Rodavlla Samiera University:...

By BraveJoan01

20.9K 2.1K 153

June 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira had always been close to any tr... More

CAST AND CHARACTERS
Prologue
CHAPTER 1: Hello Philippines
CHAPTER 2: Mall
CHAPTER 3: First day of trouble
CHAPTER 4: Demonic Eye Gang (D.E.G)
CHAPTER 5: Meet Kevin Steeford
CHAPTER 6: Fight or Trouble?
CHAPTER 7: Infirmary
CHAPTER 8: Chester & Arzi
CHAPTER 9: S. Fire
CHAPTER 10: Ace of Spade (You're Dead)
CHAPTER 11: Dangerous way
CHAPTER 12: Invitation
CHAPTER 13: Punishment
CHAPTER 14: The truth
CHAPTER 15: Acquaintance Bloody Party
CHAPTER 16: In Hospital
CHAPTER 17: Blush
CHAPTER 18: Gangsters Group
CHAPTER 19: With them
CHAPTER 20: I miss you!
Ms. BraveJoan01's Note
CHAPTER 21: History
CHAPTER 22: Volleyball
CHAPTER 23: New Group of Gangsters
CHAPTER 24: Under the Rain
CHAPTER 25: Underground Battle
CHAPTER 26: Star Bravierz
CHAPTER 27: Star Bravierz vs. Black Angel
CHAPTER 28: Boyfriend
CHAPTER 29: DIE
Chapter 30 : Tape
CHAPTER 31: Looking for Amira
Chapter 32: Poor Amira!
Chapter 33: I'll court you!
Chapter 34: Date
Chapter 35: James & Joanna
Chapter 36: Christoff
Chapter 37: Death Threat
Chapter 38: Star Bravierz vs. Red King Warrior
Chapter 39: Finding Joanna
Chapter 40: Lover's Quarrel ( Jealous )
Chapter 41: Star Bravierz vs. Demonic Eye
Chapter 42: Suspicious
Chapter 43: Big Reveal
Chapter 44: Take the chance
Chapter 45: Letting go
Chapter 46: Keychain
Chapter 47: Kienna in danger
Chapter 48: Painful
Chapter 49: Debut
Chapter 51: Her Last word
Chapter 52: After a few days
Epilogue
Miss BraveJoan01's Note

Chapter 50: The Bloody Clash

232 16 0
By BraveJoan01


Amira's POV

Unknown number

Dadaloy ang pighati sa madugong labanan.

Don't be happy. The enemy's are there. You only have 60 seconds. Tik tak tik tak.

_____ _ __ _

Halos manlaki ang mga mata ko. Kinabahan ako bigla. Hindi ito maganda. Ito na yung kinakatakot ko. Totoo na ito. Tumingin ako sa wrist watch ko. 11:59pm. Tumingin ako kay Kevin.

"Have you know about this?"

Pinakita ko sa kaniya yung natanggap kong message. Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Tumingin siya sa paligid.

Kinuha ko yung lapel kay Kevin.

"All of you, be prepared. Reapers, gangsters, protect everyone. Nakapasok ang kalaban."

Utos ko na ikinabahala ng lahat. Umingay ang paligid.

Akala niyo ba happy ending na? Well, yun din ang akala ko pero umpisa pa lang pala ito.

***
Third Person's POV

Lubos na ikinabahala ng lahat ang anunsyong ibinigay ni Amira. Natataranta at tila naguguluhan pa ang iba. Naging alisto naman ang mga reapers at gangsters. Ang mga estudyante ay nagkaroon ng kaniya-kaniyang direksyon na tinahak. Ang iba ay nagmadaling pumunta sa kanikanilang dorm at ang iba ay nagsipasukan sa mga classrooms para magtago. Takot at kaba ang nararamdaman nila.

Si Amira naman ay ipinag utos kina Tito Jegs niya at sa ibang reapers na ilayo na dito ang kaniyang pamilya.

Ang mga gangsters naman ay may kaniya-kaniya ding ginagawa. Ang iba ay sinamahan ang mga estudyanteng pumunta sa lugar kung saan ligtas magtago. At inihanda ang mga armas na gagamitin nila.

Si Kevin naman ay tinatawagan ang dad niya pero hindi ito sumasagot, kaya si Xander na lang ang tinawagan niya.

"Sorry, boss. Hindi ko napigilan ang dad mo. Biglaan din ang nangyari."

Nawala si Amira sa paningin ni Kevin. Nagkakagulo na rin ang lahat. Marami pang naiwang estudyante sa court.

Si Amira naman ay tiningnan ang wrist watch niya.

"5 seconds." tanging salitang lumabas sa bibig niya.

Wala siyang ibang dalang armas kundi ang mga needle na nakatusok lang sa buhok niya.

"4"

Pero hindi naman basta needle yun dahil may lason ang needle na iyon na siyang pwedeng magpabagsak sa kalaban.

"3"

Biglaan ang nangyari kanina kaya hindi siya nakapagdala ng mga armas dahil nga sa surprise para sa birthday niya.

"2"

Inihanda na niya ang sarili niya habang nagkakagulo ang paligid.

"1"

..at sa pangalawang pagkakataon ay muling namatay ang lahat ng ilaw.

Iba't ibang sigaw ang maririnig mula sa mga estudyante. Mga natatakot, umiiyak at tila ba katapusan na ng lahat.

*BOOGSH

Isang malakas na pagsabog ang naganap dahilan para magkaroon ng malakas na pagyanig. Ang pagsabog ay naganap sa gate ng University na labis na ikinasira nito. Sinadya iyon ng kalaban para mas mapadali ang pagpasok nila sa loob ng University.

Mga limang minuto matapos ang pagsabog na iyon ay sa wakas ay nagkaroon na muli ng ilaw sa buong University. Nagbigay ito ng liwanag sa paligid na siyang nagmulat sa mga mata ng bawat isa ngunit hindi naging maganda ang naging resulta. Sa pagkakataong iyon ay ipinanalangin nila na sana hindi na lang bumukas yung mga ilaw, na sana hindi na lang nagkaroon ng liwanag, na sana hindi na lang nila nakita yung mga nakita nila. Pero ano bang magagawa nila? Kailangan nilang tanggapin pero kailangan din nilang labanan yung takot nila at magpakatatag.

Mga estudyanteng nakahandusay sa sahig, may malay man o wala. Mga estudyanteng duguan at sugatan. Ang mga arrow at kutsilyong nakatusok sa iba't ibang parte ng katawan nila na para bang ginawang  isang laruan.

Ang mga makukulay na kurtina, ang mga puting mantle na nakalagay sa lamesa, ang mga iba't ibang kulay na nakaribbon sa bawat upuan, ang mga magagandang kasuotan ng mga estudyante, ang sahig, ang lahat, ang lahat ay nahaluan na ng kulay pulang likido. Marka ng dugo na nagmula sa mga inosenteng estudyante.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan ang lahat. Natulala dahil sa nakikita nila ngayon hanggang pumalahaw na nga ng iyak ang halos lahat na estudyante, inosente man o hindi, iisa ang nararamdaman nila. At yun ay ang sakit. Masakit para sa kanila ang mawalan ng kaklase, kaibigan at kapamilya.

Pero si Amira iba ang nararamdaman ngayon. At yun ay ang galit. Galit sa mga taong may kagagawan ng lahat ng ito.

***
Amira's POV

Hindi ko magawang tingnan ang mga inosenteng estudyante na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.


Ilang estudyante pa ba ang madadamay? Ilang tao pa ba ang kailangang mawala? Ilang buhay pa ba ang kailangang isakripisyo at itaya? Gaano karaming dugo pa ang aagos?

Wala. Wala na. Wala na dapat. Hindi ako papayag na matapos ang lahat na wala man lang akong nagagawa. Hindi ako papayag na sumikat ang araw na hindi ko man lang mapagbayad ang mga taong salarin sa pangyayaring ito.

Humanda kayo.

"Kayo na ang bahala dito." Utos ko kina Mike. Alam ko naman na hindi nila pababayaan ang mga estudyante.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Mike sa 'kin.

Lumagpas ang tingin ko sa kaniya. Mula sa likod niya ay natanaw ko ang sugatan na sina Kyze, Frank at Floey. Ngayon ko lang napansin na nasugatan din pala sila.

"Napaano sila?" tanong ko kay Mike.

"Nadaplisan ng kutsilyo si Floey sa braso, si Kyze naman ay nadaplisan ng arrow sa balikat. Buti na lang at hindi naulo. Pero si Frank, natamaan siya ng kutsilyo sa hita at sa tiyan."

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Tila ba nandilim na ng tuluyan ang paningin ko.

Tinalikuran ko na si Mike at nagsimulang maglakad.

"Amira, saan ka pupunta?"

"Sa impyerno."

Seryoso akong naglakad palabas ng court. May nakita akong kutsilyo sa sahig. Inapakan ko yung dulo nun para paliparin sa ere at tsaka ko sinambot. Ang kutsilyong ito ay nagmula sa mga ipinalipad ng mga kalaban kanina. At ang kutsilyong ito na pag aari nila ang siya ring papatay sa kanila.

Hindi pa ako masyado nakakalayo sa court nang may mga kalaban na sumugod agad sa 'kin. Mga nakaitim silang lahat. Pito lang naman sila kaya madali lang ito.

Eh 'di ginamit ko sa kanila yung kutsilyong nakuha ko. Sisipain pa sana ako nung isang lalaki, saksakin ko nga siya hita tapos sa tagiliran, ay bagsak agad. Yung isa naman tinandyakan ko na agad bago lumapit. Isa isa ko silang napabagsak. Hanggang sa matira itong matabang lalaki.

"Hoy, baboy." tawag ko sa kaniya. "Sigurado ka bang kaya mo ako? Halika't tatadtarin na kita." sabi ko habang hinahasa yung kutsilyo sa kamay ko.

"Anong sabi mo? Baboy?"

"Oo, baboy. Alangan namang unggoy, pero sabagay pwede rin naman."

Napikon sa 'kin si tabatchoy kaya sinugod na ako. Inilagan ko lang siya pero dahil sa sobrang bigat ng katawan niya eh dumiretso siya at nadapa.

Nilapitan ko siya at hinigit ko yung buhok niya patalikod.

"Nasa'n ang gagong amo mo?" Itinutok ko sa leeg niya yung kutsilyo.

"Hindi ko sasabihin."

"Okay, madali naman akong kausap."

Isinaksak ko sa leeg niya yung kutsilyo at hinugot ulit.

"Walang kwenta."

Naglakad na ulit ako sa kung saan man. Nangangati ang kamay ko. Gusto kong makakita ng iba't ibang dugo. Nasaan pa ba ang mga kalaban?

Bawat kalaban na nakakasalubong at nakikita ko ay ako na mismo ang sumusugod. Masyado nang nandidilim ang paningin ko.

Saksak dito, saksak doon.

Marami ng kalaban ang napatay ko pero kulang pa iyon. Maraming estudyante ang nawala. Buhay ang kinuha nila, buhay din ang kapalit. Dahil lintik lang ang walang ganti. Hindi rin sapat ang buhay ng mga t*rantadong tauhan na ito. Ang gusto ko eh yung buhay ng taong mag utos sa kanila nito. Puputulin ko na ang kasamaan niya.

"Nasaan ang walang hiyang amo mo?" tanong ko sa isang lalaki.

"Ba't ko naman sasabihin?"

"Dahil nagtanong ako."

"Wala kang makukuha sa--"

Ibinato ko sa kaniya yung kutsilyo at tumama iyon sa parteng puso niya.

"Bullseye." *Smirk

Natumba yung lalaki at hinugot ko yung kutsilyo sa dibdib niya sa may puso.

Napangiti ako ng makita ko ang pag agos ng dugo sa kutsilyong hawak ko.

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko sa mga oras na ito. Manhid na nga ata ako eh. Ni-hindi ko nga nararamdaman ang pagod.  Feeling ko nga mas lumalakas pa ako dahil sa mga dugong nakamarka sa mga kamay ko. Hindi ko na nga makilala ang sarili ko. Basta nananabik ako sa dugo ngayon. Hindi kaya bampira talaga ako?

Sa sobrang dami ng kalaban parang hindi sila nauubos. Ilan kaya itong nasa harapan ko ngayon? Siguro mga nasa 20. 20 vs. 1. Wow.

Pinalibutan nila ako pero wala pang sumusugod.
"Aba'y lapit."

Susugod palang yung isa eh sinipa ko na. Tumalsik tuloy sa mga kapwa niya kakampi.

Sunod sunod na silang nagsisuguran hanggang sa sabay sabay na sila. Umiwas lang ako ng umiwas kaya sila sila din ang nagkakasakitan.

Napailing na lang ako habang nakangisi nang marealize ko na apat na lang yung natira. Sila sila din kasi yung nagpatayan habang ilag lang ako ng ilag.

"Wow. Galing ah. Napatay niyo yung mga kakampi niyo." pang asar kong sabi sa kanila.

Isa-isa naman silang sumugod sa 'kin at isa-isa ko rin silang napabagsak hanggang sa itinira ko yung isa.

"Nasaan ang amo mo at papatayin ko." tanong ko habang nakasandal siya sa puno at itinutok ko sa leeg niya yung kutsilyo.

"Hindi ko alam." sagot niya at tinulak ako tsaka tumakbo. Naabutan ko naman siya.

"Tatakas ka pa, huh?" sabi ko at ginilitan ito sa leeg. Napalingon ako sa kanan ko nang makita ko ang isang lalaking nakaitim din. Mukhang natakot ata kaya biglang tumakbo. Hinabol ko naman agad.

"Tatakbo ka pa, huh? Ano tatakasan mo rin ako? Gusto mong itulad kita sa kaniya." Turo ko doon sa ginilitan kong lalaki.

"Ayoko na. Suko na po ako Princess Young Lady." sabi niya habang nakataas ang kamay.

"Good. Nasaan ang g*gong amo mo? SAGOT." sigaw ko. Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"Nasa rooftop po. Nasa rooftop po sila, Princess Young Lady." pasigaw niyang sagot at tila takot na takot.

Napangisi ako.

Malakas ko siyang binatukan dahilan para mawalan siya ng malay.

Sa rooftop? Nice. My favorite place.

***
Arzila's POV

Naglalakad kami ngayon ni Sandy para hanapin si Mirs. Sa pagkakaalam ko kasi walang dalang armas 'yon. Dala namin ngayon yung leather jacket niya. Bawat bulsa kasi nito sa loob ay may mga kutsilyo at baril. Isa pa ay kailangan niya ring suotin itong mask na bigay ni Tito Doc. Rey para kapag napagod siya maiiwasang atakihin siya ng asthma. At tsaka incase na magkaroon ng usok may pangontra siya.

Nasaan na ba yung babaeng 'yon? Ang dami na naming nakasalubong ni Sandy na kalaban eh hindi pa rin namin makita si Mirs.

Nanggaling na kami sa court eh. Hindi pa rin ako makarecover sa nakita ko. Mga walang hiyang 'yon, paano nila nagawa sa mga inosenteng estudyante iyon. Tapos pati yung ibang gangsters nasugatan na rin. Mukhang malala nga yung natamo ni Frank eh. Then, hindi pa talaga nakuntento ang mga g*gong kalaban at sumugod pa sa court, mga nakaitim sila. Nadaplisan pa nga ako sa braso nung sasaksakin ako nung isang panget na lalaki. Barilin ko nga, patay.

Tinanong ko rin kina Mike kung nakita nila si Mirs. Sabi naman ni Mike nakita niya kaya tinanong ko kung saan pumunta. Ang sagot ba naman sa 'kin eh sa impyerno daw, g*go. Kaya heto hinahanap namin ngayon ni Sandy si Mirs kung saang impyerno siya nagpunta.

"Wait.. is that Kevin, right?" tanong ni Sandy habang nakaturo sa kung saan man.

"Si Kevin nga. Kasama si Jeff? Ba't parang nagtatalo sila?" tanong ko kay Sandy.

Lumapit kami ng konti at nagtago sa may poste.

"Eh, ikaw? Do you think na hindi ko alam na ikaw ang nagsabi sa kanila kung nasaan si Kienna?" galit na sabi ni Kevin.

"Why? They just worried. And pwede ba h'wag mong ibahin ang usapan. Itigil niyo na yung plano niyo. Can't you see? Ang dami nang nadadamay." galit na sabi ni Jeff.

"Sa tingin mo ba ginusto ko ito, huh? Naipit lang din ako. Don't blame me dahil kasama ka rin dito." sabi ni Jeff.

"So, you just used her, huh? I will not let you to continue this nonsense." sabi ni Jeff at tinalikuran si Kevin. Nagulat na lang kami nang ipukpok ni Kevin sa batok ni Jeff ang hawak niyang baril at tsaka siya umalis.

"Anong nangyayari?" bulong ko kay Sandy.

"Traitor." bulong ni Sandy. "Find Amira, tell her and to everyone that Kevin is traitor. Be careful to the other members of D.E.G. We don't know kung kakampi natin sila o kalaban. And don't mind me I can handle this." sabi ni Sandy at sinundan si Kevin. Ba't nagawa ni Kevin iyon?.. sa kaibigan niya?

Hindi ko sinunod si Sandy. Tumakbo ako palapit kay Jeff na nakahandusay sa sahig habang at walang malay. Hindi ko na rin napigilan yung luha ko. Kanina ko pa gustong umiyak pero hindi ko magawa dahil ayokong makita 'yon ni Sandy. 

"Jeff.. Jeff.. gising Jeff."

Ginigising ko si Jeff pero wala pa rin siyang malay.

"Jeff naman please gumising ka na."

***
Third Person's POV


Sobrang gulo na ng mga nangyayari sa loob ng R.S University.

Ilang minuto pa ang lumipas bago matauhan si Jeff. Nagising siyang nasa tabi niya si Arzila habang umiiyak.

"Zils, why are you crying?" Napahawak pa sa batok si Jeff dahil sa pagkakapukpok ni Kevin dito.

"Jeff, buti naman gising ka na. Paano nagawa ni Kevin sa 'yo iyon? Napaka traydor talaga ng g*gong 'yon."

"You saw that?"

"Yes. Nakita namin ni Sandy. At sinusundan niya ngayon si Kevin."

"What? Dapat 'di mo pinayagan."

"I have no choice. Makulit si Sandy. Alam mo naman yung pinsan mong 'yon."

"Where's the others? Si Amira?"

"Nagkalat ang mga gangsters. Nasa court ang iba. Pero si Amira hinahanap ko kung saang impyerno nagpunta." sabi ni Zils na ikinanuot ng noo ni Jeff.

"What? Impyerno?"

"Aba, 'yon ang sabi ni Mike eh. Sabi daw sa kaniya ni Amira."

"Let's go. Hanapin natin 'yung iba pati si Amira."

"Teka, okay ka na ba?"

Napangiti si Jeff sa tanong ni Zils.

"Anong nginingiti ngiti mo?"

"Ang cute mo kasi mag alala."

"Tinanong lang kita, alala agad."

"Sus. Obvious naman eh. Halika na." Hinawakan ni Jeff ang kamay ni Zils at nagsimula nang hanapin 'yung iba.

Ilang minuto ang lumipas nang marating nila ang court kaso wala ng tao.

"Nasaan na sila?" tanong ni Arzila nang biglang may lumabas na mga kalaban. Mga 15 sila.

"Patay." sabi ni Arzila.

"Humanda ka." sabi ni Jeff kay Arzila.

Sumugod ang mga kalaban sa kanila at parang hindi wala lang naman iyon para kay Jeff. Hindi siya nag aalala para sa sarili niya. Nag aalala siya para kay Arzila.

Isa isa naman nilang napatumba ang mga kalaban.

Kaso may bigla na namang dumating. Masasaksak pa nga sana si Arzila habang hawak siya ng isang lalaki buti na lang at naibato agad ni Jeff yung hawak niyang dalawang patalim dun sa dalawang lalaki, eksakto naman sa dibdib nung dalawa yung patalim dahilan para mawalan sila ng malay.

"HOY, KAYONG LAHAT.." sigaw ni Jeff sa mga natitirang kalaban dahilan para makuha ang atensyon nila pati na ni Arzila. "Don't you even dare to touch my girl kung ayaw niyong mapatulad sa kanila." galit na sabi ni Jeff habang may hawak ulit ng dalawang patalim. "PAKAKASALAN KO PA ANG BABAENG IYAN. NAIINTINDIHAN NIYO BA 'YON?" sigaw ni Jeff. Natulala naman si Arzila sa sinabi ni Jeff.

"Hoy, Jeff, mamaya na ang landian." biglang epal ni Kiel.

"Oo nga, tapusin na muna natin itong mga to oh." sabi ni Niel sabay sipa sa kalaban. At nagpatuloy ulit ang labanan hanggang sa maubos ang kalaban.

"Nakuha mo pa talagang pakiligin si Zils sa gitna ng labanan, huh? Nice, bro." biglang banat ni Niel.

"Nasaan yung mga tao dito kanina?" pag iiba ni Arzila ng usapan.

"Nice, change topic." sabi naman ni Kiel.

"Umayos nga kayo. Nasa gyera tayo. Hindi ko na nga alam kung nasaan yung dalawang kaibigan ko eh."

Nag iba ang reaction ng mukha ni Kiel dahil naalala niya si Sandy. "Where is them? Si Sandy?"

"Answer me first."

"Kasama ng D.P.G. at B.A.G. ang mga estudyante. Dadaan sila sa lagusan." mabilis na sagot ni Kiel.

Yung lagusan ay nasa parteng likod ng University. Sekretong daan iyon.

"Now, where's Sandy?"

"Makapagalala ka naman. Totoo ba 'yan? Baka katulad ka rin ng kaibigan niyong Kevin. Traydor."

Nagtinginan yung tatlo dahil sa sinabi ni Arzila.

"Kayong magkakaibigan kaya niyo bang magtraydoran? Kasi kung kaya ni Kevin saktan si Jeff, baka kaya niyo rin. Kung kaya ni Kevin na traydorin kami lalo na si Amira, baka kaya niyo rin."

"Sinaktan ka ni Kevin?" tanong ni Niel kay Jeff.

"Yes, and now Sandy followed Kevin."

"What? Let's find them." sabi ni Kiel at nagsimulang maglakad pero napatigil siya ng tawagin siya ni Arzila.

"I know you love Sandy, I trust you." naintindihan naman ni Kiel ang nais pakahulugan ni Arzila.

Magkasama si Kiel at Niel para hanapin si Sandy habang si Jeff at Arzila naman ay hinahanap pa rin si Amira.

***
Amira's POV

"Ugh!" Inda ko nang tamaan ako ng kutsilyo sa braso. Buti na lang daplis lang. Kanina pa ako nakikipaglaban, I mean nakikipagpatayan sa mga kalaban. At ngayon, kaharap ko si Xander. Mag isa na lang siya dahil napabagsak ko na yung mga kasamahan niya.

"Amira, if I were you lilisanin ko na ang University na ito."

"But you're not me. So, go now."

"Amira, masisira na ang University na ito. Dudurugin na ito ni Headmaster."

"Bakit mo ba ako pinipigilan na harapin ang Headmaster mo?"

"Dahil 'yon ang sabi ni Z-- nung isa kong boss."

"Don't fool me, Xander. H'wag mo akong susundan."

Iniwan ko si Xander na isa ring sugatan.

Ang dami ko nang nakalaban simula kanina. May sugat na rin ako sa kaliwang balikat at sa kanang braso. Pero hindi ko pa rin nararamdaman ang pagod at sakit. Siguro sobrang namanhid na talaga ako. Sa maniwala kayo at sa hindi nakaheels pa rin ako hanggang ngayon.

Mula sa malayo ay natanaw ko ang isang labanan sa pagitan ng mga kalaban at ng B.A.G. Lumapit ako doon, nakita kong nakahandusay sa sahig si Floey at malay pa. Habang sina Thea, Chelsea at Sophy ay patuloy na nakikipaglaban sa mga kalaban.

"Princess.. Young Lady." tawag sa 'kin ni Floey kaya lumapit ako sa kaniya. Umupo siya. Napansin ko ang sugat niya sa braso, sa hita at sa may balikat.

"I'm sorry sa mga nagawa namin sa 'yo noon. Alam nina Thea kung gaano ko kagustong maging kaibigan ka simula noong una pa lang, pero kilala mo naman sina Thea. Matigas 'yang mga iyan. Until, the day na nalaman naming ikaw yung totoong Young Lady. And I'm glad to know that."

Anong bang sinasabi ng babaeng ito? Walang naman akong pake sa opinyon niya.

"Maybe, you don't remember me. But let me recall to you that I am the person you helped at the park. Sobrang tagal na nun, hindi pa ako ganito kaganda nun. Nilabanan mo yung mga taong kalye. That time, I admired you. I want to be cool like you so I enrolled in this University and I joined as a gangster."

Ah, siya pala yung tinulungan ko noon sa park. Sobrang tagal na nga nun. Nag iba pati itsura niya. Well, wala pa rin naman akong pakeelam.

"Young Lady." Nagulat ako nang umikot siya papunta sa likod ko.

"FLOEY!" sigaw ng nina Thea.

Nilingon ko si Floey na nasa likod ko at nakita ko ang isang lalaki habang hawak ang patalim na nakasaksak sa likod ni Floey. Nakakita naman ako ng baril sa tabi ko na pag aari ng kalabang nakahandusay sa sahig. Agad kong kinuha 'yon at pinagbabaril ang lahat ng kalaban hanggang sa maubos sila. Ilang beses ko pa ngang pinaputukan yung taong sumaksak kay Floey.

"Floey, look at me. Don't close your eyes."

"Young Lady.."

"You don't have to do that. Hindi mo dapat hinarang ang sarili mo."

"Pero ayokong masaktan ka Young Lady." sabi niya habang umiiyak. Pati sina Thea umiiyak na rin. "It's okay. H-handa.. akong itaya.. ang buhay ko para sa 'yo, m-mahal na Y-young Lady. W-whatever.. happens to me, please.. h'wag mong sisisihin.. ang sarili mo." sabi niya habang naghihingalo.

"Don't say that, Floey. Please lumaban ka. Don't close your eyes."

"The ambulance will come na."

"Floey, mananatiling buo ang Black Angel Gang. Hindi ka mawawala."

Umiiyak na ang buong Black Angel Gang dahil sa sitwasyon ngayon ni Floey.

"Malakas ka 'di ba? Kawawa naman itong mga kaibigan mo kung iiwan mo agad sila, tsaka yung family mo, yung mga taong nagmamahal sa 'yo." seryosong sabi ko.

"Young Lady, Bags.." tawag ni Floey sa 'min. Bags ang tawagan nilang grupo eh.

"I'll be glad.. k-kapag nagkaayos na kayo. P-please, protect each other.. p-protect our Young Lady."

"Bags naman eh." niyakap nung tatlo si Floey.

"S-salamat.. sa inyo!" huling salita na binigkas ni Floey bago siya tuluyang nawalan ng hininga.

"Bags? Floey? Floey.... Floeeeeyy!!"

Mas lumakas pa ang pag iyak ng tatlo. Nakadilat pa nga ang mga mata ni Floey kaya idinaan ko ang palad ko mula sa noo niya pababa sa ilong niya dahilan para pumikit ang mga mata niya.

_____ _ __ _

07-13-19

Thanks for the votes and comments!!

Continue Reading

You'll Also Like

194K 2.9K 30
↬ π’π“π€π‘π‘πˆππ†; β€’ Husbands β€’ Wives β€’ Procrastinating Writer ↬ π…π„π€π“π”π‘πˆππ†; β€’ Fluff β€’ Angst β€’ Songfic β€’ Specials ↬ ππŽπ“π„; β€’ Ι’α΄‡Ι΄κœ±ΚœΙͺΙ΄ Ιͺα΄α΄˜α΄€...
16.1K 602 25
Dark. No Light. Dark University where killing is legal and I thought that it only happened in a movie but in true life too. Welcome to DARK UNIVERSI...
2.1K 118 20
Completed βœ… When I was four years old, I saw a woman die. I didn't understand what was happening at the time. I didn't know why she was lying on the...
6.5K 299 31
Athena Hart, a girl who has been a Superhero in her past life now moves to Paris to have a regular teenage life. Suddenly a turn of events came crash...