Man and Wife (Wifely Duties 2...

By FGirlWriter

2.3M 76.9K 18.4K

A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Epilogue

Chapter Thirteen

69.4K 2.6K 613
By FGirlWriter

CHAPTER THIRTEEN

*How well do you know love?

How much do you take of it?

How willingly do you give it? *

***

JUST a light kiss on Reeve's lips before Agatha hastily pulled away. What is she doing?

"Agatha," pigil ni Reeve sa kanya. Inabot nito ang kamay niya. Bumaha ang pagtataka sa napakaitim nitong mga mata.

"I'm sorry," nasambit niya. "H-Hindi ko alam kung bakit kita h-hinalikan." Binawi niya ang kamay na hawak nito.

Hindi maipaliwanag ni Agatha ang nararamdaman. Napakalungkot ni Reeve nang aminin nitong totoo pala ang inaakusa ng anak nila rito. Ayaw niyang makitang ganoon ito kalungkot.

But the moment her lips touched his, her heart ached so bad, it hurt her. Tila gusto ng katawan ngunit ayaw ng buong pagkatao niya. Hindi iyon maintindihan ni Agatha.

"Sweetheart, it's not wrong. You're my wife and you can kiss me anytime you want," ani Reeve at tinangkang mas lumapit sa kanya.

Agatha's foot stepped away from him. She was stunned how her body reacts, even without her thinking. Tila may kumokontrol sa kanya na hindi niya mabigyang ngalan.

Napabuntong-hininga si Reeve at nanatili na lang sa pagkakatayo nito. Nahihiyang napayuko na lang siya. Ano bang klase siyang asawa? Bakit humalik siya at umiwas pagkatapos?

"Pasensya na, Reeve. Hindi ko alam kung anong ikinilos ko kanina. P-Pero tila mali sa pakiramdam, hindi ko maintindihan," matapat niyang sabi rito. Ayaw niyang maglihim dito dahil baka hindi makatulong sa pagbalik ng mga alaala niya.

"Mali sa pakiramdam?" he sarcastically said. "Mali sa'yo nang halikan ako?"

"Reeve, hindi ko kasi maintindihan. Parang tulad kay Niel—"

Marahas na tumalikod ito. "No. Don't say his name. I don't want you saying his name," kalmado ngunit malamig ang tinig nito.

Nag-umpisa na siyang maglakad ulit. Tahimik na sumunod si Reeve sa kanya hanggang sa makalabas na sila ng ospital.

Pagsakay nila ng sasakyan nito ay nakaupo na sa likod sina Rainiel at Riana. Ang dalawa pa niyang anak ay nasa kabilang sasakyan kasama ang mga magulang at si Kuya Johann.

"Yey! We're going home!" Riana excitedly said. "Mommy, do you miss the house? Do you miss your bed?"

Nilingon niya ito at nginitian. Actually, she can't remember how their house looks like. O kahit pa ang kuwarto niya at kama. Malaki ba iyon? O tama lang para sa kanilang pamilya? Hindi napakita sa kanya ni Reeve iyon sa pictures.

"I just miss going home with all of you," she truthfully answered. "Pagkauwi natin, ipagluluto ko kayo. Do you miss the foods I cook for you?"

"Yes!" Rainiel answered. "Gusto ko ang mga food na niluluto mo, Mommy. Iyon ang pinakamasarap sa lahat. Iyon lang ang love kong kainin."

"Kuya, masarap din mag-cook si Daddy, right?" ani Riana. "You know, Mommy, Daddy cooks the food while you're on vacation. Sabi ni Daddy, tinuruan mo daw siya magluto ng masarap for us."

Napatingin siya kay Reeve na hindi na kumibo mula kanina. She bit her lip and lowered his gaze. She didn't mean to compare him with Niel. Agatha never kissed Niel. Buti na lamang at hindi dahil hindi pala ito ang tunay niyang asawa.

Siguro, dahil wala pa rin siyang mga alaala kay Reeve, hindi pa ganoon kabuo ang tiwala niya rito. Kaya hindi pa siya komportable. At mali ang ginawa niyang paghalik dahil hindi man lang siya nag-isip bago gawin iyon.

Nasaktan niya panigurado si Reeve.

"Daddy, where are we going?" their daughter curiously asked. "We didn't follow Tito Johann's car..."

"We're going to Sasa," sagot ni Reeve sa anak. "Your Mommy wants to say good bye to her."

"Oh! I want to say goodbye, too," ani Riana. "Daddy, we played yesterday. She's a cute cute girl. Her cheeks are fluffy, Daddy. I wish I have a little sister!"

"Hindi siya cute!" Rainiel disagreed, that surprised all of them in the car. "Ang panget kaya niya. Maitim. Maliit. I don't even like her smell."

"Rainiel..." mahinang saway niya sa anak.

"Totoo naman, Mommy, eh. I'm just saying the truth! And why do you have to say good bye to her, Mommy? Hindi mo naman siya anak para magpaalam ka."

"Your Mommy took care of Sasa," singit ni Reeve, pilit ipinapaintindi kay Rainiel ang sinasabi. "Sasa is not fortunate as you are. Her real Mommy's dead."

"Is that my problem?" inis na sabi nito. "Hindi naman dapat inaalagaan ni Mommy si Sasa. If you didn't lose Mommy, Daddy, Mommy shouldn't have met Sasa in the first place!"

Humigpit ang hawak ni Reeve sa manibela.

"Kuya Rainiel, why are you bad with Daddy?" malungkot na sabi ni Riana. "Wala naman gawa si Daddy na bad. And he didn't lose Mommy. Mommy took a vacation. Right, Mommy?"

Lumingon ulit siya sa backseat. "What's more important is that I'm here already. You never lost me, mga anak. And it wouldn't hurt if you share a little mommy love with Sasa."

"Yes, Mommy" malambing na sabi ni Riana. "It's okay with me, Mommy. I can share a mommy love with Sasa kasi wala na pala siya Mommy."

Sumimangot si Rainiel at hindi umimik. He crossed his arms and looked out the window. Pagkauwi siguro nila, mas kakausapin niya nang masinsinan ang panganay. He's already eight years old. Mas marami na itong bagay na alam at iniintindi lang nito iyon base sa kung ano kaya nitong maintindihan.

Inabot ni Agatha ang tuhod ng anak na nasa backseat. "Baby, please be kinder to Daddy, too."

Lalong dumilim ang mukha nito ngunit hindi pa rin nagsalita.

Bumaling siya kay Reeve. He was pokerfaced. But Riana hugged his neck from the back. "Daddy, thank you! Uuwi na si Mommy. We will have her in my birthday."

Unti-unting lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. His dark eyes softened. "Everything for you, darling."

Riana giggled. Maya-maya pa ay lumipat ito sa harap at kumandong kay Agatha.

"You're very sweet," bulong niya rito. "Thank you for cheering Daddy up."

"Just like you, Mommy!" Yumakap ito sa baywang niya. "I remember you always cheer Daddy up when he's too tired from work. Right, Daddy?"

Tumango si Reeve, ang mga mata ay diretso lang sa kalsada.

Hinaplos niya ang buhok ni Riana. Tumingala ito sa kanya. "We miss you so much, Mommy. Daddy missed you a lot more! Kasi, Mommy, we don't cry. But Daddy always cry every—"

"Riana," Reeve cut her off. "Darling, why don't go back to your seat at the back? You need to wear your seatbelt."

"Okay!" Agad naman itong bumalik sa likod, umupo ng maayos, at masunuring nagkabit ng seatbelt.

Katahimikan na ang sumunod na bumalot sa loob ng sasakyan. May kalayuan ang sentro sa Kab-Laaw. Bako-bako rin pala ang daan.

Siguro ay matapos ang isang oras, nakapasok na sila sa nayon kung saan ang akala niya ay tunay niyang tahanan.

Agatha looked outside the car's window. Nadaanan ang palengke at ang barangay hall. She saw some familiar neighborhood faces. Pagkuwa'y nadaanan nila ang covered court. Hanggang sa matanaw niya na ang clinic. Ibig sabihin malapit na sa kubo kung saan isang buwan niyang tinulugan at pitong buwang tinirhan.

She can't describe how she's feeling right now. Halo-halo iyon. This is not really her home, but for months, she was made to believe it is.

Napatingin siya sa clinic nang doon mismo tumigil ang sasakyan. Ang sabi sa kanya ng kapatid niya ay hindi na nakita ang babaeng inalagaan nila nang matagal. Maliit lang ang Kab-Laaw pero hindi na nakita ito mula nang tumakas.

Bakit kaya tumakas ang babae pagkagising nito? Ayos lang kaya ito? Naging abala na siya sa pagkaalala ng tunay niyang pagkatao. Nakalimutan niya na ang tungkol sa babaeng hanggang ngayon ay misteryoso pa rin.

Nakasama niya kaya ito sa bus noon? Hindi siya sigurado...

Nawala siya sa pag-iisip sa babae nang makitang lumabas si Sasa sa loob ng kubo. Kasunod nito ang tagabantay ng clinic na si Hasmin. Sigurado siyang wala si Niel dahil may trabaho ito sa minahan ng ganitong araw at oras.

Bumaba si Agatha nang sasakyan. Napalingon sa gawi niya ang bata.

"Inay!" masayang bulalas nito at saka tumakbo palapit sa kanya.

Tiniklop niya ang mga binti at sinalubong ito ng yakap.

"Inay, magaling ka na? Labas ka na talaga ospital?"

Tumango siya. "U-Uuwi na 'ko, Sasa..." Agatha tried to remain calm and smiling in front of the child. "Gusto ko lang na makita ka at magpaalam bago ako umuwi."

Her lips turned downwards. But she nodded. "I-Inay, hindi puwedeng dito ka na lang tira? Kahit sama mo mga anak mo, ayos lang. Kasya siguro tayo sa bahay..."

Nginitian niya ito pero hindi sapat iyon para hindi maramdaman ni Agatha ang pagkirot sa puso. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito. "D-Dadalawin kita kapag may pagkakataon ako. O kaya, puwede mo akong tawagan. Magpapakabait ka sa Itay mo. H-Huwag ka nang magalit sa kanya. Love na love ka niya. Di 'ba lagi siyang umuuwi galing sa trabaho ng maaga, tapos, kahit pagod na pagod na siya, nakikipaglaro pa rin siya sa'yo?"

Tumango ito.

"Kasi ganoon ka niya kamahal. Ayaw niyang malungkot ka kahit... k-kahit kayong dalawa na lang ang magkasama."

"Pero, Inay, hindi ba talaga puwede?" Lumagpas ang tingin nito sa likod niya.

Pagkalingon at pagkatingala niya ay nasa likod niya na pala si Reeve.

"Manong, hindi ba puwede dito si Inay? Sama na lang din ikaw para hindi mo na kunin si Inay..."

"Sasa, paglaki mo, maiintindihan mo rin kung bakit kailangan ko sumama sa kanila. P-Pero hindi naman ibig sabihin niyon, maiiwan kita. Tatawagan kita palagi, ayos lang ba iyon?"

"Hindi na ba ako liligo, Inay? Hindi na 'ko maliligo?" Nangilid ang luha sa mga mata nito. "Pa'no kalamansi natin, Inay? Sino didilig?"

"Sasa..."

"Sama na lang ako sa'yo, Inay." Tumingala ito kay Reeve. "Puwede ba 'ko sama, Manong? Bait po ako. Hindi ako kulit. Hindi ako ingay."

"Bakit ka ba sumasama sa'min?" biglang wika ni Rainiel na bumaba pala ng sasakyan kasama si Riana. "Hindi ka naman namin kapatid."

"Rainiel," magkasabay nilang saway ni Reeve dito.

"Pero ayoko iwan isa. Ayoko alis si Inay," iyak ni Sasa, humigpit ang pagyakap sa kanya.

"Mommy is just my mommy. Not yours!!!" sigaw nito.

"That's it," tiim-bagang na sambit ni Reeve. Hinila nito si Rainiel pabalik ng sasakyan, almost dragging their son.

Hahabulin sana ni Agatha ang dalawa, pero naramdaman niya ang mas mahigpit na pagyakap sa kanya ni Sasa.

Niyakap niya na lang rin ito. "P-pasensya na talaga, Sasa. Pero kailangan ka ng Itay mo. Malulungkot siya kapag sumama ka sa'kin."

"Iiyak Itay?"

Tumango siya at pinunasan ang mga luha nito. "Kaya huwag mong paiiyakin Itay mo. Aalagaan niyo ang isa't isa. Magkikita pa rin naman tayo. Hindi ko alam kung kailan ulit, pero magkikita tayo ulit, sisiguraduhin ko"

"Inay, kaya ayaw mo na dito kasi di ako totoong anak?"

"No, Sasa... Sa heart ko, anak kita. Di'ba sabi ni Teacher Johann sa'yo, hindi ka galing sa'kin pero inalagaan kita sa heart ko. Mahal kita, Sasa. Pangako, dadalawin talaga kita kapag may pagkakataon. Tatawagan kita..." paulit-ulit niyang sambit.

"Huwag matigas ang ulo, ha? Kakain ka ng gulay. Maliligo ka araw-araw." Halos hindi na kaya pigilan ni Agatha ang damdamin sa puso. Ngunit nagpakatatag siya. Ayaw niya nang makita pa ng bata ang pag-iyak niya dahil lalo itong malulungkot.

"Lagi kang magpe-pray kay Jesus, anak, ha? Alam mo kasi, ibig sabihin nang pag-alis ko, may mas magandang dadating. May mas magandang-maganda ibibigay si Jesus sa'yo. Naiintindihan mo?"

Tumango ito.

"Malayo ang uuwian ko pero wala namang malayo o malapit sa love. Kahit malayo na si Inay, love pa rin kita kasi aalagaan pa rin kita sa heart ko."

Suminghot ito at niyakap siya ulit. Binaon ang mukha nito sa balikat niya. Lumapit sa kanila si Hasmin.

"Seline—este, Miss Agatha, ako nang bahala kay Sasa."

Unti-unting lumuwag ang pagyakap niya sa bata. Hindi na ito umiiyak. Subalit kitang-kita niya ang matinding pagpipigil nito.

Hindi dapat nangyayari ang ganito sa isang apat na taong gulang na bata. Hindi dapat ito nasasaktan ng ganito pa kaaga. Niel might not have been put into jail. But this is the hardest consequence of his actions—his daughter's young heartbreak.

Agatha does not want to break Sasa's heart. Pero wala rin siyang magagawa. Kung puwede lang na isama niya na lang ito, but it can't work that way. Marami pa rin siyang kailangang ayusin at alamin sa buhay niya.

Hinalikan niya ito sa noo at magkabilang pisngi. "Tatawagan kita, promise ko sa'yo."

Nilayo na ito ni Hasmin. Tumayo si Agatha at tinitigan pa si Sasa. She remembered how cheerful and playful this little girl can be. Para sa kanya, anak ang turing niya rito. Totoong-totoo. Sa lahat ng mga paghihinala niya nang wala pa siyang maalala kahit ang pangalan niya, si Sasa ang bukal sa loob niyang tinanggap sa puso niya.

The way she calls her "Inay" gave her comfort back then. Kaya siguro kahit hindi niya maalala si Reeve, naalala niyang lahat ang anak nila. Because Sasa made her to continuously experience her life as a mother.

Nang hindi niya na kayang pigilan pa ang pagbagsak ng mga luha, tumalikod na siya at nagmamadaling bumalik sa sasakyan.

Naghihintay na doon ang tunay niyang pamilya. Kailangan na nilang umuwi. Kailangan na niyang bumalik kung saan siya nararapat.

Hindi sa Kab-Laaw. Hindi kay Niel. Hindi kay... Sasa.

Pagsakay niya ng sasakyan ay nakayuko lamang siya. Rainiel and Riana were quiet. Nagsimula nang umandar ang sasakyan.

Agatha sobbed when she saw Sasa from the rearview mirror. Pilit itong humahabol pero pinipigilan ito ni Hasmin.

Pinikit niya ang mga mata. Tears trailed down her face. But she tried not to make a sound. She does not want to worry Rainiel and Riana.

"Sasa's running..." narinig niyang sabi ni Riana, malungkot. "She wanted to catch the car, Daddy. Slow down."

"Don't stop, Reeve" Agatha sobbed. She felt Reeve glanced at her.

Mas bumilis ang pagtakbo ng sasakyan. Nanatiling nakapikit lang si Agatha. She can hear her heart breaking. Sa pakiramdam niya ay totoong anak ang tinatalikuran niya, ang iniwan niya... ang hindi niya pinili.

Dito niya na gustong magalit kay Niel nang sobra. Gusto niyang sampalin ang lalaki, pagsabihan... Hindi dahil tinago siya nito o niloko. Pero dahil sa anak nitong pinagsinungalingan din nito. When everyone thought that she was the victim, it's really Sasa who'll suffer the most.

Kumuyom ang mga kamay ni Agatha, pilit nilalabanan ang sakit sa puso. But her tears kept on falling. Natakpan niya ang buong mukha. Her shoulders shaking.

Halos mapasubsob siya nang huminto bigla ang sasakyan.

Gulat na napaangat siya ng tingin kay Reeve.

"When I was eighteen, my mother left me," he suddenly said. "Hinahabol ko rin siya habang nakasakay ng sasakyan. But she never stopped the car. Hanggang sa madapa ako."

Napalingon si Agatha sa likod at napasinghap nang makitang nadapa na si Sasa sa paghahabol.

Lumabas si Reeve ng sasakyan na agad niya namang sinundan. Ilang hakbang lang nito ay naabot na nito si Sasa. Reeve carried her in his arms.

Lumapit siya sa mga ito.

"Inay..." iyak ni Sasa pagkakita ulit sa kanya.

Pinasa ito sa kanya ni Reeve. Sasa cried in her shoulder. Niyakap niya ito.

"I know Sasa isn't our real daughter, but she sees you as her real mother." Reeve said. Tumingin sa kanya ito at nakakaintinding ngumiti. "I guess we can still stay for a couple of days here. Until Sasa is conditioned enough to let you go. Nabibigla pa ang bata sa lahat."

Tumango siya at napasinghot. "S-Salamat, Reeve. Pero ang mga bata..."

"I'll talk to them. Just stay here with Sasa." Tumalikod na si Reeve at bumalik ng sasakyan.

Inalo niya muna si Sasa at tinanong kung saan ito nasaktan nang madapa. Umiling lang ito at mas humigpit ang pagyakap sa kanya. Habang buhat pa rin ito ay bumalik siya pabalik sa kubo.

Inabutan siya ni Hasmin ng baso ng tubig para mapainom kay Sasa. Maya-maya pa'y nakita niyang lumapit sa kanila si Riana.

"Hello, Sasa! Don't cry na." Umupo ito sa tabi niya. "Mommy, Daddy said we can stay here. He'll get an hotel room in the bayan and then we can have a vacation. So I can play with Sasa a little longer."

Napangiti na lang si Agatha. Humanga siyang bigla kay Reeve.

"Pero Mommy you can't stay here. Kasama ka namin sa hotel. Pero puwede ka daw punta lagi for Sasa or si Sasa punta sa'tin sa hotel."

"Inay, hindi ka na alis?"

"Hindi muna..." Pinahid niya ang mga luha nito.

"Sasa, play tayo. I have dolls in the car."

Parang hindi umiyak na bumitaw sa kanya si Sasa at sumama kay Riana.

Sinundan niya ang dalawa. Parang ate si Riana kung hawakan nito nang mabuti sa kamay si Sasa at pinakita rito ang mga laruan nito.

Nakaparada nang maayos ang sasakyan sa labas. Bumaba si Rainiel. Nakasimangot ito na tila natalo kung saan.

Bumaba na rin si Reeve. Lumapit ito sa dalawang batang babae at tinulungan ang mga itong mababa ang mga laruan.

"Mommy..." Yumakap sa baywang niya si Rainiel."We'll stay but for a week only, okay?"

Hinalikan niya ito sa noo. "Thank you, baby."

Hindi alam ni Agatha kung gaano sila katagal sa kubo. Dumating ang kapatid niya at mga magulang nang magtanghalian. Kasama ng mga ito sa Kapitana.

"Inay, baby mo rin sila?" turo ni Sasa kina Adam at Rade.

"Yes. This is Rade," pakilala niya sa buhat na anak. "And that's Adam," turo niya pa sa dalawang taong-gulang na anak na naglalaro sa stroller nito.

"Cute sila, Inay." Pinisil ni Sasa ang pisngi ni Rade. The baby boy smiled at Sasa.

Habang nakikipaglaro si Sasa kay Rade ay napatingin si Agatha sa labas ng kubo. Sabi sa kanya ng kapatid ay siya muna ang tumingin sa mga bata. May pag-uusapan lang daw ang mga ito kasama si Kapitana.

May dalawang lalaki rin ang dumating. Pulos matikas at seryoso ang mga mukha. Sabi ni Kuya Johann, mga private investigators daw ang mga iyon.

Nag-uusap-usap ang mga ito. Agatha wanted to know what are they talking about. Is it about her condition? About Niel and Sasa? Or something else?

"Mommy, I have the same birthday with Sasa!" ani Riana. "Ang galing, Mommy. Sabay sa vacation natin. Dito na lang ako magse-celebrate with Sasa, Mommy."

Napakurap siya. July 7. That's why that date seemed very special to her even without her memories before. Birthday din iyon ni Riana!

"Let's see how can we celebrate it with Sasa," sagot niya sa anak, hindi pa nangangako dahil baka may ibang plano si Niel para sa birthday ng anak nito.

Napatingin na naman siya sa labas at napako ang tingin niya kay Reeve. Hindi akalain ni Agatha ang naging desisyon nitong manatili pa nila ng Iddu. Para lang mas maihanda pa nila si Sasa, para hindi na ganoon masasaktan ang bata.

Reeve cared for a child that's not even his. Gustong humanga ni Agatha sa asawa. He's a father, not just for their children.

"Inay, siya ba itay nila Ate Riana?" turo ni Sasa kay Reeve. "Bait si Manong, Inay."

"Tito Reeve," pagtatama niya rito. "Siya si Tito Reeve. Mag-thank you ka sa kanya, anak, ha? Kasi ayaw niyang malungkot ka kapag basta ako umalis."

"Opo, Inay. Pito araw ka pa dito. Promise, Inay, hindi na 'ko iyak pagkatapos birthday ko. Basta, dito kayo ng pito araw. Bilang ako."

"After seven days, okay lang sa'yo na umuwi na 'ko? Hindi ka na iiyak?"

"Opo, Inay. Basta pito araw pa? Pito ligo pa 'yon!"

"Ang panget mo," sabi ni Rainiel dito, out of the blue.

"Rainiel, what did I tell you?" saway ni Agatha sa anak.

"Huwag ka na galit sa kanya, Inay. Pangit din siya. Hmp!" Tumakbo na lang si Sasa papunta kay Riana at nakipaglaro pa.

"Rainiel," baling niya sa anak. "Halika, Mommy will tell you something."

"Later na lang, Mommy." Kinuha nito ang isang tablet mula sa bag nito. "I'll just play here."

Napabuntong-hininga siya. Matigas ba talaga ang ulo ng panganay niya? But she can only remember Rainiel as a sweet as Riana before.

Hinayaan niya na lang muna ito.

Napakapag-breastfeed si Agatha kay Rade. Pati kay Adam. Nilalaro niya ang dalawang anak nang pumasok si Reeve sa kubo at tumabi sa kanya. Nilibot nito ang paningin sa buong bahay.

"Dito ako tumira ng pitong buwan. Ang unang buwan ko kasi ay comatose daw ako."

Tumango ito. "I've heard," tipid nitong sagot. Kinandong nito si Adam at hinaplos-haplos ang buhok ng anak. "Hey, lil boy. Enjoying yourself?"

"Mommy milk, yummy!"

Reeve chuckled. "So you got to drink your mommy's milk, again? Aren't you the happiest?"

"Reeve, 'yong sinabi mo kanina tungkol sa nangyari noon sa'yo..."

"I'm okay now. Maayos na kami ni Mama," kuwento nito. "Hiwalay na sila ni Papa pero naging magkaibigan pa rin sila."

"Really? That's good to know."

Tumingin ito sa kanya pero hindi iyon nagtagal.

"Ahm..." Napayuko siya kay Rade na nilalaro-laro ang dulo ng buhok niya. "Reeve? Tungkol sa h-halik kanina..."

"It's alright. We don't have to talk about it."

May gusto pa sana siyang sabihin. Before she could explain, Reeve stood up while still carrying Adam. Lumapit ito kina Riana at Sasa.

Eksaktong lumapit sa kanya ang mga magulang at kinumusta ang pakiramdam niya. They talked about what she can remember about them so far.

Pagdating ng hapon ay dumating si Niel mula sa trabaho.

"Magandang araw ho," bati nito sa mga tao.

Nagsalubong ang mga mata nila. Nagbaba agad ito ng tingin at napatingin kay Reeve.

Reeve ignored Daniel. Tinawag nito si Riana at Rainiel para sumakay na sa kotse.

"Agatha," tawag din sa kanya ni Reeve.

Nagpaalam siya kay Sasa at nangakong babalik siya bukas.

Nang mapadaan siya sa harap ni Niel ay umatras ito, nakayuko ang ulo.

"Patawad, Agatha..." narinig niyang sabi nito.

Napalingon siya rito. "Marami tayong nagagawa para sa pagmahahal sa mga anak natin. Pero hindi kahit kailan naging rason ang pag-ibig para gumawa ng bagay na ikasasakit lang din natin sa bandang huli. Lalo na tayong mga magulang. Wala tayong hindi gagawin para sa mga anak natin. Pero sana gawin natin ang tama palagi. Para sa paglaki nila, hindi mawawala ang paghanga at respeto nila sa'tin."

Maraming-marami siyang gustong itanong kay Niel. Kung bakit mula pa noon ay larawan na niya ang ipinapakita nito kay Sasa? Nagkataon lang ba na nakita siya nito kung saan siya nahulog mula sa bus?

"H-Hindi ko lang siguro kayang masaktan si Sasa noong mga panahong asang-asa siya na ikaw ang Inay niya. Hindi ko maitama. Hindi ko kayang maalis ang saya sa anak ko. Unang beses siyang nakaramdam na may inay siya... Akala ko, kapag nabigay ko, kahit kunwari lang, ang inay na inaasam niya, mararamdaman ng anak ko kung gaano ko siya k-kamahal..."

"Madali lang makuha ang pagmamahal ng mga bata, Niel," aniya ito. "You just need to be always honest with them."

Nilagpasan niya ito nang mapansin niyang nakatingin na lang sa kanila si Reeve. May kasalanan pa siya kanina sa asawa. At sa tingin niyang hindi ito gustong makita na kausap niya si Niel.

Pagdating nila sa sentro ay wala pa talaga hotel mismo doon. But the governor of the town offered one of his townhouse nearby. Kakilala pala ni Reeve si Governor Lira.

Patakbong pumasok sina Rainiel at Riana sa loob ng townhouse. There were some maids waiting for them.

Ang pinakamalaking kuwarto ang ibinigay sa kanila. The whole room looks like a real family room. Wala masyadong mamahaling mga bagay. Lalo na ang babasagin.

Tumalon-talon sina Rainiel at Riana sa napakalambot na king-size bed. Sumali si Adam habang natutulog pa si Rade sa stroller nito.

Inayos ni Reeve ang mga gamit ng mga bata. Tinulungan niya ito.

"Hindi pa yata kita napapasalamatan sa desisyon mong manatili pa dito kahit kaunti. Para kay Sasa..."

"Don't mention it. By the way, since we can't go back to Manila, I asked the family psychologist to come here. Para maumpisahan nang ma-assess ang kondisyon mo. Pinapunta ko dito ang doktor bukas ng umaga. Bago sana tayo mamasyal kasama ang mga bata."

Tumango siya. "Matagal ko na ring gustong magpatingin sa espesyalista. Marami pa 'kong gustong malaman tungkol sa amnesia ko at kung anong dahilan kung bakit may iba pa rin akong hindi maalala..."

Katulad nito.

"Hindi mo pa rin ba maaalala ang eksaktong nangyari sa'yo noon bago ang aksidente?"

"I just know that I fell from the bus window. H-Hindi ko alam kung bakit ako nahulog. I just know I fell from it even before the bus fell from the cliff."

Nakakaintinding tumango si Reeve. "Magpahinga ka muna. Don't stress too much about what you can't remember." May kung anong emosyon ang dumaan sa mga mata nito. "And even the feelings that you can't recall."

"Reeve..." Ramdam niyang dismayado pa rin ito tungkol sa nasabi niya kanina. "Pasensya na talaga tungkol sa halik kanina."

"Hindi ba at sinabi kong ayos na? Hindi na natin kailangang—"

"Hindi ko gugustuhing lumayo sa'yo kung alam ko lang kung paano. I wouldn't end the kiss that fast if I can just understand myself, Reeve."

Tinitigan siya nito nang matagal. Maya-maya'y tumingin ito sa mga bata. At sa kanya ulit.

"Want to give it another try?" Pumasok ito sa loob ng banyo para ilagay ang toiletries ng mga bata.

Sinundan niya ito sa loob. "Another try?" nagtataka niyang sambit.

In a span of a two seconds or maybe three, naisara ni Reeve ang pinto ng banyo, sinandal siya nito doon, at mabilis na inangkin ang mga labi niya.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 107 8
When you have all the money in the world, people immediately assume you're always problem-free. But when it comes to love, not even the high society...
2.7K 192 18
Unedited Kristine Mikhaela Abel is a woman who believes in true love, one day she thinks of the man in her dream she does not know who it is and wh...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
Complicated By Pat

Teen Fiction

408K 2.6K 8
Prianne has always been in love with Pierre--her long-time friend, at matagal na ring alam ni Pierre ang nararamdaman ng kaibigan para sa kanya. Yet...