I Need A Girl (Completed)

AnnoyingKimchi

386K 7.9K 207

Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel R... Еще

I Need A Girl
Chapter 1: Something's Not Right
Chapter 2: Who is Who?
Chapter 3: A Gift From Unknown
Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark
Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore
Chapter 6: I Need To Get Out Of Here
Chapter 7: You're Hurting Me
Chapter 8: Let Me Die
Chapter 9: Chance Can Change?
Chapter 10: The Stalker
Chapter 11: Know Me For Who I Am
Chapter 12: I'm Here
Chapter 13: Together
Chapter 14: Just So You Know
Chapter 15: Make Me Feel Better
Chapter 16: Callie, The Pilot
Chapter 17: In Other Words, Get To Know Each Other
Chapter 18: Good In Many Things
Chapter 19: Can I?
Chapter 20: Let Me Hold You Like This
Chapter 21: You're Blushing
Chapter 22: Mr. Rivera's Order
Chapter 23: It's A Date
Chapter 24: My Girlfriend
Chapter 25: The truth is,
Chapter 26: A Nice Company
Chapter 27: What Happened?
Chapter 28: Goodnight
Chapter 29: A Dream Come True
Chapter 30: Never Happened
Chapter 31: Horror Movie
Chapter 32: They're Dating
Chapter 33: You're Back
Chapter 34: You Said What?
Chapter 35: Tell Them or I Will
Chapter 36: The Boyfriend
Chapter 37: Please Understand
Chapter 38: Masquerade Party
Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend
Chapter 40: I've Seen You Naked
Chapter 41: He's Cole
Chapter 42: Unknown Enemy
Chapter 43: Stay With Him
Chapter 44: We're Leaving
Chapter 45: Whatever It Takes
Chapter 46: Your Special Day
Chapter 47: White Gold
Chapter 48: Never
Chapter 49: Marry Me
Chapter 50: You're Safe
Chapter 52: Do You Still Love Me?
Epilogue
Special Chapter

Chapter 51: Hold on to me

6.4K 138 0
AnnoyingKimchi

Inilapag nya ako sa sa isang mahabang kahoy na upuan. Tahimik syang tumayo. Akmang aalis na sya nang hawakan ko ang braso nya.

"Sandali.."

Halos pabulong lang iyon. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Nakita ko nalang na lumuhod ito upang makita ang mukha ko. Dahan dahan nyang inalis ang pakakapit ko sa braso nya at hinaplos ang mukha ko.

"I'll be back, I'll prepare the water para makaligo ka na. It's cold, baby. You'll get cold."

Napalunok ako. Naroon pa rin ang mahihina kong paghikbi dahil sa naging pag-iyak ko. Bago sya tuluyang tumayo ay hinalikan muna ako nito sa noo. Ilang sandali pa ay bumalik na ito dala ang isang tuwalya. Nanatili akong tahimik habang ipinupulupot nya iyon sa katawan ko. Inangat nya ako para akayin at alalayan tumayo.

Dinala nya ako sa banyo sa loob ng kwarto. Pumasok ako sa banyo at napansin kong mukhang susunod sya kaya pinigilan ko na.

"Ako na."

Tumango naman sya at lumayo.

Habang nasa loob ng banyo ay napansin kong handa na nga ang pampaligo ko. Mabilis akong naligo. Naalala kong wala nga pala akong dalang damit. Kaya lumabas ako ng banyo nang tanging tuwalya lang ang tapis. Nilapitan ko ang pinto ay mabilis iyon nilock. Nagbihis na rin ako kaagad. Basang basa pa ang buhok ko nang lumabas ako ng kwarto. Pagkabukas ko palang ng pinto ay naamoy ko agad ang mabangong amoy ng kape.

Nakita ko si Callie na lumalabas galing sa kusina hawak ang dalawang mug ng kape. Bihis na rin ito at mukhang nakaligo na. May tuwalya pang nakasabit sa balikat nya. Inilapag nya ang mug sa center table saka ako nilapitan.

"It's cold. Come on."

Napatingin ako sa kamay nyang humawak sa akin. Wala naman syang naging reaksyon at nagtuloy tuloy lang. Nakaramdam ako ng hiya sa di malamang dahilan. Siguro dahil kanina pa ako parang tanga na hindi nagsasalita. Pinaupos nya ako sa couch. Nagulat pa ako sa makapal na balabal na bigla nyang ipinatong sa likod ko. Inibot nya sa akin yung isang mug. Akala ko kanina ay parehong kape iyon pero mukhang tsokolate ang tinimpla nya para sa akin.

Humigop ako ng kaunti. Masarap iyon at talagang nakakakalma sa pakiramdam lalo na't malamig. Nakita kong umupo sya sa tabi ko.

"Are you feeling better?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tumango. Binaba ko ang tingin ko sa hawak kong mug. Muli kong napansin ang kumikinang na singsing sa daliri ko. Sumilip ako sa kamay ni Callie at nakita kong suot nya rin ang kapares ng suot ko.

"Bakit tayo nandito?"

Nakita ko pang bumukas ang bibig nya pero mabilis ko na itong naunahan. Bahagya syang pinanlakihan ng mga mata sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin. Napailing ako at inilapag sa mesa ang mug ko. Napahawak ako nang mahigpit sa balabal.

"Bakit mo ako dinala dito?"

Inulit kong muli ang tanong ko at sa pagkakataong iyon ay may diin ang bawat salita ko. Bumalik ang tingin ng mga mata nya sa akin.

"Because it's my only choice."

"Hindi ba't tapos na, umalis ka na."

"No Venia, dinala kita dito because I have to make you listen-"

"Wala ka ng dahilan para kausapin ako, tapos na tayo."

"Venia, just listen to me-"

"NO!"

Bumuka ang bibig nya ngunit mabilis nya rin iyong isinara matapos ko sumigaw. Tumahimik kami pareha. Huminga ako ng malalim habang pilit na pinakakalma ang utak at damdamin ko.

"Ikaw ba?"

Muli nyang ibinaling ang tingin sa akin.

"Ikaw ba ang nagpadala ng sulat, ang taong iyon sa labas ng building at higit sa lahat…….ikaw ba ang nagtangka kay Kyle?"

Tuluyang bumagsak ang mga luha ko nang nag-iwas ito ng tingin. Kitang kita ko habang kinakagat nya ang labi nya at napapikit habang dahan dahang tumatango. Mabilis akong tumayo ngunit maagap nyang nahila ang braso ko.

"Venia-"

"Tama na, Callie! Matagal na kitang binura sa isipan ko…sa puso ko. Tapos na tayo."

Hinila ko mula sa kanya ang braso ko. Tumalikod ako agad bago ko pa makita ang mukha nito. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang hikbing kumakawal sa akin habang tumatakbo palapit sa kwarto. Nang makapasok at mailock ang pinto ay dito na ako tuluyang bumigay.

Sobrang sakit. Matagal ko na itong nakalimutan pero muli ko na naman itong nararamdamam. Bakit ngayon parang mas masakit? Siguro dahil narito na sya at sya ang kasagutan sa katanungan ko. Ganito ang pakiramdam ng nasasaktan at pinaglalaruan. Natapos na ako sa bahaging iyon ng buhay ko. Ngayon ay muli ko naman itong kailangan malampasan kaya nga lang sa pagakkataong ito ay hindi ko alam kung kaya kong mapagtagumpayan. Hangga't nariyan sya, hangga't nararamdaman ko ang sakit na 'to ay hindi ako makakatakas sa damdaming ito.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Nang imulat ko ang mga mata ko ay naramdaman ko agad ang kaunting hapdi dito. Mukhang namaga ang mga mata ko sa kakaiyak hanggang sa makatulog ako. Napatingin ako sa orasan at nakita kong gabi na pala. Lumabas ako ng kwarto. Inasahan kong makikita ko si Calle sa kusina pero wala itong doon. Sa mesa ay nakita ko ang mga pagkaing mukhang inihanda nya para sa akin.

Matapos kong kumain at nagpunta na ako sa sala. Wala sya roon. Lumapit ao sa bintana nang may marinig akong kakaiba. Hinawi ko ang kurtina sa bintana ay nakita kong umuulan. Mukhang malakas iyon dahil humahampas ang ihip ng hangin.

 Bumukas ang pinto at pumasok si Callie na basang basa. Hinubad nya ang suot na jacket nabasang basang rin at isinabit iyon sa may rack sa gilid. Pinagpag nya ang basa nyang buhok. Natigilan ito matapos akong makitang nakatayo sa tabi ng bintana. Pagkatapos ay ngumiti sya ng tipid.

"Hey."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at naglakad na pabalik ng kwarto. Bumalik ako sa kwarto at naupo lang sa kama. Sobrang dami ng iniisip ko ngayon at hindi ko na alam kung paano ko iisa-isahin. I'm in a God-know-where place at sigurado akong nag-aalala na ang mga kaibigan ko. He kidnapped me. I'm definitely all over the news.

Nagulat ako ng biglang namatay ang ilaw. Kasabay noon ang malakas na kulog. Bulag na bulag ako sa sobrang dilim. Kinabahan ako sa nangyari. Hindi nagtagal ay may narinig akong kalampag sa labas ng kwarto pagkatapos ay sunod-sunod na pagkatok doon.

"Venia?! You're okay?"

Si Callie.

"Shit, Babe. Open the door!"

Narinig ko ang pilit na pagpihit nya sa door knob. Shit. Nalock ko nga pala iyon.

"Callie!!"

Sigaw ko.

"I'm here. Open the door. Don't be scared."

Humakbang ako para makalapit sa pintuan. Muling kumulog ng malakas kaya hindi ko na napigilan hindi mapatili.

"Callie!!"

"It's okay, babe. Open the door. I'm here."

Pinilit kong makalapit sa pintuan sa abot ng makakaya ko.

"Hindi ko makita ang daan."

"It's okay, just follow my voice. You'll be fine. Trust me."

Napalunok ako at wala sa sariling napatango. Ilang sandali pa ay naabot ko na ang door knob. Mabilit ko iyon pinihit at bumukas. Awtomatikong pumulupot sa katawan ko ang mainit na bisig ni Callie.

"It's okay, you're good."

Nakahinga ako ng maluwag at mahigpit na kumapit sa kanya. Hawak ang flashlight ay nanguna sya sa paglalakad habang ako at nakahawak ng mahigpit sa kamay nya. Pinaupo nya ako nang makarating kami sa sala.

"Stay here. I'll just go outside."

Bigla akong nataranta at bago pa man sya makahakbang at hinila ko na ang kamay nitong hawak ko.

"Dito ka lang…wag kang aalis."

Pakiusap ko dito. Hindi ko makita ang mukha nya ngunit naramdaman kong natigilan ito.

"..Okay… dito lang ako sa tabi mo."

"S..salamat."

"The food's ready, let's eat for the mean time. Naihanda ko na iyon bago pumatay ang ilaw."

Sumunod lang ako dito habang magkahawak kamay kaming nagpunta sa kusina. Hindi ko magawang bitawan ang kamay nya. Natatakot ako.

Naupos sya sa tabi ko habang nagsisimula kaming kumain. Maingat ang pag-alalay nya sa akin dahil kandila lang ang ilaw namin. Nakasunod ang mga mata ko sa bawat galaw nya na para bang anumang oras ang pwede syang maglaho. Natapos kaming kumain at makapag-ayos ng mesa. Hawaka ng flashlight ay nauna syang maglakad. Napatingin ako sa isang kamay nya na malaya. Gusto kung hawakan nya ang kamay ko pero hindi nya ginawa. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa hindi ko na namalayan na hindi na ako nakasunod dito. Nilamon sya ng dilim at saka lang ako natauhan.

"Call-"

"Hold on to me."

Mabilis pa sa alas kwarto ang ginawa nyang pagbalik.

"Huwag kang bibitaw."

Napalunok ako sa mabilis na tibok ng puso ko. Tumango ako at sumunod sa kanya habang mahigpit na nakahawak dito. Gusto ko ng ganitong pakiramdam, ang ligtas ako dahil mahigpit akong nakahawak sa kamay nya.

Pumasok kami sa kwarto at umupo na ako sa kama.

"Babe, I think you should sleep."

Natapos ako sa paghuhugas at naghanda na ako sa pagtulog. Umupo sya sa couch habang nakatitig sa akin.

"Sleep."

Humiga ako sa kama at hinila ang kumot. Tumagilid ako patalikod sa pwesto nya. Ilang minuto pa ay wala na akong narinig na ingay. Nakatulog na kaya sya? Pumikit ako at nagpumilit sa pagtulog pero hindi ko magawa. Dahan dahan akong humarap sa kinaroroonan nya. Nakatingala sya habang nakasandal sa upuan at pikit ang mga mata.

"Callie?"

Mahina kong tawag. Sinusubukan ko kung gising pa ba sya.

"Hmmm"

Unti unti nyang ibinaba ang tingin sa akin na may halong pag-aalala.

"What's wrong?"

Malumanay nyang tanong sa akin. Umiling ako.

"D..dito ka na..matulog sa kama…mas komportable dito."

Pautal-utal ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung tama ang desisyon kong patabihin sya. Pero lagi naman na kaming nagtatabi pero bakit ngayon ay mas pinipili nyang sa upuan matulog. Hindi sya nagsalita kaya't inakala  kong hindi sya payag sa ideya pero nagulat ako ng tumayo ito at tumabi sa akin. Hinawi nya ang kumot at halos magkadikit ang katawan namin. Hindi ako nakagalaw nang hapitin nito ang bewang ko at isiniksik ang ulo ko sa dibdib nya. Naamoy ko agad ang pamilyar na amoy ng katawan nya. 

"Now sleep. Sleep, babe."

Napapikit ako nang maramdaman ko ang paghalik nito sa ulo ko. Unti unting nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Parang pinipiga ang puso ko sa nangyayari.

Inaamin ko. Miss na miss ko sya. Sobra. Kahit sobrang sakit ng ginawa nya. Naalala ko pa rin ang pakiramdam ng ganito kalapit sa kanya.

"Hey."

Hinawakan nya ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang nagkalat sa magkabilang pisngi ko. Tahimik akong humihikbi.

"Babe, it's okay. I'm here."

Walang kahit anong salita ang lumalabas sa mga labi ko. Para akong napipi. Iniangat nya ang mukha ko para salubungin ang tingin nya.

"It's gonna be alright."

Masarap pakinggan ang mga bulong nya na nagsasabi na magiging maayos ang lahat. Muli kong naramdaman ang halik nito sa noo ko pababa sa ilong hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagdampi ng mga iyon sa labi ko.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko para haplusin ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko. Naramdaman ko ang malamig na bagay na nasa daliri nya. Ang singsing na nagsasabing asawa ko na sya.  Kasabay noon ay ang kusang paggalaw ng mga labi ko kasabay ng kanya.

Продолжить чтение

Вам также понравится

My Sister's Lover Eira

Любовные романы

62.1K 2K 59
Aria Yvette David. Gozon almost has everything. She has money, enough to buy everything she wants. She has her family, to love her. And friends to su...
27.2K 687 27
Once a man who was adored by everyone now, he is nothing but a hideous beast. A man full of mysteries and scars which all lies beneath his mask. He i...
The God Has Fallen Jamille Fumah

Любовные романы

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...