HATBABE?! Season 2

By hunnydew

492K 12.7K 7.3K

*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real expe... More

HAT-BABE?! Season 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 37

3.5K 211 202
By hunnydew

Mula nung nalaman namin 'yung tungkol sa aksidente na nangyari kay Mama Louise, sumugod talaga kaming lahat sa bahay nina bespren. Kahit nga si Chan-Chan na--enko kung nagbubuhay-ermitanyo ba--napasama nang 'di oras sa amin. Nakaka-sad nga kasi hindi talaga lumabas nang kwarto si bespren Louie nun eh. Magdamag lang siyang nakakulong sa kwarto niya. Kahit yung mga pagkain na dinala namin ni Chang at inilapag sa labas ng pinto ng kwarto niya, di man lang niya ginalaw. Kaya ako na lang din ang kumain. Kesa naman masira 'no. Sabi ng magulang ko, masamang nagsasayang ng pagkain.

Tas ayun nga, nung nakaburol na si Mama Louise, araw-araw din kaming pumupunta. Dun na nga rin kami nagPasko kaya medyo sad ang Christmas ngayong taon. Pati birthday ko, di na namin masyadong na-celebrate din. Nagdala na lang kami ng pagkain kina bespren. Taon-taon naman akong nagbe-birthday. Mas kailangan ngayon ni Louie ng mga kasama.

Bale, hati pala kaming pumupunta doon. 'Yung mga tanderkats, dun sa burol dumidiretso, kaming mga bagets, sa mansiyon nina Louie. Buti nga di na niya nila-lock yung kwarto niya 'di tulad nung mga nakaraang araw.

Tsaka enko, kahit naman ayos lang kay Chang na siya ang magdrive sa amin ni Mase papunta kina Louie tsaka pabalik sa bahay, nagpumilit si Hiro na siya na lang daw. Madalas talaga, di ko maintindihan ang takbo ng utak non. De sempre, pumayag si Chang dun kasi makakatipid daw siya ng gas.

"Ano palang gusto mong gift, bespren?" tanong niya habang sakay kami nung kotse ni Hiro.

"Para sa Pasko ba 'yan o para sa birthday ko?" nakangising balik-tanong ko. Nabigay ko na kasi sa kanya nung Pasko yung sapatos na katulad nung amin ni bespren. Ayon, di pa raw siya nakakabili ng kahit anong regalo. Minsan talaga, nakakapagtaka at nakakatampo si ChanChan eh. Sobra naman yata niyang dinidibdib ang pag-aaral niya at nakakalimutan na niya kami. Buti nga sumasama siya ngayon eh, kundi nako. 'Di ko na siya bati.

"Grabe naman. 'Di ba pwedeng pag-isahin na lang 'yon?"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Sa tagal ka naming 'di nakita ni bespren Louie, ang dami mo nang utang."

"Sorry na nga eh. Ano, sobrang busy ko lang talaga sa school. Kaya nga babawi ako diba?"

"'Keypayn. Kahit ano naman, ayos lang."

"Baka naman mamaya ako pa ang sisihin mo kapag di mo nagustuhan."

"Luh. Wala naman akong natanggap na regalong di ko nagustuhan ah!" gitla kong puna.

"Wala raw. 'Di mo nga ginamit 'yung pink dress na binigay namin sa'yo noong 7th birthday mo," kwento ni Chang na pinaikutan pa ako nang mata. "Diba, Kuya Mason?"

Habang nagkibit-balikat lang si Mase na nakaupo sa passenger's seat, nagulat na lang ako. Hala. Naalala pa niya 'yon? Ang talas talaga ng memory ng mga besprens ko. Sana mahawa si goldfish memory ko, huehue. "Ginamit ko 'yon. 'Di mo lang nakita," depensa ko. Ginamit ko naman talaga. Minsan nga lang. Tas nung nagkaroon ng donation sa school, dun ko na lang nilagay yung damit. At least magagamit pa ng pagdo-donate-an diba? Kesa mabulok lang sa aparador namin.

"Ano na nga ang gusto mong gift?" pangungulit ni Chang.

"Tsk. 'Di ko nga alam. Kahit ano. Basta 'wag lang pink. Mas iniisip ko nga rin kung ano'ng ireregalo ko kay bespren eh. Yung makakapagpasaya sa kanya kahit konti lang ganun. O kaya 'yung makakapagpa-relax sa kanya."

Humalukipkip si Chan-Chan. "Oo nga 'no. Hmm... gusto mo share na lang tayo? Ano ba ang magandang gift? Mga painting materials kaya?"

"Yun na ang binigay ko sa kanya nung birthday niya. Iba naman."

Sandali kaming natahimik habang patuloy lang na nagmamaneho si Hiro. Pero maya-maya, pumalakpak si ChanChan at sa gulat siguro ni Hiro, napapreno siya't muntik pa kaming singhalan. Pero nung pinanlakihan ko siya nang mata, tumikhim lang siya tas nagmaneho ulit.

"Uso ngayon yung mga aromatherapy," kwento ni Chan.

"Ha? Ano 'yon?"

"Yung aromatherapy, parang air freshener pero mas nakaka-relax yung amoy depende sa oil na gamit. Para kang nasa spa. Masarap matulog kapag nakasindi 'yon. Lalo na kung lavander yung oil."

"Meron ka ba nun sa kwarto mo, Chang? Parang wala naman akong nakita o naamoy nung pumunta ako dun para iwan yung spaghetti."

"Kakabili lang ni Mommy two days ago. Kasi nga lagi akong puyat..."

"Ah, kaya pala. Sasabihin ko sanang na-scam ka dahil parang mas stressed ka," sabi ni Hiro.

Pinanlakihan ko na naman siya ng mata. "Anong sabi mo?"

"Wala, sabi ko bahala na kayo sa gift. Makikihati na lang ako."

"'Di ka pwedeng makihati oy, para sa aming magbespren lang 'yun 'no." Binelatan ko siya. "Magkano pala 'yon, Chang?"

"Two thousand yata, kung 'di ako nagkakamali."

"Ay, ang mahal pala! Sige, Hiro makihati ka na lang din. Ikaw ba, Mase?"

"Ah, sige."

"Ayun! Solb! Apat na tayong maghahati-hati para sa gift ni bespren!"

"Alam ko na rin ang ibibigay ko sa'yong gift, Charlie," natatawang sambit ng katabi ko at nung kumunot ang noo ko, nagpatuloy siya. "Dictionary o kaya thesaurus. Para naman dumami ang alam mong English words."

"Guraaabeee naman! Marami naman akong alam ah. 'Di ko lang ginagamit kasi Pilipino ako. Tangkilikin ang sariling atin, diba?"

"Hooo, lulusot ka pa eh! At akala ko ba hindi ka magrereklamo sa ibibigay ko. Hindi naman pink 'yon ah," depensa pa ni Chan.

"Magsama na rin ako ng isang set ng encyclopedia," sang-ayon naman ni Hiro na ikinatawa din ni Mase.

Hindi pa sila nakuntento, as in talagang pinaliwanag nila sa akin na perfect gift daw yung educational materials para raw tumalas ang isip ko. De sige na nga. Sabagay, sabi naman nina Mama, walang kayamanan ang tutumbas sa kaalaman. Magpaka-henyo na lang ako tulad nina bespren, makikinabang pa ako, 'diba? Tsaka, libre naman nilang ibibigay, tatanggi pa ba ako? Hindi dapat tinatanggihan ang grasya! Kaya thank you pa rin sa kanila, huehuehue.

---

Nung makarating kami sa bahay nina Louie, mga kasambahay ang sumalubong sa amin na umiiling. Ibig sabihin non, hindi pa rin bumababa si bespren. Puro tubig at juice lang din ang iniinom kaya ayon, nangangayayat na. Kawawa naman si bespren.

Dinatnan namin siyang nakahilata sa kama, nakakumot at nakahawak sa remote. Kahit nakasindi yung TV niya sa kwarto, alam kong 'di siya nanonood kasi blanko lang yung tingin ng mga mata niya. Yung parang nakatingin lang sa kawalan.

Sandali kaming nagkatitigan ni ChanChan at nagbuntong hininga.

Pumikit muna ako bago ngumiti nang malawak. "Hello bespren! Ang galing ah, nauubos mo na ngayon yung pitsel ng tubig at saka juice! Very very good ka!" puri ko habang papalapit sa kanya.

Malamlam ang mga mata niya nung tinignan niya ako't tinanguan.

"Ate, dinalhan kita ng oatmeal cookies. Kainin mo naman para hindi yung isa diyan ang umubos," labas sa ilong na sabi ni Hiro na inirapan ko lang.

Umupo ako sa tabi ni Louie tas sa kabilang side naman si ChanChan. Humanap na rin ng kanya-kanyang pwesto sina Mase at Hiro. Ganito kami madalas kapag dinadalaw namin si bespren. Pinipilit magkwentuhan na parang normal lang. O kaya, magmu-movie marathon hanggang sa kailangan na pala naming umuwi. Dadalhin din sa kwarto niya yung pang-merienda at pang-hapunan para sabay-sabay kaming kakain.

Buti nga ngayon, tumitikim na siya. Dalawa hanggang tatlong subo ng kung anong hain. Tapos aayaw na. Dati sisigawan niya kami kapag pinipilit namin siyang kumain o kaya subuan. May araw pa ngang napalabas kami ng kwarto niya eh. Ganun din kapag pinapakita naming nalulungkot kami para sa kanya.

Alam niyo yung naaawa kami pero 'di dapat namin ipakita? Ganun. Ang hirap palang gawin non. Kahit ako nasi-stress. Kasi madalas ginagawa ko nang katatawanan ang sarili ko para lang mapangiti siya eh. Pero ayos lang sa'kin. Basta mapangiti lang namin ulit siya.

"May gusto ka bang puntahang mall o kaya panooring movie?" tanong ni ChanChan. "Para naman may new environment kang mapuntahan, Louie. It's not healthy to stay cocooned in this room. 'Di ka ba nabo-bore dito?"

"If you're bored, you're free to go. Sino bang nagsabing pumunta ka dito?" walang-ganang sagot ni Louie.

"A-ah eh, bespren, ang ibig sabihin ni ChanChan, nami-miss na niya tayong ka-bonding. Kaya nag-aaya siyang lumabas," pagtatanggol ko. "Para naman masuot mo yung iba mong damit. Baka inamag na sa walk-in closet mo." Lagi lang kasi siyang naka-pajama.

"De ikaw magsuot kung gusto mo."

Tahimik na humagikgik si Hiro at gusto ko siyang batuhin ng unan sa totoo lang. "Ikaw daw magsuot. Para di amagin yung mga damit ni ate, i-fashion show mo dito sa kwarto. Baka sakaling matuwa pa kami."

Napaisip ako dun. Sabi ko naman, wala sa akin kung gawin kong katatawanan ang sarili ko basta mapatawa ko si bespren.

"Sige bespren, isuot ko yung mga matagal mo nang 'di nasuot. Tignan mo kung bagay ko ah. Chang, samahan mo ako!"

"Bakit kasama ako? Ikaw lang ang may idea niyan, 'wag mo akong idamay."

"Mas maganda kang bihisan na babae kesa sa'kin, tara na! Kahit isa lang. Damay-damay na 'to."

"Damay-damay pala, ah. Kuya Mase, ikaw din--"

"Ako ang taga-kuha ng picture," sagot ng kapatid kong agad naglabas ng cellphone niya.

"Ikaw--" baling ni Chang kay Hiro.

"Ano, ha?" pagbabanta naman nung isa.

"Okay, fine. Isa lang Charlie ah! At please lang, 'wag niyong ipagkalat kahit kanino. Mas lalong huwag i-post sa social media. For Louie's eyes only!" pagmamakaawa niya kay Kuya Mase na tumango habang tumatawa.

Dahil maayos naman ang closet ni Louie, madali naming nahanap yung mga damit niyang alam kong di niya madalas isuot. Daaah. Yung mga gowns ba araw-araw niyang isusuot? Siyempre hindi. Ang bango nga ng mga damit niya eh. Kahit di niya madalas gamitin. Sa amin kasi, madalas, amoy moth balls yung mga natetengga sa aparador. Actually, kahit yung mga madalas naming isuot, halos amoy moth balls din hehehe, kasi nga para di pamahayan ng ipis.

Walang masyadong effect kay bespren yung unang sinuot namin ni Chan-Chan kahit tawang-tawa sina Mase at Hiro. Parehas na bestida na makapal na mukhang carpet 'yon. Kahit nga naka-aircon yung kwarto ni Louie, pinagpawisan kami ni Chang.

At dahil ang usapan namin ni Chan-Chan ay isa lang ang isusuot niya, tinulungan na lang niya akong magbihis sa mga sumunod. Siya ang namimili kung ano ang isusuot ko. Kaya pati siya halos maubusan ng hininga sa kakatawa.

Humagikgik nang minsan si Louie nung ma-lace na blue na damit ang sinukat ko. Hanggang tuhod ang haba. Tapos pinarisan pa ni Chang nung mataas na sapatos na 'di ko alam ilakad. Muntik pa akong madapa sa carpet. Pero kahit ganun, nabuhayan ako ng loob.

"Mukhang effective, Chang," excited kong sambit. "Pili ka ng mas maganda. Yung mas magarbo ganon."

"Hmm... ito kaya?" Kinuha ni bespren yung isang mahabang gown na kulay itim. At mukhang mas mainit at mas mabigat.

"Bakit parang nakita ko na 'yan? Saan ko nga ba nakita?"

"Victorian ang style nito ah. Pang prinsesa ang tema. Pero bakit itim na itim? Parang nagluluksa? 'Wag na lang kaya ito? Kasi baka mamaya maisip ni Louie na we're grieving with her. Well, we actually are pero--"

"Alam ko na! 'Yan yung suot ni bespren dun sa launch ng Elle Couture! Sige, 'yan na lang!" Yun na yun kasi yung nasa litrato nila ni Mase na naka-display sa sala namin. Kaya hindi ako pwedeng magkamali. Araw-araw ko ba namang nakikita 'yon.

Pero parusa pala ang pagsusuot non. Siyam na layers pala ng damit 'yon! Kaya pala napakabigat! Parang ilang kilo ang nakapatong sa akin!

"Ah, Charlie, parang 'di mo bagay. Walang ano.. Walang shape ang katawan mo..."

"Lakompake kung wala akong shape. Ang importante, mapatawa natin si bespren, okey?"

"Sabi mo eh."

Pagkalabas na pagkalabas namin nung closet, bumulalas na sa tawa si Hiro. Si Mason naman, tumalikod na at tuluyang yumugyog ang mga balikat sa pagtawa din.

Tinunghayan ko si Louie na nakatitig sa akin. "Bespren, hindi ba bagay sa'kin?"

Nagpakawala siya ng impit na tunog.

"Ano 'yon bespren? May sinabi ka?" Lumapit ako sa kanya, habang hawak ni ChanChan yung laylayan nung gown.

Umiling si Louie nang kaunti. Tapos nagtakip ng bibig. Saka bumulanghit sa tawa.

Saglit kaming nagkatinginan ni Chan-Chan. Ito na ang hinihintay namin.

"Teka sandali, hihiram din ako ng bra mo bespren para magka-shape ako ah," agad kong dagdag.

Pagkasabi ko non, mas lumakas ang tawanan nilang lahat. Pero okay lang. Siyempre, momentum 'to. Lulubus-lubosin ko na 'no.

"Diba may tinatanggal dito, bespren? Naalala ko may mga alipores ka noon na nagtanggal nung ilang layers tapos mas maganda yung kinalabasan. Malay natin baka mas bagay sa'kin 'yon."

Mas lalong lumakas yung tawa ni Louie at napahiga pa sa kama. Kaya pati ako natawa na rin sa pinaggagagawa ko.

Pero maya-maya, yung tawa ni bespren, napalitan na ng hikbi. Tapos palakas nang palakas hanggang sa naging iyak na. Kaya natigil na kami sa tawanan.

"Sobrang nakakatawa ka talaga, Charlie. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak," sabi niya sa pagitan ng hikbi. "Pero ayos lang ba kung iwan niyo muna ako, please?"

Kahit sinabi niya 'yon, wala sa aming apat ang gumalaw. Kaya tumayo na lang siya at nagkulong sa banyo.

"Magbihis ka na, bespren," mungkahi ni ChanChan. "I think nagawa naman natin siyang patawanin kahit paano."

Tumango na lang ako kahit nalungkot ako kasi biglang umiyak si Louie. Pakiramdam ko tuloy fail yung ginawa namin.

"Ganun lang talaga siguro. Diba minsan, sa sobrang saya mo, naiiyak ka, ganun din si Louie kanina. Nagtuloy lang sa iyak kasi nagluluksa pa siya. Kinikimkim kasi niya eh. At least ngayon, nailabas niya diba? Mas masama yung tinatago niya."

Sabagay, tama naman si Chan-Chan. Sabi nga nila, baby steps. One step at a time. Makakabawi rin si bespren. Kailangan lang marami kami laging tumulong sa kanya.

---

Hindi na lumabas si Louie sa banyo kahit nung paalis na kami kasi maghahating-gabi na. Dinaanan na lang kami nina Papa para 'di na kami ihatid ni Hiro. Nagpaiwan muna sina kuya para magkwentuhan pa kasama ng mga pinsan ni Louie kaya kami lang nina Mason ang sumama kina Papa pauwi.

Agad kinumusta nina Mama ang lagay ni bespren. Kaya ayon, nagkwento na lang ako kasi sa sobrang antok ni Chang, nakatulog na siya sa sasakyan. Buti nga nagising pa siya para makapasok siya sa bahay nila eh.

Pero pagpasok namin ng gate ng bahay namin, may package na nasa pintuan.

"Tignan mo nga, baka mamaya bomba 'yan," kinakabahang utos ni Mama kay Papa. Hinigit pa niya kami ni Mase para di muna kami pumasok nang bahay hanggang di pa nakikita ni Papa yung kung anuman yung laman ng package na 'yon.

"Regalo kay Charlotte yata ito," sabi ni Papa at kinuha yung card na nakadikit. "Merry Christmas, Happy birthday, Happy New Year, Charlotte. Use it well."

"Mama, akin daw po--"

"Ay hindi. Baka mamaya sumabog 'yan. Ikaw na Pa ang magbukas niyan para sigurado."

Nagkamot ng ulo si Papa bago maingat na binuksan yung package.

Isang scooter ang tumambad sa amin. Yung de pedal ng paa para umusad.

Napatakbo pa ako para sipatin yung scooter. Ayos, may magagamit na ako sa Uste, huehue. Pero kanino kaya galing 'to?


===

Dishoonaree ni Tarlie

*tanderkats o Thundercats = gay lingo ito na tumutukoy sa mga matatanda or adults

===

A/N: Hello hello! Grabe yung dalawang taon kong di na-update ito, hahaha. Sana nandiyan pa rin kayong mga CTAF readers. Nilamon ang mga power ninjas ng adulting life for the past years. Pero sabi naman namin, 'di kami titigil sa pagsusulat. Hiatus lang pero hindi namin iiwang nakatiwangwang ang mga kwento. Glacial-slow pace lang ang usad dahil kailangan din naming buhayin ang sarili namin.

Sa mga patuloy na nagme-message, nagko-comment (kahit demanding at offensive), maraming salamat dahil patuloy niyo pa ring sinusubaybayan ang mga kwento namin kahit tumanda na kayo hahahaha. Tatapusin namin ang mga kwento, tiwala lang. :)

Miss na namin kayo at mahal na mahal namin kayong lahat :)

-Ate Hunny

Posted on 19 August 2018

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...