paikutin ko nang paikutin ang mga mata niya e! “I really hate her.” Bulong ko sa sarili ko at saka muling hinarap ang quiz papers ng iba ko pang klase. Gee! Isa pa sila, bakit wala man lang nakakuha ng perfect score? LIMANG TANONG NA NGA LANG IYON! Maybe I’m not an effective teacher?
Sa inis ko ay kaagad akong tumayo at tuluyan na ngang lumabas sa faculty room.
“Ms. Cruz, yung quiz kanina” Si Ayla, isa sa mga estudyante ko ang naghintay pala saakin sa labas ng faculty. “Kasi ang dami pong hindi nakapag-advance reading.”
“It’s okay. Hindi ko na siya isasama sa magiging grade niyo. Just tell your classmates to read in advance.”
“Thank you Ms. Cruz.”
“Matatapos na ang lunch break. Bumalik ka na sa klase niyo.”
“Okay po.”
Sa totoo lang ayaw kong pino-po nila ako. Nakakatanda.
***
Wala na rin naman akong gagawin dahil una sa lahat hindi ko rin naman igi-grade yung quiz nila kanina. Lahat naman sila ay bagsak. So no thanks nalang. Hindi ko talaga inexpect na hindi pala sila nagbabasa ng libro sa mga bahay nila.
“Twerps these days.” Iiling-iling kong bulong sa sarili then napagpasyahan kong puntahan na nga si Tamayo sa lobby.
Nandito nga siya at katulad ng dati ay hindi pa rin niya maiwanan ang gitara niya. Sana pakasalan nalang niya ‘yang gitara niya.
“So, what brought you here Erick?”
“To see you.” He flashed a wide smile, still lazily sitting even when I’m now in front of him. “Tapos na ang klase mo?”
“Well yeah. Today is Wednesday, right?” Tumango lang siya nang nakangiti. “Yes. Wala na akong klase this afternoon. Why? Are you asking me out?” Nakatayo pa rin ako sa harapan niya and I find it awkward dahil napapatingin saamin ang ibang estudyante. “You see, you can’t be here. Like right now dahil ang daming estudyante.”
“Tapos?”
“Gees Erick.”
“I waited for you here for at least an hour and a half just to invite you to grab a lunch with me but you’re kicking me out.” There’s a hint of disappointment in his voice.
“I’m not kicking you out Erick. Hindi lang talaga ako makapaniwala na you’re in this town too!”
“You were ignoring me for the past two weeks because we’re in the same town.” Umupo siya ng maayos at saka muli akong tinitigan.
“I’m not ignoring you. Hindi mo naman ako kino-contact.” Nakangiti kong sabi sakanya. We’re not actually fighting. We’re always like this.
Resigned to a battle he can’t win, he finally stood up. “Sabi ko nga.” Itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay bilang tanda na talo nga siya. “Pwede ko na bang makasama ang napaka-busy na si JL para kumain sa labas?” Inakbayan pa niya ako na dahilan naman ng pangti-trip ng ibang estudyante na nasa lobby pa.
“Ouch! May boyfriend na pala si Ma’am JL!”
“I’m famous.” I told Erick. “They like me because I’m gorgeous.” Pahabol ko pa.
“I don’t like them to like you though.” He said then lightly pinched my nose. “Ano, tara?”
“Niyayaya mo akong kumain sa labas pero dala mo naman iyang gitara mo. Kaya hindi ka magka-girlfriend e.”
“I’m still into you kaya bakit naman ako manliligaw ng iba?”
“Gee Erick.” Inalis ko ang kamay niyang nakaakbay saakin. “Wait for me here. Kukunin ko lang ang bag ko.”
Nakuha ko na ang bag ko at pabalik na ako sa lobby nang makasalubong ko si Damian. I tried seeking his eyes but he avoided mine. Tapos na ang lunch break kaya marahil ay papunta na siya sa klase niya ngayong hapon. “You’re running late.” Sabi ko nalang.
Tumingin siya sa orasan niya “Hindi pa naman. Saka matutuwa naman silang late ako. I’m their terror math teacher after all.” Sabi niya na nakatingin lang sa sahig. He still won’t look at me. I wonder why? I sighed exasperatedly then left. Bastos na kung bastos but he’s not Jake or Lance… with a T. I won’t go chasing. Like duh? Hindi ko siya hahabulin at kakausapin dahil kababata ko siya ay naba-bother akong hindi man lang kami nagka-kumustahan.
“Sino ‘yon?” Naramdaman ko ang biglang pag-akbay nanaman saakin ni Erick. “Siya ba iyong ipagpapalit mo saakin? Napadpad ka lang dito naging kakaiba na kaagad ang taste mo. Medyo exotic.”
“Gee Erick! He was a friend.”
“Was.” Aniya na nakangiti pa. “Bitter ka dahil hindi ka matignan ng kaibigan mo.” Sabi pa niya at doon ko nalaman na pinapanood pala niya kami kanina.
“Like you have repeated kanina. WAS.” Paka-diin ko talaga yung was sakanya. Dahil kung hindi pa niya maintindihan iyon at kung bu-bwisitin lang ako ni Erick maghapon ay baka iwasiwas ko na siya.
*********
A/n:
Kapag may napansin kayong mali sa grammar ko sabihin niyo lang sa comment. Aminado naman akong hindi ako magaling mag-english XDDD
Pero si Erick ayan lumitaw na. YEHEY JADRICK MAGLITAWAN! chos. XD
Tapos yung mga nag-edit noong nakaraan inilagay ko yung edit niyo sa giliiiid *O*
Kanino ko kaya ide-dedicate ito ngayon? Kaninong comment nanamna kaya ako matatawa bigla? haha
Heto namang si Cardingliciousm weird na nga manamit tapos ang weird pa niya kay JL XD
LIKE NIYO PALA PAGE NILA SA FB. seach niyo nalang not so boy next door. tapos sa twitter din yung @NSBND_rainbows yata. ako na rin! @aril_daine LOL