Chapter thirty

983 17 1
                                    

Lumalim pa ang palitan naming dalawa ng halik. Naramdaman ko nalang ang pagdala niya saakin sa kwarto without breaking our kiss. Gumala ang mga kamay niya sa likod ko papunta sa butones ng suot kong polo at dahan dahan na tinanggal isa isa ang butones nito. Hinimas himas ko din ang matigas nitong katawan at dinadama ang bawat parte nito. Hindi ako nag reklamo o kung ano man dahil gusto ko din ang pwedeng mangyari ngayong gabi.








Tinanggal ko na ng tuluyan ang polo ko at inangat ang mga tingin sakanya. "You lost so much weight, Love." Sabi niya habang nakatingin sa katawan ko.

Naiinis ako sa mga tingin niya ngayon. Yung tingin na dati ko pa hinahanap sakanya pero hindi niya maibigay saakin. Bakit kung kailan pakakawalan ko na siya saka niya gagawin ngayon 'to saakin?

Niyakap ko nalang siya para rin iwasan ang mga mata niyang hindi ko kayang tignan pa ng matagal. "Gawin nalang natin 'to kahit ito na ang huli." Bulong ko habang yakap yakap niya.

Gusto ko man makasama siya sa lahat ng pinaplano kong gawin sa buhay, kaso hindi pwede.

Gusto ko man siyang ipagmalaki sa buong mundo, kaso hindi pwede.

Gusto ko man siyang makasama habang buhay, hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari.

Siya na mismo ang nag sabi na hindi na kami pwedeng mabalik pa sa dati. Hindi na pwedeng magkaroon ng ako at siya.





Parang dito na ata nag tatapos ang storya.





Mahirap pilitin ang isang taong mahalin ka. Tulad ng pagmamahal na binibigay mo sakanya. Mahirap na ikaw lang yung nag pa-plano para sainyong dalawa—para maging masaya kayong dalawa. Mahirap ipagmalaki siya sa buong mundo, kung tinatago lang niya ang sarili niya sa likod mo. Lalong lalo na, hindi mo pwedeng makasama ang isang tao habang buhay kung una palang hindi niya na hiniling na ikaw mismo ang pinapangarap niyang pang habang buhay.









Ang sakit diba?


That's how I felt while looking at him right now. Pakiramdam ko pinupunit punit pira-piraso ang puso ko na matatagalan pa ata para muling buuin ito.








Hindi ako nakatulog after we made love—for me. Nakatingin lang ako sa mukha niya buong magdamag. Hindi ako nag sawang titigan ang maala anghel niyang mukha. I slighty stroke my fingers to his forehead down to his pointed nose. Maingat ko lang iginagala ang daliri ko sa makinis niyang mukha dahil natatakot akong magising siya at paalisin ako na parang hindi kami nagkakilala. Na parang wala lang ako sakanya.

Is it too much? Na humiling sakanya na pag bigyan akong titigan ang mukha niya dahil ito na ang pinaka huling beses na mahahawakan ko at makikita ko ang mukha niya ng ganito ka-malapitan..

Sa lumipas na oras at iniisip ang mga ngyari saamin, pati narin habang tinitignan ko ang mukha niya, nakapag isip isip ako.


Buo na ang desisyon kong lumayo sakanya at umaktong hindi siya nakilala.






"I love you.." Naiiyak kong sabi habang nakatingin sakanya. Hinawakan ko ang pisngi niya at maingat na hinaplos iyon. Dahan dahan akong lumapit sakanya at hinalikan ang noo niya. "You were the hardest lesson, I ever had to learn. Yes, I love you. But I'm done fighting for your attention.."







Bago pa man ako humagulgol sa harapan niya at magising siya, kumilos na ako at sinuot ang mga damit ko. Pagkatapos ay tahimik na akong umalis sa Penthouse niya.


















Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon