Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter fifty

Chapter forty nine

998 13 1
By topally

Madaling araw na ng makauwi ako sa bahay. Hinatid ko muna si Valie sa condo na tinitirhan niya at nag stay ng ilang oras. At nang makatulog siya dala ng pag iyak at pagod niya, umuwi narin ako at hinayaan na muna siyang mag pahinga.

Sa oras na 'to, kina-kailangan niya ng taong nandyan para sakanya at maiintindihan ang nararamdaman niya. Dahil sigurado ako na kapag hindi niya na natiis, baka bigla nalang siyang mag break down. Mas mabuti na may taong napaglalabasan siya ng sakit na tinatamasa niya ngayon para gumaan gaan din ang pakiramdam niya kahit pa-paano.

Pagkapasok ko ng kwarto, binuksan ko na kaagad ang ilaw. Di-diretsyo na sana ako sa kama ko para mahiga ng bigla nalang ako may naaninag na taong nakatayo sa pintuan ng balkonahe ko. Teka, ales tres na ng madaling araw! Tulog narin ang mga tao dito sa bahay kaya sino naman ang taong tatayo dyan sa balkonahe ko?


Dahan dahan akong tumingin sa gawi nun at halos mapa-atras nalang ako ng makita kong si Kijan ang taong nakatayo doon. Naka crossed arms pa ang mga kamay nito at halos mag salubong na ang mga kilay.

Hindi parin ako makahinga ng maluwag dahil sa nakikita kong galit sa mukha ni Kijan. "Hi, good morning." Nakangiting bati ko pero deep inside may kaba akong nararamdaman sa magiging sagot niya.

"Anong maganda sa umaga?" Oh shit. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Napababa nalang ako ng tingin sa sahig at naramdaman ko ang paglakad nito papasok ng kwarto. "It's already 3am. Nilibot niyo ba ang buong Manila para humanap ng Wedding Gown ni Shin?" Masungit pa nitong sabi.

Umiling ako at tumingin sakanya. "After kasi naming mag hanap ng Wedding Gown, nag coffee kami and then pinagusapan yung sa Bachelorette Party. Tapos nag stay muna ako kay Val dahil may naging problema." Explain ko sakanya.

"Then atleast update me. I-text mo man lang ako. Hindi yung sobra mo akong pinag aalala." Sagot niya at ibinaling sa iba ang tingin.

Nakalimutan ko na siya pala yung tipong boyfriend na kapag umalis ka, required na mag update ka. Ayaw na ayaw niyang nakakaligtaan mo 'yon dahil once na hindi ka nakapag update, iba na yung takot na nararamdaman niya.

You can call it pagiging obsess na lahat ng galaw mo eh, kailangan monitor niya. Pero kung si Kijan na yung pag sasabihan mo, magrereklamo ka pa ba?

But to be honest, hindi pagiging obsess ang tawag don. Hindi pananakal ang tawag don. Hindi naman siya yung taong, kailangan monitor lahat. Yung tipong mag text ka lang sakanya kung ano yung ginagawa mo or kung nasaan ka. Ayaw lang niya kasing mangyari yung ngyari noon. Nagagawa lang naman 'yon ng isang tao dahil ayaw niya ng mawala yung taong mahal niya. Yun yung gusto niyang patunayan saakin ngayon. Gusto niyang mag simula kami ng panibago. Kagaya lang ng ibang ordinaryong mag-kasintahan.

Dati kasi, wala kaming pakialaman sa ginagawa ng isa't isa o kung nasaan ka or sino ang kasama mo. Pero simula ng magkabalikan kami, nagbago ang lahat sa relasyon namin. Para bang kakakilala lang namin kahit na sobrang kilala na namin ang isa't isa. Sobrang dami na naming napagdaanan na kami mismo hindi inakalang sa pag lipas ng panahon, eh kami parin ang magkakatuluyan.



Pero tama nga sila, mapag laro ang tadhana.

Isa sa mga rason kung bakit ko piniling damayan si Valie kanina ay dahil gusto ko din mag labas sakanya ng hinanakit ko kahit na hindi niya alam ang dahilan ng paglabas ng luha ko. Ang daya daya lang kasi talaga! Hindi ko parin matanggap sa sarili ko na darating ang oras na muli kong iiwan si Kijan ng hindi niya malalaman ang totoong dahilan.

"Love," muli akong nabalik sa pag iisip ng tawagin niya ako. "Narinig mo ba yung sinabi ko?"

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Basta ang importante naman nandito na ako. Sorry kung pinag alala kita. Hindi ko lang talaga makahawakan ang cellphone kanina dahil sa pagiging busy sa mga pinaplano namin. Pasensya kana.." Sabi ko at lumakad papalapit sakanya. "Hindi na mauulit." Dagdag ko ng makalapit.

Niyakap naman niya ang bandang baiwang ko dahil sa nakaupo siya sa may kama ko. "Kahit na umalis ka, susundan parin kita kahit saan ka mag punta.." Malambing na tonong sabi niya habang nakayakap saakin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pag iyak. "Paano nalang kung isang araw mawala ako sa tabi mo? Anong unang gagawin mo?" Tanong ko.

Itinaas naman niya ang tingin saakin. "Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko? Hahanapin kita Mikee Hauser kahit saan ka pa mag punta. Kahit na mag punta ka pa ng ibang planeta, susundan kita." Seryosong tugon niya hanggang sa hindi ko na mapigilan ang luha ko kaya pumatak na ito.

Nakita ko ang mga ngiti sa labi ni Kijan. At tumayo na mula sa kinauupan niya sa kama ng hindi inaalis ang mga kamay nito sa baiwang ko. "Sobrang romantic ko talaga. Iyon palang ang sinabi ko napaiyak na kita." Nakangiti niyang sabi.

Pinalo ko ang balikat nito. "Ang feeling mo!" Singhal ko sakanya. Tawa lang ang naging sagot niya kaya yumakap nalang ako sakanya. Ilang segundo din akong hindi sumagot dahil takot akong malaman niyang umiiyak ako.  "Bakit naman ako pupunta ng ibang planeta, eh wala ka naman don. Mamaya kunin pa ako ng mga Aliens." Dagdag ko.

Narinig ko naman ang pag tsk nito. "Panira ka talaga." May inis sa tono niyang sabi sakaya tumawa ako at pinunasan na ang luha ko.

Huminga ako ng malalim bago kumalas sa pag kakayakap naming dalawa at tumingin ng diretsyo sa mga mata niya ng puno ng sigla at saya. "Mag date tayong dalawa." Nakangiting aya ko sakanya.

"Mamaya?" Tanong niya kaya tumango ako. "Parang biglaan naman ata? Syaka diba sabi mo busy ka para sa kasal ni Shin at Polo?" Nagtataka pa nitong sabi.

Napaisip tuloy ako ng magiging dahilan ko kaya napa baling ang tingin ko sa ibang direksyon. "Hmm, napansin ko lang kasi na simula ng magkabalikan tayo hindi pa tayo nag karoon ng quality time. Yung date ba. Kakain sa labas, manonood ng sine, iinom ng kape mag-kasama. Hindi pa natin ulit nagagawa 'yon." Sagot ko.

Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "Okay! Mag date tayo hanggang abutin tayo ng umaga! Let's have a quality time together. Just you and me." Nakangiting pag sang ayon niya.

Napangiti din ako sa naging sagot niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at yakapin siya. "Gawin nating perfect date ang araw na 'to.." Masayang sabi ko habang yakap siya. Naramdaman ko naman ang pag halik nito sa ulo ko at niyakap din ako pabalik.


"Ang hirap padin palang akyatin ng balcony mo.." Napataas ako ng tingin ng marinig ko ang sinabi niya.

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ko. "Malaya ka na namang nakakapasok sa bahay namin, 'di ba?" Dugtong ko.

"Wala, gusto ko lang ulit masubukan. Gaya ng dati.." Sabay ngiti nito ng nakakahawa.

"Love, baka naman kaka-akyat mo dyan eh kung anong mangyari sa'yo." Mahinahong sabi ko sakanya.

"Di bale na, ikaw naman ang makikita ko." Sagot niya at binigyan ako ng makalaglag panty na ngiti.

Hinampas ko ang balikat niya saka muling niyakap ito. "Tsk, lover boy." Kinikilig kong sabi.




Habang ako'y nasa bisig niya at yakap yakap siya, hinihiling kong sana huminto ang pag-ikot ng mundo at ng oras para hindi na dumating ang pag sikat ng araw..
















Umaga na. Gumising saakin ang sikat ng araw na tumatagos sa bintana at ang alarm clock kong patuloy padin sa pag tunog. Walang kabuhay buhay kong pinatay ang alarm clock ko at naupo na sa kama.

Panandalian kong tinignan ang paligid ng kwarto ko at habang tinitignan ito, bigla akong nakaramdam ng lungkot.

Dumating na ang araw na kailanman ay hindi ko hiniling na dumating. Noon, parati akong nagpapasalamat sa bawat araw na ibinibigay saakin dahil pakiramdam ko panibagong simula ito para saakin. Pero ngayon, parang hirap na hirap akong harapin ang umaga..

"Mikee," Napatingin ako sa gawing pintuan ng marinig ko ang boses ni Yaya Elen at ang pag katok nito. "Gising na at may nag hihintay sa'yo sa baba." Dagdag niya at muling kumatok sa pintuan.

"Opo! Pababa na!" Sagot ko pabalik at dali dali ng umalis sa pagkakaupo ko sa kama at tumakbo papunta sa harap ng pintuan at binuksan ito.

Bumungad naman saakin si Yaya Elen na siyang naka apron pa at mahahalatang nag luluto dahil sa hawak nitong sandok. "Aba't parang may ideya kana kung sino ang nag hihintay sa'yo, ha?" Pang aasar saakin ni Yaya Elen habang may nakakaloko itong ngiti. Napangiti naman ako at tumango tango. "Ngayon alam ko na ang pang pagising sa'yo, bata ka!" Sabi pa niya kaya napatawa kaming dalawa.

Bago ako bumaba ay inayos ayos ko muna ang buhok ko pati ang damit ko. Parang ang aga naman yatang mag punta ni Kijan? Ang usapan namin after lunch na kami umalis. Weekdays naman ngayon kaya wala masyadong tao sa mall.

Nang makababa, nakita ko siyang nakaupo sa coach habang may ngiti sa labi niya. Nabaling ang tingin ko sa bagay na hawak niya habang nakangiti at nakita kong isa itong bouquet of sunflowers. Ang titingkad at ang gaganda ng mga bulaklak na 'yon na animo'y bagong pitas lamang ang mga ito.

Tumikhim ako para malaman niyang nakababa na ako. Napatingin naman siya sa gawi ko at natawa nalang ako dahil biglang nawala ang ngiti niya at tinago ang bouquet sa likuran niya.

"Tsk, tinago mo pa eh nakita ko na naman." Sabi ko at naglakad na papalapit sakanya. "Good morning," bati ko ng makalapit.

Kahit walang hila-hilamos at walang toothbrush ay hinalikan niya ako sa labi kaya napaatras ako. "Good morning, sunshine." bati niya ng nakangiti at inabot saakin ang bouquet ng sunflowers.

Tinanggap ko naman ito ng may sobrang lapad na ngiti na halos para na itong mapupunit. Pakiramdam ko ay nag ningning ang mga mata ko dahil sa ganda ng kumpol kumpol na marisol sa harapan ko.

"Thank you." Pagpapasalamat ko at inilapit ito sa ilong ko para amuyin. Ang tatamis pa ng mga amoy nila!

"Mag ayos kana. May reservation ako sa isang restaurant ng 12:30." Nawala naman ang pag-co-concentrate ko sa pag amoy ng marisol ng sabihin niya 'yan kaya napatingin ako sakanya.

"Love, dapat mamaya ka nalang dumating, eh. Matagal ako mag ayos." Sagot ko naman.

"I'll wait." Agad niyang sagot saakin.

"Dalawang oras ang inilalaan ko para mag ayos." Sabi ko pa. Matagal kasi talaga akong mag ayos. Halos lahat naman ata ng babae, eh ganun katagal kung mag ayos. Napaka dami ko din kasing serimonyas na ginagawa bago ako mkaalis ng bahay.

"Mag hihintay parin ako." Consistent niyang sabi. "Sa'yo na mismo nanggaling na maging isang ordinaryo tayong mag couple. Para bang nag liligawan lang. Kaya hihintayin kita kahit pa gaano ka katagal." Sagot niya.

Wala talagang makakatalo kay Kijan pagdating sa pagpapakilig. Sa tagal naming mag kakilala, hindi kailanman nag bago ang pakikitungo niya saakin. Kasi naman, napapansin ko kapag matagal na kayong mag karelasyon, unti unti ng nagbabago yung pagiging sweet niyo sa isa't isa. Nawawalan ng spark. Hindi tulad nung kakasimula niyo palang. Nandun yung kilig at excitement kapag magkikita kayong dalawa. Yung para bang may butterflies ka paring nararamdaman sa tiyan mo kapag nakikita mo yung taong mahal mo.

"Hay, osige na. Mag aayos na agad ako para makaalis na." Sabi ko.

"Take your time, Love. Maaga pa naman." Mahinahong sabi niya. Tumango na ako at umakyat na papuntang kwarto para masimulan ng mag ayos.






**

Nang matapos akong maligo, nakatapis kong binuksan ang cabinet ko. Parang ilang minuto  din akong tumunganga sa harap ng cabinet ko. At naka tingin lang sa mga naka hang na iba't ibang dresses mula sa puti hanggang sa pinaka dark colors. Dito talaga kami natatagalang mga babae, eh! Yung ang dami dami naming damit na nasa cabinet pero wala kaming makitang magandang isuot.

Parang wala naman kasi akong pwedeng isout dito para sa date namin ni Kijan. Ang tagal tagal ko na din kasing hindi nag su-suot ng bistida. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako huling nag suot ng bistida. Mag iisang taon na ata? Basta matagal na!

Nahagip ng mga mata ko ang paper bag na kulay itim na nasa sulok ng cabinet. Kinuha ko naman ito at agad gumuhit ang ngiti sa labi ko ng maalala kong bigay ito ni Iowa noon saakin nung umuwi siya galing ng ibang bansa. Binuklat ko ito at nakita ko ang puting bestidang maayos na maayos parin sa pagkakatiklop. Kinuha ko naman iyon sa loob at tinignan ang kabuuan nito.

Tatlong taon na ang nakakalipas magmula ng mamatay si Iowa para maligtas ako sa kamay ni Venedict. Hanggang ngayon, may takot padin akong nararamdaman. Hindi ko mapigilang mangambang baka maulit ang pangyayari dati. Dahil ayoko ng maramdaman ulit ang sakit kapag nalaman kong may taong mamamatay para lang sa kaligtasan ng pamilya ko, at relasyon namin ni Kijan.

Pinagpag ko ang napaka gandang puting bistida at idinikit ito sa katawan ko saka nag punta saaking full length mirror at tinignan ang kabuuan ko. Muli akong napangiti ng maalala kong ito ang kauna-unahang beses na susuotin ko ang bistidang bigay ni Iowa saakin tatlong taon na ang nakalilipas.



Napag desisyunan kong ito na ang susuotin ko sa date namin ni Kijan ngayong araw. Saktong sakto pa dahil puting polo din ang suot ni Kijan. Hindi narin kasi matanggal tanggal pa ang ngiti sa labi ko mag mula ng makita at suotin ko ito. Day time make up look lang ang iniligay ko sa mukha ko at nag suot din ako ng 'di gaanong kataasan na sandals para komportable parin ako at hindi sumakit agad ang mga paa ko.

Pagkababa ko ng hagdan, hinanap na kaagad ng mga mata ko si Kijan sa salas kung saan siya naka-upo kanina. Pero wala naman siya dito ng madatnan ko. Iginala ko ang sarili ko sa loob ng bahay namin habang hinahanap siya ng mga mata ko at tinatawag ko ang pangalan niya. Saan kaya nag punta 'yon?

Pagkapunta ko ng kusina, nakita ko naman si Yaya Elen na siyang busy sa pagluluto habang may pag kembot pa ito ng baiwang niya. Unti unti ng lumalakas sa pandinig ko ang hind maintindi-tindihang lyrics ng kanta na nag mumula sa cellphone niya. Ost na naman siguro ito ng mga pinapanood niyang Korean Dramas!

"Yaya Elen!" Halos mapatalon siya dahil sa lakas ng pagkakatawag ko sa pangalan niya.

"Ay, puke ka!" Napahagalpak ako ng tawa ng makita kong gulat na gulat siya habang hawak hawak ang sandok at nakalapat ang isang kamay sa dibdib nito. Nakita ko naman ang reaksyon niyang parang nabunutan ng tinik sa lalamunan ng makita ako. "Susmariyosep kang bata ka! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Halos habulin niya ang pag hinga niya at hindi padin inaalis ang kamay sa dibdib nito.

"Tinawag lang naman kita dyan, ah." Patay malisya kong sabi at naglakad papalapit sakanya. Sinilip ko ang niluluto niyang nasa isang malaking kaldero. "Bakit parang ang dami mo naman yatang niluluto, Ya?" Nagtataka kong tanong habang nakatingin padin sa kalderong parang ang pinapalambutan ay baka.

Napatingin na ako kay Yaya Elen ng makita kong ang tagal niyang sumagot. "Ha, eh yung—"

"Ready kana pala." Pagputol ng isang pamilyar na boses na nang gagaling sa likuran ko. Napangiti agad ako ng makita ko si Kijan na nakasilip saaming dalawa ni Yaya Elen.

"Naku, may date pala ngayon ang dalawang 'to!" Singit ni Yaya Elen with matching pag clap pa na para bang tuwang tuwa itong makita kaming dalawa. "Terno pa, oh! Bagay na bagay talaga!" Dagdag niya kaya napatingin ako sa suot naming dalawa ni Kijan. Terno nga talaga kaming dalawa, 'no?

Pero okay lang! Mas mabuti ng magkaparehas kami para walang titingin kay Kijan na iba. Sa tuwing lalabas kasi kami noon, napaka daming tumitingin at may ilan pang nagpapa picture. Although hindi ko naman mapipigilang hindi siya makilala ng lahat ng tao dahil nga sa kasikatan niya at sa angking kagwapuhan niya eh talaga nga namang napaka raming nahuhumaling sakanya.

"Saan ka nang galing?" Tanong ko.

"Tinignan ko lang yung Garden." Sabi niya at tumuro sa likuran nito.

Tumango tango naman ako. "Ah," syempre walang panama ang bahay namin sa Mansion niyang tahanan. 

"Let's go?" Aya nito at inihaya ang kaliwang braso niya saakin.

Tumingin ako sa relos ko at saktong alas dose na ng tanghali. "May reservation ka nga pala sa isang restaurant ng 12:30." Sabi ko habang nakatingin sa relos ko. Ibinaling ko ang tingin ko kay Yaya Elen. "Ya, hindi kami makakapag lunch dito ah. Pero sa dinner time, baka dito kami kumain. I-te-text nalang ki—" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Ano ka ba, mag enjoy lang kayo at sulitin niyo ang araw na 'to." Kaswal na tugon ni Yaya Elen.

"Eh kasi naman parang ang dami dami niyong niluluto. May handaan ba—" Muli na naman akong napatigil dahil hinawakan ni Kijan ang kamay ko at ikinawit sa braso niya.

"Huwag mo na ngang alalahanin ang niluluto ko! Basta mag saya lang kayo ni Kijan sa araw na ito!"   parang tunog pag papataboy ang ginagawa saakin ngayon ni Yaya Elen pero gusto ko din naman dahil kay Kijan ang punta ko. Ih, ano ba!

"Noted." Rinig kong sabi ni Kijan kaya napatingin ako sakanya at bigla siyang ngumiti saakin ng may kasama pang kindat. Aw, para akong tinamaan nun ni kupido ah! Sapul na sapul sa puso!






Naririto na kami ngayon sa kotse at kasalukuyang nag mamaneho si Kijan papunta sa restaurant kung saan siya nag pa-reserve para sa lunch date namin. At habang nasa biyahe, pansin kong hawak hawak lang ni Kijan ang kaliwang kamay ko ng hindi ito binibitawan. Papitik pitik pa ang mga daliri nito sa manibela habang sinasabayan ang kantang nag mumula sa radyo.

"Maganda ata ang gising mo?" Puna ko sakanya.

Nakita ko naman ang pag tawa nito saka saglit na tumingin saakin at ibinalik na ulit ang tingin sa harapan. "Mukha ba?" Tanong niya ng nakangiti.

Tumango ako. "Oo. Pakanta kanta ka pa dyan at kung maka ngiti ka sobrang lapad." Sabi ko.

Bigla naman itong napatawa. "Masama bang kumanta at ngumiti kapag kasama ka?" Sagot niya at biglang huminto ang sasakyan kaya napatingin ako sa harapan. Nakita kong nakahinto din ang nasa harap naming kotse dahil sa naka stop light pala.

Umiling ako at tumingin ulit sakanya. Ang akala ko hindi na siya nakatingin saakin pero nabigla ako ng makita kong mata sa mata ang mga titig niya na para bang may pinapahiwatig na excitement sa mga mata niya. "Huwag ka lang ngingiti ng ganyan sa ibang babae." Mautal utal kong sagot sabay iwas ng tingin sakanya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang dahan dahan nitong pag tango. "Opo, misis ko." Sagot niya at naramdaman ko nalang ang pag taas nito sa kamay kong hawak hawak niya sabay halik.




**

Pagkadating namin ng restaurant, may nag assist na agad kung saan kami mauupo. Ang ganda lang ng nakuhang spot ni Kijan dahil katabi namin ang glass window at tanaw na tanaw mula dito sa kinauupuan namin ang mga nag tataasang buildings. Panigurado ako na kung gabi kami nag punta dito, mas lalo naming ma-a-appreciate ang gandang naibibigay ng City Lights sa gabi.

Matapos kunin ng order namin, tinignan ko ang paligid nitong Restaurant. Marami rami rin ang kumakain dito at tulad namin ni Kijan, karamihan ay mga couples ang nandito.
Mabuti nalang at itong bistidang binigay saakin ni Iowa ang sinuot ko dahil bagay na bagay ang sa Restaurant na ito ang simplicity but elegant kong suot.

"Love," Narinig kong pagtawag niya saakin at kinalabit ang kamay ko. "Ikaw naman ata itong sobrang lapad ng ngiti." Pag puna niya saakin.

Sumandal ako sa upuan at nag pakawal ng pag hinga. "Wala, masaya lang ako." Sagot ko.

"Bagay na bagay sa'yo ang dress na 'yan." Puri niya. Parang mag mula kanina, hindi ako nakarinig ng compliment sakanya. Tanging ngayon lang talaga. Kaya napaisip ako kanina kung ang panget pa ng pagkaka-make up ko sa sarili ko o dapat kinulot ko man lang ng kaunti ang buhok ko.

"Bigay kaya saakin ito ni Iowa nung nang galing siya ng Amerika." Pagmamalaki ko.

Napatawa naman siya at napatango. "Nung pauwi na siya sa Pilipinas, nag tatanong siya saakin. Nag sabi akong dress ang ipasalubong sa'yo. Wala akong sinabi kung anong klaseng dress basta dress lang. Nung nakabili siya, she took a photo of it. Sabi ko kaagad sa sarili ko, Mikee talaga kapag sinuot niya ang damit na iyan." Nakangiti lang ako habang nakikinig sa kwento ni Kijan.

"Bakit naman?" Curious kong tanong na parang kinikilig kilig pa ang boses ko.

"Parang ordinaryong mga bistida lang sa unang tingin pero kapag tinitignan mo ng mas mabuti at matagal, makikita mong mayroong espesyal sa bistidang 'yan na hindi mo makikita sa ibang mga damit. Kagaya mo, simple kalang pero kapag kinilala mo, malalaman ang kagandahan ng labas at loob nito na hindi pwedeng ihalintulad sa iba dahil hindi mo ito makikita sa ibang tao."

Sa dami ng sinabi niya, ni isang salita walang lumabas sa bibig ko. Sobra akong napahanga sa sinabi niya na umabot na sa puntong napaiyak ako. Hindi dahil sa lungkot na nadarama kundi sa saya. Parang gusto kong mag tatalon na shet, may mga ganitong lalake pa palang nabububay sa mundo! Na kahit sobrang dami niyo ng napagdaanan, nag hiwalay man kayo at nag kabalikan patuloy parin niyang ipapadama at sasabihin sayo ang kahalagan mo bilang isang espesyal na tao para sakanya.

Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa magkabilang pisngi ko gamit ang kamay ko habang tumatawa. "Grabe naman 'yon! Napaiyak tuloy ako sa speech mo." Birong sabi ko. "Edi kailangan na kailangan ko palang pahalagahan ang bistidang ito dahil hindi lang siya kagaya ng ibang mga damit." Pagpapatuloy ko habang nag pupunas parin ng luha. Kahit ayaw kong umiyak sa harapan niya ayaw tumigil ng mga luhang 'to. Ang titigas ng ulo! May ulo kaya ang luha?

Hinawakan niya ang kamay kong abala sa pag pupunas ng luha saka ako tinitigan ng mabuti—mata sa mata. "Alam mo, sobrang saya ko na makita kong suot mo iyan ngayon.."

"Bakit?"

"Because that dress symbolises that you're ready to become my wife." Umawang ang mga labi ko habang patuloy ang pag bagsak ng luha ko.

Tandang tanda ko pa ang sinabi noon saakin ni Iowa. Pati ang mga ngiti at saya na nakikita ko sakanya habang sinasabi 'yan ay talagang tumatak sa isip ko.

"I want you to wear this when Kijan ask you on a date. I want him to see you in a elegant white dress."

Pero ang kinakalabasan, ako mismo ang nag aya sakanya pero hindi ko inakala na ito ang maisusuot ko sa pinaka unang date namin ni Kijan mag mula ng magkabalikan kami.

"If I ask you now, would you marry me?"  May ngiting tanong niya saakin na para bang naluluha ang mga mata niya habang nakatingin saakin.

"Yes," Wala ng pag aalinlangan at 'yan agad ang gusto kong isagot sakanya. Ayoko ng patagalin pa dahil alam kong dun din naman kami mauuwi. Kaso, parang nagbabago ang lahat sa tuwing maiisip ko ang sitwasyon ko ngayon. Ayoko kasing madamay si Kijan dito. Gusto kong mamuhay siya ng normal at hindi lang para mag silbing mata ng asawa niyang bulag. Gusto kong magkaroon siya ng anak na hindi na magkakaroon ng diperensya sa mga mata nila.

Kahit pa gustong gusto kong maging asawa niya at maging nanay sa magiging anak namin.

Kaya wala akong naisagot sakanya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Parang umurong ang dila ko na hindi halos ako makapag salita. Hinigpitan ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ngumiti.

"Here's your order," Sabi ng waiter sa gawing kaliwa ko kaya napatingin kaming dalawa ni Kijan doon. Inilapag na niya ang mga order namin at saka umalis narin pagkatapos.

"Okay lang kung hindi mo sagutin ngayon ang tanong na 'yan. Masyado ata kitang binigla. Hindi naman ako nag mamadali." Sabi niya ng nakangiti at binitawan na ang kamay ko. "Let's eat. You must be hungry." Aya niya.

Kahit pa nakikita ko siyang nakangiti ngayon, halata parin sakanya ang disappointment dahil sa wala akong naisagot sa tanong niya. Syempre sino ba namang lalake ang hindi mararamdaman 'yon. Eh kung iisipin ang tagal tagal na ng relasyon namin, ang dami na naming napagdaan but we ended up together. May ngyari na saamin at kilalang kilala na namin ang isa't isa. Tapos sa tanong niyang iyon kanina wala akong naisagot ni isang letra.

Natapos kaming kumain pero walang nag sasalita saamin. Parang sa table namin, tunog lang ng kutsyara't tinidor ang maririnig tapos sa ibang mga table, puno ng tawanan at kwentuhan ang mga naririnig. Gusto kong maging best date ang araw na 'to para saaming dalawa at ayokong ito ang maging kalabasan. Hindi kasi ako naging handa para dito pero hindi ko hahayaang masira 'tong araw na 'to dahil lang sa tanong na 'yon.

Binitawan ko ang kutsyara't tinidor ko at nag punas ng napkin sa bibig ko. "I'm sorry—" Nagulat ako ng parehas kaming humingi ng tawad sa isa't isa.

Napatawa tuloy kaming dalawa sabay sumenyas siyang ako na muna ang mauna. "Sorry, Love.. Nagulat lang talaga ako sa naging tanong mo saakin kaya wala akong naisagot. I'm sorry.." Lies.. Ilang beses ko ng inihanda ang sarili ko ganitong tanong at tatlong letra lang ang isasagot ko sakanya.

Y-E-S


"Yeap, I know. Huwag mo ng isipin 'yon. Just let me know when you're ready, okay?" Ngiting sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Tumango ako pero parang labag na labag sa kalooban ko. Nag patuloy na ulit kaming kumain dalawa. Nag bigay nalang ako ng topic sa kung anong panonoorin namin mamaya sa sinehan para lang mabago ang aurang bumabalot saamin. Nag bigay naman siya ng mga showing ngayon at puro action movies ang sinabi niya. Pero dahil sa ayaw ko ng mga 'yon, horror movie ang pinanood naming dalawa.

Wala, eh. Well.






**

"Love, what do you want? Cheese or buttered popcorn?" Nandito kami ngayon sa Movie Snack para bumili ng kakainin namin sa loob ng sinehan.

"Cheese!" Sagot ko.

Nag order na si Kijan at ako naman, walang tigil ang pag se-selfie ko kasama ang boyfriend kong full package. Kaya naman pagpasok na pag pasok talaga namin dito sa mall, hindi na inalis ang tingin sakanya ng mga tao na akala mo artistang nag ma-mall show.

"Baka mamaya gawan mo na ako ng photo album sa dami niyan." Sabi niya ng hindi nakatingin saakin at nakatingin padin sa menu.

"Oo, totoo! Gagawin ko." Tugon ko at patuloy parin sa pag click ng camera. "Tumingin ka dito." Ngiting sabi ko. Tumingin din naman agad siya sabay ngumiti kaya cinlick ko na ang camera. "Ayan buti naman tumingin kana." Sabi ko at tinignan ang mga pictures naming dalawa. Na sa dami nga, eh pwede na akong makagawa ng photo album.

"Love, alam mo namang camera shy ako." Camera shy daw, oh!

"Sus, kaya pala nag mo-modelling kana din. Yun ba ang camera shy." Sabi ko ng hindi nakatingin sakanya at abalang tinitignan ang mga pictures naming dalawa. "Tignan mo! Da-dalawang picture lang ang meron ka dito na nakatingin sa camera."   Inis kong sabi.

"Opo, mamaya po. Mag pi-picture tayo ng pagkadami dami. Gusto mo pati sa loob ng sinehan mag pi-picture tayo kahit bawal ang camera." Parang sarcastic pa ang pagkakasabi niya?

Tinignan ko naman siya ng masama. "Tsk, huwag na lang." Sabi ko at inilihis ang tingin ko sakanya.

Napakunot ang noo ko at tumaas ang isang kilay ko ng makita ko ang ilang kababaihang panay ang pag pi-picture sa likod namin ni Kijan. At nakita ko pa ang pag flash ng isa sa mga camera nila kaya halatang likod ni Kijan ang pinipicturan nila. Aba't ang mga pesteng 'to! Likod pa talaga ng boyfriend ko ang pinagsamantalahan nila!

"Why?" Nabalik ako sa wisyo ng tanungin ako ni Kijan at balak niya na sanang lumingon sa likod ng bigla kong hinawakan ang kamay niya.

"Pag lumingon ka, sakanila kana.." Tukoy ko sa mga babaeng akala mo mga kinikiliti ang tagiliran.

Nakita ko ang pag tawa ni Kijan. "Hinding hindi ako lilingon sa iba." Ano ba 'yon? Pampalubag loob o totoo? "Okay?" Dagdag niya pa.

"Okay!" Sabi ko at ikinawit ang kamay ko sa braso niya.

Kinuha na namin ang order naming popcorn at drinks sa counter at nag punta na sa Cinema 1 kung saan showing ang horror movie na panonoorin namin.

Nang makapasok kami sa loob, sobrang dilim. Dati naman, may nakikita pa akong konting liwanag dahil sa may mga ilaw sa gilid kapag papasok ng sinehan pero ngayon, sobrang blangko. Itim na halos ang nakikita ko. Humawak ako ng mahigpit sa braso ni Kijan at alam kong naramdaman niya ang higpit ng pagkakapit ko sakanya kaya binuksan niya ang flashlight ng cellphone niya at doon ako may nakitang kaunting liwanag na kahit pa-paano ay nakatulong sa pangamba ko sa dilim.

"May hagdanan. Mag ingat ka sa paglakad." Bulong niya saakin. Tumango tango lang ako at sinundan ang bawat lakad niya.

Maya maya lang ay naramdaman kong umalis si Kijan sa tabi ko kaya napakapa kapa ako sa ere. "Kijan.." Mahinang pag tawag ko sa pangalan niya.

"Love, dito." Narinig ko ang boses niya sa gawing harapan ko kaya nag lakad ako dire-diretsyo pero bigla nalang akong natisod at bumagsak ang popcorn na hawak hawak ko sa sahig kasunod nun ay ang dapat na pagbagsak ko nadin sa sahig ng may humawak saakin. "Nandito lang naman ako." Narinig ko na ang boses ni Kijan na sobrang lapit saakin kaya nawala na ang takot ko.

"Hindi kasi kita makita sa dilim Love, eh." Sabi ko. Naupo na kaming dalawa sa seats namin. "Wala na tuloy akong popcorn.." Malungkot kong tugon.

"Gusto mo ba bumili ako ulit?" Tanong niya.

Umiling ako. "Huwag na. Dito ka nalang sa tabi ko.. Syaka baka mag start na yung movie." Natatakot ako na baka pag umalis siya, umiyak lang ako ng umiyak dito na parang nawawalang bata. Dahil sa takot kong hindi na makalabas sa madilim na sinehan na 'to.

"Okay. Mag share nalang tayo sa popcorn." Sabi niya at inilagay na sa gitna naming dalawa ang popcorn niya.

Maya maya lang ay nag simula na ang palabas kya tumingin na ako sa harapan kung nasaan ang big screen. Kahit pa paano ay nakikita ko pa naman ito pero kapag tumingin na ako sa gilid ko, hindi ko makita pa ang paligid nito. Kahit si Kijan na katabi ko at malapit saakin, hindi ko na maaninag pa ang mukha niya.

Ang inexpect ko, ako ang hahawak sa braso ni Kijan hanggang sa matapos ang movie. At siya ang yayakap saakin sa tuwing matatakot ako. Pero ang kinalabasan, siya ang lumingkis sa braso ko buong mag damag na pati yung popcorn na pinaghahatian namin, eh nahulog ng dahil sa lakas ng sigaw niya nung magulat siyang may lumabas na multo sa ilalim ng kama.

Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ng mga tao sa paligid namin dahil nung napahiyaw si Kijan, sumaboy nalang yung popcorn at nag kalat sa sinehan. Kung ano kasing laki ng katawan niya, ay siya ding tiklop niya sa mga palabas na nakakatakot. Kaya naman pala puro action movies ang gustong panoodin kanina dahil mapapahiyaw lang siya sa sinehan. Kaya imbes na matakot ako kanina, napatawa nalang ako ng napatawa dahil parang kinukurot kurot lang siya sa singit niya. Hindi ko akalaing marunong pala din pala siyang maging boses bakla for once. Nagmistulang comedy tuloy yung pinapanood namin dahil tawa lang ako ng tawa.



"Never again." Madiin niyang sabi ng makalabas kami ng sinehan.

"Maganda naman ah. Nakakatakot nga, eh." Pilit kong pinipigilang hindi matawa dahil sa mga pumapasok na eksena kanina sa loob. "Nakakatakot na baka maging bakla ka!" At doon na nga ako napahalakhak. Hindi yung eksena sa movie yung natatandaan ko eh, kundi yung pagsaboy ni Kijan ng popcorn pati yung bongga niyang hiyaw sa loob.

Naka poker face naman itong humarap saakin. "HA-HA, nakakatawa." Sabi niya at nauna ng mag lakad.

"Ito naman! Masyadong seryoso!" Tumigil na ako sa kakatawa at sumunod na sa paglakad niya. Hindi pa naman siya gaanong malayo saakin kaya agad ko ding nahawakan ang kamay niya ng mapantayan ko siya. "Ayos lang 'yon. Madilim naman kanina kaya hindi nila alam ang itsura mo." Dagdag ko pa.

Nag make face naman siya sa harap ko. "Nagulat lang talaga ako." Depensa niya sa sarili niya.

"Oo na nagulat kana." Sabi ki at tumingin sa harap namin habang patuloy lang ang paglalakad. "Kaya pala buong magdamag kang naka lingkis sa braso ko." Bulong ko.

"Ha, may sinasabi ka?" Sabi niya kaya napatingin ako sakanya. Umiling iling ako at ngumiti ng sobrang lapad.

"Wala!" Sagot ko. Ibinalik ko na ulit ang tingin sa harap at habang nag lalakad, pinagusapan nalang namin kung saan kami susunod na pupunta.

Nag tingin tingin nalang muna kami sa ilang mga shops at dahil sa ayaw ni Kijan na lalabas ng walang binibili, ibinili niya ako ng damit at sapatos. Wala pang kalahating oras na paglilibot, eh may bitbit na siyang limang paper bags. Kaya itinigil na namin ang pag gagala sa malls at pagpapasok sa loob ng mga shops dahil paniguradong kapag nag ikot pa kami ng nag ikot, papasok at papasok lang kami sa mga shop at lalabas ng may tig iisang paper bag.

Nang makakita ako ng Ice cream shop, hinatak ko na agad si Kijan papasok sa loob. Puro pastel colors ang kulay ng pintura at mga gamit sa loob ng Ice cream shop na ito. Mga babae lang din ang nasa loob at ang iba ay mga bata pa. Napatingin naman ako kay Kijan at nakita kong inililibot ng mga mata niya ang paligid nitong Ice cream shop.

"Gusto mo ba sa iba nalang tayo?" Tanong ko sakanya. Parang ang awkward kasi na ang manly manly ng itsura niya tapos kakain siya ng Ice cream na puro pastel colors pumapalibot sakanya. Unicorn pa nga ata ang concept nitong Ice cream shop na 'to.

"Gusto mo ba dito?" Balik niyang tanong at tumingin saakin.

Mukhang masasarap din kasi ang Ice cream nila dito. Ang ganda din ng shop na ito pero nakakailang naman kasi kung kasama ko si Kijan dito lalo na kung siya lang yung nag iisang lalake. "Mayroon namang ibang Gelato shop. Doon nalang tayo." Sabi ko nalang.

"Dito nalang tayo. Kung saan mo gusto.." Sabay hinawakan niya ang kamay ko at naupo na kaming dalawa sa couch. Lumapit agad saamin ang waitress at tinanong ang order namin.

Habang kinakausap ni Kijan yung babae, para akong nabinge dahil wala akong naririnig sa pinag uusapan nila. Nakatingin lang ako kay Kijan at hindi mapigilang hindi mangiti at maisip na ang swerte ko talaga sa lalakeng 'to.

Karamihan kasi sa mga lalake, hindi magagawang mag stay ganitong klaseng lugar lalo na kung ganito ang kulay ng paligid. Pakiramdam kasi nila nakakabakla tignan. At kahit pa gustong gusto ng girlfriend nilang mag stay, aalis at aalis sila dahil iniisip nila yung magiging tingin ng iba sakanila. Pero para kay Kijan, hindi niya na iisipin kung ano ang sasabihin ng iba basta kung ano ang gusto ng girlfriend niya, doon din siya.

"What about you, Love?" Nabalik ako sa wisyo ng tumingin na saakin si Kijan.

"Ikaw, ano bang inorder mo?" Tanong ko at lumapit ng kaunti sakanya.

"I just ordered Café Americano." Sabi niya.

"Yun lang?" Tumango naman siya. "Ayaw mong mag dessert? Cake, macaroons, cupcake?" Tanong ka pa.

"Nope, coffee is enough for me." Hay, napaka coffee person talaga ng lalakeng 'to. Konti na nga lang pu-pwede na siyang maging barista dahil sa pagka-adik niya sa kape.

"Okay." Yan nalang ang nasagot ko dahil hindi ko din naman siya mapipilit. Tinignan ko na ulit ang menu at namili ng o-orderin ko. "One oreo cheesecake for me and matcha green tea latte." Sabi ko sa babaeng kumukuha ng order namin.

"Is that all, Ma'am?" Tanong niya kaya tumango ako. "One Café Americano, one oreo cheesecake and matcha green tea latte." Pag uulit niya sa mga inorder namin. Matapos niyang sabihin ay umalis nadin siya.

Habang nag hihintay, palihim ko munang kinuha ang camera ko at pasimpleng kinuhaan si Kijan ng picture. Syempre, naka stolen na naman siya. Ang ganda pa ng nasa likod niya kundi isang malaking unicorn na pinalilibutan ng mga glitters. Yes naman dyan! Parang unti unti ng nilaladlad ang totoong pagkatao niya!

Kukuha pa sana ako ng picture ng bigla na siyang humarap at nakakunot ang noong tumingin saakin. Nako, galit! "Love, may tanong nga pala ako sayo."

"Ano 'yon?" Sabi ko ng hindi padin tumitigil sa pag click ng camera. Nakakatuwang makita siyang nakatingin sa camera dahil nakakailang pictures na ako kanina da-dalawa lang ang mayroong siyang nakaharap saakin. Kaya dadamihan ko na kung may pagkakataon. Bakit, mapagsamantala ako eh!

"Hindi parin ba okay ang mga mata mo?" Natigilan ako sa pag pindot sa camera ng tanungin niya 'yon saakin. Unti unti kong ibinaba ang camera at inilapag sa lamesa.

"Bakit mo na tanong?" Sabi ko at pinipigilang hindi mag pahalata ng pagkabigla sa naging tanong niya.

"Napapansin ko lang kasi na palagi kang hirap makakita sa dilim." Sagot niya.

Nagkunwari naman akong natawa. "Sino ba naman kasing hindi mahihirapang makakita sa dilim?" Tumatawang sabi ko para lang hindi niya mahalatang kinakabahan ako na baka mag tanong pa siya ng kung ano ano tungkol sa mata ko at lumabas ang totoo.

"Ang ibig kong sabihin yung para kang nakapikit tapos wala kang makita. Blangko lahat. Ganun ba ang pakiramdam sa loob ng sinehan pati narin kapag magkasama tayong matulog at nakakalimutan kong buksan ang lamp shade sa gabi?" Dire-diretsyo niyang sabi.

Umiling ako. "Hindi." Hindi ko na mabilang kung ilang kasinungalingan ang sinabi ko sakanya para lang pagtakpan ang katotohan para lang hindi siya masaktan. "Takot lang talaga ako sa dilim." Dagdag ko.

Mag sasalita pa sana si Kijan ng dumating na ang waitress at inilapag na sa lamesa ang order naming dalawa. 

Kinuha ko ang tinidor at tinikman ang oreo cheesecake. "Wow, ang sarap!" Masayang sabi ko habang ngumunguya nguya. "I-try mo." Alok ko at inilapit sakanya ang plato.

"Huwag na. Sa nakikita ko palang, mukhang masarap nga talaga." Sagot niya matapos humigop sakaniyang kape.

Itinusok ko ang tinidor ko sa cheesecake at nang maka kuha, agad kong isinubo sakanya. "Odiba, masarap?" Sabi ko habang siya hindi makasagot dahil inginunguya ang sinubo ko sakanya.

"Ang tamis." Komento niya.

"Ganito naman lahat ang lasa ng cheesecake, 'no." Tugon ko at nag patuloy nalang sa pagkain.

"Dahan dahan lang sa pag-kain." Sabay pinunasan niya ang tabi ng labi ko gamit ang napkin. "Where do you want to go next?" Napaisip naman ako sa naging tanong niya. Actually, marami na akong naiisip na puntahan namin after namin kumain dito.

Gusto kong mag punta sa park habang naglalakad lakad at nag kwe-kwentuhan ng mga masasayang ngyari saaming dalawa. Kahit pa mag pang abot na kami ng gabi ng nasa park lang at nakaupo sa bench, sabay naming tutunghayan ang ganda ng kalangitan sa gabi dahil sa mga nag kikislapang bituin. Gusto kong siya ang huling kong kasama gawin ang mga bagay na 'yon.


"Puntahan natin yung park kung saan mo ako madalas dalhin." Ayoko mang bigyan ng malungkot na alaala ang park na 'yon pero dahil doon kami nag simula, gusto kong doon nadin mismo mag wakas.

"Masusunod, Mahal ko." Nakangiting tugon niya. Inalis ko na din agad ang tingin ko sakanya dahil hindi ko maatim na tignan siya ng mayroong matatamis na ngiti ng dahil saakin.






Umaandar ang oras. Papalapit na ng papalapit ang pag sapit ng gabi. Nandito na kami ngayon sa park ni Kijan at pinapanood ang mga batang nag tatakbuhan habang hawak hawak ang kani-kanilang mga lobo. Puno ng saya ang nakikita sa mga mukha nila na tila para bang hindi mo makikitaan ng pagod kahit takbuhin nila ang buong park na ito.

Hindi naman gaano kadami ang taong naririto ngayon. May ilan ilang couples na nakaupo sa damuhan habang ang lalayo ng tingin. May pamilyang nag pipicnic. May mga mag babarkadang nag kakantahan habang nakapalibot sila sa isa nilang kaibigan na nag gigitara.

At kami? Heto. Para din lang kaming mga ordinaryong mag couples na naisipang mamasyal sa park. Hindi man kami gumastos ngayon ng pagkamahal mahal para maging isang best na best date 'to para saaming dalawa, pagiging masaya lang ng magkasama ay sobrang perfect na.

At dahil doon, ito ang araw na hindi ko magagawang makakalimutan ng basta basta. Sa lahat kasi ng naging date namin, dito lang talaga ako nakaramdam ng sobrang saya. Hindi na nga halos mawala ang ngiti sa labi ko. Napaka daming pictures nadin ang kinunan ko kasama si Kijan. Gusto ko kasing i-cherish ang bawat minutong kasama ko siya. Ayokong may nasasayang akong oras habang malinaw pa ang mga mata kong nakikita ang mga ngiti niya.

"Sobrang saya ng araw na 'to! Gusto kong maulit uli ito." Napatingin ako kay Kijan habang nakatingin siya sa kalangitang mag didilim na. "Love, thank you for this day." Inalis niya na ang tingin niya sa langit at ibinaling saakin.

Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Hindi din naman magiging masaya ang araw na 'to kung wala ka.. Thank you din and you're welcome." Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko eh, para akong naiiyak habang nakikipag usap ng ganito sakanya.

Binitawan niya ang kamay ko para akbayan ako. Napatingin nalang ako sa langit para pigilan ang luha kong gusto ng bumagsak. "Hindi ko inakala na pu-pwede pala akong magmahal ng ganito sa isang tao. Hindi mo siguro alam kung gaano ako ka swerte at kasaya nung una kitang makilala. Marami akong natutunan sayo. Alam ko na ang corny pakinggan nito, at sasabihin mo na namang lover boy ako. Pero wala na akong pake. Sayo ko natutunan na kapag nag mahal ka ng isang tao, dapat buong buo. Kaya naman kapag may isang taong nag mamahal, kailangan mahalin nila ang isang katulad mo. Mabuti nalang talaga at naunahan ko sila." Sabay tawa niya. Hindi ko na napigilan ang luha ko at bumagsak nalang talaga sila ng kusa.

Paano ko magagawang saktan ang ganitong klaseng tao na parating pinapa-realize saakin kung gaano ako kahalaga. Sobrang sakit isipin na, oo msaya kami sa ngayon pero darating at darating ang oras nag pag sisihan ko din na hindi ako umalis gayung mayroong pagkakataon. Ayokong makitang mag hirap siya gaya ng pag hihirap na nararanasan ko ngayon.

Tumayo si Kijan mula sa kinauupuan ko at nagulat nalang ako ng bigla siyang lumuhod sa damuhan. Kahit madilim na ay kitang kita ko padin ang maluha luha niyang mga mata.

"Tumayo ka nga d'yan!" Naguguluhang tanong ko at hinawakan ang kamay niya pero hinalikan niya lang ito at saka binitawan.

Ilang sandali lang ay may hinugot siyang isang maliit na box sa bulsa niya. "I will ask you again..." Garalgal na ang boses nito at nakita ko narin ang pag patak ng luha niya. "Will you marry me?"

Masaya mang isipin na, sa wakas! Tinanong niya narin ang pinakahihintay ko! Kahit na alam ko sa sarili ko na, itong sayang 'to alam kong panandalian ko lang mararamdaman ito.

Humugot ako ng lakas at ito ang naging sagot ko sakanya. "Narinig mo ba yung sinabi ko kanina?"

Bakas sa mukha niya ang pagtataka ng sabihin ko 'yon. "Ha?"

Ngumisi ako at pinunasan ang pisngi ko dahil sa luhang pumatak  mula sa mga mata ko. "Bakit ba paulit ulit ka? Gusto mo ba maging totoo talaga ako?" Pinilit kong hindi gawing basag ang boses ko para lang hindi ako maiyak sa harapan niya. Pinilit kong maging matatag pero sobrang wasak na wasak na ang puso ko dahil hindi ko akalain na magagawa kong sabihin ang lahat ng 'to kay Kijan. Sa taong mahal na mahal ko..

Natatawa siyang tumayo mula sa pagkakaluhod niya sa damuhan. "Ano bang sinasabi mo?" Nawala ang tawang nakaguhit sa labi niya at saka tumingin saakin. 

Iniyukom ko ang mga kamay ko at nagpakawala ng pag hinga. "Ayoko talagang magpakasal sa'yo." Diretsyo kong sagot at nakita ko ang pagkawala niya ng balanse. 

Napahawak ang isa niyang kamay sa noo niya habang natatawa tawa na tila ba parang joke lang ang narinig niyang sinabi ko. "Sige, kakalilimutan ko ang mga sinabi mo ngayon. Huwag mo narin isipin na nag propose ako sa'yo." Hinawakan niya ang mga kamay ko habang nakatingin sa mga mata ko. "Huwag kang magsabi ng ganyan. Hindi magandang biro 'yan."

Inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ilang segundo akong nakatingin sakanya dahil hindi ko maatim ang sasabihin ko sa harapan niya na alam kong pang habang buhay kong pag sisisihan. "Ayon naman talaga ang totoo, eh. I don't have any plans of being with you. Kasal? Hindi ko na pangarap maging asawa mo. Dati, oo sige. Pero ngayon nag bago na, eh. Hindi na yung sobrang mahal na mahal ka. Yung tipong maghahabol ako sa'yo pag nawala ka. Kaya tayo nandito ngayon, kaya ngyari ang lahat ng kabaduyan na 'to dahil baka sakaling may mag bago. Baka sakaling bumalik yung dating kong nararamdaman para sa'yo. Pero wala, eh. Wala na yung kilig, wala na yung saya, wala. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Doon ko lang nalaman na kaya ko lang pala ginagawa 'to kasi, 'yon yung gusto ng lahat kasi dun na sila mas nasanay. Ngayon, alam ko na ang sagot. Napipilitan lang pala talaga ako dito. Lahat ng natira puro kasinungalingan."

Matapos kong sabihin 'yon ay bigla niyang itinapon niya sa malayo ang box na hawak hawak niya kasabay ang isang malakas na kulog. "So you're just faking the whole time?" Madiin na sabi niya at kitang kita ko ang galit sa mukha niya. Sobrang bigat na bigat na ako sa pakiramdam ko. Hindi ko na kayang sagutin pa ang tanong na 'yan ni Kijan. "Fucking answer me!" Halos mapaatras ako dahil sa sigaw niya sa harapan ko.

Napahawak ako sa kamay ko at tumingin lang sa baba dahil tumulo na ng tumulo ang luha ko. "Oo... Wala na akong pake kung maging masama man ako sa paningin mo. Kung sa tingin mo, ginamit kita I'm sorry. Sinubukan ko naman, eh. Nadala lang pala ako ng nararamdaman mo, sa mga sinasabi nila." 

"Tumingin ka sa mga mata ko.. Saka mo sabihing hindi mo ako mahal." Mahinahon niyang sabi ngunit dinig ang pagka basag ng boses nito. 

Dahan dahan kong iniangat ang tingin ko sakanya at nakita kong walang tigil ang luha niya sa pagpatak. Nasasaktan ako.. Ang iniisip ko nalang talaga ngayon, gusto ko ng tapusin 'to para hindi ko na makita pang nagkakaganyan si Kijan ng dahil saakin.

"Hindi na kita mahal."

Nakita ko ang pag awang ng mga labi ni Kijan. Wala siyang naging sagot sa sinabi ko at nanatiling nakatayo sa harapan ko habang nakatingin saakin. Maya maya lang ay nakita kong dahan dahan niyang inilakad ang mga paa niya pa-atras at saka tumalikod. Doon nalang nag sibagsakan ang mga luha ko ng walang pahintulot. Sobrang nang lalabo ang mga mata ko habang tinitignan si Kijan na siyang naglalakad papalayo saakin.

Tinignan ko ang likuran ko at hinanap ang maliit na box na ibinato niya kanina. Wala na namang masyadong tao dito sa park kaya walang nakapansin kung saan iyon naibato. Humahagulgol ako habang walang tigil ang luha ko habang tinatanong sa sarili ko kung nasaan ang box na 'yon.

Sa saglit na paghahanap, nakita ko narin ang box na ibinato niya kanina. Nandito sa punong minsan na akong nakatulog at napanaginipan si Kijan..

Masaya kong binuksan ang maliit na box kahit pa iyak ako ng iyak. Nag ningning agad ang mga mata ko ng makitang isa 'tong sing sing. Mas lalong lumakas ang pag iyak ko habang nakatingin sa singsing na kahit dumidilim na ay tingkad na tingkad padin ang maliit na dyamante nito sa tuktok. Isinuot ko na ito sa daliri ko at saktong sakto lang ang sukat nito. Nakangiti ko itong pinag masdan habang nasa kamay ko.

Sobrang ganda..

Lumingon ako sa likuran ko at tinignan kung nasaan si Kijan pero hindi ko na siya matanaw tanaw. Tumakbo ako papunta sa bench kung saan kami nakaupo kanina. Baka sakaling dito eh, makita ko siya.

Sumilay agad ang ngiti sa labi ko ng maaninag siya ng mga mata ko. Pero agad ko din naibaling sa isang humaharurot na itim na sasakyan papunta sakanya.



"KIJAN!" Sigaw ko sa pangalan niya. Napatingin naman siya sa gawi ko at dapat sana maglalakad papunta saakin ng bigla nalang..


Nanghina nalang ang mga tuhod ko at para akong sinabuyan ng nagyeyelong tubig sa buong katawan. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo at ang oras..


At hiniling na sana ibalik ang oras..




Pero imbis na takbuhin siya, naramdaman ko nalang ang pang hihina ng buong katawan ko. Walang anu-ano'y bumagsak din sa kinatatayuan ko ng hindi inaalis ang tingin ko sa walang malay na si Kijan na siyang napapaliguan ng sarili niyang dugo. Kasabay nito ang panlalabo ng mga mata ko at ang pag sikip ng dibdib ko.





"Kijan.." Nang hihinang tawag ko sa pangalan niya hanggang sa unti unti ng mag sara ang mga mata ko.






















follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @chaially20

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 61 122
CODE GRAY Book 1, Part 1 Van feels upset when it comes to these things - friends, family, trust and the truth she wants to know, the truth about her...
852 135 35
Zianna Ysabel Blanc, an elite secret agent known for her exceptional skills and unwavering dedication to her missions. Her latest assignment: protect...
2K 131 48
"let's dance under the snow"
2.6K 170 47
Nothing is scarier than the voices and personalities inside your mind.