[BME 3] : BE MY ESCAPE

By witcheverwriter

2.5M 33.8K 12.5K

The very thing I hate to lose is my everything. And the cruelest thing in the world is the truth. In desperat... More

~ Troy ~
1. His promise.
2. Selfish indeed.
4. Goodness' sake!
3. Love, lies, and lives.
4. The Numb. The Martyr.
5. Every place and every face.
6. She's back. He's not.
Zecrets...
~ Arianna ~
1. Every possibility.
2. Who knew.
3. It hurts.
4. Holding on and letting go.
5. Where does this leave us?
6. Ticking time bombs.
8. Haunted hearts.
9. Surprise, surprise.
10. Once upon a night.
11. The miserable ones.
12. Forgive and forget.
13. Not too soon.
14. F-ck promises.
15. The Great Wall of Arianna.
16. Home alone.

7. What happened to moving on?

57.3K 936 258
By witcheverwriter

7. WHAT HAPPENED TO MOVING ON?

“DAMN,” Arianna hissed to herself.

Napatingin ang barkada sa kanya. Wala pa rin siyang kamalay-malay na napalakas pala ang boses niya.

 

“Kaya pala feeling ko may kulang. Stupid,” she murmured, again to herself, while getting up from the floor.

“Ano’ng nawawala?” tanong ni Julia.

 

“Ha?” medyo nagulat pang tanong niya kay Julia. Tsaka niya lang napagtantong napalakas nga ang monologue niya. “Oh. Phone. Kanina pa ‘ko hintay nang hintay sa tawag ni Ge, naiwan ko pala sa taas phone ko. Medyo bobo.”

Narita talaga siya sa sarili niya at bigla na lang siyang nag-alala na baka kanina pa nga tumatawag si Angelo sa kanya. Sira kasi ang landline nila kaya hindi makakatawag do’n si Angelo, garalgal lang ang maririnig, bukas pa lang siya tatawag ng gagawa. “Akyat lang ako. Baka kanina pa sabog phone ko.”

Nagmamadali siyang umakyat at kinuha ang phone niya. Hindi niya na rin narinig ang reaksyon ng mga kaibigan niya.

 

“Nakakatuwa silang dalawa, ‘no?” sabi ni Julia sa barkada. “Parang sobrang in love,” nakangiting dagdag pa nito.

“Parang lang,” kontra naman ni Brianna.

 

“Napakakontra mo talaga, B. Alam naman nating nando’n at nando’n pa rin ‘yung... past. But can’t you see? Ang sweet kaya nila,” sabi ni Lexi.

 

“Tama. Hay... Maging happy na lang tayo para sa kanila,” sabi naman ni Yen.

Umirap na lang si Brianna at hindi na nagsalita.

 

“Pero nakakatuwa naman talaga, di ba, guys?  Kasi, di ba, ‘yung dalawang ‘yun, kahit ang daming problemang pinagdaanan, nu’ng lumipas, ‘di na mapaghiwalay,” Kiray.

 

“Baka kasi meant to be,” comment ni Derick.

 

“Baka pinipilit maging meant to be,” at syempre, kontra na naman ni Brianna.

 

“Ouchie. Boom panesi,” mahinang sabi na lang ni Ej.

13 missed calls from Angelo. Great.

Inis na talaga si Arianna kanina sa kahihintay sa tawag ni Angelo pero kanina pa pala tawag nang tawag sa kanya. Tangengot. Tinawagan niya na ang asawa niya.

 

“Akala ko finlush mo na sa inodoro phone mo,” bungad agad ni Angelo sa kanya.

Nagpigil siya ng tawa. Na-iimagine niya kasi ang nagtatampong mukha ni Angelo.

 

“Sorry na. Kanina ko pa kaya po hinihintay tawag mo. Maiinis na nga ako, e. ‘Di na nga sana kita papansinin mamaya. ‘Yun pala naiwan ko rito sa taas ‘tong phone.”

Tumawa si Angelo. “Hoo! ‘De, okay lang. Ano? D’yan na ba barkada? Kumpleto na ba?”

 

“Aside from Bea, pa’no tayo makukumpleto kung wala ka pa?”

Narinig niya ulit ang mahinang tawa ni Angelo. “Right. I’m going down now.”

And she actually heard the closing of the door, probably his office’s door.

 

“I thought you’re not yet done?”

 

“Don’t wanna miss the fun.”

Napangiti siya. “Pakidalian lang ho.”

 

“Look at you, missing me so much already,” Angelo teased.

Ngiting-ngiti na siya, bwiset. “You know what, babe, I think you should work overtime. Medyo natambak na ata trabaho mo kaka-catch up sa’tin.”

 

“Yeah, babe? I didn’t quite hear you.”

Natawa na lang siya. Napaka ni Angelo, iniinis pa talaga siya lagi ‘pag nami-miss niya, e. Napakasira-ulo.

After ng pag-uusap nila ni Angelo, bumaba na ulit siya sa sala.

 

“Huuuu.”

Hala. Sino ‘yung umiiyak?

Nagsalubong ang mga kilay ni Arianna habang pababa na siya.

Si Bea? Boses Bea, e.

 

“Sabi naman sa’yo trouble lang dala nu’ng lalaki na ‘yun, e. ‘Di ka nakinig. ‘Yan tuloy,” Kiray.

 

“Well, how about you tell all men to put a sign above their heads whether they're good or bad, keepers or f-ckers. It’s gonna be a lot of help for us girls, you’ll see,” sarkastikong sabi ni Bea tsaka pa inirapan si Kiray.

 

“Tama! Save our race from the heartbreak!” natatawang sang-ayon naman ni Lexi.

They all laughed, pati siya na kakababa pa lang at sumalampak agad sa sahig katabi ni Julia.

Nandito na pala si Bea, medyo napatagal ata ang pag-uusap nila ni Angelo. Pero hindi niya alam kung bakit umiiyak si Bea. Probably because of Migs? ‘Yung sira-ulong kaibigan ni Krystanlord na habol nang habol kay Bea? Nu’ng una si Hero, e. Naging si Migs. Pero bakit kaya umiiyak?

 

“Fine.” Mataray na inirapan din ni Kiray si Bea. “Lexi, suggestion. What if ang title ng next article mo, ‘Dear guys, do us girls a favor and save us from the heartbreak. Sincerely, A Friend Sick Of Friends’ Rants.”

They all laughed at Kiray’s suggestion. Loko talaga ‘yun.

Si Bea rin bahagyang natatawa pero iyak pa rin nang iyak. She wondered what exactly went wrong between Bea and Migs. Alam naman nilang player lahat ng kaibigan ni Krystanlord pero syempre naging magkakaibigan na rin sila, though maikling panahon pa lang. Kahit ba, di ba. Dapat nga wala nang talo-talo, e. Si Hero nga tinigilan, pero si Migs sige pa rin kay Bea. Tapos eto ngayon si Bea....

 

“Those f-cking, stupid, no-good heartbreakers,” inis na sabi ni Bea.

 

“Hey. Hindi naman lahat ng lalaki gano’n,” sabat ni Jake.

 

“Yeah, from the mouth of the guy who introduced me to heartbreak.”

 

“Whoa, whoa...” Napatayo pa si Jake. Pati sila napa-whoa rin, e. “What?” Hindi makapaniwalang sabi ni Jake with matching niloloko-mo-ba-‘ko look pa.

 

“First love kita. First heartbreak din. Pero past ka na kaya maupo’t manahimik ka,” halos hindi bumubuka ang bibig dahil sa pagtatagis ng mga ngiping banta ni Bea kay Jake.

Tapos ngumawa na naman si Bea sabay kuha ng maraming tissue.

Iiling-iling na naupo na lang si Jake habang sila namang lahat, mga  natawa na lang.

 

“Ano ba kasi’ng nangyari, ‘te?” tanong ni Lexi.

Lahat sila nag-focus nang sumagot naman si Bea.

 

“’Yung gagong Migs kasi na ‘yon, na-picture-an ng kaibigan ko na nakikipaglandian sa isang babae sa club. Hayup siya. Look for yourself, guys,” tapos nilapag ni Bea ang phone nito sa glass table. Syempre, nakiusisa rin siya. “She’s basically humping him, for f-cks sake.”

Napangiwi na lang siya. Oo nga. Tsk-tsk. Migs talaga.

 

“Pa’no ‘yon? Di ba may dinner kayo ngayon?” tanong niya kay Bea.

 

“I don’t know, A. Maybe magdadala na lang ako ng kutsilyo, kakatayin ko siya tapos siya na lang hapunan ko. Ah, no, may knife nga pala sa restau, no need to bring one,” tapos nagkibit-balikat si Bea.

Natawa tuloy sila.

 

“That’s the spirit, girl!” kantyaw ni Ej.

Proud na nag-smirk naman si Bea. Kaso... “Huuuuu....” Ngumawa na naman.

Napailing na lang siya.

 

“’Lika nga rito.” For the first time, narinig niya ang boses ng kanina pa tahimik na si Third.

Oo, present si Third. Masyado lang tahimik. And... hindi pa rin talaga sila nag-uusap. Thankful na lang siya at hindi naapektuhan ang pagsama nito sa kanilang magbabarkada. At, dito pa sa bahay nila ni Angelo, ha. Nakakatuwa lang talaga na feeling niya, may pag-asa pang maibalik ‘yung friendship nila ni Third. Ng Keslo niya.

Kinabig ni Third ang katabing si Bea at niyakap habang iyak pa rin nang iyak si Bea.

Napangiti si Arianna. Hindi pa rin siya masanay sa totoong Third. ‘Yung tumatak kasi sa isip niya, Keslong maloko.

 

“Okay lang ‘yan,” sabi ni Third kay Bea.

Sinandal ni Bea ang ulo sa dibdib ni Third tsaka nito niyakap sa bewang si Third. Si Third naman hinagod-hagod sa ulo si Bea para tumahan na.

 

“O, tissue pa,” sabay abot ni Third ng tissue kay Bea. “Tahan na.” Hindi pa nakuntento, tinulungan na rin nitong punasan ang mga luha ni Bea. “Tahan na kasi...” Pero mas lalo lang napaiyak si Bea na parang bata dahil sa pag-alo nito.

 

“Tres, pinapaiyak mo lang lalo, e. Haha,” tatawa-tawa pang sabi ni Derick.

 

“Lagot ka,” malokong sabi naman ni Neil. Ke-aadik.

 

“Huhuuu. Jek, tayo na lang nga ulit!” ngawang sabi ni Bea kay Jake.

 

“Sorry, I’m taken. Taken for granted,” proud na pabirong sagot naman ni Jake sabay tingin kay Julia.

 

“Boom sapol! Hahaha,” tawanan agad ang barkada dahil sa sinabi ni Jake at sa reaksyon ni Julia na pulang-pula na pagkatapos mahinang suntukin si Jake sa braso.

One of the many things that she missed, may nagaganap na palang romance kina Jake at Julia. Kaso, focus si Julia sa law school pero hindi nito nire-reject si Jake. ‘Yan tuloy, laging iniinis ni Jake na tine-taken for granted lang ‘to ni Julia.

 

“Huhu. Ganyan kayo, ha,” nag-pout na iningusan na lang ni Bea sina Jake at Julia.

Si Third naman, natatawang binalingan na lang ulit si Bea. “Ano ba ‘yan? Tahan na kasi.”

 

“I can’t! Huhu! I want to, but I can’t. What is f-cking wrong with me,” nanggigigil na pinahid ni Bea ang sariling mga luha.

“Mahal mo, e. Niloko ka, nasaktan ka. Ta’s ngayon magtataka ka? Tanga ka ba?”

 

Boom, she thought. Lihim na napangiti na lang si Arianna.

Si Bea naman, natulala kay Third. Na parang tinatanong nito kung pa’no nalaman ni Third na mahal nito si Migs, e, hindi pa naman ‘to umaamin.

 

“H-how...” Iyon lang ang nasabi ni Bea.

 

“What, you think porket hindi ka umaamin hindi na namin mapapansin?” Binigyan pa ni Third ng ‘wag-ka-ngang-tanga look si Bea.

Si Bea naman, napayuko na lang. Guilty, e.

 

“Come on. You just fell in love with the wrong person, but don’t worry, you’ll do that a lot.”

 

Instant are-you-kidding-me look tuloy ang inabot ni Third kay Bea.

 

“You know, before you find the right one,” kibit-balikat naman dagdag ni Third.

And while considering Third’s comment, napabuntong-hininga na lang si Bea. “Yeah, you’re right.”

 

“Yeah, he’s right,” sang-ayon din ng barkada.

 

Yeah, he’s right, sang-ayon din ni Arianna sa sarili niya.

So, that was it, right? Troy was the wrong person for her and Angelo was the right one.

Okay, she had to stop there. Natutuwa lang siya na kahit tatlong buwan pa lang ang nakakalipas, parang umaayos na ang lahat.

 

“Tama na ‘yan, Bea. Si Yanna nga naka-move on, ikaw pa kaya?”

 

“Guys.” She rolled her eyes at Neil’s comment. Grabe. Hindi na lang siya nagsalita.

 

Si Yanna nga naka-move on, ikaw pa kaya?

Lagi na lang nasisingit ‘yon. Buti na lang hindi sinasabi ng mga kaibigan niya ‘yon sa harap ni Angelo. Kundi pinagsasapak niya talaga ‘tong mga ‘to.

 

“I wonder how she did it,” sisinghot-singhot at mahinang sabi ni Bea pero narinig niya pa rin.

What? How she did what? Move on?

Iiling-iling na napayuko siya. Nasa kanya na naman ang atensyon.

Pero napaisip siya.

Move on? Madali lang naman talagang mag-move on, e. Inuna niya lang itatak sa utak niya noon na hindi niya kaya. Pero ang totoo, kaya niya. Ang totoo, nagawa niya.

Madali lang naman, e. Just... “Act like you don’t care. Smile as if you’re okay.”

Napatingin ang mga kaibigan niya sa kanya. Parang mga nagulat sa sinabi niya.

Tapos mukhang mga nalito. Pinakanapansin niya ang reaksyon ni Brianna’t Third na parang mga napaismid pa.

Crap. They probably misunderstood her words. Akala siguro ng mga ‘to, nagpapanggap pa rin siya.

Nagpaliwanag agad siya. “Because eventually, you won’t care anymore. You’ll smile because finally, you’re okay.” Tsaka siya ngumiti. “That’s how I moved on.”

Relieved and proud, her friends smiled at her, except Brianna and Third, which was actually quite disturbing.

Nginitian siya ng mga kaibigan niya, na para bang bigla na lang sabay-sabay na mag-a-‘aww’ sa kanya dahil sa makasaksak pusong lines niya. Try lang ng mga ‘to, pagsisisipain niyang isa-isa palabas ng bahay niya.

Then her eyes caught something outside the window. And the moment she recognized Angelo’s car outside their gate, she immediately stood up, went to the door and waited for her husband.

Hindi niya na tuloy narinig nang mahinang mag-comment si Third sa sinabi niya.

 

“Act like you don’t care, smile as if you’re okay?” Third snorted. “In other words, try to fool yourself. You’ll get used to it, but at the end of the day, you’re just really making a fool out of yourself. Nasanay ka ngang wala siya pero hindi naman nawala ang pagmamahal mo sa kanya. Tanga.”

Napatingin ang barkada kay Third.

 

“’Tol, hindi ka pa rin naniniwalang naka-move on na siya?” mahinang tanong ni Diego. Mahina lang ang pag-uusap nila para hindi marinig ni Arianna.

 

“Guys, please. Ni isa ba sa’tin may naniniwala?” si Brianna ang biglang nagsalita. “For six years nga, hindi niya nagawa, then for three months, biglang boom, wala na? Nu’ng akala niya ngang patay na, hindi niya nagawa, ngayon pa kayang buhay pala? Who’s she kidding anyway?”

 

“I’m guessing herself.”

Napatingin na naman ang lahat kay Third. Lahat, kung hindi napailing, malungkot na mga ngumiti na lang.

Kahit ba sa harap ni Arianna nagpe-pretend sila na naniniwala sila na naka-move on na si Arianna because of Angelo, they knew. They just knew she couldn’t.

Parang sira naman kung makangiti nang wagas si Arianna sa may pinto. Parang ‘di makapaghintay na makababa ng sasakyan si Angelo, e.

Weird. Every time. As in, every time—after letting go of what was needed to let go— every time na hihintayin niya si Angelo at magkikita na ulit sila, lagi na lang siyang na-eexcite. Like, what was wrong with her? Na-eexcite pa rin siyang makita si Angelo, e, araw-araw naman silang magkasama? And for heaven’s sake, she couldn’t keep herself from smiling when Angelo stepped out of the car and started to walk toward her with a smug grin playing on on his lips. Iinisin na naman siya ng loko. He knew she was waiting.

And the moment he reached her, Angelo immediately snaked an arm around her waist, his free hand found the side of her face and then his mouth touched hers. And she just melted. Inilapat ni Arianna ang mga kamay niya sa dibdib ni Angelo habang tinugon niya ang halik nito.

 

“Oh, look at them lovingly sprinkling salt to my bleeding heart.”

Aaaaand, they were actually not alone.

They both broke the kiss, but didn’t let each other go even with Bea’s sarcastic comment. Nadala, e. Sorry naman.

Angelo chuckled. “Wala, e. Namiss ako, e,” pagyayabang pa nito sa barkada.

 

“Oo na, gago,” natatawang hinampas niya na lang sa dibdib si Angelo.

 

“Uhm. Broken-hearted girl here!” sigaw ni Bea na nagtaas pa ng kamay. “Hay nako. Guys, alis na nga ako,” sabi ni Bea na suminghot-singhot pa.

 

“Sa’n ka pupunta?” tanong ni Diego.

 

“’Wag mong sabihing kikitain mo pa rin si Migs?” tanong din ni Yen.

 

“Of course I will. Duh, I have to kill him.” Tapos humarap si Bea sa kanila ni Angelo. “Yan, pahiram na nga ako ng kutsilyo?”

Natatawang nag-thumbs up na lang siya. Nagtatakang tinignan naman siya ni Angelo. Kakarating pa lang kasi kaya ayan, walang alam.

“Migs cheated on her,” simpleng paliwanag niya.

Napa-‘ooh’ naman si Angelo tsaka tumingin kay Bea. “Guess you’re not enough for him, huh?”

Natigilan bigla si Arianna.

Lahat nagtatakang napatingin kay Angelo. Maski siya. Biglang nawala ang ngiti niya pero binalik niya rin agad para hindi mapansin ng barkada ang pagkabigla niya.

 

“I say go for the balls,” dagdag naman ni Angelo na ikinatawa ng mga kaibigan nila.

Siya naman, naki-ride na lang. Hindi niya alam kung bakit parang may sarcasm sa unang sinabi ni Angelo. Hindi niya rin alam kung bakit bigla niya na lang naisip na; May problema ba kami? Pero hindi. Ayos sila. In fact, sobrang okay sila. Masaya na sila. So maybe it was just her at nagbigay lang talaga ng comment si Angelo kay Bea’t Migs. Though he was not one to drop rude remarks...

No, wala lang ‘yun.

 

“’Te, retouch ka muna. If we kill, we have to be pretty,” sabi ni Brianna kay Bea at nag-abot ng concealer at face powder kay Bea. Inabot naman ni Bea ‘yon tsaka sumalampak sa sahig at sinimulan na ang pagre-retouch.

Habang nagre-retouch si Bea, sige pa rin ang barkada sa pagpayo rito.

 

“Tandaan mo, sinaktan ka niya. Ilang beses na kaya tama na.”

 

“Basta ‘wag kang iiyak sa harap niya, ha.”

 

“Para sa ikagagaan ng loob mo, murahin mo nang todo!”

 

 “Chin up, chest out, smack him down!”

 

 “Higit sa lahat, ‘pag nagmakaawa, kaawaan mo lang, pero ‘wag mo nang balikan.”

Si Bea naman, nadagdagan ang pagka-fierce ng mga mata dahil sa mga payo ng kaibigan nila. “Noted, guys.” Nag-flip hair pa.

Binalik na ni Bea kay Brianna ang concealer at face powder tsaka ‘to tumayo. “Thanks, baby.” Inayos na ni Bea ang sariling postura. She inhaled, exhaled, then with a final flip of hair, Bea catwalked away from everyone. “Inang ‘yan! Sana may concealer din sa feelings!”

Wala. Natawa na lang sila sa last line ni Bea.

Sana nga, ‘no?

***

“LATE na naman ako. Napaka mo,” sisi ni Arianna kay Angelo habang nasa sasakyan na sila.

 

“Hala. Ano’ng ginawa ko?” ngingisi-ngisi naman ang loko. Akala mo clueless, e.

Sinamaan niya nga ng tingin. Halos hindi lang naman kasi siya patulugin kagabi. Ang tagal na ngang umuwi ng barkada tapos pinuyat pa siya.

Natawa lang si Angelo. “Bakit ba ayaw na ayaw mong nale-late? You’re the boss, pwede kang pumasok kung kailan mo gusto.”

 

“’Yun nga, e. I’m the boss. Nagpatawag ako ng maagang meeting para makapag-lunch date tayo mamaya tapos late ako? E, kung i-cancel na lang kaya natin ang date natin?”

 

“E, kung ‘wag na lang kaya tayong pumasok at bumalik na lang tayo sa kwarto natin?” Tinaas-taasan pa siya ng kilay ni Angelo.

Dahil ayaw magpatalo kahit sobrang nagpipigil na siya ng ngiti, pumihit siya paharap kay Angelo. “E, kung mag-overtime na lang kaya ako para mamaya nganga ka sa bahay natin?”

Nakakaloko ang ngising sinulyapan siya ni Angelo tsaka ibinalik ang tingin sa daan. “That would be a lot of fun if I kidnapped you. Hmm...” hinimas-himas pa nito ang sariling baba.

The idea was... hmm. Damn it. Nag-init ata ang mga pisngi niya.

Umayos siya ng pwesto at nagkunwaring wala lang sa kanya ang sinabi nito tsaka niya pinagkrus ang mga braso niya. “Not really, since ni-reveal mo na ‘yang plano mo. Hmm... Should I call for personal bodyguards now, or later?” Hinimas-himas niya rin ang baba niya.

Sa gilid ng mga mata niya, nakita niyang umiling-iling lang si Angelo habang natatawa. Hindi niya alam kung ano’ng nakapagpabaling ng tingin niya kay Angelo, pero pagtingin niya, nakakaloko ang ngiti nito pero naghahamon ang mga mata.

 

“Try and stop me, baby.”

Nag-init lalo ang mga pisngi niya. Jusko, sira ata ang ac ng sasakyan ni Angelo.

 

“Try and stop me, nyenye,” bubulong-bulong na binaling niya na lang ang tingin niya sa labas ng bintana. Habang si Angelo naman, ang lakas ng tawa ng loko.

Kainis. Kung hindi niya lang alam na kaya talaga siyang kidnap-in ni Angelo, hindi naman siya papatalo, e. Kaso kaya nitong loko na ‘to. Lalo na kapag gano’n ang mga tinginan at parang napapaisip habang nagda-drive? Alam niyang kino-consider ni Angelo ‘yon.

Umalis na rin agad si Angelo pagkahatid sa kanya sa harap ng building niya. Pagdating niya sa opisina niya, sinalubong agad siya ni Molly. Binrief na rin siya nito sa schedule niya sa high profile clients niya.

 

“What’s this?” Kinuha niya ang isang envelope na naka-isolate sa desk niya. Tinignan niya ang likod pero wala namang nakalagay kung kanino galing.

Kunot-noong tinignan niya si Molly. May policy ang kompanya niya na hindi tatanggap ng kung ano kung hindi nagpakilala ang sender.

 

“Ah, ‘yan po... Nasa loob daw po ang pangalan ng nagpapabigay sabi ng nag-deliver dito. Hindi ko po tinignan ang sulat pero sinilip ko po ang loob. Wala naman pong bomba or something. Picture lang.”

Nagtatakang napatingin siya sa envelope. Medyo suspiscious naman ata?

 

“Tsaka, Ma’am. I have a new design po ulit para sa’yo! I hope magustuhan n’yo,” humagikgik pa na sabi ni Molly.

Yes, that was right. Si Molly ang designer niya. Hindi dahil gusto niya, pero dahil gusto ni Molly, pinagpipilitan pa nga. Pero dahil malaki talaga ang potential nitong si Molly, pumayag siya.

 

“Teka, for what event?” tanong niya. Tuwing may event lang naman kasi siya dine-design-an ni Molly.

 

“Duh, Ma’am. Sa gallery opening po ni Ricardo Kairo?”

 

“Ah. Oh...” Oo nga pala this week na ‘yung gallery opening ng new Filipino-Australian friend ni Angelo. “Baka magmukha na naman akong alalay d’yan, ha.”

 

“Grabe. Ang hard n’yo naman, Ma’am. Level up ka na, sexy julalay na.”

Pabirong inakma niyang ipupukpok ang envelope kay Molly. “You’re fired.”

 

“That’s right, Ma’am. You’re hot but I’m fire~d! Haha! Conference Room na, Ma’am! Bagal-bagal!” At kekendeng-kendeng pang naglakad palabas ang loka. Napailing na lang siya.

Tinanggal niya ang tali ng envelope at nilabas ang laman nito.

Isang picture ng malaking bahay.

 

Ano ‘to? Kanino galing?

Tinignan niya maski likod ng picture pero walang nakasulat. Then chineck niya ulit ang envelope. May maliit na papel na nakatupi ang naiwan sa loob. Nilabas niya ‘yon.

 

We really need to talk.

                 Margarette

Napairap agad siya.

 

Pangatlong beses na ‘to, ha? Hindi niya ba ‘ko titigilan?

Ewan niya pero bigla na lang kumulo ang dugo niya. Hinanap niya sa table niya ang file ni Margarette at kinuha niya ang cellphone number nito. She called her. And five rings after, sinagot ni Margarette ‘yon.

“Hello?”

 

“Hello, Mrs. Fontillejo. This is Aria S. of Helen. I personally called just to tell you that your dress is to be delivered this coming Wednesday. And also to tell you that my company will no longer accept orders from you. If that seems rude to you, then...” she ended the call.

Nanginginig na binagsak niya sa table niya ang phone. Ano’ng karapatan ni Margarette na guluhin ang isip niya? She wanted to talk to her in private? Screw her, she was done. Naipangako niya na sa sarili niya na si Angelo ang priority niya at hindi siya. Kaya kahit ano’ng panggugulo ang gawin ni Margarette sa isip niya, hinding-hindi na siya papaapekto. Hinding-hindi na.

***

THE night of Ricardo Kairo’s gallery opening was... strange, actually.

Bagong kakilala pa lang kasi ni Angelo si Ricardo Kairo at siya naman, ngayon niya pa lang ‘to makikilala. Pero nu’ng makita sila nito, tumatak agad sa isip niya ang unang sinabi nito sa kanya.

 

“Hey, Tim! You came! Oh, man, thank you,” bati agad ni Ricardo kay Angelo, nakipagkamay pa na may kasamang tapik sa balikat. “And look at your stunning date...” Biglang parang nagsalubong ang mga kilay nito nang pakatitigan siya. “You look awfully familiar, have I seen you before?”

Alanganing napangiti siya dahil gusto niyang ibalik dito ang tanong na ‘yon. He, too, looked familiar. Pero naunahan na siyang magsalita ni Angelo kaya isinantabi niya na lang ang pagtataka niya. “She has a twin. Identical. And she’s a model so maybe you saw her at some event. And lately the media won’t get off our backs like we’re a big deal,” Angelo laughed.

Napatangu-tango si Ricardo pero salubong pa rin ang mga kilay na para bang walang tumama sa mga sinabi ni Angelo. “Yeah, I don’t really read newspapers or—“ Then something lighted up in his eyes. “Oh, yeah, I remember! It was a picture of your wedding. You looked really beautiful.” He gave her a friendly smile.

Oh. Compliment. “Thank you,” she smiled shyly.

Malakas magsalita si Ricardo, she bet he was a fun, cool guy friend. Mahaba ang brown na buhok nito na lagpas tenga pero hindi umabot ng balikat, sobrang manly ng features ng mukha nito at puno ng tattoo ang magkabilang braso. Kitang-kita ang mga tattoo nito dahil naka-fitted t-shirt lang ito at hawak-hawak lang nito ang coat, na feeling niya, just a wild guess, mamaya lang nito isusuot ‘yon kapag speech na nito. Malamang hindi si Ricardo ang business type of guy.

 

“I wish I was at your wedding. If only I knew you then. But congratulations, you two. It’s better late than never,” Ricardo said in a singsong tone.

Angelo thanked the man and she just gave him a grateful smile.

Nagpaalam na si Ricardo sa kanila ni Angelo para batiin ang ibang guests pero napalingon siya, hindi lang siya, pati si Angelo, nang may batiin si Ricardo hindi kalayuan sa kanila dahil ilang hakbang pa lang naman ang nagagawa nila palayo.

 

“TJ! You piece of shit, where have you been, man!” Kitang-kita niya nang yakapin ni Ricardo ang bagong dating na si... TJ nga, at ang pagngiti ni TJ nang gantihan nito ng yakap si Ricardo.

Of course, sa dinami-rami ng TJ sa mundo, ‘yung malaking parte pa talaga ng buhay niya ang kakilala rin nito. Obviously, the two were good friends. And other than that, TJ’s company, Margarette, was looking at their direction, specifically at her, wearing the dress that was her last design for her.

 

“Are you okay?” Doon lang siya nagbawi ng tingin nang tanungin siya ni Angelo. “Hindi ko alam na magkakilala sila, I’m sorry.”

 

Nginitian niya lang si Angelo. “Oo naman, ‘no. Tara?”

Nagtingin-tingin lang sila ng mga paintings and photography. Angelo stayed by her side all the time. It was like he was protecting her from the visible and invisible pain that could pass by her.

Nakarating na sila sa second floor. Nakatayo sila sa harap ng isang napakalaking painting nang may lumapit sa kanilang tatlong lalaki. Business partners pala ni Angelo. Syempre, binati rin siya, pero since hindi katulad ng iba na saglit na usap lang ang ginawa kay Angelo, napagpasyahan niyang lumipat sa kabilang painting nang magtagal pa ang usapan ng mga ‘to. Nagpaalam siya sa mga ito at naglakad na papunta sa kabilang side ng wall, a couple of steps away from Angelo.

Natagpuan niya na lang ang sarili niya na titig na titig sa painting na nasa harap niya.

Malaki rin ang painting na ‘to. Madilim. It was a night scenery. It was so artistic, so beautiful. Charcoal lang ata ang ginamit dahil wala namang kulay bukod sa itim at puti.

Kaso habang tumatagal na nakatitig siya sa painting, parang bumibigat ang dibdib niya.

May damuhan, malalayong gusali at sa gilid ng painting, na parang naging frame na rin ng isang side ng pinaka-painting.... ay kalahati ng puno na walang mga dahon. Parang patay na puno. At ang mas nakaagaw ng pansin niya, hindi kasing kulay ng kabuuang painting ang puno. It was as if the tree was fading away. It was as if the tree was not there anymore.

Siya lang ba, o.....

 

“Hey.” Luckily, Angelo interrupted her thoughts.

 

“Hey,” ganti niya tsaka siya ngumiti.

 

“Magsisimula na ang auction. Shall we?” aya nito sa kanya.

May auction kasing magaganap at mapupunta sa charity ang lahat ng perang makukuha ni Ricardo. He was a good man... and intriguing as well.

Nakangiting tumango lang siya at naglakad na sila palayo. Pero habang naglalakad, alam niya, nababagabag na naman siya.

Ricardo being TJ’s friend. And then the painting.....

Isang huling sulyap ang ginawa niya sa painting nang malayo na sila. Pero mas lalo siyang nagtaka nang may dalawang babaeng staff ang may hawak na malaking itim na tela at tinatakpan na ang painting na bumabagabag sa kanya.

 

“Arianna, are you all right?”

 

“H-huh? Y-yeah...” Ngumiti na lang siya kay Angelo at pilit niyang kinalma ang sarili niya habang naglalakad sila pababa.

Pero habang abala ang lahat sa auction na nagaganap, wala talagang ibang maisip si Arianna bukod sa painting na ‘yon. Hinintay niyang i-bid ang painting na ‘yon pero hindi ‘yon nangyari.

 

“Ge, sa labas lang ako,” bulong niya kay Angelo at tumayo na agad siya. ‘Okay’ na lang ang nasabi ni Angelo dahil sa pagmamadali niya. Para kasing nagsisikip ang dibdib niya.

Eto na nga ba, e. Kaya ayaw niyang magkrus pa ang mga landas nila, e. Para kasing laging  nagugulo ang buong pagkato niya.

God, sumasakit ang ulo niya.

Kumuha siya ng isang glass ng champagne at nagtuloy na sa labas.

Once outside, she let the fresh air touch her skin.

Yes, hangin. Sa wakas.

 

“Yanna.”

 

Her breathing halted when she heard the very voice that  she knew she would never ever be able to forget.

 

Oh, no. No. No.

Mariing napapikit siya at isang buntong-hininga ang pinakawalan bago lingunin ang tumawag sa kanya.

“TJ...” Hindi siya ngumiti, gumalaw lang ang sulok ng mga labi niya sa pag-aattempt na ngumiti, pero hindi niya magawa.

Hindi nagsalita ulit si TJ kaya binaling niya na lang ulit ang tingin niya sa labas.

Bakit? Bakit nandito si TJ? Bakit sinundan siya sa labas? Bakit magkasama sila? Bakit silang dalawa lang? Shit.

Pilit niyang kinalma ang sarili niya.

 

“You look beautiful.”

 

Holy shit.

Ang hirap huminga, jusko.

Tumingin siya kay TJ at nagulat pa siya nang makitang nakatitig pala ‘to sa kanya. Pero tinry niyang ‘wag magpaapekto.

“And you look like shit.”

Seryoso, parang ilang taon ang nadagdag sa itsura ni TJ. His eyes were troubled. His lips darker, na para bang naninigarilyo ‘to or something. His hair was a mess, mahaba at medyo hindi na bagay kay TJ.

 

“So they keep telling me.” Hindi nakaligtas sa kanya ang malungkot na pagngiti ni TJ.

Nangunot ang noo ni Arianna. “May problema ka ba?”

Agad na naitikom niya ang bibig niya. Oh, she crossed the line. Ni hindi na nga pala sila magkaibigan. Di ba?

Tumingin si TJ sa kanya. Ewan niya pero ang lungkot ng tingin ni TJ sa kanya. ‘Yung parang may gustong sabihin si TJ sa kanya? ‘Yung parang gusto siyang hawakan ni TJ? Gusto niyang yakapin si TJ sa pagitan ng mga segundong ‘yon, pero bigla na lang pagkurap ng mga mata ni TJ, wala nang emosyon ang mababasa sa mga mata nito. Si TJ din ang unang nagbawi ng tingin at walang salitang naglakad ‘to paalis at nilagpasan siya.

Napayuko na lang siya. Ang hirap pa rin pala. Ang sakit pa rin pala.

Pag-angat niya ng mga mata niya, nakita niya si Angelo, nakatayo hindi kalayuan sa kanya at nakatingin sa kanya.

Gusto niyang maiyak, sa totoo lang. Kung paano siya tignan at bahagyang nginitian ni Angelo na para bang sinasabi nito na naiintindihan nito ang nararamdaman niya? Sobrang na-guilty siya.

Inubos niya na lang ang laman ng champagne niya para mawala ang focus niya sa sakit. Pinunasan niya ng likod ng palad niya ang bibig niya at tumingin ulit kay Angelo. Ngumiti siya at naglakad papunta sa asawa niya.

***

THREE days later, hapon pa lang pero palabas na ng building si Arianna para makauwi sa bahay. May dinner date kasi sila ni Angelo at gusto niya ‘tong i-surprise. Imbis na kakain sa labas, ipagluluto niya si Angelo. First time ‘to kaya excited siya. Pero syempre, may kaunting pagka-down siyang naramdaman. May one week business trip kasi si Angelo sa London at bukas na ang alis nito.

Nag-grocery shopping muna siya bago siya umuwi. Nailagay niya na sa backseat ang mga napamili niya. Huminto lang siya sa SB para bumili ng maiinom. Pabalik na ulit siya sa sasakyan niya nang biglang tumunog ang phone niya na nasa back pocket ng pants niya. Nang tignan niya, si Angelo pala. Sasagutin niya na sana nang biglang may tumawag sa kanya.

“Arianna!”

Napatingin siya sa kaliwa niya at napatingala rin agad dahil sa pagka-frustrate nang makita kung sino ang tumawag sa kanya.

 

You’ve got to be kidding me.

Hindi itinago ang pagkairita na hinarap niya ang tumawag sa kanya.

“Margarette,” she said her name in a disgusted tone.

Hindi na ba siya titigilan ng babaeng ‘to? Tahimik na namumuhay na nga siya, e. Sila ni Angelo. Ano na naman ba’t parang may pakulo na naman ‘tong babaeng ‘to?

Bago pa makapagsalita si Margarette, nagsalita na agad siya.

 

“Okay, let me clear something. First, hindi mo pinutol ang koneksyon natin through ordering dresses in my company. Second, ginugulo mo ‘ko, giving me the “we need to talk” bullshit every chance you get. Lately nga nag-send ka pa ng picture ng isang bahay which I don’t have any freaking clue what you’re trying to tell. Ano, gusto mo bang magpa-design sa’kin ng bahay? Funny, kasi hindi ‘yun ‘yung line ng trabaho ko. And now, you’re here, standing in front of me, so mag-aassume na ‘ko. Sinundan mo ‘ko.” ‘Yun na. Nasagad na siya.

Hindi pa ba ‘to nakuntento na sinira nito ang buhay niyang pilit niyang binubuo ngayon? Ano ba’ng gustong mangyari nitong babae na ‘to? Nakakairita na kasi.

Pero alam mo kung ano ‘yung mas nakakairita?

 

“Oo,” ang tanging sagot ni Margarette.

Sa haba ng sinabi niya, oo lang ang natanggap niya. Great. Mas lalong kumulo ang dugo niya.

 

“Pwes, ‘wag!” sigaw niya. Sobrang nakakasagad na.

 

“Arianna, kailangan kitang makausap.” Nakita niya ang paglunok ni Margarette na para bang kinakabahan o nagdadalawang isip sa ginagawa.

 

“Wala tayong dapat pag-usapan. Tahimik na ang buhay ko, Margarette, kaya please lang, tigilan mo na ‘ko.” Gusto niyang magmakaawa, sa totoo lang. Pagod na siya, e. Ang gusto niya lang isipin, si Angelo. Pero dahil kay Margarette, hindi mawala-wala sa isip niya ang pamilya nito. Si TJ.

 

“May kailangan ka kasing malaman, Arianna. Hindi ko na kaya. Wala naman akong masamang intensyon—“

 

“Well, wala ka ring magandang intensyon kaya tumigil ka na! Kung wala kang balak na sirain ulit ang buhay ko, tantanan mo na ‘ko! Kasi ako? Gustong-gusto ko kayong sirain kasi deserve n’yo ‘yon dahil sinira n’yo ang buhay ko pero nagparaya ako, Margarette. Nagparaya ako, kaya please....” Hindi na niya nakontrol ang saglit na nagmamakaawang tingin na ibinigay niya kay Margarette, at nakita niyang nagbaba naman ‘to ng tingin na para bang tanggap nito ang sinabi niya.

Good. Ayaw niya na kasi ng drama.

Tumalikod na siya at naglakad paalis.

Sana lang tigilan na siya ni Margarette. Sobrang nahihirapan na kasi ang isip niya sa pag-intindi sa hindi niya maintindihang pinaparating ni Margarette sa kanya. Nagmo-move on na siya. She was still in the process. Yes, still. Kahit ba sa harap ng mga kaibigan at pamilya niya nagkukunwari siyang naka-move on na, pero ang totoo, hindi pa talaga. Mahirap ang ginagawa niya kaya sana naman tigilan na siya nito.

 

“Hindi si TJ ang ama ng anak ko.”

Parang huminto ang buong paligid niya. Parang huminto ang buhay niya. Feeling niya nga huminto rin sa pagtibok ang puso niya, e. Pero alam mo kung ano ang hindi huminto? Ang mga luha niya na nag-unahan pa sa pag-agos, at ang mga paa niyang naglakad palayo sa panibago  na namang sakit na ngayon, gusto niya na lang talikuran at takasan.

— — —

Continue Reading

You'll Also Like

262K 6K 44
Status: [SOON TO BE COMPLETED] Isa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip mag...
6M 180K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...
66.4K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
400K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...