Amira's POV
Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi ng prof namin. Nag ch-chinese ata ito.
Pasok sa tenga, labas sa kaliwang tenga.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nakahalumbaba.
Pinagmamasdan ko ang madilim na ulap na tila nagbabadya ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Medyo madilim ang paligid kahit alas dos pa lang naman ng hapon. Dahil siguro dagim.
Palaisipan pa rin talaga sa akin yung nangyari kanina. Ang dami tuloy tanong sa isipan ko. Sinong kayang may gawa nun? Kanino kaya galing yun? Bakit niya ako binigyan ng ganon? Kilala niya ako, so kilala ko rin kaya siya?, sila? Hindi ko alam kung anong tamang term ang gagamitin ko.
Naalala ko tuloy yung nangyari nung isang gabi.
*Flashback*
Kanina pa ako paikot ikot dito sa kama, kung ano ano ng pwesto ang ginawa ko pero hindi pa rin ako makatulog. Naka ilang baso na rin ako ng tubig, uminom na rin ako ng gatas. Nanood pa nga ako ng movie kanina, pinagpatuloy ko na rin yung wattpad story na binabasa ko at tinapos na yun. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako inaantok. Kaya heto, nanonood ako ng k-drama.
What happen to my eyes? Why I can't sleep right now? *sigh*
Tumayo ako at hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa may bintana.
Hinawi ko yung kurtina dun. I opened a half part of the window. Sumapal sa mukha ko ang malakas na hangin. Pinagmasdan ko ang paligid. Natatanaw ko ang mga maliliit na ilaw mula sa malayo, na kung titingnan ay parang mga star.
Speaking of star, I can't see any star even just one.
Uulan siguro.
Mga ilang minuto ang nakakalipas nang may marinig ako pagkalamapag mula sa baba.
Ibinaling ko ang atensyon ko dun. Nakita ko ang isang tao na lumabas ng gate galing sa katabi naming dorm. Nakabalack leather jacket siya tas naka hood.
Agad akong nagtungo sa terrace para mas maaninag ko yung taong yun. Hindi na siya nag abala pang ikalabit yung gate at hinayaan lang niyang nakaawang yun.
Nagulat ako ng bigla siyang tumunghay at tumingin sa direkson ko kaya agad akong nagtago dito sa likod ng pader. Alam kong naramdaman niya na nakatingin ako sa kaniya.
Lalaki siya, sigurado ako dun. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit sa dorm building nina Kevin siya nanggaling?.
Nagmadali akong tumakbo pababa ng dorm building. Agad kong binuksan yung pinto at nagtatakbo palabas ng gate.
Oo. Tama ang iniisip niyo. Hinahabol ko ngayon yung lalaki, feeling ko kasi kilala ko siya.
Para akong ninja sa ginagawa ko.
Sa twing liliko siya, liliko din ako. Sa twing titigil siya, titigil din ako at magtatago sa kung saan man pwedeng magtago. At kapag naglakad siya, maglalakad na din ulit ako.
Sinilip ko siya mula sa pinagtataguan ko. Andito ako ngayon sa likod ng nakaparadang kotse. Pero nagulat na lang ako ng makita kong wala na siya.
Tsk! Yan tuloy nawala na siya.
Agad akong naglakad papunta sa direkson kung saan tumigil siya kanina. Nagpalinga linga ako, pero hindi ko na siya makita.
San naman kaya nagpunta yun?
Maglalakad na sana muli ako nang may biglang nagsalita mula sa likuran ko.
"Who is your looking for?"
Nanigas ako ng marinig ko ang isang napakalamig na boses. Humarap ako sa kaniya. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yung lalaking sinusundan ko. Haay! Pano na yan?.
"Are you following me?"- cold niyang sabi. Medyo nakatungo siya. Hindi ko rin maaninag ang mukha niya dahil madilim sa pwesto niya, at medyo malayo siya sakin, isa pa ay nakahood siya.
"Yes"- matapang kong sagot
Nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya.
"And why?"- tanong niya
"Because it's my choice"- sabi ko
"Why are you following me?"- ulit niyang tanong. Wala pa rin akong makitang emosyon sa kaniya
"I answered it already"- sabi ko
"Why are you following me?"- ulit niya uling tanong, kasabay nun ang unti unting paglalakad niya papalapit sa direkson ko. Gusto kong ihakbang ang paa ko paatras pero hindi ko ginawa dahil baka isipin niya na natatakot ako sa kaniya. Pero siguro kung ibang tao ang nasa sitwasyon ko, tatakbo na agad sila. Sobrang nakakakaba kasi ang bawat galaw ng taong ito. Hindi ko siya kilala pero parang familiar ang hubog ng kaniyang katawan. Hindi ko siya pinagnanasaan ha, sadyang napansin ko lang.
"Who are you?"- tanong ko dahilan para tumigil siya sa paglalakad. Ilang dipa na lang ang space namin sa isa't isa.
Pero isang ngisi lang ang isinagot niya.
"Ano? Ngingisian mo lang ako?"- sarkastikong sabi ko
"Guess who," sabi niya
"Hindi ako manghuhula"- sabi ko
Naramdaman ko ang malakas na paghampas ng hangin sa balat ko. Tinatangay na rin nito ang buhok ko, kaya medyo gulo na rin ito. Nayakap ko na lang ang sarili ko ng maramdaman ko ang lamig.
"You may go now"- cold niyang sabi
"Are you commanding me?"- sarkastikong tanong ko
"Yes"- matigas niyang sabi
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sagot niya.
"Well, I won't"- matigas ko namang sabi
"Don't you know how risk has go on at this time?"- seryosong tanong niya
"Who cares?"- sabi ko
Napatingin kami parehas sa isang direksyon kung saan may narinig kaming pagsigaw. Sigaw ng taong nasasaktan o pinahihirapan?, basta, may kakaiba sa sigaw na yun. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
"Leave"- cold niyang sabi pero hindi ko binigyang pansin yung sinabi niya
"Who's that?"- tanong ko
"Leave now"- matigas niyang sabi
"Why? Just answer my question"- seryosong sabi ko
"Just do what I said"- seryosong sabi naman niya
Patigasan ba talaga kami dito?. Ba't ba hindi niya na lang sagutin yung mga tanong ko. Sobrang curious na ako ha.
Maya maya ay nagulat na lang ako ng biglang higitin niya ako papunta sa likod ng isang puno kung saan madilim.
"What are you do-.." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ng kamay niya ang bibig ko
"Shut up"- seryosong sabi niya. Wala na akong nagawa kundi tumahimik. Tinanggal niya na rin yung kamay niya na nakataklob sa bibig ko nang mapansin niya na tahimik na ako. Sino ba naman ang hindi tatahimik diba?.
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Napansin kong nakatingin siya sa pinagmulan ng mga yabag na yun.
Tumingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.
Mayroon akong nakitang mga lalaki na naka all black.
Parang familiar sila. Parang sila rin yung nakita ko noon sa labas ng dorm building namin. Medyo nasisinagan sila ng buwan ngayon, kaya medyo kita ko sila. Wala silang suot na maskara.
Napatingin ako sa may kamay nung isang lalaki. May tattoo ito. Hindi ako maaring magkamali, siya yun. Siya yung lalaki na may tattoo. Pero parang siya rin yung lalaking nakita ko noon sa Canteen. Hindi kaya iisa lang sila.
Sino ba talaga siya? Sino ba sila?
Nagulat na lang ako ng makita kong pinaputukan niya ng baril yung isang lalaki, pagkatapos nun ay yung isa naman. Napataklob ako ng kamay sa mata ko dahil sa nakita ko. Napansin ko rin kasi na lubhang nakakaawa yung dalawang lalaki. Naliligo sila sa sarili nilang dugo. Halatang pinahirapan muna sila bago patayin. Paniguradong sila yung sumisigaw kanina.
Nagulat na lang ako ng may magtaklob ng mata ko, kasunod nun ang pagtaklob ng isang panyo sa ilong ko. Hanggang sa unti unti akong nakaramdam ng pagkahilo at nandilim na nga ng tuluyan ang paningin ko.
*End of flashback*
Nang magising ako kinabukasan nun, nasa kwarto na ako ng dorm building namin. Hindi ko alam kung panaginip lang ba yun o ano.
Pero parang totoo talaga yun eh, ang ipinagtataka ko lang pano ako nakabalik sa dorm. Tsaka ewan, basta ang gulo.
Tinanong ko noon yung dalawa kung may nangyari ba o ano? Pero wala akong nakuhang matinong sagot sa dalawa, pinagtawanan lang ako. Baka daw kulang lang ako sa tulog.
"Oy Mirs, kanina pa kita tinatawag ah"- nabalik ako sa sarili ko ng paluin ako ni Zils sa braso.
"Talagang may pagpalo?"- sarkastikong tanong ko
"Ikaw kasi eh. Ano ba kasi iniisip mo?"- tanong ni Zils
"Hey ladies! Are you both listening?"- tanong ni Prof
"No"- walang emosyong sabi ko na ikinagulat ng lahat
"What? Well, the door is open, you may now go"- galit na sabi ni Prof. Matandang dalaga siya kaya ganyan.
"Nice"- walang gana kong sabi saka tumayo at nagsimulang maglakad patungong pintuan. Buong lakas kong isinarado yung pinto kaya sobrang dagundong nun.
Badtrip naman oh. Pero maigi na rin ito wala rin naman akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nung matandang yun.
Naglakad na lang ako ng naglakad hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa medyo mapunong lugar.
Naghanap ako ng punong magandang akyatin. Nang makahanap na ako ay inakyat ko na yun.
Sanay akong umakyat ng puno, kahit nung bata pa ako. Nalaglag pa nga ako nun dahil naapakan ko yung tuyong sanga, kaya ayun bangas ang inabot ko, pero si Rylie? aba'y tinawanan lang ako. Tanda niyo pa ba siya, siya yung tinutukoy ko na childhood friend ko.
Nang maging kumportable na ako sa pwesto ko, humiga ako dito sa sanga. Buti na lang malapad ang sanga ng punong ito.
Pinagmasdan ko ang kalangitan hindi pa rin nagbabago, katulad kanina ay dagim ito.
Sa wakas nakahanap na rin ako ng bagong tambayan. Maliban sa rooftop, maganda ring tumambay sa parteng lugar na ito. Lalo na siguro kung maganda ang langit, ang saya lang pagmasdan.
.
.
.
Nararamdaman ko ang pagdampi ng malamig na tubig sa mukha ko, pati na rin sa buong katawan ko.
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko, habang ang braso ko naman ay nakaharang sa mukha ko.
Inilibot ko ang paningin ko. Hindi nga ako nagkamali, ang lakas ng ulan. Madilim na rin ang paligid.
Tiningnan ko ang relo ko na basang basa na rin dahil sa ulan. Buti na lang water proof ito. Pinindot ko yung button sa side nito dahilan para bumukas yung ilaw ng relo.
6:31 pm?
4 hours pala akong nakatulog? Buti hindi ako nalaglag.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Dinamdam ko ang patuloy na pagdampi ng tubig sa balat ko.
It feels like good to sleep while raining. Para akong hinehele. And I don't mind even I am like this with wet clothes.
I opened my eyes again when I felt someone is looking at me right now.
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko at tumalon mula sa taas ng puno.
Nang makalapat na ang mga paa ko sa lupa ay umayos na ako ng tayo.
"Show your self"- walang ganang sabi ko sabay sandal sa puno
Maya maya lang ay nakarinig ako ng pagkaluskos ng dahon sa katabing kong puno
Nakita ko ang isang estudyanteng lalaki na nakasuot ng uniform. Basa na rin siya.
"Who are you?"- seryosong tanong ko
Pansin ko ang panginginig niya at ang maputla niyang mukha. I don't know but I saw his face hopeless.
Unti unti akong naglakad papalapit sa kaniya. Napansin ko ang dugo sa gilid ng labi niya.
"Who are you? Where's that from?"- tanong ko ng makalapit sa kaniya
"Amira, mag iingat ka"- sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Pa'no niya ako nakilala? Hindi naman familiar yung mukha niya.
"What are you talki-.." hindi pa tapos ang sasabihin ko ng matumba siya
"I need your help. Please take care of my baby.. my sibling"- may luha sa mga matang sabi niya. May pilit na inaabot siya sa 'kin, I.D. Agad ko namang inilagay yun sa bulsa ko.
"Ha? Hey what happened?"- naguguluhan kong tanong. Napansin kong may sugat pala siya sa tagiliran niya
"Sh*t"
"Y-Yung tape.. k-kay J-Jo..a..nna.. get. it" putol putol na sabi niya
"What? tape?"- tanong ko
"Y-yeah.. J-Jo..an..na.. p-please.. let h-her be s-safe"- umiiyak na sabi niya
"Who's Joanna? Your sibling?"- tanong ko
"Sinong may gawa nito sayo"- tanong ko ulit
"C-cl..ton"
"What? Hey. No!"
"Oh f*ck!" nasabi ko na lang nang tuluyan na siyang mawalan ng malay
Haay! Pano na yan?. Who is he? Joanna? Tape? What's that? What is he talking about?
Tape? As in tape na pandikit? Choss.
Ano naman kayang laman ng tape na yun kung sakaling video yun or recordings.
_____
A/N:
Haay! Last day of exam na bukas. Buhay estudyante ako ngayon haha. Nakakalugaw ng utak. Ang daming nirereview.
Thank you for voting!
09-13-18