Chapter 6

684 20 13
                                    

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang lumayo kahit saglit man lang. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho habang paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang mga nangyari kanina hindi ko mapigilan hampasin ulit ang manibela sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Paano nagawa sakin ni Jackie yun! Paano niya ako nagawang lokohin! Paano niya na kayanang saktan ang isang tao na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya! Hindi ko na napigilan ang pag agos ng mga luha ko pinagkatiwalaan ko siya, minahal ko siya tapos ito lang ang igaganti niya sakin! Pinahid ko ang mga luha sa mukha at pinabilis pa ang pag takbo ng sasakyan.

"Oh ano Anne na contact mo na ba?" Galit na tanong ni Direk bobet.

Nagkamot ng ulo si Anne dahil kanina niya pa kinocontact si Vice pero walang nagbago. "Out of coverage area parin ang phone niya."

Pumikit ng mariin si Direk bobet para pakalmahin ang sarili niya. "Wala ba siyang sinabi kung san siya pupunta?"

Umiling naman silang lahat.

"Good afternoon showtime family." maligayang bati ni Ryan ng pagkapasok niya sa dressing room.

Tanging ngiti lang ang naisagot ng mga tao sa loob ng D.R except si Direk bobet na aburido ang mukha.

"May ploblema po ba?" Inosenteng tanong ni Ryan.

"Meron! Yang nanay-nanayan mo umalis ng hndi nagsasabi kung san siya pupunta!" Mariing saad ni Direk bobet.

"Chi mommy Vice ko? Kita ko siya kanina."

"Saan?" Halos sabay nilang tanong lahat.

"Paalis ABS baka may emergenchi kachi bilis maneho niya kotse eh."

"Kung may emergency dapat sinabi niya hndi yung aalis na lang siya ng walang pasabi." Saad ni Direk bobet at padabog na isinara ang pinto.

"May number kaba dyan ni Bonita?" Tanong ni Vhong kay Anne.

Umiling si Anne. "Wala eh."

"Ikaw Ryan?" Tanong ni Vhong.

"Mommy lang ako may number."

"Nak baka si Jackie may number ni Bonita." Sabi ni Tyang Amy kay Anne.

Napatayo naman si Anne. "Tama ka Tyang! Wait puntahan ko lang siya."

"Sandali bat may number si Jackie ni Bonita close sila?" Naguguluhang tanong ni Mariel.

Nagtinginan naman sila Tyang Amy, Anne at Vhong hndi naman nila pwdeng sabihin dahil wala silang karapatan pangunahan si Vice tungkol sa relasyon nito kay Jackie.

"Hndi pero subukan lang natin baka meron. Sige na nak try mo mag tanong." Saad ni Tyang Amy kay Anne.

Bubuksan na sana ni Anne ang pinto sakto naman ang pagbukas ni Jhong.

"Nakita mo si Vice?" Tanong ni Anne.

"Andun ata sa dressing room ni Jackie." Sagot ni Jhong at nagtungo sa mesa. "Sarap ng tanghalian natin ngayon ah." Nakangiting saad ni Jhong.

"Eh sabi nito umalis." Turo ni Vhong kay Ryan.

"Oo nga, sigurado kaba talaga baby boy?" Tanong ni Anne kay Ryan.

"Opo kita ko alis kotse niya." Sagot ni Ryan.

"Never mind." Saad ni Anne at lumabas na ng dressing room nila.

Habang naglalakad ako papuntang dressing room ni Jackie patuloy ko parin tinatawagan si Vice pero hndi ko parin siya macontact. Ano ba kasing nangyari sa sisteret ko na yun kanina naman okay siya tapos nung.... Ayt! Ang oa naman kung nagseselos siya kay Gerald eh alam niya namang trabaho lang yun. Nasa harap na ako ng dressing room ni Jackie kakatok na sana ako ng bumukas ang pinto at iniluwa ang taong hndi ko inaasahan makita sa loob ng dressing room ni Jackie. Close ba sila? Ngumiti siya ng tipid sakin.

What If ❤ (ViceJack)Where stories live. Discover now