What If ❤ (ViceJack)

By JMikaella

6.4K 153 72

This is a fan fiction story. To all ViceJack Angels this story is for you guys. Enjooooooy! More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 6

685 20 13
By JMikaella

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang lumayo kahit saglit man lang. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho habang paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang mga nangyari kanina hindi ko mapigilan hampasin ulit ang manibela sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Paano nagawa sakin ni Jackie yun! Paano niya ako nagawang lokohin! Paano niya na kayanang saktan ang isang tao na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya! Hindi ko na napigilan ang pag agos ng mga luha ko pinagkatiwalaan ko siya, minahal ko siya tapos ito lang ang igaganti niya sakin! Pinahid ko ang mga luha sa mukha at pinabilis pa ang pag takbo ng sasakyan.

"Oh ano Anne na contact mo na ba?" Galit na tanong ni Direk bobet.

Nagkamot ng ulo si Anne dahil kanina niya pa kinocontact si Vice pero walang nagbago. "Out of coverage area parin ang phone niya."

Pumikit ng mariin si Direk bobet para pakalmahin ang sarili niya. "Wala ba siyang sinabi kung san siya pupunta?"

Umiling naman silang lahat.

"Good afternoon showtime family." maligayang bati ni Ryan ng pagkapasok niya sa dressing room.

Tanging ngiti lang ang naisagot ng mga tao sa loob ng D.R except si Direk bobet na aburido ang mukha.

"May ploblema po ba?" Inosenteng tanong ni Ryan.

"Meron! Yang nanay-nanayan mo umalis ng hndi nagsasabi kung san siya pupunta!" Mariing saad ni Direk bobet.

"Chi mommy Vice ko? Kita ko siya kanina."

"Saan?" Halos sabay nilang tanong lahat.

"Paalis ABS baka may emergenchi kachi bilis maneho niya kotse eh."

"Kung may emergency dapat sinabi niya hndi yung aalis na lang siya ng walang pasabi." Saad ni Direk bobet at padabog na isinara ang pinto.

"May number kaba dyan ni Bonita?" Tanong ni Vhong kay Anne.

Umiling si Anne. "Wala eh."

"Ikaw Ryan?" Tanong ni Vhong.

"Mommy lang ako may number."

"Nak baka si Jackie may number ni Bonita." Sabi ni Tyang Amy kay Anne.

Napatayo naman si Anne. "Tama ka Tyang! Wait puntahan ko lang siya."

"Sandali bat may number si Jackie ni Bonita close sila?" Naguguluhang tanong ni Mariel.

Nagtinginan naman sila Tyang Amy, Anne at Vhong hndi naman nila pwdeng sabihin dahil wala silang karapatan pangunahan si Vice tungkol sa relasyon nito kay Jackie.

"Hndi pero subukan lang natin baka meron. Sige na nak try mo mag tanong." Saad ni Tyang Amy kay Anne.

Bubuksan na sana ni Anne ang pinto sakto naman ang pagbukas ni Jhong.

"Nakita mo si Vice?" Tanong ni Anne.

"Andun ata sa dressing room ni Jackie." Sagot ni Jhong at nagtungo sa mesa. "Sarap ng tanghalian natin ngayon ah." Nakangiting saad ni Jhong.

"Eh sabi nito umalis." Turo ni Vhong kay Ryan.

"Oo nga, sigurado kaba talaga baby boy?" Tanong ni Anne kay Ryan.

"Opo kita ko alis kotse niya." Sagot ni Ryan.

"Never mind." Saad ni Anne at lumabas na ng dressing room nila.

Habang naglalakad ako papuntang dressing room ni Jackie patuloy ko parin tinatawagan si Vice pero hndi ko parin siya macontact. Ano ba kasing nangyari sa sisteret ko na yun kanina naman okay siya tapos nung.... Ayt! Ang oa naman kung nagseselos siya kay Gerald eh alam niya namang trabaho lang yun. Nasa harap na ako ng dressing room ni Jackie kakatok na sana ako ng bumukas ang pinto at iniluwa ang taong hndi ko inaasahan makita sa loob ng dressing room ni Jackie. Close ba sila? Ngumiti siya ng tipid sakin.

"Tom, anong ginagawa mo dito?" I asked in curiosity.

Sasagot na sana si Tom ng mag salita si Jackie na galing ata sa banyo.

"Umalis kana muna Tom baka may makakita pa sayo dito saka na --"

Tinulak ko ang pinto para makita ko si Jackie sa loob una kong napansin ang namumugto niyang mga mata. "Why? what's wrong Jackie kung may ibang makakita?" I asked in sarcasm. Namilog ang mata ni Jackie sa gulat ng makita ako pakiramdam ko she's hiding something na hndi ko magugustuhan. "May tinatago ba kayo na hndi dapat malaman ng iba?" I raised my left brow.

"Excuse me I'll go ahead." Paalam ni Tom.

Tinignan ko si Tom hanggang sa pagdaan niya sa gilid ko. Tumingin ulit ako kay Jackie at tinaasan siya ng isang kilay.

"Yes Jackie? Baka may gusto kang sagutin sa mga tanong ko." I said in full of sarcasm.

Nakita ko naman ang paglunok ni Jackie at ang kaba sa mukha niya. Yumuko siya at biglang bumagsak ang mga luha niya pakiramdam ko yung iyak niya may kinalaman sa biglaang pag alis ni Vice. Pinahid niya ang mga luha sa mukha niya, nakikita ko ang pag pigil niya sa pag bagsak ng luha niya ulit pero nabigo siya.

"Alam mo ba kung nasaan Vice?" I diverted the question, bigla akong naawa kay Jackie parang hinusgahan ko siya sa tanong ko.

"Hindi ko po alam." Namamaos niyang sagot sakin.

"Jackie nag away ba kayo? Parang kanina kapa umiiyak sobrang mugto na ng mata mo."

Hndi sinagot ni Jackie ang tanong ko kaya hndi ko na lang inalam pa kung anong nangyari sakanila ni Vice. Baka may kinalaman ito sa issue na lumalabas these fast few days, tanungin ko na lang ang sinadya ko dito.

"Never mind na nga yung question ko, may number kaba ni Bonita?" I asked.

Pinahid ni Jackie ulit ang kanyang mga luha at tinignan ako, namumula ang kanyang ilong at namumugto ang kanyang mga mata sa kakaiyak di ko maiwasang isipin na baka naghiwalay na sila ni Vice dhil ngayon ko lang nakita si Jackie na umiyak ng ganito.

"Meron po ate." Kinuha ni Jackie ang kanyang cellphone hinanap niya ang number ni Bonita at ibinigay sakin.

"Thank you Jackie ha, pasensya kana kung nadistorbo kita." I smiled.

"Okay lang po ate. Ahh bakit po sakin niyo hiningi kay Vice po pala."

"Hndi ko siya macontact kanina pa kaya tatanungin ko si Bonita baka may alam siya."

Nag iwas naman agad ng tingin si Jackie sakin, itinayo niya ang nakatumbang silya sa gilid ko at pinulot ang nahulog na tumbler, na ngayon ko lang napansin.

"Ganun po ba."

May gusto sana akong tanungin kay Jackie pero binalewala ko na lang. I have to call Bonita for sure may alam siya kung san pumunta yung sisteret ko. I dialled Bonita's number naka ilang ring pa bago niya sinagot.

"Hello Bonita this is Anne." Bati ko sakanya.

"Yes Anne Curtis."

"Ako nga toh kay Jackie ko hiningi number mo." Hndi pa ata naniniwala sakin.

"Nagka emergency ba dyan sa bahay?"

"Ah ganun ba sabi ni Ryan nakita niyang umalis kotse ni Vice mabilis raw ang pagtakbo kaya akala niya may emergency."

"Kanina ko pa tinatawagan kaso di ko macontact, Bonita pakitext na lang ako kung umuwi na si Vice ha. Thank you bye." I ended the call. Umiwas ulit ng tingin si Jackie sakin ng tumingin ako sa kanya, weird.

"Ah Jackie I'll go ahead na ha if Vice will call you kindly tell him na tawagan ako please."

"O-okay po ate." Nauutal niyang sagot sakin. What's wrong with Jackie, I thought to myself.

"Sige see you around." Paalam ko at lumabas na ng dressing room niya.

Natapos na ang araw pero hindi pa rin alam nila Anne kung nasan si Vice naitanong na nila sa ibang malalapit na kaibigan nito pero pare-pareho lang ang sagot na nakukuha nila.

Hindi napigilan ni Anne ang umiyak sa sitwasyon nila ngayon. "Sobra na akong nag-aalala kay Vice until now we don't have any idea kung nasan siya." Anne sobs. Lumapit naman si Vhong at hinimas ang likod ni Anne.

"Ssssh taha na, mahahanap din natin si Vice." Mahinahong saad ni Vhong.

Tumingin si Anne kay Vhong. "Paano? Eh ilang oras na siyang nawawala lahat tayo hndi natin alam kung nasaan siya hndi natin siya macontact paano pag may nangya --"

"Ssshh" Nilagay ni Vhong ang isang daliri niya sa labi ni Anne para patulin ang sasabihin nito. "Mahahanap natin si Vice okay?" Niyakap ni Vhong si Anne. "Walang masamang mangyari sa kapatid natin."

Tumabi si Tyang Amy sa kanila sa sofa at niyakap ang dalawa. "Tama si Vhong nak mahahanap natin si Viceral." Tumango tango naman si Anne bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Tyang Amy. Na sa ngayon ay sila na lang tatlo ang naiwan sa dressing room.

*Incoming call... Ate Nhila*

Tamad na inabot ni Jackie ang kanyang telepono, nag dadalawang isip pa siyang sagutin ang tawag ng makita kung sino ito, pero bandang huli sinagot na lang niya.

"Mygoodness Jackie! Saang lupalop kaba ng mundo at hndi ka sumipot sa presscon ng pelikula niyo! Alam mo ba kung gaano nahirapan si Gerald sagutin lahat ng tanong dahil yung leading lady niya iniwan siya sa ere! Kung wala ka palang balak sumipot sana habang maaga pa sinabi mo na! Hndi yun ganito! Napaka unprofessional mo! Kung may problema ka o ano wag mong idamay ang trabaho mo! Mabuti sana kung trabaho mo lang ang maapektuhan kaso pati yung ibang tao damay!" Binaba agad ni Nhila ang tawag pagkatapos niya sabihin iyon kay Jackie.

Napabuntong hininga si Jackie pagkatapos siyang pagalitan ni Nhila. Tama din naman ang handler niya labas dapat ang problema niya sa trabaho pero, anong magagawa niya kung hndi niya kayang magpanggap sa ganitong sitwasyon lalo na't hanggang ngayon hndi pa rin umuuwi si Vice. Bumangon si Jackie sa kama at lumabas ng kwarto para magtimpla ng gatas.

"Isa pa."

"Eh sir ang dami niyo na pong nainom baka mamaya --"

"Sa...bi ko i...sa pa!" Sigaw ni Vice sa bartender na hndi makapag salita ng maayos dhil sa kalasingan.

Natakot naman ang bartender kay Vice kaya nataranta itong ibigay ang baso. Agad itong kinuha ni Vice at inisang lagok ang tequila at pabagsak na ibinaba ang baso.

Yumuko si Vice at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya. 'Jackie. Bakit?' Napatingin ang bartender kay Vice ng marinig niya itong nagsasalita at humihikbi. Hndi makapaniwala ang bartender sa nakikita niya si Vice Ganda, na nagpapasaya ng milyong-milyon na tao araw-araw, naglalagay ng ngiti sa bawat labi ng mga tao, si Vice Ganda na palagi niyang napapanood na tumatawa, ay may mabigat na pinagdadaan din pala isa rin pala itong normal na tao na may problema.

"Sir, hndi ko man po alam kung ano ang pinagdadaanan niyo pero gusto ko lang po sabihin na kaya niyo ho yan sir." Saad ng bartender na hndi nagawang pigilan ang sarili magsalita.

Umiling-iling naman si Vice sa sinabi ng bartender na nakayuko pa rin. "Hndi ko kaya." Sagot ni Vice na patuloy pa rin sa pag iyak.




"So wala pang alam ang showtime host sa nagyari?" Tanong ni Melvie sakin, na binisita ako sa condo kahit pasado alas dies na ng gabi. Nag-aalala raw siya sakin dahil sa mga tweets na nabasa niya sa di ko pagsipot sa presscon na hanggang ngayon hot topic pa rin sa social media.

Umiling ako sa tanong niya. "Wala pa."

"Naku! patay tayo dyan Jacks malaking gulo ito pag nalaman nila, tiyak magagalit ang mga yun lalo na si ate Anne." Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Melvie. Pero ano pa bang magagawa ko nangyari na at hndi ko na mababago.

"I'm ready for the consequences melvs, matagal ko ng hinanda ang sarili ko para dyan hndi ko lang inexpect na ganito kaaga niya malalaman."

"So anong plano mo ngayon?"

Sasagot na sana ako ng pigilan ako ni Melvie magsalita.

"Hep! Wag kang sasagot ng hndi ko alam, kukuritin ko yang singit mo."

Inabot ko ang unan sa kabilang sofa at tinapon kay Melvie kung magsalita kasi parang si Madc eh.

"Kakausapin ko siya hihingi ako ng tawad ganun."

"Sa tingin mo mapapatawad ka niya agad?"

"Hndi pero susubukan ko parin." Wala namang mawala kung subukan ko.

"Sa tingin mo gugustuhin ka pa niyang makausap?"

Hndi agad ako nakasagot sa tanong ni Melvie ng maalala ko ang sinabi ni Vice sakin kanina "Wag. Na wag. Na wag mo akong hahawakan!" Yung galit sa mga mata niya na para bang sinasabi niya sakin na kinasusuklaman niya ako.

Bigla namang nag ring ang telepono ko na nasa center table ng sala sabay kaming napatingin ni Melvie at nagkatitigan ng makita ang pangalan ng caller.

*Incoming call LOML*

"Sino yan?" Kuryusong tanong ni Melvie.

Napalunok ako at bumuntong hininga bago sinagot ang tawag. 'Jackie kalma lang, wag kang iiyak kahit ano pa ang sasabihin niya.'

"Hello" Sagot ko pero hndi ko marinig ang nasa kabilang linya dahil sa inggay ng paligid nito.

"Hello" Saad ko ulit, parang nasa isang bar ata siya dahil sa malakas na musika na naririnig ko.

"Hello ma'am?" Sagot ng kabilang linya.

Kumunot ang noo ko sa narinig na sagot. "Hello sino toh? Bakit hawak mo cellphone ng boyfriend ko?"

Dinidilatan ako ng mata ni Melvie na kanina pang nagtatanong kung sino ang kausap ko, sinenyasan ko naman siya na tumahimik.

"Ah ma'am bartender po ako, pasensya na ho kung pinakealaman ko ang cellphone sir Vice nakatulog na po kasi siya sa kalasingan baka ho --"

"Saang bar yan?"

"Valkyrie night club po."

"Sa taguig ba yan?"

"Opo ma'am."

"Sige papunta na ako, kung sakaling magising siya wag mong hayaan na umalis." Binaba ko agad ang telepono at nagmadaling pumasok sa kwarto para kunin ang susi ng sasakyan. Sumunod naman sa likod ko si Melvie.

"At saan ka pupunta ha?" Tanong niya, ng makitang nagsusuot ako ng Jacket.

"Sa bar." Tipid kong sagot.

"Nakipag basag ulo na naman si Tom at rereskyuhin mo na naman! Jackie hndi --"

"Si Vice ang puputahan ko okay." Putol ko sa sasabihin pa niya at kinuha na ang susi sa bed side table. Naiwan si Melvie sa kwarto na nakatunganga, bahala siya advanced kasi mag-isip atska pano napunta sa usapan si Tom tss.

"Uyy Jackie sandaliiiii! Sama ako!" Sigaw ni Melvie ng papasok na ako ng elevator.

"Woooooh!" Hinihingal si Melvie ng makapasok ng elevator. "Kaloka! Napagod ako."

"Eh sino ba naman ang nagsabi sayo na tumakbo ka."

"Kasi po iniwan mo ako." Sarcastic niyang sabi sakin.

Gusto ko tuloy matawa sa itsura niya.

"Sabi mo kasi boyfriend! eh sino ba jowa mo diba si Tom, malay ko ba na consider pa palang jowa si Vice." Hinihingal niyang saad pero hndi na lang ako sumagot para hndi na humaba.

Nakarating na kami ng Valkyrie as expected sobrang dami ng tao may mga nagsasayawan na gitna ng dance floor sa paglalim ng gabi mas dumadami ang mga tao nahihirapan tuloy kami makipagsiksikan ni Melvie.

"Jackie san banda ba? Nakakainis na ang amoy ng sigarilyo eh." Reklamo ni Melive sa likod ko.

"Natural bar ito kaya may mga nagyoyosi, sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na sumama ka." Saad ko na nakikipagsiksikan parin patungong counter bar.

Hindi na sumagot si Melvie sa sinabi ko pero naririnig ko pa rin ang mahihina niyang reklamo sa likod ko.

"Oh saan dito si Vice?"

"Wala siya dito halika na." Hila ko sa kamay ni Melvie.

"Anooo!?" Sigaw ni Melvie at binawi ang kamay niya. "Pagkatapos natin makipagsiksikan dun sa mga tao at nalanghap ko lahat ng klase ng amoy ng yosi tapos wala pala si Vice dito ano to --"

Inilagay ko ang kamay ko sa bibig niya. "Tumahimik ka nga! andito siya ang ibig kong sabihin nasa VIP lounge siya hndi dito." Hila ko ulit sa kamay ni Melvie.

"Excuse me kuya, saan banda ang VIP lounge niyo dito?" Tanong ko sa bartender.

"Doon po sa second floor ma'am pagkarating niyo sa taas makikita niyo agad yun." Nakangiting sagot ng bartender sakin.

"Salamat. Halika na." Sumunod si Melvie sa likod ko.

Pagkarating namin sa taas nahagip agad ng mata ko ang isang lalaking nakayuko sa counter na may katabing isang lalaki. Naglakad agad ako patungo sa direksyon na yun.

"Jackie wag mo'ko iwan."

Hndi ko na pinansin si Melvie at mas binilis pa ang paglalakad, kinakabahan ako baka mamaya may makakakila sakin dito.

"Ehem" Pagkuha ko sa atensyon ng lalaki na busy sa kanyang cellphone. "ikaw ba yung bartender na tumawag sakin?"

"O-opo ma'am." Nuutal niyang sagot sakin at ipinasok sa bulsa ang kanyang cellphone.

Nilapitan ko agad si Vice.

"Tulog na tulog Jacks humihilik pa." Natatawang saad ni Melvie.

"Anong oras siya andito?"

"Mga alas otso po ma'am dumating po dito si sir nakainom na." Sagot ng bartender sakin.

"Binayad niya ba ang area na toh parang walang pumupunta dito."

"Opo ma'am ayaw niya raw po ng may kasama."

"Kanina pa ba siya tulog?" Singit ni Melvie.

"Mga isang oras na rin po pagkatapos niya pong umiyak nakatulog po siya."

"Bat siya umiiyak?" Ano Jackie maang-maangan kunwari hndi mo alam.

"Ah eh pangalan niyo po yung binabanggit niya." Nahihiyang sagot sakin ng bartender.

"Paano mo nasabi na siya yun kuya?" Tanong ni Melvie.

"Jackie po kasi ang paulit-ulit niyang sinasabi."

"Bakit siya lang ba ang may pangalan na Jackie." Turo ni Melvie sakin.

"Melvie." Saway ko sa kanya.

"Joke lang kuya." Natatawang saad ni Melvie.

Nagkamut na lang ng ulo ang bartender.

"Kuya may ibang exit ba kayo dito yung hndi matao?" Tanong ko.

"Opo ma'am diretso sa parking lot ang labas niyo sasamahan ko po kayo."

"Sige po. Melvie tulungan mo ko sa pag-alalay doon ka sa kabila."

Nakalabas na kami ng Valkyrie na walang nakakapansin at buti na lang wala kaming nakasabay sa paglabas.

"Kuya maraming salamat pasensya kana kung nadistorbo ka namin."

"Naku ma'am wala po yun ginagawa ko lang ang trabaho ko."

"Nabayad niya na ba lahat na ininom niya?"

Nagkamut ng ulo ang bartender. "Yun na nga sana ang gusto kong sabihin ma'am kulang pa po si sir ng 5600."

"Ganun ba wait lang." Kinuha ko ang check book sa kotse ko.

"Kuya pasensya kana wala akong dalang cash eh." Binigay ko sa kanya ang cheque.

"Okay lang po ma'am, mag-antay lang po kayo dito ng saglit ma'am kukuha lang ako ng sukli." Aalis na sana siya ng pigilan ko.

"Wag na po keep the change." Nginitian ko siya.

"Naku salamat po ma'am."

"Salamat din. Sige mauna na kami."

Pumasok na ako sa kotse ni Vice tinawagan ko muna si Melvie na siyang nagmamaneho ng kotse ko.

"Convoy lang tayo mag ingat ka sa pag drive."

"Ikaw rin drive safe."

Binaba ko na ang tawag at binuhay ang makina ng kotse.

Nakapasok na kami ng condo ni Melvie ng may marinig kami.

"Hndi mo ba sinirado ang tv kanina Melvs?"

"Bakit nag bukas ba tayo ng t -- oh my gaaad!" Tinakpan ni Melvie ang bibig niya. "May nakapasok na magnanakaw!" Mahina ngunit mariin na saad ni Melvie.

Binatukan ko siya sa sinabi niya. "Walang magnanakaw na magbubukas ng tv, dali na nangangawit na balikat ko." Sobrang bigat din kasi nitong si Viceral eh.

"Madc?" Sabay naming sabi ni Melvie ng makita namin ito sa sala at nakapatong pa ang mga paa sa center table ha at home na at home ang dating.

"Hi girls andito na pala kayo." Tumayo ito at nakipagbeso samin. "Anyare kay pogi?" Turo niya kay Vice.

"Ikaw anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok ha?! Ano akyat bahay kana ngayon?" Tanong ni Melvie.

"Excuse me, FYI for your information itong gandang toh" Turo ni Madc sa mukha niya. "Akyat bahay? Eh pagkarating ko dito nakabukas ng konti ang pinto kaya pumasok ako duh tapos wala naman palang tao. Kasalanan ko ba na iniwan niyong nakabukas." Nagmamalditang sagot ni Madc at bumalik sa pagkakaupo sa sofa.

Naningkit ang tingin ko kay Melvie pagkatapos ng sinabi ni Madc.

"Eh kasi ikaw eh iniwan mo ko kaya nagmadali ako."

Naku! Kung hndi lang talaga mabigat si Vice masasabutan ko tong babae na ito eh.

Nakapasok na kami ng kwarto ko at nailapag na si Vice sa kama ko. Wooooh! Ang sakit ng balikat ko.

"Jacks dito na ako matutulog sa condo mo na pagod ako sa ginawa natin." Saad ni Melvie na nakahiga sa paanan ng kama.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig nadatnan ko naman ang dalawa na nonood pa rin ng tv.

"Ala una na gising pa rin kayo."

"Ikaw nga gising pa ngialam ba kami." Sagot ni Madc.

Tss nilagpasan ko na lang silang dalawa.

"Jacks." Tawag sakin ni Melvie ng papasok na ako sa kwarto.

"Anong plano mo dyan pag nagising yan."

Bumuntong hininga na lang ako at hndi na sinagot si Melvie.

Nilapag ko sa bed side table ang tubig at lumuhod sa tabi ng kama. Pinagmamasdan kong natutulog si Vice sinusulit ko ang oras habang tulog siya dahil alam ko pag nagising siya hndi ko na ito magagawa. Hndi ko napigilan haplusin ang mukha niya "Sana balang araw mapatawad mo ako, ilang beses ko man sabihin sa kanila na hndi kita mahal pero alam ko sa sarili ko na hndi yun totoo, dahil mahal kita Vice mahal na mahal pero hndi ako pwdeng magmahal ng dalawa, hndi kita pwdeng mahalin dhil hndi ko maibibigay ang buong puso ko sayo, maging tanga man ako sa paningin ng mga kaibigan ko pero hndi ko siya kayang iwan. Patawarin mo ako." Niyakap ko si Vice at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko pakiramdam ko ito na ang huling yakap ko kay Vice kaya mas lalo akong naiyak. Bigla naman akong niyakap ni Vice napatingin ako sa kanya pero tulog pa rin ito. "Jackie please don't leave me" Sabi nito. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinaplos muli ang mukha niya. "I-I'm very sorry." Nauutal kong saad habang patuloy pa rin ang pag bagsak ng luha ko.









Kinabukasan...

*Calling Ate Anne Curtis*

Nakatatlong ring pa bago ito sinagot.

"Hello Jackie good morning." Bati sakin na ate Anne sa tono ng bagong gising.

"Hala ate sorry kung nadistorbo ko po ang tulog mo."

"It's okay buti na lang din tumawag ka bcs I forgot to set my alarm, by the way may balita kana ba kay Vice?"

"Ah opo yan po ang itinawag ko andito po siya ngayon sa condo ko."

"Oh god thank you! Nakapag usap na ba kayo? Natanong mo ba siya kung saan siya galing?"

"Hndi pa po eh tulog pa po siya."

"Sige dadaan ako mamaya sa condo mo bago ako pumuta ng photo shoot."

"Okay po ate Anne babye." Binaba ko na ang tawag.

"Hndi nga pwde sabi eh!"

Rinig kong sigaw ni Madc may pinag-aawayan na naman siguro sila ni Melvie kahit kelan talaga ang dalawang yun parang mga bata. Maaga ako nagising para makapag handa ng breakfast namin nagluto rin ako ng sabaw para sa hang-over ni Vice. Nilalagay ko na ang mga pinggan sa mesa ng sumigaw ulit si Madc.

"Ano ba hndi nga pwde! Jackieeee!"

Tss pag uuntugin ko talaga ang ulo niyong dalawa ang aga-aga nagsisigawan na, lumabas ako ng kusina.

"Sige na please bumalik kana ulit sa kwarto."

Nang makita ko si Vice pala ang sinisigawan ni Madc pero parang wala namang naririnig si Vice dhil pilit niya parin pinapaalis sa pinto si Madc.

"Mads iwan mo na kami." Napatingin sakin si Madc na para bang nagtatanong ang mga mata niya kung sigurado ako. Tipid akong ngumiti sa kanya.

Nakahawak na sa doorknob si Vice ng magsalita ako.

"Kumain ka muna bago ka umalis."

"No thanks." Walang ganang sagot niya.

"Ihahatid na kita alam kong sumasakit yang ulo mo dahil naparami --" Hndi ko natapos ang sasabihin ko ng humarap sakin si Vice at nakita ko ulit ang galit sa mga mata niya na mas lalong tumindi.

"Kaya kong umuwi ng mag isa hndi kita kailangan."

"Alam kong kaya mo nag-aalala lang ako --"

"I don't care! Hndi ko kailangan ng pag-aalala mo! Saka ano naman ngayon kung may mangyaring masama sakin bakit may pake ka?" Putol niya sa sasabihin ko.

"Oo." I answered in higher voice.

"Sinungaling!" He shouted. "Nagawa mo nga akong lokohin, paikotin sa mga kamay mo, you made me believed that you love me pero yung totoo MANGGAGAMIT KA!" He said in greeted teeth emphasizing the word manggagamit.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa mga sinabi sakin ni Vice. The way he looked at me I can see disgust and hatred at yun ang mas lalong nagpapasakit sa puso ko, hndi ko na magawang magsalita dahil sa walang tigil na pagtulo ng mga luha ko para akong nauubusan ng hininga.

"Pwde tigilan mo na yang kadramahan mo hndi na bebenta sakin yan! Wala kang karapatang umiyak dahil ako ang niloko mo, pinaniwala sa lahat ng sinabi mo at ako naman tong si tanga naniwala! Pero alam mo habang niloloko mo ako, niloloko ka rin ng nobyo mo. Bagay nga kayong dalawa mga MANLOLOKO!" Galit na sabi ni Vice sakin at padabog na sinirado ang pinto.

Gusto ko sanang habulin si Vice pero parang dumikit ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, hndi ko magawang gumalaw o magsalita tanging hikbi ko lang ang lumalabas sa bunganga ko. Lahat ng sinabi sakin ni Vice ay tama ano nga bang karapatan kong umiyak kung ako naman ang nanakit ng damdamin, pinahid ko ang mga luha sa mukha ko at nagpakawala ng hininga. Kailangan ko munang ayusin ang trabaho ko saka ko na harapin ulit si Vice.

"Okay ka lang?" Tanong nila Madc at Melvie sakin pagkaharap ko.

"Kanina pa kayo dyan?"

Umiling sila.

"Bago lang nung narinig namin ang malakas na pagsara ng pinto tumakbo agad kami dito." Sagot ni Melvie.

"Ready na ang breakfast sa kusina kumain na kayo." Sabi ko at nilagpasan na silang dalawa.

"Ohmygaaaaad maaaaaaa! San ka galing? Alam mo bang nag-aalala kaming lahat sayo hndi ka namin macontact dahil naka off yang cellphone mo. Tapos uuwi ka ng ganyan" Hined to foot ako ni Bonita. "Ang itsura mo namumula pa yung mata mo na tulog ka ba? Amoy alak ka pa kadiri." Maarteng saad ni Bonita.

Kung nasa mood lang ako ang sarap batukan.

"Ayokong tumanggap ni kahit na sinong bisita o tawag ngayong araw, ayokong may kakatok sa kwarto ko at sasabihin na kakain na, maliwanag?"

"Yes po." Bonita nodded thrice. Nilagpasan ko siya at umakyat na sa kwarto.

*tok tok*

"Come in." Sabi ng tao sa loob ng opisina. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Kuya Gerald naku upo sa pang isahang sofa.

"Oh Jackie ikaw pala. How is your feeling? Okay ka na ba?" He asked in concerned at lumapit para bumeso.

Tipid akong ngumiti at giniya niya ako sa mahabang sofa.

"Kuya Ge, gusto ko lang humingi ng paumanhin sa di ko pagsipot sa presscon kahapon." Sabi ko ng makaupo na kami.

"Ano bang nangyari? Nag-alala ako sayo." Kuya Gerald said in concerned.

I bowed my head. "Vice knew everything alam niya na ang panlolokong ginawa ko sa kanya." As a tear fell down on my face.

"Sssshh" Inangat ni Kuya Gerald ang mukha ko para mag tama ang mga mata namin. "You didn't fooled him."

"I did Kuya, I did." Hikbi kong saad.

"Jackie, I've been there before ganyan rin ang inisip ko but at the end I realized na hndi ko pala siya niloko. Sarili ko ang niloko ko."

Hndi ako nakapag salita agad ng makita ko ang lungkot sa mga mata ni Kuya Gerald, this is the first time he talked to me like this palagi ako ang nag oopen up sa kanya kaya nga nalaman niya ang tungkol samin ni Vice. Sa loob ng tatlong buwan nakilala ko ang totoong Gerald Anderson he is really a kind hearted person. People judged him from his decisions in life at isa na ako dun.

"Jackie I can't give you the comfort and advice that you need pero ito lang gusto kong sabihin sayo. Sundin mo ang sinisigaw ng puso't isipan mo, wag lang isip O ang puso, dapat silang dalawa. Sino ba sa kanila ang nagbibigay ng totoong saya sayo. Sino sa kanila ang pinapahalagahan ka. Sino sa kanila totoong nagmamahal sayo. Kung isang tao lang pumapasok sa isip mo, then choose that person. I can't assure you that everything will be easy dahil walang madali pag nagmahal ka."

"Paano pag nagkamali ako? Paano pag kaya niya pala akong saktan."

"It's part of love ang magkamali at masaktan ang importante may matutunan ka. Jackie if you already have that someone in your mind na gusto mong piliin at ipaglaban pero hesitant ka na baka hndi maglalast. Ask yourself again, handa ba akong makita siyang masaya sa piling ng iba? Kasi kung hndi, fight for that person kahit gaano ka hirap. I've been there before Jackie and believe when I say it's painful, seeing someone you love is happy with someone else." Umiswas ng tingin si Kuya Gerald sakin ng tumulo ang luha niya.

I hugged him, I can feel the pain and the sadness in his eyes. "Kuya."

"Jackie you are like a little sister to me, I don't want you to commit the same mistake I have committed before because I know how it feels. It breaks your heart into pieces dahil wala ka ng magagawa kundi ang maging masaya para sa kanya at last she found someone who can love and fight for her." He said with full of sadness.

Kumalas ako sa pagkakayap at tumingin sa kanya. "Who are we talking here Kuya?" I asked in curiosity.

Tipid na ngiti lang ang sinagot niya sakin. I wiped his tears and hugged him again.

"Ako ang may problema dito ikaw ang nagdrama."

He hugged me back and creased my arms. "I will always be here for you Jacks."

"Thank you Kuya." I smiled.

"Ate Nhila will be here any minutes hintayin na lang natin."

I nodded.

"Anne, kamusta na si Vice? Sabi ni Vhong pinuntahan mo raw sa bahay?" Tyang Amy asked me.

"Yes po Tyang pero hndi ko siya nakausap kasi sabi ni Bonita ayaw raw magpadisturbo hndi na rin ako nagpumilit pa."

"Na tanong mo ba kung san galing si Vice."

"Opo pero hndi rin alam ni Bonita she told me that Vice went home around six in the morning and he looks like a mess amoy alak pa raw."

"Ano bang nangyayari sa batang yun, bumalik lang galing sa bakasyon nag ka ganyan na. Nak hndi kaya may kinalaman na naman ang Terrence na yun." Tyang Amy said in concerned.

"I doubted Tyang, Vice is over with Terrence noon pa. I have this feeling na may problema sila ni Jackie and not just like a simple problem." At yun ang dapat kong malaman.

Hndi na nagsalita si Tyang Amy, at di nagtagal the other hosts arrived.

"Jackie I'm so sorry sa nasabi ko sayo sobrang stressed ko na kahapon napagalitan ako sa taas because you were not around during the presscon." Saad ni Ate Nhila.

"I'm sorry about that Ate hndi ko lang talaga kayang magpanggap na okay ako."

"It's okay I understand, hndi ko lang talaga alam that Vice found out everything yesterday. Pero Jackie you have to settle things with Vice as soon as possible masisira ang image mo at maaapektuhan ang pelikula niyo." Nag-aalalang saad ni Ate Nhila.

"Ate importante pa ba ang pelikula sa problema ngayon ni Jackie." Kuya Gerald said in annoyance.

"Kuya naiintindihan ko." I hold his hand to assure na okay lang ako.

"Ge I understand her situation, but you know exactly how much money the management invested for this film at kailangan yun ibalik ng pelikula niyo. Three fourth of the movie was shooted in Paris and Finland tapos hndi lang kikita. When this film won't give back their money consider this as your last project invidually at alam mo yan Gerald."

Sasagot sana si Kuya Ge ng pigilan ko siya. "Kuya, I said it's okay." I smiled. "Ate Nhils pasensya na po sa problemang binibigay ko sayo but don't worry I fix my issues with Vice at walang ibang makakaalam nito pangako ko po yan."

"Jackie I'm so sorry, ginagawa ko lang ang trabaho ko and I hope may natutunan ka sa nangyayari ngayon. The day you said yes to their agreement binigyan mo na sila ng rason na kontrolin ka. This is what showbizness all about Jackie."

"Yeah." I nods and sighed heavily.

"So I'll see you tomorrow for your meet and greet with the fans."

"Yes po I'll be there."

"Jackie hatid na kita so can take early rest tomorrow is gonna be a long day." Kuya Ge said at hndi na rin ako tumanggi.

"So Ate we'll go ahead." Kuya Ge said to Ate Nhila at umalis na kami.




"Aaaaaaaahh!" I groaned and massage may head ang sakit ng ulo ko shit the hangover. I reached my phone to check the time.

9:26pm

Ang haba na pala ng tulog ko pero tinatamad pa akong bumangon. Hanggang sa nagreklamo ang mga alaga ko sa tiyan.

"Bonita." Tawag ko ng hndi ko siya makita sa sala.

"Sa wakas gising kana meme grabe 14 hours kang vorloug kinaya mo lang ng walang kain buong araw!" Saad ni Bonita na lumabas galing sa pool area.

"Magpaluto ka ng sinigang na baboy gusto kong kumain." Saad ko, kinuha ang remote at umupo sa sofa. Nilagay ko ang mga paa ko sa center table and rested my back tumingala ako to massage my head again.

"Ang tindi ng hangover mo ngayon? Eh saan ka ba galing ma? sino ba kasama mo nakipag inuman mukhang naparami ka."

"Bonita gawin mo na lang ang sinabi ko kung ayaw mo ikaw ang pagdiskitahan ko ng nararamdaman ko." I said impatiently.

"Eh ano ba kasing nararamdaman mo pwera sa hangover."

Tinignan ko siya ng masama.

"Heto oh aalis na." At naglakad na siya patungong kusina.

*beep*

I reached my phone.

From: Anne Curtis

Sis! I'm heading to your house see you.

Mukhang mas sasakit ang ulo ko nito.

"Thank you for this day Kuya Ge, dapat hatid lang yun eh saan-saan pa tayo napadpad." Natatawa kong saad ng ihatid niya ako sa condo.

"You're always welcome. I just want you to be happy." He smiled.

"And you made me happy." I said and hugged him.

"Okay good night na I'll see you tomorrow." He kissed my forehead.

"See you ingat sa pag drive." At pumasok na ako sa loob.




"10 minutes na lang ma luto na yun." Saad ni Bonita at umupo sa pang isahang sofa.

I was busy reading tweets from my followers who are asking kung bakit 2days na akong absent sa showtime. Nang may mga tweets na kumuha sa atensyon ko.

@angelfernan
OMG! I saw Gerald and Ate girl Jackie in Eastwood 😍 Sila na ba? Kinikilig ako sobrang sweet ni Ge sa kanya! 😍😍

@diana278
I really want to share this pic to all of you. Gerald and Jackie are enjoying the arcade, isn't sweet? 😍

@maileymails
Waaaaaaaah! Nakasalubong ko si Gerald sa lobby ampogi! I thought my condo siya dito pero sabi nung gwardya hinatid lang raw si Jackie. I kennot!

"Bullshit!" Tinapon ko ang remote sa tv at na cracked ang screen nito.

"Jusmiyo! Meme ano nangyayari sayo?" Gulat na tanong sakin ni Bonita, pero hndi ko siya sinagot at tumayo ako sa pagkakaupo at umakyat sa kwarto ko.

*ding dong*

"Hi good evening Bonita." I greeted her pero, mukha siyang problemado.

"Are you okay?" I asked.

"O-Oo hi pasok ka."

"It seems like you didn't expected me come. Hndi ba nasabi sayo ni Vice?"

Umiling siya.

"By the way where is -- oh my gaaad! What happened to." Turo ko sa tv na basag ang screen.

"Yun na nga! Hndi ko alam kung anong problema ni Viceral maayos naman siyang nag cecellphone ng bigla niyang tinapon ang remote at yan ang naging resulta, basag."

"Where is he?"

"Andun sa kwarto niya kanina pa ako nakakarinig ng inggay galing sa kwarto niya hndi ko alam kung ano ang mga binabasag niya. Annie please ikaw na ang kumausap dun." Nag-aalalang sabi ni Bonita.

"Don't worry ako ng bahala." I assured her at umakyat na ako sa taas.

Sumasakit na ang kamay sa pag katok sa pinto pero hndi ito binubuksan ni Vice.

"Sis please open the door masakit na kamay ko."

"Sis."

Hndi pa rin binubuksan ni Vice that's why I decided to asked the spare key of his room.

"May problema ba sila ni Jackie?" Bonita asked me.

"Hndi ko rin alam." I answered.

The moment I opened the door, parang may bagyong dumaan sa loob ng kwarto niya, the pillows and the bedsheet are on the floor, nahulog ang lampshade sa bedside table, yung maliit na bookshelf na bigay ko natumba at nakakalat ang mga libro, basag ang malaking salamin sa dresser, basag na bote ng san mig light, lahat ng mga make-ups niya nakakalat sa sahig.

"Anong nangyari dito?" Wala sa sariling tanong ni Bonita.

"Vice" I called him pero hndi siya lumingon, he was in veranda holding a beer. Lumapit ako sa kanya and I can hear him sobbing hinawakan ko siya sa braso na agad inilayo.

"Leave." He said coldly.

"No. Sis what is happening to you?" I asked in concerned.

"Sabihin mo naman oh, may problema ba kayo ni Jackie?" Humigpit ang hawak niya sa bote.

"Umalis kana muna." Mariin niyang saad.

"No!" I said in higher voice. "Hndi ako aalis --"

"Fuck!" Tinapon niya ang bote sa loob ng kwarto at nagkalat ang bubog nito.

"Pag sinabi kong umalis ka. Umalis ka!" Sigaw niya sa harap ko sa sobrang takot na naramdaman ko umiyak na lang ako. Ngayon ko lang nakita na ganito si Vice yung galit sa mga mata niya parang apoy na nag-aalab.

"Vice ano bang nangyayari sayo?!" Sigaw ni Bonita at nilapitan ako.

Hndi siya pinansin ni Vice pumasok ito sa loob at kinuha ang susi ng kotse niya.

"Sis.....Your hand...is bleeding" Ngayon ko lang napansin na dumudugo ang left hand niya. Tinignan niya lang ito at lumabas na ng kwarto.

"Okay ka lang ba?" Bonita asked in concerned.

I nodded.

Jackie. Ikaw lang ang makakasagot sa mga tanong ko, I thought to myself.







A/N: may nag message sakin last time to change the cover kaso wala akong maipalit @@ kung may mga suggestions po kayo for cover just message me or leave a comment.

30 votes for the next chapter. 😘

Continue Reading

You'll Also Like

193K 14.8K 47
[Under editing]* "Charche nashe ke chal rahe the main zikr teri aankhon ka kr aaya, jab baat sukoon ki chidi main baat...
792K 79.9K 55
3 lives got entangled due to the twisted Destiny...... Vidyut Rajvanshi married his college sweetheart Sanjana and was leading a happy life ......bot...
258K 7.6K 45
စဝ်ခွန်နောင်= မင်းလူသတ်ရင် ကိုယ်ကအလောင်းဖျောက်ပေးမယ့်မဲ့ကောင်ပါ baby Gumkino =ကျွန်မက ပန်းကိုင်ရတာထပ် gunကိုင်ရတာပိုသဘောကျတဲ့မိန်းကလေးတစ်ယောက်မို့ ရှ...
5.4M 485K 98
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...