Chapter twenty seven

1K 21 2
                                    

Lumapit si Anj saakin at hiniwakan ang pulso ko. Napatingin ako sakanya at nakita ko siyang sinesenyasan akong yumuko sa harapan niya. Binalik ko ang tingin ko sakanya at hindi na inalis pa. "Mikee, siya ang CEO." Narinig kong sabi ni Anj kaya naman napangisi ako.

Tumayo ako ng diretsyo at alam ko sa gagawin kong 'to, pwede akong matanggalan na ng trabaho pero wala na akong pake. Kung sakanya lang din naman nanggagaling ang perang, pinag ta trabahunan ko mas mabuting pulutin nalang sa kalsada.

"Hindi siya Diyos para yukuan niyo." Sabi ko at kitang kita sa mga mata ng mga taong nandirito ang pagka gulat.

Naramdaman ko ang pag higpit ng kamay ni Anj sa pulso ko. "Ano bang sinasabi mo? Huwag kang mag salita ng ganyan sa harapan ng President." Pag pigil saakin ni Anj.

Lumakad ako papalapit sa sinasabi nilang 'CEO' Hindi ko maatim pa na sabihan ang pangalan ng lalakeng ito. Pumunta ako sa harap niya at nakita kong wala bakas ng pagkagulat sa mukha niya.

"Kung hindi mo alam Mr. President, lahat ng nag ta trabaho dito mas kilala kang tawagin na Big Shot. Ayon sakanila, para ka daw isang bala na iiwasan mo kapag nakasalubong ka." Bawat salitang binibitawan ko ay may diin sa mga iyon. Iniwas ko ang tingin ko sakanya at tumingin sa mga taong patuloy lang na nakayuko pero alam kong nakikinig. "Tama nga naman. Hindi na ako mag tataka kung bakit iyon ang tawag nila sayo." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa saka nag salita. "Mag suot man ng napaka mahal at napaka gandang damit ang isang tao, naka paloob padin doon ang mga dugong dumanak ng dahil--"

Natigil ako sa sasabihin ko ng may dalawang lalakeng hinawakan ang braso ko. Hindi ko padin inalis ang mga titig ko sakanya kahit pa hindi niya ako tignan alam ko na hindi niya aakalain na magagawa ko 'yon.

"Bitawan niyo siya." Utos niya kaya dahan dahan naman akong binitawan ng dalawang lalake.

"Hindi niyo na ako kailangan hilahin pa palabas. Dahil ako mismo ang magku-kusang lumabas sa Kompanyang 'to." Tinignan ko siya ng huling pagkakataon at lumakad na ako papalabas.


Hindi na ako lumingon pa kahit na naririnig ko ang tawag saakin ni Cha at Anj. Tuluyan na akong nakalabas sa lugar na hinding hindi ko na ulit papasukan pa. Pagkarating ko sa kotse ko, agad ko ng binuksan ang pintuan ng sasakyan ko at balak na sanang pumasok ng may mag sara ulit nun kaya napalingon ako sa likod ko kung sino iyon.

"Hindi nga siguro kayo nag kakaintindihan kaya kayo nag hiwalay." Si Dace.

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong sakanya pero lumakad siya papalapit saakin habang may dala dalang ngiti sa labi. Napaatras naman ako hanggang sa tumama na ang likod ko sa kotse. Wala na akong maaatrasan pa.

"Naalala mo pa ba ng tanungin kita? Kung anong naging dahilan ng pagkakahiwalay niyong dalawa?" Bigla namang pumasok sa isip ko ang ngyari noon nung nasa Coffee shop kami tatlong araw na ang nakakalipas. "Sinagot mong hindi pagkakaintindihan ang naging dahilan pero sa nakikita ko, napaka lalim ng galit mo sakanya."

Napayukom ko ang kamay ko at hindi nag papahalatang apektado sa mga sinabi niya. "Iyon ang totoong dahilan." Sabi ko.

Humakbang siya pabalik sa pwesto niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag. "Kung ganon, nakaka interesadong malaman 'yan." Nakita ko ang ngiti niya na para bang may kakaiba.

Sumeryoso ang mga tingin ko sakanya. "Hindi mo kailangan maging interesado sa buhay naming dalawa." Sambit ko. Tumalikod na ako sakanya pero natigil akong muli ng magsalita siya.

"Binalak niya din bang gawin sayo ang ginawa niya sa ex girlfriend niya 5 years ago?" Nang marinig ko iyon halos mawalan ako ng balanse. Buti nalang at naikapit ko ang kamay ko side mirror ng kotse ko.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon