Chapter 2

631 21 4
                                    

Vice P.O.V

Nagising ako kinabukasan na sumasakit ang kamay ko, di ko pala namalayan na dumugo ito kahapon dahil sa pag suntok ko sa pader si Bonita pa ang nakapansin nung pag pakarating ko sa bahay, tinalakan pa ako ng bakla bakit raw ako nakipag suntukan sa pader. Haaayst! Inabot ko ang cellphone para mag tipa ng mensahe.

To: MyGirlfriend ❤

Good morning love ko :* kamusta na ang pakiramdam mo? Nakatulog kaba ng maayos?

Sent.

Nanatili akong nakahiga sa kama habang inaalala kung pano kami nagsimula ni Jackie. It started last year Dec. 28, 2017 pero bago pa ang araw na yun napapansin ko na ang kagandahan niya, sa bawat pag abot niya ng katanungan sakin napapatingin ako sa mala'anghel niyang mukha at ang napakaganda niyang ngiti. Pero nung araw na yun hndi ko na napigilan na hndi siya kausapin pakiramdam ko kailangan kong magpapansin sa kanya, sa simpleng kwentuhan, biruan at harutan hndi ko na namamalayan unti-unti na pala akong nahuhulog sa sarili kong laro. February 28, 2018 inimbita ko si Jackie sa bahay I prepared a candle light dinner sa pool area ng bahay ko I surrounded the table with small candles in a heart shape, from the main door of the house to the pool area may naka kalat na red petals for her to follow when she gets in. Ang gusto ko lang nung gabing yun ay maging totoo sa nararamdaman ko bcs when the time I found out what I really felt for her I know it's no turning back. Naamin ko na sa sarili ko na in love ako sa isang babae ni kahit minsan hndi ko inaasahang mangyari. Until the time has come I confessed my feelings for her pero hndi ko inaasahan na pareho pala kami nang nararamdaman dalawa and that's the reason why we decided to make it official without formal courtship. That's why I promised to myself na kahit kami na araw-araw ko parin siyang liligawan at ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

*beep beep*

Binasa ko kaagad ang text.

From: Direk Bobet

Vice can u make it 11:30 today? May ididiscuss ako sayo.

Tss. Akala ko si Jackie na.

To: Direk Bobet

Okay po Direk noted.

Sent.

Alas onse ako dumating sa showtime at dumiretso ako sa studio para tignan kung andun si Jackie ngunit wala ito doon, hanggang ngayon hndi parin niya nirereplyan text ko sobra na akong nag aalala gusto ko siyang puntahan sakanila pero alam kong hndi pa ito ang tamang panahon.

"Hi Ate Vice." Naka ngiting bati sakin ni Madc na umupo sa tabi ko.

"Hi. Ah san nga pala si Ate girl?" Pasimple kong tanong dahil alam ko walang alam si Madc kasi di pa nasasabi saknya ni Jackie ang tungkol samin tanging sila Vhong, Tyang Amy, Karylle at Anne lang ang may alam.

Ngumiti ng parang aso si Madc sakin. "Ayiiiieee si Ate Vice namimiss si Jackie." Sinusundot pa niya ang tagiliran ko. Luh di man lang ako na inform close pala kami? "Nasa Davao po siya Ate Vice."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya sakin. Ayoko na sana mag tanong pero hndi ako mapakali nito pag di ko malaman. "Sa Davao ba siya nakatira?" Tanong ko sknya.

Natawa naman si Madc sa tanong ko. "Sympre hndi andun siya for a couple of days vacay." Saad niya.

"Pano mo nalaman?" Sunod kong tanong.

"Sympre Ate mag kaibigan kami, pero wag mo ng bangkitin sa iba ha kasi ang alam nila may sakit siya." Mahinang saad niya.

Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi niya sakin, nagsisinungaling ba si Jackie sakin? Imposible! di niya magagawa sakin yan. "Sino kasama niya?" Huling taong ko.

What If ❤ (ViceJack)Where stories live. Discover now